Last Section Innocent Demon

By KiiAllii76

38.2K 1.5K 147

š™Žš™”š™‰š™Šš™‹š™Žš™„š™Ž "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa te... More

AUTHORS NOTE!
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
AUTHORS NOTE
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 39

CHAPTER 5

1K 41 3
By KiiAllii76

Agad akong tumayo at pumalakpak pero bigla akong napadaing dahil kumirot yung likod ko.

"Talaga gawan niyo ako Goodbye Party? Eh diba ayaw niyo sakin?" Nagtatakang tanong ko.

Nilapitan naman ako ni Thea at inakbayan. "You know what gusto namin maging memorable sayo yung pagpasok mo dito." Sabi niya at tinapik-tapik ang pisnge ko.

"O sige doon ka umupo sa upuan na nasa harap." Dagdag nito at iginaya ako paupo doon.

"Anong gagawin niyo sakin? Bakit nitatakipan niyo mata ko." Kinakabahan kong tanong dahil bigla nalang nila nilagyan ng piring yung mata ko.

"I lock niyo yung pinto tas sarado niyo yung bintana, baka may sumali, diba Namarih?" Rinig kong sabi ng isa sa kanila. Tinanguan ko nalang ito.

Medyo kinakabahan ako pero mas excited kasi gusto nila na maging memorable yung pagpasok ko dito kahit na tinapunan nila ako ng upuan at di pinakain ay may concern pa din naman pala sila.

"Sure kana dito 𝐺𝑢𝑒𝑣𝑎𝑟𝑜," Rinig ko pero lumabi yung huling salita niya.

"HAHAHA ako pa, diba sen?"

"Tsk, do what you want, Thea come here."

"Okay."

Rinig kong pag uusap nila na sinundan ng mahinang tawanan at hagikgik ni Thea.

Napaigtad ako ng may biglang humawak sa magkabila kong balikat galing sa likod.

"Ready," bulong nito sa bandang tenga ko.

"O-oo, ano ba gagawin niyo, gusto ko makita," saad ko.

Ginulo naman nito ang buhok ko na ikinasimangot ko.

"Relax, surprised nga eh, kalma. HAHAHA." Sagot naman nito.

Naramdaman kong umalis ito sa likod ko at sunod ko nalang naramdaman ang pagdampi ng isang malamig na bagay sa kaliwang braso ko.

"A-ANO Yan?!" Kinakabahan kong tanong. Baka ahas ayaw ko sa ahas!

"HAHA relax." Nabobosesan ko siya.

"Hala! Ikaw yung blue yung buhok no hehe." Natutuwang saad ko, naramdaman ko ang pag alis ng malamig na bagay sa braso ko kasunod nito ang pag angat niya ng baba ko.

"You knew?" Tila namamanghang saad niya, sunod sunod naman akong tumango.

Bakit pakiramdam ko nakatingin siya sakin ng malapit?

"They said, it's hard to recognize my voice, but you—"

"Dali na tol, gusto ko marinig pano yan sumigaw!"

Naputol ang sinasabi niya ng may biglang sumingit.

"Bakit Naman ako sisigaw?" Tanong ko.

Padarang nitong binitawan ang baba ko at naramdaman ko na naman ang malamig na bagay sa braso ko.

"Bakit malamig? A-ano yan?" Kinakabahan ng tanong ko dahil naramdaman kong medyo matalim ito.

"Hmm..mm cutter." Simpleng saad niya.

"Cutter!!" Biglang sigaw ko at akmang tatayo ng may biglang humawak sa magkabilang kamay ko naramdaman ko ding itinali nila yung mga paa ko.

"D*mn woman! So f*cking loud!" Biglang saad din ng malapit sakin, Hala! parang boses to ni Guevarro ah, yung bumasag ng loptop ni Sir!

"Ikaw na dito, sayo naman may atraso to Drey eh." Rinig kong sabi nung si blue hair at umalis sa harap ko pero napalitan naman ito ng isang tao.

"Kilala mo ba ako?" Tanong nito kasabay ang pagdikit lalo ng malamig na bagay sa braso ko.

"Ako si Drey Guevarro." Maawtoridad na saad nito. Omyghaddddddd sya yung bumasag nung loptop ni Sir. Drey Guevarro.

"E-eh hehe hello sayo." Pilit na saad ko dahil medyo kinakabahan na ako. Dinig ko din ang ibang hagikhikan at ramdam ko na ang mga natutuwang mata na nakatitig sakin.

Napanguso ako, hindi ko sila makita, naka piring ako.

"Stop pouting, you look like a duck." Parang nandidiring saad nito.

"Wag na Party, alis na ako." Sabi ko.

"Hindi pwede, alam mo bang pinagalitan ako dahil sayo?" Tumango naman ako.

