Reincarnated as the Seventh P...

By Airosikin

802K 51K 72.2K

Book 2 of Reincarnated as the Seventh Princess (Trilogy) READING THE FIRST SEASON IS A MUST❗ Language: Filipi... More

Book 2 (Completed)
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII: The Cryosail
Kabanata LXIV
Kabanata LXV (Part 1)
Kabanata LXV (Part 2)
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII (Larong Pampalakasan Part 1)
Kabanata LXVIII (Larong Pampalakasan Part 2)
Kabanata LXIX (Larong Pampalakasan Part 3)
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV (Ang Kaarawan ng Bida)
Kabanata LXXV
Kabanata LXXVI
Kabanata LXXVII
Kabanata LXXVIII
Kabanata LXXIX
Kabanata LXXX
Kabanata LXXXI
Kabanata LXXXII
Kabanata LXXXIII
Kabanata LXXXIV
Kabanata LXXXV
Kabanata LXXXVI
Kabanata LXXXVII
Kabanata LXXXVIII
Kabanata LXXXIX
Kabanata XC
Kabanata XCI
Special Chapter: RATSP Christmas Edition
Kabanata XCII
Kabanata XCIII
Extra 1
Kabanata XCIV
Kabanata XCV (First Date?)
Kabanata XCVI
Kabanata XCVII
Kabanata XCVIII
Kabanata XCIX
Kabanata CI
Kabanata CII
Kabanata CIII
Kabanata CIV
Kabanata CV
Kabanata CVI
Kabanata CVII (La Familia Agrigent)
Kabanata CVIII
Kabanata CIX
Kabanata CX (Ang Kaarawan ng Hari: Unang Bahagi)
Kabanata CXI (Ang Kaarawan ng Hari: Ikalawang Bahagi)
Kabanata CXII (Ang Kaarawan ng Hari: Huling Bahagi - 1 [Paubaya])
Kabanata CXIII: Ang Kaarawan ng Hari (Huling Bahagi - 2 [Alab])
Kabanata CXIV: Pag-amin
Kabanata CXV: Ang Kasagutan
Kabanata CXVI: Ang Pagsiwalat ng Katotohanan
Kabanata CXVII: Sandigan
Kabanata CXVIII: Ang Kaharian ng Naia (Unang Bahagi)
Kabanata CXIX: Ang Kaharian ng Naia (Ikalawang Bahagi)
Kabanata CXX: Ang Kaharian ng Naia (Huling Bahagi)
Kabanata CXXI: Aerwyna
Kabanata CXXII: Ang Pangako (Epilogue for Book 2)
Author's Note

Kabanata C

11.8K 909 2K
By Airosikin

ELIANA'S POV 

Mahigit tatlong araw ang inabot ng aming paglalakbay  bago kami dumating sa kagubatan na kung saan pinakamalapit na ito sa daungan ng barko na dadaan sa isla na konektado sa aming pupuntahan. Paano ba naman kasi, pagdating namin sa border ng Elior at Archelaos ay pinaiwan na sa amin ng mga tauhan ni Eryx ang mga Chepirah dahil ipinagbabawal pala talaga ito makaalpas sa border maliban na lang kung may digmaan o di kaya'y katulad noon na may kasong nireresolba ang emperyo. Baka raw akalain ng hari ng Archelaos ay umaaligid ang emperyo dito. Praning din 'tong tatay ni Sereia. 

Mula naman sa border ay lumipat kami ng sasakyan na tinatawag na Mouflon. At muli ay kinakailangan ko na naman sumabay kay Eryx dahil ipinagbabawal na makita ang mga kababaihan na nakasakay sa ganitong uri ng mga hayop maliban na lang kung may kasama kang lalaki. Pinaniniwalaan din daw na mabangis ito tulad ng Athenatoi at hindi basta-basta nagpapasakay ng babae maliban na lang din kung may nakaalalay na lalaki. Akala ko pa naman makakaranas na akong masakay nito. Mukha pa naman maangas ang dating nito kaya sayang talaga. 

Kasalukuyan naman kaming nasa kalagitnaan ngayon ng kagubatan at nagpapahinga. Pagpatak kasi ng gabi ay mas pinipili na ni Maestro na magpahinga muna at magtayo ng panandaliang kampo sa gubat upang hindi rin kami masyado makaagaw ng atensyon kapag nagpunta kami sa bayan. Ang sabi ko naman sa kanya ay bakit di na lang kami magbayad ng inn dahil mukhang mura lang naman ito dito at para kahit papaano ay kumportable naman ang tutulugan namin pero ang sabi niya ay sikat daw siya sa Archelaos at baka raw may makilala sa kanya. 

Parang tanga kasalanan pa ba namin iyon? E di siya na lang din ang matulog sa gubat at kami na sa inn. Sinegundahan niya pa na masyado raw takaw atensyon ang mga Mouflon na dala namin kahit puwede naman namin ito iwan sa gubat muna. Nagdahilan pa siya kahit na ang totoo ay nagkukuripot lang talaga siya magbayad. 

Ngayong gabi ay ako naman ang magbabantay at hindi matutulog para sa kaligtasan ng lahat na nakanganga na ngayon sa kani-kanilang mga tolda. Uso raw kasi sa mga kagubatan ang mga magnanakaw at tulisan na madalas daw umatake sa mga manlalakbay. Tamo, kung nag-inn lang kami e! 

Gigil ko naman na ginuhit ang mukha ni Maestro sa lupa gamit ng patpat na napulot ko sa tabi. Nilagyan ko rin ito ng sungay at pangil pati na rin ilan pang mga guhit sa mukha tulad ng dumi ng tao. Nililibang ko na lang talaga ang sarili ko dahil nakakaantok talaga ang atmospera ng puwesto ko ngayon. Tanging nagsisilbing liwanag ko lang din ay ang apoy na nagmumula sa sulo at ang ingay na maririnig lang sa paligid ay malakas na ihip ng hangin at kuliglig na para bang hinehele ako. 

Nagpatuloy naman ako sa pagsusulat at pagguhit ng kung anu-ano sa lupa hanggang sa maisipan ko naman isulat sa nihonggo ang pangalan ni Eliana para naman matingnan kung may natutunan ba ako sa hapon kong klase noong kolehiyo. 

エリアンナ. アグリージェント

Nakuntento naman ako at mukhang tama naman ang mga ginamit kong letra sa katakana dahil tunog pambanyaga naman talaga ang buong pangalan ni Eliana. Nag-isip pa ako ng pangalan na maaari kong isulat. 

エリクス. アラステア

"Eryx Alastair. . ." Saad ko pa ng maayos ko rin nasulat ang pangalan ni Eryx. 

"Bakit, Eliana?" Malamyos na tugon ng pamilyar na boses sa aking likuran. 

Halos napatalon na rin ako sa aking kinauupuan nang marinig ang boses ni Eryx na buong akala ko ay nahihimbing na sa tabi ni Aspen. 

Gulat ko pa siyang nilingon at bumungad naman sa akin ang maaliwalas niyang mukha na bahagyang nasisinagan lang ng apoy mula sa siga. Sandali pa kaming nagkatinginan bago ako muling umayos ng upo. 

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba tulog ka na?" Patay-malisyang tanong ko habang binubura ko na rin ang mga nakalagay sa lupa dahil baka magtanong pa siya kung anong lenggwahe ang mga nakalagay doon. 

"Hindi ako makatulog." Tipid na sagot niya naman at nananatili pa rin siya sa likuran ko kaya hindi ko rin nakikita ang reaksyon niya. 

"Anong gagawin ko? Gusto mo ba ihele pa kita?" Pabiro ko pang saad habang pinapagpagan ko ang kamay ko. Syempre di ko naman gagawin iyon. 

Pero imbes na makakuha ng sagot mula sa kanya ay naramdaman ko na lang na umupo siya sa  lupa sa bandang likuran ko sabay sandal sa akin dahilan para magkatalikuran na kami ngayon. Naramdaman ko tuloy kung gaano kabigat at kainit ang katawan ni Eryx pero mukhang inaalalayan niya rin ang bigat niya para hindi ako masyadong makuba at mabigatan sa kanya. Hinayaan ko na lang din siya dahil kahit papaano ay mayroon din naman ako sinasandalan. 

"Sasandal na lang ako. Hindi ko naman sigurado kung maganda ang boses mo." Komento niya pa dahilan para mapasimangot na lang ako ng todo. 

Kapal naman nito. Sa pagkakaalala ko ay marunong kumanta itong si Eliana dahil madalas nga raw sila umawit ni Abraham noon sa hardin ng Cymopoleia. Pero kahit naman marunong kumanta ang dating Eliana, hindi ko naman naging hilig o kalakasan ito. 

Sandali naman nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa dahil mukhang parehas naman dinadama ang lamig ng simoy ng hangin ngayon at ang init na nagmumula sa nagbabagang siga sa aming tabi. Dama ko rin ang kalmadong paghinga ni Eryx na nananatili pa rin nakasandal sa aking likuran at mukhang sa anggulo ng upo niya ay nakatingin siya sa kawalan. 

"Eliana. . ." Marahan niyang pagtawag sa pangalan ko dahilan para bahagya ko naman siyang lingunin. 

"Oh?" 

"Inaantok na ako." Malamyos niyang pahayag at tila ba mas malalim ang boses niya ngayon marahil ay inaantok na nga ang isang 'to. 

"Bumalik ka na sa tolda mo. Gusto mo bang kargahin pa kita?" Tinatamad ko pang tugon. 

Dinig ko pa ang mahina niyang pagtawa sa aking likuran. 

"Kaya ko pa naman. Gusto pa kita makausap." Malamyos niya muling tugon at bahagya niya pang inayos ang pagkakasandal niya sa akin para mas maayos din akong makasandal sa likuran niya. 

Muling nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa pero nakakapanibago na kumportable ako sa ganitong katahimikan lalo na kapag itong mokong na 'to ang kasama ko. 

"Magkuwento ka, Eliana. Para mawala ang antok ko." Dinig kong muli niyang saad pero dama kong may himig ito ng pagbibiro.

"Inuutusan mo ba ako?"

"Puwede rin kantahan mo na lang ako kung ayaw mong magkuwento." Kahit hindi ko siya nakikita ay pakiramdam ko nakangiti siya ngayon habang sinasabi ang mga salitang iyan para asarin na naman ako. 

Hindi na lang tuloy ako sumagot sa kanya dahil ayos na nga sa akin ang katahimikan na namamagitan sa amin. Mas nakakapag-isip ako at mas kalmado ang sistema ko kahit pa may dumadagan sa aking mabigat. 

"Magtatanong na lang ako ayos lang ba sa'yo?" Suhestyon niya pa at mukhang ipaglalaban niya ang kung ano mang maaari namin pagkaabalahan para lang hindi antukin. 

"Bahala ka." Kibit-balikat na tugon ko. 

Ilang segundo muna siyang nanahimik wari'y nag-iisip siya ng maayos-ayos na tanong sa akin dahil hindi ko talaga sasagutin iyan kung walang kuwenta ang tanong niya. 

"Ano ang pangarap mo, Eliana?" Seryoso niyang tanong sa akin dahilan para bahagya naman mapangunot ang noo ko. 

"Hindi ba nasagot ko na 'yan noong magkasama tayo sa Umoewin?" Hindi ba nasabi ko na sa kanya kung anong klaseng emperyo ang nais ko rin masilayan sa mundong ito. Gusto niya bang ulitin ang sagot ko? 

"Pero magkaiba ang pangarap mo para sa emperyong ito sa pangarap mo para sa sarili mo." Muli niyang pagkukumpirma dahilan para bigla na lang akong manahimik at hindi makasagot. 

Pangarap ko para sa sarili ko? Puwede ba akong mangarap pa para sa sarili ko sa kabila ng hindi ko naman talaga orihinal na katawan ang pinaglalagakan ko. Sa kabila ng katotohanan na isa na lamang naman akong ligaw na kaluluwa na bigla na lang napunta sa mundong ito na mayroong mahika at malayong-malayo sa nakagisnan ko. May pangarap pa ba akob para sa sarili ko? O baka mas madaling itanong, para kanino pa ba ako dapat mangarap? Kay Eliana ba o para kay Yvonne?

"Gusto mo bang manirahan sa Cymopoleia bilang prinsesa? Gusto mo pa bang mapalago ang negosyo mo? M. . .May balak ka bang mag-asawa? magkapamilya?" Pansin ko rin na bahaya siyang nag-alangan magtanong sa akin ng ilang personal na aspeto ng buhay ko. 

"Hindi ko alam kung ano ang pangarap ko para sa sarili ko." Seryosong pag-aamin ko na lang at napatingin na lang ako sa aking ibaba. 

Nablangko na lang talaga ako sa tanong niya at parang isa na 'yon sa pinakamahirap na tanong na natanggap ko buong buhay ko. Kung si Yvonne siguro ako, baka nasagot ko na ng tuloy-tuloy ang mga iyan tulad na lang ng pagpapakulong kay Calyx at Ysabel, ang matanggap ang kapatawaran ni Papa, ang mas mapalago pa ang kumpanya ko at mapamana ito ng maayos sa iba. Dagdag ko na rin na gusto ko na lang maging mayaman na tita sa dati kong buhay na nakakalibot sa buong mundo at nakabibili ng mga bag na mamahalin. Bukod doon ay wala na. Wala na akong alam sa pangarap ni Eliana. Kung ano bang gusto niyang tuparin at kung nais ko pa bang tuparin ang kung ano mang plano niya. 

