SAFIARA ACADEMY: BOOK ONE

By DayBreakue

3.7M 125K 10.8K

SAFIARA ACADEMY: RETOLD Being trapped and suffocated was all that Lean felt all those years trapped in a cast... More

PROLOGUE
Chapter 1: Behind the Walls
Chapter 2: Vindora
CHAPTER 4: Not in the Human Realm
Chapter 5: Market Square
Chapter 6: Nightmares
Chapter 7: Eros
Chapter 8: Krayver Silvercast
Chapter 9: Under the Moonlight
Chapter 10: Race of Survival
Chapter 11: Exam Day
Chapter 12: Vampire Battle
Chapter 13: Experiments
Chapter 14: Personal Heater
Chapter 15: Quest for Haiyan Village
Chapter 16: Cocoon House
Chapter 17: Ribbon
Chapter 18: Songs of the Winds
Chapter 19: Human Realm
Chapter 20: Shouma
Chapter 21:Shouma's Pain
Chapter 22: Kingdom of Aselith
Chapter 23: Family Portrait
Chapter 24: Hilda Mystica
Chapter 25: Love his Flaws
Chapter 26: Rift the Griffin
Chapter 27: Fiarae League
Chapter 28: Concert
Chapter 29: Fiarae Ball
Chapter 30: Ambush in the Hall
Chapter 31: Elite Team
Chapter 32: Dylan and Doyle Mystica
Chapter 33: War Starts
Chapter 34: Battle Cries
Epilogue
I MISS YOU
SPECIAL CHAPTER: Little Ones
ANNOUNCEMENT!

Chapter 3: Safiara Academy

146K 4.8K 455
By DayBreakue

LEAN MACAROV

"I'm Tracy Ryker" sabi nung magandang babae na pinagpala ng malalaking meh. Lumapit si Shane sa akin at inabutan ako ng tuwalya. Pumunta kami sa kwarto nilang dalawa ni Tracy.

"Ako si Lean, Lean Macarov" sabi ko sa kanila. Napakagat labi ako, I feel guilty not saying may full name. It won't even matter.

"Cute ng pangalan mo tulad sayo, ilang taon ka ba?" tanong ni Tracy.

"I'm 18" simpleng sagot ko. Napatigil si Shane sa pagtutupi ng damit at nilingon ako.

"Seryoso ka?" gulat nilang tanong. Tumango lang ako at nagkibit balikat sila.

"Mag shower ka na dun!" nginuso ni Shane ang pintuan sa tabi ko, tumango ako sa kanya. Malagkit na rin kasi sa katawan. Gusto ko muna ng oras magisip-isip. Pagpasok ko sa CR napangiwi ako, masikip naman dito. Huminga ako ng malalim, siguro naninibago lang ako.

Habang naliligo ako, hindi ko mapigilang mapaisip sa mga nangyayari. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin. Hindi ako makapaniwala na napunta ako sa mundo sa labas ng malalaking pader na iyon.

Nang matapos ako, Lumabas ako ng CR. Nakita ko sila Tracy at Shane na seryosong nag-uusap pero ngumiti nang makita ako.

"Done!" Sabi ko sa kanila, Tumango naman sila at ngumiti, may kinuha si Tracy sa isang drawer at inihagis ito sa akin na mabilis ko namang nasalo.

"Here, wear this" Nang tiningnan ko ito, isang maliit na three-fourths na dress na kulay maroon. Binigyan din nila ako ng puting dollshoes.

"Thank you!" Sabay ngiti ko sa kanila 

"You look fabulous!" Tracy exclaimed, pinisil niya ulit ang mga pisngi ko pero pumayag nalang ako dahil pinahiram niya ako ng damit.

"Hey, what's up with your hair? Bakit mahaba masyado?" tanong ni Shane, I just shrugged, Doyle never wanted me to cut my hair. He said it was beautiful at would stare at it intently minsan natatakot na ako sa pagkacreepy niya. 