"Kasalanan mo naman yun eh." Saad ko.

"Tsk, pero hindi ko hahayaan yun, kailangan may gawin ako sayo." Diretso nitong saad.

"A-anong gagawin mo." Kinakabang Tanong ko dahil mas dumiin ang malamig na bagay sa braso ko.

"Susugatan lang Kita ng limang beses." Kasunod nito ang halakhak niya.

Napalunok naman ako.

Ayaw ko sa sugat ayaw ko din sa cutter dahil may nasaksak ako nakaraan gamit ang isang cutter!

"Ayuko!" Sigaw ko at agad na pumalag.

"Ayuko! Ayuko! Ayuko!" Patuloy kong sigaw pero bigla nalang akong sinampal ng pagkalakas lakas.

"Ayuko sabi *sob* ayuko na ng party!" Umiiyak ko ng saad.

"Wag ka namang humindi Namarih, minsan lang nga eh." Dinig kong saad ni Thea. Mabilis akong umiling ng sunod-sunod.

"A-akala ko *sob* masaya *sob* e-eh bakit niyo ako susugatan at sinampal?" Saad ko pero bigla nalang silang nagtawanan.

"Alam mo Namarih ang ayuko sa lahat ang pinapagalitan ako hmm," tsaka ko naramdaman ang dahang-dahang pagguhit ng cutter sa braso ko. Masakit. Mas lalo akong humikbi.

"Ano mga tol? Ipapaikot ko ba sa braso niya yung pagsugat?" Tanong nito kasunod ng isang halakhak.

"Laliman mo pareng drey!"

"Hindi naman yan makinis!"

"Mas makinis si Thea natin."

Mas lalo akong naiyak dahil pinaikot nga dito sa braso ko ang cutter, sobrang hapdi, pakiramdam ko nanginginig na ako, alam ko ding tumutulo na ang dugo mula doon.

"*Sob* hmp t-tama na Drey, ayaw ko. M-masakit," nagmamakaawa kong saad.

"Masakit? Huh?" At mas idiniin ang cutter sa braso ko dahilan ng biglaan kong pagsigaw.

"T-tama na please a-ayuko na—"

"Patapon nga sakin nung alcohol Sen." Agad naman akong nataranta ng narinig ko ang sinabi niya, ayuko, ayuko sa alcohol!.

Umiling-umiling ako ng paulit ulit pero bigla ko nalang naramdaman ang pagbuhos ng malamig na alcohol sa sugat ko.

"Araayyy! Ayuko! Huhuhu Tama na!" Sigaw ko.

"Isang sugat palang nga yun Binibining Namarih eh." Sagot ni Drey sakin.

"T-thea *sob* tulungan m-moko," nagbabakasaling tulungan niya ako pero wala man lang akong nakuhang sagot sa kanya kundi ang mga tawanan lamang.

"Easy.." tinapik-tapik nito ang pisnge ko. Masaganang tumulo ang luha ko dahil sa sakit, ayuko talaga sa alcohol at sa cutter.

"Ito yung pangalawa!" Sigaw nito at pinadausdos ang dulo ng cutter mula sa braso ko hanggang sa pulso.

"T-TAMA NA HUHU! AYAW KO NA! MASAKIT!" Malakas ko ng sigaw.

Malalim, malalim ang pagkadiin niya.

"P-paulo, tulungan moko, alis moko dito *sob* p-paulo! Huhu, mabait ka diba, nibigyan mo nga ako tubig at pagkain eh *sob*" hindi ko napigilang saad dahil pakiramdam ko siya lang ang makakatulong sakin.

Naramdaman kong biglang umalis sa harapan ko si Drey, tuloy pa din ako sa paghikbi.

"T*angina Paulo! Anong sinasabi nito?!" Kasunod ang maiingay na salita ng iba.

"G*go kaba? At parang nabihag ka nitong babaeng to huh?!" Rinig ko ulit na sigaw ni Drey.

"Hindi ko siya binigyan ng pagkain." Rinig kong seryusong sagot ni—Mr. Dejas?

Napasinghot ako. Bakit sya ang sumasagot? Si Paulo yung nagbigay ng pagkain at tubig pero bakit boses nung Mr.Dejas ang narinig ko?

"Tama na yan Drey—" naputol ang sasabihin nito ng biglang sumingit si Drey.

"Sandali! Sandali! Anong titigil? Hindi pa ako tapos sa babaeng to!." Kasabay ng pag tulak nito sa noo ko.

"Gusto mo bang mapagalitan ka ulit ni Sir?" Sagot nung si Mr.Dejas.

"May gusto kaba jan sa babaeng yan?" Rinig kong singit ni blue hair. Boses niya yun.

