A Dream that never came (Sequ...

By Maria_CarCat

3.3M 129K 64.8K

I was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest. More

A Dream that never came
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37 (Hunter's)
Chapter 38 (Hunter's)
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter

Chapter 4

40.1K 1.6K 846
By Maria_CarCat

Perfume





Kaagad kong tumayo para sana sundan siya pero pinigilan ako ni Sov.

"Saan ka pupunta? Kararating ko lang," sabi niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa pagkakahawak niya sa braso ko.

"May pupuntahan lang," marahang sagot ko sa kanya kaya naman siya mismo ang bumitaw ng hawak sa akin.

Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya ulit at kaagad akong bumaba sa may bench para tumakbo at sundan si Ahtisia. Nang isang beses na lumingon ako sa court ay nakita ko pa ang dismayadong tingin ni Isabella sa akin habang nakahalukipkip siya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Inirapan niya lang ako bago dismayadong napailing at tumakbo palapit sa pinsan niya.

Hindi ko din alam kung saan ko pupuntahan si Ahtisia kaya naman nagbakasakali ako sa mga girls restroom, even sa labas ng locker room nila ay naghintay ako pero hindi ko na siya nakita.

I even send her a message para kamustahin siya pero wala naman akong kahit anong reply na natanggap mula sa kanya. Masyado siyang ma-ilap sa akin. Masyado siyang ma-ilap sa lahat. Konting konti na lang ay iisipin kong baka ayaw niya nang nilalapit-lapitan ko siya.

If that's the case pwede namang dumistansya na ako. Pero hangga't hindi ko naririnig ang mga salitang 'yon na galing mismo sa kanya...I'm still hoping that there's a chance na mas makilala ko pa siya. I want to be close to her, I want to know her more. There is something about her na gusto ko.

Huminto na ako sa paghahanap at paghihintay sa kanya ng ma-realize kong ayaw niyang magpahanap. Bagsak ang balikat ko ng bumalik ako sa open court. Tapos na ang volleyball class ng section nina Ahtisia kaya naman ang mga varsity player ng Volleyball team na lang ang nandoon.

Nag-uusap sina Sov at Isabela sa may bench nang lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Andito na pala ang knight and shining armor ni Stan smith girl," nakangisi at mapanuyang sabi ni Isabella sa akin.

Pagod akong umupo sa tabi ni Sov.

"Hindi niyo dapat ginawa 'yon sa kanya. She's a freshman, naninibago pa," pangaral ko kay Isabela.

Natawa ito at uminom sa hawak niyang sports drink bago makahulugang tumingin kay Sov na wala namang imik.

"Hindi na siya highschool para bigyan pa ng special treatment. This is college," giit ni Isabela at nag-iwas na lang ng tingin sa akin na para bang she's indicating that she doesn't want to argue about this anymore.

"You like her?" tanong ni Sov sa akin nang lumingon siya.

Tipid akong tumango habang nakatingin sa court. "I like her," pag-amin ko.

Hindi na sumagot si Sov pero mas lalong napangisi si Isabela.

"You like her, everyone likes her...pati mga varsity players ng basketball team. Just because of her pretty face," mapanuyang sabi pa din niya.

"She's nice," laban ko pa.

"Nice my ass," ma-arteng sabi niya sa akin na may kasama pang-irap.

Padabog niyang sinarado ang sports drink niya bago siya tumakbo papunta sa gitna ng court para maki-sali sa practice ng mga ka-teammate niya.

"Mukha namang mabait. Liligawan mo na?" tanong ni Sov sa akin.

Kinakausap niya ako habang abala siya sa handouts na hawak niya.

Nagkibit balikat ako. "Ma-ilap. Parang ayaw sa akin," sabi ko pa sa kanya. Atleast she's about about it. Hindi kagaya ni Isabela na gusto atang tumanda akong binata.

Ngumisi si Sov. "Si Hunter Jimenez? Mayroon bang may ayaw sa'yo?" tanong niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Dahil sa pagyayabang ko ay pabiro niyang ipinalo sa mukha ko ang hawak niyang handouts.