"Pwede bang bawasan natin? baka mahirapan ka kasi" sabi ni Tracy. Tumango ako sa kanya kaya ngumiti siya sakin at sinuklay ang buhok ko, nakaharap ako sa salamin. Halos kalahati ang nabawas niya sa buhok ko. 

"Ayan! hindi ko masyadong iniksian dahil baka manibago ka" sabi ni Tracy. Tumingin ako sa salamin at nakita ang pagbabago. Yung dati kong buhok na umaabot sa sahig, hanggang beywang nalang ngayon.

"Hmmm," biglang sabi ni Tracy habang nakatingin sa buhok ko "Hindi ko ala ang hairstyle na babagay."

"I fishbraid mo nalang" Sabi ni Shane sa kanya habang nag iimpake

 "Shane, bat ka nag iimpake?" Kunot noo kong tanong sa kanya habang inaayos ni Tracy ang buhok ko. 

"Seriously Lean, Sunday na kaya so we need to to back to the Academy" nagulat naman ako sa sinabi niya. 

"Academy?" tanong ko, parang hindi ko pa narinig yan ah.

"Ay oo nga pala, pasalamat ka at first day palang bukas, madali kang makakahabol"sabi ni Shane habang namimili ng damit

 "Mag aaral din ako?" nagtataka kong tanong. I never went to school, yet alone wala akong mga ability tulad nila.

"What?! hindi mo pa naranasang magaral?" parang shock na tanong ni Tracy sakin

 "Nag-hohome school lang kasi ako" malungkot kong sabi sa kanila, totoo naman. Sa mansyon, mga private tutors lang ang pumunta. I have atleast 9 lessons a day. Kasama na ang etiquette at atlong iba't-ibang linggwahe.

"Hayy, girl, Wag kang mag alala, palagi tayong magkasama sa school we're going to be super bff's!" Excited na sabi ni Tracy saakin, lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Bff's" tanong ko, anong salita yun? hindi ko naman nabasa sa dictionary yun ah? "Ang inosente mo talaga! You know, bestfriends forever" sabi sa akin ni Tracy

Best Friends? Napangiti ako at naiiyak, nung una kasi sa mga libro ko lang nababasa yung mga ganyan, yung nagshoshopping kayo tapos naghahanap ng boys, yung tipong mga ganun? tapos ngayon may mga babaeng handa akong tanggapin kahit hindi nila ako kilala.

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko na nag-uunahang pumatak. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako or nasisiyahan sa mga nangyayari.

"Oh! Why did you cry? Did I say something wrong?" Lumapit si Tracy saakin, mabilis naman akong umiling "I-it's my first time to have friends, and I'm really happy about it" napahagulgol naman ako

"Aww, poor darling, shh don't cry" Niyakap nila akong dalawa, It's the first time I felt this Happy 

"Hinding hindi tayo magkakahiwalay, forever and ever!" Sabi ni Shane, If this would be the feeling of having friends, I would never want to stop this feeling

nagkatawanan kami at tinapos na ang pag iimpake, sabi ni Tracy hihiram lang daw muna ako ng damit sa kanya, maybe this weekend mamimili kami ng damit at mga gamit ko but I don't have money.

"We're ready!" Sigaw ni Tracy, pababa na kami ng hagdan, nakita namin yung boys na dala-dala na ang mga bag nila

"Whoa. ang ganda mo talaga" sabi ni Tristan saakin pagkababa ko ng hagdan, Hinawakan niya ang kamay ko para alalayang bumaba.

"Thank you" sabi ko sa kanya at ngumiti. Tumakbo ako palabas para habulin sina Shane.

"Ooooh. Na thank you zoned si Mr. Player!" Asar ni Kairo kay Tristan, umirap at ngumuso lang si Tristan. Nagtaka ako, bakit? ano ba ang dapat kong gawin?