Nabalik naman ako sa reyalidad nang mapagtanto na hindi na rin nagsalita si Eryx sa likuran ko. Pero hindi ko mawari kung nagalit ba siya sa sinabi ko o nawiwirduhan na siya sa akin dahil wala akong nasagot sa katanungan niya na marahil ay sa ganitong edad ay alam na nila ang gusto nila sa buhay. 

"Ayos lang 'yan." Dinig kong saad niya dahilan para matigilan na lang ako dahil buong akala ko ay tatawanan niya ako o huhusgahan gayong alam ko naman na hindi ganoong klaseng tao si Eryx. 

"Wala naman pinipiling edad ang pangarap ng tao. Hindi pa rin naman huli ang lahat kung matanda ka na at saka mo lang napagtanto ang pangarap mo, at hindi rin maaga kung masyado ka pang bata para malaman mo na agad ang gusto mo maging o ang mga interes mo sa buhay. Kaya naman kung wala ka pang pangarap ngayon. . ." Hindi ko alam kung bakit sinadya niyang putulin ang sinasabi niya pero nang mag-angat ako ng aking paningin ay ganoon na lamang ang gulat ko nang bigla na lang mapuno ang paligid namin ng mga bula na kulay ginto.

Halos nagliwanag ang buong paligid namin dahil sa mga bulang lumulutang na mas lalo pang nagliliwanag kapag malapit na itong pumutok at kapag tuluyan na itong nawala ay may lalabas naman na mga gintong glitters mula dito.

". . .hindi mo kailangan magmadali dahil kusa mo na lang mapagtatanto ito kapag tama na ang oras o kung mas kilala mo na rin ang sarili mo." Dugtong pa ni Eryx para mapalingon na lang ako sa kanya dahil dama kong hindi na kami magkatalikuran.

Sakto rin na pagkaharap ko ng upo sa direksyon niya ay nakaharap na rin siya sa gawi ko habang nagliliwanag ang isa niyang palad at naglalabas ito ng mga kumikinang na mga bula na nagagawa niya rin kontrolin upang pumalibot sa akin. Maging ang kulay berde niyang mga mata ay naging matingkad na ginto na rin na nagliliwanag sa gitna ng madilim na gabi.

Inabot niya naman sa akin ang isang bula at marahan itong ipinatong sa aking palad pero kaagad din itong pumutok dahilan para mapuno rin ang kamay ko ng mga kumikinang na glitters.

Marahan na lang tuloy akong napangiti dahil dito at sa mga sinabi niya. Siguro nga tama siya. Baka hindi pa nga ito ang oras para mapagtanto ko ang mga pangarap ko dahil kapag tama na ang panahon at mas lalo ko nang nakikilala kung ano at sino nga ba ako, baka masagot ko na rin ang katanungan na iyan balang araw.

Umayos naman ako ng upo at bahagyang niyakap ang mga tuhod ko habang pinagmamasdan ang nagliliwanag naming paligid maging si Eryx na patuloy lamang sa pagpapalabas ng kanyang kapangyarihan. Mukhang napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya lumingon din siya sa gawi ko at mas lalo akong tinitigan ng diretso sa mga mata. Ako na lang tuloy ang naunang umiwas upang abalahin ang sarili ko sa pagputok ng mga bula na nasa ere.

"Eliana. . ." Malamyos niya pang pagtawag sa pangalan ko pero hindi na ako nag-abala pang tumingin.

"Hm?" Mahinahon ko naman na tugon dahil naeengganyo na ako sa mga bula na nasa paligid.

Pero ganoon na lang ang gulat ko ng bigla niyang abutin ang ilang hibla ng buhok ko na bahagyang nakasabog sa gilid ng aking mukha at marahan itong isinukbit sa aking tenga.

"Hangga't hindi mo pa napagtatanto ang pangarap mo. . ." Marahan niya pang pinadausdos ang kamay niya sa aking mahabang buhok saka niya hinawakan ang dulo nito at bahagyang pinaglaruan sa kanyang mga daliri. ". . . maaari ba akong manatili sa tabi mo para samahan ka?" Makahulugan niya pang pahayag habang diretso na ang tingin niya sa aking mga mata.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang intensidad ng mga tingin na iginagawad sa akin ni Eryx na halos hindi ako makahinga dahil tanging katapatan at purong intensyon lang ang makikita dito.

Sandali ko pang tinitigan ang mga mata niya na unti-unti nang nawawala ang liwanag at bumabalik na rin ang mga berdeng mata na palaging nagpapagaan sa pakiramdam ko. Marahan naman akong pumikit saka napasandal sa aking tuhod.

"Kung mahaba ang pasensya mo, bakit naman hindi?" Mahinahon ko rin na pahayag habang nananatili pa rin akong nakapikit dahil pakiramdam ko ay malulunod ako sa mga emosyon na makikita sa mga mata niya.

Dinig ko naman ang mahina niyang pagtawa dahilan para mapamulat na lang ako ng mga mata ko at bumungad sa akin ang naniningkit na mga mata ni Eryx at ang kanyang mapuputing ngipin na tinernohan ng isang masiglang ekspresyon. Ilang sandali lamang ay sumalumbaba siya palapit sa akin at bahagyang itinagilid ang kanyang ulo wari'y inoobserbahan ako ng mabuti.

"Baka maumay ka sa akin, Eliana. Pagdating sa'yo palagi na lang mahaba ang pasensya ko." Makahulugang saad niya at sapat na iyon para sinsero na lamang din akong matawa.

Buong akala ko pa naman, mag-isa lang ako magbabantay ngayong gabi. Hindi ko inaasahan na isa na pala ito sa mga gabing habang buhay ko atang alalahanin sa puso ko dahil sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman kong may kasama ako sa pagtuklas ng sarili ko at sa mga pangarap ko sa buhay.

"Ikaw ba, Eryx? Ano bang pangarap mo para sa sarili mo? Kung hindi ka ba naging prinsipe, may iba ka pang gusto?" Pagbabalik tanong ko naman sa kanya dahil hindi naman puwedeng ako lang ang magbabahagi.

Sandali naman siyang nanahimik upang mag-isip sabay kuha niya muli sa dulo ng aking buhok at marahan itong pinaglalaruan sa kanyang mga daliri. 

"Noong bata ako, pinangarap ko rin maging doktor dahil madalas kong nakikita ang ate ko na nasusugatan at si mama naman ay palaging may sakit dahil na rin sa pagod na dulot ng pag-aasikaso sa emperyo. Ang sabi ko pa noon, magiging doktor ako para kapag nasaktan o nasugatan sila, ako na mismo ang magpapagaling ng mga iyon." Sinsero niya pang kuwento at kababakasan talaga ng tila ba kinang ang mga mata niya habang binabalikan ang kanyang nakaraan. 

Tingin ko ay bagay naman sa kanya kung magiging doktor din siya. Hindi naman maitatanggi na matalino si Eryx at masipag dagdag pa na madali siyang lapitan at magaling makipag-kapwa tao na mahalaga rin sa pagdodoktor.

"May balak ka bang mag-asawa?" Wala sa sariling naitanong ko dahil possible naman isa iyon sa mga pangarap niya lalo na at prinsipe siya at susunod na emperador. Hindi rin naman malayo na ipagkasundo siya sa iba. Pero gusto ko rin malaman kung papayag ba si Eryx sa ganoong sistema ng pagpapakasal. 

Marahan din naman siyang tumango bilang kasagutan.

"Matagal ko nang ipinangako sa sarili ko na pakakasalan ko ang babaeng unang magpapatibok ng puso ko at gagawin ko ang lahat para maging siya ang pinakamasayang babae sa emperyo. Pangarap ko rin magkaroon ng sarili kong pamilya na poprotektahan at mamahalin ko rin tulad ng pagmamahal na mayroon ako sa emperyong ito." Seryoso niyang pahayag habang diretso pa rin ang tingin niya sa mga mata ko at hindi ko alam kung bakit pero parang may pinatutungkulan na siya nang sabihin niya ang mga katagang iyan.

"Lakas naman. . ." Pabirong saad ko pa sabay iwas ng tingin dahil ayan na naman yung mga tingin niya sa akin na nakakatunaw ng pagkatao.

"Hindi ba sabi mo noon, may babaeng interesado ka na? Siya ba ang pinatutungkulan mo na pakakasalan mo? Sino ba siya?" Kaswal at sunod-sunod kong tanong dahil aminado naman ako na interesado rin akong malaman kung sino ba talaga ang nagugustuhan nitong babae at kapag hindi sila bagay, manlalait ako.

"Ikaw. . ." Bigla at tila ba wala sa sarili  niyang saad dahilan para matigilan na lang ako sa ginagawa kong pagputok ng mga bula.

Unti-unti na rin nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at gayon din siya na para bang gulat na gulat kami parehas sa salitang lumabas sa bibig niya at mabilis nang namula ang parehas niyang tenga pati na rin ang magkabila niyang pisngi.

Hindi ko rin alam kung bakit pero bigla na lang din ako nakaramdam ng pag-init ng aking buong mukha kasabay na rin ang tila ba pagkailang at napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

Ano ba mga lumalabas sa bibig nito?! Pasmado ba 'yang bunganga niya?

"A. . . Ang ibig kong s. . . sabihin ay i. . .ikaw. . . ikaw ba?" Natataranta niyang paliwanag na sinasabayan niya pa ng mariin na pag-iling pero hindi pa rin nito matatago ang labis na pagkapula ng mukha niya. "M. . . May babaeng nagugustuhan ka na rin ba. Ah!" Halos hindi na rin niya magawang kalmahin ang sarili niya kaya naman napatakip na lang siya ng kanyang bibig gamit ng likurang parte ng kanyang kamay sabay todo iwas ng tingin sa akin.  "A. . . Ang ibig kong sabihin. . .ay lalaki. I. . . Ikaw ba? May lalaki ka na bang nagugustuhan?" Halos mabulol na rin siya sa labis niyang pagkautal kaya napapikit na lang siya ng mariin na para bang hiyang-hiya na siya ngayon sa mga sinasabi niya.

Hindi naman ako halos makasagot sa kanya dahil tila ba maging sa akin ay nagpoproseso pa ang mga nangyayari sa pagitan naming dalawa. Sandaling katahimikan pa ang nangibabaw sa kapaligiran na halos dinig-dinig namin parehas ang lakas ng tunog ng kuliglig. At halos mangiyak-ngiyak na rin siya sa harap ko dahil sa labis na hiya. 

Hanggang sa tuluyan na rin akong bumigay at marahan na lang akong natawa sa reaksyon niya. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko sa sitwasyon namin ngayon dahil sa loob ata ng sampung minuto ay limang magkakaibang emosyon din ang nakita ko kay Eryx na hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko na matawa na lamang. Nandoon ang gulat, pagkalito, saya, kaba, hiya, at higit sa lahat ang sinseridad. 

Nakita ko pang napatakip na lang siya ng mukha dahil sa hiya habang ako naman ay patuloy pa rin sa pagtawa habang nakahawak pa ako sa tyan ko at napapahampas na lang sa aking tuhod. 

"H. . . Hindi ko lang t. . .talaga natuloy ang sasabihin ko kaya ---" Nauutal niya pang depensa pero mabilis ko rin siyang pinutol. 

"Alam mo ba na kapag nagsisinungaling  ka ay nauutal ka, Eryx?" Nakangising pahayag ko naman sa kanya saka ako dahan-dahang lumapit patungo sa kanyang kinauupuan at marahang inayos ang buhok niya na bahagya nang tumakip sa kanyang mga mata dahil sa labis niyang pagkagaslaw kanina madepensahan lang ang kanyang sarili. Gusto ko pa naman nakikita ang mga mata niya kapag ganitong sitwasyon dahil ang mga matang tunay at puno ng katapatan ang pinakakaaya-ayang mga mata na puwedeng tingnan. 

Nang tuluyan ko nang nahawi ang mga ito ay bumungad naman sa akin ang berde niyang mga mata na pansin ko ay  bahagyang mas maaliwalas. Umayos din muna ako ng upo bago magpatuloy sa sasabihin ko. Mariin din naman siyang nakinig sa akin at nagseryoso kahit hindi pa humuhupa ang pamumula ng kanyang mga tenga.

"Mahirap sabihin na may nagugustuhan akong tao ngayon lalo na at depende sa kung anong konteksto ang pinatutungkulan mo." Pag-aamin ko naman habang bahagyang pinapagpagan ang pantalon ko. 

"Puwede ko bang itanong kung w. . . wala na ba kayo ni Prinsipe Zephyr?" Nag-aalangan niyang tanong na mariin ko rin naman inilingan.

"Saan mo naman narinig 'yan?" Kunot-noo kong tanong dahil hindi naman kami nagkatuluyan. 

"Alam naman ng lahat ng nasa ranggo ang tungkol sa inyo maging ang ibang mga mag-aaral sa akademya na madalas kayong nagkikita na magkasama." 

"Hindi naman naging kami at hindi na magiging kami." Paglilinaw ko pa dahil hindi ko alam dahil hindi naman talaga totoo 'yon.

Pinagmasdan ko naman kung paanong sumilay ang isang maaliwalas na ngiti sa kanyang mga labi habang pinaglalaruan ang kanyang mga hinlalaki. Napasalumbaba na lang tuloy ako sa harap niya upang pagmasdan siyang magmukhang bata sa ginagawa niya ngayon.

"M. . . May nararamdaman ka pa ba sa kanya?" Muli niyang tanong at sa pagkakataong ito, kahit halatang nahihiya siya ay mukhang humugot pa siya ng lakas ng loob.

