Reincarnated as the Seventh P...

By Airosikin

822K 51.4K 72.3K

Book 2 of Reincarnated as the Seventh Princess (Trilogy) READING THE FIRST SEASON IS A MUST❗ Language: Filipi... More

Book 2 (Completed)
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII: The Cryosail
Kabanata LXIV
Kabanata LXV (Part 1)
Kabanata LXV (Part 2)
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII (Larong Pampalakasan Part 1)
Kabanata LXVIII (Larong Pampalakasan Part 2)
Kabanata LXIX (Larong Pampalakasan Part 3)
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV (Ang Kaarawan ng Bida)
Kabanata LXXV
Kabanata LXXVI
Kabanata LXXVII
Kabanata LXXVIII
Kabanata LXXIX
Kabanata LXXX
Kabanata LXXXI
Kabanata LXXXII
Kabanata LXXXIII
Kabanata LXXXIV
Kabanata LXXXV
Kabanata LXXXVI
Kabanata LXXXVII
Kabanata LXXXVIII
Kabanata LXXXIX
Kabanata XC
Kabanata XCI
Special Chapter: RATSP Christmas Edition
Kabanata XCII
Kabanata XCIII
Extra 1
Kabanata XCIV
Kabanata XCV (First Date?)
Kabanata XCVII
Kabanata XCVIII
Kabanata XCIX
Kabanata C
Kabanata CI
Kabanata CII
Kabanata CIII
Kabanata CIV
Kabanata CV
Kabanata CVI
Kabanata CVII (La Familia Agrigent)
Kabanata CVIII
Kabanata CIX
Kabanata CX (Ang Kaarawan ng Hari: Unang Bahagi)
Kabanata CXI (Ang Kaarawan ng Hari: Ikalawang Bahagi)
Kabanata CXII (Ang Kaarawan ng Hari: Huling Bahagi - 1 [Paubaya])
Kabanata CXIII: Ang Kaarawan ng Hari (Huling Bahagi - 2 [Alab])
Kabanata CXIV: Pag-amin
Kabanata CXV: Ang Kasagutan
Kabanata CXVI: Ang Pagsiwalat ng Katotohanan
Kabanata CXVII: Sandigan
Kabanata CXVIII: Ang Kaharian ng Naia (Unang Bahagi)
Kabanata CXIX: Ang Kaharian ng Naia (Ikalawang Bahagi)
Kabanata CXX: Ang Kaharian ng Naia (Huling Bahagi)
Kabanata CXXI: Aerwyna
Kabanata CXXII: Ang Pangako (Epilogue for Book 2)
Author's Note

Kabanata XCVI

10.4K 797 1K
By Airosikin

ELIANA'S POV

Halos gabi na rin nang makabalik kami ni Eryx sa palasyo ng kaharian ng Umoewin. Pasimple pa kaming dumaan sa likurang bahagi ng palasyo dahil baka kung ano pang tsismis ang kumalat sa aming dalawa lalo na at nagsisimula na rin magsidatingan ang mga bisita ni Zephyr para sa kanyang enggrandeng selebrasyon.

"Dadalo ka pa ba sa pribadong hapunan na inihanda ni Prinsipe Zephyr?" Dinig kong tanong pa ni Eryx bago kami mag-iba ng tinatahak na pasilyo. Ako ay pabalik sa silid ng reyna habang siya naman daw ay magpapahinga muna at mukhang hindi na siya dadalo muna sa selebrasyon.

"Mukhang hindi na. Gusto ko nang umuwi." Tamad kong saad at humikab-hikab pa ako dahil dama ko na ang pagod sa katawan ko sa haba ba naman nang nilakad namin.

"Gusto mo bang ihatid na kita sa dormitoryo mo?" Suhestyon niya pa na mariin ko naman tinanggihan.

"Hindi na. May karwahe namang nakalaan sa akin." Bagot kong sagot dahil sigurado naman ako na iyon pa rin ang karwaheng gagamitin ko pauwi.

"Kung gayon ay mag-iingat ka pabalik. Paniguradong na kay Binibining Aiah na ang iyong mga damit." Saad niya pa.

Huminto rin muna kami sa pagpalakad dahil dito na talaga ang pasilyo na kung saan mag-iiba kami ng landas.

"Sige na." Tango ko pa sa kanya bilang paalam at tatalikod na sana ako nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko.

"Eliana."

"Oh?" Taas kilay ko naman na tanong habang hinihintay ang sasahihin niya.

Sandali niya pang tinitigan ang mukha ko bago mariin na umiling at umayos ng tindig.

"Wala naman. Sinisiguro ko lang na hindi panaginip ang nangyari kanina." Kaswal niya pang pahayag dahilan para mapangiwi na lang ako sa pagtataka.

Napangiti naman siya sa ekspresyon ko pero bago pa man ako makareklamo ay marahan niyang ipinatong ang kamay niya sa ulo ko at marahang hinaplos ito. Yumuko rin siya palapit sa akin at bahagya akong nginitian.

"Salamat at magandang gabi sa'yo." Mahinahon niyang paalam saka lamang niya inalis ang pagkakapatong ng kamay niya sa aking ulo na para bang isa akong bata.

Hindi na rin ako sumagot at hinatid ko na lamang siya ng tingin palayo.

Nang tuluyan nang nakaalis si Eryx sa paningin ko ay saka lamang ako napabuga ng hangin. Maging ako rin naman ay hindi makapaniwala na nakatiis kaming dalawa na magkasama ng halos isang buong araw ng hindi nag-aaway.

Marahan ko pang hinawakan ang ulo ko na kaninang pinatungan niya ng kamay saka palihim na lang akong napangiti. Hindi na rin pala masama ang nadudulot niyang kaginhawaan sa sistema ko.

Nakakatakot lang dahil baka kapag nagtagal ay masanay na ako sa presensya niya sa tuwing mabigat ang aking pakiramdam.

"Prinsesa Eliana!" Malakas na sigaw ng isang babae na bahagyang pamilyar sa akin.

Napalingon naman ako kaagad sa pinanggilan ng sigaw na nagmula pa sa dulo ng pasilyo at namataan ko agad si Aiah na tumatakbo palapit sa akin dala ang kung anong mga damit. Sa tabi niya rin ay si Cainon na binibilisan din ang takbo saka ako padamba akong niyakap. Kamuntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa bigat niya, pero mabuti ay naitukod ko agad ang paa ko.

"Labis pong nag-alala ang Reyna Zephariah noong tumakbo po kayo paalis at hindi na namin kayo muling nakita." Mangiyak-ngiyak na saad ni Aiah habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko kung kumpleto pa ba ako at buhay. "Saan po ba kayo nagpunta? Halos himatayin na po kami nang dumating bigla ang mga kasuotan niyo. Akala namin kung ano na po ang nangyari sa inyo." Dugtong niya pa habang patuloy pa rin siya sa pagsipat sa kabuuan ko.

Nagkibit balikat lang ako sa kanya saka pinagtuunan ng pansin si Cainon na yakap pa rin ako at nakasubsob sa tyan ko ang mukha. Marahan ko munang hinimas ang kanyang ulo bago iangat ang mukha niya paharap sa akin.

"Ano na namang problema mo? Umalis lang ako saglit." Taas kilay kong tanong.

'Malungkot ka kasi kanina bago ka umalis. Umiyak ka na naman ba mag-isa, Ate Eliana? Di ba ako nga po ang magpupunas ng luha mo kapag umiiyak ka pero umalis ka.' Mabilis niyang senyas sa akin na hindi ko na halos nagawa pang sumagot dahil muli na naman niya akong niyakap ng mahigpit.

"Para kang ewan." Saad ko pa habang napapabuntung hininga na lang ako sa ipinapakitang lambing niya.

"Prinsesa Eliana, puwede na po ba kita igiya kung saan ka namin aayusan? Kailangan ka na po kasi namin ayusan para sa pagdiriwang mamaya." Magalang na pagsingit naman ni Aiah dahilan para mangunot ang noo ko.

"Aayusan? Para saan? Kaya ko naman ayusan ang sarili ko." Naguguluhan ko pang tanong habang pinapaayos ko na si Cainon ng tayo para makalayas na kami.

"Habilin po kasi sa amin ni Prinsipe Zephyr ang inyong damit at ayos mamaya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan bilang importanteng bisita ka niya." Paliwanag niya pa.

Iba na talaga magdiwang ang mga aristokrata. Pati mga bisita inaayusan na. Libreng salon naman pala dito.

"Hindi na." Bagot kong pagtanggi at nagsimula na akong maglakad paalos habang akay si Cainon. "iIbigay niyo na lang ang damit ko kanina at ako na ang mag-aayos sa sarili ko. Hindi naman ako ignorante pagdating sa pag-aayos." Dugtong ko pa at balak pa wwnang sumabat ni Aiah sa akin pero itinaas ko lang ang kamay ko hudyat na manahimik na siya dahil wala akong panahon para maging manika ng mga katulong dito.

"Masusunod po, Prinsesa Eliana." Pagsuko niya na sa akin saka ako sinundan sa paglalakad tungo sa silid kung nasaan ang mga damit ko.

*****

Mahigit trenta minutos lang ang inabot nang aking pag-aayos dahil damit lang naman ang pinalitan ko. Pinanatili ko na lang ang pagkakagawang pusod ng aking buhok. Hindi na rin ako nag-abala pang lagyan ng kolorete ang mukha ko dahil maganda na ako.

Hindi na rin kami nag patumpik-tumpik pa ni Aiah dahil tinungo na namin ang daan tungo sa throne room. Nagpaalam na rin sa akin si Cainon na sasabay na lang siya sa reyna dahil mukhang isa siya sa mga nais umalalay sa kanya.

Habang tinatahak ang maliwanag at preskong pasilyo ng palasyo ay pasimple kong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng lugar dahil na rin sa biglang pag-iiba ng estilo ng pagkakagawa sa bahaging ito ng palasyo. Wala na rin kasi ang mga nakakabit na gawa ng reyna sa dingding at sa halip ay puro mamahaling larawan na lang ang nandito na puro mga kalalakihan at mukhang mga nakaraang pinuno ay prinsipe ng Umoewin. Wala halos maski isang larawan ng mga naging reyna o prinsesa dito hindi tulad ng sa  Cymopoleia na kahit papaano ay nakalantad ang mga pagmumukha nina Sunniva sa dingding pati na rin ang sa ina ni Eliana.

Bukod dito ay bukas din ng kisame at tila ba may mga ulap na iba't ibang kulay ang gumagalaw dito na sinasabayan ng mga alitaptap na nagliliwanag tulad ng sa mga bituin sa madilim na gabi. May mga kawal na mayroong pakpak ng tulad ng sa isang puting ibon ang nagpapatrol sa buong  paligid kaya talagang bantay sarado ang buong lugar. Hindi na rin masama ang atmospera ng palasyo kung tutuusin dahil talagang isinasabuhay nito ang presko at ginhawang naidudulot nito tulad ng elemento ng hangin.

Nagpatuloy lang kami ni Aiah sa tahimik na pagtahak ng napakalawak na pasilyo nang mapansin ko ang mahigit sampung kawal na nakapalibot at mukhang nagbabantay sa isang dambuhalang pinto na sampung beses ata ang laki kumpara sa ordinaryong pinto. Sa pag-aakalang iyon na ang silid na patutunguhan namin ay doon na ako dumiretso at hindi ko na namalayan kung nakasunod pa ba sa akin si Aiah o nauna na siya.

Hindi ko rin alam kung bakit pero nang mahagip ng pintong iyon ang aking atensyon ay may kung anong kakaibang enerhiya na akong naramdaman mula doon. Kakaiba ang sensasyon at lakas ng enerhiya na nagmumula sa direksyon ng pinto na para bang pamilyar ito sa akin na parang hindi rin. Pero hindi ko maintindihan kung bakit mainit ito sa pakiramdam at para bang kilala ito ng kung anong parte ng pagkatao ko na hindi ko rin lubos maintindihan.

Mistulang nahipnotismo na lang ako ng kung ano mang enerhiya ang nasa loob ng silid na iyon kasabay nang mabilis na pagtibok ng aking puso. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang ang buong atensyon ko ay nandoon lamang sa pinto at wala akong ibang hinahangad kundi ang makita at mas lalong maramdaman ang enerhiya na nagmumula sa loob nito. Hindi ko na halos napansin na naalerto na halos ang mga tagabantay ng silid dahil sa tuloy-tuloy kong paglalakad tungo dito.

Ano bang nangyayari sa katawan ko? Bakit pamilyar sa akin ang kung ano mang enerhiya na nagmumula sa pintuan na iyon? Ano bang mayroon doon?

