Got Pregnant by Mr. Millionai...

By Berryyppinkk

413K 9.9K 311

Started: Jan 22, 2022 Finished: March 23, 2022 More

WARNING
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
EPILOGUE
Special Chapter

CHAPTER 14

8.2K 223 5
By Berryyppinkk

Sapphira POV

Hindi ko alam kung saan pumunta si draven at kung ano ang ginagawa niya ngayon pero hindi naman ako pwede na umupo nalang dito habang hinihintay siya na bumalik. 

tumayo nalang ako mula sa pagkakaupo ko at na patingin sa buong paligid, walang masiyadong mga gamit dito sa loob ng opisina niya pero maayos ang pagkaka-arrange ng mga gamit na nandito. May bookshelf din siya sa kaliwa na puno ng mga libro at sa kabilang bookshelf naman ay mga makakapal na mga folder at documents ang nakalagay. 

may iilan din na picture frame ang nakita ko na nakalagay sa gilid kaya na pabaling doon ang atensyon ko, naglakad ako palapit doon habang nakalagay sa likod ko ang mga kamay ko. Ng makalapit ako ay isang company picture frame ang nakita ko. 

parang ito yung unang beses na nagbukas itong building at nandito din siya sa picture habang kasama ang ilang mga tao na hindi ko naman kilala. Anim silang lahat kasama na ang mukhang secretary niya? bukod sa secretary niya ay may dalawa pang lalake na nakatabi sa kanan niya, samantalang dalawang babae naman ang nasa kaliwa niya at nakakapit pa sa braso niya yung isang babae. 

sobrang laki ng mga ngiti nila sa picture at kitang-kita ko din sa mga mata ni draven na sobrang saya niya pati na yung ibang mga kasama niya, na pabaling naman ako sa isa pang picture frame na nasa kaliwa ko.

sa picture frame naman na ito ay nasa isang venue sila, outdoor venue at makikita din sa likod nila ang malaking farm ng mga animals, nakasakay silang lima sa kaniya-kaniya nilang mga kabayo at na kasuot pa sila ng black cowboy hat. Ang kay draven ang may pinakamagandang kabayo.

Ang dalawang lalake na kasama niya ay nasa kanan at kaliwa sa harap niya, samantalang ang dalawang babae naman ay nasa kanan at kaliwa sa tabi niya, samantalang siya ay nasa pinakagitna na para bang siya ang hari at nakabantay sa kaniya ang mga  kawal niya. Sobrang laki pa ng ngiti sa mukha ni draven habang nakatingin pa sa camera.

ng mapabaling ako sa isa pang picture frame ay na pansin ko na naging tatlo nalang sila. Nawala yung isang babae na morena na hanggang leeg ang ikli ng buhok, yung isa naman ay lalake na kasingtangkad lang ni draven pero mapapansin ang pagakakaiba ng style nila sa pananamit. 

bigla nawala ang malaking ngiti na sa mukha ni draven at ng tinignan ko ang panghuling picture frame ay nakita at na pansin ko na nawala na yung mga kasama niya sa unang picture, bawat picture na nakikita ko ay nababawasan at nawawala ang mga kasama niya, nawala na din ang malaking ngiti sa mukha niya. 

bigla ako na patigil ng marinig at maramdaman ko ang pagbukas ng pinto mula sa likod ko kaya na palingon ako at nakita ko na may pumasok na isang babae dito sa loob kaya na palayo ako mula doon.

"uh what are you doing here at mr. hudson office?" medyo mataray nitong sa akin habang nakataas pa ang isang kilay niya habang may ilinalapag na isang document sa ibabaw ng desk table ni draven. 

"I--I'm waiting for someone" maikli kong sagot dahil kung sasabihin ko na si draven ang hinihintay ko ay baka kung ano pa ang isipin niya. 

"in mr. hudson's office?" tanong nito at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa, kitang-kita ko ang mapanglait niyang tingin sa akin. "If you're waiting for someone then you can wait outside of this office. Only executive employee's are allowed to enter in mr. hudson office and--- who let you in? You're not allowed to be here" Dugtong nito at isang mapanglait na tingin ang nakikita ko ngayon sa mukha niya.

Hindi nalang nagsalita pa dahil kung papatulan ko pa siya ay baka kung ano pa ang mangyari. Hindi naman na bago sakin ang mga ganitong ugali ng mga employees dahil madami na akong nai-encounter na ganito.

