Locker 246

Від lycopenelover

217K 8.9K 1.8K

Mico Padua is deeply and secretly in love with Tyrone Rivera, an obnoxious, tall, dark and handsome guy from... Більше

Disclaimer
PROLOGUE
First Chapter - The "Stalker" and the "Gangster"
Second Chapter - Rude Boys
Third Chapter - Ang Kayamanan ng Gangster
Fourth Chapter - Halik
Fifth Chapter - New
Fifth Chapter - New (Part II)
Sixth Chapter - The Deal
Seventh Chapter - Kiss v. 2.0
Eighth Chapter - Y so stubborn, Mr. Gangster
Ninth Chapter - Pakielamerong TJ
Tenth Chapter - Luis
Twelfth Chapter - Gusto Kita
Thirteenth Chapter - Changes
Fourteenth Chapter - Flashbacks
Fifteenth Chapter - Memories
Sixteenth Chapter - He's 20.
Seventeenth Chapter - Best Birthday Gift Ever
Eighteenth Chapter - The Unexpected Visit
Nineteenth Chapter - Secret Uncovered
Twentieth Chapter - Golden Stars
Twenty-first Chapter - First Night Together
Twenty-second Chapter - Deleted
Twenty-third Chapter - Galit Ako
Twenty-fourth Chapter - It starts...
Twenty-fifth Chapter - Actions say it all
Twenty-sixth Chapter - Apology Gift
Twenty-seventh Chapter - Stalker No More
Twenty-eighth Chapter - Gangster No More
Twenty-ninth Chapter - Congratulations!
Thirtieth Chapter - Gabriel
Thirty-first Chapter - Love(d)
Thirty-second Chapter - Saltikin
Thirty-third Chapter - The Gangster, The Saltikin and Me
Thirty-fourth Chapter - Saltikin <3 Bansot
Thirty-fifth Chapter - Harana
Thirty-sixth - The Night That Changed Everything
Thirty-sixth - The Broken Vow (36.2)
Thirty-seventh Chapter - Yakap
Thirty-eighth Chapter - I Can Feel It
Thirty-ninth Chapter - A Rabbit In A Lion's Den
Fortieth Chapter - The Lion's Secret
Forty-first Chapter - The Rabit's Knights
Forty-second Chapter - Lion Unmasked

Eleventh Chapter - Mahal kita, mahal mo siya

4.5K 176 3
Від lycopenelover


*****

Chapter 11

Mico's P.O.V.

"Thank you." ani Luis pagkatapos siyang abutan ng isang tasa ng kape ng kapatid kong si Mikay.

"You're welcome po." sagot naman ng kapatid ko. With matching pacute nga eh. Talande din talaga itong isang to eh.

Kanina pa kami nakarating dito sa bahay at hanggang ngayon, umuulan pa rin. Nakapagbanlaw na kami ni Luis. Pinahiram ko siya ng malaki kong t-shirt at pajama. Yung pajama parang naging tokong. Ang tangkad niya kasi eh. Haha.

Inimbitahan rin siya ni mama na habang pinapahupa ang ulan at baha ay dito na muna siya sa amin. Hindi na rin siya nakatanggi kasi sa lagay ng panahon, mahihirapan lang siyang makauwi sa kanila nang buhay. Yup. Life-threatening talaga yung bagyo.

Mabuti na lamang at may stock kami ng pagkain sa ref. Nag-saing ako at naglaga ng butu-buto ng baboy para naman mainitan ang aming mga sikmura.

"Wow. You really impress me, Mico. You're not just smart, you're also talented." ani Jet habang papaupo sa harap ng dining table.

"You're right in what you said, Kuya Luis. Kuya Mico's cooking was very amazing. He's top 1 in his class since he's grade one. Tsaka valedictorian siya when he graduated in high school. He's also great in cleaning. He cleans the house everyday. He does the laundry, he goes to the market to buy our needs. He has a part-time job also. Amazing, right?" ang gatong naman ng kapatid ko. Pasimple ko siyang siniko, magkatabi kasi kami, at binulungan..

"Anong ginagawa mo?"

"Obvious ba, kuya? Edi binibuild-up kita para naman magkaboyfriend ka na. Tsaka ngayon ka lang kaya nagdala ng kaibigan mo dito. AT gwapo pa. Swerte mo dyan, 'ya." Pinandilatan ko lang siya at sa tingin ko naman ay nagets niya na ang gusto kong iparating.