Hindi naman ako kaagad nakasagot dahil maski ako rin napatanong sa sarili ko. May nararamdaman pa nga ba ako kay Zephyr ngayon? Nasaktan din naman ako sa ginawa niya sa akin noon maging noong pinatigil ko na siya sa panliligaw pero. . . gusto ko pa nga ba siya?

"Hindi ko masasabing wala na dahil kahit papaano naman ay totoo ko rin na nagustuhan si Zephyr." Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya ang totoo di ba?

Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang namutawi ang tila ba lungkot sa mga mata niya pero mabilis lang ito dahil umiwas din siya ng tingin agad sa akin.

"Pero ang mahalaga ay wala nang kung anong koneksyon sa pagitan namin na maaaring tumukoy sa akin na nakareserba lang ako para sa kanya." Kaswal kong saad sabay umayos na rin ako ng pagkakaupo at tumingin sa kalangitan na wala halos bituin. Ang lamig talaga ng simoy ng hangin ngayong gabi. 

"Malaya pa rin naman ako magkaroon ng nararamdaman sa ibang tao. Pero. . ." Hindi ko naman kaagad natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang humangin ng malakas. 

Napahawak na lang din ako sa buhok ko upang hindi ito masyadong mag-wala kasabay na rin ng mariin kong pagpikit dahil baka mapuwing pa ako.

". . . hindi pa ako handang buksan ang puso ko sa ngayon, Eryx." Dugtong ko pa at sakto namang pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko ang isa niyang kamay na tinatakpan ng bahagya ang mga mata ko wari'y pinoprotektahan niya ako sa pagkapuwing. 

Mabilis din niya itong tinanggal nang mapansin niya na mulat na ako sabay ayos ng upo. Tinanggal ko rin muna sandali ang ipit ko sa buhok na galing sa kanya dahil nagulo ito. Marahan ko rin muna itong hinawak-hawakan at pinaglaruan sa aking mga kamay habang pinagpapatuloy ang aking sinasabi.

"May mga bagay pa akong gustong maabot, mabago, malaman, at matapos. Marami pa akong prayoridad na gusto ko munang isakatuparan bago ko unahin muli ang puso ko at ang aking buhay pag-ibig. Ayoko na kasing maulit ang nangyari sa kung ano man ang namagitan sa amin ni Zephyr. . ." O sa pagmamahal ko sa aking dating buhay o kahit ang nahintong pag-ibig ng totoong Eliana kay Abraham. "Hindi na rin naman ako mag-isa ngayon dahil nandyan na ang mga kapatid ko, ang mga kaibigan ko, at ang ilan sa mga taong nakilala ko sa loob lamang ng pananatili ko sa akademya. Tingin ko naman ay makapaghihintay pa ang pag-ibig na iyan kung talagang nakalaan ito sa akin." Dugtong ko pa habang inaalala kung paanong unti-unti ko nang naaayos ang relasyon ko sa magkakapatid na Agrigent, kung paanong naipapadama na sa akin ng mga kaibigan ko ang pagmamahal ng kaibigan na naging kakulangan ko ngayon, at ang pagpapakita sa akin ng kabutihan ng mga taong naging parte na ng buhay ko ngayon bilang Eliana hindi tulad noong dati kong buhay bilang Yvonne. 

Ayoko na rin magkaroon ng romantikong koneksyon sa isang tao dahil lang nakukulangan ako sa pagmamahal at atensyon na hindi ko natanggap sa dating buhay ko. Dahil natatakot lang ako na mapag-isa sa bagong mundo na kinalalagyan ko kaya kinakailangan ko pang gumamit ng iba para maprotektahan ako. Ayoko na rin gumamit ng ibang tao para lang makalimutan ko ang masakit na nakaraan ko. 

Muli ko naman nilingon ang gawi ni Eryx sa aking tabi at napangiti na lang ako nang makitang alerto pa rin siyang nakikinig sa akin kahit na kung anu-ano na ang sinasabi ko dito.

"At higit sa lahat, gusto ko kapag nagmahal na ako muli, iyon na ang pinakahuli. Hindi ko na ata kayang pakawalan kung sino man ang muling magpapatibok ng puso ko. Dahil. . . " Sinadya kong putulin ang sinasabi ko upang marahan na ikabit sa aking buhok ang ipit. ". . .sa pagkakataong iyon, kung sino man ang lalaking pipiliin ko at mamahalin ka ng lubos, alam kong hinulma na ng oras at mga pagsubok ang nararamdaman niya sa akin at gayon din ang aking nararamdaman sa kanya. Kapag totoong pag-ibig naman kayang maghintay di ba?" Makahulugan kong pahayag habang pinagmamasdan na ang pagbukang liwayway kasama ang lalaki na hindi ko aakalaing magkakaroon ng malaking parte sa aking panibagong buhay.

*****

Kinabukasan ay buong araw lang kaming tulog ni Eryx magmula nang nakasakay kami sa barko. Halos hindi ko na nga maimulat ang mga mata ko sa sobrang pagod ko kaya nagmagandang loob na ang matandang kuripot na gumastos naman ng tig-iisang kuwarto sa amin. Dinagdagan ko na lang din ang bayad ng akin para mailagay naman ako sa kuwarto na may malambot na kama at ako lang ang nag-iisa na nandoon.

Mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-sinco ng hapon ang naging byahe namin tungo sa isang may kalakihang isla na nagngangalang Aelford. Isa itong isla na tahanan ng mahigit tatlong nayon at isang aktibong bulkan. Nasa ilalim ito ng pamahalaan ng Archelaos at nagsisilbing isa sa mga lugar para sa kalakalan sa pagitan ng Cymopoleia at Archelaos. Kinakailangan kasi namin dumaan dito dahil ito lamang ang lugar na pinakamalapit na sa aming destinasyon na kinakailanganin pa naming bangkain. Hindi raw kasi masyadong gumagana ang kapangyarihan dito pagka't nagtayo raw ang salamangkera ng tila ba proteksyon sa buong isla para sa mga katulad naming manghihimasok.

Dagdag pa doon na kilala ang Ilha de Nathair bilang isa sa mga pinakadelikadong lugar sa emperyo dahil tahanan ito ng mahigit daan-libong mga ahas na iba't-iba ang uri. Halos kilabutan na rin ako sa kuwentong iyon dahil bilang si Yvonne, sino ba naman ang hindi matatakot sa mga ahas?! Kahit naman mukhang may mabangis na kapangyarihan din ako ay ahas pa rin iyon mierda!

Pero ang pinakapangunahing kinasasabikan ko sa lugar na ito ay walang iba kundi ang katotohanang nanlibre si Maestro ng pananatili namin sa isang inn sa islang ito na mayroong mainit na bukal!

"Maligo na kayo ng maigi sa bukal at magpahinga ngayong gabi. Bukas ng umaga ay aalis na tayo at mamamangka tungo sa Ilha de Nathair." Nakangising pahayag ng Maestro habang pabalibag na lang nito na ibinato sa kung saan ang bag niya at parang bata na nagtatakbo tungo sa paliguan ng suot pa rin ang mala-pari niyang kasuotan.

Sumunod na rin sa kanya sina Aspen at Eryx habang si Aidan naman ay hindi na magkamayaw sa kakakausap sa mga kababaihan kung hindi lang siya inawat ni Aspen at sinama na sa kanila.

"Tara na, Eliana. Pakiramdam ko ay ang lagkit-lagkit ko na dahil halos apat na araw na tayong walang maayos na ligo." Mahinhin na saad naman ni Mishal at sabay na kaming nagtungo sa lugar kung saan kinakailangan namin tanggalin ang mga damit namin at iwan ang aming mga gamit.

Tanging tuwalya na kulay puti lang din ang maaari naming ibalot sa aming sarili at dapat nakapusod din ang aming buhok.

Pagpasok namin sa loob ay kaagad bumungad sa amin ang mainit na singaw na nagmumula sa tubig mismo. Malaki rin ang lugar at napakalinaw ng tubig na halatang kumukulo-kulo pa. Bukod dito ay magaan din sa pakiramdam ang atmospera ng lugar dahil sa mga nakapalibot na mga puno at bulaklak na amoy na amoy din ang halimuyak. Wala rin halos katao-tao sa loob dahil bukod sa amin ni Mishal ay may apat lang na kababaihan ang naliligo.

Hindi naman na kami nag-atubili pa ni Mishal at sabay na kaming lumusong sa tubig suot pa rin ang aming mga tuwalya dahil hindi tulad sa Japan noon sa dati kong buhay ay pinagbawalan kaming maghubad ng todo kahit pa pare-pareho naman kaming babae at paliguan naman ito.

"Ah. . .ang sarap sa pakiramdam grabe~" Komento pa ni Mishal nang malubog na niya ng todo ang kanyang katawan pati na rin ang kalahati ng kanyang mukha.

Kung sarap-sarap naman si Mishal sa init nito, ako naman ay hindi ko na halos maibaba ng todo ang itaas pang parte ng katawan ko dahil pakiramdam ko ay maluluto ang balat ko sa sobrang init ng tubig. Hindi ba uso pagtantsa man lang ng init ng tubig? Gago ang init?! Nanatili na lang tuloy akong parang tuod sa puwesto ko dahil hinihintay ko pang tuluyang masanay ang katawan ko sa init ng tubig.

Nilingon ko naman si Mishal sa gilid ko at ganoon na lang ang gulat ko nang makita na panay langoy pa ng gaga at nagdog paddle pa siya?! Ano bang tingin niya sa kinalalagyan namin?! Pool?!

"Bakit hindi ka lumalangoy, Eliana? Ang sarap sa pakiramdam ng tubig." Mahinhin niya pang saad at marahan niya pa akong sinasabuyan ng tubig dahilan para samaan ko naman siya ng tingin.

"Manhid ka ba? Hindi mo ba dama kung gaano kai---" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang mapansin ko ang balat ni Mishal ay bahagyang nagiging tila ba matigas na kaliskis na kulay pula lalo na ang parte ng katawan niya na nakababad sa tubig.

Napatingin din siya sa tinitingnan ko kaya napaiwas na lang tuloy ako ng mga mata dahil baka isipin niya naman ay nanghuhusga ako. Nagulat lang talaga ako dahil mukhang may ideya na ako sa kapangyarihan niya bilang prinsesa kaharian ng Thaewyr, ang kaharian ng apoy.

"May lahi kasi kaming dragon, Eliana." Kaswal na paliwanag niya pa dahil mukhang nahimigan niya ang tila ba kuryosidad sa mga mata ko.  "Kaya may mga pisikal na katangian kami na katulad ng sa pisikal na kaanyuan ng isang dragon depende sa sitwasyon." Ipinakita niya pa sa akin lalo ang mga kamay niya na may mga kaliskis na at nagiging pula at makinang.

Hindi na lang ako kumibo dahil nakakahiya naman aminin na naaastigan ako sa kapangyarihan niya lalo na at ngayon lang ako nakatagpo ng kapangyarihan na may kinalaman sa pagpapalit-anyo. Posible rin kaya na nagiging buong dragon na talaga sila kapag mas lalo nila binago ang kanilang kaanyuan? Kamukha kaya ni toothless si Mishal kung sakali?

Nagpatuloy naman na si Mishal sa paglangoy-langoy niya habang ako naman ay naupo sa parang pahagdan na parte ng bukal at dinama na lang ang init nito. Maya-maya lang din ay mukhang napagod na rin si Mishal sa pag-butterfly stroke niya dahil naupo na rin siya sa tabi ko. Hinayaan ko na lang siya magpahinga habang ako naman ay binabasa ng paunti-unti ang aking braso na namumula na dahil sa init. Pati ata buong mukha ko hanggang leeg ay pula na dahil sa init. 

"Kumusta pala ang pagbabantay mo kagabi, Eliana? Mukhang maganda ang umaga mo kanina." Makahulugan niyang pahayag dahilan para kunot-noo ko naman siyang lingunin.

Pinagsasabi nito? Possible bang gising sila kagabi noong kausap ko si Eryx.

"Huwag ka mag-alala, wala naman ako masyado narinig dahil pagod na pagod din ako sa paglalakbay natin. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi ko na maaamoy na may kasama kang iba sa pagbabantay." Bahagya niya pang tinuro ang ilong niya saka malambing na ngumiti sa akin sabay kindat.

"Napakatsismosa mo talaga."

"Wala nga akong narinig." Depensa pa ni Mishal habang nakataas pa ang kamay niya at iiling-iling. "Hindi ko lang sigurado sina Aidan at Aspen pati si Maestro kasi nasa kabilang tulugan sila na mas malapit sa inyo e."Mahinhin pa siyang humagikgik dahilan para mapairap na lang tuloy ako sa kawalan at mapailing. 

"Ewan ko sa inyo. Nag-usap lang naman kami kaya wala na akong pakialam kung ano pang isipin niyo sa amin." Inirapan ko pa siya pero mas lalong mahinhin na natawa si Mishal sa reaksyon ko kahit hindi naman ako nagbibiro.

"Wala naman kaming iniisip na masama. Kilala naman namin kayong dalawa. Natutuwa lang ako kasi sobrang kumportable ni Prinsipe Eryx sa'yo. Mahahalata ko nga na mas malapit na kayo sa isa't-isa ngayon. Parang noong nakaraang mga buwan lang, para kayong aso't pusa." Napapailing niya pang komento wari'y hindi rin siya makapaniwala sa progreso ng pagkakaibigan namin ni Eryx.

Hindi ko na rin naman kailangan depensahan pa kung bakit unti-unti na rin kami nagiging kumportable sa isa't-isa dahil ang mahalaga naman ay maayos ang ugnayan namin.

