Said I Love You, But I Lied

master_anoch द्वारा

13.2K 285 70

Kwentong puro kaartehan at kabaklaan. Naniniwala ka ba sa kasabihang 'If you love someone, set him free'? Ka... अधिक

Said I Love You, But I Lied - Chapter 1
Said I Love You, But I Lied - Chapter 2
Said I Love You, But I Lied - Chapter 3
Said I Love You, But I Lied - Chapter 4
Said I Love You, But I Lied - Chapter 6
Said I Love You, But I Lied - Chapter 7
Said I Love You, But I Lied - Chapter 8
Said I Love You, But I Lied - Chapter 9
Said I Love You, But I Lied - Chapter 10
Said I Love You, But I Lied - Chapter 11
Said I Love You, But I Lied - Chapter 12
Said I Love You, But I Lied - Chapter 13
Said I Love You, But I Lied - Chapter 14
Said I Love You, But I Lied - Chapter 15
Said I Love You, But I Lied - Chapter 16
Said I Love You, But I Lied - Chapter 17
Said I Love You, But I Lied - Chapter 18
Said I Love You, But I Lied - Chapter 19
Said I Love You, But I Lied - Chapter 20
Said I Love You, But I Lied - Chapter 21
Said I Love You, But I Lied - Chapter 22
Said I Love You, But I Lied - Chapter 23
Said I Love You, But I Lied - Chapter 24
Said I Love You, But I Lied - Chapter 25
Said I Love You, But I Lied - Chapter 26
Said I Love You, But I Lied - Chapter 27
Said I Love You, But I Lied - Chapter 28
Said I Love You, But I Lied - Chapter 29
Said I Love You, But I Lied - Chapter 30
Said I Love You, But I Lied - Chapter 31
Said I Love You, But I Lied - Chapter 32
Said I Love You, But I Lied - Chapter 33
Said I Love You, But I Lied - Chapter 34
Said I Love You, But I Lied - Chapter 35
Said I Love You, But I Lied - Chapter 36
Said I Love You, But I Lied - Chapter 37
Said I Love You, But I Lied - Chapter 38
Said I Love You, But I Lied - Chapter 39
Said I Love You, But I Lied - Chapter 40

Said I Love You, But I Lied - Chapter 5

387 11 0
master_anoch द्वारा

Chapter 5:

TONI’s POV

 

 

Pumasok kami ni Karen sa isang Chinese restaurant. Lunch time na, kaya medyo marami na rin ang kumakain ng oras na iyon.

Nakasunod lang ako kay Karen. May nadaanan na kaming bakanteng table pero dumiretso pa rin sya. Palinga-linga lang sya sa paligid at tila may hinahanap.

“San ka pa pupunta? May bakante doon oh.” Nilingon ko yong nadaanan naming bakantanteng table kanina. “Sabi ko nga hindi na sya bakante.” May naupo nang dalawang matandang babae. Tropapips.

Sumunod na lang ulet ako kay Karen.

“Ayon sila.”

 

 

“Sino?”

“Haa?” nagtatakang nakatingin saken si Karen.

“Sinong sila?”

“Ahhh.. Sabi ko ayon bakanteng silya.” Nilingon ko naman ang tinuturo nya. May bakante nga. Nasa may bandang sulok yong pwesto pero okey na rin. Atleast tahimik.

“Ikaw na ang umorder ng para sa akin. Cr lang ako.” At tumalikod na sya. Karen talaga mukhang cr.

Naupo naman ako sa pwestong tinuro nya. Ilang sandali lang may lumapit ng waiter sa akin.

“Good afternoon maam. May I take your order?”

 

Muli kong tiningnan ang menu.

Teka? Bakit nga pala dito kami pumunta? Ayaw ni Karenina ng Chinese food. Anong oorderin ko para sa kanya? Tiningnan ko yong waiter, naghihintay na sya ng order ko.

“Mamaya na lang ako oorder. Hintayin ko na lang muna iyong kasama ko.” Pagtingin ko sa may bandang cr may nahagip ang tingin ko. “SHIIIIT!!” It’s him. Na naman.

“Pardon Maam?”

Medyo nagulat pa yong wiater sa naging reaksyon ko. Pano itinago ko lang naman ang mukha ko sa menu. As in yong dikit na dikit. Anong ginagawa nya dito? Karen asan ka na ba?

“Maam?”

“I said mamaya na ko oorder. Bingi ka ba?”

"Ahhh yess maam. So-sorry po.” Haaay sorry din.

Naawa naman ako don sa waiter, nasigawan ko ng wala sa lugar.

'Nak naman ng tufo oh.. Ano bang nangyayari sa akin? Bigla na lang tumaas ang adrenaline ko. Feeling ko tuloy namumula ako.

Dahan dahan kong binaba ang menu na nakabaon sa mukha ko. At tumingin ulet ako sa pwesto nya. Magkatapat lang ang pwesto namin kaya naman kitang kita ko sya. Susme, im sure namumula na talaga ako hanggang sakong.

NAKATINGIN SYA SA AKIN.

Ano bang suot ko ngayon? Mukha ba kong presentable? Hindi ba ko mukhang gusgusin? Baka naman sabog ang buhok ko? Nagsuklay ba ko kanina?

Anak talaga ng tokwa oh. Bakit ba kung anu ano ang naiisip ko? Asa naman akong mapapansin nya. Saka hindi nya ako kilala.

Sana nga hindi nya ko makilala, or else tatalon ako sa mula sa second floor ng bahay ni Jaypee.

Karen asan ka na ba? Magpakita ka lang sa harapan ko makakalbo talaga kita.

Bakit dito ka pa sa restaurant na to pumasok kung hindi ka naman mahilig sa Chinese food?

Teka? Boss nga pala sya ni Jaypee. Don’t tell me andito si ---.

NO! NO! NO! CANNOT BE! HINDI PWEDE!

Karen makakalbo talaga kita kapag nalaman kung sinadya mo to. Humanda ka!

Kailangan kong magrelax. Para na kong tanga sa pwesto ko. Straight body, hindi man lang lumapat ang likod ko sa sandalan ng upuan. Para na rin akong may stiff neck sa posisyon ng leeg ko. At ang menu, dikit na dikit sa mukha ko. Inshort mukha na akong tanga. Hindi lang mukhang tanga. Tanga talaga. Haaaissst!

Ang lalaking hindi mawalawala sa isip ko, totoo ko ng nakikita ngayon, as in Live via Sattelite.

Haaaayy ://

Okey relax.

4

Ulet. Masyadong mabilis ang bilang ko. 

1                 

2                

3               

 4                

5

Dahan dahan kong binaba ang menu.

O___O

“TONI?? SABI KO NA NGA IKAW YAN EH. ANONG GINAGAWA MO DITO? KASAMA MO BA SI KHAYE?”

 

 

“Jay—Jaypee?” 

“Hey are you alright. Bakit namumula ka?”

 

 

“Kurdapya humanda ka sa akin.”

“Anong sabi mo? Asan si Khaye? Kausap ko sya kanina sa phone.  Magkasama kayo di ba?”

 

Huwag na huwag kang magpapakita sa akin. KAREN KHAYE SANTOS MAGTAGO KA NA. MABABALATAN KITA NG BUHAY.

“Anna Maritoni Jimenez naririnig mo ba ako?”

“Jaypee Emil Sarmiento rinig na rinig ko po.” Saka ko sya inirapan.

“Hahaha. Anong ginagawa mo dito? Asan si Khaye?”

“Hindi ba obvious? Manonood ako ng basketball dito. Mamaya nga ishoshoot ko na sa ring ang taong hinahanap mo. Pahamak sya.”

“Ano bang sinasabi mo dyan? Halika ipapakilala kita sa Boss ko.”

Processing…

5%

10%

15%

20%

Ang bagal ng loading ng utak ko ngayon.

25%

30%

35%

40%

50%

55%

Anong sabi ni Jaypee?

65%

75%

85%

95%

100%

IPAPAKILALA KITA SA BOSS KO!

Wee? Di nga?

Muli kong tiningnan si Jaypee. Nakalahad na ang palad nya. Hinihintay na kunin ko.

WAAAAAH AYOKO!!

LORD KUNIN NYO NA PO AKO!

“PJ?? Heeey! Andito ka din?”

Tiningnan ko ng masama ang babaeng bagong dating. Halata na kagagaling lang nya sa pagpapaganda. Humanda ka Karenina. Gugupitin ko talaga ang mga pilik mo.

“Oh Khaye buti naman dumating ka na. Di ko makausap ng matino tong si Toni eh. Sabi ko na nga ba ikaw yong nakita ko kanina sa bakeshop.”

“Ahh wag mo ng pansinin yan. Di ka na nasanay.”

“Kunsabagay. Kasama ko Boss ko, ipapakilala ko kayo.”

 

 

“Woow! Talaga?”

“Tara?”

“Lets go.” Tulad ng madalas nyang ginagawa, kulang na lang yumakap sya kay Jaypee.

“Toni lika na.”

No choice na ako kundi ang sumunod sa kanila. Hindi naman pwedeng magpaiwan ako sa table namin, lalo lang akong magmumukhang tanga. Iniwan ako ng kasama ko at sumama sa iba.

Habang papalapit sa kanya, lalo akong kinakabahan. Nanlalamig na pati daliri ko sa kamay.

Yong makita ko lang sya sa malayo halos masiraan na ako ng ulo.

Ano pa kaya kapag malapitan na?

KHAYE’s POV

Ang galing galing ko talaga. Natrace ko kung asan si PJ. Pwede na kong spy.

Andami kong kilig habang nakaabrisyete kay Cutiepie :ll  Nilingon ko si Anton na tahimik lang sa likuran ko.

What is that? Bigla nya kong nilakihan ng mga mata? Ramdam ko din ang black aura nya. Problema nito? Ahh basta ako nasa cloud nine.

Pagdating sa table nila, agad tumayo ang Boss ni Cuteepie. Hmmm, mas gwapo pala sya sa malapitan. Kahit na gwapo sya, di ko sya type, iisa lang ang lalaking gusto ko. Iisa lang.

“Boss I want you to meet this beautiful girls. Si Khaye at si Toni. Boss ko. Si sir Dennis.” Pakilala samen ni PJ.

“Hello. Nice meeting you. Im Karen Khaye. Call me Khaye na lang.”

“Dennis. Nice meeting you too.” Tinanggap ko ang inofer nyang shakehands. Parang kamay ko lang, ang lambot.

Tumingin naman si Dennis kay Toni na kanina pa wala sa sarili. At wala rin atang balak magsalita.

Anna Maritoni don’t tell me hindi ka man lang naihi kahit konte sa kagwapuhan nya? Ang gwapo nya kaya tapos susupladahan mo lang. Mamaya sa bahay, tuturuan kita ng basic. Sayang ang mga gwapo sa mundo kung hindi mo mahahawakan.

“Sya naman si Anna Maritoni. Tawagin mo sya kahit anong gusto mo. Okey lang yon. Hehe. Joke lang. Toni nickname nya.” Sabi ko nga ako na lang ang mag-introduce sa kanila dahil for sure hindi naman magsasalita tong si Antonio. Suplada ever.

“Hi Toni. Nice Meeting you.”

 

 

“Hello.” Malamig pa ata sa yelo ang boses ni bakla.

Nagshakehands sila pero saglit lang, parang hindi nga naglapat ang kanilang mga kamay. Wala pa rin sa sarili si Toni, pero napansin kong namumula sya. Nagbablush ang lola.

“Magpinsan sila ni Jaypee.” Dagdag ko. Don ko lang nakuha ang atensyon ni Toni.

“Magpinsan?” nagtatakang tanong ni Dennis

“Ahh ibig sabihin ni Khaye para na kaming magpinsan ni Toni.” Dagdag paliwanag ni PJ.

“Ganon na nga.” Sang-ayon ko.

Hindi naman talaga sila magpinsan sa totoong buhay. Sinabi ko lang yon. They like magpinsan lang, more on magkapatid pa nga.

“Join us.” Alok ni Dennis.

Kanina ko pa talaga hinihintay ang magic word na yan. Kala mo tatanggi kami, nagkakamali ka. It’s a big NO.

Nag-iisang anak lang si PJ, at mula pagkabata silang dalawa na ni Toni ang magkasama. May Ate naman si Toni, yon nga lang nakabase sa ibang bansa kaya mas lalo silang naging close ni PJ kahit hindi halata. Magkasama sila sa iisang bahay. Malaki ang bahay nina PJ para sa kanilang dalawa lang, kaya madalas nakikitulog kami ni Mikki sa kanila. Kapitbahay lang nila kami.

Mabait naman pala ang Boss ni Cuteepie. Kahit mayaman, hindi sya mayabang.

“Bakit nagpaiwan ka dito sa Pilipinas kung nasa ibang bansa na ang parents mo?” tanong ni Dennis. Feeling close na kami, pano si Toni hindi man lang nakikisali sa usapan namen.

 

“Mas gusto ko dito. Saka meron akong gustong abutin na dito lang posibleng mangyari. Kung nasa ibang bansa ako, imposible na yon. Andito ang pangarap ko.” Kasunod non ang pasimple kong sulyap kay PJ. Nakita ko syang nakangiti saken.

“That’s nice. Huwag mong susukuan ang pangarap mo.” -Dennis

Kilig na naman ako :/ Yeaah booy :/

Dineadma ko na lang ang reaksyon ni Anton. Ang landee ko daw. Matagal na kong malandee. Basta pagdating kay PJ, maglalandee talaga ako. Sanay na rin ako sa kanila ni Mikki,  higit sa lahat, sila ang nakakaalam ng feelings ko para kay PJ.

“Ikaw? Bakit ka umuwi dito kung sa ibang bansa ka na nakabase?” this time ako naman ang nagtanong.

 

“Nagpalit kami ng Dad ko. Sya na ang namamahala ng business namen abroad para magkasama na sila ng Mom ko tapos ako naman dito sa Pilipinas. That’s my second reason. First, may gusto akong makitang tao. Andito sya sa Pilipinas. At dito ko lang sya pwedeng makita.” Napansin ko syang lumingon kay Toni. Si Toni naman deadmatic pa din, pinaglalaruan lang ang tinidor.

“Woow! Parang made in Phillipines lang ah. Babae ba yan?” tanong ko ulet

*TIIIIING!!*

Sabay sabay kaming napalingon lahat kay Toni. Nahulog nya sa plato ang tinidor na pinaglalaruan nya.

“Im sorry.” Pabulong na paghingi nya ng paumanhin.

At napangiti naman si Dennis bilang sagot sa katanungan ko.

Hmmmm. Babae nga.

Sino kaya sya?

पढ़ना जारी रखें