My Baseball Queen (Athlete Se...

Oleh HanaIchiOne

1.4K 120 37

"Is she going to throw her perfect pitch?!" She positioned herself and the tension of the atmosphere rises. "... Lebih Banyak

Disclaimer
Beginning
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen

Fourteen

102 2 3
Oleh HanaIchiOne

Napakurap-kurap naman ako nang tumawa ng malakas si Brijie dahilan kung bakit naagaw namin ang atensyon ng lahat. Palihim ko naman siyang sinipa mula sa ilalim ng lamesa.

"Ano ba, Jie?!" angil ko.

Kinuha nya sa akin ang hawak Kong kutsara at sundae. "This is mine. May sinabi ba akong kuhanin mo ito?"

"Ang damot mo," asik ko.

Napatawa ulit siya. "Dapat nakita mo kung ano ang reaksyon mo kanina. That was epic!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bahala ka sa buhay mo."

Naiiling akong tumayo at naglakad na palayo. Ibang klase talaga mang-asar ang kumag na iyon. Pagdating talaga sa pagkain ay gagawin ng kumag ang lahat. Pwede naman kasi niyang kuhanin na lang basta iyong pagkain. May pa "dito sa puso ko" pa siyang malalaman.

Hindi ko pinansin ang pag-sigaw niya sa pangalan ko. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad kahit pa hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Sa totoo lang ay kinabahan ako kanina. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag seryoso sya sa sinabi nya. Ang dami ko na kasing problema tapos sasabay pa sya. Pero aaminin ko, nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa puso ko lalo na noong nilapit niya ang mukha niya.

Napahinto ako sa paglalakad nang may grupo ng kalalakihan ang humarang sa dadaanan ko. Maya-maya pa ay lumitaw mula sa likod ng mga ito ang lalaking kinaiinisan ko.

"Anong kailangan mo, Mr. Martinez?" tanong ko.

"Pauwi na sana kami noong mapansin kita kaya naman, nandito lang ako upang magpaalam," tugon naman niya.

Napatango naman ako. "Okay. Hindi mo naman kailangang gawin ang bagay na iyan."

"Sasabihin ko din na simula sa araw na ito ay liligawan na kita," dagdag pa niya.

Napahakbang naman ako palikod. "Hindi ako pumayag, Manolo."

"Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita," madiin niyang bitaw.

"Ate Pretty!"

Nahawi naman ang grupo ni Manolo nang umalingawngaw mula sa likod nila ang boses ng isang bata. Napangiti naman ako nang makita ko si Daniel na kumakaway habang tumatakbo palapit sa akin. Lumuhod naman ako upang salubungin siya at magpantay kami.

"Daniel, anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makalapit ang matabang bata.

Niyakap niya ako ng mahigpit dahilan nang bahagya kong pagtawa. Kahit naman papaano ay na-miss ko din ang cutie pie na ito.

"We're here to watch your game. I asked Daddy to fetch me from school and dropped me here," tugon naman niya.

Tanaw ko mula dito ang pagdating ng tatay ng bata. Cool na cool itong naglalakad habang nakapamulsa. Wala namang nagawa pa sina Manolo at ang grupo niya na umalis at iwanan kami. Pero hindi pa din nakaligtas sa paningin ko ang masama nitong tingin.

"Ate Pretty, are you okay?" tanong ni Daniel.

Tumango naman ako. "Oo naman."

"We saw you a while ago. Ginugulo ka ba ng mga iyon?"

Napatingin naman ako kay Mr. Cruscio. Tuluyan na pala itong nakalapit sa amin ng hindi ko namamalayan. Napatayo naman ako kaagad sabay pagpag sa mga tuhod ko.

"Ate Pretty, I shout as loud as I can to save you," nagmamalaking ani ng bata.

"Thank you, Daniel. You are my hero," saad ko naman sabay gulo ng buhok niya.

Ngumiti naman ito sabay taas ng dalawang kamay sa ere. Nag-thumbs up ito sa akin na parang sinasabi na wala lamang iyon sa kanya. Napatawa naman ako dahil sa inasta niya.

