Captivated By His Enchanted E...

By Abakadazzzzz

127K 2.5K 163

In the Aspen University, a student athlete named, Aria Garcia will meet the nerd, weird, introvert and a clum... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Author's Note

Chapter 10

2.2K 41 0
By Abakadazzzzz

Aria's POV


Sa lahat ng sinabi niya, doon talaga ako pinaka-naguluhan. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. Anong pigilan? Bakit niya pipigilan ang sarili niya?


"Uhm.. edi magkaibigan na tayo?" Naiilang na tanong ko na ikinatawa niya naman agad. Napailing pa siya bago tumayo at uminom ng tubig kaya para akong tangang sinundan siya. "Hoy! Ano bang ibig mong sabihin?" Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman ang ibig sabihin niya doon. Ganito kasi ang ugali ni Luke eh. Gustong-gusto niyang nakikitang sabik ako sa isang bagay. Nananadya talaga siya.


"Oo na nga."


"Magkaibigan na tayo??" Nagugulat na tanong ko na ikinatango niya kaya napatalon agad ako. "Yes!!! Nice!"


"Ang weird mo. Wala naman ng bago doon. You have sooo many friends." Nakangiwing sabi niya habang pinapanood ako na matuwa dahil sa sinabi niyang magkaibigan na kami. Eh sa natutuwa ako! Ang laki kasi ng pader ni Luke na iniharang niya sa sarili niya and knowing na he's trying to open it now? At sa akin pa???? Hindi ko maiwasang hindi matuwa. At least he is now coming out of his shell. Ganon naman talaga yung gusto kong mangyari because from the moment I saw him, alam ko na sa sarili ko na he is having a hard time. Hindi naman kasi mahirap basahin ang nasa isipan niya.


"Hoy! Huwag mong bawiin ha!"


"Hindi ko babawiin. I'm not that kind of a person. Pero sa isang kondisyon," Seryoso niyang sabi at ibinaba ang tumbler niya. Hinintay ko naman siyang sundan ang sinasabi niya dahil papayag naman ako kahit ano ang gusto niya. Sa mga oras na ito talaga, ready akong sumugal sa kaniya. "Huwag ka ng sasali kapag nasa gulo ako. Huwag ka ng magsasalita o makialam man lang. Hayaan mo nalang ako."


"Ayan ang hindi ko magagawa!" Tanggol ko kaagad sa sarili ko na ikinakunot ng noo niya. Halatang hindi natuwa sa isinagot ko. "Kung mangyayari ulit yung nangyari sa cafeteria, gagawin ko pa rin yung ginawa ko. You need my help, Luke. I know you need me."


"Pero hindi kasama doon na masaktan ka." Parang medyo tumigil ang mundo ko doon. Bumilis din ang tibok ng puso ko.


"H-hindi ako nasaktan. Bago naman ako nakialam, alam kong hindi ako sasaktan ni France. At isa pa... dumating naman si Allen, hindi ba? Ang dami kayang tumulong sa atin," Proud na sabi ko na ikinairap niya agad. "Gusto talaga kitang tulungan sa lahat. Pakiramdam ko kasi hindi na biro ang mga naranasan mo o nararanasan mo." Pag-amin ko na ikinatahimik niya. Halata naman kasi kay Luke na may pinoproblema siya. Hindi ko alam kung sa sarili niya ba, kay Ylona, o sa mga taong nasa paligid niya or baka naman sa pamilya niya. Ayokong magtanong. Hihintayin ko nalang din siguro na magsabi siya sa akin.


Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya at agad na napailing kaya napakunot na ang noo ko. "Actually, narinig ko ngang sinabi mo yan kanina."


"Huh??? May sinabi ba akong ganiy——nakinig ka sa usapan namin nila Jasmine??????" Nagugulat na tanong ko nang marealize ang sinasabi niya. Kung ano-ano pa naman ang sinabi ko kila Jasmine!!! Nakakahiya!! "Nauna ka pa sa akin dito??"


"Oo."


"Tingnan mo! Nakikinig ka nga rin sa usapan ng may usapan eh!" Tama naman, hindi ba?? Hindi ba't ganon din ang ginawa niya?


"Magagalit ka ba sa akin?" Natural na tanong niya na ikinatahimik ko.


Hindi. Hindi ko kayang magalit sa kaniya sa hindi ko rin malaman na dahilan.


"M-magsimula na nga ulit tayo. Marami pang exercise!!" Naiilang na sabi ko at tinalikuran na siya. Narinig ko pa siyang natawa kaya palihim kong pinagalitan ang sarili ko. Ilang exercise pa ang itinuro ko sa kaniya bago namin napagpasyahan na umuwi na dahil 5pm na rin.


