My Imaginary Love [COMPLETED]

By yoyoduelistsb17

157K 1.1K 212

Lahat ng bagay makukuha mo if you put your mind into it. Eh bakit parang mailap ang Love saken? Lahat na lang... More

My Imaginary Love: Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Author's Message
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 4.2
Special Chapter 5
Special Chapter 5.2
Special Chapter 6
Special Chapter 7
Author's Message
Epilogue
Thank You Readers!

Special Chapter 8

603 12 4
By yoyoduelistsb17

-sa mansion ni Jas-


I wonder why ganito ang feeling ko today. Parang nanggaling ako sa isang makatotohanang panaginip. If I can remember right, may lumitaw na Imaginary friend ko daw. Adik lang noh? I was kinda drunk kaya siguro ganun. Yan ang napapala ng mga minor na nagpipilit uminom ng alak. Mabuti pa at uminom na ako ng milk... or milktea para matuluyan na ako? Hahaha, nagbalak pa talaga ako magsuicide noh? Well I can't hide the pain na naidulot sa aken ng encounter namen ni Phil at Champagne. Anu nga ba yung last na nangyare kagabi?


*flashback


Unti unting lumabas yung demonyo sa screen ng phone ko pero sa sobrang natakot ako kaya nasapak ko siya. Pinaulanan ko siya ng mga one-two combination ko tapos magkasunod na right straight ang pinakawalan ko. Hindi siya nakailag pero teka? Parang familiar ang taong toh. Siya yung lalakeng lagi na lang lumilitaw sa panaginip ko. Naawa ako bigla sa kanya at hinawakan ang mukha niya. Natanong ko na lang na...


"Sorry, nabigla lang ako pero, sino ka ba kase? Bat bigla bigla ka na lang lumilitaw?"

Tumingin sa aken yung guy, nagulat ako ng makita kong lumulutang yung paa niya. Waaaahhh multo ba ituu?

"Ok lang, nakikita ko sa mukha mo na mabuti kang tao. By the way my name is Leon and I AM YOUR IMAGINARY FRIEND!"


"Anung Imaginary Friend? Waaaaahhhhhh!"


*end of flashback


The next thing I know, andito na ako sa bahay. Haaaay whatta dream, ibang klase parang totoo! Babangon na nga ako sa bed at kelangan ko nang maligo. Pakiramdam ko angdumi dumi ko! Napakasama nila, pinagsamantalahan nila ang mura kong katawan. Niyurakan nila ang busilak kong pagkatao. Sinimsim nila ang kaibuturan ng aking alindog! Charot! Hahahaha! Kala mo nareyp ee noh? Pero humanda talaga saken ang dalawang yon.


"Good Morning Jasmine!" sabe nung guy na nakita ko kagabi, angweird nga lang kase lumulutang siya sa air.

"Good Morning den!" sabe ko sa kanya at bumangon na sa kama. TEKAAAA?!?! Baket andito siya? At mula sa kinatatayuan ko, nagpakawala ako ng mga malalakas na smashers na mala Tiger of Naniwa, Takeshi Sendo!!! Alam kong napuruhan ko siya dahil sa pinagdaanang training ko, alam ko ang mga critical points na dapat kong patamaan sa boxing. Pero tumaas pa ang lipad niya kaya di ko na sya maabot.


"Aray naman! Napakabayolente mo talaga Jas!" sabe niya habang pinipisil pisil ang mukha niya. Aba ilang saglit lang ay nawala na yung mga marka ng kamao ko sa mukha niya. Mala-Chorvarine pala ang kapangyarihan niya. (Remember Chorvarine from Chorvel Super Bekis? Yung may lumalabas na claws na may nail art sa kamay at may kakaibang healing powers.)


"Sino ka ba talaga? Anung ginagawa mo sa room ko?" sabay takip ko sa aking katawan.


"Ako nga si Leon! Nakalimutan mo na ba? Nagpakilala na ako sayo kagabi ee." at ngumiti siya sa aken ng nakakaloko. Waaaah, anu kaya ang kelangan netoh?


"Baket mo ako sinundan dito? Kailangan mo ba ang puri ko? Inirereserba ko pa naman ito sa lalaking mamahalin ako ng totoo." sabay binalot ko ng kumot ang katawan ko.


"Ayyy hala sya, gawin ba daw akong rapist? As if may makakapang-rape sayo na nageexist sa mundong ito? Lahat yata kaya mong itumba ee." actually may point siya dun, siya nga mismo hindi makalapit sa aken ee.


"Sooo, hindi panaginip yung kagabe?" tanong ko sa kanya habang lumilipad lipad siya sa room ko na parang si Peter Pan.


"Ayy hinde, panaginip lang toh! Andito nga ako oh, ano ako hologram?" ayyy Vice Ganda ikaw ba yan? Pilosopo ren tong Imaginary Friend ko aa.


