-sa fac-u-

Ambilis ng panahon, I am currently looking at my phone para i-check ang Time Hop app ko. Grabe puro pictures namen ni Champ together. Nakakatuwa lang kase sobrang close talaga namen. Ang hindi ko lang maintindihan ngayon ay kung anu ba ang status nameng dalawa? Never naman siyang nagsabe na liligawan niya ako. Pero sa 2 years na magkasama kame, feeling ko di na kame dapat magligawan pa. Alam na niya ang lahat sa aken, close na den sila ni Daddy. Alam niya lahat ng gamit ko, mula brand ng pabango pati underwear as in seriously wala na akong naitatago sa kanya. Napaka-gentleman din nitong si Champ kase never as in never siyang nagtake advantage sa aken. Minsan iniisip ko nga kung bakit ganun siya, he is always asking kung crush ko ba yung mga gwapong guys sa school. Ayoko namang mag-assume na nagseselos siya.

Meron kameng fieldtrip ngayon dito sa fac-u and ang destination ay Laguna. Mag-iikot kame dito sa mga famous land marks tapos ang pinaka main event ay ang Enchanted Kingdom. Siguradong masaya toh. Dito sa bus na service namen papunta dun, katabi ko na naman as usual si Champ. Sabe ko naman sa inyo hindi kame mapaghiwalay ng lalakeng toh. Marami na nga nagtatanong kung kame na ba daw pero siyempre ang sagot namen ay ang napakashowbiz na "we're just friends." So ayun na nga nakapaglibot libot na kame dito sa Laguna at nakabili na ren ako ng Buko Pie. Kase naman na Buko Pie yan, hindi pwedeng ipasok sa Echanted Kingdom kea bumili na kame at iniwan sa bus bago pumasok sa amusement park na iyon.

-----

-sa enchanted kingdom-

Para talaga akong bata kapag napapadpad sa mga ganitong lugar. Dito kase nabibigyang saysay ang pagiging bata mo. Alam mo yung feeling na prinsesa ka at ang mga kasama mong royalties ay nakatira sa isang palasyong puno ng kasiyahan. Grabe kahit saan ka kase lumingon, makikita mo talagang nag-eenjoy sila.

Sumunod na pinuntahan namen ay yung Anchors away. Dito medyo natatakot na ako kase palakas ng palakas yung pagssway nung barko habang timing naman na napapwesto kame dun sa bandang dulo. Susme kala mo maiiwan ang kaluluwa mo sa mga nangyayare. Ok na ren ito, kase may nagawa ako dito na puwedeng magamit sa iyong advantage. Lalo akong nalula nung nagyaya na si Champ na sumakay ng Space Shuttle, ito yung super dameng beses mong maiiwan ang kaluluwa mo dahil ilang beses kang iikot ng 360 degrees sa ere. Sobrang nakakatakot kapag hindi ka sanay, pero duh, sino bang masasanay dito? Unless araw araw kang nagpapraktis para maalis ang lula mo sa ganito. Pero dahil nga dun punong puno ng adventure ang pagsakay dito. Meron lang akong mga bagay na dapat nating tandaan sa pagsakay sa mga rides sa amusement parks.

DOs and DON'Ts SA PAGSAKAY NG RIDES SA AMUSEMENT PARKS

DOs

- Ugaliing Magdasal = bago sumakay ugaliing magdasal muna. Sa ganitong paraan maaaring maligtas ang iyong kaluluwa in case maiwan ito sa sobrang bilis ng pagbulusok ng mga rides. Humingi na ren ng tawad sa mga nagawang kasalanan just in case na malaglag ka sa rides at kumalat ang mga lamang loob mo sa paligid ng amusement park, atleast mapupunta ka sa heaven. Pero kung ayaw itong mangyari siyempre siguraduhing ang safety. Eto ang next bullet point para sa safety.

- Ugaliing Magtoothbrush araw-araw = ito naman ay para sa kaligtasan ng mga taong kasama mong sumakay sa mga rides. Maawa ka sa kanila at wag kang magsisisigaw ng alam mong hindi ka nagtoothbrush. Baka imbes na mahimatay sila sa sobrang intense nung rides ay mahimatay sila sa baho ng hininga mo.

- Ugaliing Maligo araw-araw at Mag-deodorant kung kailangan = related ito sa nakaraang bullet point. Utang na loob naman, kung nais mong itaas ang kamay mo habang nasa rollercoaster wag kang selfish. Baka ikaw lang ang nakataas ang kamay at lahat ng tao sa paligid mo ay nakatakip ang ilong.

My Imaginary Love [COMPLETED]Read this story for FREE!