My Sweet Little Monster

By irshwndy

3.3M 156K 29.4K

While walking home from school, Raven had the feeling she was being followed. Nervous and scared, she saw an... More

READ THIS FIRST
PROLOGUE
Chapter 1: Closet Finds
Chapter 2: Strange Stranger
Chapter 3: What Are You?
Chapter 4: Beast Encounter
Chapter 5: Dealing With a Monster
Chapter 6: Needs and Deeds
Chapter 7: Monsters Are Everywhere
Chapter 8: Long Lost Enemy
Chapter 9: Master and Pet
Chapter 10: K-I-S-S-I-N-G
Chapter 11: One-on-One Lessons
Chapter 12: Uneasy Emergency
Chapter 13: M-I-S-S-I-N-G
Chapter 14: Chains and Cuffs
Chapter 15: Baby, Please Don't Eat Me
Chapter 16: Back in Bed
Chapter 17: Lovers' Quarrel
Chapter 18: You're a Hot Mess
Chapter 19: Closet Finds 2.0
Chapter 20: Yes, Master
Chapter 21: Wings and Meanings
Chapter 22: I Must Be Dreaming
Chapter 24: Flightless
Chapter 25: Oh, Baby Deer
Chapter 26: I Command You
Chapter 27: Pet's Playroom
Chapter 28: A Different Kind of High
Chapter 29: Amuse Me
Chapter 30: Crave For You
Chapter 31: Can I Take a Peek
Chapter 32: Turn Me On
Chapter 33: Alab-Lawin
Chapter 34: Prisoner
Chapter 35: Exposed
Chapter 36: Ripped
Chapter 37: Signs and Signals
Chapter 38: Ssshhh
Chapter 39: Ssshhh Part 2
Chapter 40: The Lord of Monsters
Chapter 41: Diavlo
Chapter 42: Save Our Souls
Chapter 43: Poisonous Love
Chapter 44: The Condition
Chapter 45: The Consequence
Chapter 46: Feather
Chapter 47: Sunday Afternoon
Chapter 48: Honeymoon
Chapter 49: Dinner is Served
Chapter 50: Take Me Tonight
Chapter 51: Let's Get This Party Started
Chapter 52: Bloody River
EPILOGUE
AUTHOR'S ANNOUNCEMENT 🖤
FACEBOOK GROUP ANNOUNCEMENT

Chapter 23: Don't Touch Me

50.4K 2.6K 520
By irshwndy

"Mmm..." I moaned in my sleep. I can feel something ticklish. "Mmm?" I laughed softly. After a few more moans, I felt something wet.

Wet? Huh? Napabangon ako bigla nang mapagtanto ang nangyayari.

"Good morning, sweet lady."

"Train! Ano'ng ginagawa mo?"

"Nagkasugat ka sa tuhod. It won't stop bleeding kaya naman nililinis ko."

"Sugat?" Oo nga pala, natalisod ako kahapon. "Teka, pa'no ako nakabalik sa bahay?"

"I searched for you. Nahanap kita sa kabilang bayan. Ano nama'ng ginagawa mo ro'n?"

"N-Naligaw lang," dahilan ko. Ang totoo niyan ay dahil sa kakaisip sa'yo.

"Well, at least I found you safe." He continued licking.

"So, I guess my knee would serve as your breakfast?" taas-kilay kong tanong.

"Yup. Best breakfast ever."

I smiled a bit and decided to tell him about his wings. "Train, may kailangan kang malaman—"

"Raven!" hiyaw ng step mom ko habang tumatakbo palapit sa kama. "We were so worried!"

Nakita niya kaya kami ni Train na nagdidilaan? Pagtingin ko sa binti ko, wala na pala ang alaga ko.

"Sa'n ka ba nagpunta, anak?" Bumalik ang atensyon ko sa nanay ko. "Kung alam mo lang kung gaano kami kinakabahan ng tatay mo kagabi."

"Salamat, Ma. Pero nahanap naman po ako ni Train eh," pakalmang sabi ko sa kaniya.

"Train?" Biglang nagbago ang tono ng kaniyang boses. "I'm thankful na inaalagaan ka niya, pero I still don't trust him."

Dahan-dahang bumakas ang lungkot sa'king mga mata. "Sige po, Ma. Inaantok pa po ako, eh."

"Sige, iwan na kita. Bye Rae," aniya sabay halik sa'king noo.

Pagkaalis niya sa kuwarto ay lumitaw na ulit si Train sa tabi ko. "Are you okay, Master?"

I nodded. Tiningnan ko ang mahal kong alaga at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi. I never want this monster to be away from me.

"Master, what were you trying to say a while ago?" paalala niya. "'Di ba may gusto kang sabihin?"

"Ah! 'Yon ba? W-Wala pala!"

'Di ko alam kung pa'no ko sasabihin sa kaniya ang nalaman ko kay Drey. Kapag sinabi ko sa kaniya na ang ibig sabihin ng mga pakpak niya ay dahil nagmamahal na siya, paano na lamang kung sabihin niya sa'kin kung sino ito?

Baka habang nasa school ako, may kinikita pala siyang iba? Baka kapag bumibisita siya sa mataas na builing na pinuntahan namin, may lagi pala siyang pinagmamasdan na babae. Hindi ko yata kakayanin na malaman ang mga 'yon.

Hay, Raven. Bakit ba masiyado kang natatakot sa puwedeng sabihin ni Train?

***

Lumipas ang ilang oras at malapit na ang paglubog ng araw.

