Gumdrop

By pandauthot

3.4K 301 189

Gumdrop, a bunch of fearless teenagers in Nodawn City, is accepting illegal activities for their school finan... More

Prologue
Gumdrop
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 17

52 5 5
By pandauthot

"8:00 PM, meeting!"

Napatigil ako sa paghuhugas ng pinggan sa sigaw ni Clark mula sa 2nd floor. Medyo sumilip pa ako sa labas para magtanong kay Lawron kung tama ba ang narinig ko. "Ano raw?"

"Meeting?" patanong din na sagot ni Lawron at sumandal sa upuan para tingnan kung pababa na si Clark.

"8 PM! Meeting! Sa sala!" sigaw ni Clark habang dumadaan sa amin nang mabilis hanggang sa labas na siya nagsusumigaw dahil andoon sila Forsythe at Danger na naglalaro ng pingpong.

"Para siyang alarm," sabi ni Lawron saka kumagat sa ginagawa niyang sandwich.

Tumawa ako biglang pagsang-ayon. "Cutie," dagdag ko pa.

Simula nang kumpleto na kami sa iisang bahay, napansin ko kung gaano nag-iba ang hangin sa bahay dahil andito na si Boss. Parang siya ang naging tulay namin papunta sa mabuting pagsasama. Masyado siyang maasikaso, mapagbigay at mabait sa amin. Nakakain pa kami ng Sashimi kahapon kasi nagpaparinig si Danger. Ang mahal kaya nun! Napapaisip tuloy ako kung may pera pa ba si Boss. Narinig ko kasing pera pala niya ang pinambili ng mga grocery. Hindi man lang siya nagsasalita tungkol doon. Isa pa, wala rin naman kaming pera. Pera kaya ng White Hall ang ginagasto niya?

"Pahabol na announcement! May talent show daw sabi ni Boss!" malakas na sigaw ni Clark nang dumaan na naman sa amin.

"Ano?" sigaw ko pabalik pero nasa malayo na ulit siya nag-aannounce.

"Talent show?" pag-uulit ni Lawron.

"Why though?" tanong ko. Tinapos ko na ang ginagawa ko at pinupunasan ang kamay ko sa apron.

"Kantahan ko kayo, ganun?" biro ko pa pero napatikom ang bibig ko nang makita si Boss na kabababa palang sa hagdanan. He was wearning an oversized white shirt, black short and eyeglasses. Ngayon ko lang siya nakitang lumabas sa kwarto niya ngayong araw. I assume na he's getting ready. Pinag-aralan pa ata ang misyon para siya magpresent sa amin mamaya.

"Hindi naman talent show na talent show," panimula niya at kumuha ng tubig sa ref. "Parang skills na pwedeng maging role para sa grupo."

"Pero hindi ko alam kung ano pwede kong maiambag sa grupo?" patanong na sabi ni Lawron. Gusto ko sana sumang-ayon dahil napakaironic namang sabihin na hindi ko nakikilala ang sarili ko. Paminsan, hindi ko alam ang mga pwede kong gawin unless may ibang magsasabi.

Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha ng mustard sachet si Boss mula sa ref at walang paalam na hinagis ito papunta kay Lawron. Noong una, medyo nabalisa si Lawron pero nasalo rin niya agad ang hinagis sa kaniya. He caught it neatly and quickly! Kung sa akin hinagis iyon, baka tumalbog pa sa magkabila kong kamay.

Napatango si Boss habang iniinom ang tubig niya. "Nice."

"Ow," mahinang sambit ni Lawron, mukhang nakuha niya agad ang ibig sabihin ni Boss. Samantala ako, parang nalutang pa sa nangyari. Lalo na nang pinadaan at pinaikot pa ni Lawron ang sachet sa mga daliri niya bago tinago sa palad niya. Kung hindi ko lang tinititigan ang hawak niya, hindi ko makikita kung paano niya ito gawin dahil ang bilis niya kumilos.

"See you later," paalam ni Boss at umakyat na naman sa itaas.

Pinapanood ko siyang maglakad palayo at tumabi kay Lawron na kasalukuyang humihighik habang tinitingnan ang hawak niya. "Ano naman ang maaambag ko sa grupong ito? Paghuhugas ng pinggan?" Napanguso ako.

