Captivated By His Enchanted E...

By Abakadazzzzz

127K 2.5K 163

In the Aspen University, a student athlete named, Aria Garcia will meet the nerd, weird, introvert and a clum... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Author's Note

Chapter 03

2.9K 65 4
By Abakadazzzzz

Aria's POV


"Parang ayaw ko na pumasok. Pwede ba yun?" Tanong ni Kohen habang nakapalumbaba sa table ko.


"Ano na namang problema?"


"Kasi bobong-bobo na siya." Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Kohen kay Jasmine na kararating lang. Nauna kasi akong dumating dito sa room dahil ganon naman palagi. Nag-aayos din kasi ako ng upuan dahil minsan ay naaabutan kong magulo ang room namin.


"Nagsalita ang hindi bobong-bobo."


"Hoy! Compare naman sayo, lumalaban pa ako noh!" Nakangiwing sabi ni Jasmine. "Tsaka.... alisin mo nga yang mukha mo sa table ni Aria, baka malasin ang mga test paper na inilalagay diyan dahil sa ala-ala ng pagmumukha mo."


"Ang ganda mo noh? Bakit hindi mo i-try maging unggoy?"


Napakunot agad ang noo ni Jasmine at nakapamewang pang hinarap si Kohen. "Bakit hindi ikaw? Tutal ikaw naman ang unang uri ng homo sapiens."


"Hoy! Masakit ka magsalita ah!" Napatakip nalang ako sa tainga ko dahil sa pagbabangayan ng dalawang 'to. Hindi na sila naumay sa isa't-isa. Simula bata pa kami ay ganiyan na sila. Walang pinagbago. Parang mga tanga.


Sabay-sabay pa kaming nanahimik nang biglang pumasok si Luke at dumiretso agad sa likuran na upuan nang hindi man lang kami tinitingnan. Bigla ko na naman tuloy naalala yung sinabi niya nung isang araw. Mali naman kasi talaga ako pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nakinig. Gusto ko tuloy mag-sorry.


"Ako lang ba o.... weird talaga siya?" Bulong ni Kohen sa akin na nakakuha agad ng atensyon ko.


"Hindi lang weird, ang clumsy pa."


"Clumsy? Bakit?" Nagtataka kong tanong kay Jasmine dahil wala akong alam doon. Dalawa lang kasi ang class namin kahapon kaya after nun ay nag-training na ako. Pinaghihiwalay ko kasi talaga ang responsibility ko. Once na nasa court na ako, hindi ko na masiyadong iniisip ang mga bagay sa paligid ko.


"Kahapon hindi ba nauna kaming umuwi?" Tanong ni Jasmine na ikinatango ko. Ready talaga akong makinig. Mukhang ako lang din kasi ang walang alam doon sa nangyari. "Hinarang siya nila France. Uhm... pinagtripan,"


"Ano?" Kunot-noong tanong ko.


"Pinagpasa-pasahan yung bag niya. Tss. Sila France talaga may bago na namang target. Natumba pa nga si Luke eh. Hindi ko sure kung nagkasugat siya pero mukhang masakit yung bagsak niya kahapon." Kwento ni Kohen na talagang nakakuha ng atensyon ko. Naikuyom ko pa ang kamao ko at bumuntong-hininga.


"Walang tumulong?" Nagtataka kong tanong na ikinaiwas nila ng tingin. Halatang guilty dahil hindi sila nakialam.


"Alam mo naman sila France at ang mga tropa niya. Kapag nakialam ka, ikaw ang pagti-tripan nila. Naalala mo yung isang student na umalis dito? Hindi ba't sila ang may kagagawan nun?" Tanong ni Kohen at bahagya pang lumingon sa akin pero nag-iwas din agad ng tingin. "Kahit nga ako napagtripan na nun hindi ba? Lahat ata ng estudyante dito..... maliban lang sayo."


"Oo nga. Kahit ako," Nakasimangot na sabi ni Jasmine. "Bakit kaya hindi ka pinagtitripan nun? Kasi matagal ka na dito?"


