Fast Break

By Sweetmagnolia

3.4M 59.6K 4.9K

Jerome Hernandez is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnoti... More

FAST BREAK
NEW YORK CITY
MASAMANG PANAGINIP
ANG KAPITBAHAY
AUTOGRAPH
ANG COFFEE SHOP
BASKETBALL
TICKET
SHADOW LADY
LIHIM SA PAGKATAO
THE PROPOSAL
KATOTOHANAN AT PAGKUKUNWARI
ANO KA NGA BA SA PUSO KO?
LARO NG PUSO
PATINTERO
DI BALE NANG MASAKTAN
KATOK NG PAG-IBIG
KUNIN MO MAN ANG LAHAT
SULYAP SA KAHAPON
SA KANYA KA NA NGA BA?
BAGONG PANIMULA
HILAW NA PAGLIMOT
SINUNGALING KONG PUSO
DI LANG IKAW ANG NAHIHIRAPAN
KISLAP NG KAMERA
PAHIRAM NG SANDALI
PAIT NG PAGBAWI
SA NGALAN NG PANGALAN
AKIN NA LANG ANG MUNDO KO
TAMIS AT HAPDI NG PASASALAMAT
HIGIT SA LAHAT AY IKAW (FINAL)
EPILOGUE

TURUAN MO AKONG MAGMAHAL

85.1K 1.6K 71
By Sweetmagnolia

                                                                                 
"Itigil mo ang pagbebenta ng libro ni Jessica Lopez!" galit na utos ni Robert Montecastro sa anak.

"Hindi ganun kadali yon Dad. May pinirmahang kontrata ang Bluestar. Hindi pwede yung gusto nyong basta-basta na lang natin ika-cancel ang mga libro nya." matinding pagtutol ni Clark sa gusto ng ama.

"Pwes, hanapan mo ng butas ang kontratang ginawa nila. Gawin mong dahilan para mapahinto ang pagbebenta ng mga libro!"

"Teka nga muna Dad. Pinuntahan nyo ba ako dito sa New York dahil lamang sa bagay na ito? Bakit parang bumabalik na naman yata kayo sa pakikialam nyo kahit sa maliliit na bagay?"

"Dahil unti-unti ka na namang nawawala sa konsentrasyon mo sa trabaho!"

"Wala akong trabahong napapabayaan! Nakakalimutan nyo na bang ako ang nagpaangat sa kumpanyang ito. Kaya hindi ko hahayaang bumagsak ito ng ganun-ganun na lang. At gusto ko lang ipaalala sa inyo na wala na kayong karapatang makialam sa pamamalakad ng Bluestar. Isang simpleng stockholder na lang kayo dito. Wala kayo sa lugar para diktahan ang presidente nito!"

"Pero ako pa rin ang nagmamay-ari ng pinakamalaking share sa kumpanya kaya may karapatan akong magsalita at dapat mo akong pakinggan!"

Ngumisi si Clark sa ama. "Pakinggan ka sa ganitong walang kwentang bagay? Sa tingin nyo ba makikinig ako sa ganitong utos? At bakit bigla-biglang ipinapatigil nyo naman ngayon ang mga libro ni Jessica? Akala ko ba sya ang gusto mong babae para sa akin pero ba't biglang nagkaroon yata ng pagbabago Dad?"

"Kalimutan na natin ang ating kasunduan! Binabawi ko na ang mga sinabi ko tungkol kay Jessica Lopez. Maghanap ka pa ng ibang matinong mapapangasawa. Kahit sino at ibibigay ko pa rin lahat ng kayamanan ko sayo!"

"Dahil pa rin ba ito kay Sandra,Dad? Kaya gusto nyong gawin ito kay Jessica?"

"Oo! Dahil nalaman ko na ang katotohanan na kaibigan pala sya ng miserableng babaeng kinalolokohan mo!"

Tumahimik ng ilang sandali si Clark at nagdududang napaisip ng malalim. "Ang ibig nyo bang sabihin dahil kaibigan ni Sandra si Jessica Lopez ay gusto nyong ring idamay ito sa pagtutol nyo?"

"Oo! Hangga't hindi ka nilalayuan ng babaeng yun ay pahihirapan ko pati mga taong malalapit sa kanya! Kaya kung ayaw mong mangyari ito Clark, itigil nyong dalawa ang kabaliwan nyo!"

Nagulat ang binata. "Pinagbantaan nyo ba ulit si Sandra, Dad? At ang mga taong malalapit sa kanya naman ang ginagamit niyong panakot ngayon?

Hindi sumagot ang matanda. Humugot lamang ito nang malalim na hinga.

"Pinagbantaan nyo ba ulit si Sandra? SUMAGOT KAYO!"