"Hoy, hindi ka maaaring lumapit dito! Tumigil ka sa paglalakad kundi ay mapipilitan kaming daanin ito sa dahas!" Pakiramdam ko ay sinisigawan ako ng isang kawal at mukhang iaamba na niya sa akin ang hawak niyang sibat pero wala akong pakialam.

Dahan-dahan kong inabot ang seraduhan ng pinto na para bang may ibang kumokontrol sa mga kamay ko. Ngunit natigil lamang ito nang biglang may humawak sa aking kamay at mahinahon itong ibinaba.

"Hindi maaaring basta-basta makapasok sa sagradong silid na ito, Prinsesa Eliana." Mahinahong saad ng isang babae na pamilyar sa akin ang tono ng boses.

Mistulang natauhan naman ako sa boses ng babae at maging sa init ng mga palad nito dahilan para mabilis ko naman lingunin ang gawi niya.

Bumungad sa akin ang maamo at magandang mukha ng isa sa mga babaeng mayroong natatanging ganda sa kahariang ito na walang iba kundi si Amaya. Sandali niya pang sinalubong ang tingin ko na mistulang ineeksamin niya ang aking mukha bago ibinaling ang kanyang tingin sa mga kawal na nakapalibot sa amin.

Doon ko lang napansin ang mahigit sampung kawal na alertong nakatingin na sa akin at mukhang handa na akong ambahan ng sibat at mga sandata. Napagtanto ko rin ang kagagahan na ginawa ko kaya hindi ako halos magkandaugaga sa pag-ayos ng aking tindig sabay sapo sa aking noo.

Ano ba naman kasi ang nangyayari sa akin? Bakit parang hinihipnotismo ako ng enerhiya na nagmumula sa pintuan na ito? Ano bang mayroon dito? Ano na namang katangahan ito? 

"Marahil ay hindi sanay ang Prinsesa sa mga gawi ng ating kaharian kaya naligaw siya sa parteng ito ng palasyo." Saad ni Amaya habang diretsong-diretso ang kanyang tindig at hindi man lang kababakasan ng takot o intimidasyon ang kanyang mga mata. 

Maging ako ay natigilan sa ipinapakita niyang tapang na halos masasabi ko nang mukhang hindi talaga siya natatakot sa mga kawal na nakapaligid sa amin at mukhang mataas din ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili. 

Mukhang alinlangan din ang mga kawal na tumugon sa kanya lalo na at malaki-laking kasalanan ata ang nagawa ko.

Sinipat pa nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa na halatang iba na rin ang kanilang binabalak sa akin dahil mas pinagtutuunan na nila ng pansin ang aking dibdib. Pakiramdam ko naman ay nabastos din ako sa tingin nila kaya balak ko na sanang umalma at makipagsuntukan pero mabilis na humarang si Amaya sa aking harapan wari'y ikinukubli ako sa mga kawal na labis ko rin ikinagulat.

"Ipagpaumanhin niyo na ang ginawa niya. Hindi niyo naman siguro nais makarating kay Prinsipe Zephyr ang ginagawa niyong pangbabanta sa buhay at katawan ng kanyang bisita?" Pino ang boses at halata ang pagbabanta sa dating ng pananalita ni Amaya.

Kahit likuran niya lang ang nakikita ko ayon sa lente ng aking puwesto ay hindi ko maitatanggi na ang tindig niya ay nagsusumigaw ng katapangan at kawalan ng takot na harapin ang mga kalalakihan na nasa harapan namin.

Sandali pang nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming lahat na halatang nagpapakiramdaman kami sa isa't isa hanggang sa kusa na lang din nagbaba ng mga sandata ang mga kawal at nagkatinginan sa isa't-isa.

"Tsk. Tara na nga." Inis na saad ng parang pinakapinuno ng grupo ng mga kawal. "Mga kababaihan talaga kung makaasta akala mapapantayan ang antas ng mga lalaki." Dugtong niya pa saka kami tinalikuran at hindi na binigyan pa ng pagkakataon na magsalita o  sumabat.

Inis ko na lang na naikuyom ang aking mga kamao dahil sa narinig ko. Nakakagigil magpigil ng inis kapag ganoong bagay ang naririnig laban sa mga babae. Gaano ba kalaki ang impluwensya ng galit at poot nila laban sa mga kababaihan?

"Prinsesa Eliana, ayos ka lang po ba? Nawala ka na lang bigla sa likod ko. Akala ko po nakasunod ka lang sa akin at --- ah! Binibining Amaya, kayo po pala 'yan. Magandang gabi po." Natataranta naman na sumulpot mula sa kung saan si Aiah at hindi na malaman kung sino ang una niyang kakausapin sa pagitan naming dalawa ni Amaya.

"Magandang gabi, Aiah." Nakangiti at mahinhin na pahayag ni Amaya.

Hindi talaga maitatanggi ang ganda at lakas ng kanyang dating lalo na kapag tumindig na siya ng maayos.

Natataranta naman na yumuko sa kanya si Aiah wari'y nahihiya at halatang malaki ang respeto niya sa babaeng ito. 

"Ayos ka lang ba, Prinsesa Eliana?"Baling naman sa akin ni Amaya. Sinipat niya rin ako mula ulo hanggang paa upang tukuyin ang kalagayan ko habang ako naman ay nanatiling tahimik.  "Pasensya na kung nabigla ka sa mga kawal kanina. Sadyang hindi lang talaga maaaring pumasok sa silid na ito lalo na kung hindi ka miyembro ng monarkiya ng Umoewin."

"Hindi ko naman alam." Pag-aamin ko dahil hindi ko naman talaga alam kung ano bang mayroon dito at parang hinahatak ako ng kung ano mang malakas na enerhiya. "Hindi rin naman ako papatol sa mga mababang uri." Gigil ko pang tugon habang inaalala ang salitang binitawan nila sa amin. Tsk. Di man lang ako nakasapak. 

Bahagya naman natawa si Amaya sa sinabi ko at kahit pagtawa niya ay para pa rin siyang hindi namumukadkad na bulaklak. Kunot-noo ko naman siyang tiningnan dahil hindi naman kami magkaibigan para tawanan niya ako ng ganyan. 

"Pero mukhang handa ka na makipag-away kanina, Prinsesa Eliana. Hindi naman maganda kung magkakagulo sa espesyal na araw na ito."Paliwanag niya pa habang tinitingnan niya na rin ang napakatayog na pintuan sa harap namin. Ilang segundo niya pa itong pinagtuunan ng pansin bago niya ako muling harapin at sa pagkakataong ito ay malungkot na ang kanyang mga mata. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo kanina, Prinsesa Eliana. Pero sa panahong ito, kahit nakadidismaya isipin, wala talaga tayong kapangyarihan at karapatan para ipagtanggol ang sarili natin kahit mayroon pa tayong dugong-bughaw." Saad niya pa. 

Hindi naman ako makasagot sa sinabi niya dahil totoo naman. Kahit saang kaharian, kahit sinong babae pa yan, iisa lang din naman ang nararanasan dito sa emperyo ng Elior. 

"Ano ba ang mayroon sa silid na ito?" Pag-iiba ko na lang ng paksa. 

Gusto ko talaga malaman kung ano ang nasa loob nito dahil may kakaibang enerhiya talaga akong nararamdaman. Malakas ito at tila ba pamilyar ang kaloob-looban ko sa kung ano man ang nandito. 

Mistulang nagulat  pa siya sa tanong ko at nagkatinginan pa sila ni Aiah na parang nangungusap ang mga mata nila. Bakit? Gaano ba kahalaga ang nasa loob nito? Dapat ba alam ko o hindi? 

"A. . . Ah, sa tingin ko po ay hindi po natin maaaring ibahagi basta-basta ang sikreto po ng ating kaharian, Binibining Amaya." Natataranta at kinakabahang saad ni Aiah dahilan para mas lalong mabuhay ang pagiging tsismosa ko. 

Hindi naman kaagad sumagot si Amaya dahil mukhang nag-iisip din siya ng sasabihin. Hindi rin ako umalis sa aking kinatatayuan at ipinakita ko talaga sa kanila ang tindig ko na hindi ako aalis dito hangga't hindi nila sinasabi. 

"Tingin ko ay wala namang problema kung malaman ni Prinsesa Eliana ang nasa loob nito." Nakangiting saad na ni Amaya dahilan para mapakamot na lang sa ulo si Aiah at mukhang hindi na siya makakaimik pa.  "Paniguradong hindi rin naman lingid sa kaalaman niya ang patungkol sa mga Anthanite. Lahat ng kaharian ay mayroon nito dahil ang Anthanite ang simbolismo ng pagkakaroon ng kapayapaan sa emperyong ito." 

Sandali naman akong hindi nakakibo dahil sa narinig ko. Anthanite? Pamilyar sa akin ang terminolohiyang iyan marahil ay nabasa ko na ito sa kung saan noon. Pero ang isinasaad lamang sa mga aklat ay ang nagsisilbing susi sa isang malagim na tarangkahan. Hindi ko alam kung ano ang hitsura nito maging ang silbi pa nito bilang susi ng malagim na tarangkahan. Ano naman ang tarangkahan iyon at bakit ganoon na lang protektahan ng mga kawal ang bagay na ito kung simbolismo na lang ang maituturing nito ngayon? 

"Sa pagkakatanda ko ay mayroong Anthanite ang bawat kaharian maging ang Cymopoleia, Prinsesa Eliana." Paliwanag pa ni Amaya sa akin habang inilalagay ang kanyang hintuturo sa ilalim ng kanyang baba wari'y nag-iisip. "Maingat at maigi itong binabantayan ng bawat kaharian dahil kapag napasakamay sa masasamang loob ang mga Anthanite, maaaring maganap na naman daw ang mga malalagim na pangyayari ilang daang taon na ang nakalilipas." Seryosong dagdag niya pa dahilan para mas lalo akong mapaisip. 

Malalagim na pangyayari? Pero bakit wala naman akong nababasang mga ganoon sa aklat sa akademya?! Bakit pakiramdam ko blangko ang lahat sa naging kasaysayan ng Elior lalo na ang patungkol sa pagpapababa ng antas ng mga kababaihan sa emperyong ito. Possible bang konektado ang mga malalagim na trahedyang iyon sa sitwasyon na kinakaharap ng mga kababaihan ngayon? At ang tarangkahan na tinutukoy niya, possible pa bang namamalagi pa iyon dito sa Elior at kung ano man ang nasa loob ng tarangkahang iyon ay hindi maaaring makalabas sa mundong ito? 

Muli kong tiningnan ang pintuan na nasa harap ko saka ko ito pinakiramdaman. Malamig ang enerhiya na nagmumula dito tulad ng idinudulot ng hangin, presko, at magaan sa pakiramdam na para kang nakalutang. Hindi naman ito mukhang masama o mapanganib at sa halip ay para kang hinehele sa naidudulot nitong ginhawa sa katawan. At ang isa pa sa ikinababahala ko ay pamilyar ang lahat ng iyon sa akin. Hindi man masyado malakas ang epekto nito sa katawan ko pero. . . 

Hanggang dulo ay ibibigay ko ang suporta ko sa'yo. Gamitin mo ang hangin upang protektahan ang emperyong ito, ---. 

Kusa na lang akong napasinghap ng may kung anong imahe at tinig ang pumasok sa utak ko. Hindi ito malinaw pero mukhang galing sa babae ang pinagmulan ng tinig na ito. Malamyos at napakaginhawa sa pakiramdam. Sa kasamaang palad ay mabilis lang itong dumaan sa aking isipan na hindi ko na halos naaninag ang imahe nito. 

"Prinsesa Eliana, ayos ka lang ba? Namumutla ka." Nag-aalalang tanong sa akin ni Amaya dahilan para mabalik na ako ng kusa sa reyalidad at masapo ang aking ulo. 

"Ayos lang. Nilamig lang ako." Pagdadahilan ko pa at sinubukan ko nang muling ayusin ang aking tindig habang sapo pa rin ang aking noo. 

Sa tuwing may kung anong alaala ang pumapasok sa utak ko, palagi na lang nangyayari ito. Parte rin ba ito ng alaala ni Eliana? Pero bakit parang napakalabo na nito sa aking isipan na halos nakabaon na ito sa pinakadulo ng aking memorya. Sino rin ang babaeng iyon? Iba siya sa babaeng palaging bumubulong sa akin. 

"Sigurado ka ba na ayos ka lang, Prinsesa Eliana? Maaari ka naman po magpahinga sandali sa silid ng mahal na reyna kung ---" 

"Hindi na." Kaagad kong saad habang pilit na isinasantabi ang naganap sa akin kanina. 

Hindi ako maaaring lumiban sa pagtitipong ito dahil may importante rin akong kinakailangang gawin. 

"Sa tingin ko ay kailangan na natin magtungo sa silid. Malamig na rin ang simoy ng hangin ngayong gabi at baka mapaano pa si Prinsesa Eliana." Suhestyon naman ni Amaya na nililingon ako ng may bahagyang pag-aalala sa mga mata niya. 