Parang mas lalo kong naramdaman ang laki at lawak ng campus namin nang hindi ko man lang nakita si Ahtisia ng mga sumunod pang-araw. Para bang sinasadya niya talagang hindi magkita ang mga landas namin. Masyadong iwas.

"Fans club mo," nakangising sabi ng mga kaibigan ko nang makita namin ang kumpol ng mga babaeng naghihintay daw sa paglabas namin.

Inirapan ko na lang ang mga kaibigan ko kaya naman pabiro nila akong sinuntok sa braso.

"Yabang ni Hunter," kantyaw nila.

Hindi na bago sa akin ang mga tingin ng mga babae sa tuwing naglalakad ako sa may hallway ng school. Sanay na din ako na sa bawat galaw ko ay may nakatingin sa akin, just because they like me or what.

Hindi ako naka-attend sa training ko ng weekend na 'yon dahil sa dami ng kailangang gawing school works. Nagkulong ako sa bahay buong sabado at nagkaroon lang ng chance na sumama sa mga pinsan ko sa araw ng linggo.

"Pinagamit ni Mommy sa akin yung itim na Land Cruiser Prado," pagyayabang ni Piero.

Ngumisi si Kuya Hob sa kanya. "Pinagamit lang, hindi pa ibibigay," pang-aasar nito kay Piero.

"Ibibigay na din 'yon. Matic na 'yon," giit niya at halatang inis kaagad.

"Gusto ata ni Tita Maria hatid sundo pa ang Baby Piero niya," pang-aasar pa ni Kuya kaya naman inis na inis si Piero sa kanya.

Abala sa phone ang katabi nilang si Eroz na kanina pa tahimik. Sa tuwing magkasama kaming apat ay wala ibang bukambibig si Piero kundi mga sasakyan. Wala namang problema si Eroz pag dating doon dahil hinayaan siya ni Tito Axus na gamitin kung ano ang gusto niyang gamiting sasakyan.

Eroz ang pinagpalang anak sa lahat, base na din kay Piero.

"Online shopping, amputa," sita ni Piero sa pinsan namin nang silipin nito ang ginagawa ni Eroz.

Pilit na nilayo ni Eroz ang phone niya kay Piero pero sadyang makulit ang siraulong si Piero.

"Para kanino?" tanong niya. Chismoso.

Ngumisi si Eroz at kaagad na itinago ang phone niya.

"Birthday ni Gertie next month. Magpapadala sila Mommy...papasabay ko," sagot niya. Bago sumimsim sa juice niya.

"Gertie? Yung musmo na batang type mo? Makukulong ka diyan," sita ni Piero kaya naman natawa maging kami ni Kuya Hob.

"Gago, parang kapatid ko lang si Gertie," sagot ni Eroz at nag-iwas kaagad ng tingin sa aming tatlo.

"Mukha mo, Eroz!" pang-aasar ni Piero sa kanya kaya nagsimula nanaman ang asaran nilang dalawa.

Hinayaan ko na lang sila at naging abala na din sa phone ko. Every now and then kung I-check ko ang social media accounts ni Ahtisia to have an update about her. Pero once in a blue moon lang ata siya kung mag-update doon.

Active siya sa IG pero wala naman akong lakas ng loob na magchat sa kanya una. Nakuntento na lang akong tingnan ang mga old post niya. Kung magkakaroon naman ng story ay tungkol lang 'yon sa mga bagay at lugar pero never her beautiful face.

Bihira kung makasama namin sin Cairo, Kenzo, at Tadeo. May kanya kanyang buhay din ang mga iyon ay kung kailan lang nila trip sumama sa amin sila sasama. Hindi sila kagaya ni Piero na kaladkarin.

Open pa din for the freshman students ang mga clubs and organizations the next week kaya naman madami pa ding tao sa field and even sa mga hallway. Abala din ang mga varsity players namin sa iba't ibang sports dahil sa magaganap na intercampus.