"Pati pagsaing, ma."

Sinamaan ko siya ng tingin. Akala ako ba, mag-ina kami? Dapat hindi siya sumang-ayon sa sinabi ko! Pakiramdam ko, I can do something than doing the household chores.

"Chillax, ma!" pagbabawi agad niya. "Baka may magagawa kang hindi mo alam na kaya mo palang gawin."

"Baka," kibit-balikat kong sabi. Tinanggal ko na ang apron at isinabit sa upuan. "Nasa labas pa ba si Heroic? Papabili ako ng liniment."

Hindi pa ako nakaalis sa kusina nang mapansin na wala na ang phone ko sa bulsa ng jogging pants ko. Kinapa-kapa ko pa ang beywang ko. Andito lang ang phone ko ah? Dala-dala ko pa 'yun kanina habang naghuhugas ako. Dahan-dahan akong lumingon. Iniisip ko pa kung saan ko nalagay ang phone ko. Imposible naman na nahulog kasi maririnig ko ang pagkabagsak nito.

"Bakit, Ma?" tanong ni Lawron nang napansin na hindi ako makagalaw sa pwesto ko.

"Phone ko..."

Pupunta sana ako sa sala baka nalagay ko roon kaso nakita kong dahan-dahang itinaas ni Lawron ang kamay niya saka inilabas ang phone ko na nakaipit sa dalawang daliri niya. "Hehehehe," tawa pa nito.

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Pero hindi ko napigilang maiangat ang kamay ko at tumakbo palapit sa kaniya. "Itong bata na 'to!"

---

Kailangan kong bantayan ang gamit ko.

"Ma naman, hindi ko na kukunin ang gamit mo! Huwag ka nang lumayo sa akin!" iyak ni Lawron at pilit tumatabi sa akin sa sala. Matapos siyang mabighani sa sarili niya kanina, parang isa-isa na ang kinukupit niya sa akin. Matapos ang phone ko, pinuntirya niya ang pantali ko sa buhok na nakalagay sa pulso ko. Tuwang-tuwa siya sa nagagawa niya hanggang sa phone ko na naman ang palihim niyang kinikupit ulit.

"Anong ginawa niya?" tanong ni Heroic nang umupo sa tabi ko. Magsisimula na kasi ang meeting.

"Kinukuha ang gamit ko," pagsusumbong ko.

"Lawron, huwag mo kunin ang gamit ni Bloom," sabi ni Heroic.

"Okay po," nakangusong sabi ni Lawron.

Mahina akong natawa dahil ang cute ng anak ko pero may naalala ako kay Roic. "Nga pala, may nabili ka bang liniment? Medyo kumikirot 'yung paa ako," tanong ko.

Napakunot siya ng noo. "Hindi mo ako sinabihan."

"Nagtext ako sa'yo," diin ko.

Kumunot ang buong mukha niya habang kinakapa ang mga bulsa. Umabot pa ng ilang segundo na hinahanap niya ang phone niya hanggang sa tumayo na siya dahil baka naupuan niya ang hinahanap niya. "Saan ko na naman nalagay phone ko.." bulong niya.

Agad kong tiningnan si Lawron na nasa tabi niya. "Nak."

Nilabas din naman niya ang phone ni Heroic. "Sorry na po! Nakakaamaze lang na hindi niyo napapansin na kinukuha ko gamit niyo."

Bago pa ako makapagsalita ay dumating na si Danger na umiinom ng softdrinks. Kuminang sa mata ako ang suot niyang handmade bracelet sa sobrang pamilyar. Para bang nakita ko na iyon dati pero hindi ko matandaan kung saan. "Bloom, nagfaflutter ang heart ko sa titig mo sa akin," sabi niya nang nahuli akong nakatitig sa kaniya.

Ningitian ko lang siya habang may awa sa mukha. Kaso may naisip akong misyon para sa anak ko. "Nak," tawag ko rito at sumandal sa sofa. Nasa gitna pa namin si Heroic kaya medyo yumuko siya para bigyan kami ng space. "Kunin mo 'yung bracelet ni Danger," bulong ko.