"Saa——*brooooom!*" hinila agad ako ni Luke palapit sa kaniya nang may dumaan na motor sa harapan namin at muntik pa akong masagasaan nun. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Muntik na muntik na talaga ako doon. Ano bang trip ng motor na yun at dito pa dumaan? Ang malala pa diyan... hindi man lang siya nag-sorry sa akin!!


"Okay ka lang?" Tanong ni Luke na nakakuha na ng atensyon ko. Lumayo agad ako sa kaniya at inayos ang damit ko.


"O-okay lang ako,"


"Pero nanginginig ka." Turo niya sa kamay ko na itinago ko agad sa likuran ko. Ayokong magpakita ng ganitong side ko sa kaniya. Kapag kasi nakita niya na ganito ako, for sure mas lalo lang niya akong pipigilan na tulungan siya.


"Ayos lang ba kayo?" Biglang dating ng isang lalaki na naka-suit attire pa. May suot pa siyang black sunglasses. May napansin pa akong something na symbol sa bulsa ng suit niya na binalewala ko nalang din.


"Aria," Tawag ni Luke sa akin na ikinalingon ko ulit. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Halatang binabasa ang nasa isipan ko.


"Bakit?"


"Mas mabuti sigu——" napatigil siya sa pagsasalita nang bigla siyang bulungan nung lalaki na nakapagpakunot lang lalo ng noo ko. "Sige, teka lang."


"Kaano-ano mo siya?" Nagtatakang tanong ko kay Luke na napatigil pa muna bago tumingin sa akin. "Uncle mo?"


"Oo." Sagot niya agad na ikinamaang ko at agad na yumuko. "Hello po. Classmate po ako ni Luke."


"Ah talaga?" Nakangiti niyang sabi at bahagya pang tumingin kay Luke na nakatingin lang ng diretso sa akin.


"Pinapauwi niyo na po ba ang pamangkin niyo? Pasensya na po at ginabi na kami. Medyo marami po kasi yung napractice namin." Nakonsensiya naman ako agad. Baka isipin ng uncle niya, binubully ko si Luke.


"Uhm, u-uncle, okay lang ba na mamaya na ako umuwi? Nagpapasama pa kasi si Aria sa market." Napatingin agad ako kay Luke sa sinabi niya pero nakatingin na siya sa Uncle niya. Pinagsasasabi nito ni Luke? Wala naman akong sinabing ganon! Scam siya!!


"Ganon ba? Sige. Magkita nalang tayo sa bahay." Natural na sabi nito bago naglakad papunta sa sasakyang itim na nakapark malapit dito sa pwesto namin.


"Sa uncle mo pala ikaw nakatira? Nasaan parents mo?" Kunot-noong tanong ko na nakakuha ng atensyon niya.


"Nasa probinsya."


"Ah kaya naman pala eh," Nakangiti kong sabi sa kaniya. "Saang company nagtatrabaho ang uncle mo?"


"Uhm," bahagya niya pang kinamot ang ilong niya at umiwas ng tingin. "I think, advertising."


"Woah, nice!" mukhang may masasabi naman pala talaga ang pamilya niya. Pero bakit pakiramdam ko, jina-judge rin ako ng uncle niya kanina? Feeling ko may sinasabi siya sa isip niya tungkol sa akin dahil sa paraan ng pagtingin niya talaga sa akin kanina. Tapos dinagdagan pa ni Luke ng kasinungalingan niya kaya baka magalit na talaga sa akin ang uncle niya. Hindi ako BI noh????! "Hoy! Ikaw!" Turo ko sa kaniya pero nauna na siyang sumakay sa bus kaya ganon na rin ang ginawa ko. Doon pa siya umupo sa bandang likuran kaya nagmadali talaga akong umupo dahil umandar na siya.


"Ano?"


"Anong sasamahan mo ko sa market? Nababaliw ka na ba? Bakit ako pupunta doon?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Madalas naman akong gamitin ni Jasmine sa mga gala niya para makapagpaalam sa magulang niya. Pero kapag kay Luke??? Bakit ganon?? Kinakabahan ako. Halata naman kasing iniingatan siya nung uncle niya. Hello? May pagsundo sa Aspen University? Sinong mag-eeffort ng ganon? Ang laki-laki na kaya ni Luke!!


"Hindi ka ba nagugutom?"


"Ay, ekis!" Napapailing agad na sagot ko at sumandal sa upuan ng bus. Tumabi pa ako para makadaan papunta sa upuan yung bagong kakasakay na lalaki na bahagya pang tumingin sa akin. May isa pa namang upuan kaya hindi na ako nag-isip kaso lumipat agad doon si Luke. "Bakit ka lumipat??"


"Mainit," Nagpaypay pa siya kunwari na lihim kong ikinangiti. "Bakit ayaw mo kumain?"



"May training kasi kami. Hindi ako pwede kumain ng street foods. Nako! Hindi talaga pwede!" Desidido talaga akong hindi ako kakain kaso pagdating na pagdating namin doon, naamoy ko palang ang corndog, noodles, barbeque, burger, fries, sisig, nachos, natakam agad ako!!!!! Waaaaahhh!!


