Accidental Wife

Por Markshin

827K 21.4K 2.3K

Simula ng makilala nya si Mara ay alam na nya na ito ang babaeng gusto nyang pag bigyan ng pangalan nya at ha... Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 7

15.1K 406 44
Por Markshin

Mara

Nag aayos ako ng gamit ko dahil tapos na ang duty sa ospital. Mabuti nalang at hapon ang shift ko kaya makakauwi ako ng maaga. Nakita ko ang mga kasamahan ko na nag lalakad na rin palabas ng ospital kaya nag sabay-sabay na kami.

“Mara pauwi kana? ” Napatingin ako kay Tin na katrabaho ko at isang nurse naman. “Tara gala muna tayo.”

Ngumiti ako. “Oo, may date pa with my hubby.”

Nakita ko ang kilig sa mga mukha nila saka ngumiti sa akin. Na-meet na kasi nila si Lid at lahat sila ay sinasabing wag ko na daw pakawalan dahil malaking isda daw. Bukod kasi sa gwapo si Solid ay mayaman pa at sobrang mapag mahal. Ang swerte ko nga talaga sa kanya.

“Yieeeee, sweet naman ni Papa Lid.” Sabi nya saka niyakap ang Jansport bag nya.

“Kung kasing yummy naman kasi ni Papa Lid, uuwi din ako ng maaga eh.” Dagdag pa ni Kriza saka niyakap din ang bag na dala nya.

Tumawa ako sa sinabi nila at namula. Sa mga ganitong pag kakataon ay masasabi kong maswerte akong babae dahil akin si Lid. Akin lang.

“Kelan pala ang kasal?” Pag iiba ng topic ni Tin.

“Hindi pa namin na pag uusapan eh.” Sagot ko pa. Ang totoo ay hinihintay ko nalang talaga na mag propose si Lid kagaya ng sabi ni Ella sa akin. Minsan tuloy iniisip ko nalang na baka naman joke time lang yun pero, sabi naman ni Ella sinabi daw ni Atom sa kanya kaya totoo daw talaga. I guess mag hihintay nalang talaga ako.

“Uy, invited kami sa kasal huh, walang limutan!” Tinapik pa ako ni Kriza sa braso.

“Oo naman kayo pa ba mawawala.” Tumawa ako at hinawa ang buhok kong tumatabing sa mukha ko. Natigilan sila at napatingin sa likod.

“Ayan na pala ang hubby mo.” Kinilig na wika ni Tin saka kinurot ako sa tagiliran. Humarap naman ako sa likod ko at saktong huminto ang itim na black bmw sa harap namin at lumabas si Lid na naka-casual clothes lang. Dark jeans at grey polo na may patong na half sleeve ang suot nya. He looked so hot.

“Hi girls.” Bati ni Lid sa dalawang kasama ko saka kumapit sa bewang ko ang mga kamay. Nag tilian pa sila na parang mga teenagers. Namula naman ako dahil kinikilig din ako.

“Hi papa Lid.” Bati nila kay Lid.

“Kunin ko na’to.” Nguso nya sa akin.

“Sige lang. Ingat kayo.” Parang nasa alapaap naman si Kriza habang nakatitig sa gwapong mukha ni Lid. Oh well, sorry nalang sya dahil akin si Lid at ako ang mahal nya.

“Bye, Tin, Kriza, mauna na kami.” Paalam ko saka nakipag beso sa kanila at nag pahila kay Lid ng ipasok nya ako sa kotse. Nakatingin lang ako sa dalawang kasamahan ko na nakatayo pa rin sa labas ng kotse. Pumasok naman si Lid sa driver’s seat saka pinaadar ang sasakyan.

“So where do you wanna eat?” Tanong nya habang nasa kalsada na kami at nag hihintay na mag go signal.

Tumingin ako sa kanya. “Grocery nalang tayo tapos mag luluto nalang ako.”

“Okay.” Sang-ayon nya saka pinaadar ang sasakyan at lumiko sa isang daan para mas mapadali kaming makapunta sa grocery store.

Napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko. Kumapit pa ako ng mahigpit dahil gustong-gusto ko ang init na nag mumula sa kamay nya. Narerelax ang pakiramdam ko kapag kasama ko sya. Napatingin ako sa phone na biglang nag ring na nakalagay sa tabi ng radio equipment ng kotse. Kinuha ni Lid ang head set nya at sinagot ang tawag.

“Yes, baby?”

Tumaas ang kilay ko dahil bigla akong nakaramdam ng selos. Mataman akong nakinig kahit na hindi ko masyadong marinig ang boses ng kausap nya.

Saglit natigilan si Lid habang nakatutuk ang mata sa daan at focus na nag da-drive. “Baby, bukas nalang, busy ako now eh.” Tumango-tango pa sya. “Okay, promise.” Napairap ulit ako ng tumawa pa sya. “Bye, I love you.”

Tumingin ako ng masama sa kanya ng alisin nya ang earphone sa tenga nya. Tumingin sya sandali sa akin at ngumiti. “Si tammy yun.” Saad nya agad para hindi na ako mag tanong pa.

“Bakit daw?” Tanong ko naman. Napapansin ko din na halos isang linggo na syang tinatawagan ni Tammy tapos gabi na rin sya nauwi, dahil lagi ko syang hinihintay, buti nalang at minsan ay night shift ako kaya nakakaligtaan kong hintayin sya.

Ilang minuto syang hindi sumagot at lumiko para pumasok sa parking area. Pag park namin ay tumingin sya sa akin. “Wala ang parents nya kaya ayun, laging nag papasama mag shopping.”

Tumango pa ako. “Sabagay, ngayon lang sya nahiwalay sa parents nya, kapag may free time ako ay sasama ako sa inyo, namimis ko na din kasi ang batang makulit na yun.”

Ngumiti pa sya at hinalikan ang kamay ko. “Okay…”

Nasa loob kami ng grocery at nasa vegetables area pero hindi kami makabili ng maayos dahil panay ang pacute ni Lid. Nadun ang kikilitian nya ako sa tagiliran or kaya naman ay hahalikan sa pisngi kaya bigla akong matitiglan at mamumula ang pisngi ko saka sya tatawa at aasarin ako.

“Solid!” Saway ko sa kanya ng tapos na kaming pumila sa counter at hawak-hawak na nya ang kamay ko. Panay halik nya kasi doon na parang batang nag papapansin. Ngumiti sya ng mawalak at hindi na nag salita.

“Anong gusto mong lutuin ko?” Tanong ko habang nag lalakad na kami sa ground floor ng mall.

“Gusto ko ng adobo.” Parang bata nya pang sagot.

“Ano pa?”

“Tortang…” Natigil sya sa pag sasalita at napako ang mata sa isang lugar. “Talong.”

Tumingin ako sa tinitingnan nya. May isang banda ang natugtug sa stage at maraming taong nakatayo at nakataas ang kamay habang natalon at nasabay sa kanta at beat ng banda. Napatingin ako sa malaking poster sa likod nila. Malaking pangalan ng GIRLISM ang nalagay doon at ang apat na mukha ng babaeng cute habang nakapose ng nakatayo at nakapamewang ng astig.

Color coordinated ang suot nila. Ang dalawang nasa mag kabilang gilid ay puti ang suot na t-shirt na may pink printed na Girlism at palda na kulay itim na lagpas tuhod with matching chuck taylor na itim habang ang drummer at vocalist naman na nasa gitna ay naka itim na t-shirt na may printed name din na pareho sa dalawang nasa mag kabila nila pero puti naman  ang kulay at ang palda ay puti rin naman habang pareho ng chuck taylor na itim din ang suot.

“I love you Meg!”

“Marry me Rei! You’re my bias!”

“Miki! Pakiss!”

“Tomo, pwede na akong mamatay ngayon nakita na kita!”