Ngayon ko lang din napansin na hindi pala kulay lila ang mga ito kundi halos asul na rin ito na bahagyang matingkad kaya ang akala ko ay kulay lila ang kanyang mga mata noong una. Magkaiba rin sila ng mga mata ni Aera dahil karaniwan lang ang kulay ng mga mata ng babaeng iyon na halatang may pagkapilya habang si Amaya naman ay puno ng kung ano mang intimidasyon at lakas ng dating. Aminado ako na isa siya sa mga babaeng gusto ko ang dating kahit pa kamuntik ko na siyang masabunutan noon dahil panay din ang pagpapapansin niya kay Zephyr. Pero wala nang kaso sa akin iyon ngayon. 

Sabay na kaming nagtungo ni Amaya sa silid ng pagtitipon na kung saan isa itong enggrandeng ballroom na walang kisame dahil sa halip na mga naglalakihang chandelier ang nasa itaas ay mga paru-parung lumiliwanag ang nandito na mas lalo pang pinatitingkad ng mga bituin sa kalangitan. Bukod dito ay may mga naglalakihang harp pa sa gilid na pinatutugtog ng mga kababaihan na nakasuot ng puting bestida at mistulang mga anghel. Magkahalong kulay ng puti at berde ang makikita sa paligid na talaga namang maaliwalas sa mga mata. Ang sahig na inaapakan din namin ay hindi basta gawa sa marmol dahil napakalambot nito sa mga paa namistulang nakatapak kami sa ulap. 

Sa madaling salita, napakaenggrande ng naging paghahanda sa kaarawan ni Zephyr na talaga namang ipinagmamalaki ang mga magaganda rin katangian ng kaniyang kaharian. May mga palamuti pa sa paligid na kung anong kumikinang na mga balahibo. Nakakaagaw pansin din ang mga naglalakihang poste na mayroong corinthian na disenyo at napapalamutian ng mga sulo na nag-iiba-iba ang kulay. Sa kalagitnaan din ng silid ay mayroong matayog at gawa sa ginto na imahe ng isang agila na mayroong nakasakay na taong may pakpak at may hawak na sibat. 

Nakadadagdag pa sa pagiging elegante ng lugar ay ang mga kalalakihan na karamihan ay nakasuot ng mga puting tela na mayroong palamuti na mga ginto at mga mamahaling dyamante. Halos greek-inspired din ang kasuotan nila dahilan para ang ilan ay bahagya rin nagpapakita ng balat sa katawan. Halatang galing sa matataas na antas ang mga kalalakihan na nandito dahil sa kilos at tindig pa lang nila. 

Grabe talaga. Kamuntik ko pang mapagkamalan na nasa langit ako dahil talagang nakabibighani ang buong paligid maging ang mga tao. 

Pero teka, may sinabi bang tema ang pagdiriwang na ito? Bakit nga ba ganyan ang suot nila? Nilingon ko pa si Amaya upang tingnan ang hitsura niya at hindi ko naman maitatanggi na maganda ang pagkakagawa ng kanyang puting bestida na hapit sa bandang itaas at pamesh ang magkabilang balikat. Flowing naman ang sa ibaba nito na sayad sa sahig at mayroong slit sa magkabilang gilid dahilan para makita ng bahagya ang mapuputi niyang binti sa tuwing naglalakad siya. 

Ayos lang pala. Kahit hindi naman masyadong bongga ang kasuotan ko ay madadala naman ng mukha ko. Mabuti na lang din at nagputi ako ngayon dahil noong una pa lang ay mukhang nabababagay ito sa atmospera ng Umoewin. 

"Dito tayo, Prinsesa Eliana." Iginiya naman ako ni Amaya tungo sa isang gilid na kung saan mayroong pintuan na gawa sa kahoy. Nagtaka pa ako dahil dito kami nagpunta imbes na maghanap kami ng mapupuwestuhan na malapit sa lamesa ng mga pagkain. 

Hindi na lang ako nagsalita at sumunod na lang ako sa kanya dahil wala pa naman ako masyadong kilala dito. At isa pa ay hindi ko gusto ang tingin ng mga kalalakihan na nandito nang makita nila kaming dalawa ni Amaya lalo na at kami lang ang mga babae na nandito. Para bang nagtataka pa sila na nandito kami at ang iba naman ay mukhang naghahanap na ng makakasama para sa magdamag.  Nakapagtataka nga na wala halos babae sa buong silid at kung hindi ko pa kasama si Amaya ay baka hindi na rin ako nagtungo sa silid na ito dahil puro kalalakihan lang ang nandito. 

"Bakit tayo papasok dyan? Hindi ba nandito ang handaan?" Nagtataka ko pang tanong sa kanya nang akmang bubuksan na sana niya ang pintuan. 

Sandali niya pang nilingon ang paligid namin na para bang inaalam niya pa kung may nakarinig sa sinabi ko bago ako pagtuunan ng pansin. 

"Dahil hindi tayo maaaring makihalo-bilo sa kanila, Prinsesa Eliana. Mayroon talagang hiwalay na silid para sa mga babaeng bisita ng bawat pagtitipon dito sa Umoewin lalo na kung gaganapin ito sa loob ng palasyo. At isa pa. . ." Dahan-dahan niya naman inilapit ang bibig niya sa aking tenga at mahinang bumulong. "Hindi mo rin nanaisin makasama ang mga kalalakihan na nasa silid na ito maliban na lang kung naghahanap ka rin ng mapapangasawa dahil ang mga lalaki na nandito ay dumadalo sa ganitong mga pagdiriwang para makahanap ng bagong mga asawa." Paliwanag niya pa sa akin. 

Hindi naman ako halos nakapagsalita sa narinig ko dahil hindi ko sukat-akalain na may ganito palang kultura sa kahariang ito o sa emperyo mismo ng Elior. Pero paano ko nga naman malalaman kung hindi pa naman ako nakadadalo ng mga pagdiriwang dito. 

Magkahalong inis, pagkadisgusto, at pandidiri ang namutawi sa akin lalo na ng makatama ko ng tingin ang ilan sa mga kalalakihan na nandito na halatang kanina pa nais lumapit sa amin ni Amaya. Ang lala talaga! Wala ba talagang ginawa si Zephyr patungkol dito? 

Pakiramdam ko ay kikilabutan ako sa mga sinabi ni Amaya kaya naman dali-dali ko nang binuksan ang pinto at hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Gusto ko na lang makaalis sa silid na iyon dahil sa kabila ng magandang panlabas na disenyo nito ay umaalingasaw pa rin ang bulok na sistema na mayroon sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan dito sa Elior. 

Bumungad naman sa amin ang disente at hindi kalakihang silid na kung saan mayroon lamang itong enggrandeng mga painting at mga naglalakihang chandelier. Iyong tipong makikita mo sa isang enggrandeng handaan sa mundo ng mortal. Hindi man ito maikukumpara sa ganda na mayroon sa kabilang bahagi ng silid ay mas maayos ang atmospera dito lalo na at puro kababaihan na ang nakikita ko. Mahigit benteng mga babae siguro ang nandito na elegante at maayos din naman ang mga kasuotan. 

"Eliana! Ikaw pala 'yan!" 

Kaagad ko naman hinanap ang pinagmulan ng tinig at hindi na ako nagtaka nang makita si Mishal na mahinhin na naglalakad palapit sa akin habang nasa tabi niya naman ang ngiting-ngiti na si Aera na mukhang pinaghandaan ang hitsura niya ngayon. 

"Eliana! Ate Amaya!" Magiliw na bati rin ni Aera at nagtatakbo na siya tungo sa ate niya na nakatayo lamang sa aking tabi. 

Balak niya pa sana kaming sabay na yakapin pero mabilis akong lumayo sa kanilang dalawa at dumiretso na lang sa kintatayuan ni Mishal. Syempre, nagreklamo na naman ang gaga. 

"Yayakap lang e!" Atungal pa ni Aera sa akin na nananatiling mahigpit na nakangiti sa kapatid niya na marahang inaayos ang nagulo na niyang buhok. 

"Ayoko." Masungit kong tugon at inirapan ko na lamang siya saka ko ibinaling ang atensyon ko kay Mishal na eleganteng nakatayo sa aking harapan. 

"Aera, sinabi ko naman sa'yo na hindi ka dapat tumatakbo kapag nakasuot ka ng bestida. Paano na lang kung nadapa ka?" Mistulang ina na pangaral ni Amaya sa kapatid at ito namang si Aera ay parang unggoy nang nakasabit sa kanyang ate. Hinayaan ko na lang sila magkaroon ng sarili nilang mundo dahil maganda nang abala si Aera sa kapatid niya. 

"Hindi kita nakitang kasabay ni Prinsipe Adelrick kanina. Sino ang kasabay mo magpunta dito? Kung alam ko lang ay nagsabay na sana tayo." Mahinhin na saad ni Mishal habang mahinhin na isinusukbit ang nakawalang buhok sa kanyang tenga. 

"Nandito si Adelrick?" Nagtataka ko pang tanong habang inililibot na rin ang aking paningin. 

Ngayon ko lang napansin na mula sa silid namin ay nakikita at naririnig namin ang lahat ng kaganapan sa kabilang silid. Mistulang may salamin na nakaharang sa pagitan ng mga silid dahil kanina noong nasa kabilang panig kami ay wala naman akong nakikitang kung ano na nasa loob ng silid. Marahil ay ginawa ito para makita pa rin namin ang mga kaganapan sa kabilang banda ng silid lalo na at mukhang doon mananatili ang mismong may kaarawan para sa araw na ito bagay na bahagya kong ikinabahala dahil baka hindi ko makausap buong gabi si Zephyr. 

"Oo naman. Kapag kaarawan ng isang susunod na hari sa isang kaharian, hindi man hayagang nakasaad sa imbitasyon pero obligado ang bawat kaharian na magpadala ng kanilang mga kinatawan sa selebrasyon ng nagdiriwang at mukhang si Prinsipe Adelrick, ikaw, at si Prinsesa Ellionoir sa kaharian ng Cymopoleia." Mahinhin na paliwanag naman ni Mishal habang ang mga mata ay pinapanood din ang mga nagaganap sa kabilang panig ng silid kung saan nagsisidatingan na rin ang ibang bisita. 

Doon din ako nakatingin dahil hinahanap din ng mga mata ko ang kapatid kong tukmol na hindi man lang nag-abiso na dadalo rin pala. Hindi na rin naman ako nagulat na si Adelrick ang nandito maging si Ellionoir dahil aasahan ko pa bang dumalo si Caedmon sa kaarawan ng katunggali niya? 

"Ikaw? Sinong kasama mo?" Pagbabalik ko naman sa kanya ng tanong. 

"Dumating ako kasama ni Kuya Aidan pero hindi ko na siya nahagilap pa magmula nang lumapag ang karwahe namin dito. Kami ang kakatawan sa Thaewyr at bilang kaibigan na rin ni Prinsipe Zephyr." Napabuntong hininga na lamang si Mishal na mukhang namomroblema na kaagad siya sa kinalalagyan ng kanyang kakambal. 

"Si Keia at Aspen ay nandito rin bilang kinatawan ng Agreaseth at si Prinsesa Saena naman sa Archelaos." Tinuro rin ni Mishal ang kinatatayuan ni Aspen na napapalibutan ng ilang mga kalalakihan at kinakausap siya. 

Nagulat pa ako dahil iba ang dating ni Aspen na kapag kaharap kami ay hindi makabasag-pinggan pero ngayon ay matikas ang kanyang tindig, malakas din ang kumpiyansa niya sa sarili na nagagawa niya pang makipagtawanan sa mga kalalakihan, at bahagya rin nakataas ang kanyang buhok na halatang inayos niya pa hindi tulad ng palagi niyang ayos na nakababa at halatang good boy. Ang lakas ng dating niya ngayon kung tutuusin. 

Nilingon ko pa ang gawi ni Aera na nakikipagtawanan na ngayon kay Amaya. Kaya naman pala todo ang ayos ni Aera ngayon dahil ganyan ang dating ni Aspen. Bakit di niya pa kasi sunggaban ang pagkakataon parang tanga. 

"Nasaan naman si Sereia?" 

"Ah, ipinadala sila ni Eryx sa isang misyon tungo sa border ng Thaewyr at Maura nitong nakaraan lamang. Tatlo sila nina Prinsipe Caedmon at Prinsesa Aonani." 

Thaewyr at Maura? Bakit naman sila ipapadala doon sa mga oras na ito? May nangyayari na naman bang kakaiba sa lugar na iyon? Nakakabahalang isipan na may kinalaman na naman ang Maura dito dahil kilala nga ang kahariang iyon bilang misteryoso ngunit mapanganib. 