"Let's eat!" ang pagbaling ko kina mama at Luis habang nakangiti. Nakatingin rin sa akin si Luis at nakangiti. Kaya para hindi ako tuluyang mailang, inabot ko nalang sa kanya yung bandehado ng kanin. Grabe, hindi pa man ako humihigop ng sabaw pinagpapawisan na ko dahil dito sa kapatid ko.

So yun, todo puri si Luis sa niluto ko nang matikman niya at habang kumakain kami ay kinakausap ito ni mama tungkol sa buhay nito at sinasagot naman niya lahat ng mga tanong ni mama. Kapag hindi nakatingin si Luis ay pasimple akong bibigyan ni mama ng makahulugang mga ngiti.

'Pati ba naman si mama? Haaaaay'

Haynako. Sabi ko na nga ba, eh. Iniisip siguro nila na may gusto ako kay Luis. Oo, gwapo nga siya pero committed na kasi yung tao at yun ang hindi pa nila alam kaya para matigil na sila..

"What's your girlfriend's name again?" ang tanong ko kay Luis. Halatang nagulat naman si mama at Mikay sa tanong ko.

"You have a girlfriend, kuya?" segunda ni Mikay.

"Uhh...yeah. She's in London and her name's Toni." sagot ni Jet habang ngumunguya.

"Aay.." ang disappointed na wika ni Mikay. Ayan kasi. Tinapakan ko na lang yung paa niya para sabihin na itikom niya na ang bibig niya.

"Uhm..narinig niyo, Ma?" ang pasimple kong sabi kay mama.

Nagpatuloy ang maagang hapunan namin at talagang hindi nila tinantanan si Luis. Parang naaawa na nga ako sa kanya, eh. Kaya nung matapos ang hapunan namin ay umakyat na kami agad ni Luis sa kwarto ko. Oops, huwag mag-isip nang masama. Oo, dito kami parehong matutulog pero ako sa lapag, siya naman sa kama. Ok?

"I'm sorry." sabi ko sa kanya habang inaayos sa kama yung mga bagong unan at comforter. Siya naman ay nakatayo lang sa gilid ko.

"For what?" aniya.

"My mom and my sister, they asked you a lot of questions earlier."

"And so? That ain't something to be sorry about. Actually, I think tita Sharon is very cool and Mica, I've always wanted to have a younger sister like her. I think you have a beautiful family." Ano daw? Tinawag niyang tita si mama? Psh.

"If you think so."

"You know, I could just sleep on the floor. You stay on your bed. It's okay with me."

"You're my visitor so it is my responsibility to make you comfortable."

"Then let's both sleep on the bed."

"Are you crazy?!"

"What? There's nothing wrong about it. It's not as if we're gonna do anything else than sleeping. Also, it's still raining outside and the floor is so cold, you might catch a cold if you'll lie there the whole night," Page-explain niya. Yung totoo niyan, ramdam ko nga kung gano kalamig yung sahig. Parang wala ring magagawa ang comforter sa lamig nito. "Don't worry, I don't bite," dugtong niya. Nahalata niya sigurong naga-alangan ako.

"O-Ok."

"Ok. Let's sleep now." aniya at humiga na. Grabe talaga yung ngiti niya. Nakasuperglue ba yan kaya hindi matanggal-tanggal?

'Matutulog lang kayo, Mico. 'Wag nang maarte'

Dahan-dahan akong umupo sa kama at nahiga. Hindi ko na maalala kung anu-anong mga paraan ang ginawa ko para makatulog pero nang magising ako at iminulat ang aking mga mata ay ang matangos na ilong at mapupulang labi ni Luis ang bumungad sa akin. Sinubukan kong lumayo pero nagulat ako nang marealize kong nakayakap siya sa akin pero tulog pa rin siya.

Dahan-dahan kong inalis yung braso niya na nakadantay sa katawan ko para hindi siya magising at nagtagumpay naman ako at nagawa kong makaupo. Nilingon ko ang bintana. Umaga na pero makulimlim pa rin sa labas. Siguro naman walang pasok ngayong araw.

Tumayo na ako at tiningnan ko muna ang natutulog na si Luis bago lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang kwarto ni Mikay, humihilik pa ito nang silipin ko, sunod kong pinuntahan ang kwarto ni mama, tulad nung dalawa ay tulog pa rin ito.

Pumunta na lang ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Sobra ang lamig ng tubig kaya hindi ko tuloy naiwasang ginawin.

