Last Section Innocent Demon

KiiAllii76 द्वारा

38.2K 1.5K 147

𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa te... अधिक

AUTHORS NOTE!
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
AUTHORS NOTE
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 39

CHAPTER 15

936 45 6
KiiAllii76 द्वारा


"Saan ka galing Namarih?" Bungad sa akin ni Mark pagpasok na pagpasok ko palang sa mini garden.

Napakamot ako sa ulo ko. "A-ah eh nagcr ako.." alanganing sagot ko.

"Hmn pwede na tayong umuwi pabukas na naman yung gate maya-maya." Napatango ako sa sinabi niya.

"Punta ka sa bahay! Dun kana nagdinner!" Nagsimula siyang maglakad at para hindi ako mahuli ay mabilis kong sinabayan ang bawat hakbang ng paa niya.

"No, maybe next time."

"Sige na, laro tayo ni Petonn!"

"Aren't you afraid of that snake?"

"Hindi noh! Bat naman ako matatakot sa kanya," agarang sagot ko.

Mula pa noong makita ko at niligtas si Petonn sa nanganganib niyang buhay ay ako na ang nag-alaga sa kanya, pakiramdam ko nga para akong may anak na halimaw o maarte noon eh dahil mahirap siyang alagaan.
Hindi naman kasi siya tao, isa siyang ahas.

"Paano pag malaman ng parents mo?" Tanong niya.

Napaisip ako, siguro kong malalaman nila Daddy yun pagagalitan nila ako, kaya ko nga tinago siya doon sa lumang kwarto eh, sinabi ko sa kanila na bawal yun buksan kasi madumi at purong gamit ko lang pero hindi nila alam na may isang ahas doon. Minsan dinadala ko siya sa kwarto o sa kahit saang parte ng bahay kapag wala ang mga magulang ko, behave naman siya kasi nga nakuha ko siyang kontrolin.

"Edi ipaglalaban ko siya! Sakin na yun lumaki eh tsaka hindi naman siya nananakit kapag hindi din siya sinasakit." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Nadaanan namin ang clinic pero kapansin-pansing walang tao doon, siguro nasa loob o nauwi na sila.
Madaming estudyante na din ang naglalakad dahil uwian na din maya-maya.

"But still dangerous Namarih." Napasimangot ako.

"Paano mo nasabi yun?" Mabilis kong tanong.

"Cause it's a snake Namarih. Kahit anong gawin mo delikado pa din siya sa kahit kanino."

Napahinto ako na ikinahinto din niya. "Why?"

"Bakit? Sinaktan kaba niya?" Mahinang tanong ko.

"What do you mean?"

Hindi naman siya sinaktan ni Petonn tapos sasabihin niyang delikado siya sa kahit na kanino? "Hindi ka naman kasi niya sinaktan, sa katunayan nga gusto ka pa niya eh."

Napabuntong hininga siya. "Yeah, hindi niya ako sinaktan pero—pero we can't say that Namarih."

"Kahit nah! Hmp, Yung baong pera ko nga iniipon ko pambili ng stock na isda para sa kanya eh." Inirapan ko siya.

"Oh sige, Basta hindi siya dangerous!" Nauna na akong naglakad sa kanya papuntang gate.

"Doon ako sa inyo magdidinner." Rinig kong sabi niya. Naabutan niya pa din ako kahit na nauna na ako sa kanyang maglakad! Hayst.

"Hindi pwede!"

"And why?"

Tinaas ko ang isang kilay ko. "Kasi wala kaming bigas!"

Tumawa siya na kinainis ko. "Bibili nalang ako ng bigas tapos isasaing mo."

"Hindi pwede!"

"Bakit hindi? Don't tell me wala kayong lalagyan."

"Hindi pwede kasi wala ka ng pera tapos bibili kapa ng bigas namin! Adik kaba?!" Nanlalaking sigaw ko sa kanya na ikinatigil niya.

"Ohh," napakamot siya sa batok niya.

"Kita ko nga bente pesos nalang yang sa bulsa ng wallet mo kanina eh kasya na pamasahe mo!" Dagdag ko pa.

"So loud, akala mo naman may pera ka." Mayabang ko siyang tiningnan.

"May pera pa kaya ako noh!"

"Whatever." Supladong saad niya at binilisan pa ang hakbang, agad akong humabol hanggang sa narating namin ang gate.

"Good afternoon guard!" Masayang bati ko kay Manong guard na nakaupo sa upuang nasa gate house.

"Good afternoon din 'neng, maaga pa ah uuwi na ba kayo?" Tanong niya habang ibinubulsa ang isang Ballpen at papel.