"Edi sana hindi rin tayo," Nakangiwing sabi ni Kohen at bahagyang umiling nang may ma-realize. Muli na naman kasi siyang tumitig sa akin. "Imposible,"


"Anong imposible?" Takang tanong ko na ikinatawa niya. Tingnan mo ito.


"Wala.... may naalala lang ako." Kibit-balikat na sabi niya bago bumalik sa upuan niya. May laboratory kami ngayon kaya sa ibang building kami pumunta. Mostly naman ay discussion lang at next meeting daw ay may gagawin kaming laboratory. By pair daw kaya maghanda kami. Next na klase ay PE. Si Coach Wen ang professor namin dito kaya ako na naman ang kinuha niya sa warm-up.


"Ang babagal niyong kumilos! Halatang babad kayo sa mga gadgets. Oh, isa pang ikot!" Sigaw ni Prof bago muling sumipol. "Aria, lumapit ka muna dito!"



"Prof, bakit po?"


"Na-check mo na ba ang attendance?" Tanong niya kaya kinuha ko kaagad ang record ko. "Yes, prof, isang student ay nasa clinic dahil sa pagod at dalawa ay nahihilo kaya nandoon sila sa bleachers." Turo ko sa dalawa kong kaklase na hinihingal na nakaupo sa bleachers. Isa doon ay si Luke.


"Ano bang nangyayari sa mga estudyante ngayon at konting takbo lang ay pagod na pagod na? Samantalang nung panahon ko ay talagang mahuhusay kami sa pagtakbo. Tss." Palihim akong natawa sa sinabi niya dahil totoo naman kasi yun. Mga students ngayon ay hindi na ganon ka-expose sa Physical Activities kaya konting kilos lang ay pagod na pagod na sila.


"Sabihin mo sa class niyo na magkakaroon tayo ng practical test. That will be your midterm at pagkukuhaan ko ng grade."


"Noted po, Prof."


"Nakausap mo na ba sila Phoebe?" Tanong niya kaya dahan-dahan kong ibinaba ang record notebook ko para makausap siya ng masinsinan.


"About that Prof, nakausap ko po sila kahapon after our training and if it's okay with you.... willing pa rin daw po sila na sumali. And don't worry po kasi they promised na hindi po nila hahayaang maapektuhan nun ang grades nila." Naghahangad na sabi ko na ikinabuntong-hininga niya.


"What can you say about that?"


"Uhm, sa tingin ko po Prof, okay lang naman na sumali sila. And we also need them para sa nationals. Wala pa pong player ang nakakatapat sa ability nung dalawa and mahihirapan din mag-adjust yung iba dahil inaasahan kasi talaga nila na makakasama sila Hazel."


"Alright then. Hindi ko na babaguhin ang first six." Napangiti agad ako sa sinabi niya. Kulang nalang ay yakapin ko si Prof. Pfft. "Magkakaroon pala tayo ng practice sa ibang university, Aria. It's just a friendly game. Notify your teammates."


"Noted po, coach."


"Okay. Call the other two." Turo niya kila Luke kaya lumapit na ako doon. Nagpanic pa si Rhea nang makita ako na naglalakad papalapit sa kanila.


"A-aria,"


"Balik na kayo sa line. May announcement daw si Prof." Nakangiti kong sabi na sinunod agad ni Rhea. Tumayo na rin naman si Luke at maglalakad na sana paalis nang harangin ko siya.


"Ano?" Masungit na tanong niya.


"About the other day, I'm sorry." Seryoso kong sabi pero hindi man lang nagbago ang itsura niya. Parang galit pa rin siya.


"Kahit naman sabihin ko na huwag mo na ulitin, uulitin mo pa rin, right?" Sarkastiko niyang tanong na ikinakunot ng noo ko. "Ganon naman ang ugali ng mga estudyante dito. Instead of minding your own business, you tend to mind others for the sake of your own happiness."