Agad niyang nakita sa isang sulyap ang tinutukoy ko kaya napatango siya. Pasimple siyang lumipat ng pwesto kaya napahighik ako.

"Kung ano tinuturo mo sa anak mo," sabi ni Heroic.

"Para makapagpractice." Mahina akong tumawa.

Hindi pa rin mawala sa akin kung saan ko nakita ang suot ni Danger. Napapaisip na lang ako na baka nabili niya kaya baka marami siyang kapareha?

Hindi ko na rin napansin na kumpleto na pala kami sa sala at kasalukuyan akong nakatitig kay Boss na nakatayo sa harapan namin. Para akong tinakasan ng kaluluwa nang nagkasalubong ang mga tingin namin. Doon na rin ako natauhan at pasimpleng umiwas ng tingin. Kung saan lumilipad ang utak ko! Napatitig tuloy ako kay Boss nang hindi ko namamalayan!

"Actually, hindi tayo rito sa magmemeeting," panimula ni Boss. Pinanood namin siyang napapailing muna bago inangat ang ulo niya. Parang kinakabahan siya. Naalala ko tuloy ang mga sinabi niya sa akin noong nasa Meritown kami. Kaya mo 'yan, Boss. You'll do great.

"I found a place that can be our headquarter." Napatango siya. "Follow me."

Nanlaki ang mga mata ko. Napaisip ako kung may lugar ba rito na hindi ko pa napupuntahan. Nakita ko naman ang mga kwarto niya at ang iba pang bodega. May ibang lugar pa ba rito na hindi ko pa napupuntahan?

Nagkatinginan muna kaming lahat na nasa sala bago pinangunahan ni Danger at Lawron sa pagsunod kay Boss na dumaan sa pagitan ng kusina at hagdan. Sumunod na rin kami hanggang sa dumaan kami sa isang hallway na hindi ko alam na meron pala rito. Akala ko kasi puro dingding na ang pwesto na 'to. Kaso parang sa texture, hindi mapapansin na may daan pa sa loob nito. Pinagmasdan lang namin ang mga dinadaanan namin.

Naningkit ang mga mata ko nang makakita ng mga drawing ng bata. Makikilala kong bata pa ang nagdadrawing sa dingding na nadadaanan namin.

"Nakikita mo ba kung ano ang nakikita ko?" bulong ko kay Orion na nasa tabi ko ngayon. Tiningnan niya kung ano ang tinitingnan ko kaya natigilan siya.

"May kapatid ba si Boss?"

"Wala.." napatigil ako. "Wala siyang nabanggit.." mahina kong sagot. Sabay naming pinagmasdan ang mga drawing na kita pa rin kahit pininturahan ng puti. Para ngang minadali ang pagtakpan nito.

Napatigil kaming lahat dahil binubuksan ni Boss ang dalawang naglalakihang pintuan.

Kinalabit ako ni Orion kaya napatingin ako sa kaniya. Kaso unang nahagip ng paningin ko ang tinuro niyang mga linya na nasulat gamit ang marker sa dingding. Boss 4 y.o.

Napatakip ako ng bibig habang pinagmamasdan kung gaano kaliit si Boss noong 4 years old siya. Parang dito niya nirerecord kung gaano siya tumatangkad simula pagkabata. At ang huling pagsusukat ay 16 years old. Hindi lang pala height niya ang sinusukat... sa tabi ng sa kaniya ay.. sa Papa niya.

Mas lalo akong lumapit para tingnan nang maiigi kung gaano katangkad ang Papa niya. Ang huling pagsusukat niya ay 39 years old.

Parang nabasag ang puso ko.

Muli akong tumingin sa hallway na dinaanan namin. Ibig sabihin, dito na tumira si Boss simula pagkabata kasama ang Papa niya? At sa nakapintura ngayon, parang minadaling takpan ni Boss ang mga bakas ng pagkabata niya.

"Boss.." bulong ko at hinaplos ang dingding. I am so sorry that you experienced shits. You don't deserve it. Nobody does.

"Halika na." Tinapik ni Orion ang balikat ko at sabay kaming pumasok sa loob.

