Become My Daughter's Nanny

By palibhasa_pusa

8M 196K 15.1K

Hindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mo... More

Prologue
BMDN Chapter 1
BMDN Chapter 2
BMDN Chapter 3
BMDN Chapter 4
BMDN Chapter 5
BMDN Chapter 6
BMDN Chapter 7
BMDN Chapter 9
BMDN Chapter 10
BMDN Chapter 11
BMDN Chapter 12
BMDN Chapter 13
BMDN Chapter 14
BMDN Chapter 15
BMDN Chapter 16
BMDN Chapter 17
BMDN Chapter 18
BMDN Chapter 19
BMDN Chapter 20
BMDN Chapter 21
BMDN Chapter 22
BMDN Chapter 23
BMDN Chapter 24
BMDN Chapter 25
BMDN Chapter 26
BMDN Chapter 27
BMDN Chapter 28
BMDN Chapter 29
BMDN Chapter 30
BMDN Chapter 31
BMDN Chapter 32
BMDN Chapter 33
BMDN Chapter 34
BMDN Chapter 35
BMDN Chapter 36
BMDN Chapter 37
BMDN Chapter 38
BMDN Chapter 39
BMDN Chapter 40
BMDN Chapter 41
BMDN Chapter 42
BMDN Chapter 43
BMDN Chapter 44
BMDN Chapter 45
PATIKIM
BMDN Chapter 46
BMDN Chapter 47
BMDN Chapter 48
BMDN Chapter 49
BMDN Chapter 50
BMDN Chapter 51
A/N
BMDN Chapter 52
BMDN Chapter 53
BMDN Chapter 54
BMDN Chapter 55
BMDN Chapter 56
BMDN Chapter 57
BMDN Chapter 58
BMDN Chapter 59
BMDN Chapter 60
BMDN Chapter 61
BMDN Chapter 62
BMDN Chapter 63
BMDN Chapter 64
BMDN Chapter 65
EPILOGUE
announcement

BMDN Chapter 8

104K 3.1K 193
By palibhasa_pusa

"Ingatan mo ang anak ko."

Sabi ni Spencer bago kami bumaba ni Kisza ng sasakyan. Nasa tono ng boses nya ang pag babanta. Alam kong normal lang na mag alala ang magulang para sa anak nila, kaya gusto kong patunayan sakanya na ligtas sa kamay ko si Kisza.

"Daddy, wag mo na ngang awayin si Ate Nina. Bye na po, I love you" paalam ni Kisza kay Spencer saka ito hinalikan sa pisngi. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Spencer sa anak ko dahil lumabas ma agad ako ng sasakyan. Pero masaya si Kisza ng lumabas sya ng kotse.

Humawak sya sa kamay ko ng papasok kami sa gate. Nginitian ko naman ang guard na mukhang namukhaan ako.

"Kisza!"

Napalingon kami ni Kisza ng tumawag sakanya. At nakita ko ang isang poging bata na tumatakbo papunta samin.

"Elijah!"

"Sya ba ang Mommy mo?" Tanong ng hinihingal ng batang lalaki na tinawag ni Kisza na Elijah.

"Oo sya nga, ang ganda nya no?"

Napatingin ako kau Kisza na sabihin nya iyon. Alam kong mali pero ang saya ko ng sinabi nya iyon, ng sinabi nya sa kaibigan nya na ako ang mommy nya. Tumingala sakin si Kisza at kumindat.

"Oo, magkamukha nga kayo eh."

Sabi ni Elijah na ngayon ay nakatitig sakin. Masyado bang halata ang pagkakaparehas ng mata namin ni Kisza?

"Talaga? Sabi ko naman sayo maganda ang Mommy ko ayaw mo lang maniwala eh" masayang sabi ni Kisza saka muling humawak sa kamay ko.

Ang sarap pala sa feeling pag yung anak mo mismo yung pumuri sayo. Yung proud sya sayo kahit na hindi nya alam ang koneksyon nyo sa isa't- isa.

"Elijah!"

Nakuha ang atensyon naming tatlo ng lalaking tumawag kay Elijah. Katulad ni Sir Spencer ay matikas din ang pangangatawa ng lalaki, halatang nakakaangat sa buhay base sa itsura nito.

"Lagi ka nalang nawawala. Masyado kang malikot"

Sabi ng lalaki kay Elijah saka ito piningot sa tenga. Pingot na parang ama na nag lalambing sa anak nya.

Tawa ng tawa si Elijah dahil mukhang nakikiliti sya sa ginagawa ng lalaki. Kaya pati si Kisza ay nakikitawa ba rin.