"Uwian na din po maya-maya tsaka may nangyari po sa Section namin eh, kaya uuwi nalang po kami." Pagsasagot ko.

"Abay, oo nga ano kaya ang nangyari sa seksyon na iyon, dumaan sila ditong lahat kanina eh maraming pantal at kati sa katawan." Pagkwekwento niya.

Nilingon ko si Mark na tahimik lang na nasa gilid ko.

"Ah eh kaya nga po eh."

"Oh bat kayong dalawa eh wala? Kung hindi ako nagkakamali 'neng eh kaklase mo ang mga iyon, maging ikaw hijo." Saad niya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuoan namin.

"K-kasi po—" agad na pinutol ni Mark ang sinasabi ko.

"Napagtripan lang 'ho iyong uniform nila sa locker, wala kasi kaming uniform na nakalagay doon."

"Ganoon ba hijo? Sabagay, siguro alam mo naman ang kapintasan ng estudyante sa seksyon na iyon." Sagot ni Manong guard pero pansin ko ang seryusong tingin niya kay Mark. "Oh sya sige, pwede na kayong lumabas."

Agad kaming lumabas sa gate ni Mark ng buksan niya ang gate, pareho kaming mabilis na naglakad papunta sa sakayan nadaanan ko pa ang isang bagong bukas na bakeshop malapit sa school "Jonards Bakeshop" ang pangalan nito, kung hindi ako nagkakamali ay meron din silang isa pang bakeshop malapit sa Kanto at sakayan.

Ng makapara si Mark ng tricycle ay nagulat ako ng pumara pa siya ulit ng isa.

"Sakay kana Namarih."

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

Umangat ang sulok ng isang labi niya. "Dyan ka sumakay tapos ako dito, ingat ka pauwi." Saad niya sabay turo sa tricycle na nasa tapat ko na pala.

"H-huh, sandali eh isang tricycle lang dapat ah!"

Bakit kasi pumara pa siya nung isa, napanguso ako habang nakatingin sa driver na nasa tapat na naming dalawa. "Eh parehas lang naman tayo ng pupuntahan ehh!"

Tumingin ako sa kanya ng nakabusangot, nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. "Namarih, kailan pa naging pareho ang direksyon ng bahay mo at bahay ko?"

Unawang ang bibig ko. "Hala! Eh sa bahay ka diba magdidinner?"

"Wala kayong bigas diba??"

Napakamot ako sa ulo ko. "Joke! Joke! lang naman yun eh!"

"Ano ba sasakay paba kayo?" Napalingon ako kay Manong sa tapat ko na nagsalita.

"Sandali lang manong!" Ungot ko bago muling tiningnan si Mark.

"Next time na, may gagawin din ako, just text me when your already home." Saad niya bago pumasok sa tricycle na nasa tapat niya. Wala naman akong nagawa kundi ang ngumuso at pumasok nalang din sa loob ng tricycle pero ng pagpasok ko ay ang pagsakay din ng isang pasahero sa gilid ko.

"Pa special po Abongan."

"Pa special po sa Abongan."

Natahimik ako ng sabay namin yung sinabi agad ko siyang nilingon at nanlaki sa gulat ang mga mata ko bago ko tiningnan ang kabuoan niya. "P-paulo?"

Hala! Ibig bang sabihin eh iisa lang ang bahay este yung lugar na tinitirhan namin? Pinalobo ko ang pisnge ko ng makita ang mga pantal sa katawan niya lalo na sa kamay. Akala ko ba nakauwi na sila?

"Namarih..." mukhang alam niya namang ako ang kasabay niya kasi ni hindi nga siya nagulat pagharap niya sakin eh.

Kinamot ko ang batok ko. "A-ah hehe hi?" alanganing bati ko sa kanya.

Nagsimula ng umandar ang tricycle hindi ko na din nasulyapan kanina ang tricycle na kinasasakyan ni Mark, siguro nauanang umalis.

"Hi." Paos na boses na bati niya pabalik.

"Uhmn, o-okay kana ba?" tinuro ko ang kamay niyang nasa hita niya. Umurong ako ng kaunti dahil medyo magkadikit kami lalo na yung braso namin.

Huhu baka magkakati din ako!

"I-i guess..i am?" Ngiwing sagot naman niya.

Tumango nalang ako, hindi ba siya magagalit kasi ako ang may gawa nun? Maliban nalang kapag hindi niya alam o hindi niya lang pinapahalata na alam niya. Napalunok ako huhu baka mamaya padala na siya ni Sen para gantihan ako.

"Makati?" Biglang dumulas mula sa bibig ko.

"Yes, it's itchy."

