Status: Single But Married [U...

OfficiallyYours143 द्वारा

1.8M 23.4K 1K

"The best and most beautiful things in the world cannot be seen or even touched. They must be felt with the h... अधिक

Status: Single But Married Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight and Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen (Part 1)
Chapter Seventeen (Part 2)
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter ThirtyTwo
Chapter ThirtyThree
Chapter ThirtyFour
Chapter ThirtyFive
Chapter ThirtySix
Chapter ThirtySeven
Chapter ThirtyEight
Chapter ThirtyNine
Chapter Fourty
Chapter FourtyOne
Chapter FourtyTwo
Chapter FourtyThree
Chapter FourtyFour
Chapter FourtyFive
Chapter FourtySix
Chapter FourtySeven
Chapter FourtyEight
Chapter FourtyNine
Chapter Fifty
Chapter FiftyOne
Chapter FiftyTwo
Chapter FiftyThree
Chapter FiftyFour
Chapter FiftyFive-55.1
Chapter Fiftyfive-55.2 (The revised one)
Chapter FiftySix
Chapter FiftySeven
Chapter FiftyEight
Chapter FiftyNine
Chapter Sixty
Chapter SixtyOne
Epilogue
Dear readers,

Chapter Seven

33.9K 449 5
OfficiallyYours143 द्वारा

Chapter Seven

 

Kyle's POV

 

Naka break kami ngayon sa trabaho at papunta ako sa hotel para makipagkita kay Lorraine. Nasabihan ko ba sya kahapon na may pupuntahan kami? "Ano bang number ng babaeng yun." ini-scroll ko yung contacs sa cellphone ko kaya lang naalala ko wala pala akong number ng babaeng nyza.

Natawa na lang ako nung maalala ko yung cellphone nya kahapon. Wala ba syang pambili ng mas high-tech na cellphone? Hindi naman sya mukhang mahirap pero kung kumilos sya talagang probinsyana.  "Sigh. Traffic pa!"

Habang nasa daan ako may nakita akong tindahan ng cellphone. Ibig sabihin ba nito kailangan ko syang ibili ng bago? "Hindi!" Sabi ng isip ko. Hindi ko pa masyadong kilala yung babae na yun kaya hindi ko sya dapat ibili.

*Beeeeep!*

 


Hindi ko napansin na umandar na pala yung sa harapan ko. Dumiretso na ako sa hotel at pumunta sa room nya.

*Tok Tok..*

 


Ang tagal naman. Ayoko ng pinaghihintay ako. Kinuha ko yung duplicate at binuksan ko na yung pinto.

"Lorraine.." Nasaan na ba yung babaeng yun? Huwag nyang sabihing tumakas na sya. "Lorraine!" Aba at ayaw talagang sumagot ah. "Lor--"

"Sanda-- Waaaaaaaaahhhh!!!!"

"Aaaaaaaaaaaaaaah" NApasigaw din ako ng marinig ko syang sumigaw.

"Labas!!" Utos nya.


Lumabas agad ako ng kwarto nya. Napasigaw ako nung sumigaw sya pano ba naman kakatapos nya lang maligo at tanging twalya lang ang bumabalot sa katawan nya. Malay ko ba. Pagakatapos ng ilang minuto bumukas yung pinto.

"Pasok!" Masungit na sabi nya at hindi nya man ako pinansin pagkatapos nyang buksan yung pintuan.

"Mag bihis ka may pupuntahan tayo."

Tinignan nya lang ako ng masama. ano na namang problema ng babaeng to? Wala naman akong nakita kanina ah.  'Wala nga ba?' sabi ng isip ko.

"Anong ngini-ngiti ngiti mo jan?!" Masungit na naman nyang tanong.

"Hindi ako naka ngiti. Magbihis ka na." Sinungitan ko rin sya.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Malalaman mo din mamaya. Magbihis ka na dahil dalawang oras lang yung break ko."

"Makapang utos! hmp.."

"Susunod ka rin ang dami mo pang sinasabi." Umupo ako doon sa may coouch at nag tingin tingin. Nakita ko yung family picture nila, apat silang magkakapatid tapos puro babae lahat. Hindi naman mukhang masungit yung mama nya siguro nagulat nga lang sila nung tumawag ako kaya nagalit sila. Yung papa nya naka upo sa wheelchair at mukhang may sakit. PEro kahit ganun mukhang masaya yung pamilya nila.

"Tara na!"

