Artemis (Gxg) (Intersex)

Af Kryzl_Cassandra

378K 13.6K 1.2K

A/N: Please unahin nyo muna story ni LAKE. Salamat) Artemis Mayaman, maganda, MAYABANG! Isa syang intersex at... Mere

Prologue
Art 1
Art 2
Art 3
Art 4
Art 5
Art 6
Art 7
Art 8
Art 9
Art 10
Art 11
Art 12
Art 13
Art 14
Art 15
Art 16
Art 17
Art 18
Art 19
Art 20
Art 21
Art 22
Art 23
Art 24
Art 25
Art 26
Art 27
Art 28
Art 29
Art 30
Art 32
Art 33
Art 34
Art 35
Art 36
37
38
Epilogue
Chapter 4 (Late upload)
Lake Story

Art 31

8.2K 297 87
Af Kryzl_Cassandra

NATHALIA

It's 7 am at grabe na naman ang hilong nararamdaman ko. Kakagaling ko nga lang sa banyo dahil nag suka na naman ako. Ang hirap talaga, at isa lang may kasalanan nito! Sabi ko naman kasi gumamit sya ng proteksyon eh! Pisting yan, wag syang magpapakita sakin!

"Mommy? Are you sick?" Tanong ng baby ko na nakaupo sa kama at nagpupunas ng mata. Gising na rin pala sya.

"No..." Tumabi ako sa kanya. "Bakit bumangon ka na? Matulog ka pa. Mommy's going to cook breakfast." Sabi ko pa.

Nandito kami ngayon sa condo unit ni Yohan, kababata ko at kaklase nung elementary. Nagkataon na nagkita kami sa Canada at nung kinailangan kong bumalik sa Pinas dahil sa...'hindi inaasahang pangyayari' ay hindi sya nagdalawang isip na ialok ang condo nya. Wala naman daw kasing gumagamit dahil mahilig syang magbakasyon sa ibat ibang lugar. Kaya kasama namin sya dito pero may mga business lang din syang inaasikaso kaya madalas syang wala. Mabait naman si Yohan at maasikaso, nakakahiya man ay tinanggap ko na rin ang alok nya na dito muna tumira.

"Mommy mag cereal nalang po ako. Wag ka na mag cook." Saad ni Cassy.

"Why? Ayaw mo ba ng egg? Or chicken?"

"Para hindi ka na mapagod. You need to rest mommy." Sabi pa nya saka ako hinila para muli syang tabihan. Nag aalala kasi sya sakin dahil akala nya ay may sakit ako. Hindi ko pa rin kasi sinasabi kay Cassy ang totoo, na magkakaroon na sya ng kapatid kagagawan ng mama nyang mahilig sa sex.

Wala naman sa plano kong magpabuntis, pero sa ilang beses na may nangyari samin ni Art na walang gamit na proteksyon, nakabuo ulit kami kahit hindi sinasadya.

"I'm okay. Mommy's fine. Morning sickness lang ito baby." I told my daughter.

"Mommy, miss ko na si mama..." Nakalabing sabi nya.

I sighed. Mabuti nga ngayon hindi na sya madalas mag tantrums dahil namimiss na daw nya ang mama nya kasi nakikita nyang sumasama palagi ang pakiramdam ko. Akala ni Cassy ay dahil hindi sya good girl kaya daw ako nagkasakit. Kaya sabi nya ay hindi na sya iiyak para hindi ako mag alala.

Pero madalas ko pa rin syang nahuhuli na tulala at walang gana. Mag isang naglalaro pero palaging malungkot. Pasikretong nagpapahid ng luha para hindi ko makitang nasasaktan sya. Alam ko naman hindi madali na ilayo ko ang bata sa kanya dahil mahal na nila ang isat isa. Malamang, magkadugo pa rin sila.

Pero kinailangan ko itong gawin. Una, hindi naman masasabi na ganap kaming isang pamilya na nabuo dahil nagmamahalan. Kaya lang naman kami ikinasal dahil sa bata, at bukod don, wala nang iba.

Isa pang dahilan ay hindi ko kakayanin na ilayo nya sakin si Cassy kung dumating ang oras na bigla na naman syang mawala at umalis nang walang paalam, for sure dadalhin nya si Cassy at iiwan ako. Hindi ko kakayanin kung mangyari yon.