At muli niya na naman akong iniwan na nagugulat sa mga sinabi niya. Hinabol ko pa siya ng tingin na ngayon ay naglalakad na papalapit doon. Muntik pa siyang madapa buti nalang na-balance niya yung sarili niya. Natawa pa nga yung iba naming kaklase pero hindi ko man lang makuhang matawa dahil nagpaulit-ulit na sa utak ko ang lahat ng sinabi niya.


Isa lang ang interpretation ko sa mga sinabi niya.


He's having a hard time.


Lumapit na ako sa mga kaklase ko at pumwesto sa harapan. Bahagya ko pang tiningnan si Luke na nakatingin lang ng diretso sa harapan. Hindi na talaga ako pinansin.


"Okay ka lang?" Tanong ni Sophia na nakakuha ng atensyon ko.


"Ah, oo."


"Okay, class. Hindi na ako magpapa-exam sa midterm," Panimula ni Prof na ikinatuwa ng mga kaklase ko.


"Grabe ka naman, Prof! Sige na! Uno ka na sa evaluation!" Sigaw ni Kohen na ikinatawa ng mga kaklase ko. Sumimangot naman agad si Jasmine sa narinig.


"Pero..... magkakaroon tayo ng practical test at doon ko kukunin ang grades niyo. You have more weeks to practice. Ibibigay ko ang list ng exercise na possible na iperform niyo."


"Oh, shunga! Masaya ka ha!" Natatawang sabi ni Jasmine kay Kohen na sinamaan agad siya ng tingin. "What's the lowest grade Prof na possible na makuha namin?"


"Singko." Diretsong sagot ni Prof na ikinamaang ng lahat. Singko ang pinakamababa sa grading system namin. "So, be prepared. Class dismissed."


"Hala, hindi pa naman ako ma-kalimang push-up man lang!"


"Pwede pa bang mag-drop?"


"Hoy, Aria! Tulungan mo kami ha." Sabi ni Jasmine sa akin na ikinatango ko. Madali lang naman silang turuan dahil alam ko na rin kung ano ang weakness at strength nila. Yun talaga ang advantage kapag matagal mo ng nakakasama.


"Tara na sa cafeteria." Yaya nila Kohen at hinila na kami papuntang restroom para magpalit ng uniform.


"Nakita kitang kausap si Luke kanina, anong meron?" Tanong ni Sophia kaya kahit si Jasmine na nag-aayos ng name tag niya ay napalingon sa akin.


"Nag-sorry lang ako,"


"Bakit?"


"May nagawa akong kasalanan. Nakinig ako sa usapan nila ni Ylona nung isang araw. Hindi ba't ang bastos nun?" Nakangiwi kong tanong. Aminadong may kasalanan talaga.


"Si Ylona? Yung magandang student ng kabilang building?" Nagugulat na tanong ni Jasmine na ikinatango ko. "Paano sila nagkakilala?"


"Hindi ko rin alam."


"Ang weird." Sabay nilang sabi na ikinabuntong-hininga ko nalang bago dumiretso sa cafeteria.


Gusto kong sabihin sa kanila yung mga narinig ko kaso huwag nalang pala. Baka lalo lang silang magulat doon. Sikat kasi si Ylona. She's actually beautiful. Model pa. Tapos malalaman nila na ex siya ni Luke. Si Luke na nerd? Parang ang imposible tingnan. Tsaka ito na naman ako. Hindi ko na dapat pinapakealaman ang mga bagay na yun kaya pinili ko nalang na manahimik.


Kasalukuyan na kaming kumakain nang biglang dumating si France kasama ang mga kaibigan niya. Halatang may hinahanap. Nang makita nila si Luke na mag-isang kumakain, agad silang lumapit dito.


"Ayan na naman sila...." Bulong ni Mav at napailing pa.


"Kumusta naman ang lunch, nerd?" Nakangising tanong ni France at kinuha pa ang juice ni Luke at ibinuhos sa pagkain nito. What the hell??? "Oh, tikman mo. Masarap yan."