"Sira! Teka... Sa totoo lang disappointed ako, ampanget mo naman, pede ka isauli? Papalitan kita ng pogi para masaya!" diba? Minsan na nga lang magkaroon ng Imaginary Friend, pipili pa ba ako ng pipitsugin?


"Excuse me? Kala mo siya kagandahan... Kung ako nga makakapili, gusto ko maging Imaginary Friend ni Liza Soberano." ay wow, gustong maging magsasaka ng strawberry ituu. Edi dun ka! Hmp!


"Oo na! Oh siya nice meeting you Leon, I'll just call you Lei for short! Maliligo lang ako, wag na wag kang maninilip!" naku baka manyak toh at naninilip ng naliligo, sasapakin ko talaga toh ulit.


---


-sa bathroom ng room ni Jas-


Para siguradong di siya makakapasok, gagamitin ko yung electronic lock. Ang makakapag-unlock lang ng banyo ay ang aking thumb print. Oha sosyal ang mansion namen may biometrics. So ayan, laro laro muna ako ng bubbles dito sa bath tub at masarap magbabad sa tubig lalo na kapag may pinagdaanan kang hindi maganda. Angsarap sa pakiramdam, sana lang kayang i-wash away ng tubig na ito ang lahat ng hindi magandang nangyare sayo. Though kahit papano nakakarelax ang pakiramdam. Umamin kayo, most of the time na nagrereflect kayo sa mga ginawa niyo ay either habang nakaupo kayo sa toilet bowl o habang nagshoshower kayo diba? Tahimik kase at talagang payapa ang paligid, maliban na lang kung umaalingasaw yung amoy ng jebs mo sa banyo. Maigi may exhaust fan dito hahaha.


Naguguluhan pa ren ako kase di ko alam ang dapat gawin sa ngayon. Ipaglalaban ko pa ba ang nararamdaman ko kay Champ? Huli na ang lahat kase masmaganda na siya sa aken. How about kay CG? Aagawin ko pa ba siya kay Champ aka Champagne. Alam kong hindi ko kaya at talagang natatakot ako sa anu mang pwedeng mangyari. Natatakot ako... WAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!! Baket nawalan ng kuryente? WTF? Panu ko bubuksan yung pinto ng banyo ee walang kuryente?! Waaah angdilim ng banyo ko ngayon. Pero kaya ko toh, matapang kaya ako! Saglit lang yan babalik ren yan. Umahon na ako sa bath tub at kinapa yung sinabit kong bath robe at sinuot ito. Umupo ako sa gilid ng pinto pero antagal bumalik ng kuryente. May power generator naman dito kaso kelangan ng approval ni Dad bago gamitin. Kuripot kase yun ee, ayaw gumamit ng generator kase mahal daw bili nya sa gasolina. Lintek yan nag-generator pa!


*after 2 hours


Medyo nahihirapan na akong huminga, masyadong maliit yung bintana dito at hindi ako pwedeng dumaan dun kase di ko abot! Natatakot na talaga ako! Di ko na mapigilang umiyak. Sa ganitong sitwasyon mas lalo kong naiiisip na nag-iisa ako. Walang sino man ang totoong umuunawa sa akin. Pakiramdam ko walang nagmamahal sa akin ngayon. Sa tingin ko mamamatay na ako dito sa loob ng banyo. Nasaan ka na ba?


"I need you here!" nasabe ko na lang out of no where. Out of desperation kase nga wala akong kasama.


"Don't worry, I'm here!" matapos marinig ang boses na yon, naramdaman kong may yumakap sa aken. Masarap ang pakiramdam. I feel safe at parang ayokong matapos ang feeling na yon. Patay na siguro ako at sinundo na ako ng angel para mapunta sa langit kaya ganito ang pakiramdam.


--


Nagising ako at nakita kong nakayakap saken si Lei. Hala ka, akala ko talaga namatay na ako. Pero ewan ko ba, hindi ko magawang magalit sa kanya. He was there when I needed someone. Masaya din pala magkaroon ng Imaginary Friend noh?


"Jas, gising ka na pala. Alam mo ba 4 hours ka nang natutulog?" sabe saken ni Lei at kumalas na sa pagkakayakap niya sa aken.


"Lei, what do you think? I want to confront Champ and Phil right now! Kelangan ko ng closure!" nagsmile lang siya sa aken at tumango. I know it doesn't require rocket science to know na I need it more than anything else. I need to go there and finally say the things that I needed to say.


--


-sa car ni Jasmine-


Kinakabahan ako, di ko alam kung anung una kong sasabihin. Anu kaya ang gagawin ko kapag nandun na ako? Ano ang pwedeng maganap? Pagsisisihan ko ba ang desisyon na ito? Maraming naglalaro sa isip ko at ito ang iba't ibang version ng pwedeng mangyare na naiisip ko.