"Tama na Papa"

Natatawang sabi ni Elijah sa lalaki, na Papa nya pala.

"Hi tito Jiro"

Napatingin samin ang Papa ni Elijah. Nag tagal ang tingin nya sakin bago bumaling kay Kisza na nasa tabi ko.

"Kaya pala biglang nawala si Elijah, nakita ang crush nya" natatawang sabi ng Papa i Elijah.

Natawa ako ng nakita kong namula ang mukha ni Elijah. Kaya nakuha ko ang atensyon ng Papa nya. Ngumiti sya sakin kaya nginitian ko rin sya.

"Tara na nga Papa. Mag uumpisa ng mag turo si Teacher" sabi ni Elijah saka hinatak ang Papa nya. Umiling iling naman sya sa inasta ng anak nya. Pero bago umalis ay mag paalam muna sya samin ni Kisza.

"Tara na anak?"

Huli na ng mapag tanto ko ang sinabi ko. Nakatingin lang sakin si Kisza na mukhang nabigla rin sa narinig. Pero ilang sandali lang ay ngumiti din sya, ngiti na alam mong masaya talaga sya.

Hinatid ko sya hanggang sa room nila at sinabi ko na hihintayin ko sya sa labas ng room. Pumayag naman sya pero bago pumasok sa loob ay hinalika nya muna ako sa pisngi.

Huminga ako ng paulit-ulit para pigilan ang namumuong tubig sa mata ko. Ang sarap sa pakiramdam, akala ko hindi ko mararanasan maging ina sa anak ko, na hindi ko mararanasan ang ganitong pangyayari.

"Hey, okay kalang?"

Napatingin ako nag salita. At nakita ko ang papa ni Elijah na ilang hakbang lang ang layo sa kinauupuan ko. Tumango ako bilang sagot sa tanong nya.

"Pwedeng umupo?"

Natawa ako sa tanong nya. May mga lalaki pa palang ganito, akala ko lahat ng mayayaman katulad ni sir Spencer.

"Oo naman"

Pareho kaming tahimik, nakatingin lang ako sa saradong pinto ng room ni Kisza.

"Ang sabi ni Elijah ikaw daw ang Mommy ni Kisza?"

Napatingin ako sa papa ni Elijah ng mag salita ito. Nakatingi din sya sakin at mukhang hinihintay ang sagot ko.

"Nanny nya lang ako"

Sagot ko saka nag iwas ng tingin sakanya. Naiilang ako, naiilang akong tumingin sa gwapo nyang mukha.

Naramdaman kong sumandal sya sa upuan na inuupuan namin.

"Si Raquel sya ang Mommy ni Kisza diba? " Sabi nya tumango ako bilang sagot.

"Naging schoolmates ko sya nung high school sayang nga lang at ang aga nyang namatay."

Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi nya.  Gusto kong tanungin kung bakit namatay si Raquel pero pinigilan ko ang sarili ko dahil unang una hindi kami close at saka nakakahiya baka mag mukha akong chismosa pag nag tanong ako kaya nanatili akong tahimik.

"Pero alam mo kung hindi ko kilala si Raquel iisipin kong ikaw ang Mommy ni Kisza. May pag kakahawig kayo." Sabi nya. Napangiti ako akala ko sa ama lahat ni Kisza nakuha ang lahat pero mukhang may makuha rin sakin dahil may nag sasabi na may pag kakahawig kami.

"Kayo rin naman ni Elijah ah mag kamukha kayo. Saka para kayong mag kapatid lang" sabi ko saka tumingin sakanya. Nakangiti sya kaya kitang kita ko ang dimples nya, ang tangos ng ilong nya at napaka perpekto ng panga lalaking lalaki ang dating.

"Madami ngang nag sasabi, pati ang kakulitan ko nakuha din nya" sabi nya. Kitang kita ko na masaya sya habang nag sasalita tungkol sa anak nya, halatang mahal na mahal nya ang anak nya.

"Teka nga kanina pa tayo nag ku-kwentuhan hindi ko pa alam ang pangalan mo." Natatawang sabi nya. Napatitig ako sa nakangiti nyang mukha, may ganito pala talagang ka gwapong lalaki.

"Jiro" sabi nya saka nag lahad ng kamay.

"Nina" sabi ko saka inabot amg kamay nya. Ang lambot ng kamay nya kaya medyo nahiya ako dahil may mga kalyo na ang kamay ko dahil sa dami kong maging trabaho.

"Pasensya na, medyo nagaspang ang kamay ko" nahihiyang sabi ko noong nag hiwalay ang kamay namin.