"Si Aonani?" Gulantang ko pang tanong habang bakas talaga sa tono ng boses ko na hindi ako naniniwalang ipinadala na sa misyon ang babaeng iyon. 

"Oo naman! Bakit parang gulat na gulat ka naman, Prinsesa Eliana.  Hindi naman siya mahina at hidni basta-basta makapapasok si Prinsesa Aonani sa ranggo kung wala siyang kakayahan." 

"Wala naman akong sinabing mahina siya." Masama ang ugali puwede pa. Himala naman at ipinadala na rin sa misyon ang babaeng iyon gayong palagi naman siyang nananatili sa akademya. 

At higit sa lahat, talagang sisingit pa siya kina Caedmon at Sereia? Caedmon at Sereia talaga? Ewan ko na lang kung sino sa kanilang tatlo ang unang mapapanis ang laway. 

"Prinsesa Eliana, kumusta!"

Kamuntik naman akong matumba nang may bigla na lang lumapit sa akin at magiliw na lumingkis sa aking braso. 

"Tsk. Ano ba." Sinamaan ko naman ng tingin si Saena habang sinusubukan kong bawiin ang aking braso pero mas lalo lamang siyang lumingkis sa akin dahilan para mas lalo rin malukot ang mukha ko sa pagsimangot. 

"Ang aliwalas naman ng dating mo ngayon." Makahulugang saad niya naman habang diretso ang tingin niya sa mga mata ko at mukhang ineeksamin ito ng mabuti. "Mukhang masaya ka ah! May maganda bang nangyari sa araw na ito?" Dagdag tanong niya pa. 

At ewan ko ba pero pakiramdam ko ay may alam talaga siya palagi sa nararamdaman ko at may kung anong kakaiba sa bawat komento niya. Ito na ba ang sinasabi ni Sereia na kawirduhang taglay ng kapatid niya? 

"Pinagsasabi mo?" Masungit ko pang tugon at sa wakas ay nagawa ko na rin bawiin ang braso ko. "Ilayo mo nga 'to sa akin, Mishal at baka makakutos ako ng kapatid ni Sereia." Dugtong ko pa habang bahagya na akong lumalayo sa kanya at walang kuwenta naman kasama si Mishal dahil tinatawanan niya lang ako ngayon. 

"Ikaw naman, Prinsesa Eliana. Hindi bagay ang kunot ng noo mo sa saya na nararamdaman mo dito --- ay ang lambot! Pasensya na!" Sabay pa kaming nagulat nang balak niya sanang sundutin ang puwesto kung nasaan ang puso ko pero ang mismong mga dibdib ko ang nadutdot niya. 

"Anak ng---" Balak ko na sana siyang kutusan pero mabilis din siyang nagtatakbo tungo kay Keia na nakatayo na pala malapit sa amin. Para talagang kabute ang kapatid ni Aspen, bigla na lang susulpot. 

"Huwag ka na magalit, Prinsesa Eliana! Biro lang." Nakangiti niya pang saad.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin saka inirapan ng matindi. Kung hindi lang siya kapatid ni Sereia ay baka di lang kutos ang aabutin niya sa akin kundi tadyak at sapak na rin. Tsk. Ang sakit kaya.

*****

Lumipas ang ilang sandali pang pambubwisit nina Saena at Aera sa akin bago tuluyang inanunsyo ang pagsisimula ng programa para sa kaarawan ni Zephyr. Pinangunahan ito ng isang anunsyo ng pagpasok mismo ni Zephyr bilang may kaarawan sa araw na ito.

Sunod ay ang enggrandeng pagpasok ni Zephyr sa loob ng silid suot ang isang kulay puti at kulay pulang eleganteng damit na naaayon lamang sa posisyon niya bilang hari na nagdiriwang ng kaarawan. Maaliwalas din ang mukha niya na para bang hindi man lang ito kababakasan ng pagod kahit alam kong ilang araw niya rin pinagtuunan ng pansin ang selebrasyon na ito.

Habang naglalakad si Zephyr tungo sa kanyang trono habang ang mga kalalakihan na nasa kabilang panig ay nakayuko at nagbibigay galang sa kanya, inabala ko na lang ang aking sarili sa paglibot ng aking mga mata upang tingnan kung mayroon akong kakilala.

Hindi naman ako nadismaya dahil pagkalingon ko lamang sa bandang kaliwa ng silid ay natanaw ko kaagad si Adelrick na preskong-presko sa suot niyang tila ba bestidang panlalaki na malalim ang bandang neckline at may telang nakapalibot sa bewang. Sa tabi niya naman ay si Aeson na prente lang na nakatayo at parang bagot na bagot na sa buhay. Ilang beses pa nga akong kumurap-kurap upang kumpirmahin kung siya nga ba talaga yan dahil mukhang wala naman siyang interes sa mga ganitong pagdiriwang pero ito siya ngayon at nakikipagbulungan kay Adelrick saka marahang ngingiti. Kinikilabutan ako kapag nakikita ko si Aeson na nakangiti dahil pakiramdam ko hindi magandang panitain 'yon.

Puwera biro, bumalik ako sa pagmamasid sa aking paligid at sa pagkakataong ito ay si Aidan naman ang namataan ko kasama si. . .

"Ang sabi niya ay hindi siya dadalo?" Mahinang bulong ko sa aking sarili habang nagtataka pa rin ako at kasama na niya ngayon si Aidan na mukhang may ginawa na namang kalokohan.

"Sino?"

Halos mapatalon din ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot si Mishal sa tabi ko habang may dalang kopita na naglalaman na ng alak. Teka, bakit siya puwede na uminom? Mas matanda lang naman siya sa akin ng isang taon di ba?

"Wala." Kibit-balikat na saad ko na lang saka ko iniiwas ang aking tingin.

"Si Prinsipe Eryx ba?" Mistulang pilya niya pang pagkukumpirma dahilan para panlakihan ko na lang siya ng mga mata dahil mukhang may balak na naman siyang asarin ako.

Paano niya naman nalaman?!

"Grabe naman manlaki 'yang mga mata mo, Prinsesa Eliana. Doon ka lang naman nakatingin sa gawing iyon at tanging nandoon lang na maaaring kilala mo ay ang kakambal ko at si Prinsipe Eryx. Impossible naman na si Aidan ang tinutukoy mo di ba?" Nakangising tanong niya sa akin pero hindi na ako sumagot at inirapan kk na lang siya.

Pasimple ko na lang na tiningnan ang gawi ni Eryx na hindi man lang nagbago ang suot dahil iyan pa rin ang kasuotan niya magmula ng lumabas kami. Nakasimangot siya ng konti habang at halatang bagong gising lang habang si Aidan ay panay ang daldal sa tabi niya dala ang isang kopita. Mukhang napilitan lang din siya dumalo dito dahil nalaman siguro ni Aidan na nandito rin siya sa Umoewin at nagpumilit na naman si Gago.

"Magandang gabi sa lahat ng aking panauhin at maraming salamat sa pagdalo. . ." Maligaya ngunit hindi pa rin nawawala ang pagkapormal sa boses ni Zephyr nang siya ay bumati.

Katulad din naman ng sa ibang mga kaarawan ay nagbigay din siya ng speech sa lahat mula sa pasasalamat niya sa pagdalo hanggang sa inilatag na rin niya kahit papaano ang mga plano niya kapag siya ang magiging susunod na hari ng Umoewin.

Kung tutuusin matino ang platapormang inilatag niya lalo na ay makasentro ito sa.pagpapalago ng kultural at pinansyal na aspeto ng Umoewin dagdag pa dito ang pagpapalawak din ng kanilang teritoryo na kung saan nagbabalak na rin sila umabot sa kalupaan bagay na bahagya ko naman ipinagtaka at ikinabahala. Dahik una sa lahat, ang mga sinasabi niya patungkol sa pagpapalawak ng teritoryo ay katumbas ang salita ng pananakop.

Nais niya bang makipagdigmaan sa ibang kaharian at ang mga sinasabi niya ngayon ay paunang deklarasyon niya ng hamon?

"Kaya naman ang mga mamamayan ng hangin na nagsisilbing buhay sa emperyong ito, sabay-sabay natin muling ipagdiwang ang mga susunod ko pang kaarawan sa mas malago, mas matatag, mas makapangyarihan, at mas malawak na Umoewin!" Huling saad niya bago niya itinaas ang hawak niyang kopita bilang simbolismo ng pagtatapos ng kanyang mga sinasabi.

Dinig naman namin mula sa aming kinalalagyan ang palakpakan mula sa mga kalalakihan na nasa kabilang panig. Halatang tuwang-tuwa sila sa mga pinagsasabi at deklarasyon ni Zephyr at maging sila ay nagtaas na rin ng kopita bilang pakikiayon. 

Inilibot ko naman ang paningin ko sa mga kababaihan sa silid na ito at wala maski isa sa kanila ang pumapalakpak. Maging sina Aera at Amaya ay tahimik lamang bagay na ikinagulat ko dahil sa unang pagkakataon ay nanahimik si Aera at hindi niya pinairal ang kanyang bunganga.

"Seryoso talaga si Zephyr sa binabalak niyang bagong Umoewin." Dinig ko pang saad ni Mishal dahilan para mapalingon na lang ako sa gawi niya.

"Alam mo ba ang patungkol sa mga sinabi niya?" Kunot noo ko rin na tanong na mariin niyang tinugon ng isang iling.

"Ang totoo nyan ay kahit magkaibigan kami ni Zephyr ay hindi niya rin naman basta-basta ibinabahagi sa amin ang mga plano niya sa kanyang kaharian. Nirerespeto naman namin iyon lalo na ni Prinsipe Eryx dahil karapatan niya naman iyon bilang susunod na pinuno ng isang kaharian at kinikilala sila bilang isa sa mga kaharian na hindi masyado nakadepende sa Elior." Paliwanag pa ni Mishal habang ang mga mata niya ay nananatili rin nakatingin sa mga kalalakihan na mukhang naeengganyo na sa pakikipag-usap sa kapwa rin nila mga aristokrata.

Hindi lang pala problema ng emperyong ito ang samu't-saring isyu sa mga lipunan kundi maging ang mga kaharian nila ay watak-watak at malaki rin ang tyansa na magsimula sila ng sari-sarili nilang hidwaan.

"Sigurado naman akong hindi nagbabalak si Prinsipe Zephyr ng digmaan sa mga kaharian lalo na at naging malapit na rin siya sa ibang mga mag-aaral sa akademya na galing sa ibang kaharian lalo na ang Cymopoleia. Tiyak ko na hindi naman tutungo si Prinsipe Zephyr doon." Kalmadong saad ni Mishal ngunit hindi nakaligtas sa akin ang malungkot at nangangambang ngiti sa kanyang mga labi.

Sandali kong nilingon ang gawi ni Zephyr at sa pagkakataong ito ay abala siya sa pakikipag-usap sa mga kalalakihan na hindi nalalayo ang edad sa kanya. Mula sa perspektibo ng isang ordinaryong mamamayan ay tila ba mga kabataan lamang sila na nagsasaya sa isang kaarawan. Pero bilang kasalukuyan na rin na miyembro ng monarkiya, dama kong pinagtitibay ni Zephyr ang ugnayan niya sa mga mayayamang pamilya dito sa Umoewin.

Ganoon na ba talaga kalala ang pagnanais niya ng isang makapangyarihan na teritoryo para magkaroon na ng posibilidad na talikuran niya ang lahat ng taong mahalaga sa kanya?

Nagpaalam na muna si Mishal sa akin na kukuha muna ng mga makakain. Nagboluntaryo pa siya na ikukuha na rin niya ako ng akin pero tumanggi ako dahil wala na rin naman akong gana kumain.

Sandali ko naman nilingon ang paligid upang makahanap ng mauupuan at hindi sinasadyang dumako ang paningin ko sa puwesto ni Reyna Zephariah at nasa tabi niya si Ellionoir na may kung anong ikinukuwento sa kanya. Hindi na nakapagtatakang malapit sila sa isa't-isa dahil magkababata nga si Zephyr at Ellionoir. Akmang iiwas na sana ako ng tingin upang magpatuloy sa paghahanap ng puwesto nang mapansin ko ang isang babae na nakasuot ng enggrande at marangyang kasuotan at naglalakad palapit sa puwesto ng reyna. 

Nakatakip ang mukha nito ng pamaypay at tangin ang mga mata nito na mukhang masungit ang nakalitaw. Mukhang hindi rin siya nalalayo sa edad ni Zephariah.

Nang tuluyan na siyang makalapit kay Zephariah ay nang-iintimida siyang tumayo sa harapan ng reyna habang nananatili pa rin ang pamaypay nito sa kanyang mukha habang ang isa niyang kamay ay nakapameywang na.