Lumapit ako sa kanya at tumingkayad. Hinalikan ko siya sa pisngi kaya bigla siyang namula. Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa paligid namin.

"Hoy Lean!" bigla akong pinagalitan ni Tracy "Anong ginagawa mo?"

"I-I thought kissing someone on the cheek was a sign of gratitude?" pagpapaliwanag ko sa kanila. Siningkitan ako ng mata ni Shane, nagbuntong hininga nalang silang dalawa.

"Girls shouldn't kiss boys so easily" pagpapaliwanag ni Tracy "Boys are scary  my love, hindi sila dapat pagkatiwalaan"

"Oooohhh" biglang sabi ko. Bumalik ako kay Tristan na nakatulala pa rin dahil sa gulat. Pinahiran ko ang pisngi niya gamit ang palad ko "binabawi ko yung halik"

Naglakad ako palayo at narinig ko ang tawa ng mga lalaki sa likod. Napailing si Tracy at nginitian ako at sinalubong ako ng yakap.

naglalakad ako habang nakatingin sa paanan ko, ang galing, di ko lubos na maisip na nakatakas ako sa Mansyon na yun, alam kong magagalit si Doyle pagnalaman niyang lumabas ako pero hindi naman niya ako mahahanap

Bigla akong bumangga sa harapan ng isang mabalahibong bagay. Nang inangat ko ang tingin ko napatakbo ako.

"Wahhh!" sigaw ko sabay takbo sa likod ni Shane, nakakita ako ng isang malaking fox na malalaki ang mga paa. Naalala ko bigla ang halimaw sa kagubatan.

Biglang tumawa yung mga kasama ko kaya sumilip ako mula sa gilid ni Shane.

"Oy! bat niyo ko tinatawanan!" sigaw ko sa kanila, may halimaw sa harapan pero tawa lang sila ng tawa. mukha silang ewan, alam ba nila yun?

"parang kanina lang ay dala dala mo siya tapos ngayon takot ka na sakanya?" Natatawang tanong ni Wade saakin

Huh? nakarga ko ba yan kanina? nakayanan kong kargahin ang malaking pusa na ito?! Wala akong maalala.

"Si Meow mo yan, ganyan ang true form niya" natatawang sabi saakin ni Kairo 

"t-talaga?" Lumapit ako sa malaking hayop at hinawakan ang balahibo nito, he purred again, just like the how he purred hours ago.

"Hala! meow ikaw nga!" tapos niyakap ko siya, bumabaon ang mukha ko sa balahibo niya.

"Omg!" napasigaw ako nung umangat ako sa lupa, kagat-kagat niya ang likuran ng damit ko at napaupo sa likod niya.

"Gusto ata ni Black na sakanya sumakay si Lean" sabi ni Luke, tumango naman yung iba "Uy! wag niyo akong iwan!" mangiyak na sigaw ko sa kanila dahil papasok na sila sa isang karwahe na lumilitaw. Pagtingin ko sa harapan, may apat na malalaking ibon na kulay pula.

"Sweety, don't worry, andiyan naman si Twin brother." sabi ni Tracy at nginitian ako habang pinapasok ng iba naming mga kasama ang mga bagahe. "Hoy! Flame! alagaan mo yang bestfriend ko!wag kang mag alala, andito yung bag mo saamin, enjoy!" tapos pumasok na silang lahat sa loob

Nanlaki ang mga mata ko, Twin? kambal pala niya si Flame? grabe magkaibang-magkaiba ang mga ugali nila.

"Tss." napalingon naman ako sa likod ko, andun si pala si Flame "U-uy, hindi naman tayo mahuhulog dito diba?" Kinakabahan kong tanong sa kanya, tiningnan niya lang ako

"Uy!" Napahawak ako ng mahigpit sa balahibo ni Meow nung umangat na siya sa ere, naout of balance ako, malapit na akong mahulog pero may humawak sa beywang ko, lumingon ako kay flame na nag aalalang nakatingin saakin.