Sumama ako sa mga kaibigan ko sa field kung saan nakatayo ang iba't ibang klase ng booth para sa mga clubs and org. Hindi sila nandoon para sumali, nandoon sila para maghanap ng mga Freshman students.

"Ahtisia," tawag ko sa kanya ng hindi ako nabigo sa araw na 'yon at nagkita din kami sa wakas.

May hawak siyang ilang mga flyers mula sa iba't ibang organizations. Sa kabilang kamay ay may hawak na cupcake na pinamimigay ng cooking club.

Nilingon niya ako at nagulat pa nung una. Nagtagal ang tingin ko sa kanya nang makita kong may suot siyang oversized square frame eye glasses. May lalo siyang gumanda, bagay naman sa kanya lahat ng isuot o kahit gawin niya sa buhok niya.

"May grado 'yan?" tanong ko kaagad. Nandito nanaman yung pagiging gago ko lalo na sa mga tanong ko sa kanya.

Bahagyang napaawang ang bibig niya bago siya marahang umiling sa akin.

"Sinuot ko lang, may ano kasi..." hindi kumpletong sagot niya sa akin at itinuro na lang ang gilid ng mata niyang may pasa.

Mukhang pawala na 'yon pero halata pa din. Sumama ang tingin ko sa pasa sa mukha niya at muli ko nanaman naalala yung nangyari sa kanya sa court.

"Masakit pa din ba?" tanong ko pero umiling lang siya sa akin.

Gusto ko pa sanang magtanong sa kanya pero wala naman ang atensyon niya sa akin kundi sa mga booth na nasa harapan namin.

"May napili ka na?" tanong ko, hindi ko talaga mapigilan na magtanong sa kanya. I want us to talk.

"Pinag-iisipan ko pa lang..." sagot niya sa akin at ipinakita pa ang flyers na galing sa organizations na napili niya.

Sa theater club ang isa at sa ballet naman ang isa pa.

"Bagay ka diyan," sabi ko sa kanya kaya naman nag-iwas siya ng tingin sa akin ng mapansin ko ang pagpula ng pisngi niya.

I asked her kung may mga susunod na klase pa siya, mas lalo akong natuwa ng sabihin niyang alloted ang araw na ito para makapili sila ng sasalihang club. Libre din ang buong araw ko ngayon since tapos na ang mga exams namin. Abala din ang mga prof sa mga clubs na hawak nila.

"May mga kaibigan ka na dito? May kasabay kang maglunch?" tanong ko sa kanya.

Hinintay kong makapagregister siya sa mga clubs na napili niya. Hindi ko siya iniwan dahil hanggang mamayang hapon akong didikit sa kanya.

Umiling siya. "Wala pa."

Nagtaas ako ng kilay. Inayos ko ang pagkakasukbit ng backback ko sa kanang balikat ko.

"Sinong kasabay mong kumain araw-araw?"

"Ako lang. Dapat ba may kasabay pag kumakain?" tanong niya sa akin at tipid pang ngumisi.

Imbes na sagutin ang sinabi niya ay napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi. She is really something.

Napahawak ako sa kilay ko. "Pwede kitang sabayan ngayon?" tanong ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin, tumingin muna sa paligid bago siya napabuntong hininga at tumango sa akin.

"Ikaw ang bahala," sagot niya sa akin kaya naman halos gusto kong sumuntok sa ere dahil pinayagan niya ako.

I told her na may alam akong masarap na kainan hindi kalayuan sa university namin. Pero mas mabilis kaming makakarating doon kung gagamitin namin ang sasakyan ko.

Pumayag naman siya, pero habang naglalakad kami papunta sa parking space ay nakita ko pang nagsend siya ng message sa kung sino.

"Si Kuya Will," sabi niya sa akin. Mukhang alam na niya ang ibig sabihin ng tingin ko sa kanya.

"Strikto pala si Kuya Will," nakangising sabi ko pero nakita ko ang lungkot ng mapanguso siya.

"Hindi siya, Si Mommy," sagot niya sa akin.

