South Boys #2: Heartbreaker

Da JFstories

13.3M 748K 524K

He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrer... Altro

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue
message-bonus chapter-announcement
BONUS CHAPTER
SOUTH
Serial Charmer

Chapter 71

171K 9.2K 6.4K
Da JFstories

IT WILL BE DIFFERENT.


Nakamasid ako kay Jordan sa bintana ng aking kuwarto. Kahapon pa siya dumating pero ngayon lang aalis papunta ng Manila. Pagkasara niya ng gate ay tiningala niya ako at nginitian.


Itinaas ko sa kalahati ang isang kamay para kumaway sa kanya. Nang sumakay na siya sa kotse at umalis ay saka lang din ako umalis sa harapan ng bintana.


Kumibot ang mga labi ko ko nang mahimasmasan. Kahapon pa ako nahihiwagaan sa aking sarili. Ang bait ko kay Jordan, hindi ko siya pinaalis kagabi, at wala siyang sinabi na nagreklamo o nagalit ako. Hinayaan ko lang siya na pagsilbihan ako, kausapin ako, at tabihan ako sa pagtulog.


Bumalik ako sa kama at dinampot ang phone. Tinawagan ko si Sussie dahil sakto na kauuwi niya lang galing sa kanyang nightshift work. Sa kanya ako nag-rant. Iyong sinasabi ng bibig ko ay kinakabig ng dibdib ko.


Hindi pa ako kuma-climax sa aking pagra-rant nang mapansing parang sabog kausap si Sussie. Tinapos ko na lang muna ang pag-uusap namin. Nakalabi ako habang nakatingin sa screen ng phone. Umaandar ang oras na wala akong maisip na gawin.


Tanghali habang nakahiga ako nang biglang may mag-doorbell. Hindi na ako nag-abalang maghilamos o ayusin ang aking buhok. Nagmumog lang ako sa lababo ng banyo ko, tapos nagsuot na ng bra at bumaba sa sala.


Paglabas ko sa gate ay nagulat ako nang makita si Charles pala ang dumating. T-shirt na plain white at dark jeans ang suot niya. Sa ibaba ay ang low cut Converse na gamit niya rin noong nakaraan. Pawisan ang makinis niyang leeg dahil sa init ng araw.


Hinila ko siya sa kamay para papasukin sa loob ng bahay namin habang wala pang nakatambay na kapitbahay sa may tindahan.


Pagpasok sa sala ay tinapatan ko agad siya ng electricfan. "Okay ka lang? Sorry natagalan ang pagbukas ko. 'Katamad kasi."


Ngumiti siya. "Okay lang. Sorry. Nakaistorbo ba ako?"


"Medyo lang naman."


Namumula pa rin si Charles na siguro ay dahil sa init. Naawa naman ako.


"Sandali, ah! Kuha kitang tubig!" Nanakbo ako sa kusina. Hindi malamig ang mga tubig sa ref dahil mula nang umalis sina Mommy kasama si Nanette ay wala ng nag-refill ng tubig sa ref. Nakalimutan ko na rin na gawin.


Wala ring ice cubes kasi hindi nakagawa si Nanette bago umalis. Naging busy kasi sila ni Mommy sa pagde-decorate ng bahay para sa birthday ko. May caterer din na kinuha kaya maski inumin ay hindi nila prinoblema.


Sinilip ko ang kaloob-looban ng freezer. Natuwa ako nang matanaw ang isang bucket of crushed ice. Kinuha ko iyon at kasamang dinala kay Charles sa sala. "Inom ka muna."


Inilapag ko ang bucket sa center table at inabutan siya ng pansandok para malagyan niya ang kanyang baso.


"Thanks." Binuksan niya ang bucket at nagsimulang sumandok nang matigilan siya. Ang mukha niya ay higit na namula.


"Bakit?" nagtatakang tanong ko kasi nanlalaki ang mga mata niya.


Nakisilip ako sa bucket at ganoon na lang din ang panlalaki ng aking mga mata nang makitang may panty sa loob. Oh, shit! Iyong panty ko noong nakaraan, nandoon pa rin! Nakalimutan kong alisin! 


Agad kong tinakpan ang bucket of ice. Shit talaga! Sino ba kasing tanga ang nagbalik nito sa freezer?! Oh, shit ulit! Ako pala ang nagbaba ng bucket at naiwan ko sa mesa. Kung sino man ang nagbalik nito sa freezer ay walang kasalanan at nagkamali lang.


Dama ko ang pagapang ng hiya sa aking mukha. Parang magkasing pula ang mukha namin ngayon ni Charles.


Ilang minuto ang dumaan. Nang makabawi ay tumikhim siya. "Carlyn, nakapag-decide na pala ako na umalis."


"Ha? Saan ka pupunta?"