"Ekis ha." Nakangiwing sabi ni Luke sa akin habang nakaupo kami dito sa mga stalls at sa harapan namin ay ang napakaraming pagkain na inorder niya!!!


"Kasalanan mo ito, Luke!" Naiiyak na sabi ko at isinubo ang isang stick ng barbeque. "Kasalanan mo ito."


"Pinagsasasabi mo?"


"Niyaya mo ako dito! May training pa naman ako bukas! Hindi ako pwede kumain ng kumain! Malapit na ang tournament namin! Almost 3 weeks nalang!" Dinampot ko naman ngayon ang chicken wings at kinain yun na ikinatawa na ng taong nasa harapan ko.


"Sige, kasalanan ko na."


"Kasalanan mo talaga!" Sisi ko sa kaniya. Sayang naman kasi itong mga pagkain na nasa harapan namin. Ako ang nagbayad dahil ayokong magbayad siya! Kaya ko pa namang gastusan ang sarili ko kaya hindi ko kailangan ng libre ng kahit sino.


"Anong year ka nag-start maglaro ng volleyball?" Curious na tanong niya matapos kong uminom sa softdrinks ko. Napaisip naman ako bigla. Kailan nga ba?


"Grade 5?"


"Ganon na katagal?"


"Oo. Gustong-gusto ko kasi talaga maglaro. Pero baka itigil ko na rin once na maka-graduate ako." Natural na sabi ko. Actually, wala pa talaga akong plano after college. Napi-pressure kasi ako. Baka hindi ko kayanin. Baka iba ako ngayong nag-aaral ako at kapag may trabaho na ako. Alam niyo yun? Na baka sa studies lang ako nag-eexcel pero sa labas nun, wala na. Hindi na ako magaling.


"Sayang naman,"


"Ikaw ba? Anong hobby mo?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko na ginawang specific ang tanong. Sport sana ang itatanong ko kaso huwag nalang pala. "Magbasa? Maliban doon." Inunahan ko na siya dahil halatang yun ang isasagot niya sa akin.


"I play piano."


"Marunong ka???" Nagugulat na tanong ko na ikinatango niya naman. "Minsan nga iparinig mo sakin yan." Hindi na siya nagsalita sa sinabi ko at kumain nalang din. Hindi ko tuloy maiwasang hindi tumitig sa kaniya. "May gusto akong itanong sayo."


"No. Stop asking." Natawa agad ako sa sinabi niya. Parang alam naman agad niya ang itatanong ko. Pfft.


"Dali na! Hindi naman ako magtatanong ng kung ano-ano. Para din ito sayo noh." Sinimangutan niya naman ako agad kaya napangiti na ako at nagpatuloy sa sinasabi ko. "Ex mo si Ylona?"


"Ano bang klaseng tanong yan?" Nakakunot talaga siya. Parang galit. "Bakit gusto mong malaman?"


"Para may motivation akong tulungan ka." Natural na sagot ko. "So, ex mo nga siya?"


"Oo?" Hindi sure na sabi niya. Ano ba naman ito. "And I really need her to come back." Doon ako nagulat sa sinabi niya. Kailangan niya si Ylona? Bakit? Ganon ba kahalaga ang babaeng yun para kailanganin niya? Tss.



"Sige, tutulungan kita," Nakangiti kong sabi na nakakuha na ng atensyon niya. "Tutulungan kita pero hindi ibig sabihin nun, makukuha natin siya, okay? Choice niya pa rin kung babalik siya."


"Ikaw ba...." nag-aalangan pang tanong niya na ikinalingon ko. "Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao?" Napatigil ako sa tanong niyang yun. Hindi ko alam kung anong problema pero napaisip talaga ako. Naranasan ko na ba? Sa buong buhay ko, may nagustuhan na ba ako? "Meron?" Napatingin agad ako ng diretso sa kaniya na naghihintay sa sagot ko. Inayos niya pa ng bahagya ang salamin at damit niya. Lahat ng kilos niya ay napanood ko. At hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito.


"Oo ata," Kinakabahan na sagot ko. Bigla rin akong napatanong sa sarili ko. Bakit yun ang isinagot ko sa mga oras na ito? Natawa pa agad siya sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin kaya palihim kong hinawakan ang dibdib ko. "H-hindi ko na rin alam, Luke."

Continue Reading

You'll Also Like

458K 683 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
1.1K 229 28
Deceit Series #1 "Hiding our daughter from him and... her illness." ____ Written in Taglish. Published: September 29, 2023 End:
48.3K 1.2K 32
Dapat bang akusahan kapag walang sapat na ebidensya? Kahit ano pang pagpupumilit ni Hide Laurier hindi niya makuha ang inaasam na hustisya ng kaniyan...