Halos lahat din ng mga kababaihan sa silid ay nakatuon na sa dalawang babae na mistulang may namumuo ng tensyon sa pagitan nila. Tinitigan ko rin ang mukha ni Reyna Zephariah at hindi man lang kababakasan ito ng kahit anong emosyon. Nananatili rin blangko ang kanyang mga mata na para bang wala na ito halos lakas pa na gumalaw o magsulat.

"Hindi ba si Reyna Odille 'yan?" Dinig kong saad ng isang babae hindi kalayuan sa akin.

Reyna? Ibig sabihin ba ay isa ito sa mga asawa ng tatay ni Zephyr?

"Zephariah." Malamig na pahayag ng babae habang tila ba hinahamak nito ang reyna sa uri pa lang ng tingin na ibinibigay niya.

Ganoon na lang ang gulat ng lahat maging ako nang bigla niyang ihampas ang pamaypay sa mukha ni Reyna Zachariah na halos bumaling na sa gilid ang mukha nito at umalingawngaw sa buong silid ang lutong ng pagkakahampas ng pamaypay sa kanyang mukha.

Nakita ko rin kung paanong napasinghap na lang si Ellionoir sa tabi nito at maging ang ibang mga kababaihan ay gulat na gulat din sa kanilang nasaksihan. Nakita ko rin si Cainon sa tabi ng reyna at maging siya ay gulat na gulat sa nasaksihan niya.

Mistulang nagsimula namang kumulo ang aking dugo sa nakita ko. Kusa na lang din gumalaw ang mga paa ko upang daluhan ang reyna dahil nananatili pa rin siyang nakayuko at hindi gumagalaw. May kung anong pag-aalala at matinding galit ang nangibabaw sa aking puso.

Paano niya la nagagawang saktan ang isang walang kalaban-laban na reyna?! Hindi na siya naiba pa sa mga madrasta  ko na nasa Cymopoleia!

Pero bago ko pa man maihakbang ang mga paa ko ay may bigla na lang humawak sa aking kanang braso at pinigilan ako.

"Eliana, hindi mo gugustuhin makisali sa away ng mga reyna. Wala tayo sa akademya." Kinakabahang saad sa akin ni Aera habang mariin din ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil mukhang alam na niya ang susunod kong gagawin.

"Prinsesa Eliana, pakiusap, kumalma ka. Si Reyna Odille Favager Lamont ay ang ikalawang reyna ng Umoewin at siya ang pinakapinapaburan ng hari ng Umoewin. Kung magiging masama ang impresyon niya sa'yo ay baka makaapekto rin ito sa ugnayan na namamagitan sa Cymopoleia at Umoewin." Saad naman ni Amaya sa aking

Mariin ko na lamang naikuyom ang magkabila kong kamao dahil sa aking narinig. Kung nasa Cymopoleia lang kami at si Sunniva ang babaeng ito ay baka kanina ko pa ito nakaltukan. Pero hindi pa rin tama ang walang gawin sa sitwasyong nadedehado ang kapwa ko babae!

"Kung gayon ay bakit hindi ka naman kumilos? Palagi ka na lang nag-aalinlangan, Amaya." Seryoso at nanghahamon kong saad.

Nakita ko naman na nagulat siya sa sinabi ko bago marahang nag-iwas ng tingin.

"Dahil nakasalalay din ang buhay ng tribo ko sa bawat galaw ko. Wala rin akong magagawa, Prinsesa Eliana." Halos pabulong niyang pahayag. Tsk.

Inilibot ko rin ang aking paningin sa pag-asang may kikilos man lang at magpapatigil ng walang kuwentang eksenang ito pero wala. Halos lahat ng mga kababaihan na nandito ay halatang takot at ayaw makisawsaw sa gulo. Nakita ko rin ang galaiti sa mga mata ni Mishal ngunit maging siya ay pinipigilan ni Saena habang si Keia naman ay blangko lamang na nanonood sa eksena.

Parang gusto kong manapak. Bakit wala man lang isa sa kanila ang may lakas loob na tumulong man lang sa kapwa nila babae?! Dahil ba sa katayuan ng putang inang to sa lipunan?! Porket ba mas may otoridad siya sa kahariang ito ay may karapatan na siyang umapak ng ibang tao?!

"Alam kong pipe ka, Zepharia. Pero hindi ka naman siguro inutil at tanga para hindi turuan ang anak mo ng mga tamang salita na naaayon sa isang hari, tama ba?" Pagpapatuloy ng malditang reyna matapos ng ilang segundong katahimikan na nangibabaw sa tensyonadong silid na kinalalagyan namin.

Mas lalo rin akong nanggalaiti nang marinig ko na ang matinis niyang boses.

Nakita ko naman na dahan-dahan nang nag-angat ng tingin si Reyna Zephariah sa kanya. Mayroon na rin bakas ng dugo ang gilid ng labi niya at mukhang magkakapasa rin ang kanyang pisngi dahilan para mas lalong bumigat ang aking paghinga dahil sa pagpipigil na ginagawa nila.

"Pinapaburan lang ng hari ang anak mo dahil panganay siya pero narinig mo ba ang mga sinabi niya? Nakita mo ba kung paanong lumaki ang ulo ni Zephyr na akala niya ay kaya na niyang gawin ang lahat ng gugustuhin niya? Ha!" Sarkastiko pa siyang tumawa saka muling binuksan ang kanyang pamaypay at pinaypayan niya muli ang kanyang sarili. "Nagmana nga siguro sa'yo ang anak mo at kalaunan ay mawawalan na rin naman ng pabor sa kanya ang mahal na hari kapag nalaman niya ang mga kalokohan niya." Dugtong niya pa.

Nanginginig ang mga kamay na nagsimulang magsulat ang reyna sa kanyang papel. Mabagal ang naging daloy ng kanyang galaw dahil halata na rin ang panghihina at pagod sa kanyang hitsura.

"Ano ba!" Marahas na tinabig ng bruha ang mga papel at pluma ng reyna dahilan para magkalat na lang ito sa sahig. "Kapag kinakausap kita, titingin ka. Matuto kang rumespeto sa mas may otoridad sa'yo, Zephariah!" Nanghahamak niya pang pahayag.

Nakita ko rin kung paanong natatarantang nagpulot si Cainon ng mga papel habang nagsisimula na rin siyang umiyak. Nananatili namang walang kuwenta si Ellionoir sa tabi na hindi na halos malaman ang gagawin.

Dahil sa labis na panggigigil ay muli kong sinubukang kumawala kay Aera pero yumakap na lang siya sa aking braso dahilan para inis na inis ko siyang lingunin.

"Tangina. Bitaw." Malamig kong saad habang ang mga mata ko ay pinandidilatan na siya.

"Eliana, pakiusap, huwag. Ibang antas ang reyna dito sa Umoewin. Maaari ka niyang ipatalsik sa akademya kapag nanghimasok ka." Mangiyak-ngiyak na niyang pahayag pero mas lalo lang umusbong ang masidhing damdamin sa aking puso.

"Pagsabihan mo ang anak mo, Zephariah. Araw na lang ang bibilangin mo para manatili pa ang anak mo sa trono dahil kaunti na lang ay ibibigay na sa aking anak ang titulo para sa susunod na hari ng Umoewin. Dahan-dahan na rin tutunguhin ng mga anak mo ang kinalalagyan mo ngayon at tulad mo, mawawalan na rin sila ng silbi sa pamilyang ito." Nakangising pahayag niya pa habang muli niyang pinapaypayan ang kanyang sarili.

Pinanood ko pa kung paanong magtawanan ang mga kababaihan sa likuran niya na tingin ko ay mga katulong niya. May isa pang babae na nasa tabi lang din at elegante rin ang suot nito ngunit halatang wala itong pakialam sa nagaganap kahit pa kapwa kabit niya rin ang nag eeskandalo ngayon. Ito siguro ang ikatlong reyna ng Umoewin. Wala rin kuwenta.

Muli ko namang ibinalik ang tingin ko sa reyna at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita kung gaanong nagbabaga na sa galit ang mga mata niya na nakatinging sa kanyang kausap. Bakas na bakas ang sagad na pagkamuhi niya na halos hindi na maaaninag ang mala-anghel niyang tingin kanina na iginagawad sa akin.

Kahit hindi niya magawang magsalita ay nagsimula siyang magpakawala ng mga tunog na mahahalata ang maragsang emosyon na nararamdaman niya. Halos napaiyak na lang ang ibang mga kababaihan dahil kahit hirap na hirap ang reyna isatinig ang kanyang mga saloobin at tanging ungol lamang ang nagagawa niya ay sinusubukan pa rin niyang iparamdam sa kausap ang kanyang galit.

Nangibabaw naman ang tawanan sa mga kababaihan na kasama ni Odille at ang may pinakamalakas na tawa rito ay ang babaeng ito.

"Manahimik ka na lang kung wala kang sasabihin!" Malakas na sigaw ng reyna saka niya sunod-sunod na pinaghahampas ang reyna ng kanyang pamaypay na halos dinig na dinig ang lutong ng pagkakatama nito sa balat.

Sinubukan pang umawat ni Cainon sa putang ina pero marahas lang siyang tinulak nito dahilan para mapaupo siya sa sahig.

Kusa na lang nagdilim ang paningin ko sa aking nasasaksihan at tila ba ang bawat tunog ng pamaypay na tumatama sa reyna ay ang pasensya ko na mabilis na ring napipitid.

Hindi na ako nakapagpigil pa dahil marahas na akong kumawala sa pagkakahawak kay Aera at mabilis na tinakbo ang gawi ni Zephariah.

"Eliana!" Pagtawag pa sa akin ni Aera pero hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin pa dahil kusa na lang kumikilos ang katawan ko na mas mabilis pa kaysa sa pagdedesisyon ko sa aking isipan.

"Sino ang---" Gulat na gulat naman ang reyna sa biglaang kong pagkakahablot ng kanyang pamaypay ngunit bago pa man siya makapagsalita ay marahas ko itong binali at dinurog gamit ng aking mga kamay saka ko ito marahas na binato sa kanyang mga katulong.

"Aaaaah!" Tili pa nila nang pare-parehas silang masapol ng mga piraso nito na siniguro ko pang nakausli ang matutulis na dulo nito pagka't gawa pala ito sa kahoy.

"Sino ang lapastangan na---" Hindi na niya natuloy pa ang kanyang sasabihin nang bigla ko siyang hinablot sa kanyang kuwelyo at marahas na hinigit palapit sa akin.

Dinig ko pa ang singhapan ng mga kababaihan sa paligid namin pero hindi ko na sila inintindi pa. Nilingon ko rin sandali ang gawi ng Reyna at maging siya ay gulat na nakatingin sa akin habang yakap si Cainon.

"Mishal, asikasuhin mo ang reyna at dalhin ilabas mo muna siya dito." Malamig kong utos habang nananatili pa rin ang aking mga mata sa putanginang reyna na gulat na gulat sa kinalabasan ng kanyang pag-eeskandalo.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo." Malamig kong panimula habang gigil na gigil kong dinidiinan ang pagkakahawak sa kanyang kuwelyo.

Ngayong magkalapit na kami sa isa't-isa ay mas lalo kong nakita ang hitsura niya na hindi man lang aabot ang ganda sa gandang taglay ng reyna na inaapi niya. Kung kanina rin ay namumula na siya katatawa ay ngayon naman ay nagsisimula na siyang mamutla sa takot at kaba.

"S. . . Sino kang lapastangan ka?! Alam mo ba kung sino ang kaharap mo at---"

"Reyna ka ba talaga--- hindi, mali ang tanong ko. Tao ka pa ba?! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa isang babaeng walang kalaban-laban?! Ha?!" Galit na sigaw ko sa kanya habang marahas ko pa siyang niyuyugyog.

"Reyna Odille!" Tili naman ng mga katulong niya at akmang aawat na sana sila pero sila naman ang nilingon ko at binigyan ng isang nakasisindak na tingin.

"Subukan niyong makialam, hindi lang pamaypay ang tatama sa inyo." Banta ko pa sa kanila habang pinanlalakihan ko rin sila ng mga mata nila.

Hindi ko na hinintay pa ang reaksyon nila dahil muli kong ibinalik ang tingin ko sa babaeng kulang na lang ay pilipitin ko ang leeg.

"A. . . Ano ba?! Bitawan mo ako! Ipakukulong kita kapag nakawala ako dito at---"

"Wala akong pakialam sa posisyon mo sa kahariang ito dahil magmula nang masaksihan kong dumapo ang pamaypay mo kay Reyna Zephariah ay hindi ko na kailanman kikilalanin ang otoridad mo." Malamig kong saad at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kuwelyo niya habang pinipigilan ko ang aking sarili na masampal ang hinayupak na ito.

