Become My Daughter's Nanny

By palibhasa_pusa

8M 196K 15.1K

Hindi naman ibig sabihin na pinaampon mo ang anak mo ay masama ka nang ina. Minsan kasi yun lang ang alam mo... More

Prologue
BMDN Chapter 1
BMDN Chapter 2
BMDN Chapter 3
BMDN Chapter 4
BMDN Chapter 6
BMDN Chapter 7
BMDN Chapter 8
BMDN Chapter 9
BMDN Chapter 10
BMDN Chapter 11
BMDN Chapter 12
BMDN Chapter 13
BMDN Chapter 14
BMDN Chapter 15
BMDN Chapter 16
BMDN Chapter 17
BMDN Chapter 18
BMDN Chapter 19
BMDN Chapter 20
BMDN Chapter 21
BMDN Chapter 22
BMDN Chapter 23
BMDN Chapter 24
BMDN Chapter 25
BMDN Chapter 26
BMDN Chapter 27
BMDN Chapter 28
BMDN Chapter 29
BMDN Chapter 30
BMDN Chapter 31
BMDN Chapter 32
BMDN Chapter 33
BMDN Chapter 34
BMDN Chapter 35
BMDN Chapter 36
BMDN Chapter 37
BMDN Chapter 38
BMDN Chapter 39
BMDN Chapter 40
BMDN Chapter 41
BMDN Chapter 42
BMDN Chapter 43
BMDN Chapter 44
BMDN Chapter 45
PATIKIM
BMDN Chapter 46
BMDN Chapter 47
BMDN Chapter 48
BMDN Chapter 49
BMDN Chapter 50
BMDN Chapter 51
A/N
BMDN Chapter 52
BMDN Chapter 53
BMDN Chapter 54
BMDN Chapter 55
BMDN Chapter 56
BMDN Chapter 57
BMDN Chapter 58
BMDN Chapter 59
BMDN Chapter 60
BMDN Chapter 61
BMDN Chapter 62
BMDN Chapter 63
BMDN Chapter 64
BMDN Chapter 65
EPILOGUE
announcement

BMDN Chapter 5

116K 3.3K 436
By palibhasa_pusa

"Ate, hind ka pa pwedeng mamatay! Hindi mo pa nararanasan ang sarap na makatikim ng lalaki! Huhuhu. Bumangon ka dyan at mag hahanap tayo ng makaka one night stand mo bago ka man lang nahimlay ay nakatikim ka ng lalaki! Hindi ka pwedeng mamatay na virgin Ate Nina!"

Nagising ang diwa ko ng makarinig ako ng iyak. At base sa pag palahaw nya at malalaswang sinasabi ay masasabi kong si Cc iyon.

Unti-unti kong dinilat ang mata ko kahit na ang bigat pa nito. Hindi pa okay ang pakiramdam ko nang lalambot ako at nasisiguro kong hindi ko pa kayang mag trabaho.

Sumalubong sakin ang kulay puting paligid. Teka asan nga ba ako?

"Cc, asan tayo?" Tanong ko Cc

"Ohmygod! Ate may Amnesia ka?" Gulat na tanong nya. Nakasuot pa sya ng nighties na sinusuot nya bago matulog.

"Kung may amnesia ako tingin mo alam ko ang pangalan mo?" Pilosopong tanong ko

"Ai, oo nga ano? Teka nga alam mo bang ala-lang alala kami sayo kagabi? Anong oras na pero hindi kapa umuuwi. Tapos nakatanggap kami ng tawag na nandito ka sa ospital. Alam ko kasi Ate Nina, uso ang mag pahinga. Papatayin mo ba ang sarili mo? Sino kaba sa tingin mo? Si Super Woman? Barker sa madaling araw, janitress sa umaga, waitress sa hapon, tapos diswasher sa gabi. Aba ikaw na!" Sermon nya. Naka pamaywang pa sya habang nag sasakita.

"Alan mo kasi hin-"

"Hindi ko naiintindihan? Na ano? Marami kang gastusin tulad ng renta sa bahay, sa tubig, sa kuryente, sa baon ng mga kapatid mo, sa bayad sa school , sa pag kain? Pero ate naisip mo ba? Pag nawala ka sino na ang mag aalaga sakanila? Pag nawala ka tingin mo anong mararamdaman nila? Huwag mong abusuhin masyado ang sarili mo, mas magiging kawawa ang mga kapatid mo pag nawala ka." Sabi nya.

Medyo tinamaan ako sa sinabi nya. Masyado kong inaabuso ang katawan ko kaya ito ang nangyari. Inalalayan nya akong umupo.