"Where's Brijie? Hindi ba dapat ay kasama mo siya?" tanong ni Mr. Cruscio.

"Nakain," sagot ko naman.

"Ate Pretty, we're here to watch your game!" masiglang ani ni Daniel.

Napangiwi naman ako. "Tapos na ang laro namin, ehh."

Akala ko ay hindi totoo ang sinabi niya kanina. Bigla tuloy akong nalungkot para sa kanya.

"Really? That's sad," dismayadong ani nito.

Bakit parang kasalanan ko? Nako naman, ohh.

"What if, bumawi na lang si Ate sa'yo?" anas ko.

Bigla namang nagliwanag ang mukha niya kasabay ng pag-ngiti nito. Tumango siya at hinawakan ang kamay ko.

"How po, Ate Pretty?" tanong niya.

"Ice cream?" balik ko.

Tumango naman sya. "Let's go!"

Wala akong ibang choice kung hindi ang bumawi. Hindi ko naman kasalanan na na-late sila ng dating kaya hindi nila naabutan ang game ko. Pero dahil bata ang kaharap ko ngayon, wala na akong ibang pagpipilian pa.

Nagpunta kami sa maliit ngunit cute na ice cream parlor na malapit lamang dito sa school. Mabilis naman na um-order ang bata dahil sa paborito pala niya ito. So, habang abala sa pagpili si Daniel sa may counter ay awkward naman kaming naka-upo ni Mr. Cruscio sa may table namin.

"Iyong sahod mo nga pala sa pag-aalaga kay MK ay maaari mo nang makuha if need mo ng money," ani ng lalaking naka-upo sa may harapan ko.

"Tatanggalin nyo na po ba ako sa trabaho ko?" nahihiya kong tanong.

Umiling naman siya. "Hindi."

Napahinga naman ako ng malalim nang narinig ko ang sagot niya. Akala ko kasi ay tatanggalin na niya ako dahil hindi ako pumayag sa alok niya na pagpapakasal. Kapag nangyari iyon ay hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng extra money para sa mga pangangailangan ko.

"T-Thank you, Mr. Cruscio," pabulong kong ani.

"How about my offer? Napag-isipan mo na ba?" tanong nya.

"H-Hindi pa," mahina kong tugon.

"Isipin mo, if sa Martinez kang iyon ikakasal, mawawala sa'yo ang lahat. Knowing that jerk, pipilitin ka niyang gawin ang lahat para lang sa ikakasaya niya. But if you accept my proposal, malaya ka pa din. Isa pa ay hindi naman tayo agad-agad na ikakasal," paliwanag niya.

May point naman siya sa bagay na iyon. Kung papipiliin ako sa kanilang dalawa ni Manolo ay tiyak kong siya ang pipiliin ko. Pero, hindi pa kasi ako handa. Natatakot ako na sumugal. Pagod na din akong makisali at gumalaw sa mundo ng pamilya ko.

"Daddy, Ate Pretty, I'm done na pong um-order,"

Pareho naman kaming napatingin sa batang mataba na may malawak na ngiti. Naupo siya sa tabi ko habang inaayos ang damit na bahagyang tumataas kapag kumikilos siya.

"Need mo na ng bagong clothes. Hindi na kasya sa iyo iyan," natatawa kong saad.

"This is Daddy's fault. Hindi siya marunong mag-buy ng clothes ko," reklamo ni Daniel.

"Don't worry. Kapag hindi na ako busy, sasamahan kita," balik niya.

"I'm excited na po, Ate Pretty!" masayang ani ng bata.

Ngumiti lamang ako bilang tugon. Hindi din naman nagtagal at dumating na ang mga order namin. Isang simpleng rocky road ice cream lang ang order ko at vanilla naman ang sa tatay ng bata. Pero pagdating kay Daniel, tinalo pa kaming dalawa sa dami at mahal ng presyo. Para yatang mamumulubi ako kapag ito ang kasama ko.

Nakaka-kalahati na ako sa kinakain ko nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman iyon mula sa aking bag at tiningnan kung sino ang caller. Napailing na lamang ako nang makita ko kung sino ang natawag at no choice na sinagot ito.