"Bakit may iba pa bang mabilis na paraan para isalba ka sa babaeng yun!? Nagawa ko na ito dati at kaya ko uling gawin ito ngayon para sa kapakanan mo!"

"Subukan nyong gawan ng masama ngayon si Sandra at ako mismo ang makakalaban nyo. Hindi ko man siya naipagtanggol dati ngunit hindi ko na ulit hahayaang mangyari yan ngayon! Kaya't itigil niyo kung anuman ang mga binabalak niyo kung ayaw nyong mawalan kayo ng anak!"

"Huwag kang suwail! Sige kampihan mo ang baliw na babaeng yun at kailanman ay hindi ko ibibigay ang mga ari-arian ko sa isang sutil na anak na katulad mo!"

Lumapit si Clark sa ama at tiningnan ito sa mga mata. "Sayo na ang pera mo."

Binigyan ng matandang Montecastro ng isang malakas na sampal ang binata. Ginantihan naman ito ni Clark ng nanlilisik na mga mata. Dinmpot ang susi ng kanyang kotse at mabilis na nilisan ang tinitirhang penthouse.
                                                         -------

Masamang masama ang loob ni Clark habang nagmamaneho. Gusto nyang itakwil ang ama. Minsan niya na itong isinumpa dahil sa ginawa nito dati kay Sandra at ngayong nalamang muli na naman nitong pinagbantaan ang dalaga ay bumabalik ang matinding galit sa kanyang dibdib.

Patungo siya kay Sandra ngunit bigla siyang tinawagan ni Jessica. Humihiling itong makipagkita agad sa kanya. Nais niya sana itong tanggihan ngunit nag-alala siyang baka may ginawa nang hindi maganda ang ama kaya nito gustong makipag-usap,

Nagkita sila sa isang tahimik na pastry shop. Nakasuot ng higanteng sunglasses ang dalaga.

"Mukhang importante ang sasabihin mo Ms. Lopez para makipagkita ka sa akin ng personal at biglaan," nangangabang wika ni Clark.

Bumilang ng ilang minuto bago nagsalita ang babae. "Nililigawan mo na ba si Sandra?"

Nagulat si Clark sa hindi inaasahang tanong ng kausap. "Bakit interesado kang malaman ang tungkol sa bagay na iyan? Yan lang ba ang dahilan para makipagkita ka sa akin ngayon?"

"Akala ko ba gusto mo si Sandra? Dahil kung hindi ay hindi mo sya gagawing kondisyon sa kontrata. Nagtataka lang ako dahil wala akong anumang naririnig mula sa kaibigan ko."

Humugot ng isang buntong-hininga ang lalaki. "Tama ka. Ginawa kong kondisyon si Sandra dahil gusto ko siya, pero hindi ko sinabing liligawan ko siya."

"Hindi kita maintindihan. Bakit hindi mo siya nililigawan? Ang akala ko ay paiibigin mo siya kaya ako pumayag sa kondisyon natin!"

"Ginagalang ko ang kaibigan mo Ms. Lopez. Alam ko kung kailan ang tamang panahon para sa bagay na iyan. Hindi ako nagmamadali."

"Pwes, gawin mo na sya ngayon! Bago pa man mawala sayo si Sandra!" mataas ang tonong wika ng dalaga.

Nagsimulang magtaka at maghinala si Clark sa reaksiyon ng kausap. "Bakit sinasabi mo ang mga bagay na ito? May pinangangambahan ka ba Ms. Lopez?"

Kumalma si Jessica. "Wala akong pinangangambahan. Nag-aalala lang ako para sayo. Gusto kitang tulungan kay Sandra bilang pagtupad ko sa kondisyon natin. Nakikita ko sa ngayon na may puwang ka sa kaibigan ko kaya nais kong samantalahin mo bago pa man mahuli ang lahat. Kilala ko si Sandra pabago-bago ng damdamin at isip ang taong iyon kung kaya't magtapat ka na sa kanya habang maaga pa!"

Pagod na huminga nang malalim si Clark. "Marami akong iniisip sa ngayon, Ms. Lopez. Kung wala ka ng ibang sasabihin, pwede na ba akong umalis? Nagkakamali pala ako ng akala sa pakikipagkita mo sa akin." sabay tayo niya at kalmadong naglakad papapalabas ng pintuan.

Napaisip siya nang malalim sa sasakyan. Unti-unti siyang kinutuban sa ikinilos ni Jessica. May hinala siyang may kinalaman ito kay Jerome Hernandez. Matagal na siyang nagdududa sa mga kilos ng sikat na basketbolista pagdating kay Sandra. Malayo mang mangyari ngunit posibleng may nararamdaman ito para sa dalaga.

