Magique Fortress - Published...

By pixieblaire

2.8M 93.7K 19.9K

Pixies, sprites, and everything nice... Once upon a time, there was a magical dimension called Magique Fortr... More

Magique Fortress
Trailer
Chapter 1 - Lost Soul
Chapter 2 - Welcome
Chapter 3 - New Friends
Chapter 4 - Pets and Legends
Chapter 5 - Weakness
Chapter 6 - Fortress High
Chapter 7 - Touch
Chapter 8 - Connection
Chapter 9 - Good and Evil
Chapter 10 - Distance
Chapter 11 - Wands and Charms
Chapter 12 - Stranger
Chapter 13 - First and Second
Chapter 14 - Boxes
Chapter 15 - Tamed Eyes
Chapter 16 - Forbidden Forest
Chapter 17 - A Talk To Remember
Chapter 18 - Wizard and Guardian
Chapter 19 - Hugs and Kisses
Chapter 21 - Heartbeat
Chapter 22 - Drown
Chapter 23 - Cold Agony
Chapter 24 - Fighting Fate
Chapter 25 - Fire and Water
Chapter 26 - My Kind of Fairytale
Chapter 27 - Symbolisms
Chapter 28 - Friendship Code
Chapter 29 - Beautiful Curse
Chapter 30 - Good Night
Chapter 31 - Unexpected Reunion
Chapter 32 - Give and Take
Chapter 33 - Blank Spaces
Chapter 34 - Poison Passion
Chapter 34.2 - The Missing Details
Chapter 35 - Quest of Questions
Chapter 36 - Time Travel
Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow
Chapter 38 - The Judgement
Chapter 39 - Dawn of Doubts
Chapter 40 - A Daughter's Plea
Chapter 41 - Cataclysmic Revelations
Chapter 42 - Reign of Darkness
Spells and Incantations
Chapter 43 - Devilish Desires
Chapter 44 - She's Back
Chapter 45 - Raindrop and Storm
Chapter 46 - Love Hate
Chapter 47 - A Love That Gives
Chapter 48 - The Flower Bloomed
Chapter 49 - Who To Save
Chapter 50 - I Want To Believe
Chapter 51 - Sacred Ritual
Chapter 52 - Pitch Black
Chapter 53 - Wings of Fear
Chapter 54 - Mark my Word
Chapter 55 - Trigger
Chapter 56 - Identity Impossibility
Chapter 57 - Our Beloved
Chapter 58 - Diamond and Crystal
Chapter 59 - Written in the Stars
Chapter 60 - Katapusan
Epilogue
Pixie Blaire's Love Scroll
Diamond Series Installment 3 (Stand-alone)
Extras
Special Update
Announcement!!!
MF Book

Chapter 20 - Wounded

40.6K 1.4K 155
By pixieblaire

Chapter Twenty
Wounded 


NAGKAROON ako ng pagkakataon para magbakasyon sa mortal world. Mayroon lamang kaming tatlong araw para manatili roon kaya pinagsabay na namin nina Ate at Nanay ang celebration ng Pasko at Bagong Taon. Pinahintulutan kaming mga may gustong makasama ang pamilya namin. Ang nakalulungkot lamang na katotohanan ay baka iyon na raw ang maging huli dahil isasarado na ang Fantasy Express at magkakaroon na ng total lockdown sa lahat ng portals para sa karagdagan naming proteksiyon.

Ngayong kababalik lang namin ni Sage ay miss na miss na kami ni Ellie. "Kayong dalawa! Iniwan n'yo akong bitin na bitin, ha? Kumusta ang traditional kiss? Tine, ano? Yuan pa more! So, I guess nakapili ka na yata," pang-aasar niya.

"Ikaw nga, akala ko lalamunin n'yo na ni Oliver nang buhay ang isa't isa," ganti ko kay Ellie. Nagtawanan kami. "Okay lang naman 'yong sa 'min ni Yuan. Walang malisya. Friends naman kami, eh."

"Asus! Sa ganyan nagsisimula 'yan. Kumusta naman ang first kiss? May butterflies ba?" pangungulit pa niya habang si Sage ay nakaabang din.

"Anong butterflies?"

"Duh? 'Yong feeling kapag kinikilig ka—butterflies in your stomach . . ."

"Ah, wala. Siguro kasi magkaibigan kami ni Yuan. Well, it's good to be kissed, but that's it. Kailangan bang damdamin?"