At isa pa, ay gusto ko lang magkaroon ng sense of fullfilment sa sarili ko. Bagay na nawala sakin mula nang magkagulo gulo ang buhay ko dahil sa mga nangyari. Siguro, hindi madaling intindihin o tanggapin para sa iba ang rason, pero para sakin, gusto ko lang masabi muli sa sarili ko na may kwenta ako.

Madali bang tanggapin na nawalan ka ng lisensya, propesyon, dignidad, at respeto sa sarili mo? Madali bang isipin na hinayaan kong maliitin ako ng iba, dahil sa nangyari? Na sa twing haharap ako sa mga nakakakilala sakin, humaharap akong nakayuko dahil pakiramdam ko, ang baba ko kumpara sa kanila.

Lahat ng bagay na yon, sumugad sa aking pagkatao, at gusto ko lang sanang gamutin.

The only reason Artemis respect me is that I am the mother of her child. At ngayon, dumalawa pa nga!

The only reason she married me is because of Cassy. And the only reason I accepted her ay para mabago ang surname ko.

Hindi man natuloy ang plano kong manirahan muna sa ibang bansa, mag trabaho, kumita at makaipon dahil nga bunti pala ako, ay kahit papaano magaan na rin ang pakiramdam ko dahil alam ko na gumawa ako ng paraan, this time ay para naman sa sarili ko.

The question now is, what now? I am still married to Art. And I can't erase the fact that I missed that bitch, but I dont want to see her at the same time. Baka tawanan lang ako nun, may paalam pa akong nalalaman tapos sa kanya din pala ako babagsak? For sure magmamalaki na naman sya pag nakita ako.

"You'll see mama soon. For now, alagaan mo muna si mommy okay?" Sagot ko kay Cassy.

Wala naman kasi akong balak ipag kait ang bata sa kanya. Hindi ko lang talaga sya gustong makita sa ngayon. Isa pa, naiinis ako dahil binuntis nya ko! Nasira na naman ang plano ko dahil na naman sa kanya.

"Kelan mommy?"

Nakakaawa naman talaga si Cassy lalo pagdating sa pangungulila nya kay Art. Siguro pag nasa mood na ko, magpapakita na kami sa kanya. But for now, hayaan ko munang mamiss nya ang bata.

"Soon baby." Sagot ko dito.

Tumayo na ako at nag luto ng agahan kahit wala naman akong ganang kumain. Ayoko kasi na puro cereal lang ang kinakain ni Cassy lalo pa at malapit na syang mag school, kaylangan healthy lagi ang kinakain nya.

May naipon naman ako galing sa pag tatrabaho kay Art saka nung nagpakasal kami, binigyan nya kami ni Cassy ng bank account na may laman at yun ang ginagamit namin ngayon. Pwede ko nga iyong ibili ng sarili naming bahay pero nahihiya lang akong bawasan ng malaki dahil ayokong may masabi sakin si Art. Kaya pang gastos lang naming mag ina ang nababawas sa perang ibinigay nya.

Pagkatapos kumain ni Cassy ay naglaro na ito saka nakatulog sa kwarto. Ako naman ang syang nakakaramdam ng gutom ngayon. Isa sa mahirap pag naglilihi ka ay ang mga pagkain na gusto mong kainin na madalas ay hindi naman madaling hanapin.

Tulad ngayon, gusto ko ng japanese food sa isang restaurant. Kaso wala syang delivery. At  dahil malapit lang naman dito yon, napag pasyahan ko nalang na puntahan para mag take out.

"Nath!" Sigaw ni Yohan na may dalang bag. Nakabalik na pala sya mula sa inasikaso nya.

"Yohan, bat ang aga mo? Kala ko bukas ka pa babalik?" Tanong ko nung nagkita kami sa baba.

"Di natuloy meeting eh. San ka pala pupunta?" Tanong nya.

"Ah, dyan sa japanese resto. May gusto kasi akong kainin kaso hindi pwedeng online delivery." Sagot ko.

"O tara na. Samahan na kita." Saad nya.

"Di na. Akyat ka na para makapag bihis. Ako na bahala dagdagan ko na ang take out para makapag lunch na rin tayo." Tanggi ko dito.

"Samahan na kita. Hindi pwedeng labas ka lang ng labas ng walang kasama lalo at madalas kang mahilo. Paano pag bhmagsak ka nalang dyan sa daan?" Saad nya ng may pag aalala.

"Kaya ko naman. Pero sige tara na nga." Pag sang ayon ko nalang.