Lalong di siya mapalagay sa mga naiisip. Ngunit magpatong-patong man ang mga hadlang, hindi nya hahayaang mawala ulit sa kanya si Sandra at sa pagkakataong ito ay walang sinumang makakapaglayo sa kanila . Ang ama man o kahit ang isang Jerome Hernandez!
                                                                       -----

"Whoah! Totoo ba ang balitang ito na nagkakilala na ang mga magulang ni Jerome Hernandez at Jessica Lopez sa isang dinner!"

Nanlaki ang mga mata ni Sandra sa sinabi ni Vicky. Bigla niyang itinigil ang pagpupunas ng mesa at patakbong lumapit sa kasama upang agawin ang binabasa nitong tabloid.

"Sa palagay ko ay papalapit na papalapit na ang araw ng pag-announce nila ng kanilang engagement! Sabi ko na nga ba magkakaroon ng 'The Wedding: Jerome and Jessica'!"

Nakahinga siya nang maluwag nang makitang walang litrato niya at ng nanay-nanayan na nakalagay sa diyaryo. Mabilis niyang binasa ang nakasulat dito. Sa pagkakasulat nito ay mukhang isa sa mga empleyado ng restaurant ang naglabas ng impormasyon.

"Napakatsismoso naman pala ng mga empleyado ng restaurant na pinuntahan nila! Dapat sa mga yan ay tinatanggal! Pinapahamak nila ang pangalan ng pinagtatrabahuan nila. Paano kung idemanda sila ng magkasintahang iyan. Sigurado akong gusto ng mga iyan na manatiling pribado sana ang ganitong bagay!" naiiritang wika niya.

"Siyempre ganyan talaga pag mga sikat na tao. Laging may mga matang nakatingin sayo kahit di mo ito gustuhin. Teka bakit ka ba naiinis? Nagseselos ka ba dahil lalong nagiging maganda at matibay ang relasyon nina Jerome at Jessica?Sinabi ko naman sayo na huwag kang umasa! Tingnan mo ang nangyayari ngayon, masasaktan ka lang pag may mga ganitong balita kaya't habang maaga ay makinig ka sa akin!"

Hindi sumagot si Sandra. Napapailing na lamang siya ng ulo at itinuloy ang kanyang pagpupunas.

"Kumusta ang naging dinner mo nung nakaraang sabado Sandra?" tanong ni Mr. Castro.

"M-Maayos naman ho."

"Mabuti at andito na ang nanay-nanayan mo para naman hindi ka na nag-iisa dito sa New York," ani Vicky.

"Sandali lang naman siya dito sa New York. Umuwi rin kaagad pagkalipas ng dalawang araw. Ayaw kasi nun sa maingay na lugar."

"Ganoon ba. Akala ko pa naman ay may makakasama ka na. Natuwa pa mandin ako at may mag-aasikaso na sayo," saad ng serbidora.

"Okay lang yun. Sanay naman akong mag-isa."

Nagsisimula na naman sanang maaawa si Vicky sa kasama ngunit bigla itong napatingin sa pumaradang sasakyan. Bumaba dito si Clark. Nagmamadaling pumasok ang lalaki sa loob ng coffee shop at lumapit kay Sandra. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay ng dalaga.

"Mr. Castro, Ms. Vicky. Hihiramin ko lang ho muna si Sandra!"

Hinila papalabas ng binata ang nabiglang babae. Isinakay ito sa kotse at pinaandar nang mabilis.

Nataranta si Sandra. "Teka! Teka! Clark saan mo ako dadalhin? Itigil mo ang sasakyan. Hindi pa tapos ang trabaho ko!"

Tila walang naririnig si Clark. Diretso lamang ang mga mata niya sa daan. Tumigil siya sa pagmamaneho nang marating ang tahimik na lawang minsan na nilang napuntahan.

Mabilis na bumaba si Sandra sa sasakyan at kaagad na hinarap ang binata. "Ano bang ginagawa mo Clark? Nasisiraan ka na ba ng ulo?!"

"Bakit di mo sinasabing kinausap ka ng ama ko?!"

Biglang tumahimik ang babae.

"Bakit di mo sinasabing pinagbantaan ka na naman ng ama ko!? Bakit mo hinahayaang gawin nya sayo to?!"

"Dahil tama siya! Tamang lumayo ako sayo! Hindi dapat masira ang buhay mo ng dahil sa akin!"

Galit na lumapit si Clark sa kausap, hinawakan ito sa braso at tinitigan sa mga mata. "Bakit anong alam mo kung ano ang tama para sa akin? Anong alam mo kung saan ako masaya!? Anong alam mo kung ano ang tamang buhay para sa akin?!"

Walang maisagot si Sandra ngunit sinusuklian niya rin nang matapang na mga titig ang galit na lalaki..

"Huwag mo akong pangunahan! At lalong huwag mong maliiting hindi kita kayang ipagtanggol Sandra!"