"Sa tingin ko, kung si Val ang humalik sa 'yo, baka may eyebags ka na dahil hindi ka nakatulog nang ilang araw. 'Di ba, Roar?" Nilaro pa niya si Roar habang inaasar ako.

Nag-rewind tuloy sa utak ko ang kaganapang 'yon. The picture of him kissing someone at the ball.

"Teka, itong bruhang 'to ang gusto ko rin kurutin sa singit, eh. Anyare sa 'yo, Sage? Bakit nga pala hindi si Dan ang ka-partner mo no'n?" pag-iiba ko ng usapan.

Nagbuntonghininga muna siya na parang may pag-aalinlangan. "'Wag kayong maingay, ha? May kababalaghan kasing nangyari noong ball."

"Ano? May kinalantari na iba si Dan kaya naghanap ka rin?"

"Hindi! The beer served in the buffet was jinxed. The drinks were spiked. May mild poison doon," rebelasyon ni Sage na ikinagulantang ko.

"OMG! 'Buti na lang hindi ako uminom that night!" gulat na sambit ni Ellie.

"While everyone was busy dancing, we heard Kierre's voice. We confirmed it when the guardian symbol lining on our pulses lit up. It was a way of calling and connecting with the guardians. Ipinaliwanag niya ang tungkol doon sa beer kaya ipinag-utos niya sa amin na kailangang tanggalin sa lahat ng nakainom n'on ang lason."

I knew that guardians could cure someone poisoned, but it's a dangerous trick. Wala akong ideya kung paano nila ginagawa 'yon. Sobrang na-curious na ako kaya sumingit ako bigla. "Paano n'yo tinanggal, Sage?"

"By the kiss of a guardian. Kaya nagpaalam ako kay Dan noon na may mission kami at huwag siyang iinom ng kahit anong nai-serve sa party. Umalis ako at niyayang makipagsayaw ang isang lalaki na alam kong nakainom. May ginawa sina Kierre para malaman namin kung sino-sino'ng nakainom. A small white diamond appeared atop their heads which only guardians can see. S'yempre, nakakahiya kung manghalik nang basta-basta kaya I used the Snake Eye. I think other guardians used that, too. Iyon ang way para maakit namin ang mga mata ng kung sino for only a short time. Then that's it! Pinalabas lang din na may traditional kiss pero wala naman talaga. They did it just to prevent the students from panicking."

I was in a state of shock. If that's the case, Val was telling the truth. He only kissed that girl because it's a guardian's mission! Pero bakit naman kasi parang sarap na sarap siya habang hinahalikan iyong babae? O baka naman gano'n lang talaga siya humalik? 

"OMG. Sana guardian na lang ako." Ellie joked at nagtawa kami.

"Actually, next year pa 'yon dapat pag-aaralan at sasanayin, pero mukhang napaaga dahil sa nangyari. Well, ganoon talaga . . . it's part of being a guardian—healing someone," sagot ni Sage na lalong nagpabagabag sa akin.

So, there would really be a lot of kissing for the guardians, huh?

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

NAGTIPON-TIPON kami sa tapat ng Prime Kingdom para sa inaabangang fireworks display bilang pagsalubong sa Bagong Taon. Maging ang taga- Magique Fortress pala ay ipinagdiriwang ito. I suddenly realized how important celebrating New Year is because it would mark a start of new hope to everyone— mapatao man o iba pang nilalang.

Tulad noong nakaraang Pasko ay hindi na yata talaga mawawala rito ang hile-hilera ng mga pagkain. Mayroon ding mga palaro at munting patimpalak na mayroong prizes kaya naman tuwang-tuwa kaming magkakaibigan. Halos mahakot na nga yata ni Ellie ang mga panalo sa sobrang competitive niya. Namakyaw ng prizes ang lokaret! Kung iisipin, wala rin pala itong pagkakaiba sa mundo ng mga tao at masasabi kong tila natututuhan ko nang mapamahal sa mundong ito.

Nagsimula na ang fireworks na aking lubos na ikinatuwa. Mayroong fireworks na pagkasabog ay tila nag-transform sa isang makulay na dragon at lumipad-lipad sa paligid hanggang sa tuluyang maglaho. Sinabayan namin ng pagtalon ang hudyat ng bagong taon. Natigilan lamang ako nang may iba akong narinig. Hindi ito tunog ng fireworks kung hindi isa talagang pagsabog.

Nakumpirma ko pa ang panganib nang lumabas ang professors at Royalties at pinapasok kaming mga estudyante sa Prime Kingdom. Ang mga lalaking wizard at guardian ay isinama nila. 

