Chapter 7

5.4K 41 1
                                    

-sa bar (continuation)-

JASMINE'S POV

"...paano? You're not supposed to see me." nagtataka pa ren ako kung baket may ibang taong pwedeng makakita sa aken bukod kay Lei.

"Imposibleng hindi kita makita, ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko!" then he kissed my hand that he was holding. Awww, baket ganun? Nanghihina ako sa ginagawa niya. Leon help me. LEON!!!

----

-sa bahay ni Leon-

LEON'S POV

Haaay! The best talaga panuorin yung FULL HOUSE! Eto talaga ang isa sa pinakapaborito kong kdrama kase bukod sa napakapretty ni Song Hae Kyo, ang-cool din ni Rain dito. Perfect match talaga sila. Nakakaasar lang sa mga ganitong story sa kdrama, baket talagang may sobrang galing na guy, sobrang competent at sobrang sweet den na handang mahalin ang bidang babae pero sa huli masasaktan lang. Parang yung character ni Park Dong Ju sa My Girlfriend is a Gumiho. Gagawen niya ren ang lahat ng sacrifice para sa bidang babae pero siya pa ren ang talo sa huli. Ang masama pa hindi nabibigyan ng justice ang character nila. Dapat may part ng story na ipapakitang naging masaya din sila. Diba Jas?

"Jasmine! Asan ka na ba?" Hindi pa ren siya nagpapakita since yesterday. Gusto ko sana siyang hingan ng opinyon tungkol sa argument na ito. Haaaist nagtatampo ba siya? Pagkauwi ko naman kagabe sinabe ko na merong Fashion Mag na binigay si Ara saken. Bahala nga siya...

-----

-sa bahay ni Benzon-

JASMINE'S POV

Angliwanag naman! Nasaan ba ako at bakit ako natutulog sa KAMA? Wait papaano akong naihiga sa kama eh hindi naman ako pwedeng magtouch ng kahit anong totoong bagay except kay Lei. Shoot asan ba si Lei? Bumukas ang pinto at nagulat ako.

"Gising ka na pala miss. Wag ka sanang matakot sa aken" kakatapos lang yata magshower nitong si Ben at nakatapis lang ng towel. AWWWW SHET ANGYUMMY!!!

"Ha? Ahhh ehhh pwede ba magsuot ka muna ng damit? Kase nakakatakot ka talaga ee." Natatakot akong magahasa kita. Nakow PALABAN pa naman ako...

"PERO TEKA?!?!" sabay napatayo ako sa kama. BAKET AKO KASAMA NI BEN NGAYON?!?!?!

Dali dali akong nagtungo sa CR ni Ben kung saan siya pumasok para magbihis.

*BLAG

Aray! Bat hindi ako tumatagos sa walls? Anung nangyayare saken?

*door opens

Nakita ko si Ben wearing his jeans and a checkered polo na naka-unbutton lahat ng buttons. WOW Pandesal! Extra rice please! Teka pede ba i-ulam ang pandesal? 

"Miss are you alright?" sabay hagod ng medyo basa pang hair niya. Oh Em GEE!!! Author isang bed scene nga diyan!

yoyoduelistb17: Wow ha! Anglande? Mana ka talaga kay Leon.

"Aw oo nga pala? Paano ako napunta dito?" habang tinatakpan ang mata ko pero nakasilip pa den.

"Ah, kase you passed out last night. Ayoko namang iwan ka kaya I brought you here. Baka kase may masamang mangyari sayo ee." aww ang-gentle man naman pala ng Papa Benzon ko eh. 

"I see. Thanks! Uwi na ako..." akmang lalabas na ako ng na-grab niya ang kamay ko. Aww author push mo na yang bed scene dali!

yoyoduelistsb17: Conservative ang character mo dito kea tumigil ka na diyan. 

My Imaginary Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now