Pinagbuksan ko siya ng shotgun seat. Dahil sa pagsakay niya ay napalapit siya sa akin kaya naman mas lalo kong na-amoy ang bango niya. Marami na akong na-amoy na pang-babang pabango, mukhang ang sa kanya ang pinaka gusto ko.

Halos maghari ang bango niya sa loob ng sasakyan ko kaya naman halos pasimple kong sininghot 'yon. Her smell is so addicting. Tangina, Hunter baliw ka na talaga.

Traffic palabas ng university parking space kaya naman naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Ilang beses ko siyang nilingon pero tahimik lang siyang nakatingin sa labas ng bintana.

"Anong perfume mo?" tanong ko. Hindi ko na napigilan.

"Uhm...bakit? Mabaho?" tanong niya sa akin at inamoy pa ang sarili niya kaya naman napangiti ako.

"Mabango, gusto ko nga," sagot ko sa kanya.

"Gusto mo ding ng perfume ko? Pangbabaeng amoy?" gulat na tanong niya sa akin kaya naman mariin akong napapikit at natawa na lang talaga.

"Gusto ko yung amoy mo. Gusto kong amoyin," pagtatama ko.

Bumaba ang tingin niya sa mga kamay niyang nakapatong sa kanyang binti. Hawak niya ang phone niya sa isang kamay at nagsimula siyang maglaruan ang mga nakasabit doon.

"Depende sa mood ko," marahang sagot niya sa akin.

Ang kaliwang kamay ko tuloy at naitukod ko sa may bintana para makinig ng maayos sa mga sasabihin niya.

"Pag may importanteng okasyon or may pupuntahan...Jo Malone Peony and Blush suede," pag-uumpisa niya.

"Pag normal na araw o nasa bahay lang...Bench Tickled Pink," dugtong pa niya.

May mga sinabi a siyang ibang pabango kaya naman hindi ko ma-iwasang ngumiti habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya.

"Pag alam kong pagpapawisan...Calvin Klein Obsession ang gamit ko," sabi pa din niya.

"Eh kung makikipagdate ka?" tanong ko kaagad kaya naman napahinto siya at nagulat pa.

Napansin kong hindi siya kumportable sa tanong ko. "Y-yung ngayon na lang. Anong gamit mo ngayon?" tanong ko para pambawi.

"Uhm...Bench tickled pink," sagot niya sa akin kaya naman tumango na ako.

Naging abala si Ahtisia sa phone niya para daw sa group chat ng block section nila. Hinayaan ko siyang makipag-usap sa mga classmates niya thru chat habang nagda-drive ko papunta sa kakainan namin.

"Sumagot na sila?" tanong ko sa kanya.

"Hindi nila pinapansin ang chat ko," sumbong niya sa akin kaya naman biglang uminit ang ulo ko sa mga kaklase niya.

"Pero pag iba sinasagot?" tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin kaya naman alam ko na kaagad ang sagot sa tanong ko.

Humigpit ang hawak ko sa manibela. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko, nakita ko ang missed calls at ilang message mula kina Sov at Isabela. Doon pero hindi ko na muna pinansin.

Tinawagan ko yung isa sa mga kakilala kong freshman engineering student para tanungin siya tungkol sa ipinapagawang activity kila Ahtisia. Aftet that call ay walang ilang minuto ay ipinasa niya sa akin ang kailangan nilang gawin.

"Here," sabi ko kay Ahtisia at inabot sa kanya ang phone ko.

Nagdalawang isip pa siya nung unang tanggapin 'yon kaya naman nginitian ko siya para sabihing ayos lang sa akin She can hold my phone, wala naman akong tinatago doon.

"I'll gonna copy..."

"Sa'yo na muna nag phone ko," pagtatama ko sa kanya.

Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi ko pero sa huli ay hinayaan na lang niya.

She told me na kailangan naming bumalik kaagad sa university after kumain since kailangan niyang pumunta sa library para sa activity na ipinapagawa sa kanila na ngayong araw din kailangang ipasa.