Nilakad lang namin ang resto dahil malapit lang naman habang nag kwekwentuhan tungkol sa meeting na pinuntahan nya. Napakaswerte pa rin kasi na magkaroon ng kaibigan na tulad ni Yohan na tutulungan ka kahit walang hinihintay na kapalit.

Alam nyang kasal ako pero hindi ko sinabi kung kanino dahil kilala si Artemis sa bansa. Ayoko lang na malaman nya ang kinaroroonan naming mag ina.

"Bakit di nalang tayo dito kumain?" Paanyaya nya nung nasa loob na kami ng resto.

"Si Cassy kasi baka magising at hanapin ako." Sagot ko dito.

"Saglit lang naman tayo. Babalik tayo agad pagkatapos."

Pumayag nalang ako na dito kumain total ay maganda ang ambiance sa resto. Saka hindi naman mapapano si Cassy sa bahay dahil naka lock ang pinto non.

"Kamusta na pala ang paglilihi.........."

Nagsisimula na kaming kumain at mag kwentuhan nung mapansin sa isang parte ng restaurant ang isang pamilyar na mukha dahilan para hindi ko mapakinggan ang sinasabi ni Yohan. Dahil sa mga mata ko, muli ay nakita ko ang taong pinaka hinahanap ng puso ko, but at the same time ay ayaw ko ring makita.

At ang impakta, masayang nakikipag kwentuhan habang kumakain kasama ang isang babae at bata na tingin ko ay anak ng babae.

Gaano ba ako katagal nawala? Isang buwan lang, pinag palit nya agad kami ni Cassy sa ibang mag ina?

At para dagdagan ang inis at pagka irita ko sa buhay, nakita ko na tinawag nya ang bata at ito ay kanyang kinandong habang yung babae naman ay nakangiti at pinipicturan sila. Naibagsak ko tuloy ang kubyertos na hawak ko dahilan para magtinginan sakin ang mga kumakain sa lugar.

"Nath? Ayos kalang?" Naramdaman ko pa anh mainit na kamay ni Yohan na hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa.

Pero ang paningin ko ay wala kay Yohan kundi nandun sa impakta, I mean, sa kabilang table na masayang nag pa-family bonding.

"Ayos lang ako." Nag iwas na ako ng tingin at nag iisip kung aalis ba o sususgurin sila. Pero ayoko namang gumawa ng eskandalo kaso nakakapikon kasi. Kasal kaya kame! Asawa nya kaya ako! Nakalimutan na ba nyang may pamilya sya?

Oh my gosh! Hindi kaya anak nya talaga ang batang cute na mukhang pusa, at iyon ang kanyang ina? Kaya sila masayang makakasama at parang wala syang pamilyang namimiss?

Dala na rin ng pabago bagong hormone level ng buntis ay pag ragasa ng kung ano anong ideya sa utak ko. Paano nga kung may iba palang pamilya si Art? Tapos yung bata mas matanda pa kay Cassy, ibig sabihin sila yung nauna?

Pero ako ang asawa...

"Nath?" Nagulat ako nung muli akong tinawag ni Yohan. Parang nawala kasi ako sa sarili kanina.

"Ano yon?" I asked him pero ang paningin ay nandun sa kabilang table kaso wala na doon si Art, yung mag ina nalang ang nandun at pareho sila ngayon na nakatingin sakin.

"Nathalia..."

At parang tinayuan ako ng lahat ng balahibo sa katawan nung marinig mula sa aking likuran ang pamilyar na boses ng impakta. Kaya pala wala na sya sa table nila, sumakabilang table na pala.

Paano ko ba sya haharapin gayong halo halo na ang lahat ng nararamdaman ko.

"Nath..." Mas may pagsusumamong tawag nya pa dahilan para unti unti akong lumingon sa diresyon nya.

And there I saw her, standing in front of me...with teary eyes. Sa kanyang mga mata nakikita ko ang pangungulila at pag sisisi. Daang daang emosyon ang pinapahiwatig na dati ay hindi naman ganito ka emosyonal ang lanyang mga titig.

Ang tagal nyang nakatayo sa harap at pag kuway bigla nalang syang lumuhod kaya napasinghap ang mga tao sa paligid.

"Art..." Pinilit kong saluhin ang braso nya para muli syang tumayo pero hinuli lang nito ang mga kamay ko sa saka hinalikan habang may luha ang kanyang mata.

"Where have you been?" She asked me.

"Art, tumayo ka muna dyan." Utos ko kasi ako yung nahihiya sa ginagawa nya. May kasama akong lalake tapos may nakaluhod pa sa harap ko habang yung mag ina sa kabilang table, iniwan nya, ano nalang sasabihin ng iba di ba?

