Artemis (Gxg) (Intersex)

נכתב על ידי Kryzl_Cassandra

370K 13.4K 1.2K

A/N: Please unahin nyo muna story ni LAKE. Salamat) Artemis Mayaman, maganda, MAYABANG! Isa syang intersex at... עוד

Prologue
Art 1
Art 2
Art 3
Art 4
Art 5
Art 6
Art 7
Art 8
Art 9
Art 10
Art 11
Art 12
Art 13
Art 14
Art 15
Art 16
Art 17
Art 18
Art 19
Art 20
Art 21
Art 22
Art 23
Art 24
Art 25
Art 26
Art 27
Art 28
Art 29
Art 30
Art 31
Art 32
Art 33
Art 34
Art 35
Art 36
38
Epilogue
Chapter 4 (Late upload)
Lake Story

37

8K 300 27
נכתב על ידי Kryzl_Cassandra

ARTEMIS 37

Alas dyes palang nang umaga, nag agahan naman ako pero para bang hindi ako makapag focus sa meeting ko ngayon. Sa halip makinig sa report ng nagpre-present sa harapan ay para akong tanga na nag titingin ng mga pictures dito sa cellphone ko. Pictures namin ni Cassy, picture ni Nath na natutulog, nagsusungit at video nya na nagsesermon dahil nga masyadong moody. May pictures din naman kaming dalawa pero palaging stolen at halos walang matino.

But still, having these moments frozen by a meer picture gives smile into my face.

What is happening to me? In just a matter of months, I wasn't the same Artemis I was before. Ilang linggo na ba akong hindi nakakatikim ng alak? Hindi ko na yata alam ang itsura ng bar.

But look at me? I am happy and contented. I felt I am now finally belong to someone, I belong to my family.

"Ehem. Ms. Miller?"

Bahagya akong nagulat sa tawag ng isa sa mga directors sa kumpanya. Oo nga pala, nasa meeting nga pala ako.

I smiled saka ko ibinaba ang cellphone sa lamesa. "Yes?"

"So what do you think about the proposal?" He asked.

Napatingin ako sa mga kasama ko at doon sa nag present sa harap. Eh sa totoo lang, wala akong naintindihan, paano naman ako sasagot?

"Hmmn, just approve it if it looks profitable." Simpleng sagot ko.

A guy cleared his throat. Eto yung pabibong director na gustong gustong umepal sa mga kumpanya namin ni Lake. Pero dahil matalino ang pinsan ko, supalpal sya doon palagi kaya naman dito sakin nanggugulo. Wala naman syang magawa kasi I own the majority of shares and I am the president and the CEO of the company.

"Based on the presentation, there are pros and cons in acquiring the business. Malaking pera ang ilalabas natin pero masyadong risky. Yan lang ang isasagot mo?"

Ang kamay ko ay kusang umangat para saluhin ang aking baba like this guy is story telling that I find interesting. He is indeed, challenging me.

"So what do you suggest? Mr..oh...I remember now. You are the father of Beatris? The one I dumped months ago? Oops, sorry, I shouldn't have mentioned that. Anyway, what do you propose?" Saka ako ngumiti ng nakakaasar. Oh boy, hindi mo ako maiinis, pero ako? kaya kitang paiyakin at tanggalin sa kumpanya ko.

Sumeryoso ang ambiance ng paligid dahil sa tension gawa ng palitan namin ng salita ng director na ito. He is actually accusing me of being incapable in handling the company dahil palagi akong naka leave, simula nang magka pamilya ako. Marami rin ang hindi nakakaalam ng totoong estado ng personal kong buhay tulad ng pagpapakasal kay Nathalia dahil hindi naman ito nabalita.

Ang tanging nakakaalam lang nito ay ilang empleyado. Pero ang mga nasa taas na posisyon ay wala pang alam.

"With all due respect Ms. Miller--"

Pero dahil nag ring ang phone ko, itinaas ko ang aking daliri para pigilan ang director at sinagot ang tawag.

And the caller is none other than my wife. Napangiti ako nung makita ko ang pangalan nya sa screen.

"Hi babe--"

"Nasaan ka!?" Halos ilayo ko ang phone ko sa lakas ng boses nya. Bakit na naman galit ang misis ko?

"Me? I am here, at the office. Why?" I asked. Yung mga kasama ko sa meeting ay pasimpleng nakatingin sakin dahil siguro narinig din nila ang lakas ng boses ng kausap ko sa kabilang linya.