"Sapphira"

Na palingon kami ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko na naglalad papasok dito si shaira, naglakad siya palapit sa akin at na patingin pa siya sa isa na kasama ko.

"Ms. Valdez, I don't expect to see you here" biglang nagbago ang tono ng boses nito at para siyang naging maamong tuta ng makita niya si shaira. Tumango nalang sa kaniya si shaira.

"I will get you a drink" paalam nito habang nakangiti pa kay shaira at ng mapatingin siya sa akin ay nakita ko pa ang pag-ikot ng mga mata niya bago siya naglakad palabas.

"Draven told me that he brings your here, dumiretso na agad ako dito para makita ka" sabi nito habang naglalakad kami palapit sa sofa at na upo na.

"Ang sabi ng secretary ko ay madaming pumupunta ngayon sa company para makita ka dahil kalat na kalat ang picture niyo ni draven and for sure ikaw ang lalapitan nila ngayon dahil sa kumakalat na picture" saad nito kaya na pataingin ako sa kaniya.

"Hayaan mo sila. Alam mo naman na walang kahit ano na namamagitan sa amin ni draven" sabi ko habang kinukuha ko ang sketchbook ko sa loob ng bag ko.

May ilang design pa kasi na kailangan ko tapusin at dito ko nalang gagawin habang hinihintay ko na makabalik si draven.

Biglang bumukas ang pinto at ilinuwa noon ang babae na nandito kanina habang may dala pa na isang tray na naglalaman ng dalawang baso. Nakangiti itong lumapit sa amin at ilinapag ang isa sa harap ni shaira.

Hindi ko siya pinansin pero na gulat nalang ako ng biglang mabasa ang sketchbook ko kaya na patayo kaagad ako at na patingin ng masama sa kaniya.

"Oops! Sorry.....na dulas sa kamay ko" mataray nitong pagkakasabi at isang ngisi ang nakita ko sa mukha niya.

Kinuha ko ang binigay niya kay shaira at naglakad palapit sa kaniya, pasimple kong ibinuhos sa kaniya iyon na ikinagulat niya.

"What the hell!"

Sobrang sama nitong tumingin sa akin pero seryoso ko lang siya binalingan.

"Why the hell did you do that?! Do you know how much this dress is?! Galit nitong tanong at nakita ko na napatayo si shaira dahil sa nangyari.

"It's cost me my whole salary to buy this dress! But you! You ruined it!" Nanggagaliiti nitong singhal sa akin.

"Aww my bad. Pero alam ko ba kung gaano kahalaga yang sketch book na tinapunan at binsa mo?" seryoso pero mariin kong tanong sa kaniya dahil ang tinapunan at binasa niya lang naman ay naglalaman ng mga bago kong design.

"Do I look like I care about that stuff? it's just a piece of book" galit nitong tugon kaya na patango-tango ako habang na papahinga ng malalim. 

piece of book huh?

magsasalita sana ako kaya lang ay biglang bumukas ang pinto at isang babae naman ang pumasok dito sa loob, na patigil pa siya ng makita niyang nakatayo kaming lahat.

"Ms. Jennifer pwedeng ilabas niyo na muna siya, baka kasi kung ano pa ang magawa ng kaibigan ko" aniya ni shaira kaya na patingin ako sa kaniya. 

sinunod niya ito kaagad dahil wala pang ilang segundo ay wala na ngayon dito sa loob yung babae na yun at ng mapatingin ako sa kaniya ay bigla akong na patigil ng mapansin na siya yung isang babae sa picture na nakita ko?

"Sapphira siya si jennifer, ang secretary ni mr. hudson" pagpapakilala ni shaira, ngumiti ito sa akin kaya tumango nalang ako at na upo na uli.

"Mr. Hudson wants me to inform you that he'll be back at lunch. May mga ginagawa pa kasi siya kaya hindi pa siya makakabalik pero pinapatanong niya kung may gusto ka ba o kailangan?" Tanong nito kaya na pailing nalang ako kaagad.

"Wala naman akong kailangan, thank you" sagot ko at na patango-tango siya.

"Kung may kailangan po kayo, nasa labas lang ako" sabi nito at nagpaalam na kailangan na niyang umalis dahil may gagawin pa siya.

Ng makalabas siya ay na pahinga nalang ako ng malalim at na patingin sa sketch book ko na ngayon ay basang-basa niya.

