Become My Daughter's Nanny

By palibhasa_pusa

8M 196K 15.1K

Hindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mo... More

Prologue
BMDN Chapter 1
BMDN Chapter 2
BMDN Chapter 3
BMDN Chapter 4
BMDN Chapter 5
BMDN Chapter 7
BMDN Chapter 8
BMDN Chapter 9
BMDN Chapter 10
BMDN Chapter 11
BMDN Chapter 12
BMDN Chapter 13
BMDN Chapter 14
BMDN Chapter 15
BMDN Chapter 16
BMDN Chapter 17
BMDN Chapter 18
BMDN Chapter 19
BMDN Chapter 20
BMDN Chapter 21
BMDN Chapter 22
BMDN Chapter 23
BMDN Chapter 24
BMDN Chapter 25
BMDN Chapter 26
BMDN Chapter 27
BMDN Chapter 28
BMDN Chapter 29
BMDN Chapter 30
BMDN Chapter 31
BMDN Chapter 32
BMDN Chapter 33
BMDN Chapter 34
BMDN Chapter 35
BMDN Chapter 36
BMDN Chapter 37
BMDN Chapter 38
BMDN Chapter 39
BMDN Chapter 40
BMDN Chapter 41
BMDN Chapter 42
BMDN Chapter 43
BMDN Chapter 44
BMDN Chapter 45
PATIKIM
BMDN Chapter 46
BMDN Chapter 47
BMDN Chapter 48
BMDN Chapter 49
BMDN Chapter 50
BMDN Chapter 51
A/N
BMDN Chapter 52
BMDN Chapter 53
BMDN Chapter 54
BMDN Chapter 55
BMDN Chapter 56
BMDN Chapter 57
BMDN Chapter 58
BMDN Chapter 59
BMDN Chapter 60
BMDN Chapter 61
BMDN Chapter 62
BMDN Chapter 63
BMDN Chapter 64
BMDN Chapter 65
EPILOGUE
announcement

BMDN Chapter 6

106K 3K 248
By palibhasa_pusa

Lumabas ako sa kwarto ni Kisza ng makatulog ito.

Ang dami naming pinag kwentuhan kanina. Parang hindi sya napapagod mag salita, sobrang daldal.

Napatingin ako sa katabing kwarto ni Kisza ng bumukas ito at iniluwa noon ang Daddy ni Kisza. Naka v-neck shirt ito na itim at naka denim short.

"Tulog na ba sya?"

Tanong nya, tumango naman ako bilang sagot. Nakatitig sya sakin kaya naiilang ako.

"Follow me"

Sabi nito saka ako tinalikuran. Sinundan  ko sya, nakatitig lang ako sa likod nya habang nang lalakad sya. Lalaking lalaki ito lalo na pag nag lalakad, ngayon ko lang mapansin na may tattoo pala sya braso. Napaiwas ako ng tingin ng huminto sya sa isang kwarto malapit sa bintana.

Sumunod ako ng pumasok sya sa loob. Puro libro ang loob ng kwarto at sa gitna noon ay may lamesa at sa harap ng lamesa ay may dalawang upuan.

Mayroon ring dalawang mahabang sofa at sa gitna ay may center table.

Umupo sya sa sofa at umupo rin ako sa kaharap noon ng sinenyasan nya akong umupo. Upo palang nya ay lalaking lalaki na, bigla akong na curious kung bakit hindi sila nagkaanak ni Raquel.

"Let's talk about your salary. Katulad ng sabi ko noon ang magiging sweldo mo ay fifty thousand a month. May day off ka every sunday." Sabi nito

"Pero hindi ka pwedeng mag off this sunday dahil aalis ako papuntang spain" sabi nya kaya tumango lang ako.

"To be frankly, ayaw kong ipagkatiwala sayo ang anak ko. Hindi kita kilala at hindi ko alam ang motibo mo. Pero gusto ko lang sabihin sayo na pag may nangyari sa anak ko, ikaw at ang mga kapatid mo ang mananagot." Seryosong sabi nya kaya bigla akong kinabahan. Oo nga at wala akong masamang gagawin kay Kisza pero ang tono ng boses nya ay nakakapangilabot. Paano kung malaman nya na ako ang Mommy ni Kisza baka sya na mismo ang pumatay sakin.

"Naiintindihan mo ba ako?"  Seryosong Tanong nya, tumango ako.

"May rules kang dapat sundin kung gusto mong mag tagal sa trabaho mo. At tandaan mo ang lahat ng sasabihin ko, sa oras na may hindi ka masunod sa sasabihin ko mawawalan ka ng trabaho at babayaran mo lahat mg ginastos ko sayo sa hospital. Una, hindi mo sya pwedeng dalhin kahit saan, bahay at school lang ang routine nyo araw-araw. Hindi mo pwedeng pakainin ng kung anu-ano. At hindi mo sya pwedeng ilabas ng basta-basta lalo na kung walang pahintulot ko. May Body Guard din kayo just incase na maisipan mong itakas ang anak ko." Sabi niya.