"Hindi ko na kukumpirmahin dahil baka mabati pa. Pero payo ko rin sa'yo, Eliana, na huwag kang matakot buksan muli ang puso mo kasi may mga pagkakataon talaga na nahuhuli lang ng dating ang pinakanakalaan talaga sa atin." Makahulugan niya pang saad at parang gusto ko pa siyang kutusan dahil ang sabi niya ay wala naman daw siyang narinig sa usapan namin pero alam na niya halos ang buong konteksto?! "Malay mo, yung susunod na magpapatibok dyan, iyon na pala ang nakalaan para sa'yo." Kinindatan niya pa ako sabay tusok sa bandang dibdib ko na ikinagulat ko rin kaya bahagya akong lumayo sa kanya. 

Nagulat pa siya nang tuluyan niyang makapa kung gaano kalambot ang dibdib ni Eliana na napapatingin pa si Mishal sa akin. Mabiis din naman akong lumayo ng upo sa kanya dahil baka dakmain niya pa 'tong dibdib ko.

"Bakit kaya mas malaki ang dibdib mo sa dibdib ko? May iniinom ka ba para dyan? Tingnan mo oh, ang lambot-lambot saka ang kinis." Inosenteng komento niya pa at talagang hindi ko inaasahan na ang makabasag-pinggan na si Mishal mismo ang nagsimula ng paksa patungkol sa dibdib. Umakyat na ba ang init sa utak niya kaya siya ganyan? 

"Umayos ka nga, bakit di na lang 'yang iyo ang hawakan mo?" Suhestyon ko pa at bilang babae ay wala naman malisya na napatingin din ako sa dibdib ni Mishal. Bakit nga ba mas malaki pa rin yung akin e mas matanda naman siya?!

"Mas malambot iyong sa'yo, Eliana! May nunal ka pala dito, grabe ang lambot-lambot talaga!" Tinuro niya pa yung bandang kaliwang dibdib ko na mayroon ngang nunal doon. 

"Tsk. Huwag mo na ngang purihin." Marahan ko pang tinapik ang kamay niya na panay ang sundot sa dibdib ko. "Malaki nga ang hirap naman gumalaw kung hindi pa ako nakasuot ng masikip na panloob." Reklamo ko pa na mahinhin niya naman ikinatawa. 

"Oo nga. Pansin ko rin minsan, Eliana, kapag tumatakbo ka medyo nabibigatan ka sa dibdib mo." Dagdag komento niya pa habang nilulubog niya ang sarili niya sa tubig at tila ba tinitingnan niya pa kung lulutang ito o hindi.  Ang lakas din ng topak ng babaeng 'to minsan. 

"Eliana, subukan mo rin dali. Tingnan mo oh, lumulu---" Hindi na natuloy pa ni Mishal ang sasabihin niya nang sabay namin marinig ang tilian ng mga kababaihan na nasa kabilang parte ng paliguan dahilan para sabay pa kaming mapalingon dito. 

Ganoon na lamang din ang gulat ko nang may makita kaming dambuhalang halimaw na kulay abo ang balahibo at mayroong mga tusok-tusok na buto sa ulo. Mahaba rin ang pangil nito sa ibabang bunganga at tumutulo ng labis ang laway niya na para bang nauulol na siya. Malaki ang tiyan nito, mahahaba ang mga kuko, at tingin ko ay halos dalawang tao ang kanyang laki na maaari na siyang maihaltulad sa isang troll. Bato-bato rin ang katawan nito lalo an ang bandang braso na kapag nasapak ka siguro nito ay tanggal na pati ngalangala mo. 

Napatayo naman kami ni Mishal ng maayos nang magsimula na itong magsira ng bakod na nakaharang sa palibot ng bukal habang ang mga kababaihan naman na nasa tabi ay nagtitilian na sa takot. May isang babae pa na nagpakawala ng kapangyarihan ng tubig laban dito ngunit hindi man lang naapektuhan ang halimaw na may dala pa palang malaking kahoy na panghampas. Nagpakawala rin ito ng malakas na sigaw na halos nabingi na lang kami pare-pareho saka muling ipinagpatuloy ang walang habas na pagwasiwas ng kanyang patpat. 

"Umaatake na naman ang Tarasqi! Tulong!" Tili na ng ibang kababaihan na tingin ko ay mga mmamayan na ng Archelaos dahil sa kawalan ng kapangyarihan ng mga ito. 

Nagkatinginan na lang tuloy kami ni Mishal na unti-unti nang nagbabago ang kanyang mga mata na maihahalintulad na sa mata ng isang dragon maging ang kanyang balat ay unti-unti nang nagiging bato-bato at makaliskis at ang kanyang mga ngipin ay mas lalo na rin humahaba at tumatalas. Pasimple ko na rin pinindot ang bato ng bracelet na bigay ni Daewon at unti-unti nang lumabas ang espada mula dito.  

Napangisi na lang tuloy ako dahil hindi ko inaasahan na magagamit ko na ang espada na bigay ni Daewon sa akin habang nakatuwalya pa ako. Mukhang panibagong karanasan na naman ito sa wirdong ito. 

*****

- ERYX -

Kasalukuyan naman na nananahimik si Eryx at dinadama ang init ng tubig sa kabilang banda ng paliguan na nakalaan para sa mga kalalakihan. Kasama niya rin dito ang Maestro na umiinom pa ng alak sa kanyang tabi, si Aspen na panay ang pagpapalabas ng mga bulaklak sa kanyang kamay at pinapalutang ito sa tubig, at si Aidan na nakabusangot lang sa gilid at mukhang dismayado.

Napapapikit na lang din si Eryx sa gaan ng kanyang pakiramdam lalo na at ngayon lamang siya muli nakaranas ng ganitong kaginhawaan matapos ng ilang araw na paglalakbay. Hinahayaan niya lang din si Aspen na suotan siya ng mga koronang bulaklak sa ulo.

"Huwag ka nang madismaya, Aidan. Alam mo naman na kapag nagtangka kang pumasok sa paliguan ng mga kababaihan ay bugbog ang aabutin mo kay Eliana at Mishal. Hindi angkop dito ang mga nakasanayan mo sa Thaewyr." Natatawang pahayag ng Maestro nang mapansin ang pagkabusangot ni Aidan.

Mas lalo na lang tuloy napabusangot si Aidan at bahagyang umahon sa tubig upang maupo sa batuhan na nasa tabi. Wala itong kahit anong saplot o pantakip man lang maski sa pribadong parte ng katawan nito dahil ganito naman ang usong paliligo sa mainit na batis dito sa isla. Bukod din naman kasi sa kanila ay pawang mga kalalakihan na iba't-iba ang edad ang kanilang kasabay at nasa kabilang ibayo pa ang paliguan ng mga babae.

Sandali naman napabuga ng hangin si Aidan dahilan para bahagyang may lumabas na usok mula sa bibig nito dulot na rin nang pagpapakawala ng init na namumuo na sa tiyan nito dahil sa napakainit na tubig.

Hindi rin naman maitatanggi ang kakisigan ni Aidan maging ang iba pang mga kalalakihan na kasama nito na maging ang ibang mga kalalakihan ay napapatingin at napapasulyap sa gawi nila lalo na kay Eryx na humupa na ang pagkaitim ng buhok at bumalik na sa dati ang ginto nitong kulay.

Nanatili naman nakatingin si Eryx sa kawalan nang mapansin niya ang tila ba makahulugang tingin na iginagawad sa kanya ni Aidan.

"Bakit?" Nagtataka niya namang tanong dito.

Sumilay naman ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Aidan kasabay nang paghawi pa nito sa basang buhok na bahagyang tumatabing sa kanyang mukha.

"Eryx, balita ko ay hindi ka raw natulog buong gabi kagabi ah?" Makahulugan at mahihimigan ang pang-aasar sa tono na tanong pa ng binata.

Sandali naman natigilan si Eryx dito hanggang sa dahan-dahan na lang ito nag-iwas ng tingin wari'y nahihiya.

"Sabi na e! Ikaw yung naaamoy na kasama ni Prinsesa Eliana!" Humagalpak pa ng tawa si Aidan sabay saboy ng tubig kay Eryx na mas lalo lang din nahiya sa ginagawa nitong pang-aasar.

"Sinamahan ko lang naman si Eliana magbantay." Seryosong pahayag nito pero hindi maitatago ni Eryx na namumula na ang parehas na tenga ng binata.

"Asus! Hindi ka naman dati malapit sa ibang babae maliban kay Prinsesa Aonani at sa mga miyembro ng ranggo pero nagawa mong magpuyat magdamag kahit wala ka pang tulog noong nakaraan dahil nagbantay tayong dalawa." Tuloy-tuloy na paliwanag ni Aidan sabay lusong ito muli sa tubig at naglakad tungo sa kinatatayuan ng namumula na ng todo na si Eryx.

"Umamin ka nga Eryx. . ." Makahulugang pahayag ni Aidan at tumabi pa ito sa binata sabay lingkis sa matipunong braso ni Eryx na napapangiwi na lang sa labis na pang-aasar ng kaibigan.

Lumingon pa si Eryx kay Maestro upang humingi ng tulong dito at patigilin si Aidan sa ipinapakita nitong kakulitan ngunit bigo rin siya nang makita na tutok na tutok din ang Maestro sa mga sasabihin niya habang nakangisi rin ito wari'y nang-aasar.

Dahan-dahan pang lumapit si Aidan sa tenga ni Eryx at ipinagpatuloy ang sasabihin nito. "Kayo na no?" Sabay ihip pa sa tenga ng binata dahilan para mapalayo na lang ng todo si Eryx sa kanya.

Sa kamamadali pa nito na makalayo kay Aidan ay bigla na lang ito nadulas sa kanyang inaapakan at tuluyan nang lumubog sa tubig.

Napuno naman ng halakhakan ang buong lugar mula sa tawa ni Maestro at ang pinakamalakas ay ang kay Aidan. Si Aspen naman ay mahinhin na lang na natatawa habang naglalakad tungo sa pinaglubugan ni Eryx na ayaw na atang umahon dahil sa hiya. Marahan niya itong tinulungan tumayo at bakas na sa mukha nito ang labis na pagkailang sa mga tinatanong nila.

"Hindi mo naman kailangan sagutin ang tanong ni Aidan, Eryx, kung hindi ka kumportable. At isa pa, pribadong buhay mo na rin naman iyon, sadyang loko-loko lang si Aidan." Pahayag pa ni Aspen na inaayos ang bulaklak na korona sa ulo ni Eryx habang si Eryx mismo ay namumula pa rin ang mukha.

"H. . . Hindi naman kami ni Eliana. Magkaibigan lang kaming dalawa." Biglang saad ni Eryx nang tuluyan na rin ito makabawi mula sa hiya na nararamdaman niya kanina.

"Oo na, oo na." Napakamot pa si Aidan sa kanyang tenga na para bang hindi ito naniniwala sa kanyang sinasabi.  "Ganyan din sinabi ni Zephyr noon tapos magugulat na lang kami nililigawan na niya pala si Prinsesa Eliana. Ako ang pinaka-nagulat syempre kasi pucha!" Napaakbay pa ito kay Aspen na nasa tabi niya dahilan para mabitawan na lang tuloy ni Aspen ang kanyang ginagawang bulaklak na korona. "Si Zephyr? E mas matinik pa sa babae iyon kesa sa akin."

"Aidan, ano ka ba naman." Marahan naman na inalis ni Aspen ang pagkakaakbay sa kanya ni Aidan sabay iling. "Kung ang tinutukoy mo ay ang nangyari sa pagitan nila ni Caedmon ay pinagsisisihan naman na ni Zeph iyon. At isa pa, baka seryoso naman siya kay Prinsesa Eliana sa pagkakataong ito." Dagdag saad pa ni Aspen.

Hindi naman halos makapagsalita si Eryx dahil alam niyang wala siya sa posisyon para ipagbigay-alam sa mga kaibigan niya na mukhang wala nang namamagitan pa kay Zephyr at Eliana. Mukhang hindi rin alam ng mga ito na pinatigil na ni Eliana sa panliligaw si Zephyr.

"Oh? Ewan ko lang. Kahit ako rin naman hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kay Caedmon noon. Kahit nangako akong hindi na lalabas iyon sa ating mga nasa ranggo ay hindi ko pa rin mapigilan maghinala sa tuwing may nilalapitan na naman si Zephyr na babae." Makahulugang pahayag ni Aidan habang bakas pa rin ang pagkadismaya sa mukha nito.

Hindi naman na nagtaka pa si Eryx sa reaksyon ng kaibigan dahil sa kabila ng pagiging babaero nito ay hindi niya naman kailanman narinig na nakipagrelasyon ito sa babaeng mayroon nang kasintahan o nang-agaw ng ibang babae. Alam niya rin kasi na ayaw ni Aidan nang may kahati sa isang babae.

"Pero, Eryx, ayos lang ba ang relasyon niyo ni Zephyr bilang magkaibigan?" Lahat naman ay napalingon kay Maestro na nagsalita na matapos ng ilang minutong pag-obserba at pakikinig lamang. "Tila ba may napapansin akong tensyon sa pagitan niyong dalawa noong huli nating pagtitipon."

Bahagya naman nakaramdam ng hiya si Eryx sa sinabi nito dahil hindi niya inaasahan na mahahalata ng Maestro ang tila ba hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ni Aidan.

"Pasensya na, Maestro. May hindi lang kami pagkakaintindihan ni Zephyr noong huli kaming nagkita. Kakausapin ko na lang siya pagbalik sa akademya upang humingi ng tawad."

