Captivated By His Enchanted E...

By Abakadazzzzz

127K 2.5K 163

In the Aspen University, a student athlete named, Aria Garcia will meet the nerd, weird, introvert and a clum... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Author's Note

Chapter 53

1.8K 46 1
By Abakadazzzzz

Aria's POV


"Teka lang po," pigil ko sa akmang pag-alis niya kaya tumingin agad siya sa akin at nagtaas pa ng kilay. "Is it their petition or yours?"


"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Nakita ko pang bahagya siyang napangisi sa tanong ko. Kinakabahan man, sinubukan ko pa ring itanong ang kung anong pumasok sa isipan ko sa mga oras na ito.


"I'm sorry Lord Peterson but I don't mean to judge you kaso po you are creating something on my mind. You are the father of Lady Ylona. If she will be the Queen, you will get the higher position in the government, right?"


"You're saying that I'm doing this because I wanted that position?" Nagugulat na tanong niya.


"We all have our desires, Lord Peterson. Other's are striving for success while you...." nilakasan ko na talaga ang loob ko. Ayokong magpatalo. "You are striving for superiority." maglalakad sana siya papalapit sa akin nang bumukas na ang napakalaking pintuan at bumungad doon ang hinihingal na si Prince Luke kasama si Lady Ylona at ang mga kaibigan ko.


"Hey, are you okay?" Niyakap agad ako ni Luke at napansin ko pa ang pagtingin niya sa buong katawan ko kaya natawa na ako. "H-hey,"


"Okay lang ako," Tipid na ngiti na sabi ko pero mukhang nabasa ng prinsipeng ito ang totoong emosyon ko dahil sumama agad ang tingin niya kay Lord Peterson na mukhang kinakausap din ni Ylona. Ang pinagkaiba nga lang, galit si Ylona.


"What did you do?"


"Your royal highness,"


"I'm asking you," Madiin na sabi ni Luke kaya hinawakan ko na ang braso niya kaso galit talaga siya. "What did you do?"


"I gave her some advice. She need that."


"And who the hell are you to do that?"


"Prince Hayden," Awat agad ni Royal attendant Jeff dahil nga sa ginamit na word ni Luke. Nakita ko pa ang lihim na pagngisi ni Lord Peterson bago muling nag-angat ng tingin sa amin.


"I just told her the right things here in Arpazia. As one of the representative of your royal family, I should protect you and our people."


Napangiti naman agad si Luke. Medyo kumalma na. Minsan talaga hindi ko mabasa ang emosyon niya. Paiba-iba. Naguguluhan ako. "Thanks for your concern Lord Peterson but I know what's better for my country."


"Really? Then for sure you already made your mind because you saw the petitions came from our people?"


"First of all, that's MY people," Maawtoridad na sagot ni Luke. Sa mga oras na ito, masasabi kong Prinsipe nga talaga siya. Kalmado na at mukhang pinag-iisipan ang mga sasabihin. "They have questions, of course. But isn't it normal to have questions especially when were having a new set of representative in a royal family? I mean, they just can't trust as soon as they see us. They always look for the things that a person can do, a things that can benefit them and their country. So, it's understandable for them to submit a petition."


"Think what you wanted to think your highness."


"Since you already said that... I find it weird that you even called my girlfriend here just to discuss something like that. This is the property of the royal family. You know that only the royals can come in here. Hmm... seems like you're already using your power just to make YOUR things in order."


"It's a misunderstand——"


"I'll gladly thank you if you're not gonna do this again, Lord Peterson. Protect yourself as much as you wanted to protect your said country." Isang ngiti pa ang ibinigay niya bago niya hinawakan ang kamay ko at naglakad na kami palabas.


"Dad, I can't believe you." Rinig ko pang sinabi ni Ylona bago kami tuluyang makalabas ng pintuan na yun. Sabay-sabay pang yumuko ang mga royal guards na nakahanay dito sa labas nang makita kami.