"Walang lalabas hangga't hindi kami nakababalik," mahigpit na bilin ni Kierre na nagpaigting ng kaba naming lahat. Nakita kong tumakbo na sila kasama ang Royalties maliban kay Enikka.

Si Enikka! Tumakbo agad ako sa mga palapag at nakita kong sumunod sina Ellie. Binuksan ko ang mahiwagang wall at pumasok kami. Gaya ng nakita ko noon, ganito pa rin ang lagay niya. She's sleeping in this glass chamber filled with magical particles.

"Ito ba si Enikka?"

Tumango ako kay Sage. "I wonder why she's still sleeping." I was really bothered. Did something happen to her?

"Nakita mo na siya noon?" dagdag na tanong ni Sage.

"Oo. Puwede bang bantayan muna natin siya hanggang sa makabalik sila?" tanong ko.

Pumayag sila kaya naupo kami sa lapag at sumandal sa kaniyang glass chamber.

"Siguro ang cute nila ni Diamond 'pag magkasama. Sabi kasi nila ay si Enikka pa ang nanligaw kay Diamond, 'di ba? Idol ko na talaga siya," ani Ellie.

"Parang ikaw lang, Ellie," komento naman ni Sage na sinang-ayunan ko. 

"Imagine, nagawa niyang mapamahal sa kanya ang isang lalaking naniniwalang hindi siya marunong magmahal. Kung may natutunan nga ako doon sa love story nila, 'yun ay huwag matakot magmahal at tanggapin mo ang sarili mo. Kung writer lang ako ginawan ko na sila ng libro eh!" sabi pa ni Ellie.

There actually is! The title is A Heart's Antidote. It's in the Fortress Library. Hindi pa niya siguro nakita.

"Malabo 'yon, Ellie. Ikaw pa? Eh, 'yong essay nga lang sa history exam noon, tinamad ka na."

Ngumisi na lang ako sa pang-aasar ni Sage sa kaniya. Ilang oras din kaming tahimik nang magsalita muli si Sage.

"Hindi ba't mortal si Enikka? Pero nasa kaniya ang puso ni Diamond na isang immortal?"

"Oo, mahiwaga nga, eh. Pero kung katulad siya ng ibang Royalties, bakit hindi pa rin siya nagigising?" aniya.

Tumayo si Ellie at muling tiningnan si Enikka. "Maybe because her body is still more like a human."

I agreed. "Siguro noong nasira ang Fortress ay hindi niya kinaya ang pressure at dahil sa samot-saring mahika ay bumigay ang katawan niya. Yet she's still breathing because of Diamond's heart which made her just sleep." 

Diamond entered the room kaya napatungo kami agad bilang paggalang. "Binabantayan lang po namin siya, Your Majesty."

Pumasok din sina Kierre at Lindrenne na agad naming napunang mayroong mga natamong galos.

"Mabuti pa ay bumalik na kayo sa inyong dorm," sabi ni Lindrenne na nanghihina. Napansin kong gano'n din si Kierre.

"Ano po'ng mga umatake?" tanong ni Ellie habang ako ay abala sa pagsunod ng tingin kay Diamond na agad nilapitan si Enikka saka niyakap ang glass chamber. He looked so pained. Gusto ko na sanang lumapit, pero siniko ako ni Ellie.

"Drakkises are back," anunsiyo ni Kierre.

Nanlaki ang mga mata namin at napasinghap.

"Sa Tendox Forest uli sila nagmula. 'Buti at napigilan naming makapasok sa borderline. Hindi namin alam kung saan ang kuta nila, kung may ibang dimensiyon silang tinitirahan, at kung may nagpapatakbo na sa kanila," ani Kierre na pabalik-balik sa paglalakad.

"I think they've gotten stronger! Itutuloy pa ba natin ang battles?" wika ni Lindrenne.

"Kailangan . . ." mabilis na tugon ni Diamond.

"Pero, Mond, baka mapahamak ang mga bata." 

"They're not kids anymore, Lindrenne. Remember? They're the lost souls? At kung hindi natin itutuloy ang trainings and battles, paano natin mahahanap agad ang Four Legends?"

"Lin, he has a point and it's not like ngayon lang ito nangyari. Buwan- buwan mayroon. Wardrons, Breenozals, iba pang unknown outcasts, name it! At ngayon nga, Drakkises! Ang mahalaga, we made a stronger barrier shield around MFU. Ito ang dahilan kung bakit hinang-hina rin ako ngayon. Kailangan ko rin yatang sumama sa mga nasa clinic," Kierre said.