=imagination ni Jasmine=


#TeledramaVersion - Pagpasok ko sa pintuan, umiiyak akong lumapit sa nakatalikod na si Champagne. Hinawakan ko siya sa braso ngunit hinila niya iyon at napasubsob ako sa paanan niya.


"Utang na loob, Champ mahalin mo ako CHAMP!!!" habang nakakapit sa paanan niya. Umikot yung camera at ifinocus sa front view niya. Hindi pa ren siya lumilingon parang sa normal na teledrama.


"Hindi kita mahal at kelan man... HINDI KITA MAGAGAWANG MAHALIN!!!" sabay naglakad na siya habang naiwan akong nakadapa sa sahig at umiiyak. Ifinocus ang camera sa mukha ko habang inaaboot ko siya ng kamay ko at sumisigaw na...

"HIIIINNDDDDDEEEEEEEEE!!!"


#DramaMovieVersion - Nasa garden kame ni Champ at nakahawak siya ngayon sa mukha ko habang umiiyak.


"Ako na lang Champ! AKO NA LANG ULIT!!!" sabe ko kay Champ pero huminga lang siya ng malalim at sinabeng...


"Jas, kaibigan kita!" at tumingin siya papalayo sa aken.


" OH YES! Kaibigan mo ako!!! KAIBIGAN MO LANG AKO! And I am so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my BEST FRIEND!" sabay tumugtog ng chuva chu chu sa background... Tapos lumapit si CG at sinabing...


"Ganyan talaga, ang buhay ay isang malaking Quiapo! Minsan maagawan ka!" sabay sampal sa aken.


#ActionMovieVersion - Ikinasa ko na ang baril ko at alam kong nasa likuran lang si Champ. Alam kong may tama na siya at isang bala na lang matatapos na ang laban namen.


"Sumuko ka na Champ! Hindi ka na sisikatan ng araw!" sabe ko kay Champ habang humihingal pa.


"Wag kang magmayabang kayang kaya kita itumba." sabe ni Champ pero alam kong wala na siyang baril. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at sinugod ko na siya.


"CHAAAAMP!" sigaw ni CG habang binabato yung baril kay Champ. Tapos tinamaan ng baril sa ulo si Champ. Pero kahit tinamaan, nakuha niya pa ren yun baril at nabaril ako. Pagkatapos kong mabaril dumating na yung mga pulis.


=end of Imagination=


Kung anu- ano na naiisip ko, anu kea gagawin ko ngayon? Bahala na, kelangan kong gawin ito para magkaroon ng closure ang lahat. Pagkapasok ko sa bahay nila, tama ang hinala ko, nandoon nga si Phil. Agad naman sinalubong ako ni Champagne ng yakap.


"Sissy! Akala ko kung ano nang nangyare sayo, bigla ka na lang umalis kagabe! I am so glad you visited today!" hindi ako maka-imik, I am looking at Lei to back me up kase hindi ko alam kung papaano magsisimula.


"Jas, nga pala, ikaw lang ang nakakakita sa aken kea hindi kita matutulungan!" sabe ni Lei sa aken at talagang wala na akong choice. I need to do this alone. It's now or never.


"Champ baket? Alam mo ba all these years minahal kita? Hindi lang basta kaibigan kundi bilang boyfriend ko. Pa-fall ka kaseng hayup ka ee! Kung maka-asta ka kala mo tayo. Kung makaprotekta ka saken sa mga manliligaw mo kala mo tayo. Kung pasayahin mo ako sa araw araw kala ko talaga ikaw na yung forever ko ee. Baket ka ganyan Champ? Bigla bigla mo na lang sasabihin saken na bakla ka tapos iiwan mo ako. Bigla ka na lang babalik tapos babae ka na. Baket di mo sinabe agad Champ? Para naiready ko yung puso ko. Para alam kong hindi kita pwedeng mahalin!" naiyak na ako ng todo ng mga panahon na iyon. Useless na ren kung itatago ko pa na masyado akong nasaktan. Niyakap ako ng mahigpit ni Champ.


"Isa ka pa Phil! Pa-fall ka reng hayup ka! Ang buong akala ko ikaw na yung gagamot sa mga sugat sa puso ko. Para maka-move on na ako sa pesteng nararamdaman ko sa baklang toh. Badtrip ka ren ee, sa lahat ng mamahalin mo ito pang baklang toh! Di ka na naawa sa nararamdaman ko. Napaka-unfair nyo!" kumalag na ako sa pagkakayakap ni Champ at hinila ko na si Lei palabas.


"Tara na Lei, nasabe ko na ang lahat ng gusto kong sabihin!"