"Treat ko na 'ito," sabi niya sa akin pagdating ng mga order namin.

Ngumisi ako sa kanya. "It's on me. Ako ang nagyaya," laban ko sa kanya.

"Ayoko ng palagi akong nililibre," sabi niya sa akin na ikinagulat ko.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya while sipping on my juice. Kagaya ng dati ay chocolate frappe ulit ang inorder niyang inumin.

"Bakit naman?" tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Imbes na magtanong pa ay hinayaan ko na lang since I still respect her privacy.

Halos makalahati muna niya ang chocolate frappe niya bago niya pinansin ang pagkain niya. She really likes sweet kaya naman mukhang alam ko na kung anong pwede kong ibigay ko sa kanya.

Nakita niya ang panunuod ko sa kanya kaya naman huminto siya sandali.

"It's ok, if you want more pwede tayong umorder ulit," sabi ko sa kanya pero umiling na lang siya.

"Hindi na pwede. Bawal nga ito sa akin..." pag-uumpisa niya.

"May sakit ka ba?" tanong ko kaagad. Baka she's diabetic or something kaya bawal siya ng sweets?.

"Wala. Ayaw lang ni Mommy na kumakain ako ng sweets, she said na I need to maintain a certain weight dahil sa pagba-ballet ko," sagot niya sa akin.

"She's too strict," sambit ko.

Tumango lang siya at nagsimula ng kumain. Bigla akong nakaramdam ng kung ano para sa kanya. Siguro ay marami pa siyang hindi nararanasan since she looks to sheltered at strict ang parents niya.

"Pinag-awayan pa nga namin ang buhok ko," nakangising sabi niya at itinuro ang bago niyang hairstyle.

Nagtaas ako ng kilay. That's...weird for a mother. Mas lalo ngang gumanda si Ahtisia dahil sa bago niyang buhok.

"Gusto kasi niya gayahin ko ang Ate ko...ayoko na," sagot pa niya sa akin. Ramdam kong may lungkot sa boses niya.

"Sometimes kailangan mo ding magdesisyon para sa sarili mo," pagsang-ayon ko sa kanya. Hindi naman sa tinuturuan ko siyang magrebelde sa parents niya.

Kahit papaano ay may nalalaman din ako tungkol sa kanya kahit pa-unti-unti lang. That's a good start kesa naman sa wala. Ramdam ko ding nagiging kumportable na din naman siya sa akin.

After we ate our lunch together ay sumama na din ako sa kanya sa library pag balik namin sa campus. Need ng book reference ang activity nila kaya naman tumulong na akong maghanap ng mga libro.

"You can always ask me kung may tanong ka sa mga subjects since tapos na ako diyan," sabi ko sa kanya.

Tipid siyang ngumiti sa akin at nagpasalamat pa. Ako pa nga ang dapat magpasalamat dahil kung mangyayari 'yon ay mas lalo kaming magkakalapit. That's what I like.

Nasa kalagitnaan kami ng paghahanap ng mga related studies sa mga libro nang mag-angat ako ng tingin ng mapansin ko ang pagpasok ng grupo nina Isabella.

Tumingin sila sa katabi kong si Ahtisia bago sila nagbulungan at nagtawanan pa. Nagtaas ng kilay si Isabella sa akin at ngumisi na para bang nakakatawa na din ako since kasama ko si Ahtisia.

Nilingon ko si Ahtisia at nakita kong nakita niya ang ginawa ng grupo nila Isabella.

"Hayaan mo sila," sabi ko sa kanya at ngumiti to gave her comfort.

Hindi na siya nagsalita pa at ibinalik na lang ang atensyon sa hawak na libro. Hindi nagtagal ay dumatin din si Sov. Hindi kagaya ni Isabela ay nagawa pa niyang tumango sa akin at tumingin sa katabi ko.

Buong araw akong halos parang nakalutang sa ere dahil magkasama kami ni Ahtisia. Nakikipag-usap na din siya sa akin, natutuwa ako sa tuwing may mga tanong siya about the subjects.