"Bakit?" bungad ko.

"Where are you? Kanina pa kita hinahanap. Bakit ka ba kasi nag-walk out?" ani naman ng kumag na nasa kabilang linya.

"Nandito kami sa ice cream parlor na malapit lang sa school," tugon ko naman.

Magsasalita pa sana siya pero dahil wala ako sa mood ay binabaan ko na siya ng tawag. Binalik ko ang cp ko sa loob ng bag ko at muling nagpatuloy sa pagkain ng ice cream.

"Is that Kuya Brijie?" tanong naman ng batang katabi ko.

Tumango ako. "Yes."

"He's acting like your boyfriend. Is he your suitor, Ate Pretty?" ani pa niya.

Napangiti ako. "No. We're best friends."

Tumango-tango naman ang bata. "But I bet, kuya has a crush on you."

Hindi naman ako nakasagot. Bukod sa hindi ko din alam ang sasabihin ay hindi din naman lingid sa kaalaman ko ang bagay na iyon. Sadyang ayaw ko lang tanggapin dahil sa natatakot akong hindi ko masuklian ang pagmamahal niya.

"This is not your day," ani ng tatay ng matabang bata na nakatingin sa may labas.

Bigla naman akong kinabahan at mabilis na nilingon ang direksyon na tinitingnan niya. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ang isang pamilyar na kotse at motor.

Bakit sabay pa silang dumating? Anak ng tokwa naman, ohh. Bakit ba puro kamalasan na lang ang nangyayari ngayong araw na ito?

Mula sa mamahalin na sasakyan ay bumaba ang isang batang babae na naka-pony tail. Kasunod noon ang pinaka-kinaiinisan kong lalaki sa buong mundo. Ilang metro naman mula sa kanila ay ang kadadating lang na si Brijie.

Naunang pumasok ang kumag kong kaibigan at malalaki ang hakbang na lumapit sa amin. Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na din ang magaling kong kuya.

"Tara na, Nics," ani ni Brijie.

"Saan po kayo pupunta, kuya?" tanong naman ng batang katabi ko.

Sasagot na sana ang kupal nang tumigil sa tapat namin ang mayabang na lalaki kasama ang batang babae.

"Hey, I know you!" ani ng batang babae habang nakaturo kay Daniel.

"But I don't know you," wika naman ng katabi ko.

"What? We're in the same class," mataray na saad ng batang babae.

Isang kibit-balikat naman ang sinagot ng batang mataba. Hindi ko naman maiwasan na masaktan nang bahagyang yumukod si kuya sa bata habang nakangiti dito.

"Go and order all flavors that you want," ani niya.

Tumango ang malditang bata. "Thank you po."

Mabilis naman na tumakbo ang batang babae papunta sa counter habang naka-tayo pa din sa tapat ng table namin ang kapatid ko.

"It's nice to you here, Mr. Cruscio. Want to discuss some business stuff?" anas nito.

"Sorry. I'm with my son now and my answer is the same as before. It's a no," Fred answered.

Mataas naman na tumingin sa akin ang kapatid ko. "Hello, Sin."

Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain ng ice cream. Naki-upo naman sa tabi ko ang kumag kong kaibigan. Pilit na pinag-kakasya ang sarili niya.

"What a coincidence, right? Why are you three together?" tanong ng kuya ko.

"Pasensya na pero, wala ka nang pakialam sa bagay na iyon. Intindihin mo na lang ang anak mo at h'wag mo na kaming pansinin," banat naman ni Brijie.

"Hooking up boys, aye? I think, it runs in the same blood," saad naman ng mayabang na sa akin naka-tingin.

Nabitawan ko naman ang hawak kong kutsara dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nabuhay ang lahat ng organismo ko sa katawan dahilan ng pag-init ng ulo ko.

"Is that the proper way to treat your little sister? I guess, my decision on not signing your proposal was right. I'm a family oriented man and I don't want to have a disrespectful and proud allies in business," Mr. Cruscio said.

Nagugulat man ako sa mga binitawan niyang salita ay binalewala ko iyon. Tiningnan ko ng masama ang kapatid ko at buong tapang na sinalubong ang nang-aasar niyang tingin.