Nakakamangha ang lawak at laki ng lugar kung nasaan kami ngayon. Parang pwedeng magkasya ang isang buong angkan sa loob. Mataas din ang kisame kaya sobrang presko. Puro puti nga lang ang paligid kaya masyadong maliwanag pagkabukas ng ilaw.

"Ako lang ba o sadyang tuluyan akong tinakasan ng utak ko kaya hindi ako makapag-isip nang maayos?" tanong ko kay Orion para masigurado ko na hindi talaga ako makaisip nang tuwid. Masyado pa akong naooverwhelm ngayon. Hindi pa naman gaanong kagaling ang pa ako pero nakakapaglakad naman na ako nang maayos kumpara noong mga nagdaang araw.

Hindi ako sinagot ni Orion kasi busy siya sa pagtitig sa nag-iisang painting na nakasabit sa pader. Tinitigan ko rin ang tinititigan niya, isa itong painting ng langit na may iba't-ibang kulay na humahalo sa mga ulap. Meron ding rainbow doon na mas lalong nakakaagaw ng atensyon. Ang ganda.

"Okay ka lang?" tanong ko nang napansin ko na seryoso talaga siyang nakatingin doon.

Pagtingin ko sa harapan ay nakita kong nakatingin si Boss kay Orion. Napansin niyang napatingin ako sa kaniya kaya sinalubong niya ang tingin ko. Kumpara kanina, marami akong gustong tanungin kaya hindi ko iniwas ang paningin ko. Biglang natunaw nalang ang puso ko nang binigyan niya ako ng isang mahinahong ngiti.

"Orion, also a freshman student of Architechture, is the creative one. I saw him in art museums, selling his painting. Kaso hindi nila binili."

Napaawang ang mga labi ko nang maalala ko ang pagpakilala niya sa akin. Para akong nanlambot sa kinatatayuan ko. Pero walang makakapareha kay Orion na kitang-kita ang pagtunaw ng lamig ng ekspresayon niya. Tama ba ang iniisip ko?

"I would like to formally introduce myself." Boss stood straight with oozing bit of confidence. "I'm Stalwart Boss and I am the leader of this group, Gumdrop."

"Potek, inenglish na tayo," bulong ni Heroic at medyo nagtago sa likuran ko.

"There are 8 slots of scholarship and..." he stopped for a bit and adjusted his laptop. He turned around to fix the projector where he will show his presentation. "I am the one who chose you all to be in this group."

Nakawala ako ng isang mahaba at mabagal na paghinga. I need to get ready. Parang marami kaming malalaman ngayon.

"I've been monitoring you guys since the first semester. I also monitor your assessment to know if you need this program. According to the data, there are a lot—like a lot of students who didn't continue this semester. Note, I've been monitoring potential drop-out students for the next semester. That's why I met you all and... know you all before you met me."

Natahimik kaming lahat dahil mukhang alam na ni Boss na hindi kami makakabayad. Kaya ba binantayan niya kami at ngayon ay andito kami kasama niya? Gusto ko man magtanong pero hindi pa maproseso sa utak ko ang nalalaman ko. Naalala ko na lang na nalaman kong kilala na pala kami ni Boss before. That makes sense.

"Sorry, kinakabahan lang ako kaya medyo nawawala ako sa mga salita ko. And kinda awkward."

"To be honest, I agree. Naalala mo ba noong umuwi ka na may gulong naganap sa sala? Ang awkward," biglang sabi ni Danger sa harapan ko. Palihim kong kinurot ang kilikili niya kaya saglit siyang napalingon sa akin para palihim na magpeace sign.

Akala ko maooffend si Boss pero tumawa siya at napatango. "I know. Thank you for telling me. I am practicing my communicating skills and please look forward for the better version of myself to lead you all."

Lumawak ang ngiti ko. Halos mapunit pa ang mukha ko. Masyado akong naamaze sa mindset niya. Hindi biro makatanggap ng criticism and I'm glad that he handled it so well.

Muling nagtama ang paningin namin kaya binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti na nagsasabing proud ako sa kaniya. Nagbigay din siya ng ngiti pabalik.

"Understandable and appreciated, Boss. Please continue," sabi ni Danger at napatango naman si Boss.