Pansin ko din ang ganda ng handwritings niya.

"Sama ka na sa friends mo," pagtataboy niya sa akin.

"Gusto ko dito," sabi ko kaya naman humaba ang nguso niya.

After sa library at pagkapasa niya ng activity niya sa prof ay nagpaalam na din siya sa akin na uuwi na. Hinatid ko siya hanggang sa parking space kung saan nakita kaagad namin si Kuya Will na naghihintay sa kanya.

"You don't know how to drive?" tanong ko.

"May driving lessons ako," sagot niya sa akin.

"Ipag-drive mo ako pag marunong ka na," nakangising sabi ko.

Pumungay ang mata ko ng makita kong tipid siyang ngumiti.

"Pag may driver's license na," paninigurado niya sa akin.

Hinding hindi ko kakalimutan 'yon.

Masarap ang tulog ko ng gabing 'yon dahil sa nangyar buong araw. Sports day namin kinabukasan kaya naman nasa open court kami ng mga kaibigan ko. Kalahating court ang para sa amin at kalahati naman para sa section nina Ahtisia.

Ngumiti ako sa kanya at kumaway pa, hindi ko naiwasang ngumiti ng ngumiti sin siya sa akin pabalik na may kasamang tipid na kaway din.

"Hunter ang bilis mo!" kantyaw ng mga kaibigan ko sa kanya. Nagawa pa nilang pabiro akong batukan kaya naman sinuntok ko sila pabalik.

Una kaming gumamit ng court kaya naman nasa bench pa muna ang klase nila. Mas lalo akong naging conscious sa galaw ko lalo na't alam kong nanunuod si Ahtisia sa amin.

Sa sumunod na tingin ko sa kan ya ay nakita ko na ang pagdating ni Sov at ang pag-upo nito sa likod ni Ahtisia. Nagtaas ako ng kilay nang makita kong may suot na din siyang reading glass kagaya ng suot ni Ahtisia kahapon.

Kumaway siya sa akin kaya naman kumaway din ako pabalik. Dahil sa ginawa ko kay Sov ay muling kumaway si Ahtisia sa akin.

Mariin akong napapikit ng makita ko ang hiya niya ng makita niya si Sov sa likod niya. Pagkatapos noon ay parang hindi na siya ulit nag-angat ng tingin sa akin.

"Hunter..." tawag sa akin ng mga ka-teammates ko at nginuso ang bench kung nasaan sina Sov at Ahtisia.

Nakita kong naka-upo si Jasper sa tabi ni Sov habang ang mga kaibigan niya ay nakatayo sa gilid ni Ahtisia at kinakausap ito.

Ipinasa sa akin ang bola, sinadya kong ipasa sa ka-team kong nasa gawi nila para kunwaring lumagpas ang bola at tumama sa isa sa mga kaibigan ni Jasper.

"Tangina naman, Pare..." reklamo niya.

"Hunter," bantang tawag ni Sov sa akin ng walang kahirap hirap akong sumampa sa bench para makalapit sa kanila.

"Hindi pa ako matanda pero mayaman ako," sabi ng isa sa kanila kay Ahtisia.

"Anong sabi mo?" galit na tanong ko sa kanya.

Napatayo si Ahtisia dahil sa pagsugod ko.

Ngumisi ang isa sa mga kaibigan ni Jasper.

"Mayamang matanda ang mga tipo niya, di ba? Mayaman lang ako pero bata pa..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang kaagad siyang bumagsak sa sahig dahil sa suntok ko.

"Bastos ka pala, e," asik ko sa kanya.

"Hunter..." tawag ni Ahtisia sa akin.

"Totoo naman. Pero baka pwede ka, Pare. Jimenez ka naman, e," nakangising sabi pa niya kaya naman muling lumipad ang kamao ko sa mukha niya.



(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

603K 21.7K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.6M 78.3K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
14.3K 114 5
Serfen was dared by her college sorority na manatili siya sa mall buong gabi para sa kanyang initiation. Hindi lang sa kung saan na lugar kundi sa is...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...