Last Section Innocent Demon

By KiiAllii76

38.2K 1.5K 147

š™Žš™”š™‰š™Šš™‹š™Žš™„š™Ž "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa te... More

AUTHORS NOTE!
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
AUTHORS NOTE
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 39

CHAPTER 17

842 31 1
By KiiAllii76

"Geo, gagamitin kita este gagamutin kita!" Dali-dali akong lumuhod sa harapan niya at inilabas lahat ng gamit na nasa bag ko.

"Arrghh, why did y-you come back?!" Namimilipit na saad niya. May bakas din ng natuyong dugo sa bibig niya.

Hindi ko siya sinagot at agad kong kinuha ang isang malinis na tubig na dala ko mula sa mineral water na nahablot ko doon sa clinic. Tinatabig pa niya ang kamay ko pero pinipilit ko pa din siyang gamutin mabuti nalang sa huli ay nagpaubaya na siya.

Nilinisan ko ng betadine ang mga sugat niya maging sa likod, napapikit din ako ng nakitang dumudugo din ang kaliwanag paa niya. Pinigil ko ang hikbi ko dahil tila naiinis siya, dumadaing siya kapag nadidiin ko ang cotton sa sugat niya, hindi niya ako masisisi dahil patuloy na nanginginig ang mga paa ko.

Pawis na pawis at ingat na ingat ako ng ginamot ko ang mga sugat niya, hindi ko alam kung tama ba pero kahit paunang lunas man lang ay mabigyan siya, kung dinala ko siya sa clinic ay naiisip ko na wala ding gagamot sa kanya doon. Ng matapos na ay inalalayan ko siya patayo at dinala sa malinis at malapit na upuan, puno ng bandage at cotton ang katawan niya dahil sa ginawa ko.

Hirap na hirap ako kahit sa pagpapatayo sa kanya. Habang inaalalayan ko siya ay umuusbong ang galit sa loob ko sa kung sino man ang may gawa nito sa kanya. Mga wala silang puso!

"Argh shit!" Daing niya ng pabagsak siyang naupo sa upuan, akmang isasandal niya pa ang likod niya sa upuan ng agad ko siyang pinigilan, nakalimutan ata niya na may sugat siya maging sa likod niya.

Nagdalawang isip man ay agad kong hinubad ang oversized jacket ko na alam kong kakasya sa kanya, hindi pwedeng mapasukan ng lamig ang katawan niya at baka malagyan pa ng dumi ang mga sugat niya, kakalinis ko lang nun at sinasabi ko sa inyo sobrang hirap! Baka ma infection siya.

"What are you doing?!" Napatingin ako sa kanya na masamang nakatingin sa akin. Hindi ko siya sinagot at kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko. Pinunasan ko ang pawis na nasa noo niya, hindi na siya nakaangal pa dahil agad ko din yung inalis.

Pinagpag ko ang jacket ko at akmang isusuot ko na ito sa kanya ng uniwas siya at sumigaw. "What the fuck are you doing Namarih?!" Sigaw ni Geo sa harapan ko.

"Goe kailangang may maisuot ka, wala kang damit, malinis ito, promise." Ayuko lang naman na mainfection siya, pakiramdam ko kasi may nadadalang ilang alikabok mula sa hangin kahit pa sariwa ito kung hahayaan mo lang.

Hindi na siya nakaangal pa ng inangat ko ang kamay niya. Nakatayo ako sa harapan niya at bahagya akong dumikit sa kanya para maisuot ang jacket. Sobrang laki ng jacket na Ito at alam kong hindi masasagi ang sugat niya. May posibilidad kasing lagnatin siya dahil sa natamo niya at dadagdag din ang posibilidad kapag ka nakahubad siya at malamigan. Nagulat ako ng mabilis siyang umatras dahilan ng pagdikit ng sugat niya sa sandalan.

"Ugh fuck!" Agad ko siyang inalalayan.

"Bat kaba kasi sumandal?!" Sita ko sa kanya.

"Your boobs is touching my face!" Sita din niya sa akin pabalik. Namula ang mukha ko pero agad ko ding inalis iyon. Muli kong isinuot sa kanya ang jacket at hindi na ako dumikit sa kanya. Daing siya ng daing kapag gagalaw siya kaya mas lalo akong naawa sa kanya.

Mabilis ang hininga niya ng matapos ko siyang suotan, nakatayo ako sa harapan niya na tanging itim na sports bra nalang ang suot ko at jeans. Hindi na ako nahiya dahil normal lang naman ito may iba pa ngang mas malala dito eh tsaka may shape naman katawan ko noh!, puson ko lang naman ang nakalabas at kaunting cleavage, masasabi ko ng hindi ako flat. Mwhehehe.

"G-geo...sinong may gawa niyan sayo? Sabihin mo." Seryusong kong tanong sa kanya hindi kalaunan.