Naghanda na ako ng almusal namin at sakto nang matapos ay gising na silang lahat. Matapos mag-almusal ay nagpaalam na si Luis nang dumating ang sundo niya, at hindi na siya nagpalit ng damit na suot niya, naka-pyjama pa rin ito dahil kahit drinyer yung uniform niya ay hindi pa rin natuyo ang mga ito.

Hindi ako alam ang gagawin ko ngayong araw kaya nang maalala ko ang dapat sana ay gagawin ko kahapon bago bumuhos ang napakalakas na ulan, agad akong naligo kahit tila yelo sa lamig ang tubig, nagbihis at umalis ng bahay.

Mula sa sinasakyan kong tricycle ay bumaba ako. Tiniyak ko muna ang aking desisyon bago ako tumuloy sa napakalaking bahay sa aking harapan. At nang masiguro ko sa aking sarili na gawin na ang bagay na ito, doon na ako naglakas-loob tumuloy.

"O Mico, Martes pa lang ngayon, huh. May sadya ka ba?" ani kuyang guard.

"Gusto ko ho sanang kausapin si Mister Rivera, nandiyan po ba siya ngayon?"

"Oo, sige tuloy ka," pinagbuksan ako nito ng gate. "Puntahan mo na lang siya sa kwarto kung saan ka hinatid ni Deedee dati."

"Sige ho, salamat."

Tuluyan na akong pumasok sa mismong bahay ng mga Rivera. Tulad nung una, hindi ko pa rin maiwasang humanga dito. Kahit sino ay gugustuhing manirahan sa ganitong malapalasyong tahanan kung maaalayan lamang ng pagkakataon.

Nang marating ko ang tapat ng kwartong tinutukoy ni kuyang guard, isang malalim na paghinga muna ang aking pinakawalan bago katukin ang pinto.

"Come in." ani ng isang tao sa loob, mahina ito ngunit sapat na para marinig ko.

"Magandang tanghali ho, Mr. Rivera." ang bati ko sa lalaking nakaupo sa likod ng isang itim na lamesang hugis parisukat. Muli akong nakaramdam ng pag-aalinlangan pero nang muli ko ring maisip ang mga dahilan kung bakit ko gagawin ang bagay na ito, napangibabawan ng mga ito ang pag-aalinlangang iyon.

"Mico, what brought you here?" ang may pagkabiglang bungad sa akin nito.

"Gusto ko sana ho kayo makausap, sir."

"About what? Come and take a seat," Umupo ako sa upuang inupuan ko dati nung interview-hin ako nito at ng kanyang asawa. "It should be an important thing that despite the weather we have now, you still went here just to talk to me. What is it you are wanting to say," tumayo ito at naglakad papunta sa upuan sa aking harapan. "Hmmm?"

I let out a deep sigh before talking.

"Gusto ko na po sanang mag-resign," napataas ang kilay nito pagkarinig ng sinabi ko. Dumukot ako sa aking bag ng isang envelope na naglalaman ng dalawampung libong piso at inilapag ito sa mababang mesa sa pagitan namin. "Ito ho ang advanced payment na ibinigay ninyo sa akin."

"B-But it's been just how many days? Two? Three?"

"Ipagpaumanhin niyo po pero hindi ko pala kaya ang ganitong trabaho. Ang akala ko rin po nung una ay kakayanin ko, sinubukan ko naman ho, pero hindi ko ho talaga kaya."

"Why? What did my son do to you? Did he tell you to do this? Did he scare you? Tell me and I'll make a way."

"Hindi na po kailangan, sir. Ginawa ko ho ito bilang sarili kong desisyon at wala pong kinalaman dito ang anak ninyo. Ipagpaumanhin niyo po sana ang desisyon ko."

"Is there anything I can do for you to change your mind?" Umiling ako.

"Buo na ho ang desisyon ko, sir."

"Sigurado ka?"

"Oho, sigurado ho ako."

"Well if this is really what you want to do then I have no rights to stop you. Thank you for your effort, Mr. Padua."

"Yun lamang ho ang sinadya ko sa inyo. Maraming salamat din ho. Magandang tanghali ho ulit." Tumango lamang ito at iyon ang ginawa kong senyales para tumayo na sa kinauupuan ko at lumabas ng kwartong iyon.

Siguro isang malaking kahangalan, o pagkakamali talaga ang ginawa kong pagtanggap sa trabahong ito. Kaya tama lang talaga na itigil ko na ang kahibangang ito, tama lang na nagresign ako.