"Nasa office ka? Sigurado ka Artemis ha?" Sigaw na naman nya.

"Yeah, I'm here. Teka, bakit? Anong problema?" I asked her. Gusto kong mapangiti, pero hindi maiwasan na hindi ako mag worry kung bakit galit na naman sakin ang asawa ko.

"Tinanong ko secretary mo, sabi nasa meeting ka. Sabi ko, gusto kitang kausapin pero hindi daw pwede dahil importante ang meeting mo. Baka naman wala ka sa office mo ha?"

Napahilot ako ng noo at yung tipong mas natatawa na ko sa reaksyon ng mga kasama kong director dito. Hindi sila makapaniwala na inuna ko pang sumagot ng phone kesa mag focus sa meeting.

"Babe, I am here at the office. I'm in a meeting."

Yung reaksyon nung tatay ni Beatris ay parang naiinis lalo pa't binasted ko lang naman ang anak nya. Alam ko naman na habol nya sakin ay yaman lang. Naiinis siguro sya dahil may kausap akong ibang babae. Sadly, hindi ang anak nya.

"Pag wala ka sa office? Anong gagawin ko sayo? Puputulan kita?" Tanong ni Nathalia.

Napalunok ako pero napataas ang kilay ko. My wife, never fails to amaze me.

"Baby, kahit puntahan mo pa ako dito. Nandito ako. You have nothing to worry okay?" Pag aassure ko sa kanya.

"Talaga lang ha!"

Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ay lumabas doon ang isang staff ko. "Ms. Miller sorry--"

At kasunod ng staff na pumasok ay ang aking asawa na kausap ko lang sa phone. "Hoy Artemis! Nambababae---"

Nanlaki ang mata ko, and all our jaws just dropped nung makita naming lahat ang komosyon na ito sa meeting. Pati si Nathalia ay natigilan nung makita ako pati na ang helera ng mga directors na seryosong nakatingin sa kanya.

For some reason, my lips curved into a smile nung makita ko sya. Sa iba siguro ay maiinis o magagalit dahil sinira nya ang board meeting. Pero ako? Parang hindi na yata mawawala ang aking ngiti.

Lalo pa at biglang namula ang mukha ng aking asawa dahil sa hiya. Akala nya siguro ay wala ako  sa office o kaya ay may kasama akong ibang babae.

"Ma'am, I will usher you outside or else I will call out guards para palabasin kayo." Saad ng staff at hinawakan si Nath sa braso.

"No." Tumayo na ako para lapitan ang aking asawa. "It's okay Kylie, she's with me." Saad ko sa staff at hinawakan ko si Nathalia sa kamay.

"Hey..." I told her smiling.

Napakagat sya sa labi. "Sorry nasa office ka pala talaga. Kala ko kasi nasa labas ka o may kasamang babae. May nag text kasi sakin na nambababae ka daw kaya ako pumunta dito. Aalis na ko--" Aalis na sana sya pero pinigilan ko at hinawakan sa braso.

"No.. It's okay." Nakangiti kong sabi sa kanya at wala akong pakialam kung napapanood at naririnig kami ngayon ng board of directors.

"Hindi, aalis na ko." Saka sya napatingin sa mga nasa paligid. "Tuloy nyo na meeting nyo. Sorry talaga." Paumanhin nya pa.

Pero sa halip hayaan syang umalis, mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko sa kanyang kamay ay hinila sya papunta sa bandang gitna.

"Everyone, I'd like you to meet..." I paused at sumulyap muna ako kay Nath. This is my first time I would announce sa matatas na opisyal na may asawa na ako. "..my wife, Nathalia Finley-Miller."

Kung kanina, laglag panga na sila, mas lalong napanganga sila ngayon dahil ngayon palang nila nalaman na may asawa na ako.

"We've been married for 4 months now, and she's also pregnant with our second child." Pagkasabi ko nito ay hinila ko si Nath at hinalikan sa kanyang noo, sa harap ng mga tao dito ngayon.

"Wait a minute, isn't she your secretary? Ms. Miller?" tanong ng isang director.

"No. She's my wife." I told him smiling. Napaka bigdeal kasi sa mundo ng mga negosyante at mayayaman dito sa bansa kung sino ang napangasawa ng isa dahil para sa kanila ay mas importante ang paglago ng negosyo. Kaya nga marami ang nagtatangka na ialok sakin ang mga dalaga nilang anak alang alang sa yaman na pwedeng mapunta sa kanilang pamilya.