Pagtingin ko sakanya ganun na naman yung suot nya, jeans atg t-shirt. "Bakit ganyan na naman yung porma mo?"

"Wala ako nung mga sinasabi mong damit. San ba kasi tayo pupunta?"

"Tara na." Naglakad na ako palabas at iniwan sya. "Bilisan mo at i-lock mo yan."

"Opo boss.." Narinig kong sabi nya.

****

"Wow..! Ang ganda! Kanino bahay to?"

Ang igay talaga ng babaeng to daig pa ang naka lunok ng megaphone. "Dito tayo titira pagkatapos ng kasal."

"Talaga?!!"

"Bakit mukha ba akong nagbibiro?"

"Hindi."

 Tumingin ako sa bahay at napangiti sa naalala ko. "Itong bahay na'to.. Ako mismo ang nag design nito. Ito yung pangarap kong bahay para samin Hanna kaya lang.. Hindi na yun matutupad. Alam mo bang--"

"Kyyyyyyle...!!!"


"Anong ginagawa mo jan?!"

"Ang ganda ng view mula dito! Halika!!"

Kanina pa ako nagsasalita dito wala naman pala akong kausap. Paano sya napunta doon?? ang bilis nya naman. Pinuntahan ko sya banda sa may garden medyo paakyat kasi yun.

"Pwedi ba kapag may nagsasalita matuto kang makinig. Gusto mo bang gawin sayo ng ibang tao yung ganon?!"

"Galit ka ba?"

"Sa susunod kasi makinig ka sa nagsasalita."

"Sorry. Ano ba yung sinasabi mo kanina?"

"Wala!"

"Wala naman pala. Pweding libutin yung bahay?"

"Sige lang"

Lorraine's POV

Ang ganda naman ng bahay na'to tapos ang lawak pa, ang swerte naman ng mapapangasawa nya. Pero sorry ako yung mauunang titira dito hahaha. Joke lang.

Puro salamin din yung bahay parang yung bahay nila doon pero mas maganda pa ito kasi simple lang hindi super laki tamang tama lang para sa isang pamilya.

"Oh.."

"Susi ng bahay?"

"Oo.. Gusto mong tignan sa loob diba?"

Tumango ako at sobrang excited.. Nagmadali akong pumunta sa may pintuan at pumasok sa loob ng bahay. "Grabeee... Ang ganda talaga!" Namangha ako sa ganda ng bahay.

"Ang galing naman nung architect ng bahay na to." Sabi ko habang patuloy parin ako sa pagtitingin tingin sa loob ng bahay.

"Magaling talaga ako."

Tumingin ako sakanya. "Bakit ,ikaw ba yung architect?"

"Oo"

"Ha?! Hindi ka nagbibiro?!" Lumapit ako sakanya.

"Mukha ba akong sinungaling?"

"Wala akong sinabing ganyan.. Hindi lang ako makapaniwala ang galing mo pala.."

Linapit nya yung mukha nya sa mukha ko.. Yaaaaikss.. Hahalikan na naman ba nya ako? waaaaaahhh.. Napapikit ako dahi doon. At mayamaya pa nagsalita na sya..

"dfdvjvkjbkhsksfhuisusds"

"Ano?" Marahan kong sabi at nakapikit parin ako. Naaamoy ko yung mabango  nyang bibig.. Hmm.. ang bango.

"Ang sabi ko mas mukha namang kapani-paniwala yung mukha ko sa mukha mo."

Tapos saka lang ako bumalik sa katinunan ko nung lumayo na sya at naglakad paakyat ng bahay. Grabe ang assuming ko lang masyado ah. Tumakbo ako paakyat at sinundan ko sya. "Anong meron jan sa taas?" Tanong ko.

"Dito yung kwarto mo."

Tinuro nya yung kwarto sa may second floor. Hanggang third floor yung bahay nya kaya lang yung mga hagdanan hindi naman ganun karami. Sa second floor lima lang tapos sa third floor mga nine.

"At ikaw..?" Sabi ko.

Linapit na nman nya yung mukha nya sakin. "Dito rin..." 

"Ano bang ginagawa mo?" Tinulak ko sya palayo sakin.

"Hahahahaha.. Sana nakita mo yung mukha mo hahaha namumula ka na parang kamatis."

"Nakaka inis ka!" Pinag hahampas ko sya. Nakak inis naman kasi eh..

"Aray! Aray! Tama na masakit" Saka lang ako tumigil. "Syempre hindi ako dito noh. Hindi naman tayo totoong mag asawa kaya hindi parehas yung kwarto natin."