"M-may ideya kaba kung sino yung may gawa niyan?" Hehe, nakuha ko pa talagang itanong eh.

"Yes." Napaiwas ako ng tingin sa sagot niya.

"A-ah hehe ganun ba." Gusto ko sanang itanong sa kanya kong may gagawin ba siya sakin o wala kasi naman kung tanga doon din siya sa lugar na tinitirahan ko eh bakit hindi ko siya nakikita?.

Ilang minuto din ang lumipas ng wala ng may magsalita sa amin tanging ang maingay nalang ng lumang tricycle ni Manong ang maririnig namin. Pero ilang sandali lang ng bigla siyang magsalita.

"Is your wound okay?" Taka ko siyang tiningnan.

"H-huh?"

Tinuro niya ng isang kamay niya ang braso kong natatakpan ng manggas ng jacket nagtataka ko itong tiningnan at ilang sandali ay pumasok sa isip ko ang tinutukoy niya. "A-ah oo hehe," alanganing sagot ko kasi bakit niya tinatanong yun?.

"I'm sorry for not helping you." Seryusong sabi niya, napatitig ako sa kanya at ngayon ko lang na appreciate ang kapangitan niya este KAPOGIAN pala hehe.

Naalala ko pa noon na kapag may nagwagwapuhan akong lalaki ay crush ko na agad, pero ngayon ay hindi na kasi natuturn off ako sa hindi ko malamang dahilan. Siguro mas okay kapag iyong walang ngipin naman.

"Tinulungan mo naman ako eh, hehe." hindi ko inaalis sa isipan ko na kalaban namin siya ni Mark kaya hindi ko siya dapat pagkatiwalaan!

"Manong dyan nalang po!" Dali-dali kong ipinahinto si manong malapit sa bahay namin. Hindi ko na ipapahatid sa mismong gate kasi baka malaman ni Paulo at babalik balik siya sa bahay at susuyuin ang mga magulang ko para ligawa ako naku hindi pwede yun. Study loyal ako pero hindi study first. Mwhehehehe.

Napansin kong nililinga linga niya ang ulo niya habang hinahaplos ang kamay niya, siguro makati. Agad kong binigay kay Manong ang bayad at dali dali akong nag excuse sa kanya pababa muntikan pang masabit ang bag ko sa hawakan sa gilid ng tricycle pagbaba ko. Napahinga nalang ako ng maluwag ng makababa na ako at umandar na din ang tricycle paalis hindi ko na siya nasulyapan pero tiningnan ko ang direksyon na pupuntahan niya, nakita kong papaliko siya doon sa kabilang kalye lang. Siguro doon siya nakatira.

Buti naman at wala siyang ginawa sa akin. Mabilis akong tumakbo papunta sa bahay namin nakita ko ang sasakyan nila Mommy ibig sabihin ay nandito na sila! Ang aga naman.

"Mommy?!" Tawag ko pagpasok ko sa loob ng bahay.

Mula sa kusina ay lumabas siya. "Oh nakauwi ka na palang palamunin ka." Nagpapadyak ako sa sinabi niya.

"Asaan si Daddy?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Nandoon sa Veranda kausap si Ma'am Jessica." Sagot niya.

"Sino yun Mommy?" Tanong ko habang kumukuha ng tubig sa mesa.

"Business partner natin sa negosyo tsaka akala ko nga kilala mo kasi doon din daw nag aaral ang anak niya sa pinapasukan mo." Mahabang paliwanag niya na ikinataka ko.

"Hindi po mommy eh, ano po ba yung surname?"

"Jessica Seran ang pangalan niya anak." Nanlaki ang mata ko.

"Seryuso Po?!" Inismiran niya ako.

"Oh bakit kilala mo ba yung anak niya? Transgender daw yun!"

Agad akong napaubo sa sinabi niya. Ano raw?! Transgender?

"Nagbibiro kaba mom?" Kung may iniinom pa akong tubig ay siguradong nabugahan ko na siya sa mga sinasabi niya.

"Joke lang basta ang sabi ka University mo yung anak niya." Simaan ko siya ng tingin. Pumasok nalang din siya ulit sa kusina siguro may niluluto siya.

Napaisip ako, malakas ang kutob ko na nanay yun ni Sen eh kasi ganun din yung apelyido. Dali-dali akong pumunta sa kwarto at nagbihis pagkatapos ay pinuntahan ko si Petonn at pinakain, naglaan ako ng ilang oras sa kanya bago bumalik sa kwarto ko. Tinext ko si Mark.

Hehe napahagikhik ako sa nickname niya na kakalagay ko lang sa contacts ko.

To Markengkoy:

    Hellowwᕙ(͡°‿ ͡°)ᕗ nakauwi na ako!!!