I know what the're thinking, na dapat ay mayaman din ang aking pinakasalan but I dont care, mamatay sila sa inggit pero masaya ako sa buhay ko ngayon. Maging sa kasal ni Lake at Freya ay hindi rin sila makamove on. Usap usapan sa mundo ng mga negosyante na dapat pumili ng mayaman si Lake pero tulad ko, wala rin syang pakialam sa tradisyon ng mayayaman.

Humarap ako kay Nathalia at tinignan ang oras sa relo. Alas onse na ng tanghali.

"Aalis na ko." Paalam nito.

"Too fast? 11 na oh, hindi ka pa ba gutom?" Tanong ko dito.

"Hmmn..." Muli syang napatingin sa mga taong nakatingin din sa kanya at inuusisa ang kabuuan nya maging ang kanyang pananamit. "Gutom na. Ah..I mean..." Parang nalilito nyang sabi kaya napangiti ako lalo. "...sa bahay nalang ako kakain."

I chuckled. "Everyone, my wife here is hungry. So I better get early lunch with her. You proceed with the meeting." Nakangiti kong sabi sa kanila at nag lakad patungo sa pinto. 

"But Ms. Miller--" Narinig ko pang protesta ng ilan pero hindi ko na ito pinansin at patuloy na naglakad palabas na nakaakbay kay Nathalia.

"Art, bumalik ka na doon. Kaya ko na umuwi." Protesta ni Nath habang nasa elevator kami.

"Nah...kakain tayo sa labas." Parang wala lang na sabi ko.

"Baka mawalan ka ng trabaho! Sige na, balik na don." Saad pa nya.

"Babe, ikaw nga itong sumugod sa meeting. And no, hindi ako mawawalan dahil ako ang may ari nito, you forget? That your wife is legendary?"

She rolled her eyes. "Legendary sa kayabangan." Bulong pa nya.

But nothing could ruin my amusement to her. Inakbayan ko sya kahit makita ng iba hanggang makarating kame sa kotse.

"By the way, bat mo iniwan si Cassy? Para lang sugurin ako? As if naman lolokohin kita." Saad ko habang nagtitingin ng menu dito sa restaurant.

"Sinundo sya ni Breezy kanina kasama si Erin. Ipapasyal daw. Tiwala naman ako at Dela Vega naman yun." Sagot nya habang nag titingin din sa menu.

"Eh bakit mo ko sinugod?" Saka ko isinarado ang menu. "Kala mo nambababae ako?"

"Malay ko ba. Dami daming nagtetext sakin kung ano ano sinasabi sayo. Di ko na alam ang totoo."

Napasmile nalang ako. "Selos ka?"

"Pag sinabi kong oo, selos ako? Asawa kita, hindi naman masamang ipag damot ka di ba?" Mataray na sagot nya.

Wala akong nagawa kundi ang mapangiti dahil aaminin ko, ang sarap sa pakiramdam na inaangkin ka ng taong gusto mo ring angkinin na sayo lang sya habang buhay.

At hindi na sya nahihiyang aminin yon sa harap ko.

"Well, hindi kita masisisi. Magka asawa ka ba naman ng maganda na, at sobrang ganda pa, plus panalong panalo ka pa sa katawan ko, malamang ipag damot mo talaga ako." Mayabang na sagot ko sa kanya.

"Alam mo, nung nagpamigay ng kayabangan ang Dyos, nandun ka sa labas at sinimot mo lahat, nagswimming ka pa at nagtatalon sa tuwa, wala kang itinira sa iba. Bakit ba nagkaroon ako ng napakayabang na asawa.." Naghihilot ng sentido nyang sabi.

"Pero...mahal mo naman?" I teased her. Hindi nya sinasabi ng direct, pero sa sulat nya nung nilayasan nya ako, sinabi nyang mahal nya ako. And the way she takes care of me, my heart knows this woman, loves me so much.

She sighed saka muling binuksan ang menu. "Gusto ko to, saka ito, saka ito, and this one." saka sya nag turo ng nag turo para ibahin ang usapan.

Napailing nalang ako at tumawag ng waiter. "What's your order ma'am?"

"Here, my wife wants the best steak, matched with clam chowder soup, and this pesto pasta and grilled tuna."

Habang naghihintay ng pagkain namin, muli akong napatingin sa aking asawa. I like what we're having now, para kaming bumalik sa nakaraan kung saan ay kuntento kami kahit kami lang dalawa ang magkasama noong nag aaral pa kami.

