I Can See Your Death (Season...

By Moon_Hee_Young

18K 1K 113

Rhiona Peralta was born with a special ability that allows her to see how people die by touching them. Becaus... More

"ABOUT THE STORY
Prologue
ICSYD #1 - Found a Friend
ICSYD #2- I see
ICSYD #3 - The Unsolved Case
ICSYD #4 - Rescuing the Brat Girl
ICSYD #5 - Enemy to Friend
ICSYD #6 - Curiosity
ICYSD #7 - Different Stories
ICSYD #8 - Missing Person
ICSYD #9- "Quarrel"
ICSYD #10 - Failed
ICSYD #11 - I can see Death
ICSYD #12 - Back Home
ICSYD #13- "The Unknown Caller"
ICSYD #14 -"Who Among Them"
ICSYD#15- "Reason"
ICSYD #16 - "Stick with you"
ICSYD #17- "Meet the killer"
ICSYD #18 - "The Caller"
ICSYD #19 - "The Transferee"
ICSYD #21 - "First Case and A Coffee"
ICSYD#22 - BLOWN OUT
ICSYD#23 - Innocence
ICSYD #24 - "Lollipop"
ICSYD#25 - Cheater
ICSYD #26- Mystery box
ICSYD #27 - " Set- up"
ICSYD #28 - A Real Companion
ICSYD #29 - History Repeat Itself
ICSYD #30 - Falling
ICSYD #31 - The Bet
ICSYD #32 - Missing Evidence
ICSYD #33 - Back to you, Lauren.
ICSYD #34 - Forgive
ICSYD #35 - "Lovis Medrano"
ICSYD #36 - "The Party"
ICSYD #37 - "Rumble"
ICSYD # 38 - Got Your Back
ICSYD #39 - Her Secret
ICSYD #40 - Something Odd
ICSYD #41 - Escape
ICSYD #42 - Found Evidence
Chapter 43 - Momenth of Truth
Chapter 44 - Unspoken
Finale 1- Everything Left Unsaid
Finale 2 - Everything Left Unsaid
Special Chapter
NOT AN UPDATE!!!

ICSYD #20 - "Decision"

345 16 0
By Moon_Hee_Young

Rhiona

Agad ko hinimlay yung katawan ko sa malambot na kutson ng kama ko, grabe... pagod na pagod yung kaluluwa at katawan ko nitong buong araw, sobrang daming nangyari mula sa napaginipan ko hanggang kay Lauren tapos tungkol doon sa offer ni Nyxus sa akin. Paano naman ako makakatulong sa pagiimbestiga sa kasong iyon? 

At isa pa nasa isip ko rin kung ito ba talaga ang gusto ni papa, ang magkaroon ng hustisya ang pagkamatay niya? Kung yung sarili ko lang ang iisipin ko ay gustong-gusto ko talaga na makuha at mahuli ang pumatay sa papa ko, 'bigyan mo lang ako ng sign Pa, kung gusto mong mahuli iyong tao na pumatay sayo' 

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at kinuha yung tuwalya sa aparador ko, kinuha ko din iyong sabon at shampoo na nakapatong sa taas dahil balak kong maglinis na ng katawan ko kasi pakiramdam ko ay ang lagkit ko na. Pumunta na ako sa banyo saka naligo. 

Pagkatapos ng sampong minuto ay natapos na ako saka kumuha ng damit na maisusuot ko, after nun ay pinatuyo ko yung buhok sa harap ng electricfan ko, narinig ko naman ang pagtunog nung ringotne ko sa messenger ko, kinuha ko agad yung cellphone saka ko binuksan ko at bahagya pang napataas ang kilay ko ng makita ko yung pangalan niya sa screen ng phone ko. Binuksan ko ito saka binasa iyong message niya

From: Lucien

"Sorry for what I have said earlier, I guess I was just overreacted :)" wika niya

Hindi ko alam pero gusto kong matawa sa emoji na ginamit niya sa last text niya, yung emoji na nakangiti ng medyo pero mukhang may sama ng loob, at nag-effort pa talaga akong ichat? Nireplyan ko naman sya

To: Lucien

"Don't worry, I understand :)" panggagaya ko sa ginamit niyang emoji, wala lang gusto ko lang syang asarin, ba't ba?