Imbis na kurot ulit ang binigay ko sa kaniya, hinaplos ko ang braso niya at mahina itong pinisil. I'm glad he also made Boss feel good after what he said.

"Nice," bulong ko kaya napabuga siya ng isang mapang-asar na ngiti.

"I want to be honest with you all." Boss took a deep breath. "I observe a lot."

Bigla na namang tumahimik.

Pinanood lang namin si Boss na hawak ang sariling kamay at nakatapat ito sa dibdib niya, mukhang hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin niya. Kaso nakawala na lang siya ng hininga at may kinuhang susi sa bulsa niya.

"I can't be the one who will introduce yourself. But I'll give you your roles for this group. Changing roles will be acceptable and constant every mission. This is what I think that will suit to your skills and interest." He gave the keys to Danger. Nagtataka man, tinanggap niya ito habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Boss. "Red 1975 Oldsmobile Delta 88 and a blue Volkswagen Microbus."

"Ha???" Halos pasukan na ng langaw ang bibig ni Danger sa narinig niya.

"Wala pang budget kaya 'yun lang muna sa ngayon ang gagamitin nating sasakyan."

"Boss! Wait! Wow! Teka!" Napatakip pa ng bibig si Danger. "Gusto-gusto ko yung microbus! Pero 'yung Delta 88? Shemz!"

"Hindi ko 'yun ibibigay sa'yo dahil kay Papa 'yun pero I would like you to be our driver during our missions."

"Ako lang ba marunong magmaneho rito?" tanong ni Danger.

"Forsythe also knows how," sagot ni Boss kaya mas lalong naningkit ang mga mata ni Forsythe habang may paano-niya-nalaman look.

"Bakit ako, erps.. super speechless ako grabe. Why me?" Napahawak pa ng dibdib si Danger.

"184 mph."

Napakunot ako ng mukha. Ang bilis???

Napatakip ng bibig si Danger. "Noground Race 5/5.. alam mo 'yun?"

Tumango si Boss. "Nanood ako."

Halos masubo na ni Danger ang kamao niya sa sobrang gulat.

"Pwede ba kitang halikan?"

"No."

Namangha ako lalo kay Boss. Talagang kinikilala niya kami!

Lumapit siya kay Forsythe. "I know that you studied in martial arts school. Black belter, sharp and good fighter. Wala pa tayong equipments for training or anything that we can use for working out kasi wala pa tayong naiipon pero can you teach us some basic self-defense?"

Isang beses lang tumango si Forsythe at ngayon lang ako nakakita ng katiting na excitement sa mga mata niya.

"I saw the rubic cubes competition 3 months ago in our school. And I could tell that you can win that time if they didn't mess up your cube." Tinapik ni Boss ang balikat ni Lawron kaya napanganga siya sa narinig niya. Napaayos bigla ako ng tayo sa narinig ko.

"Alam mo na may foul play?" mabagal na tanong ni Lawron, parang hindi siya makapaniwala.

Tumango si Boss. "They are just against you because you have the skill that they didn't expect you to have. You have fast, light and smooth hands. And you really did well during that time, Lawron. I was there."

Mas lalong napanganga si Lawron.

Pinatunog ko ang mga buto sa kamay ko. "Sino 'yang mga nakalaban mo? Ipapatumba namin," seryoso kong sabi.

Bumalik sa lamesa si Boss kaya dahan-dahang lumingon sa amin si Lawron na gulat na gulat pa rin. "Akala ko, I really did bad during that time. Nang napansin ko ang cube ko, doon ko narealize na sinasadya na lang ibigay sa akin 'yun. I was planning to complain kasi sayang ang cash prize. Kaso hindi ko na ginawa dahil magkasabwat lang pala silang lahat."

Umapaw ang galit ko pero pinipilit kong kumalma. Dati pa 'yun.. pero nakakagalit pa rin.

"Actually, nakamove-on na ako sa part na 'yun pero knowing na nanood ka, Boss." Dalawang kamay ang pormal niyang pagtuturo kay Boss. "Parang hindi na siya gaanong bad memory para sa akin."

Napanguso ako at bumagsak ang balikat ko. Gusto ko sanang yakapin ang anak ko kasi inakbayan siya ni Danger. "Sabihin mo sa akin 'yung pangalan ng mga nagdaya. Ako bahala sa kanila."