Agad ko itong sinend sa kanya at makalipas ang ilang Segundo ay nagreply na din siya.

From Markengkoy:
    
     Almost 1hour and 39 minutes had passed Namarih, ngayon ka lang nakauwi?.

Weeh?

To Markengkoy:

      Mwhehehehehe, (θ‿θ) nagbihis pa kasi ako eh tsaka naglaro kami ni Petonn!ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ.

Natuwa ako sa sinabi ko sa kanya lalo na at hindi na ako nalilito sa keyboard ng selpon ko.

From Markengkoy:

      Okay, kumain kana din.

Napanguso ako.

To Markengkoy:

       Kumain kana?

Limang minuto bago siya nagreply. Ang tagal naman, hmp.

From Markengkoy:

        N-not yet...

Weh??Napapoker faced ako.

To Markengkoy:

         Hanepp! Pati sa text nauutal ka?!

Mabilis naman siyang nagreply.

From Markengkoy:

        Silly, paano ka nakakasigaw sa text?

Napaisip naman ako sa reply niya. Hala oo nga noh hehe pero ganun naman kapag ka malakas ang imaginary imagination eh. Mweheehehe

Akmang nagtatype na ako ng bigla kong narinig ang pagtawag ni Mommy, kakain na daw kami, sinilip ko ang bintana at napansin kong madilim na pala sinulyapan ko ang walk clock sa kwarto ko at namalayang alas syete na pala. As usual ganito kaming oras kumain.

To Markengkoy:

   
         Kakain na daw kami! Usap tayo bukas sa garden mo ah agahan natin!ಡ ͜ ʖ ಡ

Agad siyang nagreply.

From Markengkoy:

     
          Okay, eat well.

Napanguso ako.

To Markengkoy:

      Kain kana din, baka magutom ka, sleep kana din agad. Goodnight in advance Mark!.

Sinend ko sa kanya pero nakalipas nalang ang Sampong minuto hanggang sa pinasok na ako ni Mommy sa kwarto ay hindi pa din siya nagrereply.

Luh, problema kaya nun, baka naubusan siya ng load, pasahan ko nalang siya mamaya. Bumaba nalang din ako para kumain.
        

DUMATING ANG KINABUKASAN maaga akong dumating sa school nagulat na naman si guard dahil maaga na naman daw ako dumating sinabihan ko nalang siya na ayaw kong mahuli tsaka wala siya pake pero syempre joke lang yun.

Ng makarating ako sa mini garden ni Mark ay tiningnan ko ang selpon ko na dala ko na, nagtext ako sa kanya na nandito na ako pero hindi siya nagreply. Nauna lang ako ng kaunti, siguro maya-maya andito na yun. At hindi din nga ako nagkamali dahil ilang minuto lang ang lumipas ng may umupo sa tabi ko at si Mark yun.

"Good morning! Nauna ako hehe." Pagbati ko sa kanya.

"Good morning too." Napangiwi ako sa mahinang sagot niya at napansin kong hindi siya sa akin tumitingin.

May dumi ba ako sa mukha?

"Matagal pa ang klase, may gagawin ba Tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya. Inayos ko ang suot kong blue na jacket at pants.

"Wala muna, alerto lang muna tayo and don't stay away with me." Agad akong nag thumbs up sa kanya.

Akala ko may gagawin kami eh pero siguro after nung kahapon ay wala muna pero kailangan naming mag ingat syempre. Dapat nga ay nauuna na kami sa room eh para masigurado namin na walang masamang nag-aabang ang problema ay sirado ang room at ang sabi ni Mark si Ven daw ang may hawak ng susi. Si Ven na kapitbahay ni Sen!

"Mark alam mo ba meaning ng salitang SCHOOL?" Tanong ko kasi bored na bored ako sa nakatingin sa kanyang kutkutin ang kahoy na kinauupuan namin.

Doon siya tumingin sa akin. "Y-yes, Study Center House of Organized Learning. Why?"

"Hmn, wala lang naman." Matamis akong ngumiti sa kanya at umurong ako palapit sa kanya.

"What?" Supladong tanong niya.

Sincere na nginitian ko siya. "Kumain kana?"

At doon ako nagulat ng bigla siyang magmura at tumalikod sa akin. Mabilis naman akong ngumawa.

"WAAAAAHH HUHUHU MAY DUMI BA AKO SA MUKHA?!!"

LM

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

373K 11.5K 34
Date Started: April 30 2023 What if the two red flags met? A secret millionaire fell in love with an single mom actress. Her daughter met Yuki unexp...
202K 6.2K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
1.3M 31.9K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
7.1K 436 26
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...