"Sa Dubai," mahina ang boses na sagot niya.


Napanganga ako. "Hala! Bakit ang bilis naman? Sigurado ka na ba riyan sa desisyon mo? Aalis ka na agad? Saglit ka pa nga lang nakakasama ulit ng pamilya mo mula nang bumalik ka sa kanila, di ba?!"


Matipid siyang ngumiti. "What important now is that we're already okay. Saka lumayo man ako, hindi na rin na iyon bago dahil nasanay na sila. Ang pag-alis ko naman ngayon ay hindi lang para sa akin, kundi sa katahimikan din ng pamilya ko. Kapag wala na ako ay wala nang dahilan si Tita para guluhin sila para ituro kung nasaan ako."


Kumibot-kibot ang mga labi ko dahil sa pagtutol. Gayunpaman ay hindi ko ito isinaboses. Ayaw kong pakialaman ang diskarte niya.


Gusto ko na lang malaman kung okay na ba siya. Kahit kasi ngumingiti siya ay malamlam ang mga mata niya.


"Charles, okay ka na ba?" tanong ko nang hindi na makapagpigil pa.


Mapanglaw ang ngiti niya sa akin. "Yeah. But I miss you already..."


Nagpakawala ako ng masayang tawa para baguhin kahit kaunti ang mood niya. "Maraming magagandang girls doon sa Dubai. 'Pag nandoon ka na, ewan ko lang kung maisip mo pa ako."


Hindi siya kumibo.


Inabot ko ang kamay niya at hinawakan. "I am praying for your happiness, Charles."


Yumuko siya. "You're cruel for asking me to be happy without you."


"Maraming iba. Marami pa."


Umiling siya. "You're not an easy person to replace."


Napikon na ako. "Tangina naman, please be happy. You deserve it!"


Babawiin ko na sana ang aking pagkakahawak sa kanya nang pigilan niya ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri saka siya tumingin sa akin. 


"You too, Carlyn. Promise me that you'll be happy, too."


Ngumiti ako.


"Maybe you're not aware of it, but you're really a good person. You're selfless. But I hope this time you put your own happiness first."


Kumurap-kurap ako dahil parang tanga na biglang nag-ulap ang aking mga mata. Binawi ko ang kamay ko kay Charles. "Pag nasa Dubai ka na, padalhan mo ako ng chocolates, ah!" biro ko sa kanya.


Inihatid ko siya hanggang sa may pinto. Bago siya lumabas ay hinarap niya ako. "May I hug you? Please, let me hug you..."


Nang humakbang siya para yakapin ako ay hinayaan ko siya. Niyakap niya ako sa magaan at maingat na paraan. Ang init ng katawan niya ay nakakapayapa ng loob.


"I am so damn lucky for having the opportunity to be your friend."


Natawa ako. "Sus, ano ka ba? Ako lang 'to."


"Carlyn, thank you from the bottom of my heart."


Humiwalay siya sa akin at nakita ko ang pamumula ng dulo ng matangos niyang ilong. Ang mga mata niya ay namumula rin, pero nakangiti ang kanyang mga labi.


"Can you do me a favor?"


"Magkano?"


Mahina siyang tumawa at ginulo ang buhok ko.


Tinabig ko naman ang kamay niya. "Ano nga iyong favor mo?"


Matagal na nakatitig siya sa akin bago siya muling nagsalita. "Carlyn, if there is next life, please choose me there..."


Napakurap ako dahil hindi ko iyon inaasahan. Nang mahimasmasan ay nakatalikod na sa akin si Charles.


Nakalabas na siya sa pinto. "Ako na magsasara ng gate niyo." Lumingon siya at ngumiti. "Text-text na lang, ha?"


Napatango na lang ako hanggang sa makaalis na siya.


Sa huli ay napangiti na lang ako. Sino bang mag-aakala na magiging magkaibigan kaming dalawa? Noong high school ay gigil na gigil ako sa kanya dahil sa pagiging assuming niya. Hay, hindi mo talaga pwedeng husgahan ang isang tao dahil hindi mo alam ang totoong pinagdadaanan nito.


Mabait naman talaga si Charles. Masaya na maging kaibigan siya. Sana lang talaga ay maging okay na siya, sana maging masaya siya sa pinili niyang landas.


Hindi na ako nakatulog ulit kaya naligo na lang ako at pumunta sa café. Dahil wala naman akong maisip na ibang gawin ay tumulong ako sa pagse-serve sa mga customers. 7:00 pm nang mag-missed call sa akin si Jordan na sinundan din ng missed call ni Isaiah.


Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa screen ng phone. Talagang salitan silang tumawag? Ano ba? Nag-usap ba sila?