"Eliana, tama na!" Naramdaman ko rin na umawat na si Ellionoir sa isa kong braso pero hindi ako nagpatinag at mas lalo lamang tumalim ang tingin ko sa reynang bigla na lang nabahag.

Pucha kung kailan hindi kailangan iyang kaepalan mo saka ka sisingit, Ellionoir?!

"N. . . Nueva, ipatawag niyo ang mga kawal at ipadakip ang babaeng ito--- ah!" Tili pa ng reyna nang marahas ko siyang tinulak palayo dahilan para mapasalampak siya sa sahig.

Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa kanya habang siya naman ay hindi magkamayaw sa pag-atras.

"Hindi ka karapat-dapat sa titulo na mayroon ka dahil mas masahol pa sa basura ang ugali mo. Putang ina kung reyna ka, umayon ka naman sa titulo na mayroon ka dahil kung patuloy mong aabusuhin ang putang inang otoridad mo, hindi ako magdadalawang isip na ihampas sa mukha mo ang ipinagmamalaki mong korona." Malamig kong saad saka ko tinadyakan palayo ang isang upuan na nakaharang sa daraanan ko dahilan para tumama ito sa pader at magkandalasog-lasog.

"Tama na, Prinsesa Eliana, pakiusap!" Awat din sa akin ni Amaya na hinawakan na ang magkabilang braso ko pero marahas ko naman siyang tinulak palayo.

Ewan ko ba pero unti-unti nang nabablangko ang isipan ko dahil sa matinding galit. Nagsisimula na rin uminit ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay kumikirot ang bawat ugat ko sa katawan.

"Bitawan mo ako." Malamig kong saad sa kanya habang ang mga mata ko ay blangko na rin na nakatingin sa gawi niya.

Galit. Galit lang ang nararamdaman ko at unti-unti pa itong pinasisidhi ng kung ano mang init na nararamdaman ko. Bagay na nagsisimula na rin akong matakot at mangamba.

Pero wala na akong pakialam. Napakasarap sa pakiramdam ang mailabas ang galit lalo na kung matagal din itong kinimkim.

"Isa pa kayo!" Duro ko sa bawat kababaihan na nasa silid at takot na rin na nakatingin. "Tingin niyo ba tama ang ginagawa niyong pagsasawalang bahala gayong nakikita niyo naman ang pagdurusa ng iba?! Ayaw niyong madamay?! Puwes, walang mangyayari sa inyo kung hindi kayo kikilos!" Sigaw ko pa sa kanila.

Ah. . . Bakit hindi sila nakialam kanina?! Bakit hindi man lang sila nagkaroon ng lakas ng loob.

"Sino ba ang baliw na babaeng iyan?! Ipatawag niyo ang mga kawal at ipadakip niyo ang babaeng iya---"

Hindi na natuloy pa ng reyna ang sinasabi ng bigla akong umupo sa kanyang harapan saka ko itinabingi ang akng ulo wari'y inoobserbahan siya.

"Wala akong pakialam kung makulong man ako sa kaharian niyo. Pero ito ang tatandaan mo, kapag nalaman ko na pinisikal mo na naman ang unang reyna, hindi kita sasantuhin." Banta ko pa sa kanya habang ang mga mata ko ay pinandidilatan siya at nanlalaki.

Nakita ko ang reaksyon niya na halos maiiyak na sa takot at kaba pero wala akong nararamdamang awa. Galit. Galit lamang ang namumutawi sa aking puso. Gusto ko siyang saktan. Gusto kong ibalik sa kanya ang sakit na idinulot niya kay Zephariah. Gusto kong maranasan niya rin iyon.

Dahan-dahan ko namang inangat ang aking kamay palapit sa kanyang leeg. Kusa na lang gumalaw ang aking kamay tungo dito na halos maging ako ay hindi ko na rin makontrol ang sarili ko.

Pero bago ko pa man tuluyang mahawakan ang babaeng ito ay may mainit na mga palad na lang ang biglang humawak sa mga kamay ko. Kusa na lamang akong napalingon sa nagmamay-ari nito at halos natauhan na lamang ako nang magsalubong ang mga mata namin ng Reyna Zephariah.

'Ayos lang ako, Eliana. Tama na.' Saad niya pa gamit lamang ng pagbuka ng kanyang mga bibig.

Mas lalo rin niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa mga palad ko saka ko naramdaman ang mainit niyang mga luha sa aking kamay.  

Kusa na lamang akong napayuko saka mariin na napapikit kasabay ng paghinga ko ng malalim upang kalmahin ang aking sarili.

Ah. . . Napangunahan na naman ako ng galit. Parang gusto kong matawa sa sarili ko dahil sabi ko pa naman ay matututo na ako magtimpi. Pero minsan talaga may mga taong malapit sa akin na nagagawa kong suwayin ang sarili kong batas para sa kapakanan nila.

Kung hindi man ako makukulong sa Umoewin ay baka ipapatay na lang ako ng putanginang babaeng iyon kahit pa hindi naman dumampi ang kamay o kamao ko sa mukha niya at kahit pa halos parte rin ako ng mga dugong bughaw. Napakapakialamera ko naman kasi.

"Ano ang nangyayari dito?!" Saad ng isang baritonong boses na nagmula sa hindi ko kilala kung sino.

Sabay-sabay na lamang kami napalingon sa pintuan ng bigla itong bumukas at sunod-sunod na pumasok ang ilang mga kalalakihan na mukhang mga bisita kanina. Ilan sa mga nakilala ko ay ang kapatid ko na si Adelrick na gulat na gulat na nakatingin sa akin, si Zephyr na hindi mawari ang nangyari at nagpapapalit-palit ang tingin sa akin at sa kanyang ina na puro galos at sugat na ang mukha at ang lalaking ayokong makita ako sa ganitong kalagayan na si Eryx na ako na mismo ang nag-iwas ng tingin dahil nakaramdam ako ng hiya sa inakto ko.

*****

Hindi ko alam kung paanong matiwasay akong nakalabas ng silid na iyon ng hindi man lang inaaresto o pinoposasan. Ang pagkakatanda ko lamang ay mabilis na lang akong inalis nina Mishal at Aera sa silid na iyon at dinala ako dito sa kinauupuan ko ngayon sa hardin. Pinaalis ko rin muna silang dalawa dahil gusto ko rin muna mapag-isa upang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko na rin halos magawang makausap pa ang kapatid ko dahil mabilis din siyang nawala sa paningin ko kasabay sina Zephyr at si Eryx.

Natatandaan ko rin na dinaluhan ng mga kapatid ni Zephyr ang kanilang ina na nawalan na ng malay bago pa man makalabas ng silid habang ang hayop na babaeng iyon ay dinaluhan din ng kanyang mga anak at inalalayan paalis. Mukhang nasira ko na rin ang selebrasyon ng kaarawan ni Zephyr dahil habang nagtutungo kami dito ay inaanunsyo na sa lahat na tapos na ang pagdiriwang.

Mariin na lamang akong napapikit  kasabay ng malakas kong pagbagsak ng aking kamay sa aking kinauupuan. Putang ina naman. Hindi ko na magawang pagsisihan pa ang ginawa ko dahil nangyari na pero bakit hindi na naman akk nakapagpigil?! Kasasabi lamang ng Maestro na kalmahan ko ang aking emosyon dahil may kung anong kakaibang nangyayari sa katawan ko kapag nagagalit ako. Pero heto at mukhang may bago na namang sakit ng ulo si Adelrick.

Dahan-dahan ko namang iminulat ang mga mata ko saka ko tiningnan ang aking kamay. Ang mga kamay na nakapagpalabas ng kapangyarihan noon lamang nakaraan at panigurado ako na kung hindi pa ako pinakalma ng mama ni Zephyr ay baka kung ano na ang naisiwalat ko sa silid na iyon.

"Ganito na lang ba palagi? Galit lang ba ang makakapagpalabas sa'yo?" Mahinang bulong ko sa aking sarili.

Pero ayoko namang tuluyang lamunin ng galit dahil alam ko sa aking sarili na kapag nangibabaw ang ganoong emosyon sa aking puso, ay tuluyan na akong mawawala sa katinuan.

Pinanatili ko lamang nakaangat ang aking kamay habang itinatapat ito sa kalangitan na kung saan nakikita ang malalaking bituin na iba't-iba ang kulay.

Ilang sandali lamang ay may bigla na lang humawak sa kamay ko at ipinulupot niya ang daliri niya sa akin. Bago pa man ako makareklamo sa lapastangang ito ay nagulat na lang ako nang magkaharap kami bigla ni Zephyr na kalmado lamang ang mga mata na nakatingin sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Paunang bati niya sa akin habang diretso pa rin ang tingin niya sa mga mata ko.

Bigla tuloy akong napaayos ng upo imbes na sagutin siya at marahan ko rin binawi ang kamay ko.

Bakit nandito na siya? Ang bilis naman ata nila maghatol ng desisyon sa akin? At nasaan si Adelrick? Hindi pa ba ako susunduin ng kapatid ko?

"Ikukulong niyo na ba ako? Alam ko namang matinding kaso ang ginawa ko at ---"

"Hindi nakialam si Ama sa paglutas ng isyung ito. Isinawalang bahala niya lamang ang halos pagkakabugbog na ng aking ina dahil regalo na raw niya sa akin kung ano man ang maging hatol ko sa kung sino man ang lumapastangan sa aking madrasta. At nakapagtatakang nang malaman niya kung sino ka ay bigla na lamang siyang nanahimik." Kalmadong paliwanag niya sa akin sa pinakakaswal niyang tono.

"Ha?" Naguguluhan ko namang tanong. Ano ang ibig sabihin niya? Paano hindi ako nahatulan ng kung ano kahit may kasalanan ako at ano raw? Nanahimik na lang ang ama niya nang nalaman na akong may sala? Bakit?!

"Ang ibig kong sabihin ay nalutas na ang kaso mo. Ako na halos ang nagsara nito dahil hindi mo naman sinapak ang madrasta ko, at kung sinaktan mo man siya sa ibang paraan ay kaya naman kitang pagtakpan." Kalmadong saad niya na para bang wala lang sa kanya na inaabuso na niya ngayon ang kapangyarihan niya.

"Kumusta na ang reyna?" Kalmadong tanong ko dahil aminado naman ako na nag-aalala rin ako sa lagay niya lalo pa at hindi biro ang mga sugat na natamo niya sa mahina niyang pangangatawan.

"Nagpapahinga na ngayon si Mama kasama ang ikatlo kong kapatid. Inaasikaso na rin ng mga doktor ang mga sugat niya."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko. Mabuti na lang at hindi na lumala ang kalagayan niya. Saka ko na lang siguro siya bibisitahin kapag bahagya nang humupa ang eskandalong ginawa ko.

"Kung tutuusin ay iniligtas mo rin ang aking ina kaya mas magandang sabihin na utang ko rin sa'yo ang buhay niya." Saad niya pa habang diretso lamang siyang nakatingin sa kalangitan.

Ngayon ko lang napansin na kababakasan na ng pagod ang mga mata ni Zephyr na halos wala ng iba pang emosyon ang nangibababaw doon. Ang itim na itim niyang mga mata ay mas lalo lamang naging malamig ngayong mukhang may malalim siyang iniisip.

"Pero akala ko ay pinapaburan ng tatay mo ang madrasta mo?"

"Pero ako pa rin ang unang anak at susunod na hari. Nasa akin na halos ang kalahati ng otoridad ng aking ama at hindi ko rin alam kung bakit pero bukod sa nang malaman niya ang pangalan mo ay nang makita niya rin ang aking ina ay bigla na lang siya nawalan ng gana ipagtanggol ang babaeng iyon." Paliwanag niya pa saka niya kinalas ang suot niyang laso wari'y nasasakal na siya rito.

Pinanood ko naman na yumuko siya at itinukod ang kanyang mga siko sa kanyang tuhod sabay marahang inihilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha.

"Kahit kailan talaga ay hindi ko maiintindihan ang takbo ng isipan ng aking ama. Alam niyang hindi masasaktan ang aking ina kung pinrotektahan niya lang si Mama sa mga asawa niya. Inutil at wala talagang kuwenta." Komento niya pa sa pinakamalamig at pinakamapait na tonong narinig ko sa kanya magmula nang nakilala ko siya.

"Kaya mabuti na lamang at nandito ka sa tabi ko. Ang babaeng katulad mo na matapang, may paninindigan, at marunong lumaban ang maasahan ko sa aking kaharian. Salamat, Eliana." Dagdag saad niya pa habang malamyos siyang nakatingin sa akin ng diretso.

Mistulang bomba naman sa aking panrinig ang mga salita niya dahil nagsimula nang bumalik sa aking isipan ang dahilan kung bakit nais kong makausap si Zephyr ngayong gabi. Halos nakalimutan ko na rin ito sa dami ng naganap kanina pero ngayong kasama ko na siya, ngayong naiintindihan ko na ang konteksto ng mga mabubulaklakin niyang salita sa akin ay alam ko sa sarili kong oras na rin para wakasan ang lahat bago pa ako tuluyang mahuli.

