Tatlong Dekada (Filipino)

By abbyliveinlove

383 53 0

Ang TATLONG DEKADA ay koleksyon ng mga tula na aking isinulat noong aking ika-tatlumpung taong kaarawan. Talu... More

1. SA PAGITAN NG IKAW AT AKO
2. SA PAGITAN NG BAWAT PERO
3. PAGLAYA SA KARIMLAN
4. PAGSIBOL
5. UMIINDAP-INDAP NA LIWANAG
6. MGA TRAYDOR NA ALAALA
7. LATAY AT HAGUPIT NG BUHAY
8. PAMBANSANG THIRDWHEEL
9. BAKURAN NG PANGARAP
10. PARANG KAYO PERO HINDI
11. PARA SA'YO
13. SAMPUNG BAGAY NA NATUTUNAN KO PAGKATAPOS MABIGO
14. MAYROON NGA BANG HINDI PA NAGPAALAM SA PAG-IBIG?
15. HANGGANG KAILAN KA MAGIGING MATAPANG?
16. MULING PAGTATAGPO
17. TELESERYE NG TUNAY NA BUHAY
18. "KARERA"
19. ANGKLA SA PAGLALAYAG
20. MULING BUKSAN ANG PUSO
21. SAGOT SA PANALANGIN
22. PAGKAWALA SA KAHON
23. PAGYAKAP SA KAPATAWARAN
24. E S P A S Y O

12. ANG MGA KAIBIGAN NA HINDI MO NAKIKITA

15 2 0
By abbyliveinlove

Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Ang hirap magbilang.
Sadyang marami ang kaibigan mo.
Pero sandali, sigurado ka ba?
Kaibigan mo ba talaga sila?
Sapat na ba yung kasama tuwing masaya?
Sapat na ba yung nasa tabi mo tuwing may naibibigay ka?

Tatlo.
Dalawa.
Isa.
Dahan-dahan.
Unti-unti.
Makikita mo ang katotohanan.
Sa paglipas ng panahon iyong mauunawaan,
hindi nababawasan ang mga kaibigan mo,
nakikita mo lang kung sino sa kanila ang totoo.

Sapagkat ang katotohanan,
mas marami kang hindi nakikitang kaibigan. Kumpara sa mga nakangiti ngayon
at kumakaway sa iyong kaharapan.
May mga taong nakalimutan mo.
May mga taong nabaliwala mo.
Kasi nabubuhay ka sa kasalukuyan,
masaya kang kasama
ang mga inakala mong
totoo at tapat sa'yo.

Mas marami kang kaibigan na hindi nakikita
kumpara sa mga nakikita lang ng iyong mata.
Huwag kang matakot.
Hindi ka nanuno o namatanda.
Hindi ka lang talaga marunong magtanda.
Mas gusto mong magtiwala.
Mas gusto mong maniwala.
Sa mga kaibigan na naglalahong parang bula.

Isang araw, madadapa ka.
Isang araw, sa pagsubok halos malunod ka.
Dito darating ang mga taong di mo inasahan.
Darating sila para lumangoy nang kasama ka.
Mga tunay na nagmamalasakit,
sasamahan ka patungo sa pampang ng pag-asa.

Sana makita mo sila.
Sana hindi pa huli ang lahat.
Sakaling hindi mo pa sila kasama,
sa sarili mo, simulan mo na.
Ikaw muna,
ang maging mabuti
at tunay na kaibigan sa iba.
Hindi ka man nila nakikita,
ang mahalaga, naging mabuti ka.

Continue Reading

You'll Also Like

381K 2K 103
Mga nadarama na hindi masabi ng harapan at personalan kaya isinusulat na lang at gawing libangan. x (Currently editing) x ~ #1 in Poetry, April 7, 20...
8.8K 170 100
My collection
6.6K 383 54
A part of the whole. A collection of random thoughts and poems. March 24-May 18, 2021
74 13 6
I'm inviting you to delve into the depths of my own mind and experience the world through my unique perspective. These book are a culmination of my i...