"Anak, mas mabuti sigurong tumigil ka muna sa pagtatrabaho mo. Nangangayayat ka na, oh. Malaki-laki ang naitatabi kong pera at sapat yun para sa edukasyon ninyong magkapatid. Kaya sa ngayon, tama lang na huwag ka na munang magtrabaho, ha anak?" wika ni mama habang kumakain kami ng hapunan.

"Opo, mama."

"Tsaka kuya, para hindi ka na masyadong napapagod. Makakapagbonding pa tayo nila mama." ani Mikay at tinataas-baba pa ang mga kilay.

"Okay, hindi na muna ako maghahanap ng trabaho." sagot ko at uminom ng tubig.

"Pagkatapos nating kumain 'ya, panoorin natin yung Annabelle, nakakatakot daw yun sabi ng mga kaklase ko."

"May cd ka?"

"Oo nanghiram ako kay Baste. Panuorin natin, ha?"

"Sige."

Tyrone's P.O.V.

Friday...

"Bro, sabay ba tayong pupunta sa party ni Iñigo mamaya?" umakbay ito sa akin habang sabay kaming naglalakad. Agad din siyang kumalas nang sikuhin ko siya sa tagiliran niya.

Kakatapos lang ng huli naming klase at good na good ang mood ko. Kung bakit? Eh kase sa maniwala kayo't sa hindi, 29 out of 30 ang nakuha kong score sa quiz namin kanina AT hindi ako nangopya o nandaya. Halos lahat sila nakakuha ng perfect na score kasama na tong ugok na si Leo, pero masaya pa rin ako kase alam kong pinaghirapan ko yung score kong yun. That's a first and it really felt great.

"Ha? A-Ano...sige, sure. 10pm, diba?" Medyo nag-alangan pa ko kasi Biyernes ngayon at bukas eh may tutor ako. Sigurado akong magdamagan ang magiging party na yun pero okay lang, aagahan ko na lang umuwi.

"Ayos. Kita nalang tayo sa 7Eleven sa labas ng subdivision niyo." sabi nito habang binubuksan ang pinto ng kotse niya at ganun din ako.

"Ge." sagot ko at sumakay na sa kotse't pinaandar ito.

"You hungry?" ani mommy nang salubungin ako nito sa pinto ng bahay. Hinalikan ko ito sa kanyang pisngi.

"DEAD hungry," umarte ako na parang gutum na gutom na nakahawak pa sa tiyan, "where's dad?"

"In his office. C'mon, I already asked Pasing to prepare some foods for you." naglakad na siya papasok ng bahay.

"Saang office? Office dito o yung totoo niyang office?" aniko na may pagkasarkastiko.

"You know the answer, son."

Psh. Bat ko pa nga ba tinanong yun? Para namang may bago.

"Aren't you coming in?"

"Magpapalit lang ako saglit. Susunod nalang ako."

"Hmm..okay. Just make it fast, okay?" Tumango lang ako at pumunta na sa kwarto ko.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad din akong bumaba sa dining room. Nakahanda na ang meryenda ko pero di ko nakita si mommy.

"Si mommy?" tanong ko kay manang nang makaupo.

"Nagmamadaling umalis pagkatapos tumawag ng sekretarya niya," sinalinan nito ng juice ang baso ko. "sige na kumain ka na ako na lang ulit ang sasabay sayo." at umupo ito tabi ko.

"Ano pa nga ba," kinagatan ko ang sandwich ko, "Si Jet dumating na ba?"

"Hindi ko napansin. Oo nga pala, TJ, yung tut---" di na naituloy ni manang yung sasabihin niya dahil biglang sumulpot si Jet.

"Hi, manang. Ano pong kinakain ninyo?" ani Jet.

"Dumating ka na pala. Hala't igagawa din kita ng sandwich. Sabayan mo si TJ." Tumayo si manang at umupo naman si Jet sa katabing upuang tinayuan nito.

"I heard about Iñigo's party later, you going?" Di ako sumagot at sumubo lang ako nang sumubo ng fries. "Pupunta si Kat," napatingin ako sa kanya, "so you better go, too."

"Ikaw, pupunta ka?"

"I don't know. Siguro hindi. Baka. I haven't decided yet."

'Wag ka nang pumunta!!'

Inubos ko ang laman ng baso ko at tumayo na. Nawalan na ko ng gana.

Iniisip ko palang na pwede kaming magkita ni Katarina sa party mamaya, kinakabahan na ko. Kakausapin kaya niya ko? Sasagot kaya siya kapag kinausap ko siya? Ngingiti kaya siya kapag nginitian ko siya? Dapat ko ba siyang ngitian? Arghh!!!! Pagdating talaga sa kanya gulung-gulo ang utak ko!!!