Isang tsked lang ang narinig ko kasabay ng pagtanggal ng piring sa mata ko at pang-angal ng mga tao sa paligid ko.

"Anong ginagawa mo?!" Sigaw ni Drey.

"Tumahimik ka Drey, wag mo akong galitin." Madiing saad ni Mr.Dejas.

Pahirapan pa bago luminaw ang paningin ko. Agad akong tumayo pero inalalayan ako ng isang lalaki, hindi ko muna Ito nilingon at agad na iniikot ang paningin ko sa kanilang lahat. Lahat sila, nakatingin sakin, walang awa sa mga mata nila, merong walang ekspresyon samatalang si Thea naman ay nakataas ang kilay na nakatingin sakin.

"*Sob* ang s-sasama niyo!" Sigaw ko sa kanilang lahat.

"Let's go, I'll bring you to the clinic." Saad ng lalaking katabi ko ng lingunin ko Ito ay galit ko din siyang tiningnan.

"Bakit mo ako tinulungan?! Huh?" Galit kong sigaw sa kanya. Si Paulo ang tinawag ko at hindi siya. Pinunasan ko ang luha ko, nanginginig din ako dahil ramdam ko padin ang masaganang pagtulo ng dugo mula sa braso ko, ng tingnan ko Ito ay hindi nga ako nagkamali.

"Hindi naman ako ganun kasama, at baka ireport mo pa kami, we don't know you yet. And.....you f*cking called me and asked me to help yo—" hindi ko siya pinatapos at agad ko siyang itinulak.

Hindi sya si Paulo! Hindi sya yung hinihingian ko ng tulong masama din sya.

"Paulo *sob*" mahinang hikbi ko at iniikot ang paningin ko sa kanilang lahat ng makita ko ang hinahanap ay lumuluhang mabilis akong tumakbo dito. Agad ko siyang niyakap at umiyak sa dibdib niya, ni hindi ko man lang siya naramdamang magulat sa halip ay hinawakan ako nito sa bewang at parang inaasahan na na lalapit ako sa kanya.

Rinig ko ang pagsinghap ng iba at ramdam ko ang masasamang tingin nila sakin.

"Wtf is that Geo?!" Rinig kong sigaw ni Drey na bahagya kong ikinaigtad.

Sino si Geo?

Hindi ko man sila kilala sa pangalan lahat pero may katangian daw ako sabi ni Daddy na mabilis makakilala ng boses.

"Tol? Chixxx mo na Yan?" Si blue hair.

"Naakit ka din niyan? Mangkukulam ata, dalawa na nadali ah."

Nanatili akong nakayakap sa kanya, wala siyang kahit na anong ginawa at sinabi pero nakayakap pa din siya sakin, malakas ang tibok ng puso niya.

"Let's go, dadalhin Kita sa clinic, may dugo na yung damit ko, di mo pa nga nabayaran yung pagkaing bigay ko kanina."? Mahinang bulong nito sa taenga ko.

Mas napahikbi ako dahil sa sinabi niya. Sa kanilang lahat siya na yung mabait kahit tinulungan ako ni Mr.Dejas kanina para hindi na ako sugatan ni Drey.

"Nang gag*go kaba? Kanina si Paulo yung tinatawag mo tapos ngayon sa kanya ka lumalapit?!" Sigaw nung kung hindi ako nagkakamali ay yung may blonde hair.

Kumalas ako sa yakap ko sa kanya at mabilis ko siyang hinarap.

"Si Paulo naman talaga ang tinatawag ko eh," paos na saad ko. "Pero 'yang si Mr.Dejas yung lumapit sakin eh hindi naman siya si Paulo!" Malakas kong saad. Galit ako sa kanila.

"Ay t*anga". Sabi ng hindi ko kilala.

"Tatawag ka na nga lang ng tutulong sayo hindi mo pa kilala kung sino." Napabaling ang tingin ko sa seryusong mukha ni Sen.

Sasagot na sana ako kaso bigla nalang akong nanghina, naramdaman ata Ito ni Paulo at agad akong hinawakan. Bago pa man ako makapag protesta ay naramdaman kong binuhat ako nito paalis sa silid na iyon pero bago pa man ako mawalan ng malay ay narinig ko pa ang ilang sigawan sa silid na pinanggagalingan ko.

***

"How's your back?" Napatingin naman ako kay Paulo.

"Ah medyo masakit pero okay na." Sagot ko sa kanya.

Napatingin naman ako sa braso ko na may malaking band aid pati din ata ang likod ko dahil ginamot din ito ng nurse kanina akala ko nga magugulat sya dahil sa mga sugat ko pero para bang sanay na sanay na sya na makasalamuha ng ganoon.