Tumawa ng mahina si Sandra. Bumitaw ito sa pagkakahawak ng binata.
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi mo ako kailangang ipagtanggol. Huwag mong sasayangin ang pagod mo sa isang dating kaibigan na muli mo lang nakita. Pansamantala lang ang lahat ng ito. Tama nga ang iyong ama, masyadong malambot ang puso mo."

"Ipagtatanggol kita at sa pagkakataong ito ay ipaglalaban na kita Sandra!"

Napakurap si Sandra. Unti-unti siyang nalito sa narinig.

"Oo, ikaw ang taong nawala sa akin. Ikaw ang babaeng minahal ko. Ikaw ang pagmamahal na tinutukoy ko. Ang pagmamahal na hindi ko nagawang protektahan. IKAW YUN SANDRA!"

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Sandra. Ang sumasabay niyang bugso ng emosyon ay tila bumagsak hanggang sa kailalim-ilaliman ng lupa. Pansamantala siyang hindi makakilos. Lumapit sa kanya si Clark at niyakap siya nang mahigpit.

"At ikaw rin ang babaeng hinding-hindi ko na hahayaang mawala pa ulit sa akin... Kaya't humihingi ako sayo ng pagkakataong mahalin ka Sandra...Bigyan mo ako ng tamang panahon para turuan kang magmahal. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo rin ako...wala akong hinihinging anumang kapalit basta't hayaan mo lang ako na mahalin kita ulit. Bigyan mo lang ako ng pagkakataong ipaglaban, alagaan at protektahan ka. Nakikiusap akong tanggapin mo ang nararamdaman ko para sayo. Buksan mo ang puso mo para sa akin at balang araw ay matututunan mo ring magmahal... "

Nanatiling tulala si Sandra. Parang naubos ang kanyang lakas sa mga sinabi ng binata. Hindi nya nagawang kumalas sa mahigpit na pagkakayakap nito.

"Sandra...."

Nang maramdamang hindi na nakayakap ang binata ay dahan-dahan siyang naglakad papunta sa mahabang upuan. Nanghihina siyang umupo dito. Sinundan siya ni Clark at naupo rin ito sa tabi nya. Nagulat siya sa nalamang may lihim na pagmamahal ang binata ngunit mas nagdulot ng sakit ang katotohanang siya ang naging dahilan ng dati nitong kabiguan.

Hindi na muling nagsalita si Clark. Hinihintay niya na lamang ang sasabihin ng babae.

Nag-uumpisa nang gumana ang pansamantalang nahintong pag-iisip ni Sandra. Binalikan niya ang mga narinig mula kay Clark. Tiningnan niya saglit ang katabi na sa mga sandaling iyon ay nag-iisip rin habang nakatingin sa tahimik na lawa. Nasaktan niya ito dahil sa pag-iwas nyang masaktan ito. Unti-unti niyang napagtanto na hindi rin pala napanghahawakan ang dapat maramdaman ng isang tao. Siguro kung masasaktan ay talagang masasaktan. Kung magiging masaya ay siguro talagang itinadhana para maging masaya. Katulad nya, ni minsan ay hindi nya inasahang may maramdaman siya para kay Jerome.

Napatingin ulit siya kay Clark matapos sumagi sa isipan nya si Jerome... Humihingi ito ng pagkakataong ipakita ang pagmamahal niya? Matagal niya nang naramdaman ang pagmamahal na yun. Matagal niya ng alam kung papaano ito magmahal. Hindi nya lang inisip na ang pagmamahal palang ipinadarama nito sa kanya ay higit pa sa pagkakaibigan. Ngunit pagbibigyan nya ba ang pakiusap nito?

Wala siyang nararamdaman para kay Clark kundi pagmamahal para sa isang kaibigan. Subalit parang hindi nya ito kayang biguin muli. Alam nya ang pagkatao ng lalaki. Hindi ito mahirap mahalin ngunit pag minahal mo ito ay maaring may kaakibat na responsibilidad dahil sa estado nito sa buhay. Matutunan nya ba itong ibigin? Kung nagkaroon sya ng damdamin para kay Jerome siguro ay mas madaling mahuhulog ang loob niya kay Clark. Wala siyang alam pagdating sa ganitong bagay lahat ay siguro, lahat ay pagbabakasakali ngunit kung hindi nya susubukan ay hindi nya malalaman ang totoong kasagutan.

Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga at tumitig sa mukha ng katabi. "Pagbibigyan kita. Pumapayag ako sa gusto mo...susubukan kong buksan ang puso ko para sayo."

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.4M 47.5K 61
Audriana Celine have this perfect, at the same time, not-so-perfect boyfriend named, Xavier Chase. They have this perfect, at the same time, not-so-p...
313K 5.6K 42
When people cross paths, it's never just an accident. [TheWattys 2018 - Longlist]