"Mabuti naman. Ayoko rin naman nagkakaroon ng lamat ang pinagsamahan ng aking mga mag-aaral lalo na kung patungkol ito sa personal rason." Bagama't hindi kahihimigan ng galit o pagbabanta ang Maestro ay seryoso pa rin ito sa kanyang sinabi dahilan para mapatango na ng todo si Eryx dito at pinaalala sa kanyang sarili na kinakailangan na niya talagang humingi ng tawad dito.

"Masusunod, Maestro." Nakayukong pahayag ni Eryx wari'y isa itong bata na pinagagalitan ng kanyang ama.

Natawa na lang tuloy ang Maestro dito pero bakas pa rin sa mukha ng matanda ang pagkakuntento dahil sa kagandahan ng asal na taglay ni Eryx. Sa isip niya pa ay maayos talaga itong napakalaki ni Emperatris Hestia sa kabila ng pagiging mailap sa mga babae.

"Pero, Eryx, may gusto ka ba talaga kay Prinsesa Eliana?" Biglaan na naman sabat ni Aidan at mukhang hindi talaga ito titigil hangga't hindi nasasagot ang kanyang tanong.

"Aidan, ano ka ba naman. Hindi mo dapat pinanghihimasukan ang personal na buhay ni Eryx." Saway naman ni Aspen sa kanya.

"Nagtatanong lang naman ako. Mahirap kasi kung kumpirmadong may nararamdaman na nga si Eryx kay Prinsesa Eliana e di ba nililigawan ni Zephyr iyon?" Kibit-balikat na pahayag nito saka lumapit kay Eryx at lumingkis sa leeg nito.

Napabuntung-hininga na lang tuloy si Eryx sa ginagawa nito sabay sapo ng kanyang ulo wari'y nakukunsume na ito sa kakulitan ng kanyang mga kaibigan.

"Huwag kang mag-alala, Eryx, nasa iyo ang boto ko. Dito tayo."Hinila niya pa si Eryx sa isang tabi at may isang metro na lumayo kay Aspen na nakasimangot na lang sa ginagawa niya "Diyan ka na Aspen, di ba kay Zephyr ang boto mo?" Gumawa pa ito ng tila ba harang sa pagitan nilang dalawa na ikinatawa na lang ng Maestro. "Oh amin na rin si Caedmon dahil alam naman nating lahat kung gaano kasukdulan ang galit nun kay Zephyr. Ikaw ba, Maestro? San ka? Dito ka na!"

"Para ka talagang bata, Aidan." Iiling-iling na saad ni Aspen at naglakad na ito palapit sa gawi nina Eryx pero tinataboy lamang siya ni Aidan gamit ng tubig.

Natawa na lang muli ang Maestro sa kakulitan ng kanyang mga mag-aaral. Sumipsip pa ito ng alak mula sa kanyang baso bago sagutin ang sinabi ni Aidan.

"Pero hindi ka naman nanliligaw, Eryx di ba?" Makahulugan pang tanong ni Maestro dahilan para manigas na lang si Eryx sa kanyang kinatatayuan at labis na mapaisip. "Hindi mo nga maamin sa amin ang nararamdaman mo para sa binibini. Paano ko maibibigay ang boto ko sa'yo kung wala man lang kasiguraduhan?" Dugtong pa nito habang marahang hinihimas ang kanyang balbas at makahulugang tinitingnan si Eryx.

Hindi naman halos malaman ni Eryx ang kanyang sasabihin dahil totoo naman ang sinasabi ng Maestro. Ano nga ba ang patunay niya na mayroon na siyang nararamdaman sa dalaga ngayong hindi niya nga ito halos masabi sa kanya o hindi niya man lang ito maamin mismo kay Eliana.

"Ah. . . A. . .Ano. . ." Nauutal niyang pahayag at hindi na niya talaga alam kung ano ba ang gusto niya ipaliwanag sa Maestro.

"Biro lang, biro lang." Natatawang pahayag ng Maestro at napailing pa ito dahil napakatapat talaga ni Eryx. "Mas maganda kung ikaw mismo ang magtatanong nyan sa sarili mo at ikaw mismo ang kukumpirma ng iyong nararamdaman. Huwag kang magpapadaig sa impluwensya ng iba dyan na hanggang ngayon ay wala pa rin seryosong karelasyon." Pagpaparinig pa nito sabay tingin kay Aidan na patay malisya lang na nakatingin sa iba.

"Hindi ako 'yon." Saad pa ng binata nang mapansin niyang nakatingin din sa kanya sina Eryx at Aspen.

"Puwera biro, hayaan mo lang kusa mong madiskubre ang nararamdaman mo o di kaya'y hayaan mong ang panahon mismo ang magpalalim ng nararamdaman mo hanggang sa tuluyan mo na rin ito maamin sa babaeng napupusuan mo, Eryx." Makahulugang pahayag ng Maestro na kinindatan pa si Eryx na napatulala na lang sa sinabi nito.

Sandali pang inisip ni Eryx ang mga isinaad ni Maestro at kusa na lang siya napahawak sa kanyang dibdib saka marahan itong pinakiramdaman.

Siguro nga ay mas tamang hayaan niya munang diskubrehin at palalimin ang nararamdaman niya sa dalaga bago tuluyang umamin sa kanyang sarili at kay Eliana. Dahil alam niya rin sa sarili niya na oras na umamin na siya dito ay hindi na niya ito kaya pang pakawalan.

"Maestro, may hindi raw po nakakaintindi ng sinasabi niyo dito. Baka puwede raw pong pakiulit---aray!" Hindi na natuloy pa ni Aspen ang kanyang sinasabi nang bigla itong batukan ni Aidan.

"Akala mo naman nagkaroon ka na ng kasintahan, Aspen. Gusto mo bang alamin ko naman kung ano ang namamagitan sa inyo ni Binibinang Aera?" Dagdag asar pa nito at nagsimula nang magsabuyan ang dalawa ng tubig dahilan para mapailing na lang si Eryx at naglakad na ito pabalik sa kinauupuan niya kanina.

Mas lalo rin niyang nadadama ang init sa paligid dahil mas kumakapal na ang usok na nagmumula sa paligid. Pabagsak na lamang din siya naupo sa isang tabi sabay pinasadahan ang kanyang gintong buhok at napabuga na lang ng hangin dulot na rin ng pagpapakalma ng mga sinabi ni Maestro sa kanyang sistema.

"Bakit kaya mas malaki ang dibdib mo sa dibdib ko? May iniinom ka ba para dyan? Tingnan mo oh, ang lambot-lambot saka ang kinis."

Kaagad naman napamulat ng mga mata si Eryx nang marinig ang tila ba pamilyar na boses ni Mishal na may pinatutungkulan ang sinabi nito. Hindi niya sukat akalain na maririnig hanggang sa puwesto nila ang boses ng mga babae sa kabila marahil ay mga kawayan na lang naman kasi ang humaharang sa pagitan nila.

"Umayos ka nga, bakit di na lang 'yang iyo ang hawakan mo?" Dinig niya pa ang pamilyar na boses ni Eliana na halatang iritable na.

"Mas malambot iyong sa'yo, Eliana! May nunal ka pala dito, grabe ang lambot-lambot talaga!"

Mas lalo na lang namula si Eryx sa kanyang mga naririnig at pakiramdam niya ay napakabastos niyang lalaki dahil naririnig na niya ang mga bagay na ito.

Nilingon niya pa ang gawi ng mga kasama niyang lalaki at maging si Aspen ay namumula na rin ang mukha habang si Aidan ay napapangisi na lang sa mga naririnig.

Nasapo na lang din ni Eryx ang kanyang noo dahil hindi niya na alam ang kanyang mararamdaman sa usapang ito lalo na at mukhang iba na rin ang tumatakbo sa isipan ni Aidan.

"Aidan!" Sita pa ni Eryx dito dahilan para mapataas na lang ng kamay si Aidan at dahan-dahang lumubog sa tubig upang hindi na makarinig pa.

Pakiramdam niya rin ay gusto na lang niya tanggalin ang kanyang tenga dahil tingin niya ay nababastos na niya ang mga kababaihan sa kabila.

"M. . . Maestro. . ." Nilingon niya naman ang gawi ni Maestro na mukhang wala naman pakialam sa ingay na nangingibabaw sa kanyang paligid at panay inom lang ito ng alak.

"Naiintindihan ko." Itinaas na ng Maestro ang kanyang kamay at nagpakawala ito ng tila barrier na maaaring makaharang ng ingay mula sa paligid nila.

Ngunit bago pa ito mapakawalan ng Maestro ay pare-pareho na lang sila nakarinig ng sigawan at tilian sa kabilang parte ng paliguan kung nasaan ang mga kababaihan. Kaagad naman napabalikwas ng tayo ang apat na kalalakihan dahil dito at parang pare-pareho pa nila nakalimutan na mga wala silang salpot.

"Umaatake na naman ang Tarasqi! Tulong!" Dinig pa nila na tili ng mga ito dahilan para magkatinginan na ang apat at nagtanguan na upang daluhan ang mga ito.

Pero bago pa man makaahon sina Eryx sa tubig ay ganoon na lang ang gulat nila nang bigla na lang nasira ang kawayan na harang sa pagitan ng paliguan at malakas na tumagos ang halimaw tungo mismo sa tubig na kanilang kinalalagyan. Nagpakawala ps ito ng malakas na pagdaing bago tuluyang nalagutan ng hininga.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ng lahat ng mga kalalakihan na nandoon maging sina Eryx sa bilis ng mga nangyari sa halimaw at ang pagkawasak din ng kawayan na humaharang sa kanila. Kapansin-pansin din na labis ang sugat na natamo ng halimaw na halos laslas na ang leeg nito at ang maaaring naging dulot ng kanyang pagpanaw ay ang saksak nito sa noo at ang pagkakatapyas ng puso nito sa dibdib.

Sabay-sabay naman silang napalingon sa gawi na pinagmulan ng mga kalalakihan at ganoon na lang ang gulat nila nang makita ang dalawang dalaga na nakatayo sa gitna ng makapal na usok na nagmumula sa tubig.

Hindi halos maaninag ng ibang kalalakihan kung sino ang mga ito ngunit ganoon na lang ang gulat ni Eryx nang makilala si Mishal na nag-ibang anyo na ang mga kamay at naging kamay na ito ng dragon habang ang mga mata naman nito ay kulay dilaw na rin at nagliliwanag.

Sa tabi naman nito ay ang dalagang pamilyar na pamilyar sa kanya na may hawak na tila ba nagliliwanag na espada na kulay asul at tumutulo ang kulay berdeng likido mula dito habang tinatangay ang mahaba at ginto nitong buhok ng hangin.

Nang unti-unti nang umimpis ang usok sa kapaligiran ay doon na napansin ni Eryx ang kasuotan ng dalawang dalaga dahilan para mabilis na lang siya mapaiwas ng tingin at pinagliwanag ang kanyang mga kamay dahilan para mapapikit na lang ang mga ito sa labis na pagkasilaw.

"Eryx, bakit naman ganon?!" Reklamo pa ni Aidan na napatalikod na lamang dahil sa labis na liwanag na dulot ng kanyang kapangyarihan.

Nilingon niya rin ang gawi ni Aspen na na nakaiwas din ng tingin at namumula  na lalo ang buong mukha.

"Aspen, maaari bang buuin muli ang harang sa gitna." Mahinahon niyang pakiusap sa kaibigan na mabilis naman sumang-ayon sa kanya.

Mas lalo naman pinaigting ni Eryx ang kanyang liwanag upang hindi pa lalo makadilat ang mga kalalakihan na kanyang kasabayan sa pagligo. Para sa kanya ay hindi niya hahayaan ang mga ito na makasulyap sa mga kababaihan na nasa kabilang parte ng paliguan lalo na at tanging tuwalya lang ang suot ng mga ito.

Ilang sandali lang ay nagliwanag na rin ang mga kamay ni Aspen ng kulay kahel at nagsimula nang lumabas ang tila ba mga tinik mula sa mga palad nito at mistulang tinatahi ang malaking butas sa pader. Ilang segundo lang din ang inabot ng pag-aayos sa pader kaya naman tinigil na rin ni Eryx ang pagpapaliwanag ng kanyang mga kamay at bumalik na rin sa normal ang liwanag sa paligid nila.

"Gagi nabulag na ata ako." Reklamo pa ni Aidan habang panay ang kusot nito sa mga mata.

Si Maestro naman ay nananatili na lang nakaupo sa kanyang puwesto at umiinom na muli nang alak na para bang wala silang kasabayan na bangkay ng halimaw sa paliguan.

"Napakadamot naman, Eryx." Binasa pa ni Aidan si Eryx ng tubig na umahon na sa pinagliliguan nila sabay hawi nito ng basang buhok at bahagyang pagtaktak ng tenga.

"Para namang hahayaan kitang makasulyap." Iling pa sa kanya ni Eryx at naglakad na ito tungo sa labas habang ang bawat butil ng tubig ay dumadalaw sa katawan nito.

*****

Eliana's POV

Kung hindi lang siguro dumating ang halimaw kanina sa paliguan ay baka isa na ito sa mga pinakamaayos na gabi na mayroon ako magmula nang magsimula kami maglakbay. Pero hindi e. Minsan talaga kapag masyadong payapa ang paligid, may sisingit at sisingit pa rin na perwisyo sa buhay.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon pabalik sa silid namin ni Mishal dahil nauna na akong umahon sa kanya at nawalan na ako ng gana maligo. Suot ko lamang ang makapal na robang panligo na pinahiram nitong inn habang pinupunasan ko ang aking basang buhok.