"Wala kang tiwala sakin hindi ba?" Tanong ko saka tumitig sa mata nya. Naiinis ako dahil harap harapan nyang ipinapakita sakin na ayaw nya ako para mag alaga kay Kisza. Hindi man deretsyahan pero alam kong iyon ang pinupunto nya.

"Tama ka, wala nga akong tiwala sayo" deretsyong sagot nito. Hindi ko maiwasang mapangisi, bakit naman ako gagawa ng ikapapahamak ng anak ko?

"Huwag kayong mag alala Sir. Oo nga at kailangan ko ng pera pero hindi ko kaylan man naisip na gumawa ng masama sa isang bata para lang magkapera. Sir hindi lahat ng walang pera ay pare-parehong mag isip. At wala akong balak busugin ang mga kapatid ko galing sa masama. Kaya makakaasa kayong walang akong gagawing masama sa anak nyo"

"Hindi ko pwedeng panghawakan ang sinabi mo. Hindi kita kilala at isa pa base sa buhay na mayroon ka ngayon hindi malayong may gawin kang masama para lang makakain." Sabi nito.

Kung ang mga mahihirap hindi pare-pareho mag isip. Pero ang mayayaman pare-pareho kung mag isip na ang lahat ng mahihirap ay hindi dapat nakikipag salamuha sa mga mayayaman. Masyado silang mapanghusga

"Dapat inisip nyo iyan bago nyo ialok sakin ang trabaho na ito" matapang na sagot ko. Oo nga't may parte sakin na gustong makasama ang anak ko, pero ayokong pakisamahan ang gantong uri ng tao.

"Hindi kita kinuha dahil gusto ko, kung hindi dahil ikaw ang gusto ng anak kong mag alaga sakanya. At lahat ng gusto ng anak ko ibinibigay ko" sabi nya.

"Kung ganon kumbinsihin mo ang anak mo na huwag akong magustuhan, para hindi ka nangangamba na baka nakawan kita o itakas ko ang anak mo" sabi ko. Tinitigan nya lang ako, pero alam ko, kita ko na ayaw nya talaga sakin.

"Okay, you may leave now" sabi nya.

Tumayo ako saka naglakad papunta sa pinto, natigil ako ng bigla syang magsalita.

"Wait, yung mga gamit mo nasa kwarto ng mga Maid. Hindi ka naman siguro umaasang may special treatment ka hindi ba?" Sabi nito. Ngumiti ako sakanya.

"Huwag kayong mag alala Sir. Alam ko kung ano ang papel ko" sabi ko saka lumabas ng kwarto. Napabuga ng hangin ng makalabas. Ang mayayaman talaga, sana lang huwag mag mana sakanya ang anak ko.

Bumaba ako at pumunta sa kwarto ng mga maid. Maganda na para sakin ang kwarto na ito, kumpara sa kwarto namin sa bahay. Tatlong double deck ang nasa kwarto, pero apat lang naman ang katulong. Nakita ko ang gamit ko sa isang double deck na mukhang walang gumagamit.

Umupo ako at nag isip ng mabuti. Tama ba ang pag pasok ko dito? Kung hindi ko lang inabuso ang katawan ko malamang wala ako dito. Hindi ako malapit sa anak ko.

Napa buntong hininga ako ng malakas.

"Sinungitan kaba ni Sir?"

Napatingin ako sa kapapasok lang na katulong. Ngumiti ako sakanya.

"Ako si Venus" pakilala nya, mukha syang mabait kung pag babasihan ang physical na anyo.

"Nina" Pakilala ko

"Ang sungit ni Sir ano?" Sabi nya, tumango ako bilang pag sang-ayon.

"Naku! Kung may iba lang akong papasuka aalis ako dito. Mabait sya pag kaharap si Kisza, at pag kami na ang kaharap naku parang tigre, konting mali mo lang papagalitan ka." Kwento ni Venus.

"Tama ka" pag sang ayon ko. Iyon din ang napansin ko, pag kaharap si Kisza hindi sya masyadong nag sasalita.

"Pero alam mo, mas lalo syang gumagwapo pag naka salubong ang kilay" sabi nya saka humagikgik. Natatawa ako habang nangingisay sya sa kilig.

"Venus, Pwede ba akong magtanong? " Tanong ko sakanya. Matagal na akong binabagabag ng tanong na ito.

"Sure, ano yon?" Sagot nya saka umupo sa double deck na katabi ng sakin.

"A-asan ang asawa ni Sir?" Tanong ko, wala akong balita kay Raquel hindi ko alam kung bakit wala sya dito.

"Si Ma'am Raquel? Naku napakabait non at napakaganda. Sayang nga lang at namatay sya ng maaga. At alam mo ba dahil iyon kay....."

"Hoy Venus! Hindi ka binabayaran para makipag chismisan. At ikaw naman kay bago bago mo nakahilata ka agad. Aba pare-pareho lang tayong katulong kaya magsi kilos kayo" galit na sabi ng isang katulong na pumasok sa loob. Nag mamadali namang kumilos si Venus saka lumabas ng kwarto.

Naiwan akong hindi makapaniwala. Patay na si Raquel? At ano yung sinasabi ni Venus? at Dahil kanino?

Continue Reading

You'll Also Like

24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
27.1M 717K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...