-sa megamall pa ren-

Masaya ako ngayon dahil sa sinabe ni Papa Champ ko. He likes me? OMGG! Napaka-cool talaga niya tignan ngayon at lalo pang gumaguwapo. Grabe, I can never resist him, sige na ayoko na pahard to get. Lalandi na talaga ako kapag nilandi niya ako hahaha! Nakatingin lang siya sa phone niya habang naglalaro ng 2048. Ako naman siya lang ang tinititigan kanina pa. Tinamaan yata ako sa poging toh eh. Grabe naman wala pang 1 week ko siyang kilala tapos ganito na agad. Waaah kinikilig ako sobra!

"Ok ka lang Jas? Kanina ka pa nakatulala diyan ee." sabe ni Champ kaya medyo napahiya ako. Oo nga naman, kung anu anong iniisip ko ee hindi pa kame tapos kumaen dito sa food court. Teka, palusot mode on! Kinikilig ako kaya...

"Ummn, CR lang ako Champ ha! Nawiwiwi na kase ako ee!" paalam ko sa kanya sabay tumayo na papuntang CR. After magwiwi punta ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko. Dati rati ay nagddoubt ako kung may magkakagusto sa aken pero ngayon he likes me daw? Tinapik tapik ko ang cheeks ko at sinabi sa sarili ko na...

"Ganda mo talaga Jas! Lumelevel up ka na!" nag-ayos na ako at nagready na pabalik ng table namin ni Champ ng may maisip na naman akong kalokohan. Nakita ko kase sa path na dadaanan ko papunta sa table namen na may isang girl na tingin ng tingin kay Champ. Malandi kang babae ka ha, ikaw ang biktima ngayon! Habang naglalakad ako bigla akong tumuro sa direksiyon nung girl na nasa likod naman niya si Champ sabay sigaw na...

"UYYYYYY!!! MUSTA NA?!?!" then to her amazement she smiled and gave me the *kilala ba kita?* look. Nakaturo pa ren ako sa direksyon nya habang papalapit at nakatitig pa ren siya saken habang nakasmile at iniisip pa ren kung kilala niya ba ako. Tapos nun derecho lang ako at nung nilampasan ko siya napansin kong naiwan siyang muntanga dun at naiisip ko ang naiisip niya. Siguro sinabi niya sa sarili niya na The Fudge was that? Akala ko ako, holy shorts nakakahiya!!! Sabay ako naman ay dumirecho na sa table namen ni Champ habang pigil na pigil ang tawa. Nagtagumpay na naman ako hahahaha!

"Oh musta? NagCR ka lang parang namiss mo agad ako ah!" sabe naman ni Champ at alam kong narinig din yun nung girl. Ahahahaha! Sa isip ko sabe ko, sorry this guy is my date! Maldita effect din pag may time.

-----

-sm cinema-

Ayan andito na kami at ready nang manuod ng movie, Eto ang mga pagpipiliang pelikula:

-Miracle in Cell Vs. Goku

-Guardians of the Galactic Parlor

-Beks Tape

-Adult Mutant Homo Turtles

Binasa ko yung synopsis na nakapaskil dun, maganda naman yung unang movie. Nakakaiyak daw yun ee, maglalaban na dapat si Cell at Goku kaso nakulong si Goku dahil pinagbintangan siyang kiname hame wave yung bata. Tapos pinilit itakas ni Cell si Goku kaso pinili ni Goku na umamin na lang at mabigyan ng death sentence. Nagbilin siya kay Cell na hanapin yung Dragonballs para buhayin siya ulit. Ayun happy ending din kase naglaban sila sa huli. Nakakaiyak noh?

Yung pangalawang movie naman, isa na namang CHORVEL Classic. Isang batang namatayan ng nanay tapos kinuha siya ng isang spaceship upang gawing sikat na hair dresser sa buong galaxy. Naging siya si Char Lord at naging leader ng grupo pero sa buong cast ang naging paborito ko ay yung Puno na bading din... Si Charoot! Wala siyang ibang linya dun kundi I AM CHAROOT!

Since Chorvel Fan ako, yun na ang pinili kong panuorin at infairness tuwang tuwa si Champ sa movie na yun ah. Grabeng tawa niya lalo na kapag bumabanat ng joke si Charoot na naging instant hit yung character. May special dance number pa nga si Charoot sa dulo habang nakatanim siya sa paso.

My Imaginary Love [COMPLETED]Read this story for FREE!