Nanatiling nakaiwas siya ng tingin sa akin habang nakangiwi, alam kong iniinda niya ang nararamdaman niyang sakit sa katawan. Wala akong balak iwan siya dito, aantayin kong kaya niya na ang sakit at para maalalayan ko siya, sinabi niya din kasing huwag na huwag na akong tatawag pa ng ibang tulong. Sinunod ko nalang dahil natatakot ako kapag ka sobrang sama ng tingin niyang binibigay sa akin.

"I won't tell you Namarih. I won't."

Napapalatak na ako. "P-pero, kailangang managot ang may gawa sayo nito Geo!"

"You don't understand Namarih, I'll thank you for helping me but i won't tell you who did this to me." seryusong sagot niya.

Napasinghot ako bago umupo sa tabi niya, nanatiling hindi siya nakatingin saakin.. "Sabihin mo sakin, ipaghihiganti kita." niyakap ko ang sarili ko ng dumaan ang malakas na hangin.

Doon siya napatingin saakin. "Just go,"

"Hindi ka ba nag-aalala sa sarili mo Geo? Andami mong sugat, paano nalang kapag hindi ako pumun—" agad akong napatakip sa bibig ko.

"Hala! S-si Marknell...huhu." naiiyak na saad ko. Patay ako nito! Umalis ako sa cafeteria at hindi na bumalik baka kanina pa siya naghihintay doon...hindi ko din alam kong ilang oras na ako dito sa rooftop. Baka galit na galit na yun sakin or baka pinagtripan na nila Sen.

Pero kasi emergency naman yun eh, kailangan kong tulungan si Geo dahil minsan niya na din akong tinulungan.

"You must go, thank you again." napabalik ako sa sarili ko ng magsalita si Geo. "Ayuko, hindi mo pa kaya!" sagot ko.

"I can handle myself, this is not the first time na nangyari to." umiwas siya ng tingin muli.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"Just go, I'll be okay." umiling ako sa sinabi niya.

"Ang kulit mo naman eh! Sasamahan kita pauwi!"

"I have my car."

"Sa tingin mo kaya mong magmaneho?!"

Tiningnan niya ako ng masama. "Kapag sinabi kong kaya ko, kaya ko." madiing saad niya.

Bumaba ang tingin ko. "G-gusto ko lang naman na t-tulungan ka.."

"Tinulungan mo na ako and that's enough. One help from you is enough." tumango ako.

Dahan-dahan akong tumayo at inayos ang bag ko, napalunok ako bago tumingin sa kanya. "S-sige, aalis na ako. Pero....babalikan kita mamaya dito pag-uwian!" kapag pagbalik ko dito ay nandito pa siya, ako na ang uuwi sa kanya.

Tumango naman siya, ayaw ko siyang iwan dahil sa sitwasyon niya pero pakiramdam ko mas lalala yun kapag hindi ako umalis at mabagot siya sa akin. Tsaka kailangan kong kausapin si Mark at baka alam niya kung sino ang may gawa nun kay Geo.

Maingat akong humakbang paalis sa rooftop hindi ko na siya nilingon dahil naaawa lang ako. Pero bago ako tuluyang makaalis ay narinig ko siyang nagsalita.

"Don't you dare tell anyone about this even to that Marknell dahil hindi mo gugustuhin ang gagawin ko."

Napakagat labi ako at tumakbo nalang pababa. Nang tuluyan akong makababa ay napakamot ako sa kilay ko ng wala ng katao-tao sa hallway. Kaagad akong tumakbo papuntang cafeteria, hingal na hingal ako ng may bigla akong nabangga.

"Shit Namarih, where have you been!" ng iangat ko ang tingin ko ay laking pasasalamat ko ng si Mark ang nakabangga ko.

"And what the fuck are you wearing?!" agad akong napatakip sa Tenga.

"Ano ba yan! Kalma kalang, tara dali!" hindi na siya nakaangal pa ng hinila ko siya sa gilid ng malagong bulaklak.

Hinihingal pa akong tumingin sa kanya habang seryuso siyang nakatingin sa akin, medyo nababakasan ko doon ang kaunting galit kaya awkward ako na tumawa. "Hehe...k-kasi ganito...."

Don't you dare tell anyone about this even to that Marknell dahil hindi mo gugustuhin ang gagawin ko.

Napakagat labi ako, huhu bawal ko nga pala sabihin. Seryusong seryuso pa naman si Geo.

"What Namarih? Hinanap kita kung saan akala ko pinatay ka na nila ni Sen!" ay weh? napakamot ako sa ulo ko.

"N-nakatulog ako sa rooftop eh hehe tsaka ganto yung damit ko kasi nabasa nung juice kanina, hehe." pagsisinungaling ko. Huhu hindi na ako nito love ni Lord, dalawang taong na pa naman akong hindi nakakasimba.

"Diba sinabi kong dito kalang sa cafeteria?" seryusong saad niya din.

Napakamot ako sa batok ko.

**
Ayukong sabihin yung nangyari kay Geo, bakit? dahil ayuko ko.

"Eh antagal tagal mo kasi!" kunwaring maktol ko pa para epektibb, mwheeh.