Habang tinatahak ko naman ang daan pabalik sa aking silid ay hindi ko inaasahan na mamamataan ko si Aidan sa bahagyang madilim na parte ng pasilyo na meron nang kahalikang babae. Halos nakahubad na ang babae na nakalingkis ng todo sa kanya at bahagya ko na rin nakikita ang dibdib nito.

"S. . . Sandali lang, huwag dito, Ginoo. Ah~" Dinig ko pang ungol ng babae na halos napairap na lang ako sa kawalan dahil dito pa sila gumagawa ng milagro.

Wala naman akong pakialam sa ginagawa nila kaya bagot na lang ako na nagpatuloy sa paglalakad habang patuloy pa rin akong nagpupunas ng aking buhok ng bigla na lang magsalita si Aidan.

"Mishal, bakit ngayon lang? Kanina pa kita hinihintay." Saad pa nito at mukhang nandyan na si Mishal para bayagan ang kapatid niya kaya hindi na ako nag-abala pang lumingon.

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bigla na lang may humawak sa aking pulupulsuhan sabay akbay sa aking braso. Kunot-noo ko naman na nilingon ang lapastangan na ito at mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko nang makilala na si Aidan pala ito.

"Pasensya na, Binibini. Nandito na kasi ang kapatid ko kaya kinakailangan ko na rin umalis."

"Sinong kapatid ---" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko ng marumi niyang kamay.

Nakakadiri! Nakita ko pa na ginagamit niya tong kamay niya sa paghimas sa balat ng babae kanina. Gigilitan ko talaga ng leeg 'tong si Aidan!

"Kapatid mo ba talaga 'yan? Bakit hindi naman kayo magkamukha?" Naghihinalang saad pa ng babae na mukhang bisugo habang sinasamaan pa ako ng tingin.

Ngayon lang din naman ako dineklara ni Aidan na kapatid niya.

"Magkapatid kami sa ina. Sige na, Binibini, kinakailangan ko na umalis."

"P. . .Pero ang sabi mo ay magkita tayo sa---"

"Maraming salamat sa iyong oras lubos akong nasiyahan sa sandaling panahon na tayo'y nagkasama." Kinindatan niya pa ang babae dahilan para pabebe naman itong mahiya at mamula.

Parang gusto ko na lang pumikit sa nasasaksihan ko.

"Puwede ko bang malaman ang pangalan ---"

"Paalam!" Mabilis na saad ni Aidan na hinila na ako palayo at iniwan ang babae doon na nakanganga at litong-lito sa mga kaganapan.

Nang tuluyan na kaming huminto sa paglalakad ay malakas ko naman siyang siniko sa mukha pero mabilis din siyang nakailag at hindi magkandaugaga kakalayo sa akin.

"Punyeta naman, Aidan." Mura ko pa sa kanya habang marahas na pinupunasan ang mga labi ko.

Kailangan ko atang magsipilyo ng sampung beses hanggang sa matuklap na lang ang mga labi ko.

"Pasensya na, pasensya na." Tinaas niya pa ang kamay niya wari'y sumusuko na siya sa akin. "Anak kasi 'yon ng may-ari ng inn na ito. Kapag basta ko na lang iniwan iyon ay baka sa gubat na naman tayo magpalipas ng gabi."

"Bakit ka ba kasi nakipag-laplapan doon kung hindi mo naman kayang panindigan. Tsk. Ang alat ng kamay mo kadiri!" Tinaasan ko pa siya ng gitnang daliri kahit hindi niya naman naiintindihan ang ibig sabihin non dahil inis talaga ako at dinikit niya sa labi ko ang dugyot niyang kamay.

"Balak ko sanang magpalipas ng gabi kasama siya kaso lasang tubig-alat. Nawalan ako ng gana. Tingin ko taga-Cymopoleia 'yon. Ganon ba talaga ang lasa ng mga babae sa inyo?" Seryosong tanong niya pa sa akin dahilan para samaan ko na lang siya ng tingin.

"Tarantado ka ba?" Inambahan ko pa siya ng tadyak pero mabilis pa rin siyang nakailag sa akin.

"Biro lang. Kalma!" Natatawa niya pang pahayag.

"Tsk. Tutal tapos mo naman na ako gamitin, babalik na ako sa loob." Inis kong pahayag dahil gusto ko na talaga magsipilyo.

Pero bago pa man ako makalakad paalis ay mabilis na naman niyang hinawakan ang pulu-pulsuhan ko at sapilitang kinaladkad tungo sa isang bakanteng upuan.

"Dito ka muna! Samahan mo naman ako uminom." Nakangisi niyang saad matapos niya akong sapilitan muli na pinaupo.

Nilabas niya naman mula sa manggas niya ang isang tila ba boteng babasagin na naglalaman marahil ng alak.

"Hindi na ako umiinom." Malamig kong tugon dahil wala na akong balak pang maglasing kahit kailan.

"Eh? Bakit naman? Lagpas disi-sais ka na di ba? Hindi naman kita isusumbong sa mga kuya mo. Lalo na kay Caedmon. Sabi niya pa sa akin noon hindi raw niya kayo pahihintulutan uminom kasama ang ibang lalaki hangga't hindi pa kayo bente-sinco anyos. Pucha." Natatawa niya pang pahayag.

Sinabi talaga ni Caedmon 'yon? Ano ba tingin niya sa amin? Mga paslit?

"Ayoko. Ikaw pa talaga kasama ko." Bagot kong tugon dahil kahit ano pang sabihin niya ay hindi na talaga ako iinom.

"Hindi naman ako pumapatol sa kapatid ng mga kaibigan ko kahit gaano pa kayo kaganda. Tanong mo pa kay Aspen o kay Sereia o maski sa kuya mo kung pinormahan ko ba ang mga kapatid nila."

"Wala naman akong pakialam." Walang kainte-interes kong pahayag dahil alam ko naman iyon.

Pagkakaalala ko pa nga ay sinubukan pa siyang landiin ni Caitrionna pero mukhang hindi naman siya pinatulan nito. Ang panget niya kasi.

"Ayaw mo talaga uminom? Bigay 'to nung babae kanina. Oh di ba, nakalibre pa ako. Sikat daw 'to dito." Nagmamayabang niya pang saad dahilan para mas lalo lang ako tumanggi.

"Tsk. Ayoko nga." Inirapan ko pa siya sabay ipinagkrus ang aking mga braso at binti. Inaantok na ako. Puwede ko na ba iwan 'to? 

"Ang susungit niyo talagang magkakapatid na Agrigent! Pinaglihi ba kayo lahat sa sama ng loob? Si Prinsipe Adelrick at Prinsesa Ellionoir lang ata ang matino sa inyo e, kapatid niyo ba talaga 'yong dalawa?"

Si Adelrick oo. Si Ellionoir? Iyon? Mabait? Depende siguro kung sino ang kaharap niya.

"Dagdag mo pa yung isa mong kapatid na parang laging may buwanang dalaw. Konting kibot lang, nakaasik na agad sa akin?! Inaano ko ba siya?"

"Sino? Si Neola?"

"Sino pa ba?!" Malakas pa siyang tumungga sa bote ng alak bago magpatuloy. "Magmula sa kapares ko na nga siya sa Amadeo Morricone pati 'yong naglaro sa larong pampalakasan. Hindi man lang ako nakalaro maski isang istasyon sa sobrang wala niyang kuwenta kasama!"

"Kung marunong ka naman kasi magpahalaga sa babae, hindi babalik sa'yo ang karma mo." Makahulugan kong saad at hindi na ako nagtaka na ganoon siya tratuhin ni Neola dahil dapat lang naman iyon.

"Marunong naman ako magpahalaga. Tatlong buwan nga lang ang pinakamatagal." Maloko niya pang pahayag dahilan para kunot-noo ko na lang siyang lingunin.

"Hindi ka ba natatakot na baka kay Mishal naman bumalik iyang pagloloko mo sa babae?"

Ang sabi nga ng iba, kapag daw babaero ang tatay o ang kung sino man sa pamilya, kadalasan sa anak o kapatid na babae ang balik ng kamalasan. Wala ba siyang pakialam kung masaktan ang kapatid niya?

"Ayoko rin naman masaktan ang kapatid ko kaya lahat ng hindi matinong lalaki na umaaligid sa kanya ay binabantaan ko na ang buhay." Mayabang niya pang tugon na para naman tama ang ginawa niya.

"Siraulo. Hindi naman iyon ang sagot doon. May galit ka ba sa mga babae?" Diretsahan ko nang saad sa kanya.

Kahit sa tuwing nag-eensayo kami sa pageespada ay hindi ko nagawang kuwestyunin ang pagiging babaero niya dahil wala naman talaga akong pakialam sa mga desisyon niya sa buhay. Pero ako rin ang nababahala na baka kay Mishal bumalik ang karma niya.

Imbes na sumagot ay iniharap niya lang ang sarili niya sa direksyon ko saka marahang binuklat ang kanyang suot na roba.

Nangunot pa lalo ang noo ko dahil sa ipinapakita niyang dibdib pero natuon ang atensyon ko sa mahabang peklat na mismong nakalagay sa parte kung nasaan ang puso. Mistulang pahalang itong hiniwa at mukhang matagal-tagal na rin magmula nang makuha niya ito.

"Nakita mo ba ang peklat na ito?" Turo niya pa sa peklat na kanina ko pa tinitingnan.

"Oh? Ano naman?"

"Ang aking ina ang may gawa nito." Diretsahan niyang pahayag sabay tungga muli sa bote ng alak na iniinom niya. 

Hindi ko naman inaasahan na sasabihin niya sa akin ang rason nito kaya bahagya pa akong nagulat dito. Mama niya ang may gawa nyan? Ano naman ang dahilan ng ina niya para gawin iyan?

"Alam mo ba na pinagtangkaan niya ang buhay namin ni Mishal noon? Kung wala lang akong kapangyarihan ay baka matagal na akong namatay." Bakas ang pait sa tinig ni Aidan habang nagkukuwento.

Bahagya pa siyang napangisi ng nakakaloko wari'y inaalala siguro ang oras na nakuha niya ang peklat.

Sandali ko naman pinagdugtong ang rason ng peklat niya at ang masama niyang bisyo na pambabae bago muling magsalita.

"Kaya ba gumaganti ka sa mga babae dahil sa ginawa ng ina mo sa'yo?"

"Siguro." Kibit-balikat niyang tugon.  "Mababaw ba?" Seryosong tanong niya habang diretso rin tinitingnan ang mga mata ko.

"Wala naman akong sinasabi." Tapat kong saad dahil hindi ko rin naman sinabi sa utak ko na mababaw ang dahilan niya dahil iba-iba naman kasi ang dating ng sakit sa isang tao lalo na at ina niya pa ang may gawa nyan sa kanya.

"Kadalasan kasi nang nakukuwentuhan ko tungkol sa dahilan ko kung bakit ako babaero ay sasabihan lang ako na napakababaw kong tao." Muli siyang tumungga ng alak bago magpatuloy wari'y humuhugot pa siya ng sapat na lakas ng loob. "Sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa kung anong sabihin ng iba, dito ko lang nailalabas kung gaano kasukdulan ang galit ko sa ermats ko." Paliwanag niya pa.

"Kailan ka titigil?" Tanging naitanong ko na lang dahil mahirap na magsalita gayong hindi ko naman alam ang rason ng kanyang ina.

"Sa pambabae?"

"Sa pagtatanim ng galit sa'yong ina?"

"Hindi ko alam." Sinsero niyang saad habang napapatingin na lang siya sa damuhan na marahang sumasayaw sa simoy ng hangin. "Hindi ko naman nakakausap ng maayos ang babaeng iyon magmula pagkabata. Palagi na lang niya kaming iniiwasan ni Mishal na para bang mga insekto kaming iniluwal niya lang. Sinabihan niya pa nga kaming halimaw noon. Sino ba namang matinong ina ang gagawin iyon?" Mapait niyang kuwento dahilan para hindi na lang ako makasagot.

Hindi ko rin sukat-akalain na sa kabila ng masayahing dating ng kambal ay nagkukubli rin ang mapait nilang kuwento bagay na hindi ko talaga inaasahan. Bukod kasi sa sinabi ni Mishal noon na ilang taon na silang hindi umuuwi dahil sa kanilang ama ay may kinalaman din pala ang kanilang ina dito.

"Bakit bigla kang natahimik?" Nakangisi niyang pahayag dahilan para muli rin akong bumalik sa reyalidad. "Hindi mo naman kailangan makaramdam ng awa sa relasyon na mayroon sa pagitan namin ng aking ina. Sadyang ganon lang talaga ang buhay at sa kamalas-malasan ay ipinanganak kami sa isang babaeng wala man lang pagmamahal sa mga anak niya." Malungkot niya pang saad.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko ang ganitong emosyon kay Aidan na buong akala ko rin ay hindi ko na masisilayan sa katulad niyang palaging makuwela at makulit. Marahil ay dulot na rin ng alak kaya malakas ang loob niya ngayon maglabas ng saloobin sa akin kahit na madalas lang naman kami nagkakasama nitong mga nakaraan para sa aking pagsasanay sa espada. Hindi naman na kami halos nag-uusap patungkol sa personal naming buhay pagkatapos namin mag-ensayo.

Pero hindi niya naman siguro mamasamain kung magsasalita ako sa perspekibo ng mga kababaihan di ba?