"Alam ko at ayoko namang makasama kang matulog noh"

"As if naman na magkakatotoo yang iniisip mo."

"Che!" Linibot ko yung mata ko sa buong kwarto. "Grabe ang laki naman nito." Mas malaki pa ata ito dun sa bahay namin sa probinsya.

"Gusto mo sa maids room?"

"Ah hindi dito na lang ako mas maganda dito eh.."

"Ang arte.."

"Anong sabi mo? Narinig ko yun!"

"Narinig naman pala itatanong pa. Bahala ka nga jan."

Pumunta sya doon sa taas pa at ako naman pumunta sa kusina. Ang ganda din ng kusina nya fully furnish talaga. Kaya lang hindi pa ganun karami yung mga gamit. Pero sabi nya dito kami titira pagkatapos ng kasal.

"Bukas naka bakasyon na ko. Mamimili tayo ng mga gamit para sa bahay"

NAgulat ako nang bigla syang sumulpot mula sa likuran ko. Bakit ba kung saan saan sumusulpot tong lalake na to? "Kasama ako?"

"Oo para alam mo rin yung mga kailangan para sa kusina at pang linis ng bahay. Hindi tayo kukuha ng maid, ayoko kasing may maka alam ng sikreto natin."

"Ah ganun ba.. Sige sanay naman ako sa mga gawaing bahay eh."

"Good.. Ngayon uwi na muna tayo kailangan ko ng bumalik sa trabaho."

"Sige."

Tapos umalis na kami.. Babay bahay! Mamimiss na kita, pero okay lang dahil ilang araw na lang at jan na kami titira. Pramis hindi kita pababayaan ^______^
Haaaaaay.. Bigla na naman akong nalungkot nang maalal kong ikakasal na ako. Ilang araw na lang matatapos na yung pagiging single ko... Haaaay Ano ba tong napasok ko?!!!! Ang drama ko noh. Hindi na pwedeng umurong kaya ko to. "Fighting!"

 "Okay ka lang?"

"Ay.. Sorry ^_^V"

 "I-save mo nga yung number mo dito.. Hindi ko alam kung paano kita co-contakin."

Inabot nya sakin yung cellphone nya. "Wow! Diba ito yung bagong labas na cellphone?"

"Oh ngayon?"

"Hmp! sungit" Nagtatanong lang naman.. Kinuha ko na yun sakanya pero teka pano ba to gamitin? Tinap ko yung screen.. Kaya lang hindi ko talaga alam kung pano gamitin.. Ayaw naman kasing umilaw kahit anong pag tatap ang gawin ko. Pano ba to?!

"Akin na nga."

Kinuha nya yun mula sa kamay ko.. Malay ko ba kung pano gamitin yun eh yung sakin nga call and text lang alam kong gamitin eh..

"Oh.. I-type mo yung number mo jan, siguro naman marunong ka na sa number no?"

Kinuha ko na yun at nilagay ko yung number ko. Kung hindi lang talaga mahal tong selepono na to kanina ko pa to binato sa labas. Pagkatapos kong i-save yung  number ko ibinalik ko na sakanya yung 'SMART PHONE' nya.

"Sampu lang ba talaga yung digit mo?"

"Ha? Patingin nga ulit."

Kinuha ko ulit yung cellphone nya at tinignan ko kung ano yung mali.. Hmmh.. Ay oo nga kulang ng isa. buburahin ko sana yun kaya lang.. Hala nasan na ba yung erase nito?

Nainis ako dahil hindi ko mahanap kaya ibinalik ko na lang sakanya. "Ikaw na lang maglagay baka masira ko pa yung selepono mo."

"Ano? Selepono?!"

"Oo. Bakit ano ba yung tagalog ng cellphone?"

"Cellphone."

"Eeeeee... Mali! Ang tamang sagot.. Selepono!"

"Anong dictionary ba yung nabasa mo?"

"Hindi ko nabasa yun no. Syempre walang tagalog yung cellphone kaya selepono na lang para mas unique. Teka lang, ano bang bini-big deal mo?" Napangiti lang sya sa sinabi ko at hindi nya na ko pinatulan pa. Marunong naman pala syang ngumiti pero hindi nya ginagawa. "Alam mo.. Gwapo ka naman pala pag naka ngiti ka, kaya lang mukhang hobby mo lang talaga yung mag sungit."

