His Bossy Secretary

By Melestial

2.7K 751 82

Chase Aphelion Alzarde He knows that being this crazy over his Secretary is up to no good. He should fire eve... More

Author's Note
Description
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 12

51 12 0
By Melestial

!!!TYPO AND UNGRAMMATICAL AHEAD!!!

Chapter 12

Nakaupo ako ngayon sa harap ng aking desk at pinag-iisipan kung ako ba ay makakasama sa party na gaganapin sa susunod na linggo

Don't get me wrong i badly want to be in that party the problem is i don't have a dress to wear plus the fact that the party will start at 7:00pm at sa sitwasyon ko ngayon ay hindi ako basta basta makakaalis ng bahay lalo na at baka hanapin ako ni Auntie at pagbuntungan nanaman nito ng galit si Mama pag nalamang wala ako

Napahinga ako ng malalim dahil sa problema, mahalaga ang party na ito para sa akin dahil matagal na akong nagtatrabaho dito at napamahal na sakin ang kompanya isa pa ay pupunta din dito ang malalapit kong kaibigan at malamang ay may makikila ako ditong mga bagong emplayado

Hindi ako makapagdecide gusto kong pumunta ngunit paniguradong magagalit si Auntie at baka saktan nanaman ako nito ngunit....Argh sinabunutan ko ang sarili dahil sa sobrang frustration hindi ko malaman ang dapat na gawin

Sa huli ay tumayo ako at naglakad papunta sa kabilang office, kumatok ako sa pinto nito hanggang sa may sumagot, ilang sandali lang ay nagsalita ang nasa loob kaya napagpasyahan ko ng pumasok

"What are you still doing here, Miss Cortez?" bungad na tanong ni Sir Chase habang seryoso itong nakatingin sa akin

"Sir?" Balik kong tanong dito hindi ko kase maintindihan ang sinasabi nya hindi ba pwedeng nandito pa ako kase hindi pa tapos ang trabaho ko

"Half day lang tayo ngayon, bakit nandito ka pa?"

Wait-What? Half day lang? Bakit naman hindi ata ako nainform

"Sir naman bakit hindi mo agad sinabi kanina pa 'ko nagtatrabaho sa office tas half day pala tayo ngayon" bwisit kong wika dito at nagpapadyak padyak sa sahig dahil sa sobrang inis

"Not my fault" he just shrugged.

"Sir!"

"What? Tatlong oras pa lang naman yung nakakalipas mula ng umalis yung iba, pwede ka pang humabol" sabi lang nito saka kinuha ang cellphone nya sa kanyang mesa at naglaro ito

"Sir naman bat kase hindi mo sinabi sakin e magkasama naman tayo kanina sa lunch meeting" inis ko paring sabi dito ngunit hindi man lang ako pinansin at nakatuon lang ang atensyon nito sa kung ano bang ginagawa nya sa cellphone nya

Bumuntong hininga ako at nagmove on na sa sinabi nito saka ko naalala ang dahilan kung bakit ako nagpunta dito kaya tumingin ako ng deretso sa kanya at seryosong nagsalita

"Sir, magpapaalam po sana ako" natigilan ito sa paglalaro at naka kunot ang noong tumingin sakin mukha itong nagtataka kaya tinuloy ko ang pagsasalita

"Baka po kase hindi ako maka-attend sa 4th anniversary ng kompany next week" pagpapaalam ko dito habang nilalaro ang ang thumb finger ko madalas ko itong ginagawa kapag kinakabahan ako sa isang bagay tulad ngayon baka kase magalit ito at hindi pumayag

"Why?" tanong nito ngunit may kakaiba sa boses nito ngayon hindi ko alam kung ano o bakit

"Uhm may gagawin po kase ako" hindi naman ako nagsisinungaling dito dahil totoong may gagawin ako hindi ko lang pwedeng sabihin ang specific ang dahilan ko dahil ayokong idala ang family problem dito sa kompanya

"Is that more important that your job?" His expression become more dark as he say those words kaya naman mas lalo akong kinabahan halos magdugo na ang thumb finger ko sa kaka kutkot ko dito dahil sa kaba

Is it more important than my job? The answer is yes my mother is my number one priority and i can't just left her in the house at night knowing na malaki ang possibility na may masamang mangyari nanaman sakanya

"O-opo" medyo utal ko pang sabi dito dahil sa paraan ng pagkakatitig nito na lalong nagpakaba sakin