"No." Nakayukong sabi ni Luke habang mahigpit ang hawak sa utensils niya. Hindi na rin makakain ng maayos ang mga students dahil nanonood nalang ang iba sa kanila. Ang iba naman ay nagvi-video.



"Kainin mo!" Pansin ko ang paghawak ni Sophia at Jasmine sa dibdib nila nang sumigaw si France. Ako, hinihintay ko na makialam si Ylona na nanonood rin ngayon. For sure, ipagtatanggol niya si Luke dahil magkakilala sila. "Hindi mo kakainin ha?!" Hinawakan niya agad si Luke sa kwelyo niya at agad na sinapak na ikinagulat ng lahat. Kating-kati na ako sa paghihintay na ipagtanggol siya ni Ylona.


Potek, Ylona! Kilos!


Nang bumagsak ulit sa sahig si Luke, doon na ako tuluyang napatingin. Uulitin pa ni France yun sa pangatlong beses nang maglakad na ako papalapit doon.


"Hoy, Aria!" Sigaw nila Jasmine pero nagpatuloy na ako at humarang sa gitna ni France at Luke na ngayon ay nakatayo na at masama ang tingin sa isa't-isa.


Kung ayaw nilang makialam, edi ako nalang.


"Bitaw, France." Seryoso kong sabi sa kaniya kaya sabay silang napatingin ni Luke sa akin. "That is enough."


"Ano bang pakialam mo dito sa taong ito, Aria?" Kunot-noong tanong ni France sa akin.


"I'll answer your question pero bitawan mo muna siya," Sarkastiko namang natawa si France pero binitawan din si Luke na inayos agad ang uniform niya. Tiningnan ko pa si Luke bago muling tumingin kay France na hindi na ata nawala ang paningin sa akin. "Ako ang ina-ssign ng mga professors na magbantay kay Luke. Kapag may nangyaring masama sa kaniya, for sure ako ang mapapagalitan kaya normal lang na makialam ako dito."


"What? Is that real? Aria Garcia is protecting that nerd??"


"So, ano ng mangyayari ngayon? Tapos na ang palabas kasi takot naman si France kay Aria."


"Hay nako. Losers."


Napapikit ako sa inis nang marinig ang mga komento ng mga students na nasa cafeteria ngayon. Dapat sanay na ako sa kanila dahil ganito naman talaga ang ugali nila pero habang tumatagal, mas lalong lumalala ang mga ugali nila.



"France, ano na?" Tanong ng mga kaibigan niya kay France na masama pa munang tumingin kay Luke bago tumingin sa akin.


"Tss. Tara na." Binangga pa nila si Luke kaya natumba ulit kto. Nilingon ko ang mga students na kumukuha pa rin ng video hanggang ngayon. Yung iba ay natatawa pa.


"ANYONE WHO WILL POST THE VIDEO TODAY WILL BE REPORTED TO THE STUDENT COUNCIL AS A SIGN OF CYBERBULLYING!!" Literal na isinigaw ko yun dito sa buong cafeteria dahil nagagalit talaga ako!! Kaniya-kaniya namang iwas ng tingin ang mga estudyante. Nakita ko pang nag-delete ng video ang iba bago nilingon si Luke na diretsong nakatingin sa akin kaya bahagya akong umupo para makausap siya. "Okay ka lang?"


"Seriously..... bakit ba sulpot ka ng sulpot?" Kunot-noong tanong niya sa akin.


Napabuntong-hininga naman ako at bahagyang inayos ang buhok niya na tumakip ng bahagya sa mata niya bago siya tiningnan ng diretso. "Because you can't save yourself enough to get away from me."

Continue Reading

You'll Also Like

12.2K 164 118
Epistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel...
1.4K 120 16
"Is she going to throw her perfect pitch?!" She positioned herself and the tension of the atmosphere rises. "Here it goes....here it goes....wooohhh...
3.2K 64 51
Misty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - possibly - possesses. The voice of a ghost c...
454K 681 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