Naghintay naman ako ng ilang minuto sa reply niya, saka ko tiningnan yung chat namin at nakaseen lang sya,tss. Ibababa ko na sana yung cellphone ko ng tumunog ulit ang messenger ko saka ko agad tiningnan iyong message niya. 

From: Lucien

"Good to know. Thanks. Oyasumi :)"

Yun na yung reply niya agad na niyang pinutol, anong irereply ko don tss. Wag na nga, I just reacted like to his message at tinapon na sa kama yung cellphone ko. Makapag memorize na nga lang ng mga klase ng buto sa katawan. Kinuha ko naman yung anatomy ko na libro saka ko diniretso yung pahina sa nilagyan ko ng bookmark kanina. 

Habang sinasaulo ko yung mga pangalan ng  ibat-ibang buto sa ating katawan ay bigla na namang ulit nagnotif iyong messenger ko saka binuksan ko iyong phone ko at nakita ko ulit yung name niya sa screen lock ko, binuksan ko naman to ulit saka binasa. 

From: Lucien

"Sorry for disturbing but can you take a ss, doon sa part ng skeletal system yung ipapaoral sa atin sa Monday ni Ma'am Altazar? I left my book at school. My bad" sabi niya, napansin ko naman na nawala yung emoji niya don sa last 

Di ko naman pinatagal pa at sinend ko na yung kailangan niya 

From:Lucien

"Ty :)" reply niya ulit, ayon na ulit yung emoji niya, ang tipid niya talaga magsalita eh no? depende kung may kailangan.

Halos magiisang oras din inalaan ko sa pagmememorize ng may biglang kumatok sa pintuan ko saka tinawag nung landlady yung pangalan ko. Binuksan ko naman agad ang pintuan at hinarap sya. 

"Pinabibigay pala sayo Ms. Peralta" sabi nung landlady saka ko naman kinuha iyong envelope na nasa kamay niya

"Salamat po" wika ko , saka ko isinarado ang pintuan at nakatingin doon sa maliit na envelope, binuksan ko naman ito at tiningnan ang laman nito, pero parang isang calling card ang nakuha ko saka may telephone number na nakasulat dito, bakit? para saan to?

Tiningnan ko naman ang likod ng bahagi nito at nakita ko doon ang isang clue na makakatulong sa akin na makuha iyong  hustisya na dapat kay papa, nakalagay dito ang isang pangalan ng lalaki na sya umano'y makakatulong sa akin. 

Luvertos Damasco. 

Kinabukasan. 

Agad ko pinaalam kay Nyxus ang tungkol doon sa envelope na natanggap ko kagabi, at ikinabigla ko naman iyong balita niya sa akin non na pinalabas na pala sya doon sa hospital. Kaya ngayon ay plano namin ulit na magkita sa Brews Café. I finally made up my mind also, siguro ay yun nga ang sign ni papa na gusto niya mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya kasama na ang iba pang biktima. 

Nang makarating na ako sa shop na sinasabi niya ay agad ko naman itinulak iyong pintuan papasok, saka hinanap ko ang pwesto ni Nyxus at agad ko naman syang nakita nung kumaway sya sa akin at nakangiti ng bahagya. He's wearing a striped black and white polo on the inside with a navy blue coat on it, then black slacks on the bottom and white rubber shoes.

Para bang huminto yung oras ko saglit habang minamasdan ko ang kanyang pagkaway at ang mga ngiti niya. How can be this man has such a beautiful smile, iba yung mga ngiti niya sa ibang mga lalaki ei.

Agad ko naman binalik yung kaluluwa ko sa reyalidad at kumilos papunta doon sa lalaki na yon. Kung ano-ano nalang yung mga naiimagine ko.

Tumayo naman sya at iginaya iyong upuan sa akin saka niya ako pinaupo, at bumalik sya doon sa pwesto niya.

"So how is your night?" Tanong niya, inaalala ko naman ang nangyari kagabi.