"Ano na yung missing digit? baka makababa ka hindi mo na naman nabibigay." Haaay naku, sana pala hindi ko na yhun sinabi dahil bumalik na naman sya sa pagiging masungit nya.

"Ilagay mo kasunod nung seven yung four." Sabi ko.

Habang nasa highway kami pinag mamasdan ko yung daan para naman kahit paano may matandaan naman ako ehe.. Maganda nga dito sa syudad at marami ding mga mababit na tao. Isa pa lang ata yung nakilala kong manloloko at yun yung nag recruit samin na magtrabaho sa Australia. Kapag nakita ko talaga yun naku!! Ibibilad ko sya sa araw at pipigain ng buhay!

"Hindi na kita ihahatid, siguro naman alam mo na yung room number mo."

"Sa totoo lang hindi. Pero nasa susi naman yung number ng room diba?"

"Oo"

"Sige mag-iing--- Teka lang.." Nahinto ako sa sinasabi ko nang may makita akong pamilyar na mukha. "Sya yung.." Nagmadali akong lumabas ng kotse at tumakbo ako papasok sa hotel. Nakita ko kasi yung gwapong lalaki na tumulong sakin dati.

"Lorraine!!" Hindi parin ako huminto sa pagtakbo ko kahit tinawag ako ni Kyle.

"Sige umalis ka na may hinahabol lang ako!!" Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo. "Hoy mister!! Sandali lang!!" Sigaw ko sakanya pero hindi nya ko nililingon. Hala pasakay na sya ng elevator.

Takbo

Takbo

Takbo

Takbo

Takbo

Takbo

 "Mam sino pong hinahabol nyo?" Tanong sakin nung guard ng hotel.

"Ah.. Importanteng tao.." Tapos tumakbo ako ulit. Teka san sya pumasok? ang dami namang elevator dito. "Sandali lang...!!" Hinihingal akong huminto sa tapat ng elevator.

Haaaaay salamat! umabot din muntik pa akong ma-ipit dito.. Pagpasok ko sa elevator lahat sila sakin naka tingin.

Nakakhiya tuloy.. >.< "Pasensya na po." Nag-tingin tingin ako sa mga tao dito sa loob ng elevator.. Nasan na yun? Mali ata yung napasukan ko.

"May hinahabol ka ba miss?" Tanong sakin nung babaeng kasama kong nakaa sakay sa elevator.

"Ah.. Wala po." Nakakahiya naman. Saan na naman kaya ako mapapadpad nito? Kung pwede lang sanang lumabas, kaya lang sobrang nakakahiya na talaga. Mayamaya pa bumukas yung elevator  at lumabas na ako. "Anong room nga ba ako?.. Hala! Naiwan ko ata yung bag ko dun sa Kotse ni Kyle." Pag minamalas ka nga naman oh!

 Subukan ko ngang bumaba at magtanong doon sa information. Naglakad na lang ako pababa ng hagdanan baka kung saan na naman kasi ako mapadpad kapag pumasok na naman ako ng elevator. "Sigh..Nakita ko na sya kaso nawala na naman.."

Pagdating ko sa baba pumunta agad ako sa information at kumuha ng duplicate ng susi buti na lang at binigyan ako.

"Ano bang nangyayari sakin? Wala na ata talaga ako sa sarili kong katinuan."

Pagdating ko sa kwarto ko.. Hindi pa man ako nakaka upo may kumatok na agad. Sino namang pupunta dito? Ah baka si Kyle, ihahatid nya yung bag ko. Pumunta naman ako agad doon at binuksan yung pinto.

"Sorry sa nangyari kani--" Natigilan ako nang makita ko yung dumating. Akala ko si Kyle pero hindi pala. Anong ginagawa nya dito.. May kailangan kaya sya sakin?

#OfficiallyYours143

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

CDS 3 : Admiring Dreams With You ZAZA LAB द्वारा

सामान्य साहित्य

10.2K 491 50
Si leslie Alegria ay isang dalaga na may minimithing pangarap sa buhay, isa siyang dalaga na matatag sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan nito. Mara...
21.9K 444 5
Habangbuhay makukulong sa piitan si Victor dahil sa mabigat na kaso ng panggagahasa at pagpatay sa kanyang estudyante. Kaya't sa edad na 24, mararana...
2.7M 79.1K 53
Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl' of her generation with a royalty-inspi...
642K 16.9K 84
A school that is full of mysteries. What will happen if four brave girls transfered to their school. Will the mysteries may reveal? Or it will stay a...