Napailing si Lawron na nakaawang pa ang mga labi niya, para siyang lumulutang. "Huwag na.." mahinang sambit nito habang nakatingin sa sahig. Kasabay nito ang pag-angat ng kamay niya na hawak ang bracelet ni Danger.

"Huy! Paano mo 'yan nakuha?! Astig ka, Batas!"

"Boss... sinasadya mo ba na panoorin ang mga ganap nila?" tanong ni Clark.

Tumango si Boss habang nahihirapang buhatin ang isang malaking itim na box na kinuha niya sa ilalim ng lamesa. "This is quite a serious thing to discuss."

"Ano 'yan?" tanong ni Clark, parang may naramdamang kakaiba sa box kaya nacurious.

"I will not tolerate any immoral activities especially killing."

Now this is the serious deal.

"I bought a.." He opened the box.

"Tranquillizer gun?!?" sigaw ni Clark at mas lalong lumapit sa laman ng box. Lumapit din kami para tingnan and woah. That's the coolest thing I saw.

"High quality and high velocity rifle that is customized for Tranquillizer darts. Fast and can reach miles. When we got our first allowance and earn, let's buy other things that you can use."

"Woah!" Napasabunot ng buhok si Clark bago muling yumuko. "Can I.."

"Sure." Humakbang paatras si Boss para dahan-dahang mabuhat ni Clark ang Tranquillizer gun na parang bagong silang na sanggol. Pero kung gaano siya kadahan-dahang kunin iyon ay nang sinubukan niya ito itutok sa banda namin ay parang nag-iba siya mula na nakilala naming Clark.

"Woah! Woah!" Biglang napataas ng kamay si Lawron at halos mapayuko pa sa sobrang gulat nang akala niya ay nakatutok sa kaniya mismo ang hawak ni Clark. Dahil nga nagpanic si Lawron, medyo nagpanic din kami at napataas ng kamay.

"This is so cool," sabi ni Clark at binalik sa lalagyan ang hawak niya.

Sumandal sa lamesa si Boss. "Ilang taon ka noong nagsimula sa hobby mo?"

Napatingin siya bigla kay Boss. "Paano mo nalaman ang hobby ko?"

"Shooting ang hobby mo?" gulat na tanong ni Danger.

"Hobby mo, shooting?" gulat din na tanong ni Heroic.

Kinamot ni Clark ang batok niya. "6 years old."

Narinig kong nabilaukan si Danger sa sarili niyang laway. "Ano ba ang ginawa ko noong 6 years old ako." At nag-isip pa.

Kinabahan tuloy ako kung ano ang magiging role ko sa grupo na 'to.

Lumapit siya kay Heroic at tinapik ang balikat nito. He pursed his lips and nodded once. Parang sila lang nagkakaintindihan ni Boss sa oras na 'to. "Potek," reaksyon pa ni Heroic. "Huwag mong sabihin na napanood mo 'yung role play namin na 'The Creation'."

Napatingin kaming lahat sa kaniya kaso naagaw ni Boss ang atensyon namin na kasalukuyang pinipigilan ang tawa niya.

"Artista ka na pala, Bayani! Ano ba role mo? Adam?" tanong ni Danger.

"Hindi."

"Puno?" hula ni Lawron.

"Nope." Umiling si Heroic.

"Ahas," confident na hula ni Clark.

Muling napailing si Heroic.

"Puno?" curious kong tanong.

"Baka ikaw si God.." Napatakip ng bibig si Danger kaya napailing nang maraming beses si Heroic.

Tiningnan niya kami at sa mga mata niya ay parang pagod na siyang mabuhay at ayaw na niyang balikan ang araw na 'yun.

"Si Eve."

Napuno ng tawanan sa lugar. Kahit si Forsythe na kanina pa nanonood ay napatawa nang napakalakas na tipong napasabit kay Danger. Lalo na itong si Danger na halos mabali ang likod sa paghiga niya sa hangin. Kahit nga si Boss ay tawang-tawa habang nakayakap sa kaniya si Heroic, humihingi ng comfort.