"Raven!" Narinig kong tumawag si Papa. "Halika rito sa baba!"

Pagkababa ng hagdanan, nakita kong nagluluto pala sila at naroon din si Train na tumutulong. Seeing him made me blush.

"Hi, Raven!" Lumingon siya sa'kin at napaiwas naman agad ako ng tingin.

"Uhm, bakit niyo po ako tinawag, Papa?"

"Gusto kong tulungan mo kami sa pagluluto. Bonding tayong tatlo!"

"Ano po ba'ng maitutulong ko?" Lumapit na ako sa kanila.

Tumabi sa'kin si Train. "Raven! Tulungan mo 'kong hiwain 'tong veggies!"

Lumayo ako sa kaniya. Palagi rin akong umiiwas sa tuwing magtatama ang mga kamay namin.

"Kumusta na sugat mo?" Ang lapit ng mukha ni Train kaya nagulat ako.

"Okay na. Salamat," I answered in a serious tone.

"Parang ang sungit mo yata ngayon?"

"W-Wala 'to." I looked away.

A sudden scream from my father broke our awkward silence. "Ubos na pala 'yong mantika! Raven, bumili ka nga sa grocery."

"Ako na lang!" Train volunteered.

"Mabuti pa, samahan mo na lang si Raven," utos ng tatay ko.

"Dad! Kaya ko na pong mag-isa!" reklamo ko.

"Sige na, bilisan niyong dalawa."

***

I was sighing all the way to the grocery. Parehas kaming naglalakad ngayon ni Train sa kalsada. Habang nasa daan, napansin kong tila kulay kahel ang paligid dahil sa papalubog na araw.

"Raven, malapit na pala ang sunset. Gusto mo bang panoorin natin?" yaya ni Train nang nakangiti.

"Uh, kahit wag na," iwas kong sagot.

"Raven, may problema ba?" He stopped walking.

Saktong-sakto, katapat namin ngayon ang araw na dahan-dahang lumulubog kasama ng mabigat naming damdamin.

"Raven, pansin ko lang na parang umiiwas ka yata sa'kin."

"H-Hindi ah." Nakatingin ako sa gilid.

Lumapit siya sa'kin at sinubukang hawakan ang pisngi ko. "'Wag mo 'kong hawakan!" I yelled.

"R-Raven?"

I pinned my eyes on the floor in front of me. Ayaw kong tumingala dahil baka maiyak na lang ako kapag nakita ang nag-aalalang mukha ni Train.

"I'll listen. Tell me," he whispered softly. "Bakit ka umiiyak?"

Kasabay ng pagbagsak ng araw ay ang pagbagsak ng aking mga luha. "Train, hindi ko na kasi kaya, eh." Huminga ako nang malalim at napakagat ng labi. "I... I..."

Tumingin ako sa kaniya na may namumugtong na mga mata. "I think I like you, Train."

***

I immediately covered my mouth. What the hell did I just say?

"Ah, eh, ano..." I stuttered. "Grabe, ano ba'ng pumasok sa isip ko? Bakit ko biglang nasabi 'yon? Hahaha!"

Napayuko si Train at lumungkot ang mga mata niya. "I-I don't think you should."

I felt my heart crash. "Ha?"

He looked at me straight in my eyes. "I don't think you should."

"W-Why not?" kunot-noo kong tanong. I walked towards him and grabbed his shirt with both hands. "Answer me!"

Hindi siya makatingin sa mga mata ko. "I'm afraid I'll just hurt you, Raven."

"What? So all those flirting, all those shit, they meant nothing to you?" marahas na singhal ko. I started to cry harder.

"I told you before, those only served as my sustenance... In order to survive, monsters have to—"

"Tama na!" I cried. "Tama na, please." Pinakawalan ko siya at sinampal nang malakas. "You were just using my body, as a source of strength, that's it?"

Sa sobrang galit ay sinampal ko ang kabila niya pang pisngi. "So kahit sino ay basta mo na lang hahalikan para hindi ka magutom, gano'n? Our good morning hugs, our good night kisses, all those were just your meals for the day?"

"Sorry, Raven. Hindi ko alam na, na..."

"Na iba na pala ang dating sa'kin?" I scoffed. "Well, I'm not a monster like you!" I pushed him hard. "I never want to see you again!"

Tumakbo ako nang mabilis pabalik sa bahay.

***

I banged the door close and headed straight to my room.

"Raven? Bakit mag-isa ka lang bumalik? Nasa'n na si Train?" My dad was shocked to see me. "Nasa'n 'yong mantika?"

"Wala po akong kilalang Train!" I locked my door and cried my heart out.

'Monsters grow wings when they're in love.' Kung totoo ang sinabing iyon ni Drey at tinanggihan ako ni Train kanina, ano ang ibig sabihin no'n?

I continued crying until night. Hindi na rin ako kumain ng hapunan. I remember what I told him earlier. 'I never want to see you again!'

Nasaktan ako sa sarili kong mga salita. Totoo nga ba? Ayaw ko na nga ba talaga siyang makita?

Continue Reading

You'll Also Like

430K 6.2K 24
Dice and Madisson
98.2K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
31.1K 303 37
Let my poetry drive you to an engaging ride in my mind to discover my unspoken thoughts.
1.5K 101 16
Isla is known as a good daughter of Foresia and Simon, hindi rin s'ya nananahimik kapag alam n'yang s'ya ang tama. One day, she discovered the desser...