"Nothing's special happen" sabi ko

Magsasalita pa sana sya ng biglang sumingit iyong waitress.

"Goodmorning Ma'am and Sir, Can I take your order?" Wika nung waitress

"Sure isang Afogatto sa akin" wika ni Nyx saka sya tumingin sa akin

"Ahh.." sabi ko habang nakatingin sa menu nila. Shuta ang mamahal! Wala bang nescafe 3in1 dito?

"Don't worry, sagot ko na ang bayad" wika niya

"Syempre naman talaga Sir, sagot ng lalaki yung gastuhin nila sa date, pero syempre maganda din naman yung both partners nililibre yung isat-isa" wika nung waitress, napanganga naman ako sa sinabi nito.

"Uh.. you misunderstood us, Miss" wika ni Nyx

"Huh? Bakit?" Tangang tanong ng babae

"We're not a couples" sabi ko ng diretso sa kanya at parang napahiya naman sya

I finally made up my mind sa inorder ko at dahil hindi naman ako yung magbabayad ay nag-order ako ng Iced caramel macchiato saka ng cheesecake, tinake ko na ang opportunity na makatikim ng mamahaling kape dito sa restaurant nato.

"Dinaig mo pa yung inorder ko ah" wika niya

"Well, sabi mo ei ikaw yung magbabayad" sabi ko

"Anyways, tungkol doon sa natanggap mong envelope kagabi, pwede ko bang matingnan yon?" Wika niya

Kinuha ko naman iyon sa bag ko saka ibinigay sa kanya

"Luvertos Damasco?" Basa niya doon sa nakasulat sa likod " I never heard the name of this man, lalo na sa mga dyaryo, kilala mo ba ang nagbigay nito sayo?" Tanong niya

"Hindi ei, binigay lang kasi yan ng landlady doon sa tinitirhan ko na apartment" ako

" Hindi tayo nakakasiguro kung sino nga yang tao na yan, kaya hindi natin tatanggapin yung tulong niya, hindi natin alam baka pahamak lang ang dala sa atin ng lalaking iyan" wika niya, may point din naman sya, yun dim ang naisip ko kagabi

"Kung papayag talaga ako sa pagtulong sayo sa pagresolba sa kasong ito, paano ako makakatulong sayo" tanong ko sa kanya, he flash a smile on his lips which is like it to see

"Gamitin natin yang espesyal na abilidad mo" wika niya

"A-ano?!" Ako

"Gamitin natin ang espesyal na abilidad mo, paulit-ulit?" Irita na sabi niya

"Paano mo naman magagamit tung sumpa na meron sa akin" sabi ko, agad naman sya napasimangot sa sinabi ko

"You know what, don't think of your ability as a curse or bad luck, para sa akin ay espesyal iyan, hindi mo kasi alam kung ano ang benipisyo na maitutulong ng abilidad mo na iyan kasi palagi kang nakafocus sa mga sinasabi ng tao sa iyo. You're eyes are beautiful and you are unique" sabi niya

Para bang may tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niya dahil ba sa ito yung una-- hinde pangalawang beses na may nagsabing positibong dahilan tungkol sa abilidad ko.

"I was that kind of person before the accident happen" sabi ko " sinabi din iyan ng isang importanteng lalaki sa buhay ko, pero nung mawala sya ng dahil sa akin ay hindi ko na maisip na may naidudulot pa ito ng mabuti anh abilidad ko" dagdag ko

"Kaya nga dahil nakikinig ka sa mga sinasabi ng tao sayo, saka isa pa, yung kamatayan ay darating talaga iyan sa buhay natin at hinding-hindi mo iyon mapipigilan, kailangan nating tanggpim iyon" wila niya

"So paano nga makakatulong itong abilidad ko?" Sabi ko, upang maibalik iyong usapan namin sa orihinal

"Kailangan mo lang tingnan kong paano mamamatay yung isang tao na magtatayong bilang witness natin, at saka natin pigilan iyong killer na iyon sa pagpatay sa kanila" wika ni Nyx

" Pero sabi mo nga kanina diba, hindi natin hawaknyung buhay nila? What if mabigo tayo? How can we handle the consequences?" Ako

"If we failed to protect them atleast we have a piece of information to gather, sapat na yun para mahuli natin ang salarin" suhestiyon niya

For a moment, I was silent, thinking about the things that we had discussed. For me, it's not just a simple job to take advantage of one's life. Kung gusto kong iligtas ang tao na yon ay gagawa ako ng paraan para mailigtas siya. Pero tulad nga ng sabi ni Nyx, hindi ko kontrolado ang buhay nila.

