Captivated By His Enchanted E...

By Abakadazzzzz

127K 2.5K 163

In the Aspen University, a student athlete named, Aria Garcia will meet the nerd, weird, introvert and a clum... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Author's Note

Chapter 23

2K 34 7
By Abakadazzzzz

Aria's POV


Nakakaloka ang Aspen nang pumasok kami kinabukasan. Merong malaking-malaking tarpaulin sa main building kaya every time na nakikita ako ng mga student sa Aspen, nginingitian nila ako. Nakakahiya naman! Malamang sa malamang si Coach Wen na naman ang nagpauso niyan.


"Nandiyan na nga ang bida ng istoryang ito," Nakangising sabi ni Jasmine nang makapasok ako sa room namin. Napapailing akong umupo sa upuan ko dahil pinalibutan agad nila akong apat. Umupo pa sa table ko si Kohen kaya hinampas ko agad ang binti niya gamit ang libro.


"Pasalamat ka at nanalo kayo kaya hindi kita sasaktan." Inismiran ko nalang siya bago tiningnan si Mav na hindi makatingin sa akin ngayon.


"Mav, ano?"


"Huwag mo nga ako kausapin, Aria." Sabi nito na ikinatawa ko lalo kaya nagtaka na sila Jasmine.


"Anong nangyari sayo?" Kunot-noong tanong ni Sophia. "Anong ginawa mo kay Aria?"


"H-ha? Pinagsasasabi mo diyan?? Wala akong ginawa ah. Mapagbintang ito." Reklamo niya kay Sophia bago ako sinamaan ng tingin. "Tumigil ka na nga diyan, Aria. Kung ano-ano na tuloy pinagsasasabi ng mga ito.... huwag mo akong tingnan ng ganiyan Kohen! Mukha kang tanga."


"Inaano kita?? Ngumingiti lang ako rito."


"Yung ngiti mo mukha kang gago." Natawa agad si Jasmine sa sinabi ni Mav kaya sinamaan siya ng tingin ni Kohen. Nakasimangot pa siyang naglakad pabalik sa upuan niya. Masama na talaga ang loob.


"Gagi ka suyuin mo yan, Jasmine." Pang-aasar ni Sophia na ikinakunot ng noo ni Jasmine. "Baka hindi sumabay sa atin ngayong lunch yan. Lagot ka."


"Napaka-arte ni Kohen parang hindi mahal ng nanay niya." Bulong ni Jasmine bago naglakad papunta kay Kohen na tinalikuran pa siya.


"Parang mga bata hindi pa sabihin na gusto nila ang isa't-isa...." Bulong ni Mav kay Sophia na natawa din agad. Napailing pa siya bago umupo sa upuan niya na medyo malapit sa akin.


"Oo nga, parang mga bata.... hindi pa sabihin na gusto nila ang isa't-isa." Pag-uulit ko sa sinabi ni Mav kaya dahan-dahan siyang nagbaba ng tingin sa akin. "Ano, Mav? Ang weird ng ganon."



"Kapag ako talaga nagsalita, ano, Luke?!" Nanlaki agad ang mata ko sa sinabi niya kaya nilingon ko ang pintuan sa likuran kung saan ko nakita si Luke na kakapasok lang ata dito.


"Ano?" Kunot-noong tanong niya kay Mav kaya ngumisi agad si Mav sa kaniya.


"Wala! Umupo ka na diyan." Sabi ko kay Luke na hindi na pinansin ang sinabi ko at umupo nalang sa upuan niya. "Siraulo ka, Mav!"


Nag-introduction lang naman ngayon ang mga professor dahil kakasimula lang ulit ng class. Yung iba nga ay tinamad pa magdiscuss kaya ang ending, wala kaming klase kaya maaga akong nagpractice.


"Aray ha," Reklamo ko kay Luke nang ihagis niya sa akin ang bola. "Natutuwa kang samahan ako dito noh." Kasi nagulat nalang ako paglabas ko ng locker, nandoon na siya. Gusto niya palang sumabay sa akin kaso nauna na akong lumabas sa room kanina. Nahiya na daw siyang tawagin ako kaya sumunod nalang siya.