Hindi ko maintindihan hindi ba dapat ay ayos lang sa akin na hindi makadalo dahil hindi ako importanteng tao dito sa kompanya at matutuloy naman ang celebration kahit na wala ako hindi ko lang maintindihan kung bakit apektado ito sa pagpapaalam ko to the point na mabilis nagbago ang mood nya at sumama

"You're not allowed to be absent at that day" matalim na wika nito at tumayo papalabas

"Pero Sir-"

"End of the discussion." Maikling sabi dito at tuluyan ng lumabas susundan ko pa sana ito ngunit napag-isip isip kong wag nalang muna dahil mukhang mainit ang kanyang ulo

Bumalik nalang ako sa office at inayos ang mga gamit na naroon pagkatapos ay inayos ko naman ang laman ng bag ko at saka nagpasyang lumabas na upang umuwi

Naghihintay ako ng jeep pauwi nang bigla akong tinawag ni bakla nakita kong kakalabas lang din nito ng building

"Uy Ameliaaa" matinis na sigaw nito sa labas habang kakaway kaway sa akin nahihiya naman akong kumaway dito pabalik dahil pinagtitinginan kami ng mga tao

"Ano ka ba bakla kung maka sigaw ka wagas" sabi ko dito ng makalapit ito sa akin

"Anong bakla ha? Sinong bakla?" Napatawa nalang ako dahil bigla lumaki ang boses nito malayo sa matinis na boses na gamit nito kanina

"Matt pala, Sorry naman"

"Ayownnn! Apir tayo dyan sis" matinis ang boses na sabi nito saka itinaas ang kamay upang makipag apir ngunit inirapan ko lang ito na syang ikinanguso nya

"Tara na ngaaaa" wika nito sabay hila sa kamay ko at pumara ng taxi kaya wala akong choice kundi sumakay nadin dito dahil hindi ako makawala sa pagkakahawak nya

"Teka lang Matt, Saan ba tayo pupunta?" Takang tanong ko dito binitawan narin nito ang pagkakahawak sa kamay ko

"Pupunta tayo ng Paradise" malanding sabi nito habang pumapalakpak pa sa tuwa

"Paradise? Ano yon?" naka kunot ang noong tanong ko dito

"Ano ka ba naman Amelia edi Mall kung saan madaming pagkain paradise yun diba" iritang sabi nito sakin saka hinawi kunware ang buhok kahit hindi naman ito kahabaan

"Ano ka ba Matt bat di mo agad sinabi wala akong pera para don" wika ko dito at himapas ko ng bahagya ang braso nya

"Ano ba makahampas ka namang bakla ka ililibre na nga kita e"

Bigla namang nagningning ang mata ko at nagpalakpakan ang mga tenga ko sa narinig

"Talaga? Talaga ba?" excited kong tanong dito

"Oo nga kaya wag ka nang mag-inarte dyan" sabi nito saka pinigilan ang paghampas ko sana sa braso nya

Sorry naman na excite lang ako

Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa tapat ng mall kukuha na sana ng pera si bakla ngunit nag-insist ako na ako nalang ang magbabayad tutal ay ililibre nya naman daw ako mamaya

Bumababa na kami sa taxi at agad na pumasok sa loob agad namang bumungad samin ang malamig na hangin galing sa loob ng mall nagtaka tuloy ako bigla kung magkano ang binayarang kuryente ng mga ito

Nagpasya kaming kumain nalang sa isang fast food chain dito at kung ano ang inorder nito ay ganon nalang din ang sa akin dahil nakakahiya namang mag-iba ng order pag libre lang

"Anong nangyari sayo kanina bakla?" tanong ni matt na nasa harapan ko at kumakain bigla naman napa kunot ang noo ko dahil sa tanong nito

"Huh?" Takang tanong ko dito hindi ko kase alam kung ano ang tinutukoy nya

"Tinawag kase kita kanina nung nasa loob ka palang ng building kaya lang para kang pinagsakluban ng langit at lupa kaya hindi mo ko narinig buti nalang at lumingon ka na nung tinawag kita sa labas kanina" pag kukwento nito

"Ahh nagpaalam kase ako kanina na kung pwede ay hindi ako dadalo sa celebration na magaganap next week kaya lang ay nagalit ko ata si Sir" mahinang sabi ko dito habang patuloy na kumakain