"Okay lang ako" ngumiti ako sa kanya ng alanganin, umangat ulit kami kaya pumikit ako "Don't close your eyes you'll regret it later" 

Dahan-dahan ko namang binuksan ang mata ko pero pumikit ulit, nasa ere na kami

"Wag kang mag alala, I won't let you fall" seryoso niyang sabi, binuksan ko ang mata ko for the second time around

"Woah." Amaze kong sabi, ang ganda dito, nakikita ko ang gubat sa baba, yung mga lumilipad na isda at lumilitaw na ilog, mga nilalang na hindi ko alam kung ano, mga malalaking paru paru at mga buhay na halaman, Ang ganda talaga dito, napangiti nalang ako sa nakikita ko

"Anong pakay mo dito?" seryosong tanong ni Flame saakin

"Wala, I just need to find the truth, hindi ko nga alam kung tungkol ano yung truth na yun" sabi ko habang nasa baba parin ang mga mata ko

"I'm warning you, pagnalaman kong may gagawin kang ikapapahamak ng buong Vindora, I'm going to kill you" Hindi na ako sumagot, medyo natakot ako sa sinabi niya.

Siguro maraming mga mushroom ang nagtraydor sa kanila, para pagbantaan niya ako ng ganito.

"Woah" namamangha kong sabi habang papalapit kami sa malalaking bundok, pagkatapos ng mga bundok may isang malaking kastilya. May mga pader na nakapalibot dito at puro kagubatan na ang iba. May nakakasabay din kaming mga iba't-ibang karwahe na papunta din sa kastilyo.

Dumaan kami sa malaking gate na may nakaukit sa itaas

Safiara Academy

mula sa gate, makikita ang napakaluwag na daanan na may poste ng ilaw na nakapaligid. Sa kanan, may field kung saan naglalaro ang mga estudyante at sa kaliwa naman open din pero marami ang nag-eensayo.

Bumaba na ako mula kay meow at nanatili pa ring nakatitig sa Academy na sinasabi nila, I have no words to explain the amazement I feel.

"Welcome to Safiara Academy, Lean Macarov" sabay sabay nilang sabi, I smiled, So, this is my new home I guess

--

"Lean, wakey wakey!" naramdaman kong may tumapik sa pisngi ko "Lean, may pasok tayo" I just groaned. Ayaw ko pang gumising, masakit ang katawan ko dahil sa kahapon, gusto ko pang matulog.

 Niyugyog niya ako kaya umupo ako sa higaan at kinusot ang mga mata ko. Pinalibot ko ang tingin ko at nagulat sa hindi pamilyar na kwarto. Bigla kong naalala ang mga nangyari kahapon, wala na pala ako sa mansyon.

"You're so adorable! Pero you need to make ligo na kasi we're going to be late"sabi ni Tracy habang tinutulak ako papasok ng CR wala akong nagawa kundi magpatulak. Kumunot ang noo, nabobother ako sa pagka conyo niya.

"isuot mo 'to, uniform natin yan" Binigay saakin ni Shane yung kahon pagkalabas na pagkalabas ko ng CR.

"Bat maikli yung palda" Nakasimangot kong tanong sa kanila 

"Ewan, I'm not the one who made the design naman, isuot mo nalang babagay naman yan sayo" Tinulak ako ni Tracy pabalik kaya wala na akong nagawa.

Nakatingin lang ako sa salamin, I'm wearing a black coat with pink linings at blouse sa ilalim nito, Yung palda ko naman, color black na pink yung hemline, mga 3 inches above the knee, naka sneakers ako kasi wala pa akong black shoes.

"Lean! Labas na diyan!" rinig kong sigaw ni Shane mula sa labas ng CR. Hindi maiwasang mamangha, I look different.

 "Eto na!" I looked at the mirror one last time tapos lumabas na "Oh! You're drop dead gorgeous!"sabi ni Tracy taps nilibot niya ako.