Kung tatanggapin ko man ang trabaho nato, I should prepare myself for emotional trauma because I've been there for a long time.

"Ano, payag ka ba sa plano ko?" tanong niya

Napaisip pa ako ng mga ilang segundo, tatanggapin ko ang alok niya pero sa isang kondisyon... dahil ayaw kong maulit yung nangyari sa Papa ko dati ay mabuti nang may mapagkasundo kami sa isat-isa ni Nyx. 

"In one condition..." sabi ko, napatingin naman sya sa akin habang nag-aantay ng idudurogtong ko sa sasabihin ko " Just don't die in front of me? Payagan mo din ako na makita ko kung anong panganib ang magdadala sayo habang ginagawa natin itong misyon natin" wika ko 

"S-sure" utal na sabi niya

"So I'm in" simpleng sabi ko

"Great!" masayang sabi niya

"So kailan natin sisimulan yung unang misyon natin? can we do it on weekends? nag-aaral din kasi ako, you know?" ako 

"Sure, we can do it on weekends" sabi niya habang hinigop niya yung kape niya

"Okay" ako 

Hindi na kami muli nagusap at nakatuon yung atensiyon namin sa mga kape namin. Naalala ko din naman ang tungkol kay Shanaia at sa kanya. Should I ask him about her?

"Uh..." panimula ko, nakuha ko naman ang atensiyon niya at napatingin sa akin " Kamusta pala si Shanaia?" tanong ko, napataas naman yung kilay niya habang humihigop ng kape

"Shanaia? She's been doing okay" sagot niya

"Naikwento niya kasi sa akin ang tungkol sa kanya at sa kapatid mo. Hindi ko alam na naging biktima rin pala yung kapatid mo sa kason iyon." ako 

"Yah... Gusto ko talaga na hawakan ang kasong ito saka pagimbestigahan, pero may pumipigil kasi sa akin dahil sa kapakanan ng pamilya niya" wika niya, tinutukoy niya siguro yung matandang lalaki na nakita ko noong isang araw

"Parang kilala niyo na yung isat-isa?" ako 

"Ah yeah, nagkakilala kami ni Shanaia sa pinagtatrabahuan nila ni Imogen, hindi ko lang inasahan na nakaligtas siya mula don sa mga kriminal na iyon" wika niya

"May tumulong kasi sa kanya noon, kaya siya hindi nasali sa mga pinatay na modelo, saka sinabi niya kung bakit hindi sya pinatay dahil sa video na nirecord nung lalaki na tumolong sa kanya" ako 

"I think yan yung tinutukoy na flashdrive na nakuha ng papa mo habang ginagawa niya yung imbestigasyon, at nakakasigurado ako na yung bagay rin na yon ang rason kung bakit pinatay ang papa mo" sabi niya, natulala naman ako sa sinabi ng lalaki na nasa harap ko, ganun pala talaga ka confidential ang video na iyon dahil kaya nilang kumitil ng buhay ng tao para don. 

"But I thought, na nasa kamay na ito ng mga suspek? pero bakit pinapahanap pa rin nila?" takang tanong niya

"Maybe, may iba pang nakakuha ng video na yon?" wika ko

"I should ask Shanaia about that" wika niya

Binalot naman kami ng katahimikan habang inuubos ko na yung pagkain ko. 