Nanlaki ang mga mata ko at namuo ang agarang kaba sa puso ko.

Mayroong mga nasa clinic?

"Gusto ko lang protektahan ang lahat lalo na ang mga anak natin. Paano kung mapahamak din sila? Maaatim n'yo ba 'yon? What if sila ang target ng mga sumasalakay?" ani Lindrenne.

Napaatras kaming tatlo dahil nagkakasagutan sila.

"Lindrenne, I know them. They're strong. Nasira nga nila ang Fortress, 'di ba? At kung sila nga ang pakay ng mga sumasalakay, then even better! We would be able to know the four quickly."

"Even if their lives are in danger? What's happening to you, Diamond? Risking lives for whose sake? Dahil ba kay Enikka kaya atat na atat ka nang maki—" 

"Oo! Ganoon nga! Dahil hindi niyo alam ang pakiramdam na mawalan ng dalawang pinakamamahal ko sa buhay! Araw-araw akong tila nagluluksa. Si Enikka! Tignan niyo siya! Nandyan nga ang presensya niya pero parang nawawala pa rin siya sa'kin. Na araw-araw hinihiling ko na sa langit at lupa ang paggising niya! At 'yung anak ko! Ang kaisa-isa naming anak, ilang taon nang nawawala, ilang taon ko nang hindi nakakausap, nayayakap! At alam niyo naman na noong nawala siya, hindi ko pa siya kasundo. Ang hirap magkimkim alam niyo ba 'yon?!" 

Naiyak na kami nang tuluyan sa sinabi ni Diamond. Dagdag pa ang pagdaloy ng kaniyang luha. Nilapitan agad siya nina Kierre at Lindrenne at niyakap.

"We know, Mond, we know. I'm sorry. Siguro nga we have to take sacrifices," pag-alo ni Lindrenne kay Diamond.

"We need to sacrifice the students, pero hindi naman para ipahamak sila kung hindi para tulungan din sila sa pagtuklas ng tunay nilang pagkatao. This is not for the expense of anyone kaya huwag n'yong isiping pinababayaan ko ang mga anak natin. This is all for the good of the Fortress." Nagpunas ng luha si Diamond at tuminging muli kay Enikka.

"The best thing we can do is to assure that everyone's protected until the end . . ." sabi ni Kierre. ". . . until the very end."

Maya-maya ay tuluyan na silang bumaling sa amin. "Paumahin kung nasaksihan ninyo ang kaganapang ito. Salamat sa pagbabantay kay Enikka. Salamat."

Muling nanlaki ang mga mata ko sa pasasalamat ni Diamond sa amin. Lalo pa naming ikinagulat nang yakapin niya kaming tatlo. I never knew I would get to witness our Supreme Majesty this vulnerable.

I saw Kierre and Lindrenne smiling.

"Go! Puntahan n'yo na ang mga kaibigan n'yo sa medical wing. Baka isa sila sa mga napuruhan," sabi ni Kierre sa amin na ikinakaba ko.

Kumaripas na kami ng takbo patungong clinic. Natakot ako nang madatnan ang mga sugatang estudyante. Ang iba ay kasalukuyan pa ring ginagamot ng mga guardian.

Inisa-isa namin ang mga kama. We saw Yuan and Daniel. Si Dan ay nakaupo na at inaayos ang kaniyang mga benda sa braso. Dinaluhan siya agad ni Sage at iniwan namin sila para mag-usap. Si Yuan naman ay nakahiga pa at walang-malay. May mga pasa siya at sugat sa katawan.

"Yuan! Huwag ka naman mag-joke nang ganyan! Gumising ka na!" wika kong naluluha.

"Hoy, Yuan! Gumising ka! Hayup ka! Sasakalin kita kapag hindi ka gumising!" daing ni Ellie habang niyuyugyog siya sa kama.

"Don't worry, he's okay now. Let's just wait for him to wake up," sabi ng isang guardian. Nang ipaalam sa amin iyon ay tila nabunutan ako ng tinik sa puso, pero agad ding tumarak sa akin nang maalala ko si Valentine. Iniwan ko muna si Ellie na binabantayan si Yuan at aligagang hinanap si Val.

Lutang ang isip ko habang hinalughog ko siya sa buong clinic hanggang sa namataan ko siya sa dulong kama na pinalilibutan ng mga guardian.