Sa sasakyan namin sumabay si Luke. Tahimik talaga kaming lahat dahil halatang mainit ang ulo niya. Isa yan sa napapansin ko nitong mga nakaraang araw. Parang problemado talaga siya. Ayaw niyang sabihin sa akin kung ano ang problema.


"Hey, I'm fine." Nakuha ko ang atensiyon niya kaya ngumiti siya sa akin ng tipid.


"Sabi ko na nga ba at may masamang balak yun eh. Sa itsura palang alam mo ng hindi katiwa-tiwala." Nakangiwing sabi ni Kohen. "Pero yung petetion, totoo ba yun?"


"Yes." Diretsong sagot ni Royal attendant Jeff. "But it's normal for them to do that. Every time na may namumuno dito sa Arpazia ay marami talagang ganiyan."


"Pero yung issue po hindi ba ay tungkol kay Aria?" Napatingin ako kay Jasmine nang sabihin niya yan. "Akala ko ba ay ayos na sa kanila na si Aria ang magiging reyna? Bakit gumulo na naman? Halos mag-iisang buwan na nga kaming nandito tapos bigla silang aayaw."


"Jasmine," awat ko agad dahil nagrereklamo na naman siya. Baka kasi kung ano rin ang masabi niya.


"Ang weird lang kasi na kung kailan malapit na ang coronation night, tsaka pa sila nagkaganiyan. Edi sana nung una palang nagsabi na sila na ayaw nila ng ibang reyna para sana umalis na tayo dito. Dalawang araw nalang coronation night na. Nakakainis." Tinapik na ni Sophia si Jasmine na inirapan lang siya. Nakukuha ko naman ang punto ni Jasmine kaso mas pinili ko lang din na manahimik nalang dahil alam kong pinoproblema ni Luke yun. Ayokong dagdagan yung bigat na nararamdaman niya.


Nakarating kami sa palasyo nang hindi nagsasalita ang mga kaibigan ko. Dumiretso agad sila sa mga kwarto nila kaya nilingon ko na si Luke na papasok din sana sa kwarto ko. "Wala ka bang pupuntahan?"


"I can cancel that."


"Para sa akin?" Nakangiti kong sabi at bahagyang hinaplos ang pisngi niya. "Hindi na kailangan. Tapusin mo nalang ang schedule mo ngayon para makauwi ka ng maaga mamaya. May kailangan din akong aralin na libro na ibinigay ng mga royal tutor. Ang dami kasi talaga nun."


"Okay." Nakangiti niyang sabi kaya naglakad na ako papunta sa loob at isasara na sana ang pintuan ng tawagin niya ako. "Aria,"


"Hmm?"


"I'm sorry," Emosyonal akong ngumiti sa kaniya at tumango bago tuluyang isinara ang pintuan. Naiiyak ako pero hindi ako makaiyak. Hindi ko rin alam kung ano ba itong nararamdaman ko.


Napatingin agad ako sa laptop ko nang makitang may tumatawag dito. Umupo ako sa tapat nun at sinagot ang tawag kung saan bumungad sa akin si Mama at Papa.


"Anak, miss ka na namin." Nakangiting sabi ni Mama sa akin.


"Miss ko na rin po kayo."


"Umuwi ka na nga dito para may kasama akong kumain ng mga street foods anak. Iniiwan kasi ako ng mama mo." Reklamo ni Papa kaya bahagya siyang hinampas ni Mama sa braso na ikinatawa ko agad.


"Talagang nagsumbong ka pa sa anak mo ha."


"Aba, matagal ko rin kayang hindi nakausap ang prinsesa ko kaya malamang sasabihin ko yun." ang cute talaga nila tingnan. Hanggang ngayon natutuwa pa rin ako sa love story nila Mama. Ang alam ko kasi ay marami daw silang pinagdaanan bago magkaroon ng isang buong pamilya. Hindi man detalyado ang kwento nila pero ramdam ko ang emosyon sa bawat salitang binitawan nila nang sabihin sa akin yun.