"Sige, mag reresign na ako sa pang gabi kong trabaho. Tawagin mo na ang doctor at lalabas na ko. Baka lumaki pa ang gastusin natin dito at wala tayong pang bili ng pagkain sa isang buwan" sabi ko kay Cc

Tumayo sya para sumunod sa sinabi ko.

" OMG! Damon Salvator is that you?" Tili nya.

"Cc ano ba-"

"Hindi ka pa pwedeng lumabas" sabi ng Daddy ni Kisza

"Oo sige hindi ako lalabas. Dito lang ako sa tabi mo kung iyan ang gusto mo" sabi ni Cc at dumikit pa sa Daddy ni Kisza

Nakita kong nag igting ang panga ng lalaki at nag salubong ang kilay habang nakatingin kay Cc, kaya napahiwalay ang bakla.

"Ah, ate Nina. Bibili lang kita ng food sa baba. Bye Damon Salvator" sabi nya at kumaway sa Daddy ni Kisza.

Salubong parin ang kilay nya hanggang sa makaalis si Cc. Mukhang ayaw nya ang presensya ni Cc. Natahimik ako, hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya dito.

Umupo sya sa sofa na nasa loob ng kwarto. May sofa ba ang bawat kwarto sa ospital? May TV, Rep at, naka Aircon ang kwarto ko. Hindi ba sa mga private lang iyon? Hindi kaya nasa private room ako?

"Narinig ko na apat ang trabaho mo sa isang araw" biglang sabi nya saka nag dekwatro ng upo. Nag iwas ako ng tingin

"Ang sabi ng Doctor. Over fatigue ka at anemic kaya kailangan mong salinan ng dugo. Kailangan mo rin maconfine ng mga ilang araw pa, dahil mahina ang resestensya mo." Sabi nito.

"Okay na ho ako. Kaya ko na, pwede na po akong lumabas." Sabi ko na hindi makatingin sakanya. Sya ba ang nag dala sakin dito?

"Matanong ko lang. May pambayad kaba?" Tanong nya.

Medyo nanliit ako sa tanong nya. Ang totoo ay wala dahil hindi pa ako sumusweldo. Mayroon ako ay limang daan lang at alam kong libo ang aabutin ng bill ko. Umiling ako bilang sagot.

"Okay Ako na ang mag babayad lahat ng gastos mo sa hospital. Hanggang sa palabasin kana ng doctor." Sabi niya na ikinagaan ng loob ko.

"But in one condition. Be My daughter's Nanny fifty thousand per month ang salary mo" sabi nya na ikinalaglag ng panga ko.

"Pero- bakit-diba" wala akong mabuong sasabihin. Akala ko kontra sya sa gusto ng anak nya na maging Nanny ako. Pero bakit sya pa ang nag ooffer ngayon? Saka fifty thousand per month? Para na akong mag abroad non.

"So what's your decision?" Inip na tanong nya.

"Pero, kasi Sir may mga kapatid ako at hindi ko sila pwedeng iwanan lang para maging Nanny ni Kisza." Sabi ko. Ang totoo nakaka temp ang gusto nya, pero paano ang mag kapatid ko? Pero may isang bahagi ng pag katao ko na gusto ang dahil mapapalapit ako sa anak ko.

"Oh, I think it's a -"

"It's a yes Sir Damon Salvator. Sya ang magiging Nanny ng anak natin- este anak mo ." Bilang putol ni Cc sa sinabi ng Daddy Kisza

"Cc?" Takang tanong ko.

"Hellow! Ate Nina... Eto na o, eto na yung trabaho mo na hindi mo na kailang na mag lakad ng halos isang oras para maka umuwi sa bahay. Eto na yung trabaho na hindi mo kailangan sumigaw katulad ng ginagawa mo sa palengke. Eto na ang trabaho na hindi mo na kailangang mag lampaso ng  sahig. Ang gagawi  mo lang is to take care our- i mean ng anak nya" sabi ni Cc

"Pero sila-"

"Hep, ako ng bahala sa mga kapatid mo. At saka anong tingin mo sa mga kapatid mo? Tatlong taon apat na taon? E makakabuntis na nga ang mga iyon eh. Basta ikaw magiging Nanny ng anak ni Sir Damon Salvator" sabi saya namaywang.

Ang bunganga nya talaga kahit may ibang tao. Halatang laking kalye, nakakahiya tuloy sa Daddy ni Kisza.

"It's a yes yes yes Sir Damon Salvator" pacute na sabi ni Cc

***

Mabigat ang dibdib na inilagay ko ang ibang gamit ko sa lumang bag. Ngayon ang trabaho ko bilang Nanny ni Kisza. Nanny nalang ako ngayon ng sarili kong anak. Tatlong araw na simula ng makalabas ako ng ospital, ang Daddy din ni Kisza ang nag bayad ng bill.