Tinignan ko kung na basa ba lahat ng page ang sketchbook ko, na kahinga naman ako ng maluwag ng makitang hindi nabasa yung ibang page pero naging malabo naman ang mga drawing ko. Ng mapatingin ako kay shaira ay nakita ko na nakatutok siya sa cellphone niya.

"Nagbukas ka na ba uli ng social media mo?" Tanong niya, "Oo, kanina nagbukas ako. Nakita ko yung post tungkol sa akin at sa kaniya" sagot ko habang maingat ko na tinatanggal ang mga basang papel sa loob ng sketchbook  ko.

Balak ko kasi ihiwalay yung mga yun para patuyuin muna.

"Ngayon ba? Tumingin ka ba uli?" Tanong nito kaya na patingin ako sa kaniya.

"Uhm hindi pa, wala naman akong mababasa na maganda kung magbubukas ako" sagot ko hanggang sa matanggal ko na lahat ay kinuha ko ang bag ko at kinuha ang tissue sa loob nun.

"Wala na yung mga post tungkol sayo, nabhura na lahat" sabi nito kaya na patigil ako.

huh?

Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid ng table sa harap ko at agad na binuksan iyon. Binuksan ko ang social media ko at tinignan ang mga nakalagay doon. Na patigil ako ng makitang wala na ngayon ang mga post tungkol sa picture namin ni draven.

Wala na akong nakita na kahit anong post tungkol sa picture na kumakalat kanina, bigla nalang itong nawala.

"H-how? Bakit bigla nalang nawala yung mga---"

"Well, let's just say that mr. Hudson deleted all those post" pagputol nito sa sinasabi ko kaya na patigil ako.

siya ang nagbura?

"So for now hindi ka muna makakapasok ngayon dahil nag-message ngayon ang secretary ko at ang sabi niya ay may mga naghihintay pa din sa labas ng building" dugtong nito kaya na patingin ako sa kaniya.

Ilinatag ko nalang isa-isa yung mga basang papel sa ibabaw ng table saka dahan-dahang pinunasan gamit ang tissue na hawak ko, hindi ko diniin ang pagkakapunas dahil baka mapunit pa.

"May ibang kopya ka pa ba niyan? Tignan mo oh basang-basa na yan. Sayang pa naman yang ginawa mo kung hindi lang dahil dun sa babae na yun kanina" tanong nito kaya na pailing ako at ilinagay ko sa gilid ang tissue na hawak ko.

"Ito lang yung meron akong kopya, na puno na kasi yung ibang sketchbook ko pero pwede naman ko naman ito ilipat sa kabilang sketchbook ko mamaya" sagot ko sa tanong niya. May mga extra sketchbook naman ako na nakatabi kaya lang ay naiwan ko sa kuwarto ni skylar.

Pwede ko naman ulitin uli ang paggawa ko sa mga design na nabasa pero kailangan din ng ilang oras para matapos ko lahat. Kailangan pa naman ito bukas,  magpupuyat ako ngayon para matapos lang lahat ng ito.

"Pwede ko naman iextend ang deadline ng submission para sa design mo? Hindi mo matatapos lahat yan ngayon" suhestiyon ni shaira pero na pailing lang ako sa kaniya.

"Hindi na kailangan, kaya ko naman tapusin ito lahat ngayon. Pagpupuyatan ko nalang siguro mamaya para matapos ko" pagtanggi ko sa inaalok niya.

Kinuha ko sa loob ng bag ko ang mga gagamitin ko para makagawa ng design, palagi kong dala-dala ang mga ito kahit na saan ako.

"Ilang designs ba ang kailangan mo ulitin?"

"Hmm.... 10 pages ang nabasa kaya 10 din ang kailangan kong ulitin ngayon, dagdag pa ng limang designs na tinatapos ko ngayon" paliwanag ko sa kaniya at nakita ko pang na gulat siya dahil sa sinabi ko.

"Edi 15 designs ang gagawin mo ngayon? Kaya mo bang tapusin lahat ng yan? Baka umagahin ka na niyan" gulat nitong tanong.

"Kaya ko naman tapusin ito lahat kung sisimulan ko siya agad" tugon ko.

Sinimulan ang paggawa ng design sa loob ng sketchbook ko, inuna ko muna gawin ang limang design na hindi ko pa tapos at mamaya ko gagawin yung mga na basa.

Lumipas ang ilang oras at lunch na ngayon, saktong lunch din ay natapos ko na ang  2 dalawang design.