"Marahil ay ilang beses mo na narinig ang sasabihin ko pero gusto ko lang ulitin na hindi kasalanan ng mga kababaihan ang kasalanan na ginawa ng iyong ina sa inyo. Hindi ko kailanman maiintindihan kung paano napapagaan ng pambababae at panloloko mo sa mga kababaihan ang nararamdaman mo pero gusto kong malaman mo na hindi mo dapat isaalang-alang ang nararamdaman ng mga babaeng tunay na nagkakagusto sa'yo sa pagkukulang na hindi mo natanggap sa iyong ina." Seryosong pahayag ko habang diretsong-diretso ang tingin ko sa mga mata ni Aidan na bahagyang nagulat sa mga sinabi ko.

Umiwas na rin ako ng tingin at tiningnan naman ang mga paa ko na bahagya nang nilalamig sa gabi dahil nakabakya lang ako.

"Pero tulad nga ng sinabi mo, paraan mo ito para makaganti man lang sa iyong ina at maibsan ang mga hinanakit mo kaya hindi ko na huhusgahan ang parteng iyon. Iba't-iba naman ang pamamaraan natin para makapagpatuloy sa buhay, may tamang paraan at may maling pamamaraan. Alam mo naman na siguro kung saan doon ang ginagawa mo, Aidan, di ba?"

"Hmm." Tumango-tango naman siya sa akin at mahahalata ko naman na seryoso rin siya sa aming paksa. "Naiintindihan ko naman. Sadyang. . . hindi ko pa talaga kayang tigilan dahil pakiramdam ko, naging parte na ito ng sistema ko sa buhay. At isa pa, mukhang sa mga babaeng nakasasama ko na lang din nararamdaman ang atensyon na hindi ko nakukuha sa aking ina." Malungkot niyang pahayag sabay tungga muli sa kanyang inumin.

"Mabuti at hindi sinundan ni Mishal ang yapak mo." Pabirong komento ko na lang dahilan para bahagya siyang mapangisi at umiling-iling.

"Inalagaan ko rin naman si Mishal ng maigi para hindi na niya gaano maisip kung gaano kalupit ang nakaraan namin sa kamay ng aming ina." Kalmado niya pang pahayag.

Kung tutuusin, bilib din ako sa pagmamahal na ibinibigay ni Aidan sa kakambal niya dahil bibihira ako makakita ng mga kapatid na lalaki sa mundong ito na may sinserong pagmamahal at may pakialam sa mga kapatid nilang babae. Bumagsak man si Aidan sa pagiging isang tunay na maginoong lalaki ay pasadong-pasado naman siya sa pagiging kuya sa kapatid niya. Masuwerte rin sila ni Mishal sa isa't-isa bilang kambal.

"At isa pa, malay ba natin kung babae rin pala ang makakapagpatino sa akin? Darating din naman siguro ang panahon na sasabihin ko rin sa sarili ko na gusto ko na magpakatino kasi ayokong nakikitang umiiyak ang babaeng mahal ko." Sinsero niyang pahayag at para bang nawala ang pagkapresko sa mga ngiti ni Aidan nang sambitin niya ang mga salitang iyon.

"Sana hindi na malayo mangyari iyon. Malay mo dumating na pala pero sa sobrang pagkababaero, halos wala rin siyang amor sa'yo." Makahulugan kong pahayag dahilan para mangunot na lang ang noo niya sa pagtataka.

"Sino naman?" Gulong-gulo niyang tanong.

"Ewan ko sa'yo." Napairap na lang ako sa kawalan dahil mukhang matagal-tagal pa ang gugugulin para may mamuo man lang na samahan sa pagitan nila ng babaeng tinutukoy ko.

"Wala pa naman akong nakikilalang babae na kaya akong patinuin. Baka lalaki talaga ang para sa akin?" Biro niya pa.

"Siraulo." Napapahilot sentido na tugon ko na lang.

"Siya nga pala, Prinsesa Eliana, saan mo nakuha ang espada mo kanina na ginamit mo para kitilin ang halimaw?" Kaswal niyang tanong ngunit sapat na iyon para gulat na gulat ko naman siyang lingunin. Nakita niya ba yung kanina?! Pero hindi ba niresolba na ni Eryx ang bagay na iyon?

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan. Sa espada lang naman ako nakatingin kasi alam ko rin naman na kasama mo ang kapatid ko!" Depensa niya pa at mukhang nagsasabi rin naman siya ng totoo.

"Tsk. Wala ka nang pakialam doon." Masungit kong pahayag.

"Hindi sa'yo 'yang espadang nasa bracelet mo di ba?" Makahulugan niyang pahayag dahilan para mabilis din akong mapahawak sa bracelet ko.

"Paanong. . ." Paano niya nalaman?!

"Nararamdaman ko ang enerhiya ng ibang Agrigent dyan. Sino ba nagbigay sa'yo nyan? Si Prinsipe Aderlrick ba?"

"Basta. Bakit ba?" Puno rin ng kuryosidad na tanong ko. Ano bang mayroon sa bracelet na 'to? May sumpa ba 'to?

"Hmmm, mahal na mahal ka siguro ng kapatid mo na nagbigay sa'yo nyan." Kaswal niyang pahayag pero mas lalo naman ako naguluhan sa mga pinagsasabi niya. "Hindi mo ba alam na sa buong buhay naming may mga kapangyarihan, isang beses lang kami maaari gumawa ng sandata na naglalaman ng mismong kapangyarihan namin. Parang binibigay na rin namin ang kalahati ng aming kapangyarihan dito dahil mainam itong gamiting medium sa kapangyarihan na taglay namin at kaming mga sisidlan ng kapangyarihan.  Ang alam ko ay wala kang kapangyarihan kaya impossibleng sa'yo ang espada na iyon." Mahabang paliwanag niya at naniniwala ako sa mga sinabi niya dahil pagdating sa mga espada, sina Sereia at Aidan lang ang kilala kong maaasahan dito.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong napahawak sa bracelet ko dahil hindi ko sukat akalain na ganito pala ito kahalaga para kay Daewon pero binigay niya na lang ito sa akin ng basta-basta! Kaya pala ganoon na lang ito kasuwabe gamitin dahil nagtataglay pala ito ng kapangyarihan niya!

"Kaya sino ba ang nagbigay ng --- oy, Prinsesa Eliana! Saan ka pupunta, hindi  pa tayo tapos mag-inuman!"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa sinasabi niya dahil tumayo na ako sa aking kinauupuan.

"Inaantok na ako. Bahala ka na sa buhay mo" Kailangan kong gumawa ng sulat para sa damuhong iyon at maiparating ito agad sa kanya. Hindi talaga nag-iingat iyon kahit kailan.

"Siraulo ka talaga, Daewon. Paano mo nagawang ibigay sa akin ang ganito kahalagang bagay." Namomroblema kong pahayag habang muling tinitingnan ang bato ng bracelet na mayroon talagang napakagandang kinang.

*****

- DAEWON -

Halos iumpog na lang ni Daewon ang kanyang ulo habang binabasa ang libro na kinuha niya sa silid-aklatan patungkol sa kung paano maayos na humingi ng kapatawaran sa isang babae. Hindi naman kasi niya alam kung paano gagawin iyon dahil mula pagkabata ay hindi niya pa nagagawang humingi ng kapatawaran sa kahit na sinong babae bukod sa kapatid niyang si Eliana. Hindi niya naman magawang magtanong sa Kuya niyang si Adelrick dahil panigurado ay kukulitin siya nito ng todo hangga't hindi niya sinasabi kung sino ang babaeng sinusubukan niyang hingan ng kapatawaran ngayon.

"Ha. . ." Naipatong na lang tuloy niya ang libro sa kanyang mukha sabay buntung-hininga.

Alam niyang nangako siya kay Eliana na makikipag-ayos sa katulong nitong si Stella dahil aminado naman siya na may pananagutan siya sa nangyari dito na pagkawala ng isa nitong mata. Pero ang problema ay hindi niya naman alam kung paano makikitungo dito ng maayos kung makita pa lang siya nito ay nangangatog na kaagad ang dalaga at kakaripas ng takbo.

Naisip niya pa na baka mas maganda kung sa doktor na lang siya manghihingi ng payo dahil may kutob siya na hindi lang ito basta madadaan sa simpleng pakikipag-usap dahil tulad niya ay dumaan din naman siya sa ganitong klaseng takot at pangamba. Hindi niya lang talaga sigurado kung sinong doktor ang lalapitan niya. Naunan nang pumasok sa isip niya ang manggagamot na si Aeson dahil magkaedad lang naman sila halos pero napakasungit naman nito at tanging si Kuya Adelrick niya lang din ang kinakausap nito ng maayos.

"Anong ginagawa mo dito at mukha kang tanga?" Dinig naman ni Daewon na saad ng pamilyar na boses ng babae.

Tamad niya naman na tinanggal ang aklat sa kanyang mukha at sinamaan ng tingin si Neola na nakakrus ang mga braso at nanghuhusga na nakatingin sa kanya.

"Ano bang pakialam mo?" Masungit niya rin na saad dito sabay umayos na rin siya ng upo at itinabi ang mga aklat na dala niya. "Bakit ka ba nandito? Umalis ka na nga" Inis niya pang tanong sa kapatid. Hindi naman kasi talaga sila malapit ni Neola sa isa't-isa kaya ganito na lang ang pakikitungo niya dito at gayon din naman ito sa kanya.

"Bulag ka ba? E tapat ito ng dormitoryo ng mga babae. Babae ka ba?" Maldita rin nitong saad at inirapan niya pa ang kapatid sabay tingin sa mga libro na nasa tabi nito.

Kaagad naman ito tinakpan ni Daewon dahil kitang-kita ang mga pamagat nito na halos lahat ay pinatutungkulan ang panunuyo sa isang babae.

"Kailan ka pa nagkainteres sa babae? Sino naman ang malas na babaeng binubuwisit mo?" Dagdag tanong pa ng dalaga dito dahilan para mas lalo naman siyang samaan ng tingin ni Daewon.

"Tsk. Ano ba?! Umalis ka na nga dito at sa iba ka na lang magpapansin." Pangtataboy niya pa dito pero hindi pa rin nagpatinag ang kapatid niya.

"Ikaw ang umalis dyan. Upuan ko 'yan kapag ganitong oras."

"Nabili mo?! May pangalan mo?!"

"Oo." Taas-kilay na pahayag ni Neola at tinuro pa nito ang likuran ni Daewon. "Bobo, tumingin ka kaya sa likod mo."

Gulat naman na sinunod ito ni Daewon at ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makita na may pangalan nga ito ni Neola na nakalagay pa N. Agrigent. Sa isip niya pa ay baliw talaga ang kapatid niya para bumili mismo ng upuan sa akademya.

"Bumili ka talaga ng upuan sa akademya?!"

"Pakialam mo? Ayokong inaagawan ako ng puwesto kaya bumili na ako ng akin. Alis na." Hinila niya pa si Daewon patayo pero tinabig lang nito ang kamay niya.

Sa sobrang inis at pagkainip naman ni Neola ay mas lalo niya pa itong hinila sa damit habang si Daewon naman ay hindi rin nagpapatinag at mas lalong napapabigat.

"Umalis ka na sabi e. Upuan ko 'yan." Malamig na utos sa kanya ni Neola na mariin naman tinanggihan ni Daewon.

"Nauna pa rin ako umupo dito. Ayoko!" Pagmamatigas pa nito at mukha na silang ewan na naghihilahan at nag-aaway nang dahil sa upuan.

Pinagtitinginan na rin sila ng mga dumaraan pero wala halos ang gusto umawat dahil kilalang-kilala nila ang katayuan ng dalawa sa lipunan bilang mga prinsesa at prinsipe ng mga Agrigent sa kahariang Cymopoleia. Kilala rin kasi sina Neola at Daewon sa hindi pagkakaroon ng kaaya-ayang pag-uugali kaya takot lalo ang mga tao dito.

Natigil lang si Daewon sa pagpatol sa kapatid nang bigla niyang mamataan sina Zephyr at Ellionoir na naglalakad hindi kalayuan sa kanyang puwesto. Kaagad napuno ng katanungan ang kanyang isipan dahil ang alam niya ay may namamagitan sa hayop na iyon at sa kapatid niyang si Eliana kaya bakit kasama nito si Ellionoir ngayon na nakikipag-tawanan pa sa kanya.

Mabilis tuloy napabalikwas ng tayo si Daewon dahilan para kamuntik pang matumba si Neola pero mabilis din siyang nahawakan ng Kuya niya sa braso at itinayo ng maayos nang walang lingon-lingon.

"Bantayan mo ang mga libro ko." Mabilis na pahayag sa kanya ni Daewon at hindi na nito hinintay pang sumagot si Neola dahil naglakad na ito paalis.

"Teka, Kuya Daewon!" Pagtawag pa sa kanya ng kapatid pero mistulang wala naman narinig si Daewon dito.

Hindi na nag-atubili pa si Daewon at huminto ito mismo sa harapan nina Zephyr at Ellionoir na gulat na gulat naman sa biglaan niyang pagdating. Hindi halos maipinta ang ekspresyon ni  Daewon habang masama ang pagkakatitig nito sa dalawa lalo na kay Zephyr na nananatili lamang kalmado at hindi kakikitaan ng pagkabahala.

"Akala ko ba ay nililigawan mo si Eliana? Bakit kasama mo naman ang isang kapatid ko? Salawahan lang?" Malamig na tanong ni Daewon kay Zephyr na diretso rin nakatingin sa kanya.

"K. . . Kuya Daewon, wala naman po kaming ginagawang masa---"

"Hindi kita kinakausap." Baling naman ni Daewon sa kanyang kapatid at sinamaan niya pa ng tingin ito dahilan para mapaatras na lang si Ellionoir. "Bumalik ka na sa dormitoryo mo, Ellionoir."