"Wala naman kasi akong gagawin sa bahay." Natural lang na sabi niya bago kinuha ang isang bola at nilaro. Naalala ko na naman kanina sa cafeteria. Talagang sinabayan ko siya dahil baka puntahan na naman siya nila France. Mabuti nga't nung nakitang kasama ako ni Luke ay tumigil na sila. Hindi ko nga lang nasamahan kumain sila Jasmine dahil hindi pa rin ayos sa kanila na makasama sa iisang lamesa si Luke. Ayaw ko din naman sila pilitin.


"Pero marunong ka pala ng volleyball?" Nagugulat na tanong ko kasi hindi ko talaga siya inaasahan na marunong. I mean, sa itsura ni Luke? Mukha bang marunong maglaro ng sports yan? Pfft.


"Nanonood lang ako."


"Laro tayo?" Nakangisi kong tanong na ikinangisi niya at kumuha ulit ng panibagong bola.


"Huwag mo galingan, captain."


"Mema," Pinalo niya agad papunta sa akin ang bola kaya sinalo ko yun kaso mautak ang isang ito dahil hinampas na naman sa akin pabalik. "Gagi ka. Masakit."


"Anong masakit?" Reklamo niya sa akin kaya itinuro ko na ang braso ko na medyo namumula. "Hinihinaan ko nga lang eh."


"Oh, sige, ako naman," Pikon na sabi ko at dinampot ang bola. Natawa naman siya doon pero naghanda rin naman for receiving. Literal na malakas kong hinampas ang bola kaso nasalo niya yun. At dahil nagulat ako, hindi ko nakuha pabalik ang bola na ikinangisi niya. Nagyayabang. "Player ka ng volleyball noh?? Umamin ka! Bakit ang galing mo???"


"Nanonood nga lang ako," Natatawa niyang sagot kaya pinanliitan ko siya ng mata. Nagdududa na talaga ako sa isang ito. "Huwag mo nga ako tingnan ng ganiyan. Tss. Mahilig kasi si ano.... si Uncle sa volleyball kaya nakakanood ako paminsan-minsan."


"Weh? Si Uncle Jeff?"


"Oo. Kung alam mo lang kung gaano kaadik sa volleyball yun." Natatawa niyang sabi na ikinangiti ko agad. Ang layo sa itsura ni Uncle Jeff na mahilig sa ganong sports ah?


"Ano ito? Bagong dating spot niyo?" Natatawang tanong nila Gian na kakapasok lang dito sa loob. Kasama ang ilang junior na napatingin pa kay Luke na bahagya lang ngumiti.


"Saan si coach?" Tanong ko na ikinakibit-balikat nila bago inilapag sa gilid ang mga bag at tumbler nila. Lumapit naman agad sa akin si Luke at bumulong.


"Doon muna ako sa bleachers."


"Sige. Kunin mo na yung bag ko." Sabi ko na sinunod naman niya agad. Natuwa pa ako nang makitang sa ibabang parte siya umupo. Siguro para makalapit agad ako kapag nauuhaw ako since pati tumbler ko, dinala niya. Pfft.


"Kaano-ano mo si Luke, Captain?" Curious na tanong ng mga junior na player namin at bahagya pang itinuro si Luke na nagsuot agad ng earphones niya at mukhang may ginagawa sa phone. "Hindi ba may gusto siya kay Ylona na hindi naman siya gusto?"


Natigil ako sa ginagawa kong pagpunas ng pawis ko sa tanong na yun. Hindi ko na kasi narinig na binanggit ni Luke ang pangalan ni Ylona sa akin. Wala na siyang sinabi at hindi na talaga namin napag-usapan. Pero ngayon na may nagtanong na, hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Hindi naman kasi ganon ka-open si Luke pagdating sa nararamdaman niya.


"Hanggang ngayon ba may gusto si Luke kay Ylona?? Parang wala naman na." Natatawang singit ni Bianca at kumindat pa sa mga junior. "Kahit kayo masasagot niyo ang tanong niyo. Diba??? Diba??? Mga batang ito talaga... oo."


