Pleasure For Hire (BoyXBoy)

By misterdisguise

47.1K 1K 103

(BOYXBOY) When his mother died, life's been too hard for Michael. He had to pay for the debts all by himself... More

DISCLAIMER
ANG SIMULA
CHAPTER I: Project Spot
CHAPTER II: Coffee Shop
CHAPTER III: Soon-To-Be Groom
CHAPTER IV: Harder
CHAPTER V: Henry
CHAPTER VI: Scandal
CHAPTER VII: Bonded by Blood
CHAPTER VIII: Nightmare
CHAPTER IX: What Is Your Intention?
CHAPTER X: Save Me from This Mess
CHAPTER XI: Teach Me Some Lesson
CHAPTER XII: Love is Painful
CHAPTER XIII: Everything Will Be Fine
CHAPTER XIV: Issue and Challenge
CHAPTER XV: The After Duty
CHAPTER XVI: Needs and Wants
CHAPTER XVII: Do We Know Each Other?
CHAPTER XVIII: This Shall Pass
CHAPTER XIX: The Party

CHAPTER XX: Welcoming You

997 19 6
By misterdisguise


CHAPTER XX: Welcoming You


           Nabigla ako sa biglang paglapat ng kanyang labi sa akin. Napakalambot ng labing iyon na animo'y ngayon pa lang nakahalik. Samahan pa ng matamis niyang laway na marahil ay dahil sa alak na kanyang ininom kanina.

Patuloy lang kami sa tagisan ng aming mga dila habang patuloy siya sa paglakbay sa buo kong katawan. Pakiramdam ko tuloy ay papanawan na agad ako ng ulirat sa langit na dulot pa lang ng kanyang mga halik.

Mayamaya lang ay humiwalay siya sa akin at pareho kaming naghabol ng hangin. Nakangiti siya sa akin habang hindi pa rin inaalis ang kanyang mga kamay sa aking katawan.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo ang ginagawa ko," aniya.

Hindi ako nagsalita. Hindi rin ako tumutol. Tuluyan nang bumigay ang katawan ko sa makamundong pagnanasa. Hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong sumabay sa kasalanang ito. Hinayaan ko na lang ang sarili kong magpaanod sa gustong mangyari ng katawan ko.

"I'll take your silence as a yes," turan pa niya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at saka iniayos ang sarili. Tumungga siyang muli sa iniinom na alak at saka ako tiningnan. Napakunot naman ako ng noo nang sandaling iyon.

"What are you waiting for? Tumayo ka na r'yan. Dadalhin kita sa mas private na lugar," saad niya at saka ngumisi. Nakita ko pa ang pagkindat ng kanyang mata.

Walang ano-ano'y napatayo niya ako mula sa kinauupuan ko. Tila awtomatiko ang naging reaksyon ko. Nakapagtatakang napapasunod niya ako ngayon. Marahil ay dala na rin ng alak at nag-uumapaw na init ng katawan kaya aktibo ang katawan kong maghanap nang mapaglalabasan.

Lumabas kami ng quarters. Tulad pa rin ng kanina, wala pa ring tao ang parteng ito ng campus. Ang lahat ay nandoon sa event area, abala at nagsasaya. Nawala na rin sa isip kong hanapin pa sina Arjay at Peter. Hindi naman siguro magtatampo 'yung dalawang iyon sa akin kapag nagkataon dahil sa totoo lang, sila naman itong nang-iwan.

"Sumunod ka lang sa akin," ani Dan na siya namang ginawa ko.

Malikot ang mga mata kong pinagmamasdan ang paligid. Tinitingnan ko kung may mga taong makakakilala sa akin. Nakapagtataka naman kasing isipin na may kasama akong iba na hindi taga-campus kaya paniguradong magdududa ang sinumang makakita.

Nagtungo kami sa parking lot. Tunay ngang mayaman ang pamilya niya dahil sa murang edad, may ganito na siya agad na kagarang sasakyan. Nagdadalawang-isip tuloy akong sumakay dahil sa sandaling nasa loob na ako, wala ng atrasan 'to.

"Bakit hindi ka pa nasakay? Gusto mo bang pagbuksan pa kita ng pinto?" pang-aasar niya.

Tiningnan ko lang siya nang masama. Hindi ko alam kung iniinsulto niya ba ako sa sinasabi niya.

"Or maybe you want it more in the parking? Okay lang naman sa akin," aniya at saka kumindat.

Itinaas ko lang ang gitnang daliri ko sa mukha niya at saka malokong ngumiti.

"Nagkakaintindihan naman pala tayo. Sumakay ka na," utos niya.

Wala na akong nagawa, sumakay na akong tuluyan sa kanyang sasakyan at hinayaan na lang kung anong pwedeng mangyari mamaya.

Nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan. Nakapagtatakang nakangiti lang siya habang nasa kalsada ang atensyon niya. Ano bang problema ng taong 'to? Mahirap talagang alamin kung ano ang natakbo sa utak niya. Hindi naman siguro ganito ang utak ng ibang mayayaman, 'di ba?

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko pero hindi direktang nakatingin sa kanya.

"Life is full of surprises. Hindi mo alam kung saan ka nito dadalhin. Sometimes, it brings you too much joy. Pero most of the time, you'll get fucked really hard," aniya at saka tumingin sa akin. Iyan na naman siya sa mga sinasabi niyang laging may ibang kahulugan.