"Nga pala, naalala mo pa ba ang mukha nung lalaki na sinasabi mong pumatay sa ama mo?" tanong ni Nyxus

"Hmm, hindi-hindi ko makakalimutan ang pagmumukha nong hayup na 'yon" wika ko 

"Kailangan mo'ng maging aware palagi sa paligid mo, since kilala ka na rin nung killer na yon ay possibleng mainit ka na rin sa mata ng killer na yon"

Nakaramdam naman ako ng takot sa sarili ko kahit alam ko naman talagang ganun yong kahihinatnan ko dahil sa ginawa ko, pero ang marinig iyon mula sa lalaking ito ay mas kinilabutan ako. 

"If ever you encountered that notorious killer, don't hesitate to call me. At isa pa, huwag kang gagawa ng sarili mong desisyon patungkol sa paghuli ng killer na iyan, you should consult me first, understood?" sabi niya saka niya tiniklop iyong kamay niya at ipinatong ito sa baba niya. 

" Okay" sabi ko sa kanya

Nang maubos na naming lahat ang pagkain na nasa mesa namin ay saka naming naisipan na tumayo na , lumapit naman si Nyx doon sa may counter saka siya nagbayad nung inorder namin at sabay kaming lumabas sa shop na iyon. Napakapa naman ako sa cellphone ko ng biglang nagvibrate ito, nakita ko naman sa screen ang message ni Mama sa akin kaya agad ko ito binuksan. 

Nanglumbaba naman yung balikat ko sa mensahe na nabasa ko mula kay Mama, kinagat ko pa yung ibabang labi ko para mapigilan iyong pagiyak ko lalo't na may kasama pa ako. 

"Kailangan ko na yata'ng umalis" wika ko sa kanya

"Ihahatid na kita... saan ba punta mo?" malumanay na sabi niya, nahahalata yata niya ako

"Sa hospital" sabi ko

Agad naman niya tinungo kong saan nakaparada iyong sasakyan niya saka ako sumunod sa kanya at umalis na kami kaagad. Nabalitaan ko kasi kanina na tinakbo si Lola doon sa hospital kasi inatake ng kanyang sakit, alam kong hindi pa susuko si Lola sa sakit niya, anim na buwan ang sabi ng doctor. 

Nang huminto na iyong sasakyan sa harap ng hospital kung saan dinala si Lola ay agad ako nagpaalam at nagpasalamat kay Nyxus. 

"Walang anuman, just call me if you need anything" sabi niya, tumango naman ako sa kanya saka siya umalis, agad naman ako pumasok sa loob saka hinanap iyong room number ni Lola, nang makarating ako doon ay agad ko binuksan ang pintuan. 

Agad ko nakita si Lola sa higaan niya at may NG-tube na nakakabit sa kanya, ba't inilagay nila si Lola sa ganitong sitwasyon?

"Ate" tawag ni Reese saka lang din lumingon si Mama at Ryle sa pinaroroonan ko

"Kamusta si Lola?" tanong ko kay Reese

"Sa ngayon ay okay naman na si Lola, pero kailangan pa niyang obserbahan, saka nilagyan nila si Lola ng tubo upang maayos yung pagkain ni Lola, hindi na kasi kumakain si Lola kaya biglang sumama yung lagay niya" sabi ni Reese sa akin

"Napagdesisyonan namin na dito muna yung Lola mo hanggang sa maging maayos yung pakiramdam niya, pero sabi ng doctor kailangan parin nating maging handa sa posibleng mangyari" wika ni Mama

Nanglumbaba naman akong tiningnan si Lola, ang laki na nang pinagbago niya, mula sa malusog ngayon ay biglang pumayat at mas tumanda si Lola sa lagay niya, halos kita na rin iyong buto niya dahil sa manipis nitong balat.

Napalunok naman ako bago nagsalita. 

"Ako na muna bahala kay Lola, wala naman akong gagawin ngayon" wika ko 

"Tumawag ka lang kung may mangyari man" wika ni Mama, saka nagpaalam sa akin ni Reese na aalis muna sila

Nakaupo naman ako gilid ni Lola at hinawakan ang kamay niya, pumikit naman ako ng may nakita ako, nakita ko lamang iyong flat ecg ni Lola saka sila Mama na nasa paligid niya lang, anumang oras ay mawawala na din si Lola sa amin, pero nakakasigurado ako na hindi pa ito ngayon. Iba kasi yung ayos ng higaan niya. 