"Zeph. . ." Mahinahong pagtawag ko sa pangalan niya upang kunin ang kanyang atensyon.

"Hm?" Nagtataka niya naman akong nilingon bago sumilay ang isanf tipid na ngiti sa mga labi niya. "Babatiin mo na ba ako? Hindi pa kita naririnig na bumati sa akin ngayon."

"Gaano mo kamahal ang kahariang ito?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Nakita ko rin sa mga mata niya ang bahagyang gulat dahil mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko.

"Anong klaseng tanong ba iyan? Syempre mahal na mahal ko ang Umoewin dahil ako ang susunod na pinuno nito. Gagawin ko ang lahat mapagtibay lamang ang kahariang ito at ako ang maupo sa trono." Kahihimigan ko ng labis na kumpiyansa sa sarili ang tono ng boses niya.

"Bakit nais mong maupo sa trono? Para sa Umoewin ba o para sa sarili mo?" Sa pagkakataong ito ay mas naging seryoso na ang aking tono at mas diretso ko na siyang tiningnan sa mga mata.

Sandali naman siyang hindi nakasagot dahil muli, mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko.

"Nasabi ko na sa'yo noon kung paanong  isa ako sa pinalaki sa ibang pamamaraan dahil ako ang susunod na hari ng Umoewin. Hindi ako maaaring makaramdam ng pagmamahal mula kay ama at sa murang edad ay kinakailangan ko nang magsanay kung paano protektahan ang aking sarili at ang aking ina kabilang na doon ang pumatay ng tao." Seryosong paliwanag niya rin habang panay din ang pagbukas sara niya sa kanyang mga palad. "Ayoko nang. . ." Muli nkya akong tiningnan sa mga mata bago sumagot. ". . .maranasan ang ganoong sistema, Eliana o maging ng mga susunod na henerasyon ng mga mamamayan sa Umoewin. Ayoko nang maging mahina, ayoko na ng pakiramdam na hindi ko nagagawa ang gusto ko dahil hindi sapat ang otoridad ko. Kabilang na doon ang maprotektahan ang aking ina at ang mga kapatid kong buo."

"Nakita mo naman siguro kung paanong walang habas na pinagbuhatan ng kamay si Mama ng madrasta ni ama. Dagdag pa na ang babaeng iyon at ang ikatlo kong ina ang dahan-dahang lumason sa kanya. Pero kahit ano pang hinaing at reklamo ang gawin ko kay ama noon ay hindi niya ako kailanman pinakinggan. Maski katiting na pag-aalala sa aking ina ay hindi na niya maibigay. Sa umpisa lang siya magaling." Bakas na ang galit sa kanyang boses bagay na palagi naman nananaig kay Zephyr kapag napag-uusapan ang kanyang ama.

Sandali naman akong hindi sumagot upang muling mag-isip ng aking mga sasabihin. Sa pagkakataong ito ay sapat na ang mga narinig at nalaman ko para ako naman ang maglabas ng aking mga saloobin.

"Zephyr, naiintindihan ko ang mga pangarap mo para sa Umoewin. Aaminin ko na sa katayuan at lakas ng loob na taglay mo ay hindi impossibleng maabot mo ang mga plano mo para sa napakagandang kahariang ito." Muli kong pinagmasdan ang agaw-hiningang ganda ng Umoewin na halos mapagkakamalan mo talagang nasa paraiso ka kahit saan ka man tumingin.

"Nang nakilala ko ang mama mo, hindi ko maitatanggi na pakiramdam ko ay nakilala ko rin ang aking ina. Napakabuti niyang tao na halos ipinaramdam at ipinaintindi niya sa akin kung ano ang halaga ako at ang nararapat para sa akin." Muli kong inalala ang mga katagang nabasa ko sa kanya noong nagkaroon kami ng komunikasyon sa silid niya at habang buhay na atang tatatak iyon sa isipan ko.

"Dinig ko nga kay Aiah na gustong-gusto ka ng aking ina." Sa pagkakataong ito ay marahan siyang napangiti na para bang kuntento siya sa maayos na ugnayan na mayroon sa pagitan namin ng kanyang ina. "Masaya ako na naging malapit kayo sa isa't-isa dahil paniguradong madalas na kayong makikita at magkakasama. Hindi ako magsasawang ihatid sundo ka sa akademya para magkaroon kayo ng oras sa isa't-isa."

Hindi naman ako kaagad nakasagot pagka't mas pinili kong dahan-dahanin ang mga bagay sa kanya para maintindihan niya.

"Gusto kong protektahan ang mga kababaihan kabilang si Reyna Zephariah." Paunang saad ko dahil totoo naman at hindi lang si Reyna Zephariah ang gusto kong protektahan kundi ang mga kababaihan sa emperyong ito. "Gusto ko ang init ng mga palad niya at nais kong panatilihin iyon sa kanya. Bukod doon ay gusto ko protektahan ang ngiti niya at ng mga kababaihan sa emperyong ito. Pero. . . hindi sa paraang nais mo at naaayon sa plano mo, Zeph." Makahulugang saad ko saka ko muling ibinalik ang tingin ko sa kanya.

"Sa huling pagkakataon gusto kitang tanungin at sana sa pagkakataong ito, tapatin mo na ako." Marahan akong lumapit ng konti sa tabi ni Zephyr upang mas malinaw kaming magkarinigan. "Zephyr, bakit mo ba ako niligawan?" Ang bawat salita na binitawan ko ay may diin.

Sa bawat tanong ko nito sa kanya noon, palagi kong nararamdaman na hindi sinsero ang mga sinasabi ni Zephyr. Palaging kulang, palaging nakatago.

Nagsimulang sumimoy ang malamig na hangin sa aming puwesto na para bang nakikiayon ito sa lamig ng atmospera na namamagitan ngayon sa aming dalawa.

Minuto rin ang inabot bago nakasagot si Zephyr at sa bawat segundo na lumilipas ay hindi niya magawang tumingin sa mga mata ko.

"Dahil. . ." Paunang saad niya. Halata ang tila ba pag-aalinlangan sa mga sasabihin niya at mga salitang nais niyang bitawan.

"Dahil matapang ka, Eliana." Seryosong saad niya na para bang hindi niya pa magawang maamin ito sa akin.

Nanatili naman akong tahimik at siniguro kong iintindihin ko ang kanyang mga sasabihin.

"Dahil wala na akong nakilala pang ibang babae na kayang pantayan ang taglay mong lakas ng loob, tapang, at kagustuhan na mabago ang sistema ng mundong ito. Niligawan kita dahil alam kong gusto ko ang ugali mo. Dahil alam kong hindi ka basta magpapaapi sa mga madrasta ko. Dahil hindi ka mahina. Alam ko sa sarili ko na ikaw ang babaeng nararapat na makasama ko mamuno sa emperyong ito at. . ."

"Panatilihin ang posisyon mo sa trono? Ang makipagsabong sa mga madrasta mo at ang panatilihin ang dignidad mo bilang hari na nais magpakalat ng impluwensya? Tama ba?" Ako na mismo ang tumapos sa mga sinasabi niya dahil pakiramdam ko ay bumabara na ang laway ko sa lalamunan dahil sa mga naririnig ko mula sa kanya.

"Eliana. . ." Sinubukan niyang tawagin ang pangalan ko at mukhang nais niyang depensahan ang mga sinabi ko pero itinaas ko lamang ang aking kamay wari'y pinapatigil siya magsalita.

"Hayaan mo muna akong magsalita." Saad ko pa.

Sandali pa siyang nag-alinlangan na bigyan ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag hanggang sa dahan-dahan na rin siya tumango at umayos ng upo.

Nanatili naman akong nakaupo paharap sa kanya upang mas maayos ko rin na makita ang reaksyon niya.

"Zeph, aaminin ko na totoong nagustuhan kita. Naaalala ko pa nung una kitang nakita na tumutugtog ng fluta sa pribadong hardin niyong mga nasa ranggo. Nakakatawa man pakinggan pero pakiramdam ko talaga ay huminto ang mundo ko noong mga oras na iyon dahil magmula sa hitsura mo at sa talento mo, lahat ng 'yan ay masasabi kong nakapagpabighani sa akin." Sandali naman akong natulala upang alalahanin ang mga oras na iyon. Iyong para akong dalagitang unang nakaranas ng pag-ibig sa kabila ng totoong edad ko.

"Pero ang nararamdaman ko sa iyo noong mga oras na iyon ay masasabi ko lang na pagkamangha dahil ang tuluyang nakapagpahulog ng loob ko sa'yo ay iyong ipinaramdam mo sa akin na nandito ka rin sa tabi ko at handa akong alalayan." Sandali naman akong nag-angat ng tingin sa kanya at nananatili lamang si Zephyr na tahimik  at nakikinig habang nakatingin sa kawalan.

Ilang beses din akong pasimpleng huminga ng malalim upang humugot ng lakas ng loob na ibahagi sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Hindi rin madali para sa akin ang magbahagi ng nararamdaman ko dahil ilang beses na akong naduwag o natakot na baka hindi rin niya ako maintindihan.

"Sa gaspang ng pag-uugali ko, maging ang mapait na nakaraan na mayroon ako, at ang hindi ko magandang pagkakaroon ng ugnayan sa pamilya ko ay impossibleng mayroon pang magtangkang lumapit sa akin." Dahil iyon naman talaga ang ipinakita kong ugali ko para hindi ako lapitan ng iba. Sino ba naman ang magiging matino pa kung bigla ka na lang napunta sa ibang mundo at sa katawan ng ibang tao matapos ng isang karumaldumal na krimen na ginawa sa akin noon.

"Naaalala ko pa ang sinabi mo sa akin noon na pakiramdam mo ay masyado kong isinasara ang puso ko sa tulong ng iba. Dahil totoo naman. Ganoon nga dapat, ganoon nga ang plano ko. Nasabi ko na ba ang dahilan non, Zeph?" Tiningnan ko pa siya upang hingin ang kanyang kasagutan ngunit mariin lang siyang umiling sa akin.

"Napapagod na kasi ako masaktan. Pagod na pagod na akong traydurin at iwan na lang basta-basta dahil kahit gaano pa ako katigas o katapang, tao pa rin ako na marunong masaktan at mag-sawa." Napakagat-labi na lang ako saka mariin kong ipinikit ang aking mga mata upang pigilan ang aking sarili maging emosyonal.

Dama ko rin ang hirap sa aking paghinga dahil sa mga salitang binitawan ko na ang tagal ko rin kinimkim. 

"Pero ayan, dumating ka at kahit anong tulak ko sa'yo ay pilit mo namang dikit sa akin. Iyong matayog na pader na binakod ko para sa sarili ko, hinayaan kitang tibagin iyon dahil gusto ko ulit maranasan na may umalalay naman sa akin. Tinanggap ko iyong kamay mo na inilahad mo sa akin noong umuulan dahil ikaw ang unang taong nagparamdam sa akin na handa mo akong alalayan. Rupok di ba?" Lalo na sa mundong ito ay alam ko nang kung mananatili akong mag-isa ay ikamamatay ko lang din.

"Kahit nag-aalinlangan ako sa'yo noon, Zeph, sumugal ako kasi sa totoo lang, kailangan din kita. Kailangan ko rin ng otoridad na mayroon ka. Sabihin mo nang manggagamit ako pero hindi ba ganoon din naman ang ginawa mo sa akin noong kinailangan mo ako para umusad ang kaso nung babaeng bumugbog kay Aera. Ayoko sanang manghimasok, ayoko nang makialam dahil kapag nakikialam ako, napapahamak ako. Pero wala, naawa rin ako sa bruhang iyon dahil alam kong kapag hindi napatalsik ang babaeng iyon ay ikamamatay ni Aera ang pananatili sa akademya. Kita mo? Pinangunahan pa rin ako ng emosyon ko." Matamlay pa akong natawa sa mga pinagsasabi ko dahil inamin ko na rin na kahit inis na inis ako kay Aera noon ay sinugal ko pa rin ang oras at dignidad ko matapos lang ang pagdurusa niya.

Sandali pa akong tumigil sa pagsasalita upang ilang beses na lumunok at humugot ng lakas ng loob.

"Pero, Zeph, ayoko kasi ng ganitong relasyon e. Magulo at masakit." Pag-aamin ko habang hindi ako halos makatingin sa kanya dahil sa panginginig na rin ng mga kamay ko.

Sa pagkakataong ito ay naramdaman ko na lang ang kamay ni Zephyr na hinawakan ang mga kamay ko. Dama ko ang panlalamig at tila ba pamamawis ng mga palad niya.