"Gusto ko na umuwi diyan...." Nakangiti kong sabi na nakakuha ng atensiyon nilang dalawa. Sabay pa silang natahimik. "Uwi na kaya ako?"


"May problema ba?" Tanong ni Papa dahil tumayo saglit si Mama nang may kumatok sa pintuan ng bahay.


"Pa... anong gagawin ko? Ayokong makasakit ng tao." Emosyonal na sabi ko at pinunasan agad ang luha ko. "Gusto kong tumakas at iwan nalang ang lugar na ito pero ayokong saktan si Luke at ang pamilya niya. Ayokong dumating sa punto na kailangan nilang mamili kung ako ba o ang mga tao na pinamumunuan nila."


"Anak,"


"Ganito ba talaga kahirap, Pa? Dapat ba maranasan ko muna yung ganito? Kasi ang bigat eh. Dahil sa isang desisyon na ginawa ko pakiramdam ko ang daming nabago. Ang daming nawala sa pwesto." Halos hindi ko na namalayan na sunod-sunod na pala ang pagtulo ng luha ko. "Nagmahal lang naman ako ah... pero bakit parang ang hirap?"


"Sabihin mo sa akin, anong problema? Tungkol ba yan sa coronation day sa susunod na araw?"


"Opo. Kinakalaban na ng royal family ang council at ang mga tao dito sa Arpazia dahil ayaw nila akong maging reyna ng lugar na ito." Yun ang alam ko ngayon. Puro speech ang ginagawa ni Luke na magtiwala sa kaniya ang mga tao. Kahit ang Queen at King ay yun ang ginagawa. Nahihiya na ako. Ang dami ko na rin kasing nakikita sa social media na tungkol sa news na yun. Kalat na kalat na siya sa buong mundo.


Wala daw karapatan na maging reyna ang isang normal na tao na kagaya ko.


Kayamanan lang daw ng royal family ang gusto ko.


"Gusto kong sabihin na ayaw ko na sa lugar na ito pero alam kong hindi yun totoo. Gustong-gusto ko dito. Pero natatakot ako." Muli kong pinunasan ang luha sa mga mata ko at tumingin sa kanilang dalawa na ngayon ay emosyonal na rin na nakatingin sa akin ngayon. "Kasi pakiramdam ko hindi naman ako para dito. Hindi ako nababagay sa lugar na ito."


"Anak, huwag mong sabihin yan," Sagot agad ni Papa. "Kung may isang tao na dapat maging reyna sa lugar na yan, ikaw dapat yun. Tandaan mo yan, okay?"


"Tama ang papa mo, anak. Kaya huwag ka na umiyak, hmm?? Nandito kami. Kami ang unang taong naniniwala na kaya mong pamunuan ang lugar na yan. Knowing your abilities? You can do it." Umiiyak na sabi ni Mama kaya sunod-sunod na rin ang paghikbi ko. "Hindi kita pinalaki para maging mahina, anak. You are born to lead a country. So, don't think too much. Kung nasaan ka ngayon, doon ka talaga. Hindi ka naman ilalagay sa pwesto mo kung sa simula palang wala ka ng abilidad na gawin ang isang bagay."


"Pero paano po yun——"


"Just prove them wrong, anak. We trust you. Alam kong kaya mo yan." Nakangiting sabi ni Mama at bahagya pang pinunasan ang luha niya.


"Basta anak sa coronation day, after makoronahan ni Luke, ikaw naman ang susunod. Just be yourself. Don't be nervous. I know you can do it. We believe in you." Dahil sa mga salitang ibinigay nila Mama, nagkaroon ako ng panibagong lakas para lumaban sa lugar na ito.


Lumipas ang isang araw at naging mas lalo pang tahimik ang buong palasyo. Halos hindi ko na rin makausap si Prince Luke dahil nga araw-araw siyang may pinupuntahan. Bukas na ang coronation night. At kahit hindi ko sabihin, alam ko sa sarili kong kinakabahan talaga ako.