Nagulat naman ako ng bahagya ng may biglang pumasok sa room na isang nurse, saka niya ibinigay sa akin yung nireseta ng doctor ni Lola saka ko ito dapat dalhin sa pharmacy. Buti nalang ay nagiwan ng pera si Mama sa akin dito. 

Lumabas naman muna ako sa room na iyon saka nagpunta sa pharmacy dito sa loob ng hospital, binigay ko naman iyong mga papel na binigay sa akin nung nurse kanina saka binasa ito ng babae na nasa loob. 

"3,450 pesos, lahat Miss" wika nung babae saka ko inabot yung bayad

Habang naglalakad ako sa hallway ay may napansin ako na isang bata na umiiyak habang pinapahid iyong luha niya gamit nung damit niya, nung makita ako nito ay agad syang tumakbo sa akin. 

"Ate! Ate! pleasee tulungan mo naman si Mama ko" wika nung batang lalaki

"B-bakit? Anong nangyari sa Mama mo?" wika ko

"Inaaway kasi siya ni Papa, please po tulungan niyo po siya" wika nung bata habang hila yung damit ko, wala naman akong nagawa kundi sumunod sa batang ito hanggang sa may narinig akong ingay sa loob

"Alam mo ba kung kanino nalang ako kumakapit para mabuhay ako Tonio! Sa anak natin!" wika nung babae suot ang hospital gown at may IV pa na nakakabit sa kamay nito. 

"Walang kwenta yang pinagsasabi mo Crista kaya ibigay mo na sa akin yung pera!!!" sigaw naman nung lalaki,

'Ano bang pinagawayan nila?" tanong ko don sa bata

"Gusto kasi k-kunin ni Papa yung p-pera na binigay ni Tita sa k-kanya para sana pambili at pangbayad sa hospital dito, ngunit gusto kunin i-iyon ni Papa para pangsugal niya lang" wika nung bata, naningkit naman ang mata ko sa sinabi niya

Agad naman nanlaki yung mga mata ko ng sasampalin sana nung lalaki yung asawa niya kaya mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa at pinigilan iyong kamay ng lalaki gamit mismo ang kamay ko. 

Napapikit naman ako ng may nakita akong trahedya mula sa lalaki ito. 

'Malakas na pagsabog mula sa isang gusali at nandon mismo ang lalaki na yon, siya ang may hawak ng bomba'ng sumabog sa gusali na yon'

Hindi lang yon, may nakita rin akong isang babae na nakaupo sa isang wheel chair at napasama sa pagsabog na yon. 

"Sino ka ba at bigla ka nalang nakikialam sa gulo ng may pamilya!!!" galit ng isang lalaki saka niya ako tinulak. Tss

"Mister, mali ang ginagawa mong panghaharass sa asawa mo" mahinahon na sabi ko 

"Anong pakialam mo?" wika nung lalaki " Makaalis na nga bwesit!!!" wika niya, saka siya lumabas sa kwartong ito

Gusto ko siyang pigilan... 

Hahakbang na sana ako upang sundan ang lalaking iyon ngunit natigilan ako nung tawagin ako nung bata.

"Ate, maraming salamat po sa tulong niyo" wika niya

"Maraming salamat iha" wika nung mama niya, pinagmasdan ko naman silang dalawa na walang kaalam -alam sa mangyayari sa asawa niya.

"Sige po aalis na po ako" wika ko saka nagmamadali akong hanapin iyong lalaki, nagtanong pa ako sa front desk nila dito ngunit hindi niya rin nakita.

Napunta ako sa cafeteria at doon naputol yung paghahanap ko sa kanya ng umupo lamang sya sa isang bench dito habang kumakain, ngunit hindi parin ako magpapakampante dahil marahil ay bukas mangyayari ang trahedyang iyon.

Bumalik naman ako sa kwarto ni lola at naabutan ko yung nurse na nakasimangot nga' pala kanina pa pala ito naghihintay sa akin kasi gagamitin niya iyong gamot na binili ko at ang tagal ko ding nakarating.