"Sigurado akong malalamangan mo sila Jenny!" nakathumbs up na sabi saakin ni Shane. Kumunot ang noo ko dahin hindi ko alam yung pinagsasabi nila

"Sino yan?"

"May Festivities dito sa school. Kasama na yung Fiarae Queen at siya ang nanalo dun kaya pakiramdam niya siya yung pinakamagandang nilalang sa buong Academy" pagpapaliwanag ni Tracy.

"Okay sana kasi may kagandahan siya, pero sobrang sama ng ugali" dagdag ni Shane at inaayos ang gamit niya sa kanyang mesa.

"I know that dear, kaso, yung time na ng coronation ay dinaya niya ako" sabi ni Tracy na parang napipikon na.

"Bakit? Paano ka dinaya?"

"Well, akala ni Tracy na genuine na ang pakikipagkabigan ni Jenny, yun pala, nilagyan niya ng potion yung iniinom ni Tracy kaya habang nagcocoronation, biglang nagbloat at namula tong si Tracy" natatawang kwento saakin ni Shane, siniko siya ni Tracy at sinamaan siya ng tingin

"Well, enough of that, let's go at malalate na tayo" kinuha na naming ang mga bag namin at lumabas na.

"Ano ang Fiarae?" tanong ko sa kanila. Pansin ko kasi na paulit-ulit nila itong sinasabi.

"Fiarae ang tawag sa mga naninirahan sa Vindora, people with special abilities. Something out of the ordinary." sagot ni SHane habang yakap-yakap ang mga libro niya. 

Habang naglalakad sa daanan, hindi ko maiwasang mailang sa mga taong nakatingin sa amin at nagbubulungan.

"Whoah, is she the transferee?"

"She looks weak"

"She's cute"

Yan ang naririnig naming dito sa hallway, naninibago ako, It's my first time in school remember? Pakiramdam ko namula ang mukha ko s ahiya, I have never given this much attention before.

"Oh. Instant celebrity ka na agad! " bulong saakin ni Shane

 "So popular na like us! haha!" tili ni Tracy, napangiwi ako at pumunta sa likod ni Shane. Being in the spotlight is really uncomfortable.

"Popular? sikat kayo dito sa Academy?" Naguguluhan kong tanong sa kanila. Tracy just shrugged and smile at every person she meets.

"Hindi ko alam kung sikat ba ang tawag dun pero kasi, our group has the rearest people who can control elements. Which is pretty rare kaya nabibigyan kami ng espesyal na attention"

"Woah, so parang may special treatment kayo" mangha kong tanong sa kanya. Tumango siya pero ngumiti ng mapait.

"Yeah, we have privileges, being powerful and all pero kami ang una na mamamatay kapag nagkaroon ng gera. We serve in the frontlines"

Bigla ako nalungkot sa sinabi niya. People who recieved more get to pay more.

"Speaking of, Bakit hindi natin sila kasabay?"luminga linga ako pero hindi ko sila nakita "Wala lang, magkikita parin naman tayo mamaya sa classroom ehh."sagot ni Shane

napa 'ahh' nalang ako, biglang tumigil si Tracy kaya napatigil rin kami, biglang nanlaki ang mga mata niya

"Hala, sabi ni Kuya pupunta muna tayo kay Headmaster para i-enroll ka, nakalimutan ko"

--

END

Facebook Acct: Daybreakue

Fb page: Daybreakue WP

Fb Art page and Art Shop: Daybreakue

Twitter: Daybreakue

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
1.1M 32.1K 44
Kadiliman, iyan ang isang bagay na kamuntikan nang lumamon sa buong pagkatao niya. She's been fighting her inner turmoils all by herself. She was abu...
176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
55K 3.5K 27
MURDER SERIES #01 (PUBLISHED UNDER GRENIERIELLY PUBLISHING HOUSE) Ezelle Lamontez was accused of murdering her parents two years ago. Since she was s...