"It's alright. Sabi nila pag magaspang ang kamay masipag" sabi nya saka ngumiti. Bakit ba nakakahawa ang ngiti ng lalaking ito?

Dumaan pa ang mga oras na nag kukwentuhan lang kami ni Jiro. Nasa bakasyon pala ang Nanny ni Elijah kaya sya ang nag babantay ng anak nya. Na laman ko rin naag kasing edad lang kami at katulad ko maaga syang nag kaanak. Wala syang asawa dahil pilit silang pinag hiwalay ng magulang ng mama ni Elijah kaya nag desisyon ang babae na sundin ang gusto ng mga magulang nito at hiniwalayan sya at iniwan sakanya ang anak nila. Pero minsan daw ay hinihiram nito ang anak nila para naman makasama nito. Sumabay din sila noong break time yung dalawa ng share-ran ng baon habang kami naman ni Jiro ay mag patuloy sa pag kukwentuhan. Magaan ang loob ko sakanya feeling ko nga matagal ko na syang kilala, panatag ang loob ko sakanya.

Hanggang sa mag uwian ng tanghali. Nauna silang umalis gusto pa nga ni Jiro na isabay kami pero nakita ko na agad ang driver nila Kisza na nag hihintay sa labas ng school.

"Ate Nina, pwedeng pag luto mo ko ng lunch?"
Sabi ni Kisza pag kasakay namin ng kotse.

"Sige, ano bang gusto mong luto?"

"Hmm.. Yung lagi mong pong niluluto sa mga kapatid mo" sabi nya.

Pag dating sa napakalaking bahay nila ay binaba ko sa ang bag nya saka dumiretsyo sa kusina. Inihanda ko lahat ng sangkap na gagamitin ko.

"Ate Nina anong lulutuin mo?"

Napatingin ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Kisza. Naka uniporme parin sya dahil may pasok pa sya mamayang ala una.

"Basta masarap to" nakangiting sabi ko saka sya kinindatan. Marinig ko pa ang pag halakhak nya.

"Bakit mag luluto kapa? Nakapag luto na si Venus ah" masungit na sabi ni Leslie ng pumasok ng kusina.

"Wag nyo po syang pagalitan ako po yung magpapaluto sakanya" singit naman agad ni Kisza mukhang alam nya na papagalitan ako ng masungit na si Leslie.

Pinag patuloy ko ang pag luluto ko. Wala pang isang oras ay luto na ang ulam na niluluto ko. Binuhat ko si Kisza at inupo sa high stool chair para sa counter nalang sya kumain. Inihanda ko na ang ulam na niluto ko saka nag sandok ako ng kanin.

Natawa ako ng sumimangot ang maganda nyang mukha ng makita ang ulam na niluto ko.

"Gulay?" Nakabusangot na sabi nya habang nakatingin sa chapsuey na niluto ko.

"Masarap yan, sige na be kumain kana" sabi ko at ako na ang nag lagay ng ulam sa kanin nya. Hindi sya kumilos at nakatingin lang sa pagkain na nasa harapan nya. Kinuha ko ulit ang kutsara at binigyan ng kanin at ulam saka itinapat sa bibig nya. Tumingin sya sakin na parang nagpapaawa na huwag ko syang pakainin non.

"Sige na Kisza" sabi ko. Unti-unti nyang binuka ang bibig nya kaya napangiti ako.

"Ano masarap ba ang luto ko?" Tanong ko habang ngumunguya sya.

"Ang sarap po pala" masayang sabi nya, binigay ko ang kutsara sakanya na agad naman nyang kinuha sakin at sumubo ulit ng pagkain na nasa harapan nya.

Nakangiti ako habang pinag mamasdan syang maganang kumakain ng niluto ko para sakanya. Masaya ako na may pag kakataon ako na ipagluto ng pagkain ang anak ko. Sana huwag agad matapos to.

Continue Reading

You'll Also Like

497K 8.4K 51
Nakukuha ni Lawrence ang ano mang gugustuhin niya-isa na do'n si Darla. Siguro nga noong una, ayaw niyang makita ang babaeng 'yon, pero wala rin siya...
39.6K 1.3K 33
Paano kung magkaroon ka ng kakaibang lovestory? Hindi siya cliche dahil sobrang kakaiba niya. Dahil sa lovestory na ito, isang multo at isang poging...
891K 19K 49
[Completed] Gabriel Vargas. Bully, talented, good looking, rich and certified heartbreaker. Mamahalin ko ba ang isang mala-demonyong heartbreaker na...
4.8M 99.3K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...