"Eh? Bat naman sya magagalit e nagpaalam ka lang naman?" Tanong nito at pinaningkitan ako ng mata

"Ewan nga e" sagot ko dito

"Kamusta na pala si Auntie Alicia?" pagkamusta nito sa Mama ko sya lang kase ang tanging kaibigan ko na nakakaalam kung ano ang sitwasyon ko sa buhay

"Ah okay naman sya sa ngayon kaya lang ay nagkaroon kami ng problema noong nakaraan dahil nagwala ito kasalanan ko din naman pinaasa ko kasi syang dadating pa si papa" naramdaman ko ang biglaang pagtulo ng luha sa aking mata agad ko itong pinunasan gamit ang kaliwang kamay at bahagyamg ngumiti sa kanya

"I'm sorry for asking naalala mo pa tuloy"

"Hindi, okay lang kahit hindi ka naman magtanong ay hindi ko parin yon malilimutan"

"Alam mo tigilan na natin 'to lets change the topic pleaseeee" bahagya akong natawa dahil sa pananalita nito bumalik nanaman ang pagkabakla nya

Madami pa kaming napagkwentuhan tungkol sa kung ano ano habang kumakain puro nakakatawa ang mga kwento nito at hindi ka mabobored isang dahilan narin siguro kung bakit kami naging magkaibigan

Pagkatapos naming kumain ay saglit kaming nagpahinga at naglakad lakad upang tumingin ng mga bagay bagay sa loob ng mall

Napadpad kami sa isang boutique na nagtitinda ng mga mens wear like suits agad naman itong napansin ni bakla at hinila ako papasok dahil titingin daw sya don ng isususot nya for the party celebration next week

Napatingin ako sa katapat na store nitong boutique at nakita kong ganon din ito isa rin itong tindahan ng mga damit ngunit karamihan sa mga nadisplay dito ay pambabaeng kasuotan napansin ko din ang mga nagkikinangan na mga damit at sapatos dito, sa tagal ng pagmamasid ko ay may nakita akong lalaking naka black suit na pumasok dito isang kalokohan ang pumasok sa isip ko kaya bumaling ako kay bakla at kinalabit ito

"Pst bakla ayaw mo ba dun bumili?" Nakangising saad ko dito saka tinuro ang katapat na tindahan mabilis naman itong napalingon at saka ako kinaltukan

"Ano ka ba don't touch me nga" maarteng wika ko dito saka kunwareng pinunasan ang ulo ko

"Don't touch pala ah" sabi nito habang may nakakalokong ngiti at bigla akong inakbayan upang lalong inisin

"Ano ka ba bak-" natigil ang pagsasalita ko ng biglang lumingon sa amin ang lalaking pumasok kanina sa kabilang boutique

Sh*t si Sir!

Napansin ko ang matalim na tingin nito sa amin kaya mabilis akong humiwalay at tumalikod dito saka nagkunwareng busy sa pagpili ng mga damit sa store

Mainit parin kaya ang ulo nya dahil sa kanina?

"Andito din pala si Sir Chase" Dinig kong wika ni Matt na nasa gilid ko tumango tango nalang ako dito bilang pag-oo

Nang makapili ito ng suit na bibilin ay agad din kaming lumabas sa boutique na 'yon at pumunta sa isang restaurant hindi ko alam kung bakit kami pumunta dito gayong kakakain lang namin ngunit hindi na ako nagreklamo pa at hinintay lang ito umorder

Pagbalik nito ay may dala na itong dalawang paper bag na may lamang pagkain nagulat nalang ako ng inabot nya ito sa akin

"Oh bakla ka para yan kay Auntie Alicia" Maarteng wika pa nito sobra naman akong natuwa at agad na nagpasalamat dito

"Thank you bakl-este Matt hehe sobrang napaka laki ng bagay na 'to para samin ni mama"

"Ano ka ba naman! Para kang ibang tao isa pa maliit na bagay lang yan para sa maganda ako" mayabang na wika nito

"Oo sige na nga mag-aagree na kong maganda ka baka bawiin mo pa 'tong binigay mo e" biro ko dito sabay naman kamingnatawa dahil sa kalokohan namin

Wala na kaming iba pang pinuntahan at umuwi na

Hindi rin pala ganon kasama ang araw na 'to kahit pa hindi ako pinayagan ng Boss ko...

~ Melestial ~

Continue Reading

You'll Also Like

178K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
68.3K 2.3K 55
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...