"Huwag mo nga takutin yung mga bata," Saway naman ni Hazel na lumapit na rin dito. "Pero hindi pa ba halata na wala ng gusto si Luke doon? Hindi ba, Luke?????" Napatingin agad ako kay Luke na kunot-noong nakatingin dito habang hawak ang isang earphone niya.


"Ano yun?" Takang tanong niya kay Hazel. Sakto namang pumasok si Ylona kaya nailang agad ako dahil kita ko ang paglingon ni Luke doon.


"Huwa mo na itanong," Bulong ko kay Hazel kaso mukhang wala siyang balak na hindi ituloy yun kaya tumalikod nalang ako at inayos ang mga bola na gagamitin namin.


"May gusto ka pa ba kay Ylona?" Napapikit ako nang marinig ang sinabing yun ni Hazel. Bakit kailangan niyang itanong ang bagay na yun? Baka mailang si Luke at hindi na sumama dito. Ganon pa naman siya. Hindi naman kasi talaga siya palasama sa akin. Ngayon nalang talaga nung medyo naging maayos ang pagkakaibigan namin. Kaso itong si Hazel!!! Ang sarap ipakain sa tigre! Ang daldal!


"Wala na. Bakit?" Napalingon agad ako nang marinig ang isinagot na yun ni Luke. Natawa naman sila Hazel at tinaasan pa ng kilay ang mga junior na napamaang sa narinig na yun. "Iba na ang gusto ko."


Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang isunod niyang sabihin yun. Matapos niya pang sabihin ang mga salitang sinabi niya, ibinalik niya sa tainga niya ang earphone at tumingin na ulit sa cellphone niya. Halatang nahiya. Kahit ako napaiwas ng tingin doon. Bakit natamaan ako? Wala naman akong ginagawa!!!! Kinikilig din ako!! Umaasa na ako!! Ayoko na!! Uuwi nalang ako!!


"Aria, narinig mo yun?"


"Ha?" Nagtataka kunwari na tanong ko kila Gian na nagtawanan naman agad kaya sinamaan ko rin sila ng tingin. "Magtraining na nga kayo at paparating na si coach." Matigil lang talaga sila sa pang-aasar. Ang kaso, nagtraining na kami't lahat, nakangisi pa rin ang mga siraulo.


"Kinikilig ako Aria... hulaan mo kung bakit," Nakangiting sabi ni Phoebe nang siya ang mapunta ngayon sa harapan ko. Napabuntong hininga naman ako at kinuha ang bola sa kamay ni Hazel bago malakas na hinampas yun. "Aray, ha. Medyo may kilig."


"Masaya kayo diyan?" Tanong ko sa kanila nang sumunod sa kaniya si Blake na napailing pa. "Parang mga siraulo."


"Masaya lang. Ito naman. Kj!" Reklamo ni Gian na ikinangiwi ko nalang at nagpractice na. Naglaro na rin kami kasama ang mga junior. Mukhang bumalik naman na sila sa normal dahil sinasaway na nila ang mga junior kapag may nagkakamali hanggang sa matigil kami dahil biglang pumasok si coach na nakangiti pa sa amin.


"Sige... magpractice muna kayo! Huwag niyo ako intindihin." Nakangiti niyang sabi na sabay-sabay naming ikinangiwi. Kagaya ng sinabi niya matapos naming magwater break, naglaro na ulit kami. Ako pa ata ang nailang nung kunin ko kay Luke ang tubig ko. Nakakainis naman kasi sila Hazel! Ayan tuloy! Baka maweirduhan sa akin si Luke kasi literal na kinuha ko lang ang tumbler ko sa kaniya bago bumalik sa paglalaro. Parang tanga.


"Go!" Sigaw ko kila Phoebe nang i-set ko ang bola para mapalo nila. Talagang pinahabol ko sa kanila yung bola para naman mapagod sila at hindi na ako asarin mamaya pagkatapos ng training. Knowing them? Malamang sa malamang aasarin nila ako ng bongga.