Pagkatapos ng hapunan ay naligo na ko at medyo nahirapan akong mamili ng susuotin ko. Mag-ge-grey ba ko na polo o pula? Sabi kasi ni Katarina, gwapo kong tingnan sa grey. Gusto ko, kapag nagkita kami mamaya, presentable ako. Teka, kahit ano namang isuot ko presentable ako, eh!! Sa huli ay grey na long sleeved-polo ang sinuot ko. Itinupi ko ang paregong manggas hanggang sa ilalim ng siko. Tinernuhan ko ito ng semi-fit na maong at puting rubber shoes.

"Bro, ang tagal mo naman, 10 yung party, anong oras na oh? Quarter to 11 na!" Bungad sakin ni Jet nang magkita kami sa tapat ng 7eleven.

"Ayos lang yan. Baka nga di pa yun nagsisimula, eh. Excited kang masyado."

Pareho kaming may dalang auto at saktong 11:20 nasa bahay na kami nila Iñigo. Dinig na dinig ang malakas na tugtog mula sa loob. Sa labas na lang kami nag-park at pumasok na sa loob.

"Oo nga, bro!! Hindi pa nagsisimula!!" malakas na sabi ni Leo. Hindi pa nga nagsisimula, konti pa lang yung tao at sa may pool area ang party.

Agad kaming napansin at nilapitan ni Iñigo.

"Happy birthday, dude!!" bati ni Leo dito at nagmanly hug ang dalawa.

"Happy birthday!!" bati ko rin dito.

"Thanks!! Thank you for coming!! Enjoy the party!!" Nagpaalam itong pupuntahan ang iba niyang bisita.

Kami ni Leo ay naghanap ng table na walang nakapwesto. Unti-unting dumami ang mga tao ilang saglit pa ang lumipas pero hindi ko pa rin makita ang kanina ko pa hinahanap. Tiningnan ko ang wrist watch ko, 11:45 na. Biglang namatay ang mga ilaw at nawala rin yung tugtog, nagtilian tuloy yung mga babae. Tapos may spotlight na tumutok sa parang platform kung saan nakatayo si Iñigo. Psh. Ang corny.

"Ang corny, bro." bulong sakin ni Leo. Haha. Pareho pala kami ng iniisip.

"Hi, guys!!" ani Iñigo at ngumiti, "I would like to extend my dearest gratitude to each and everyone of you for making it tonight. I am really grateful for I am celebrating my birthday with all of you. So....I hope y'all are gonna enjoy the rest of the night and.....let the party begin!!!" biglang bumukas ang mga ilaw kaya napapikit ako, nagsimula uling yanigin ang lugar ng napakalakas na tugtugan.

Pagdilat ko ng mga mata ko at paglingon ko sa may kanan ko ay nakita ko ang babaeng kaninang-kanina ko pa hinihintay, nakatayo siya suot ang isang kulay itim na dress na nagpalutang ng maputi niyang balat-ang ganda-ganda niya. Naramdaman ko na lang ang mabilis na pagpintig ng puso ko habang pinagmamasdan ko siya.

Naglakad siya palapit sa isang grupo ng mga babae na sa tingin ko ay mga kaklase niya at nagbatian ang mga ito. Hindi ko na inalis pa ang tingin ko sa kanya. Ayokong mawala pa siya sa paningin ko. Bawat galaw niya, pinapanood ko. Ni hindi ko na nga namalayan na alak pala yung pinainom sakin ni Leo dahil sa kanya ako nakafocus.

Palingon-lingon din siya sa paligid paligid niya. Siguro hinahanap niya yung pinsan ko. Hindi ko naiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib. Tinungga ko ulit yung laman ng baso ko.

Nang muli ko siyang tingnan ay nagmamadali siyang nagpaalam sa mga kasama niya at nang tingnan ko kung saan siya pupunta, nakita ko ang bagong dating na si Jet.

May sinabi siya dito saglit bago niya ito hinatak sa braso palabas ng lugar. Nagpaalam ako saglit kay Leo para sundan sila pero hindi ko alam kung saan na pumunta ang mga ito. Tiningnan ko rin kung nasa labas ang mga ito ngunit di ko sila nakita. Wala akong nagawa kundi bumalik sa loob at uminum nang uminom habang hinihintay na bumalik sila.