Lumabas na ako ng kwarto dala ang bag ko. Naabutan ko ang tatlo na nasa sala at mga tahimik nanakaupo.

Tumabi ako sakanila.

"James, Daniel. Magpakabait kayo dito sa bahay ah. Walang mag dadala ng babae, walang iinom, umiwas sa barkada" pangaral ko. Ito ang unang beses na mahihiwalay ako sakanila. Kaya ganito nalang kabigay ang dibdib ko.

"Ikaw Cc, iwasan muna ang lalaki. Bantayan mo ang mga kapatid ko, pag may nangyaring masama dito titirisin kita " banta ko kay Cc

"Oo na, paulit-ulit? Kung makapag bilin kala mo mag aabroad? Saka Hello! Ang tatanda na ng mga kapatid mo. Yung isa nga kaya ng gumawa ng Baby" sabi pa nya.

Binato ko sya ng tsinelas ko. Kung anu-ano talaga ang pinag sasasabi. Kaya eto ang isa sa dahilan kung bakit ayaw ko sanang umalis, masama syang inpluwensya sa mga kapatid ko.

Napatingin kami sa pinto ng may kumatok. Ang sabi ng Daddy ni Kisza ay ipapasundo nya ako sa driver.

"Nina, may nag hahanap sayo de kotse. Mukang mayaman ang nabingwit mo ah" sabi ni ka Coral ang dakilang chismosa.

Lumabas na ako dala ang bag ko, nakasunod naman sakin ang tatlo. Pag labas ko ay bakita ko agad ang isang makintab na kulay itim na kotse.

"Ingat ka ate ah. Huwag kang mag alala, mag papaka bait kami dito" sabi ni Daniel

"Aasahan ko iyan ah, bayaan mo pag sumuweldo ako ibibili ko kayong dalawa ng cellphone para mag kakausap na tayo kahit anong oras. Saka uuwi naman ako tuwing linggo." Sabi ko saka niyakap silang tatlo. Binatukan ko naman si Cc na umiiyak.

"Bye na" paalam ko sakanila saka kumaway. Bago pumasok sa sasakyan ng binuksan ng driver ang kotse.

***

Huminto kami sa napakalaking gate. Sa laki ng gate ay hindi mo makikita ang bahay sa loob. Dito sa bahay na ito ko iniwan si Kisza.

Binuksan ng guard ang gate at pumasok kami sa loob. Halos malaglag ang panga ko sa nakikita ko. May malaking fountain at puro Vermuda grass ang paligid. Huminto ang sasakyan sa harap ng napalaking bahay. Pinag buksan ako ng driver, pag kababa ko ay may maid na naka uniporme ang sumalubong sakin. dinala nya ako sa loob, napakaganda ng loob ng bahay kung bahay pa ang tawag dito dahil para na  itong palasyo para sakin.

"Dad,  ano ba kasi ang suprise mo sakin" dinig kong sabi ni Kisza.

Huminto kami sa pag lalakad ng nasa napakalaking sala na kami. Naka upo si Kisza at sofa na kulay puti at nakaharap sa Daddy nya na mukhang kinukulit nya. Naka tali ang wavy nyang buhok ay naka pink dress at pink dollshoes.

"Oh, she's here" sabi ng Daddy nya saka tumingin sakin. Naka plain white vneck shirt sya at maong short na puti.

"Ate Nina?!" Sigaw ni Kisza. Ngumiti ako sakanya saka kumaway.

"Ate Nina!" Sigaw nya saka tumakbo papunta sakin saka ako niyakap sa bewang.

"Sya ba ang suprise mo Dad?" Baling nya sa Daddy nya. Tumango naman ito nilang sagot.

"Wow, karga mo ako Ate Nina" sabi nya kaya binaba ko ang bag ko saka sya kinarga. Nagulat ako ng bigla nyang pag hahalikan ang mukha ko.

"Ang saya saya ko po" sabi nya saka ako niyakap.

Pag kaya nalaman nya na ako ang Mommy nya. Magiging masaya kaya rin kaya sya?

Continue Reading

You'll Also Like

21K 458 39
"A dream in a deep sleep" Book Cover by: Jangmi <3
1.5M 28K 52
[COMPLETED] Kyle Villarosa is my gorgeous boss, certified babaero at heartbreaker. Walang balak magkaroon ng steady girlfriend. Para sa kanya, laro l...
1.9K 80 27
Jaistav Ross Aragona also called as Jai was a carefree guy who uses fun as an alternative to satisfy himself. His definition of fun involved parties...
2K 179 50
We used to have little argy-bargies before. I hate him, he hates me, we hate each other. And because of this shitty situation, this mishap came... En...