"Bakit ba kailangan nakaface mask tayo?" Nakangiwing tanong ni Kohen habang naglalakad kami dito sa Plaza. "Ano ba talaga ang ginagawa natin dito?"


"Malamang mag-iinterview!"


"Interview, para saan?" Tanong naman ni Mav ngayon. Nandito kasi kaming lima sa plaza. Hindi naman masiyadong maraming tao pero natatakot ako.


"May masama kasi siyang kutob tungkol doon sa mga nagrarally sa harapan ng palasyo. Pakiramdam daw niya ay kagagawan yun nung tatay ni Ylona para tuluyang pababain si Aria." Pagpapaliwanag ni Sophia na nakakuha ng atensiyon ko.


"Basta malakas talaga ang kutob ko na ganon ang nangyari. Maayos naman ang lahat nung una. Walang problema kahit hindi naman ganon kayaman si Aria o nagmula man siya sa Vinsant. Ngayong malapit na ang coronation day tsaka naglabasan ang mga punyetang ito. Nakakapagtaka lang."


"Hindi niyo naman kailangang gawin yan." Sabay-sabay silang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko.


"Ay hindi! Mag-iinterview ako noh! Para naman may magawa ako para sayo!" Nakasimangot na sabi ni Jasmine at kinuha ang papel na hawak ni Sophia at naglakad na paalis. Papel kasi yun na lalagyanan ng pangalan ng mga taong okay na ako ang maging reyna ng lugar na ito.


"Tama si Jasmine. Ito nalang yung kaya naming gawin para maprotektahan ka at ang royal family. Lalaban tayo." Nakangiting sabi naman ni Kohen at naglakad na rin paalis. Naiwanan akong mag-isa sa pwesto ko dahil parang hindi pa rin nagsink in sa utak ko ang nangyayari ngayon.


"Doon ka muna sa cafe doon oh! Hintayin mo kami." Turo ni Sophia sa isang cafe.


"Pero tutulung——"


"Ay hindi namin kailangan ang tulong mo. Magpahinga ka doon at mag-isip kung paano ka haharap sa council bukas." Tulak niya sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang pumunta dito sa cafe. Nag-order lang ako ng isang kape bago umupo sa isang upuan. May mga books din dito about sa royal family at sa council kaya kumuha ako ng ilan at nagbasa.


Hindi ko maiwasang hindi matawa nang makita ang picture ni Luke noong bata pa siya. Dito ata ito sa plaza at ngiting-ngiti ang prinsipe sa mga tao na nasa harapan niya. Simula talaga nung bata pa siya ay halata ng matalino siya.


Nandito rin ang mga impormasyon patungkol sa kanila. Hindi ko na masiyadong binasa dahil alam ko naman na. Ang sumunod na pahina ay patungkol naman sa mga tao sa council. Nakita ko doon ang tatay ni Ylona. Marami na rin pala siyang nagawa kaya ganon nalang siya galangin ng mga tao dito. Ewan ko lang kay Luke.


Sa pinakalikod na page ay ang impormasyon patungkol sa pinakamataas na council na si Lord Jodan Gunnary. Scary naman nung name. Parang ang taas niya talaga.


He served the royal family for about 67 years?????? Ganon na katagal???? Jusq!!


Ang dami niya ring naipasa na batas. Wow! But sadly, his wife died 25 years ago. Ang tagal na rin. Ibig sabihin namatay ang asawa niya nang hindi nakita ni Luke? Kasi 24 palang si Luke eh.


Nagbasa pa ako ng nagbasa ng mga impormasyon niya at isang bagay ang nakakuha ng atensiyon ko.


Lord Jodan Gunnary's only child - Dacian Ario Gunnary.


Ario???

Continue Reading

You'll Also Like

33.4K 593 51
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
4.4K 199 28
Ako si Maria, isang manghuhula.. Ngunit hindi ko inaakala na... Hindi lang ako manghuhula. Published: 1-3-19
1.7K 67 34
People say that first love never really goes away-it never dies, and she's living proof that they are indeed right. She couldn't forget him, even aft...
104K 4.7K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...