Sobrang ingay ng mga fans ng banda at sobrang enjoy sila sa tugtug na galing sa apat ng cute at astig na babae sa stage. Magagaling sila at lively mag perform. Ang awesome nila, lalo yung vocalist. Sobrang lakas ng stage presence nya habang panay ang tipa ng electric guitar kasabay ng pag kanta at pag head bang. Bigla kong naalala si Haley Williams sa kanya dahil kasing powerful nito ang boses ng babae sa stage ngayon pati ang charisma ni Haley Willliams ay kuhang-kuha. No wonder, a lot of men are drooling over her.

Tumingin ako kay lid na tigtig na tigtig sa bandang nasa stage. “Solid.” Pukaw ko sa kanya pero parang hindi nya ako narinig. Nag uumpisa na akong mairita. “Solid Valencia!” Sigaw ko saka sya hinampas sa braso. Natauhan sya at tumingin sa akin.

“What?”

 “Anong what?” Sinamaan ko sya ng tingin. “Kanina kapa nakatingin sa bandang nasa stage, may gusto ka ba isa dyan?” Dinuro ko pa sya. “Baka naman isa dyan dinadate mo na, sasakalin talaga kita!”

Tumawa sya at kinurot ang pisngi ko. “Selosa!”

“Selosa talaga ako.” Sagot ko pa. “You promised that I’m the only one. Remember?”

Nawala ang ngiti sa mga labi nya at tumango. “Oo…ikaw lang.”

Yumakap ako sa bewang nya at napangiti ng maramdaman ko naman ang mga kamay nyang yumakap pabalik sa akin.”I love you Lid. Hindi ko kayang mawala sa akin. Ikamamatay ko.”

Hindi sya nag salita kaya bahagya kong inangat ang tingin ko sa kanya. Nanlumo ako ng makita kong nasa stage na naman ang tingin nya. “Lid ano ba? Naiirita na ako huh.” Kumalas ako ng yakap sa kanya at iniwan sya.

“Mara, ano ba, bakit ka nagagalit?”

“Eh kasi kung sino-sino tinitingnan mo. Ako ang kasama mo kaya pwede bang sa akin ka mag focus!”

I lost it. Naiinis ako. Ayokong may ibang nakikita si Lid. Gusto ko ako lang.

Lumapit sya at niyakap ako. “Sorry…”

Hindi ako gumalaw at sumandal lang sa dibdib nya. Matangkad sya sa taas na 6’2 kaya towering talaga sya sa hight kong 5’5 lang. “Nag seselos lang naman ako kasi ayokong may iba kang nakikita. Lid mahal na mahal kita.”

“I…love you…too.”

Ngumiti ako dahil alam kong ako lang ang mahal nya. Siguro ay na-curious lang sya doon sa banda kasi puro babae at ang astig tingnan kaya hindi maalis ang tingin nya. Alam kong mababaw ang pag seselos ko pero mas mabuti ng hawakan ko sa leeg si Solid dahil hindi ko kakayanin kapag may ibang babaeng umagaw sa kanya sa akin dahil baka mapatay ko lang. Oo, handa akong pumatay para sa pag mamahal. Gagawin ko lahat para kay Lid dahil akin sya. Akin lang sya. 

-----------

Readers hindi ako bias kay Megumi huh hahahah! Thanks sa lahat ng active readers ko, keep it up at doon naman sa ibang readers ko dyan, wag naman masyadong silent reader, baka bigla nalang ako topakin at hindi na ako mag update kahit kailangan at maging silent author naman ako. 

Please be an active reader, your comments motivates me to update faster as I could.

Seguir leyendo

También te gustarán

325K 7.8K 62
Naging: #1 Spiritual #1 Romantic-friendship #1 Muslim Sa aming mga Muslim, normal lang sa amin ang parental marriage. Mga magulang namin ang may ma...
276K 14.3K 52
White: Wala ba talagang beaches dito? Her: Kuweba marami! White: Isang kuweba lang ang napasukan ko. Her: Ano? White: Kuwebang naglalakad. Her: Wal...
152K 10.7K 56
Azzerdon Villegas & Danica Evañez story Dahil sa padalos-dalos na desisyon ay iniwanan ni Danica si Azzerdon at namuhay mag-isa kasama ng naging bung...
3M 53.8K 66
Blackmail and Lies. iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo-Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa...