-hotel room ni Ara-

Hindi pa ren ako makapaniwala na kasama ko ngayon ang pinakaunang babaeng nang-iwan saken. Natural bitter ako noh? Hindi naman madaling ganun na lang yon, though wala naman kameng relasyon. Haha! Futile yata tong pagkabitter ko, parang ako lang naman ang nakakaramdam nito. Kainis lang, one sided love yata toh eh. Why did she invite me dito sa hotel room niya? Ayokong mag-imagine kase baka lumitaw si Jasmine at magulpi na naman ako.

"Oh here, have some juice drinks. Sorry I forgot to notify you ha! Pero I'm glad kase you came! Ano sa tingin mo? Destiny?" habang inaabot saken ang isang glass ng mango juice. Infairness alam niya pa ren ang favorite na juice na binibili ko sa canteen noon. Pero hindi ko kaagad ininom yun.

"What's wrong dear? Walang gayuma yan! Pampatulog lang haha para ma-rape kita tonight!" Nagulat ako sa sinabe niya. That doesn't sound right, hindi naman ganito si Ara. Sa US ba ganito sila? She's not the Ara that I used to know.

"Excuse me?" yun na lang ang naisagot ko sa kanya. Bigla na lang siyang tumawa at biglang nagcrosslegs. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa legs niya na sobrang puti. Angweird ng suot niya ngayon, Isang large na black polo na panlalaki, tapos naka-unbutton ang first four buttons from collar tapos nakababa yung isang side exposing her left shoulder. Meron pang polkadots na scarf sa leef niya tapos merong white na cotton na fabric na naka-ikot sa waist niya acting as her belt. And I think naka-white undies lang siya kea naman WOW talaga! Baket ba napakasexy ni Ara? Kung tutuusin kapag nakakita ka ng nakasuot ng ganun na nagkakalad sa kalsada mukhang taong grasa lang eh. Pero tama ako sa instinct ko, ang babaeng ito talaga ang isa sa pinakamagagaling magdala ng damit na nakilala ko. Totoong kahit basahan ang isuot nito mabebenta eh.

"I'm just kidding Leon! You know me well, I am not that kinda girl! I may be wearing more revealing dresses now but no one has exposed my true feelings." tapos biglang naging sad ang expression ng mukha ni Ara. 

"Hey, I'm sorry! I just feel arkward right now since I haven't seen you for 4 years." totoo naman eh. Since hindi naman kame sobrang naging close dahil hindi pa tapos ang 1st year ng high school eh nagpunta na siya ng US. 

"I've been thinking about you for the past 4 years Leon. I wanted to go back here but I just can't." WHAT? Anung ibig sabihin nito Ara? Ito ba yung iniisip ko noon sa Ferris Wheel? Baket parang ayokong marinig?

"...I wanted to fulfill my dream of becoming a professional model first. I want to make you proud Leon!" Ha? To make ME proud? Baket ako? 

"Thanks but WHY?" tipid na sagot ko sa babaeng ito. 

"Matalino ka kase eh. I wasn't the right girl for you back then. Look at me now! Do you think I DESERVE YOU NOW?" Wow! So tama nga ako? The feeling WAS mutual back then. Pero may mali eh, angweird ng feeling ko. 

"You deserve someone better Ara!" Watdafudge? Anu daw ang sinabe ko? Parang narinig ko na yun ah. Haaay si Yurie na naman ang dahilan nito eh.

"What do you mean? Leon, I don't understand!" me too. Neither of us understands this!

"Ang ibig kong sabihin, wala naman akong maipagmamalaki sayo Ara. If ever, we can be friends as usual." Wow ampogi ko, nangfriendzone pa talaga ako ng babae? 

"Oh shoot! Ahaha! You want to be friends? I waited for nothing? No! I won't give up that easily!"

"Ara that's not what I mean... maybe... we can give it a try!" Honestly, I wanna try again since I like her since 1st year pa lang ng High School. Pero hindi ko alam eh, hindi naman ako nasaktan ng katulad kay Yurie. Siguro si Ara yung maituturing kong Puppy Love at hindi katulad ng naramdaman ko kay Yurie, na sobrang sarap ng feeling at sobrang saket na ren nung iniwan niya ako. Pero ayokong mag-close doors, baka may chance pa na maituloy kung saan man ako nabitin 4 years ago. 

My Imaginary Love [COMPLETED]Read this story for FREE!