"Tsaka nga pala salamat sa pagkain at tubig ah lalo na sa pagdala sakin dito Paulo." Baling ko ulit SA kanya, kanina pa kami dito sa clinic mga isang oras na din ata dahil natagalan din yung nurse sa paggamot sakin, palagay ko nga nairita sya eh kasi naglulumikot ako. Kasalanan ko ba kung masakit.

Nanatili lang syang nakatingin sakin habang nakasandal sa pinto.

"Pau—"

"Who told you that my name is Paulo?" Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

Magsasalita na sana ako kaso naunahan na naman niya ako at nagulat ako sa mga salitang binitawan niya.

"At hindi kita binigyan ng tubig, pagkain lang ang ibinigay ko." Napakunot noo akong tumingin sa kanya.

"H-huh?" Tinaasan niya naman ako ng kilay.

Napalunok ako.

"Eh ikaw yung nagbigay sakin ng Tumblr diba may lamang tubig, nabulunan na ako nun eh tas saktong may nagbigay ng tubig, diba sayo yun galing?" Naguguluhan niya naman akong tiningnan.

Nanatili lang siyang nakatingin sakin.

"Hindi sa akin galing yun, believe me or not." Seryusong sabi niya.

"Eh sayo nga yun Paulo! Kanino naman pala galing yun? Eh ayaw naman sakin ng mga kaklase mo." Saad ko.

"Baka si Paulo yung nagbigay ng tubig sayo."

"Oh edi ikaw nga!" Sigaw ko sa kanya. "Ikaw naman si Paulo eh!" Napairap ako. Hmp.

Natawa naman siya. Anong nakakatawa?

"Saan mo ba kasi nalaman yung pangalan na Paulo na yan at napagkamalan mo pang ako." Natatawang saad niya.

Dali-dali ko namang nilibot ang paningin ko at nakita ko ang bag ko sa mesa na malayo sakin. Buti nalang at dala niya.

"Ayun! Kunin mo bag ko, please." Nakangiti kong saad.

Napailing nalang siya saka niya Ito kinuha at binigay sakin, agad ko itong hinalungkat at kinuha ang lagayan ng tubig at inabot sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.

"What should i do with this?" Nakangiwing saad niya.

Napakamot naman ako sa kilay ko at inayos ang pagkakasandal sa headboard ng kama.

"Tingnan mo yung takip ng Tumblr may nakalagay dyan na name, tsaka sayo yan diba??" Nagtataka niya naman itong tiningnan.

Eh sa kanya naman yan galing eh.

"PAULO.DJS," mahina niyang basa sa nakasulat sa takip nito. Napangiti naman ako.

"So ano Paulo salamat ah right timing ka talaga kanina kasi mabibilau—"

"I'm not Paulo. This is not mine." Naputol ang sasabihin ko sa sinabi niya.

"Huh? Paano?" Nagtataka ko ng tanong.

So ibig sabihin ibang tao ang nagbigay sakin ng tubig? At hindi siya si Paulo?

"I'm not Paulo, and i will never be Namarih." Madiin sabi niya na ikinalunok ko.

"E-eh sino ka, t-tsaka sino si Paulo n-na may-ari niyan?"

"I'm not Paulo cause my name is Geo." Napalaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Magsasalita na sana kaso inunahan niya naman ako na ikinagulat ko.

"The one who gave you this is..." Tsaka muli niyang tiningnan ang Tumblr ng tubig lalo na ang pangalang nakasulat doon. "It's specially from him." Tumingin siya ulit sakin. "Sino ang tumulong sayo kanina?" Sunod na tanong niya sakin.

Nagtataka ko naman siyang sinagot. "Y-yung si Mr.Dejas." sagot ko at inalala ang pagtanggal niya ng piring sakin kanina at pagpigil kay Drey na sugatan ako ulit.

"Actually. The one who give you this water is not me and it's him. The name written on this Tumblr is Mr.Dejas name, PAULO.DJS. Mr.Dejas full name is Paulo Samaniego Dejas." Tuloy-tuloy na saad niya.

Napatanga naman ako.

"So ibig mong sabihin sya si Paulo at hindi ikaw? Dahil ikaw si Geo?" Nagtataka Kong Tanong pero tumango lang siya.

Ang PAUPO.DJS pala na nakasulat sa Tumblr ay pangalan niya tsaka Dejas at DJS ay magkahawig nga at may kinuha lang na letters.

Napangiwi naman ako kaya pala sabi ni Sen kanina na tatawag nalang ako ng tulong hindi ko pa kilala.

Palihim akong napakagat sa labi ko tsaka tumingin sa kanya.

⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
LM

Continue Reading

You'll Also Like

128K 2.7K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
474K 750 100
This story is not mine credits to the rightful owner. šŸ”ž
350K 12.9K 44
Rival Series 1 -Completed-