Coughtivated (SOON TO BE PUBL...

By Bluffink

5.9K 594 46

Disinfection gone wrong *** When a contagious disease which could be transferred human-to-human through inhal... More

Bluffink
Prologue
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
Epilogue
PUBLISHED!
COUGHTIVATED S2
01 (S2)
02 (S2)
03 (S2)
04 (S2)
05 (S2)
06 (S2)
07 (S2)
08 (S2)

05

208 21 4
By Bluffink

Takbo lamang sila ng takbo. Sobrang dilim dahil wala silang flashlight.

"S-si Gio! Atrium, si Gio! Tulungan natin siya!" sigaw ng sigaw si Robust at mangiyak-ngiyak na.

"Hindi natin kakayanin na mailigtas siya!" sigaw pabalik ni Atrium.

Patuloy sila sa pagtakbo, sa isa pang lagusan sila papasok. Inabangan pala sila ng taong nakasuot ng maskarang bungo sa unang lagusan na sinuong nila at malamang ngayon ay pinapatay na nito si Gio.

"May baseball bat ka! Pwede natin siyang labanan!" patuloy sa paghihimutok si Robust.

"Kita mo naman diba! Ang talim ng dala-dala niyang karit!" maluha-luha na rin si Atrium. Naalala pa rin niya ang nakakatakot na itsura no'n. Parang si Kamatayan. At, may pinagsamahan din sila ni Gio, kaya't naaawa rin siya sa sinapit nito.

Nakalabas na sila sa lagusan, lumiko sila at sa isa pang lagusan pumasok. Sinuong nila ang madilim na tunnel na hindi nila alam kung saan patungo.

"H-hindi ako makahinga..." hinang-hinang sambit ni Robust.

Natigil sa pagtakbo si Atrium at nilapitan ang kababata. Pilit niya itong inaaninag.

Patay, may asthma nga pala 'to.

Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. "Kumalma ka, Robust. Hingang malalim."

"Pucha, edi malalanghap ko ang kadiring amoy ng imburnal na 'to," sarkastiko itong tumawa sa kabila ng panghihinang nararamdaman. Naaninag niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito.

"Basta, huminga ka lang. Gago, walang paper bag dito, kumalma ka kasi," saad ni Atrium.

Matapos ang ilang minuto ay tila nakabawi na ng kaunti si Robust.

"Takte, nanonood dapat ako ng porn ngayon," mahinang bulong nito habang akay-akay ni Atrium.

Matagumpay nilang narating ang dulo ng lagusan. Pinauna ni Atrium sa pagakyat sa bakal na hagdan si Robust.

"Bobo, ikaw dapat ang mauna, wala akong lakas para iangat 'yung takip," sabi ni Robust.

Napabuntong-hininga siya. "Oh, hawakan mo muna 'to." Iniabot niya sa kababata ang kaniyang baseball bat. Humawak siya sa napakalamig na steel ladder at nagsimulang umakyat.

Tagumpay silang nakalabas sa manhole. Ngayo'y nasa kalsada na ulit sila at naglalakad ng halos  hindi na nakakatapak sa sementadong kalsada ang mga sapatos.

"Ssshh..." senyas ni Atrium sa panay murang si Robust.

"Tsngina, parang sa pelikula lang, pre. Kadiri, mga zombie sila?" Pisil pisil nito ang ilong. Samantalang si Atrium naman ay hawk eyes, nakikiramdam ito sa paligid. Mukhang sanay na ito sa nakakasulasok na amoy.

"What the fuck!?" Napangiwi na lamang si Atrium samantalang umiwas ng tingin si Robust na tila naduduwal nang may madaanan silang katawan ng bababe at wala na itong ulo. Mukhang bago pa lamang itong pinaslang.

Parang gripong rumaragasa ang dugo mula sa leeg nito.

—————

"Robust. Robust gising."

Niyuyugyog ni Atrium ang balikat ni Robust para magising na ito. Dahan-dahan itong nagmulat ng mata pero agad ulit napapikit dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha.

Tumingin si Atrium sa kaniyang wristwatch. "Alas otso na." Huminga siya ng maluwag. Sa likod ng isang pick-up truck sila nakatulog. Salamat sa Diyos dahil ligtas sila, sa ngayon...

"Ughh, gatas, fried rice, hotdog, 'yun ang gusto kong agahan, Mama."

Agad na binatukan ni Atrium si Robust. "Gising na, pre. Tiisin mo muna ang gutom."

Kunwari itong umiiyak. "Humihilab na ang tiyan ko. May grocery store ba rito? P'wede naman tayong kumuha ng food supplies do'n diba? Hindi naman tayo makakasuhan ng shop lifting kasi for survival naman ang purpose natin sa pagkuha ng pagkain."

Napabuntong-hininga si Atrium saka tumango. Bumaba sila sa pick-up truck na iyon at nagsimulang maglakad papunta sa isang grocery store. Mukha kasing hindi na kaya ni Robust ang gutom, at mas mabuti ngang magkalaman ang tiyan nila para may lakas din sila.

"Yan, insan, sige hataw! Wooohhh!!"

Sinamaan niya ng tingin si Robust. "Tumahimik ka. Maririnig nila tayo."

Nakataas ang dalawang kilay, agad na napahawak si Robust sa kaniyang bibig. Kapagkuwa'y ngumiti ito na parang inosente.

Napailing-iling siya at muling hinataw ang padlock gamit ang kaniyang baseball bat. Pagkatapos ng ilang minuto ay nasira na ang padlock.

"Yes! Yes!" pabulong na sigaw ni Robust at nag-fist bump pa sa hangin. Agad itong nagtatakbo papasok sa grocery store. Siya naman ay isinara ng mabuti ang pinto upang walang ibang walang makapasok habang nasa loob sila.