6pm na nang matapos ang training namin kaya nagtipon-tipon na kami sa isang pwesto para sa announcement ni coach na hanggang ngayon ay nakangiti.


"Okay. So, humingi na ako ng letter from the office para next week." Panimula niya na ikinakunot ng noo naming lahat.


"Anong meron next week, coach?" Tanong ko na lalong ikinalawak ng ngiti niya. Normal pa ba ito si Coach?


"Magkakaroon tayo ng training kasama ang magagaling na player at coach sa iba't-ibang university. Aalis tayo ngayong sunday at babalik tayo dito ng friday ng umaga."


"Hala! Seryoso ba coach?" Nagugulat na tanong ni Kate na ikinatango naman agad ni coach.


"Kailangan niyong sumama lahat. Nagbigay na rin ng memo sa mga professors, so, aware na sila na aalis kayo. All you need to do guys is magpaalam sa mga parents niyo. Make sure na papayagan kayo dahil minsan lang mangyari ito and it is also good for you bilang lalaban sa nationals. Remember, we only have 2 weeks more to practice." Naexcite naman agad ako doon. Baka makita ko ang player ng FU dahil nagmessage siya sa akin kahapon na magkikita daw ulit kami kaso hindi niya naman sinabi kung kailan. Baka ito na yun? Kyaaah! "Aria,"


"Yes, coach?" Tanong ko nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko.


"Here's the form. Give it to your teammate. Sa oras na mapirmahan ng parents niyo ang form na ito, ibigay niyo kay Aria. And Aria, compile it for me, alright?"


"Sige po."


"Okay. Magpahinga na kayo. See you again tomorrow." Paalam niya at naglakad na palabas. Isa-isa ko naman silang binigyan ng form at pinaalalahanan na huwag nilang iwala bago naglakad palapit kay Luke na nakatayo na ngayon habang dala-dala ang bag ko.


"Uwi na tayo?"


"Oo. Tingnan mo," Masaya kong ipinakita sa kaniya ang form na hawak ko kaya kinuha niya yun sa akin at binasa habang naglalakad kami papunta sa locker room.


"Sama ka, Luke?" Tanong ni Hazel at tumabi pa talaga kay Luke sa paglalakad. Akala ko nga maiilang si Luke kaso parang balewala lang naman sa kaniya yun lalo na nang pati sila Bianca ay sumabay sa amin kaya nabangga ako sa braso ni Luke na napatingin agad sa akin.


"Anong nangyari sayo?"


"Si Gian! Itinulak ako!" Pagsusumbong ko kay Gian na ngumiti agad at nagpeace kay Luke na natawa naman. Tingnan niyo. Talaga naman.


"Pareng Luke gusto mo upakan ko si France? Gusto mo saktan ko yun sa harapan mo?" Mayabang na tanong ni Gian na ikinangiwi ko agad. Akala mo naman.


"Ako rin. Sabihan mo ako kapag sinaktan ka ulit nun ha? Baka gusto nila makita ang skills ko sa arnis. Ha! Baka uno ako doon nung second year ako!" Sabat naman ni Blake at tumabi talaga kay Luke kaya natulak si Hazel sa likuran. "Tawagin mo ko ha. Ipagtatanggol kita. Ganon kapag magkaibigan, okay? Nagtutulungan."


Napangiti agad si Luke sa narinig at bahagyang tumango kaya napangiti na rin ako. Hindi ko inakala na mangyayari ito. Pero masaya ako. Masaya akong dumating ang lalaking ito sa buhay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 67 34
People say that first love never really goes away-it never dies, and she's living proof that they are indeed right. She couldn't forget him, even aft...
1.1K 229 28
Deceit Series #1 "Hiding our daughter from him and... her illness." ____ Written in Taglish. Published: September 29, 2023 End:
102K 4.6K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
48.3K 1.2K 32
Dapat bang akusahan kapag walang sapat na ebidensya? Kahit ano pang pagpupumilit ni Hide Laurier hindi niya makuha ang inaasam na hustisya ng kaniyan...