Hindi kame agad umalis sa bahay ni Champ. Nagstay pa kame ni Lei dun sa garden kung saan madalas kameng nagtitingin ng stars ni Champ. Umiiyak pa ren ako pero masmagaan na ang pakiramdam ngayon. Finally nagkaroon din ng closure. Naamin ko ren yung matagal ko na dapat inamin. Hindi na dapat tumagal at sumakit ng ganito.


"Jas, would you like to see something great? Kahit papaano siguro mababawasan yung lungkot na nararamdaman mo." sabe saken ni Lei habang nakaakbay saken. Swabe ren tong Imaginary Friend ko ee noh? Mana kay Author, Moves Like Padilla!


"Sige nga, dadalhin mo ba ako sa Neverland?" sabe ko sa kanya habang pinupunasan ang luha ko.


"Hindi naman exactly Neverland dahil hindi ako si Peter Pan pero parang ganun na ren. It's a world that exists only if you believe in it." wow, sounds exciting ah. Sige nga, makakapunta kaya ako dun?


"Paano naman ako makakapunta dun?" Pumunta siya sa harap ko at parang magdedemo kung panu ang gagawin ko.


"Ok una, kelangan mong magduck face" at sinunod ko naman agad siya.

"Pangalawa, kelangan mong mag dance ng Gangnam Style dun sa part na parang nangangabayo." hala meganon talaga? Dibale na nga sundin na lang...

"Pangatlo pikit ka ng mga 3minutes. Kelangan nakaduck-face at nasayaw ka pa ren ng Gangnam style" ok so naka3 minutes na ako. Dumilat na ako ulit. Nakita ko si Lei na tawa ng tawa.

"Hahahahaha! Grabe ka uto uto ka pala! HAHAHAHAHAH!" abay tarantadu toh ahh. Ginugudtime ako? Nung sasapakin ko na siya, hinawakan niya ang kamay ko at nakita kong nag-iba ang paligid. Tapos hinila niya ako at nagulat na lang ako nakakalipad na ako. Wow! Para nga akong nasa Neverland!

"We're here Jasmine! Maswerte ka kase matalino ang Imaginary Friend mo, yung mga level lang namen ang kayang pumunta dito at will and we can even bring our Living Friends here."


Angganda dito, these are things na sa imagination lang pwedeng makita. Mukhang imposible ang lahat ng nandito pero I am seeing it right before my eyes. Flying cars, flying people, tapos flying fishes.


"Jas kainin mo yung cloud, matamis yan parang cotton candy!" tinikman ko naman yung cloud at WOWWWW! Ansarap nga parang masmasarap sa totoong cotton candy!


"Angganda naman dito Lei! Pwede bang dito na lang ako?" sabe ko kay Lei pero sumimangot siya.


"Jas, you can't stay here! Ang lahat ng nakikita mo, mga bagay na hindi pa nagmamanifest sa tunay na mundo. Pipiliin mo bang mahiwalay sa mga taong mahal mo?" may point siya. Hindi ko pwedeng basta iwan na lang ang mundo ko. Inaya niya na lang akong maglaro dun ng mga hologram video games at infairness magaling maglaro si Lei. Namasyal pa kame sa lugar ng mga Dinosaurs, infairness mababaet yung mga yun. Nung magdidilim na, nakita ko ang napakakulay na Imaginary World. Isang mundo na makikita mo lang kung naniniwala ka.

"Exactly Jasmine, this is a world of dreams and hindi malabon maachieve mo ang mga pinaniniwalaan mo basta put your mind into it. It's time to go Jas!" nagsnap siya ng finger at nagising ako sa garden ni Champ at nakita ang magagandang stars.


"Lei, thank you so much! I feel much better now!" nagsmile lang siya sa aken pero angweird lang, parang gumwapo siya o siguro ngayon ko lang talaga napansin?


Ang mas-malala pa... BUMIBILIS ANG TIBOK NG PUSO KO!


_______________


Author's Note: I decided to edit this part at maglagay pa ng isang Chapter. Medyo di lang ako satisfied sa Epilogue na ginawa ko. Siguro dahil gusto ko na siyang tapusin pero parang mali yung pagtapos ko. Dahil na ren sa comment ng isa kong masugid na reader, I decided to fix it with an extra part. After nito, isusulat ko na talaga yung Epilogue na mas-maayos but expect the same ending ha! Yun na kase talaga yun ee. Aayusin ko na lang! :D



Continue Reading

You'll Also Like

33.9K 1.2K 19
Bakugou's parents are going on a business trip with his aunt and uncle so he has to spend a whole week with his cousin haruki but bakugou doesn't lik...
1.7M 103K 40
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
661K 68.4K 26
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
1.7M 95.8K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...