"WAAAAAAA!!!!"

May narinig siyang magkapanabay na sigaw. Agad siyang napatakbo sa pinanggalingan no'n.

"Ssshh!!"

"Ssshh!!"

Naabutan niya ang dalawa na parehong nags-sssshh sa isa't-isa. Parehong nakalapat sa labi ang hintuturo ng mga ito.

"Anong nangyayari rito?" tanong niya. Nakatingin sa babaeng may hawak na lata ng pringles na pinupukpok sa ulo ni Robust.

"S-siya kasi! Nagulat ako sa kaniya!" sigaw ni Robust habang nakaturo pa sa babae.

Nakasuot pa ito ng school uniform. Mahaba ang buhok na nakalugay at maayos ang bangs na animo'y hindi naapektuhan sa mga nangyayari sa labas. Ang singkit nitong mga mata ay bagay sa inosente nitong mukha.

"Huwag kang sumigaw. 'Wag kayong maingay," sobrang hinang boses na sita nito. Sinamaan sila ng tingin bago tumigil sa pag-pukpok saka sumubo ng pringles. Muli itong sumalampak sa sahig na may nakalatag na comforter.

"Uh, so ginawa mong safe haven 'tong grocery store?" tanong ni Atrium.

Tumango ang babae. "Mmm-hm. May supplies kasi rito, hindi lang foods, may medicines din."

Nilingon niya si Robust, pero wala na ito sa tabi niya. Hayun pala, nasa kabilang hilera na ng mga chichirya. Ibinalik niya ang tingin sa babae.

"Zafira," sambit nito.

"Huh?" kunot-nuo niyang tanong.

"Zafira," ulit nito.

"A-ah, haha, pangalan mo? Ah, okay. Uhm, Atrium." Nakapakamot siya sa batok.

"Robust the hottest!" Umupo ito sa comforter.

Nginitian ito ng dalaga.

Kumuha rin ng makakain si Atrium at naupo sa tabi ni Zafira. Napapagitnaan nila ito.

"Hindi tayo makapagtatagal dito," untag niya. "Kailangan nating lumabas dito. May pumapatay. Kumuha tayo ng essential supplies."

"Huh?! Ayoko. Dito lang ako," si Zafira. "Mas maraming pagkain dito. Mabubuhay ako rito."

"Mapapahamak ka. May taong nakasuot ng maskara, nakasuot ng mahabang kapoteng itim at may dalang karit," paliwanag ni Atrium.

"Oo nga. Putkes, hinabol-habol kami no'n—" Natigil si Robust nang maalala niya si Gio. Napayuko siya habang ngumunguya.

"Karit? As in, scythe?" Namilog ang mga mata ng babae. "Parang si Kamatayan ba??? Oh my— nakita ko rin siya, tapos pinugutan niya ng ulo 'yung taong tumatakbo eh hindi pa naman zombie. 'Yung parang si Kamatayan din ba 'yung tinutukoy niyo?"

Sabay na tumango ang dalawa.

"Uhh..." Sandali itong napaisip. "Parang... ah, so parang ang purpose niya, siya ang pumapatay, para hindi na madagdagan ang infected!"

Tila napagtanto rin ito ng dalawang binata. "Pinapatay na niya ang mga tao, para hindi na maging infected. Para matigil ang pag-spread."

"Ang pamilya mo?" biglang tanong ni Robust kay Zafira.

"Nasa States sila Mommy at Daddy. Only child lang ako. Sila Yaya, wala na sila. Muntikan pa nila akong kagatin," napahikbi ito at kinusot-kusot ang mga mata. "Kasama ko 'yung classmates ko nang gabing magsimula 'to. May group project kami. Then 'yun, one of my classmate went downstairs para sunduin 'yung katulong na inutusan namin na magprepare ng midnight snack."

"Tapos?" kyuryusong tanong ni Robust.

"He shouted like a girl. Tapos sabi niya, ‘takbo! takbo!’. Nagkahiwa-hiwalay na kami. The last thing I knew, panget na zombies na rin sila. Basta, these past few days, wala akong ibang ginawa kundi tumakbo, buti na lang at nahanap ko 'tong grocery store."

Napatingin siya sa kawalan. Pumasok sa isip niya ang kaniyang pamilya. Si Amy, na bigo niyang maisalba.

Bigla siyang napabalikwas nang may maalala. Tila nag-apoy sa galit ang kaniyang puso. Walang ulo nang maabutan niya ang kapatid. Kaya malamang ay ang baliw na naka-maskara ang pumatay rito!

"Rium? Okay ka lang?" tanong ni Robust.

Tumingin siya rito. Kapagkuwa'y bumuntong-hininga at ngumiti ng peke. Muli siyang tumingin sa kawalan at ipinagpatuloy ang pag-kain.

Humanda sa'kin ang putanginang nasa likod ng maskarang 'yon!

"Nga pala. Ano'ng grade ka na?" si Robust.

"Grade 12," tugon ni Zafira.

"Ah, so, 17 years old ka? Not bad. I'm 19 years old."

Haix. Dumadamoves pa talaga ang hayop.

Continue Reading

You'll Also Like

463K 19K 54
Siya si Hyeri Rodriguez. Basagulera, matigas ang ulo, at palaban kaya laging nasasangkot sa gulo. Simple lang siyang namumuhay sa bayan nila. Pero ma...
108K 4.2K 73
COMPLETED The Seven deadly sins Pride, Envy, Wrath, Gluttony, Lust, Sloth and Greed. Salita pa lang nakakatakot na, paano pa kaya in human form? I'...
3.6M 160K 102
#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their...
10.2M 153K 27
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...