"Bahala ka," matipid kong sagot.

Mayamaya lang ay hindi ko napansing tumigil kami sa isang malaking bahay. Siguro ang laki nito ay dalawang building ng apartment kung saan ako nakatira ngayon.

"Nasaan tayo?" tanong ko.

Ngumiti siya. "Nasa bahay namin," sagot niya. Napamulat naman ako nang sabihin niya 'yun. "Welcome home," pagbati niya.

Hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang bahay nila. Ito 'yung madadalas kong napapanuod na bahay sa mga foreign films. Sobrang aliwalas ng bahay nila dahil na rin siguro sa lighting. Puno rin ng mga mamahaling figurine ang buong hallway.

"Bakit parang wala 'atang tao?" tanong ko nang mapansing ang tahimik ng buong bahay. Imposible kasi sa ganitong kalaking bahay, dalawa o tatlo lang ang mga taong nakatira.

"Weekends ngayon. We let our maids na magkaroon ng restday. Tutal ay wala naman ang parents ko rito," sagot niya.

Bigla tuloy akong nahiya sa suot ko. Sa pagkakataong may makakita sa akin, baka ay mapagkamalan pa akong katiwala sa kanilang bahay.

"Maupo ka muna. Ikukuha muna kita nang maiinom," aniya at saka nagtungo sa pantry nila.

Ngayon, malinaw na talaga sa akin ang agwat ng estado namin sa isa't-isa. Nakakasiguro na akong biro lang ang sinabi niya noong may gusto siya sa akin. Sa isang tulad niyang mya ganitong karangyang buhay, hindi kailanman gugustuhing danasin ang buhay na mayroon ako.

"Na-amaze ka ba?" tanong niya sa akin habang inaabot ang isang wine glass. Napansin niya sigurong kanina ko pa nililibot ng tingin ang buong bahay nila.

Napatango na lang ako bilang tugon. Wala namang dahilan para magsinungaling ako. Iniisip ko tuloy kung may ganito lang siguro akong yaman, hindi ko dadanasin ang ganitong hirap.

"I'm very proud of my parents. Nagawa nila ang ganito. Pero you know what? Nakakatawang there are lot of teenagers who like to brag things na hindi naman nila pinaghirapan. That's so funny," wika niya at saka tinungga ang basong iniinom.

"What do you mean?" pagtataka ko.

"They think na they can get whatever the hell they want. Most of people love money. Narinig mo? Most... Hindi lahat," mariin niyang sabi.

Naging sunod-sunod ang paglagok niya ng alak na tila nilulunod ang sarili. Pagkakataon na ba para makita ko ang softside na tinatago niya? Baka sa pagkakataong 'to, makilala ko na siya nang lubusan.

Napangisi ako. "I agree at kasama ako sa most na 'yun," wika ko.

"Kaya siguro ganyan ka katigas. You don't open your heart to anyone. Para kang bato. You don't let your emotions to get in your way. Masyado 'atang mataas ang pangarap mo para maging ganyan ka kahigpit sa sarili mo," saad niya.

Napailing ako. 'Yan ang mga salitang madalas sabihin ng mga taong hindi alam ang pinagdadaanan ko. Madali para sa kanilang sabihin ang mga katagang 'yan dahil nasa kanila ang pribilehiyo. Sa isa kasing tulad ko, limitado ang biyaya para sa amin kaya mahigpit ang kapit namin.

"Hindi mo lang kasi naiintindihan," sagot ko.

"Narinig ko na 'yan. Nagiging sarado naman kayo sa pag-intindi. Sinasabi niyong kaya niyo pero hindi naman talaga."

Sa pagkakataong 'yun, napatayo na ako. Hindi ko na nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig niya.

"Ano bang gusto mong palabasin?!" wika ko. Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtaas ng boses. Pakiramdam ko ay naiinsulto ako sa mga sinasabi niya.

"Chill ka nga lang. Mainit naman kaagad ang ulo mo. We're just having some heart to heart talk here. I do not mean to offend you," saad niya.

Huminga ako nang malalim. Nagmukha tuloy akong sensitibo sa kilos kong 'yun. Hindi kasi ako sanay na hinahamak ang sarili ko. Alam kong mahirap ako pero may tamang paraan para kausapin ako.

Tumayo siya bigla at tumapat sa akin. Hawak mula sa isang kamay ang baso ng alak, naglaro naman ang kabila niya sa mukha ko na tila inuusisa ang bawat parte no'n.

"Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan. Sanay ako sa kalmadong Michael na matagal ko nang sinusubaybayan. It's been one year since I met you and I finally got the strength para lumapit sa 'yo," wika niya.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Nagbibiro ka lang naman, 'di ba? Marami ka nang naiinom na alak kaya kung ano-ano na ang natakbo sa utak mo," natatawa kong sabi.

"Siguro nga. Lasing na ako kaya mas may lakas na ako ng loob na magtapat sa 'yo," aniya. Inilipag niya ang hawak na baso at saka inilingkis ang magkabilang braso sa balikat ko. Halos magdikit ang dibdib namin nang mga oras na 'yun. Ilang dipa lang din ang layo ng mga mukha namin kaya ramdam ko ang pagtama ng kanyang hininga sa mukha ko.

"I love you," wika niya at kasabay no'n ay ang paglapat ng mga labi namin. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...