"Hindi na ba puwedeng magsama ang dalawang tao na magkaiba ang kasarian nang walang malisya, Prinsipe Daewon?" Kaswal na pahayag pa ni Zephyr sa kanya dahilan para mapangisi na lang ng sarkastiko si Daewon.

"Oo! Para sa akin ay oo lalo na kung mga kapatid ko ang kasama mo. Gagawin mo pa akong tanga. Hindi ka na ba nahiya, nanliligaw ka kay Eliana pero kung kani-kanino kang babae dumidikit?! Malandi ka talaga!" Gigil na pahayag pa ni Daewon habang halos mapuputukan na ito ng ugat sa kasisigaw.

"Kapatid mo rin si Ellionoir, Prinsipe  Daewon. Hindi lang siya kung sinong babae." Preskong sagot pa ni Zephyr dahilan para mas lalo naman manggigil si Daewon dito.

"Aba't sasagot ka pa talaga e! Ang presko mo talaga kahit kailan kahit mas lamang si Kuya Caedmon sa'yo sa lahat ng aspeto!" Sinadya talaga nitong banggitin ang pangalan ng kapatid dahil alam ni Daewon na tanging pangalan lang ni Caedmon ang makakapagpatiklop dito.

At hindi nga siya nagkamali. Mas lalong napangisi si Daewon nang mapang-ara matapos makita na dumilim na lalo ang ekspresyon ni Zephyr at nawala na ang pagiging presko nito.

"Kuya, tama na po!" Muling pagsingit ni Ellionoir sa pamamagitan ng paghawak sa braso ni Daewon. Sa isip pa ni Daewon ay kung di niya lang 'to kapatid ay baka kanina niya pa ito natulak.

"Wala naman nang namamagitan sa kanila ni Eliana kaya hindi naman po masamang may kasama siyang ibang babae!" Mahinhin pa rin na sigaw ni Ellionoir pero huli na nang mapagtanto niya ang kanyang sinabi dahil dinig na dinig ito ni Daewon.

"Ellionoir!" Sita pa sa kanya ni Zephyr dahilan para mangiyak-ngiyak naman siyang lingunin ng dalaga.

"P. . . Pasensya na, Zeph. Pero dapat malaman na ito ni Kuya Daewon para hindi ka na niya paghinalaan pa." Napapahiya pa nitong saad. 

"Ha! Buti nga sa'yo. Sinasabi ko na nga ba at hindi rin kayo tatagal ng kapatid ko lalo na at ikaw pa ang nanligaw, Zephyr? Matagal na namin pinalalayo si Eliana sa'yo dahil alam namin kung gaano ka kawalang kuwentang tao. Akala mo siguro ay hindi pa namin nakalilimutan kung ano ginawa mo kay Kuya Caedmon noon!" Galit pang sigaw ni Daewon dahilan para mas lalo rin mapatiim-bagang si Zephyr.

"Walang kinalaman sa pagtatapos ng panliligaw ko kay Eliana ang nakaraan ko, Prinsipe Daewon." Malamig na pahayag pa nito habang ang boses ay tila ba kahihimigan na ng pagbabanta.

"Si Eliana ang nagpatigil sa ligaw-ligawan mo tama ba?" Nakangising tanong ni Daewon at sapat na ang katahimikan ni Zephyr at ang pag-iwas nito ng tingin para malaman niya ang sagot.

"Tangina, buti nga talaga sa'yo! Ang kapal din ng mukha mong umasa na sasagutin ka ng kapatid ko. Tingin mo ba tanga si Eliana? Wala ka lang talaga kuwenta, Zephyr!" Sigaw pa ni Daewon kay Zephyr habang dinuduro pa ito ng labis.

Halos lahat din ng nasa paligid nila ay napapatingin na sa kanilang gawi at pinapanood na ang kaganapan nang tila ba pagtutuos ng dalawang prinsipe ng mga malalakas at kilalang kaharian.

"Kuya Daewon, tama na!" Sisingit pa sana si Ellionoir sa kanila pero mabilis naman siyang hinatak ni Neola sa kanyang kuwelyo.

"Oy. . . Huwag ka na makisali." Malamig na pahayag ni Neola habang bagot lang din itong nakikinood sa mga kaganapan.

"A. . .Ate Neola?" Gulantang pang pahayag ni Ellionoir sa kapatid pero inirapan lang siya ni Neola.

Sandaling katahimikan naman ang nangibabaw sa pagitan ng dalawang Prinsipe dahilan para mas lalong tumindi ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Ilang sandali lamang ay bigla na lang ngumisi ng tila ba nagmamalaki si Zephyr dahilan para mas lalong kumulo ang dugo ni Daewon dito.

"Pero kahit walang kuwenta akong tao, Prinsipe Daewon, ay hindi pa rin maitatanggi na nahulog sa akin ang kapatid mo." Dahan-dahan pa itong naglakad palapit sa kinatatayuan ni Daewon sabay hinawakan nito ang balikat ng binata na mabilis naman tinabig ni Daewon. "Hindi ka dapat masyadong bastos sa akin, Prinsipe Daewon, dahil baka dumating din ang panahon na tawagin mo na rin akong Kuya."

Malakas naman siyang tinulak ni Daewon palayo saka sumenyas pa ito gamit ng kamay na wari'y nababaliw na si Zephyr.

"Anong pinagsasabi mo? Nasobrahan ata sa hangin iyang utak mo kaya nahihibang ka na."

Umayos naman ng tindig si Zephyr at diretso nitong tiningnan si Daewon sa mga mata."

"Pakakasalan ko si Eliana, Prinsipe Daewon, sa ayaw at sa gusto mo. Tiyak ko naman na papayag ang hari ng Cymopoleia dito pagka't magiging magkaugnay na kaharian na tayo hindi ba?" Mayabang na pahayag ni Zephyr dahilan para hindi na makapagpigil pa si Daewon at marahas na itong kinuwelyuhan.

"Putang ina mo! Ano ba iyang pinagsasabi mo?! Pinatigil ka na nga ng kapatid ko sa panliligaw pero pagpipilitan mo pa rin ang gusto mo?! Ano ka ba?! Bobo?! Tanga?!" Halos tumalsik na ang laway ni Daewon sa lakas ng kanyang pagkakasigaw kahit napakalapit na ng mukha nila sa isa't isa.

"Nakukuha ko lahat ng gusto ko, Prinsipe Daewon, at kabilang na doon ang kapatid mo. Kaya kung ako sa'yo ay babantayan ko na ng mabuti si El---"

"Gago ka! Putang ina mo!" Hindi na natapos pa ni Zephyr ang sasabihin dahil malakas siyang sinapak ni Daewon sa mukha.

Pero hindi rin inaasahan ng lahat na gaganti si Zephyr kay Daewon at susuntukan din ito sa pisngi ng mas malakas at halatang ginamitan na ng kapangyarihan kaya napaupo na lang si Daewon sa sahig.

"Masyado ka nang nagiging bastos, Prinsipe Daewon. Hindi ka ata masyadong nadidisiplina ng mga kapatid mo." Malamig pang pahayag ni Zephyr dito habag ang tingin nito ay tila ba minamaliit ang kaharap.

"Gago ka! Putang ina!" Sa sobrang galit ni Daewon ay nagsimula nang umilaw ang mga mata at kamay nito ng kulay asul at hinahamon na si Zephyr.

Hindi naman nagpadaig si Zephyr dito dahil nagsimula na rin umilaw ng kulay berde ang kanyang mga mata at kamay at pinantayan ang puwersa na inilalabas at ipinapakita ni Daewon.

"Hayop ka." Nakangisi pang saad ni Daewon habang nagsisimula nang mamuo ang tila ba mga tubig na malaahas sa haba at magaslaw na gumagalaw sa kanyang paligid. "Magmula nang masaktan si Kuya Caedmon dahil sa kaputanginahan mo ay nanggigigil na talaga ako sa'yo tapos ngayon naman ay balak mo pang puntiryahin si Eliana na labis-labis kong pinoprotektahan ngayon?!" Nagsimula nang umatake ang mga mahahabang alon ng tubig kay Zephyr.

Nagsimula naman depensahan ni Zephyr ang kanyang sarili sa pamamagitan nang pagpapakawala nang ipo-ipo na malalas din ang puwersa at hinihigop ang mala-ahas na tubig ni Daewon.

Hindi pa nakuntento si Zephyr dito at siya naman ang umatake sa pamamagitan nang pagpapakawala nang mga hangin na kasing-talas ng mga patalim sa ere. Binanatan din ito ni Daewon ng mga tubig na matatalas dahilan para magbanggaan na lang sa gitna ang mga kapangyarihan nila at nakagawa ng isang malakas na puwersa ng hangin.  

"Zeph, huwag--- ah!" Napatili na lang si Ellionoir nang halos tangayin na siya ng hangin ngunit mabilis din siyang nahila ni Neola pabalik na sinusubukang makahanap ng tubig na maaari nitong kontrolin.

"Tangina mo, Zephyr!" Mura pa ni Daewon sa kanya at sumugod na ito sa binata habang ang kamao ay nababalutan na ng puwersa ng tubig.

Sandali lang din ang nagdaan at nagawa na rin ni Zeph na palibutan ng malakas na puwersa ng hangin ang kanyang mga kamao at patakbo rin itong sumugod kay Daewon.

"Kuya Daewon! Huwag!" Tili ni Ellionoir na nais pang pumagitna sa dalawa at awatin ang mga ito sa kabila ng malakas na hangin at tubig na mayroon aa kapaligiran.

Marahas naman siyang hinila ni Neola paupo at hinarap sa kanya.

"Gago ka ba?! Kung gusto mong mamatay ay sige umawat ka pero hindi ko hahayaan na kamay mismo ng kapatid natin ang papatay sa'yo." Gigil nitong sita sa kanya dahilan para mapaiyak na lamang si Ellionoir.

Hindi na nagkaroon ng pagdadalawang isip pa si Daewon dahil ito na lang ang pagkakataon niya para maiganti ang mga kapatid niya na pinaglaruan lang ni Zephyr sa kanyang mga kamay. Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo na halos ilang metro na lang ang layo nila sa isa't isa lalo na at hindi rin nagpapigil si Zephyr na mukhang pikon na pikon na sa kanya.

Napasigaw na lang ng malakas si Daewon nang inamba na niya ang kamao upang masuntok si Zephyr at gayon din ito sa kanya.

Pero ganoon na lang ang gulat niya nang may biglang pumagitna sa kanila na lalaking may pamilyar na gintong mga buhok. Naramdaman na lang ni Daewon na naging yelo na ang kanyang  kamao at gayon din ang kay Zephyr.

Bigla rin nawala ang malakas na puwersa na bumabalot sa dalawang prinsipe na para bang sa isang iglap ay bigla na lang ito nawala na para bang isang bula dahilan para sabay na lang na magulat ang dalawang binata matapos makilala kung sino ang lalaking namagitan sa kanilang dalawa.

"K. . . Kuya Caedmon. . ." Gulat na gulat na pahayag ni Daewon habang diretso itong nakatingin sa mga mata ng kapatid na nagliliwanag ng kulay asul at diretso rin na nakatingin sa kanya.

"Sino naman nagsabi sa'yo na pakialaman ang laban na para sa akin, Daewon?" Malamig nitong pahayag dahilan para mapaatras na lang si Daewon sa takot dahil halata sa boses ni Caedmon ang labis na pagkadismaya at panlalamig.

Napatingin na lang din siya sa paligid niya at ngayon lang niya napansin na halos nasira na nila ang lugar na kitatayuan nila. Nagkaroon na ng bitak ang sahig, naputol na rin ang iba pang mga puno. Napalingon din si Daewon sa gawi nina Neola at naabutan niya ang dalawa na nakasalampak sa sahig at gulat na gulat din sa kanilang nasaksihan.

Sunod naman na dumako ang mga mata ni Daewon sa isa niya pang kapatid na lalaki na halata rin ang labis na pagkadismaya lalo na at nagliliwanag na rin ng kulay asul ang mga mata nito. Alam na niya na sa oras na ito ay hindi lang ang bagsik ng kanyang Kuya Caedmon ang kanyang problema kundi pati na ang kay Kuya Adelrick na bihirang-bihira niyang makita na ganoon ang ekspresyon.

》》》》》

Author's Note:

HAPPY 100 CHAPTERS SA RATSP! 😭❤ Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta sa kuwento ni Eliana, ang ating reincarnated princess! 🥳♥️ Cheers to more chapters ahead! 😁♥️ Mahal ko kayo, Kins! Sana hanggang dulo ay magkakasama tayo! 🥰🎉

Bilang first 100 chapters naman ito, gusto kong malaman ang top 5 favorite characters niyo ng RATSP para naman malaman ko kung sino pa ang need ng exposure! Lol. Don't be shy and comment lang kayo dito! I'll be posting the results by next update rin! 🥰😁

Continue Reading

You'll Also Like

38.5K 1.8K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
446K 18.6K 54
Siya si Hyeri Rodriguez. Basagulera, matigas ang ulo, at palaban kaya laging nasasangkot sa gulo. Simple lang siyang namumuhay sa bayan nila. Pero ma...
168K 6.9K 38
Mystique Academie is where you can find students with special abilities. Most of the students who are studying here are royals. Mystique Academie wil...
39.3K 1.6K 54
A mysterious city town. A rare creatures. An undeniable love. writtenby: anonymousjen Genre: vampire/ action/ romance Completed 09082020/unedited ©Al...