"Kung wala kang magandang sasabihin, pakiusap hwag mo na kaming intindihin," ani ko.

"I know. You're all a bunch of waste, anyway," saad nito sabay lakad papunta sa kasama niyang bata.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Naiinis ako ng sobra. Ilang beses ba niya akong ipahihiya sa harap ng ibang tao? Gustong gusto talaga niya na magdusa ako.

"That man is rude. Are you okay, ate Pretty?" anang bata na katabi ko.

Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. "I'm alright, Daniel. Don't mind him."

"Bakit mo ba kasi ako iniwanan kanina? Sayang kaya ang opportunity na ito. Madami na sana akong nakain na ice cream," pagmamaktol naman ng kumag kong kaibigan.

Talagang ice cream pa ang inalala ng kumag na ito, ahh. Ibang klase talaga.

Nagtagal pa kami sa cafe dahil sa magaling kong kaibigan na hindi tumigil sa pag-order at kain ng ice cream. Hindi na din naman kami pinansin pa ng kapatid ko at kaagad ding umalis. Hindi ko naman maiwasan na mahiya kay Mr. Cruscio dahil sa inasta ng kapatid ko. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa.

Halos isang oras din ang lumipas bago kami makabalik ni Brijie sa school. Wala naman kasing klase kaya okay lang. Isa pa ay malapit lang naman sa Hogar De Guerreros ang cafe kaya naman, mabilis lang lakadin.

Sa baseball field ako dumiretso dahil sa need kong tumakbo ng tatlong laps. Kasama iyon sa training ko na palagi kong ginagawa sa tuwing hindi hectic and schedule ko.

Tumunog ang cellphone ko, eksaktong pagka-baba ko ng aking bag. Kinuha ko naman ito at sinagot.

"Kumusta, anak? Balita ko ay kaibigan mo daw si Mr. Cruscio. May namamagitan ba sa inyong dalawa?" bungad ng boses ng babae mula sa kabilang linya.

Sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay pinatay ko na lang ang tawag. Wala din namang patutunguhan ang magiging usapan naming dalawa kahit pa sumagot ako.

Ang lakas talaga makasagap ng balita ng aking butihing ina. Kaunti na lang ay iisipin ko nang suma-side line siya bilang press o media. Ang galing mag-report, ehh.

Sandali nga lang.

Paano ba niya nalalaman ang lahat ng galaw ko? Posible kayang may nakasunod o nagbabantay sa akin nang hindi ko man lamang napapansin? Sa yaman ng pamilya namin ay madali lamang iyong gawin. Siguro ay kumuha sila ng private investigators na mag-spy sa akin.

Napatingin naman ako sa paligid. Nangunot ang noo ko ng wala akong makitang kakaiba sa paligid ko.

"Weird," sambit ko.

Ipinilig ko ang ulo at inalis na lamang ang bagay na iyon sa isipan ko. Baka napa-praning lang ako.

I do some stretching upang ihanda ang katawan at sarili ko. And pagkatapos ng ilang minuto ay walang pag-aalinlangan akong tumakbo.

Ngayon na alam na ng pamilya ko ang tungkol kay Mr. Cruscio ay tiyak kong hindi na naman nila ako titigilan. Alam kong mangungulit na naman si Mommy upang makakuha ng impormasyon mula sa akin. Tapos dadagdag pa sa problema ang magaling kong kapatid na palaging mainit ang ulo.

Hindi ko naman mapigilan na makaramdam ng selos at sakit nang maalala ko ang tungkol sa batang babae. Mabait at mabango ang pangalan niya sa ibang tao pero pagdating sa sarili na niyang kapatid ay wala siyang pakialam.

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa sobrang pag-iisip. Nakatapos ako ng tatlong laps ng hindi ko napapansin. Napahinga na lamang ako ng malalim at naupo sa may bench. At katulad lang din nang nangyari kanina ay tumunog na naman ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bag ko at tiningnan kung sino ang caller. Nang malaman ko kung sino ay kaagad ko na itong binalik sa loob. Ang galing talaga ng timing ng mga tawag ni Mom. Paano ba nila nagagawa iyon?