Tungkol sa nakita ko naman ay naisipan ko na ibalita iyon kay Nyx. Pinasahan ko lamang sya ng mensahe ngunit bigla itong tumawag.

"[May koneksiyon ba iyon sa kaso na iniimbestiga natin?]" Wika niya

Napataas naman iyong kilay ko sa sinabi niya

"Wala, hindi ko naman kilala kasi tong lalaking ito" wika ko

" Then that's not my job, it's up to you kung ililigtas mo sya o hindi" wika niya

"Ano?!"gulat na tanong ko

"Sabi ko ililigtas ko lamang yung mga taong mapapakinabangan natin sa imbestigasyon natin, kung wala namang kinalaman yan sa---"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil naiinis ako, ang makasarili pala niya eh! Akala ko tutulungan---- arggghhh! Nakakapikon!

"Rhia" biglang tawag sa akin ng babae na malumanay yung boses

"M-ma?" Ako

"Kamusta ang lola mo?" Tanong niya

"Ayos lang naman po" sabi ko

"Sige, pwede ka na magpahinga ako na bahala dito" wika niya

May gusto sana ako sasabihin sa kanya ngunit ipinagbaliban ko muna to. Nagpaalam nama ako sa kanya saka ko kinuha yung bag ko at ibinigay yung natirang pera. Nagulat naman ako jg magbigay sya sa akin ng 2k

"Tanggapin mo yan, pangdagdag sa gastos mo" wika niya

"H-hindi na po kailangan" wika ko

"Tanggapin mo na, masamang tanggihan ang biyaya" wika niya, wala naman akong choice kundi tanggapin yung 2k na binigay niya sa akin

Pagkatapos non ay tuluyan na akong lumabas sa kwartong iyon at naglakad sa mataong hallway ang daming mga dinadala na pasyente dito, yung iba sa kanila ay kakadala lang sa hospital na ito galing sa aksidente at duguan pa. 

Napansin ko naman ang ginang kanina, na nakasakay sa wheelchair niya habang nakatitig sa labas ng hospital, parang may nag-udyok naman sa akin na lapitan siya at ginawa ko naman. 

"Magandang gabi po" bati ko sa kanya

"Ay ikaw pala yan iha" wika niya

"Opo, kamusta po kayo?" tanong ko

"Eto, natatakot tuwing sumasapit yung gabi..." sabi niya " Natatakot ako tuwing sasapit ang gabi nato, natatakot akong ipikit ang mga mata ko dahil baka pagpinikit ko ang mga ito ay hindi na ako magising" malungkot na sabi nung ginang

Ang bigat pala sa pakiramdam pag alam mong hindi ka na magtatagal sa mundong ito, hindi mo alam kung kailan ka huling hihinga, kailan ka huling magigising. Pero ang mas nakakatakot ay yung maiiwan mo yung mga taong naging importante sayo. 

Death is a part of our lives. Everything will come to an end, nothing will last forever except love. That's the only thing that death can't take away from us. We only fear death because we know we won't be able to see or touch our loved ones after we die, and we're afraid of being forgotten.

What I learned about how I see people's deaths is... 

Life can end at any moment. Any time and any day, so we must cherish each moment that is given to us and spend it with the people who surround us. Don't waste every single moment of it.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

41.7K 1.4K 200
Dedicated to Jay and Badger. Art I do, if you didn't guess already. I try. I don't always succeed. Call me Blaze. (Art book 1, has been completed! Ch...
OBSESSED By thisbejaja

Mystery / Thriller

88.8K 3.8K 24
obsessed
9.6K 227 68
▶Taglish◀ ▶Little Bisaya◀ Ideas for Caption? Hugot? Caption for profile? Caption for Instagram photos? Instagram Bio? Self Motivation quotes? Broken...
1.8K 55 50
I'm Alice at ito ang Horror story na ibabahagi ko sa inyo. Bata pa ako ay kakamabal ko na talaga na malakas ang pakiramdam ko pagdating sa mga kakaib...