"I remember one time, may sinulat ka sa tissue nung kumain tayo sa restaurant, Nathalia." Napatingin sya sakin at nakikinig. "You wrote then, na sana ako nalang ang date mo sa prom."

She looked shocked. Hindi naman nya kasi intensyon na mabasa ko iyon. Pero nasilip ko nung nag CR ako na parang may isinulat sya doon.

"You knew?" Gulat na tanong nya.

I nodded with a smile. "I picked up the tissue, at binasa ko pagkauwi sa bahay."

She smiled bitterly. "Wala yon...hindi naman para sayo yun eh..."

Now I felt bad, kaya hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng table. "I was an idiot back then, kasi pinili ko pa ring maka date yung sikat na cheerleader instead of you...I'm sorry."

Binawi nya yung kamay yon. "Ang tagal na non Artemis. Saka, idiot ka pa rin naman hanggang ngayon."

I remembered now all my past mistakes and wrong decisions in life. Nung prom na yon, nakita kong ang daming lumalapit kay Nathalia na lalake para isayaw. But I noticed, her eyes were fixed on me habang may ka-date akong iba. I never knew that I was unware hurting her that time. Why didnt I see her?

Mabuti nalang, may parte ng puso nya na hindi ako sinukuan. Thats why she's still here, with me until now.

Muli kong kinuha ang kamay nya na binawi nya kanina. Now, I will never hold back, pag may gusto akong sabihin, o gawin, gagawin ko na because this woman, this lady in front of me, is the one who loves me even when I am not perfect, even when I've done so mary bad things to her, and even when she has no reason to love me anymore.

But still, she loved me, unconditionally, kahit ang sama sama ng ugali ko. Kahit ang yabang yabang ko, nandito pa rin sya para sakin. May time na halos sumuko na sya at iniwan ako, pero bumalik sya. Yun ang mahalaga, bumalik pa rin sya.

Yung kamay nya ay inilapit ko sa aking bibig at ito ay aking hinalikan. "Nathalia, I know I never chose you thousand of times before... I've taken you for granted. I never wrote a better story of my life with you in there. I've always given you thousands of reasons to leave me. I never see you, I never consider you.. I never gave you any reason to stay with me, to choose me, and to love me. But still you do, and I am grateful for that. Please, let me say this to you now...that today, tomorrow, and to the next life, I will always choose you, above anything or anyone else. Rest assured, I will not throw this chance of being with you to trash. I will do my best...to keep you, take care of you and prove to you that finally, you now have reason to stay with me..." I paused and looked at her sternly.

"...because I love you. I love you too. I love you so much that I can't go to the bar again, see anyone else again...or fool around like I used to. I just woke up one day and realized, it's always been you."

I was stopped when she slowly smiled. "Y-you, you love me?" She asked.

"Yes. Yes I do."

Mas lumawak yung ngiti nya at muling tumingin sa menu.

"Wala ka manlang sasabihin? Umamin na ko oh?" Takang tanong ko kasi wala manlang reaskyon babe? Minsan lang ako mag litanya oh?

"Wala. Anong sasabihin ko? Thank you ganon?" Nakangising saad nya saka muling isinara yung menu. "Sige, masaya ako kasi finally after 10 years, minahal mo rin ako. Now I'm ready..."

Napataas ang kilay ko. "Ready na?"

"Ready to annoy you, for the rest of our life. Tara kain na tayo." Nakangiti nyang sabi dahil saktong dumating na ang order namin.

Napangiti nalang din ako. Atleast ngayon, mas komportable na kami sa isat isa hindi tulad dati na parang may pader na namamagitan samin kahit pa sabihin na kinasal kami. I made improvement, and I know we are getting there.

המשך קריאה

You'll Also Like

147K 6.6K 48
This is the story of Lawa and Freya. (Pleae unahin nyo muna story ni Zeph (Zephyr)) Deleted it but re-upload it for the sake ng mga nag aabang at na...
1.1M 36.4K 37
"Marry my daughter or I will kill you." pagbabanta ng matipunong lalaki na may hawak na baril habang nakatutok sa makinis kong noo. Napapitlag ako s...
232K 8.2K 45
Rae Lewis, nagmula ito sa isang mayaman na pamilya, isang sikat at kilalang celebrity sa buong bansa. Hinahangaan ng nakararami, mapababae man o lala...
619K 25K 62
Gustong makapag tapos ni Livvy sa pag aaral, 3rd year college na sana sya sa darating na pasukan pero dahil sa financial problem ay kinakailangan nya...