Special Chapter 8

603 12 4
                                    

-sa mansion ni Jas-


I wonder why ganito ang feeling ko today. Parang nanggaling ako sa isang makatotohanang panaginip. If I can remember right, may lumitaw na Imaginary friend ko daw. Adik lang noh? I was kinda drunk kaya siguro ganun. Yan ang napapala ng mga minor na nagpipilit uminom ng alak. Mabuti pa at uminom na ako ng milk... or milktea para matuluyan na ako? Hahaha, nagbalak pa talaga ako magsuicide noh? Well I can't hide the pain na naidulot sa aken ng encounter namen ni Phil at Champagne. Anu nga ba yung last na nangyare kagabi?


*flashback


Unti unting lumabas yung demonyo sa screen ng phone ko pero sa sobrang natakot ako kaya nasapak ko siya. Pinaulanan ko siya ng mga one-two combination ko tapos magkasunod na right straight ang pinakawalan ko. Hindi siya nakailag pero teka? Parang familiar ang taong toh. Siya yung lalakeng lagi na lang lumilitaw sa panaginip ko. Naawa ako bigla sa kanya at hinawakan ang mukha niya. Natanong ko na lang na...


"Sorry, nabigla lang ako pero, sino ka ba kase? Bat bigla bigla ka na lang lumilitaw?"

Tumingin sa aken yung guy, nagulat ako ng makita kong lumulutang yung paa niya. Waaaahhh multo ba ituu?

"Ok lang, nakikita ko sa mukha mo na mabuti kang tao. By the way my name is Leon and I AM YOUR IMAGINARY FRIEND!"


"Anung Imaginary Friend? Waaaaahhhhhh!"


*end of flashback


The next thing I know, andito na ako sa bahay. Haaaay whatta dream, ibang klase parang totoo! Babangon na nga ako sa bed at kelangan ko nang maligo. Pakiramdam ko angdumi dumi ko! Napakasama nila, pinagsamantalahan nila ang mura kong katawan. Niyurakan nila ang busilak kong pagkatao. Sinimsim nila ang kaibuturan ng aking alindog! Charot! Hahahaha! Kala mo nareyp ee noh? Pero humanda talaga saken ang dalawang yon.


"Good Morning Jasmine!" sabe nung guy na nakita ko kagabi, angweird nga lang kase lumulutang siya sa air.

"Good Morning den!" sabe ko sa kanya at bumangon na sa kama. TEKAAAA?!?! Baket andito siya? At mula sa kinatatayuan ko, nagpakawala ako ng mga malalakas na smashers na mala Tiger of Naniwa, Takeshi Sendo!!! Alam kong napuruhan ko siya dahil sa pinagdaanang training ko, alam ko ang mga critical points na dapat kong patamaan sa boxing. Pero tumaas pa ang lipad niya kaya di ko na sya maabot.


"Aray naman! Napakabayolente mo talaga Jas!" sabe niya habang pinipisil pisil ang mukha niya. Aba ilang saglit lang ay nawala na yung mga marka ng kamao ko sa mukha niya. Mala-Chorvarine pala ang kapangyarihan niya. (Remember Chorvarine from Chorvel Super Bekis? Yung may lumalabas na claws na may nail art sa kamay at may kakaibang healing powers.)


"Sino ka ba talaga? Anung ginagawa mo sa room ko?" sabay takip ko sa aking katawan.


"Ako nga si Leon! Nakalimutan mo na ba? Nagpakilala na ako sayo kagabi ee." at ngumiti siya sa aken ng nakakaloko. Waaaah, anu kaya ang kelangan netoh?


"Baket mo ako sinundan dito? Kailangan mo ba ang puri ko? Inirereserba ko pa naman ito sa lalaking mamahalin ako ng totoo." sabay binalot ko ng kumot ang katawan ko.

My Imaginary Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now