Pagkatapos kong makapagpahinga ay pumasok ako sa quarters ng La Tigresa upang maligo. Pinagpawisan ako kanina ng husto dahil sa pagtakbo ko ng tatlong beses sa field. Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa room namin. Tinatamad na akong mag-ensayo kaya naman, a-attend na lamang ako ng klase namin.

"Nics, akala ko ba mag-pa-practice ka?" bungad naman ng kulaog kong kaibigan.

Nagkibit balikat naman ako. "Tinamad na ako."

"Mas nakakatamad ang um-attend ng klase. Palit na lang kaya tayo?" ani niya.

"Kung pwede nga lang, Jie, ehh, bakit hindi?" balik ko naman.

Kung pwedeng humiling na sana ay mapunta ako sa ibang katawan o katauhan ay noon ko pa ginawa. Ayaw ko ng maging isang Fablo. Ayaw ko ng maging ako. Nakakapagod. Nakakasakal. Pakiramdam ko ay nasa ilalim ako ng dagat kung saan ay kahit anong pilit kong umahon ay hindi ko pa din magawa.

"Iniisip mo pa din ang nangyari kanina? Nako, Nics. H'wag mo nang intindihin iyon. Gusto mo kain tayo ng ramen mamaya? Libre ko," anas ng katabi kong lalaki.

"Hindi ka diyan nakaupo, Jie. Bumalik ka sa pwesto mo," puna ko naman.

Nag-thumbs up naman ang kumag. "Nakipag-palit ako ng pwesto. No worries. So, mamaya kakain tayo ramen, ahh. Bigla akong nag-crave ng japanese food."

"Bahala ka," sambit ko naman.

Wala talaga ako sa mood pero kung sa ibang araw niya simabi ang bagay na iyon, baka mas excited pa ako sa kanya dahil isa sa mga favorite ko ang ramen lalo na iyong hot and spicy.

Katulad ng sinabi ng kumag kong kaibigan ay boring nga ang klase namin dahil bukod sa mabagal at walang buhay magturo ang guro namin ay napatapat pa ito sa oras kung saan masarap matulog. Pero dahil wala ako sa mood dahil sa magaling kong kapatid ay hindi ko na din napansin ang oras. Natapos ang oras at klase namin ng wala akong naintindihan.

"Tara na, Nics. Gutom na ako," saad ng matakaw kong katabi.

"Palagi ka namang gutom," balik ko naman.

Napatawa naman sya sabay kuha ng bag ko. "Masarap kasing kumain."

"Lahat din ng bagay ay masarap para sa iyo," anas ko.

"Oo naman. Pati ikaw," banat naman niya.

Aangal pa sana ako pero nauna nang maglakad ang magaling kong kaibigan bitbit ang bag ko. Napailing na lamang ako dahil sa mga kalokohan niya. Hindi ko nga alam kung ano ang nakain ng isang iyon, ehh. Iba kasi ang mga banat niya ngayon.

Sakay ng kanyang sasakyan ay nagpunta kami sa isang sikat na japanese restaurant. Talagang pinili pa ng tukmol ang pinaka-sikat at mamahalin na kainan dahil sigurado daw siya na masarap ang pagkain kapag mahal maningil. Hindi naman ako umangal dahil hindi pa naman ako baliw upang tumanggi sa biyaya. Libre na ito. Sayang.

"Nics," saad ng kumag.

"Bakit?" tanong ko.

"Noong sinabi mo na pakasalan kita, dahil ba iyon sa kapatid mo?"

Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Akala ko kasi ay hindi big deal iyon sa kanya. Kaya naman, wala talaga akong mahanap na mga salita sa utak ko ngayon na maaari kong sabihin sa kanya.

"Hindi ba dapat lalaki ang nagsasabi ng mga bagay na iyon?" dagdag pa niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nagsimula na din akong pagpawisan. Pakiramdam ko ay maiihi ako dahil bigla na lang sumakit ang tiyan ko.

"Pakasalan mo ako, Nics," bitaw niya.

What the hell?

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...