"Sinabi ko naman sa'yo noon, Eliana, na hindi ako marunong manligaw. Sinabi ko na susubukan ko dahil hindi ko rin naman alam kung paano o anong gagawin pagka't ito ang unang beses kong manligaw sa isang babae." Pag-aamin niya pa na kaagad ko rin sinagot ng mariin na iling.

"Wala naman kaso 'yon, Zeph. Naiintindihan ko 'yon. Mali rin ako dahil naglagay din ako ng sarili kong pamantayan sa panliligaw na sa tuwing may ginagawa kang kamalian ay nadidismaya ako." Ilang beses na nga ba kami nagtalo dahil hindi niya sinusunod ang mga pamantayan ko pero nasa akin din ang mali sa parteng iyon dahil mukhang ako pa ang nakalimot na sa mundong ito, wala sa bokabularyo nila ang panliligaw.

"Kung gayon ay bakit sinasabi mo sa akin ang mga ito, Eliana? Nagsisimula pa lang naman tayo di ba? Ilang buwan pa lang akong nanliligaw sa'yo kaya hindi na nakapagtatakang parehas tayong nangangapa at ---"

"Unti-unti ko nang naaayos ang relasyon ko sa pamilya ko, Zeph." Nakakatawang isipin na inangkin ko na ng tuluyan ang pamilyang orihinal naman na kinabibilangan ni Eliana. "Masaya ako na maayos ko nang nakakausap sina Daewon at Neola na halos magpatayan na kami noon. Na nakakausap ko na sa mga personal na isyu ang mga kuya ko. Unti-unti ko na rin nadidiskubre sa sarili ko na mahalaga na sila sa akin, Zephyr." Napagtanto ko na sila ang pamilyang hinangad ko at ngayong nandito na sila sa tabi ko, paano ko pa magagawang ipagpalit iyon sa iba?

"Iyong kay Ellionoir, ayos naman kami nung una. Mabait naman siya sa akin at may parte rin sa kanya na totoo ang pakikitungo niya. Hindi ko sinisiraan ang kapatid ko. Sinasabi ko lang sa'yo ang relasyon na mayroon kami bago magkaroon ng kumpetensya sa pagitan namin para sa'yo."

"Pero, Eliana, magkakabata lang kami ni Ellionoir. Alam niya yan at alam mo ---"

"Alam ko." Mariin na akong napapikit upang hindi masyado maging mainit ang argyumento namin pagdatinf kay Ellionoir. "Sampung beses niyo na ata sinabi sa akin iyan at wala na akong pakialam doon. Kung ano man ang namamagitan sa inyo ni Ellionoir ay nasa inyo na iyon. Hindi ko tipo ang pakikipagkumpetensya sa lalaki dahil hindi na uso sa akin iyon." Sawa na ako humarap sa mga isyu ng ganito kay Ysabela noon. Ayoko na. Tama na. Hangga't maaga pa, hangga't hindi pa ako hulog na hulog, mas mabuting itigil na.

Sa pagkakataong ito ay diretso ko nang tiningnan ang mga mata ni Zephyr at maging akk ay hindi makapaniwala na sa pagkakataong ito totoo ang ipinapakita niyang pagkalito at hinanakit sa kanyang malamig na mga mata. Diretso ang tingin nito sa akin at para bang anumang oras ay handa na siyang depensahan lahat ng mga sinasabi ko pero mas pinili niyang magpigil kahit mahirap.

"Diretsuhin mo na ako, Eliana, pinapatigil mo na ba ako manligaw sa iyo?" Puno ng hinanakit ang kanyang boses at mahahalata na nasasaktan siya sa kanyang sinabi bagay na maging akk ay hindk ko inaasahan.

Hindi ako agad nakasagot dahil alam kong ang susunod na salita na lalabas sa bibig ko ang tuluyang puputol sa ugnayan naming dalawa. 

"Oo, Zeph." Mahinahon kong saad habang diretsong-diretso ang tingin ko sa mga mata niya. Walang halong pag-aalinlangan, walang halong pagdadalawang-isip. Hindi rin ako makapaniwala na ibibigay ko sa kanya ang salitang 'Oo' sa ibang konteksto at sitwasyon. "Itigil mo na ang panliligaw sa akin. Dahil sa nakikita kong patutunguhan ng kung ano mang namamagitan sa ating dalawa, malabo na maging tayo."

Gusto ko naman gawin ang bagay na ito ngayon lalo na at hindi ko napagtagumpayan iligtas ang sarili ko noon.

Ilang beses bumukas sara ang bibig ni Zephyr na para bang hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Bakas din sa kanyang mga mata ang labis na gulat at pagkalito sa naging daloy ng aming usapan.

"Ha. . ." Sa bandang huli ay napabuga na lamang siya ng hangin sabay sapo sa kanyang noo at marahas na hinilamos niya ang kanyang mukha.

Ilang beses pa siyang naghanap ng mga sasabihin sa akin habang kapansin-pansin na rin ang pamumula ng gilid ng kanyang mga mata bagay na labis kong ipinagtaka dahil buong akala ko hindi ganito kalala ang magiging reaksyon niya.

"Hindi ako makapaniwalang nagagawa mong sabihin sa akin iyan ngayong kaarawan ko, Eliana. Ito ba ang regalo na inihanda mo sa akin?" Bakas ang labis na hinanakit sa kanyang tinig nang magsalita siya.

Hindi rin ako nakasagot dahil totoong ang kapal ng mukha ko na pinatigil ko siya sa panliligaw sa araw mismo ng kanyang kaarawan. Hindi talaga ako magaling mamili ng regalo kahit kailan.

"Paano naman ang nararamdaman ko, Eliana? Paano naman ako na unti-unti ko pa lang nadidiskubre ang pakiramdam na magmahal? Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng pagkakataon para sa sarili ko dahil inintindi naman kita noon, Eliana. Sagad na pag-unawa at pagpapakumbaba ang ibinigay ko sa'yo, pero basta mo na lang ako patitigilin ng ganito na lamang? Hindi ka naman makasarili di ba?" Panunumbat niya pa sa akin at ewan ko ba kung bakit bahagya pang nagpantig ang tenga ko dahil doon.

Makasarili? Ako pa ba ang makasarili ngayong ilang beses ko na ba siyang pinalampas sa mga kasalanan niya sa akin.

Alam kong may hindi rin sila pagkakaintindihan ni Caedmon at sa lalim ng pinaghuhugutan ng kapatid ko ay impossibleng karibal lang sa akademya ang ugat noon. Dama kong may mas malalim pang dahilan ang mga kilos nila sa isa't-isa pero hindi sinabi ni Caedmon sa akin anuman iyon dahil alam kong binibigyan niya ako ng kalayaan kilalanin ang totoong si Zephyr kahit pa ang kapalit noon ay ako naman ang masaktan pabalik.

"Hindi ko naman obligasyon na turuan ka magmahal ng iba, Zephyr. Bakit hindi mo muna unahin mahalin ang sarili mo at ang kaharian mo ng tunay at tapat bago ka magmahal ng iba. Kasi, Zeph, hindi trabaho ng kapares mo ang buuin ka kundi ikaw mismo ang bubuo sa sarili mo."

"Pero, Eliana, hindi ko kaya ng wala ka. Wala ng babae ang nararapat na tumayo sa tabi ko kundi ikaw."

"Tama na, Zeph." Mariin akong umiling sa kanya saka ako tumayo na sa akkng kinauupuan. "Hindi ko prayoridad ngayon ang alagaan ang ibang tao dahil may mas mahalaga pa akong tungkulin doon. "

"Eliana, h. . . huwag naman ganito." Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero marahan ko itong iniwas. "Pakiusap, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi pa ako pumapayag sa kagustuhan mong tumigil ako at ---"

"Nahihibang ka na ba?" Sa pagkakataong ito ay mas marahas na ang aking boses dahil dama ko na ang pagmamatigas niya sa akin."Naririnig mo ba ang sarili mo, Zeph? Kasi kung oo, sana mapagtanto mo na hindi mo nirerespeto ang desisyon ko kahit sinabi ko nang tama na."

"Eliana. . ." Pagtawag niya pa sa akin na para bang hirap na rin siya banggitin ang pangalan ko.

"Hanggang dito na lang ang usapan natin, Zephyr. Ayokong mas magkasamaan pa tayo ng loob kaya, sana, maintindihan mo rin ang mga napag-usapan natin ngayon." Tumalikod na ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay bibigay na rin ako kapag nanatili pa ako kasama siya.  "Maligayang kaarawan, Zephyrus." Huling saad ko pa sa pinakamalamig at mahinang boses na kaya kong ilabas pa.

"Eliana! Eliana!" Dinig ko pang tawag niya sa akin pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko na siya nilingon pa.

Tama na iyon siguro. Tinapos ko na naman ang isang ugnayan dahil pinili ko naman ang sarili ko sa pagkakataong ito.

Tahimik lang akong naglakad pabalik sa loob upang hanapin si Aiah. Gusto ko na rin kasi bumalik sa akademya para makapagpahinga na dahil masyado nang marami ngayong araw.

Habang dahan-dahang naglalakad pabalik ay pinanatili ko lang nakayuko ang aking sarili at kinokontrol ang aking paghinga. Makailang beses din akong pumikit ng mariin upang pigilan ang aking sarili na maging emosyonal.

Masakit. Kahit maikli lang ang panahon na pinagsamahan namin ni Zeph, kahit hindi naging kami, pakiramdam ko ay binitawan ko na naman ang isang kaibigan. Magmula kay Brandon noon na iniwan din ako, si Castiel, at si Calyx. Wala naman tumatagal halos sa akin na relasyon dahil sa tuwing pinipili ko na sila ay nasasaktan na ako.

Pero sa pagkakataong ito, ako na ang bumitaw dahil pagod na ako masaktan at maiwan sa ere. Nakakapagod na.

"Duwag na kung duwag, pero ayoko na muli ang nangyari dati." Mahinang bulong ko sa sarili ko at muli na akong nagpatuloy sa paglalakad pero para bang ang bawat paghakbang ko ay napakabigat sa mga paa ko na hindi ko na halos maigalaw ito.

Nararamdaman ko rin ang panlalabo ng mga mata ko at ang bahagya na nitong pamamasa hanggang sa tuluyan na rin bumagsak ng sunod-sunod ang mga luha na kanina pa naiipon dito.

"Tangina naman kasi." Bulong ko pa habang marahas kong pinupunasan ang mga luha na patuloy lang bumabagsak mula dito.

Napakatigasin ko pero kapag nasaktan ako ay napakaemosyonal ko. Tangina yan.

Sandali ko pang kinalma ang sarili ko bago ako magpatuloy sa paglalakad pero nakakainis isipin na masakit pa rin ang dibdib ko na nagiging dahilan ng hindi pagtigil ng mga luha ko.

Ilang sandali lang din ay nakarinig na ako ng mga yapak mula sa di kalayuan at bahagya na rin akong nataranta dahil ayokong may nakakakita sa akin na umiiyak ako.

"Oo nga e, ang enggrande nga ng mga palamuti kanina." Dinig ko pang saad ng isang boses ng babae na dama kong dahan-dahan na rin naglalakas patungo sa kinatatayuan.

Kahit nanlalabo pa rin ang mga mata ko ay sinubukan ko pa rin maghanap ng maaari kong taguan. Mas lalo lang din akong nataranta dahil wala man lang akong mahanapan na pader o silid man lang na nandito. Akmang tatakbo na lang sana ako paalis ng may biglang humarang sa daraanan ko saka ako tinalukbungan ng isang roba na maaaring matakpan ang mukha ko.

Hindi na ako halos nakakibo pa at nakareklamo lalo na at pamilyar sa akin ang amoy ng lalaking nasa harapan ko. Hindi ko man nakita ang mukha niya dahil mukhang iniiwasan niya rin tingnan ang hitsura ko ay dama ko na kung kanino ang roba na nakatalukbong sa akin ngayon.

"Ihahatid na kita sa karwahe mo. Naghihintay na ang iyong kuya, Eliana." Mahinahon niyang saad saka niya marahang hinawakan ang kamay ko at dahan-dahan akong inalalayan sa paglalakad.

"Salamat. . ." Sandali pa akong suminghot at huminga ng malalim bago ko banggitin ang pangalan niya. ". . .Eryx."

>>>>>>>>>>>

Continue Reading

You'll Also Like

BloodNight Academy By angel

Mystery / Thriller

324K 8.8K 51
Highest Rank: #6 in Mystery/Thriller In which they all welcome her to a hell-like school. But that's not all, because there's someone wanting to ha...
24.4M 712K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
8.7K 439 38
Science and Technology is at their peak at our generation. Using this, we create innovations and different useful items or food. Cure for diseases...
179K 7.6K 54
Zheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is...