Napahawak ako sa bibig nang makita siyang duguan pa at tila naghihingalo.

Hindi ko napigilan at kahit ginagamot pa siya ay nilapitan ko siya. Hinawakan ko siya sa kamay. Tiningnan ko ang tama niya sa balikat na malapit sa dibdib. Kumpara kay Yuan ay mas marami siyang natamong galos sa katawan.

"Val . . ." Naiiyak na ako at wala akong pakialam kahit nakikita nila ako. Hindi ko alam kung bakit sobra na lang ang nararamdaman kong takot sa pagkakataong ito.

"Okay lang po ba siya? Malala po ba ang tama niya? Mabubuhay pa po siya, 'di ba?" hindi mapakaling tanong ko sa mga guardian na nag-aasikaso sa kaniya. 

"Miss, relax. Napuruhan siya pero nagamot na namin. Nililinis lang namin ang mga galos niya at papahiran pa ng gamot. Hindi mamamatay ang kasintahan mo, 'wag kang mag-alala." ngumiti siya sa akin at nagpatuloy sa ginagawa.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya tungkol sa kung ano ko si Val. Sa halip ay pinahid ko na ang mga luha ko at tumulong na sa pag-alalay sa guardians na gumagamot sa mga galos niya. Nang matapos ay kinumutan ko na siya at kumuha ng upuan sa tabi ng kaniyang kama.

Inihilig ko ang ulo ko sa higaan at tiningnan lang ang mukha niya. Ilang beses na niya akong iniligtas kaya siguro ay nararapat lang na ako naman ang mag-alaga at magbantay sa kaniya.

"Val, gumising ka na, oh."

Muling nabalot ang mga mata ko ng luhang hindi ko namalayan saan nagmumula. Parang ako rin ay nanghina matapos masaksihan ang nangyari kay Val hanggang sa hindi ko na namalayang bumigat na rin ang talukap ng aking mga mata.

Nagising na lang ako sa pagyugyog ni Ellie.

"Tine! Halika muna. Nagising na si Yuan!" aniya.

Nilingon kong saglit si Val na tulog pa rin. I looked at our hands. Nakatulog pala akong hawak ang kamay niya. Saglit pa akong nagdalawang-isip kung iiwan ko ba siya, pero matapos ko siyang tingnan ay sumama na ako kay Ellie.

Babalik din ako agad, Val.

Agad kong niyakap si Yuan pagkakita sa mga mata niyang nakangiti na. Masaya kaming sa wakas ay nagising na siya. Pansin ko ring bumalik na nga ang lakas niya dahil nakapagbibiro na.

Napagpasyahan naming sabay-sabay na puntahan si Val at siya naman ang bantayan. Nangunguna pa ako sa paglalakad, pero naabutan ko na lang na nakabangon na si Val at may isang babaeng nakaupo sa kama niya. Kausap na siya. I even saw him smile when the girl said something. Hinawakan niya pa si Val sa balikat. Nagdilim yata ang paningin ko.

Lumapit ako at narinig ko na ang pinag-uusapan nila.

"Ikaw pala ang nagbantay sa akin. Matagal siguro akong natulog. Pasensiya ka na," ani Val sa babae. 

"Hindi naman. I enjoyed taking care of you." sabi pa nung babae.

Uminit ang mga mata ko at nagbabadyang umiyak. Bakit pakiramdam ko nadaya ako?

Ako ang nagbantay sa'yo Valentine! Nakatulog na nga ako paghihintay na magising ka. I was the one who helped the guardians cure you. I was the one who was so worried. I was the one who held your hand to make you feel safe. I was the one who was there for you. I was the one who truly cared, Valentine!

Gustong gusto kong sabunutan 'yung babae dahil sinungaling siya. Pero ang tanging nagawa ko na lang ay tumalikod at mag-igib ng luha sa mga mata. I cannot endure this scene. It hurts. And again, I don't even know why.

Continue Reading

You'll Also Like

499K 24.3K 43
Trouble is part of her name. Well literally, her name is Trouble Roise Mendoza which make sense dahil lapitin talaga sya ng kapahamakan. She won't s...
150K 8.9K 55
Rhia Zacharius yearns for nothing more than peace for her family, striving to lift them out of poverty and provide them with the basic necessities to...
1.1M 39.1K 71
Xin Allison is an assassin, but she is forced to attend school to complete her missions. Now studying and living with thirteen mysterious yet incredi...
21M 767K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #01 â—¢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...