Hindi naman kasi madali gumawa ng design para sa jewelry dahil kailangan mo din ng oras para makabuo ka ng maayos na design at kailangan din ay may idea ka kung ano ang gagawin mo.

Na paunat nalang ako sa batok at mga braso ko dahil medyo nangangalay na, na patigil ako sa pag-uunat ng marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya na palingon ako. Nakita ko si draven na naglakad papasok dito sa loob kaya na ilinapag ko ang hawak ko.

"Kailangan ko na pala umalis. May gagawin pa pala ako" paalam ni shaira kaya na patingin ako sa kaniya, kinuha niya ang bag niya sa gilid at tumayo na.

"Sasabay na a-"

"Hindi na, may lunch pa kayong dalawa oh" bigla nitong pagputol sa sinasabi ko at isang malaking ngiti ang nakita ko sa mukha niya.

"Lunch? Wala naman ka-"

"Sige na aalis nako ba-bye!"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil wala pang ilang segundo ay nawala na si shaira at narinig ko nalang ang pagsara ng pinto kaya na palingon ako.

"I already prepared a lunch for you" sabi nito at may ilinapag pa sa ibabaw ng table na isang paper bag kaya na patingin ako doon.

Ilinapag ko na sa ibabaw ng table ang sketchbook na nakapatong sa hita ko at tumayo na saka naglakad palapit sa kaniya.

"Baka magtaka yung mga empleyado mo kapag nalaman nila na may kasabay kang kumain sa lunch?" tanong ko sa kaniya dahil baka mamaya ay kung ano pa ang masabi nila.

Madaming may gusto kay draven and aware ako na lahat ay nagkakandarapa para lang makuha ang atensyon at mapansin sila ni draven.

"Don't mind them, my secretary will handle them" sagot nito habang ilinalabas ang nakalagay sa loob ng paper bag.

Madami akong nakita sa mga pagkain na ilinabas niya pero hindi ko alam kung anong tawag sa mga yun pero may sushi, pizza at cheesecake din dito.

Umupo na ako sa upuan sa tapat ng table niya at umupo na din siya, hawak-hawak na niya ngayon ang lunch box na ginawa ko para sa kaniya.

Tinanggal niya ang takip ng lunch box at na patingin siya sa nakalagay sa loob, kitang kita ko ang pagkasabik sa mukha niya na makain iyon.

Pinanood ko siya na kainin iyon at ng makain niya na ay bigla siyang na patigil, bigla din nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Uhm may problema ba? Hindi ba masarap?" Tanong ko sa kaniya at na paangat ito ng mukha sa akin saka na pailing-iling.

"I-I'm just speechless...... it's so delicious" sagot nito at isang malaking ngiti ang umukit sa mukha nito.

Na patango nalang ako sa kaniya, hindi ko nalang siya pinansin at sinimulan ng kainin ang mga pagkain na binigay niya.

Ilang sandali pa ay natapos na din ako sa pagkain at yung cheesecake nalang ngayon ang hindi ko po nakakain.

Binuksan ko iyon at sinimulan kainin pero na patigil ako ng mapansin na nakatitig sa akin si draven kaya na patingin ako sa kaniya.

"Gusto mo?" Tanong ko sa kaniya dahil na pansin ko na nakatingin siya sa cheesecake na kinakain ko.

Na patango ito kaya ilinapag ko ang serving fork na hawak ko at ibinigay kah draven ang cheesecake.

Kinuha niya yung serving fork na ginamit ko at yun ang ginamit niya sa pagkuha kaya na gulat ako.

"Sandali lang! Ginamit ko na yan!" Sabi ko pero hindi ito nakinig at isinubo iyon kaya na paawang ang bibig ko dahil ginamit niya mismo iyon.

"Hmm.... masarap siya"

Sabi niya habang kagat-kagat pa ang serving fork at isang pilyong ngiti ang nakita ko sa mukha niya. Bigla nalang uminit ng kaunti ang mukha ko at na paiwas ng tingin sa kaniya.

"T-tapos na ako kumain, kailangan ko pa pala tapusin yung ginagawa ko" sabi ko at halos mautal pa ako sa pagsasalita.

Tinulak ko na palayo sa table ang inuupuan ko saka tumayo niya, tinalikudan ko kaagad siya at naglakad pabalik sa sofa pero ramdam na ramdam ko ang mga titig niya sa akin kahit na katalikod ako.