"No...you listen to me first..." Pag pipilit nya habang nakaluhod at ngayon ay nakahawak sa aking pisngi na parang nakikiusap. At kahit may luhang pumapatak sa kanyang mukha, nakuha nya pa ring ngumiti habang hinahaplos ang aking pisngi. "I'm sorry...I'm really sorry for everything Nath..."

Hinawakan ko ang kanyang kamay at tinanggal sa aking pisngi. "Tumayo ka Art, nakakahiya."

"No! Not until you say you'll come back to me again." Parang nag tatantrums na sabi nya pa. "...please...I want you back. And where is Cassy?"

"Excuse me." Singit ni Yohan. "Nathalia is with me. Who are you?" Tanong nya pa.

Mula sa nagsusumamong mukha ni Art ay napalitan ito ng pagkaseryoso at matalim na tinignan ang kamay ni Yohan na nasa kanyang balikat. I smell trouble.

At saka sya tumayo dahilan para mapaatras ang lalake dahil mas matangkad si Art sa kanya. Yung tingin pa naman ni Artemis parang walang uurungan.

"Who are you?" Pag uulit nya ng tanong kay Yohan.

Napalunok ang isa at napatingin sakin na parang humihingi ng tulong. "Kasintahan nya ako at live-in kame..." Sagot ni Yohan sabay lunok.

Napailing ako bigla. Naku naman, bat yun pa ang naisip nyang sagot.

Tumingin sakin si Art at nakita ko ang pag tiim bagang nya. Halatang hindi nya nagustuhan ang sinabi ng lalake.

"Live in..." Mahina nyang sabi na nakatingin sakin.

At nagulat ako nang bigla nyang hawakan sa leeg ang isa saka nya pasakal na inihiga sa lamesa.

"Hey..s..stop..." Hindi makahingang sabi ni Yohan.

"Artemis! Art tama na!" Hinihila ko sya sa balikat pero wala na, galit na sya at mahirap na syang pigilan pag umiral ang galit.

"Let me tell you who I am dahil mukhang hindi mo ako kilala..." Sabi nya kay Yohan na hindi pa rin binibitiwan ang leeg. "I am her wife, mag asawa lang naman kame. At ako ang taong pwedeng magsabi kung hanggang kelan ka sisikatan ng araw, naiintindihan mo?!" Saka nya mas hinigpitan ang pag sakal kay Yohan.

"Artemis tama na!" Pigil ko.

"Art..." Isang mahinang sabi ng babae kasabay ng pag iyak na bata na kasama nito.

Lumingon si Art sa mag ina na kasama nya na ngayon ay nakalapit sa samin ngayon. Saka nya binitiwan si Yohan kaya ngayon ay inalalayan ko ang isa para tumayo sa lamesa at ayusin ang sarili.

Nakatingin si Artemis sa mag ina, saka sya lumingon samin ni Yohan, tapos sa mag ina ulit. Yung bata iyak ng iyak na nakayakap sa hita ng kanyang ina. Marahil ay natakot sa nasaksihan nya kanina.

Si Art naman ay tila nalilito kung ano ang gagawin, or kung kanino lalapit.

"Asawa mo sya?" Tanong ni Yohan sakin.

I nod pero kay Artemis ako nakatingin at doon sa mag ina na kasama nya.

"Nathalia, mag uusap pa tayo. Ihahatid ko lang sila. Babalikan kita." Paalam ni Art saka nya nilapitan ang batang umiiyak at binuhat ito.

At silang tatlo ay naglakad palabas ng restaurant pero yung babaeng kasama nya, tumingin  pa sakin saka yumuko na parang sinasabing mauuna na sila.

And I dont know... pero kung dati ay ayaw ko munang makita ang mukha ni Art, ngayon ay ayaw ko na syang makita kahit kelan! Eh di doon na sya! Sumama sya ngayon sa bago nyang pamilya!

Kala nya hahabulin ko sya? Manigas sya!

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
285K 6.2K 30
💕GxG Melodrama LoveStory💕 💜------ Done-----💜
516K 17.9K 47
(GxG) The Angels in bed series proudly present to you The great Amanda Tan El Grande also known as the bratty angel. The 1st Angel (Plenty of gramma...
212K 5.1K 35
COMPLETED❗ Started: August 12, 2023 End: November 23, 2023 This is a work of fiction. Name, character, places, events and incidents are either the pr...