"Jesus Christ! I just spent twenty-five minutes at agad akong bumalik dito!" inis na sagot naman niya.

"Hehe, basta matagal ka eh, kaya ayun!" nginitian ko siya ng napakatamis-tamis na mas lalo niya atang kinainis.

"Wala bang may nangyari sayo? Lumapit sayo?" nagtaka ako sa itinanong niya.

"Ahh wala naman..."

Magpahinga siya ng malalim.

"I don't have clothes in my locker."

Napatingin ako sa suot ko. "Para sakin ba? Naku! Okay lang, sexy naman ako eh, diba?"

"Tsk, i see two walls." napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Mahina ka pala eh! Andaming pader dito ohh...hindi lang dalawa!" tinuro-turo ko pa ang mga pader na nakapalibot sa school.

Umismid siya. "Crazy, let's go." ngumuso nalang ako tsaka sumunod sa kanya..

Afternoon classes na namin at sigurado akong nasa second subject na kami ngayon, huhu. Sana hindi kami pagalitan ng teacher. Habang naglalakad ay nakasunod lang ako sa kaniya, iniisip ko kong sasabihin ko ba sa kanya yung tungkol kay Geo o hindi.

"I heard something Namarih..." dumiretso ang tingin ko kay Mark na nasa unahan ko.

"We should be careful. Hindi sila ang gumagalaw may inuutusan sila."

"Huh?"

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. "Narinig kong may inutusan sila para gantihan tayo ngayong lunch break."

Napaisip ako sa sinabi niya. Sila? Kung hindi ako nagkakamali ay sina Sen yun. Naguguluhan pa din akong tumingin sa kanya.

"I hurriedly find you ng malaman ko yun kasi iniwan kita at nagkataon pang kalahating tanga ka, kaya kung saan saan pa kita hinanap ng nalaman kong wala ka sa cafeteria." Aray naman! sinabihan niya talaga akong tanga, minsan lang naman ako maging tanga eh. At least hindi araw-araw, minu-minuto lang. Hehe.

"Hindi ko naisipang puntahan ang rooft—" inirapan ko siya.

"Edi ikaw may kasalanan!" paninisi ko sa kanya.
Pero pinapasalamat ko na din na hindi siya nakapunta sa rooftop.

"Shut up, can't you just wait?" inis na namang sagot niya. "I've waited..hinintay kong may biglang pumunta sakin at gawin pero wala. At ng bumalik ako sa cafeteria nakasalubong na kita." dugtong niya.

"E-eh ano yung sinabi mo na may inutusan sila? Naguguluhan ako!" kamot sa ulong sagot ko.

"I heard that may inutusan sila para gumanti sa ating dalawa ngayong lunch break mismo...but gladly wala namang may nangyari, your safe and so i am." napaisip ako sa sinabi niya.

"B-bat hindi sila mismo yung gumanti?" hindi naman sa gusto ko yun pero gumagamit sila ng iba. Tumingin ako sa kanya. "Tsaka...bakit nga walang may nangyari o lumapit sa isa satin? Eh tapos na ang lunch break!" saad ko.

Nagpatuloy na siya sa paglalakad sumunod naman agad ako sa kanya. "That's the question. If Sen is the one who tell them para gantihan tayo siguradong bago pa tayo makapasok sa cafeteria kanina hinarangan na nila tayo."

Tumango tango ako sa sinabi niya. Oo NGA naman. Total napapasunod naman ni Sen yung mga Tao dito. Feeling Hari kasi siya pero....napasunod ko na din naman siya ah. Hindi niya kami nireport. Hehehe.

"I think someone stop them." napaisip ako. Sino naman kaya yun? Infairness naman dahil parang tinulungan niya na kami.

"Pero paano kong tinamad sila?"

"Tsk, I don't think so." napanguso nalang ako dahil naguguluhan pa din ako.

Mabilis ko siyang hinabol dahil nauuna na siya. "Marknell! Naguguluhan ako." pagmamaktol ko ng makaabot sa kanya.

"You want to put on my polo?." Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Huh?"

"Some of them are perverts." napataas kilay ako.

"Hindi na, subukan lang nilang bastusin ako makakatikim sila ng 460° suntok." Saad ko pa at kunwaring sumuntok sa hangin.

Hindi niya na ako sinagot pa kaya sinabayan ko nalang siya sa paglalakad. Malapit na kami sa room ng napahinto siya at hinarap ako. "Stay behind my back. Understand?"

Ngumiti ako at nag thumbs up sa kanya. Lagi nalang ganito, kailangan naming ihanda ang sarili namin bago pumasok sa room kasi baka may umaabang na saming surpresa.

Sinilip niya muna ang bintana. "Walang professor." 

Ohh, bakit naman walang teacher sa loob?

"Let's go." agad akong sumunod sa kanya.


LM

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 72.2K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
128K 2.8K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
390K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...