"Kuya pwedeng pahingi ng ice?" dinig kong sabi ni Leo. Medyo humina nang konti yung sounds kaya di niya na kailangang sumigaw.

"Bro, hinay-hinay muna. Baka di ka na makapagdrive pauwi niyan." ang pagbaling nito sakin. Di ko ito pinansin.

"May problema ka ba, bro?" ang pagkausap ulit nito sakin pero hindi ako tumugon. Kumuha ulit ako ng cocktail sa waiter na naglalakad-lakad at ininom ito.

"Si Katarina na naman yan hula ko." Napatingin ako sa kanya saglit ngunit agad rin akong nagbawi ng tingin. "So I was right. It's her again. It was always her." dahil bestfriend ko si Leo, alam niya na gusto ko si Katarina pati na rin ang pagreject nito sakin. "And speaking of her, ayun siya, oh," napatingin ako sa inginuso niya. Asan na si Jet? Bakit di niya kasamang bumalik?

"Sir, ito na po yung ice ninyo." ani ng isang pamilyar na boses. Nang tingnan ko ang may-ari nito ay nagulat ako.

"IKAW NA NAMAN?!?" Napatingin ito sakin at nagulat din siya nang makita ako.

"Kilala mo siya, bro?" ani Leo. Sasagot pa lamang ako nang magsalita ulit siya habang nakatingin sa direksyon kung nasan si Katarina. "Bro aalis na yata siya." Napalingon din ako at nakita kong tumayo na ito at naglakad na palabas. Agad akong tumayo para sundan ito, sumunod sakin si Leo.

Nang nasa may likuan kami ay agad akong nagtago at dumikit sa pader nang marinig ko ang boses ni Katarina na parang may kausap.

"Get out of my way." aniya.

"Bro, bakit tumigil ka?" ani naman ni Leo na nasa likuran ko. Sumenyas lang ako sa kanya na tumahimik siya para marinig ko kung sinong kausap niya.

"Ano ba?!" Bahagya akong sumilip at nakita ko si Katarina at dun ko lang nalaman kung sino ang kausap nito, si Jet. Hawak-hawak siya nito sa braso. "Bitiwan mo nga--"

At ang mga susunod kong nasaksihan ang pinakasamakit na nakita ko sa buong buhay ko. Pakiramdam ko ay mas nadurog sa mas maliliit na piraso ang puso ko. Nagsisi ako kung bakit sumilip pa ako. Pero sa kabila ng sakit na nararamdaman ko habang pinapanood kong magkalapat ang kanilang mga labi, hindi ko magawang pigilan ang aking mga mata na titigan sila.

Ang tagal ng naging halikan nila sa puntong pareho nilang hinahabol ang hininga nila nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Ang sunod na nangyari ay ikinabigla ko. Sinampal ni Katarina si Jet.

"Ano ba talagang tingin mo sakin? One day you're telling me you don't feel anything for me and you're doing the opposite the next! Laruan ba ang tingin mo sakin, ha Jet?!! How dare you to---"

"I lied," mahina ngunit sapat na para marinig ko na sabi ni Jet, "that day," huminga ito nang malalim, "when I told you that I don't feel the same way as you do," naramdaman ko ang patuloy na pagtibok ng puso ko sa dibdib ko, at sa bawat pintig nito, palala nang palala yung sakit na nararamdaman ko, "the truth is I really, really feel for you, I love you very much. And telling you those lies that day was the worst thing I ever did in my life. I made you cry, I made you hurt, all because of my cowardness. But now, I can't stand lying to you, to myself and to everyone else of how I really feel for you, anymore. So I already decided..."

"Tara na TJ," ang pilit na paghila sakin ni Leo para hindi ko na marinig pa ang mga susunod na sasabihin ni Jet. "mas masasaktan ka lang kung maririnig mo pa yung magiging sagot ni Katarina." ayokong umalis, gusto kong marinig ang sagot niya, tanga na kung tanga.

"Tyrone yung susi ng kotse mo naiwan m--Teka, ano bang ginagawa niyo dyan?" boses iyon ni Mico galing sa likod namin ni Leo pero hindi ko ito nilingon at pinagpatuloy ko lang ang pakikinig sa usapan nila Jet.

"I'll take the risk to take the chance of loving you. I want to be happy with you. And I hope you would let me.."

"Sino bang sinisilip niyo diyan?" / "TJ tara na." ang sabay na sabi nina Mico at Leo pero parang hindi ko na naintindihan pa.

**********

Продовжити читання

Вам також сподобається

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...