"Actually, you are so versatile. Hindi lahat ay makakaadapt ng katangian ng babae and you acted ir naturally. That's the real deal. You know how to handle situation. Malaking tulong sa grupo." Tinapik ni Boss ang likuran ni Heroic.

"Meron kang picture dati? Patingin!" pangungulit ni Danger.

Iyon na ang chance ni Boss na lumayo sa pagkayakap ni Heroic. And guess what? Papunta na siya sa akin.

Ngayon ko lang ulit siya nakaharap nang ganito tulad noong nasa Meritown kami.

"Do I have to explain your skills when it comes to treating wounds and also the ability to change your personality?"

Napaawang ang labi ko.

"I didn't know that you were Bloom Jinx when I start observing you. To make the story short, I was observing Danger days after his race and saw you treating his wound."

Halos lumuwa ang mga mata ako at nagkatinginan kami ni Danger na kasalukuyang nakatingin sa akin. Bigla naman niya akong kinindatan kaya napairap ako.

Biglang tumawa si Heroic. "Nakita mo ring pinababa sila ng bus?"

Mas lalo akong nabasag at binalutan ng matinding hiya. Andoon pala si Boss noong araw na 'yun! Nakita niya rin ang... ang...

"Bakit kayo pinaba ng bus, Ma?" inosenteng tanong ni Lawron.

Inakbayan siya ni Danger. "Masyado ka pang bata para alamin ang gawain ng mga matatanda."

"18 na ako," sagot ni Lawron.

"Nahihighblood ako," sabi ko at napahawak sa sentido ko.

Mahinang natawa si Boss at may inabot sa akin.

Gatas na nasa kahon.

Parehas noong nasa Meritown.

Dahan-dahan ko itong tinanggap at muling napatingin sa kaniya.

"You'll be our open role which you'll have different roles depending on the missions. But don't worry, gagawin ko ang lahat para maging comfortable kayo. Huwag kayong mabahala. Kasama niyo ako." He lightly patted my shoulder before going to Orion.

Nakita ko bigla si Clark na palihim na napapasuntok sa hangin.

Nagkatitigan lang sila Boss at Orion at naghihintay kami sa kwento ni Boss pero may iba akong nakikita sa mga mata ni Orion. 'Yung hindi ko pa nakikita simula noong una namin siyang nakita. May something sa mga mata niya. Hindi ko mabasa pero halatang meron.

Mahinang ngumiti si Boss. Tulad sa ginawa niya sa amin, tinapik din niya ang balikat ni Orion. "You can paint everywhere you want. Pininturahan ko ang mga dingding ng puti para pwede mong pintahan."

Natunaw ang puso ko.

Napatikom ng bibig si Orion at napaiwas ng tingin. Ayun, nakita kong natouch siya sa narinig niya. Nalaman lang din namin kanina na kabataan ni Boss ang tinakpan niya sa ilalim ng mga puting pintura.

Hindi na nakapagsalita si Orion kaya napatapik ulit si Boss sa magkabilang balikat niya.

Bumalik na rin siya sa harapan at doon na niya pinaskil kung ano ang misyon namin.

Isang microchip.

Isang pamilyar na chip.

"This group was established to do illegal things such as stealing, manipulating, hacking and other things that will be ordered by the White Hall."

He said it.

Without any sugarcoating.

"Rules were given and it must followed in order to pay us."

May naramdaman akong kamay na humawak ng sa akin. "Sama-sama tayo, okay?" bulong ni Heroic.

"And our first mission is to steal a microchip that what the White Hall thinks that will ruin them. XR-9210, a device that can hack their system. Documents and other important data will be leaked and be used to be able to get out of here. We need to steal it from its creator."

Sa susunod na slide ay biglang gumuho ang lahat ng kamalayan ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Sabi ko na nga ba, kaya pamilyar ang nakikita kong bagay ngayon.

"Jon Luke Alfonso, the great hacker in this city."

Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

101K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
50.2K 1K 63
"You saved me, Ashantie."
She Did Something Bad By j

Mystery / Thriller

1.4K 109 39
Peachy Natividad thought that nothing's harder than balancing her duties as a scholar and a breadwinner, until she got herself involved in a murder. ...