Ng makaupo ako ay na patingin ako sa kaniya pero nakangiti pa din ito sa akin habang kagat-kagat ang serving fork na ginamit ko, na paiwas uli ako ng tingin at itinuon ang paningin ko sa sketchbook na hawak ko.

focus sapphira!

focus!

Lumipas ang mga oras hanggang sa maggabi na at ngayon ay nandito na kami ni draven. Pumunta kaagad ako sa kuwarto ni skylar pero ng makapasok ako doon ay naabutan ko siya na natutulog na habang hawak-hawak pa ang isang lapis.

Nakapalibit din sa kaniya ang iba niyang mga gamit para sa school, linigpit ko yung mga crayons na nakakalat sa huong higaan niya, pati na yung isang pad ng papel na nasa tabi niya, maingat ko kinuha ang lapis na hawak-hawak niya kaya ng maligpit ko na lahat ay inayos ko na ang pagkakahiga niya, ang sabi naman ng nanny niya ay kumain na siya kanina.

Nagbihis na din kaagad ako at lumabas habang dala ko ang sketchbook ko pati na ang mga kakailanganin ko. Ang alam ko ay may study room dito si draven? Kailangan ko pa kasi tapusin yung mga design ko para maipasa ko na bukas.

Timulak ko pabukas ang pinto saka pumasok na loob pero bigla akong napatigil ng makita ko si draven dito sa loob. Nakatutok ito sa laptop niya na mukhang may ginagawa at may suot din siya na salamin, na patigil pa siya ng makita ako.

"I'm sorry, I don't know na nandito ka pala. Aalis nalang a-"

"Maluwag pa naman dito, hindi mo naman kailangan umalis" pagputol nito sa sinasabi ko.

Nagdadalawang isip pa ako kung aalis ba ako o hindi, pero ito palang ang alam ko na pwede kong mapuntahan, sobrang laki naman kasi ng bahay niya.

Sinara ko nalang ang pinto at naglakad na palapit sa kabilang study table na nasa tabi niya, ramdam ko ang mga titig niya sa akin pero hindi ko siya binabalingan ng tingin.

Hindi ko nalang siya pinansin at sinimulan na ang ginagawa ko. Lumipas ang mga oras at natapos na din ako kaya ng mapatingin ako kay draven ay nakita nakahiga ang ibabaw ng ulo sa braso niya na nakapatong sa ibabaw ng table at nakapikit din siya pero suot pa din ang salamin niya. Nakaharap ito sa akin.

Lumapit ako sa kaniya at tinanggal ang suot niyang salamin, nakaramdaman din ako ng pagkaantok kaya ipinatong ko ang dalawang braso ko sa ibabaw ng table at iyon ang ginawang unan.

Na patitig nalang ako sa kaniya, gwapo din pala siya?

Tuluyan ng bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

*******************************

AN: Alam ko po puro bitin ang mga update ko, tinatapos ko po kasi muna ngayon yung isang story ko kaya mabagal ang pagupdate ko, yun po ang inuuna ko ngayon pero kapag natapos ko na po iyon ay mag-uupdate po ako ng 1-2 chapters dito. Please bear with my slow updates.

NOTE: This story may encounter some grammatical errors and wrong typos, I'm not PROFESSIONAL writer so expect some errors, and I'm still learning how to improve my writing.

Continue Reading

You'll Also Like

10.1K 615 69
"It's rare to meet a man who is straightforward to tell his feelings to a woman he likes." Aj says to herself. For her, Andres is a man who will tell...
79.3K 4.2K 74
โ“ˆโ“โ“„โ“Œ โ“Šโ“…โ’นโ’ถโ“‰โ’บโ“ˆ โ’ปโ“„โ“‡ โ“ƒโ“„โ“Œ ๐€๐ข๐ณ๐š ๐“๐ซ๐ž๐ฒ, ๐จ๐ง๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐ ๐ž๐ฌ๐ญ ๐ฎ๐ง๐š๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐ฅ๐ข๐š๐ญ๐ž๐ ๐š๐ฐ๐š๐ค๐ž๐ง๐ž๐ซ ๐ค๐ง๐จ๐ฐ๐ง ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ข๐ง๐ ...
3.8M 159K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally โฃ๏ธ Cover credit...
10.7K 341 43
She is a very talented doctor who is willing to give all her time to the patient just to save their life. Ashtrielle Velasco is a very talented patie...