Bandang 8:00 pm na ako nag-book ng Grab car. Tumulong pa ako sa closing ng café bago ako nagpasyang umuwi sa Navarro. Pagbaba ko sa tapat ng bahay namin ay quarter to 9:00 pm na. Natanaw ko agad sa loob ng gate ang Porsche ni Jordan at ang Kawasaki Ninja ni Isaiah. Napamura ako bago pumasok sa loob. Sinasabi ko na nga ba!


Nasa sala ang dalawa at parehong namumula na. Sa harapan nila sa center table ay may chicharon at Red Horse na naman. Tatlong malalaking bote at parang isa na lang ang may laman.


Ano bang akala nila rito sa bahay namin? Beer house?!


Nakangisi si Isaiah nang makita ako. "Dito na pala bespren ko!"


Dinirty finger ko siya. 


Pagtingin ko kay Jordan ay namumula ang lalaki pero hindi katulad nang una na bangenge na. Prente lang siya na nakaupo sa upuan na kaharap ng sofa na kinauupuan ni Isaiah. Mukhang nako-control niya ang pag-inom ngayon. Nadala na siguro nang unang beses na nagpakalunod siya.


"Herrera, saan na nga ba tayo?" Kinampayan siya ni Isaiah. "Ano nga iyong sinasabi mong stocks kemerut?"


Tumikhim si Jordan at tumingin muna sa akin bago sinagot ang tanong ni Isaiah. "Stocks." Mukhang pinapayuhan niya si Isaiah tungkol sa pag-i-invest sa stocks. "Pwede kang bumili kung may extra ka. Iyong kaya mo lang bitiwan na hindi ka gaanong masasaktan pag nawala."


"Tangina, ayos lang!" paungol na sabi ni Isaiah. "Sanay naman akong iwan. Kung sinaing nga lang ako ay baka sunog na ako sa tagal ng pag-iwan sa akin!"


Napangiwi ako. Lasing na ang lintek.


"Pag-aralan mo muna ang galaw sa market bago ka sumubok," ani Jordan na mukhang hindi naman napipikon kahit abnoy ang kausap.


"Ice nga lang, erp!"


Naupo ako sa upuan na katabi ng kinauupuan ni Jordan. "Tagayan mo ako," utos ko sa kanya. Tutulungan ko silang makaubos para makatapos na.


Umiling si Jordan. "No."


Si Isaiah ang nagtagay sa akin. "O para sa bespren ko!"


Tinanggap ko iyon at tumingin kay Jordan. Nakatingin lang naman siya sa akin.


Tumawa si Isaiah. "Herrera, baka magselos ka na naman. Confused lang kami noon kaya naisipan naming magamitan. Pero ikaw talaga ang mahal niyan!"


Binato ko ng chicharon sa noo si Isaiah. Ayaw pa rin paawat ng bunganga.


"Akalain mo iyon? Pinagseselosan lang ako noon, bestie ko na ngayon!"


Kumikibot na ang sentido ko sa asar. Si Jordan naman ay tahimik lang. Lahat ng tagay ni Isaiah sa akin ay siya ang sumasalo. Hinayaan ko na lang sila na mag-inuman. Itinext ko na lang muna si Sussie habang nagpapakalango sila.


Nakaisang bote pa ulit ang dalawa. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko si Jordan na pasimpleng ibinubuhos ang tagay niya sa paso sa gilid ng upuan. Cheater yarn?


Sa pagbalik ng tagay kay Jordan ay tinitigan ko siya nang matalim. "Inumin mo, ginusto mo 'yan e!"


Bagsak na si Isaiah sa sofa nang may mag-doorbell. Ako na ang lumabas dahil hilo na rin si Jordan.


Napataas ang isang kilay ko nang makita si Vivi sa labas ng gate. Simple lang ang itsura ng babae. Nakalugay ang buhok na hanggang balikat, naka-plain sky blue shirt, at fitted jeans. Sa paahan ay flat sandals ang suot niya. Walang kahit anong kolorete sa mukha, gayunpaman ay kahit gabi, fresh pa rin. Mukha ring mabait lalo kung itatabi sa akin. Pwede siyang ilaban kay Jillian sa pagiging mukhang santa.


Pinagbuksan ko siya ng gate. "Bakit?"


"Uhm, good evening. Nandiyan ba si Isaiah?"


Lalong napataas ang isang kilay ko kasi mukha namang nakita niya na ang motor ni Isaiah pero nagtanong pa rin siya. Mahiyain talaga si Vivi. Cute niya!


Tumango ako. "Oo nasa loob si Isaiah. Naghihingalo na."


Kahit nahihiya ay sumama siya sa akin papasok sa sala. Napasentido ang babae nang makita si Isaiah na nakabulagta sa sofa at wala ng malay.


"'Di mo na mapapatayo 'yan. Iniwanan na ng kaluluwa e."


"Paano ko siya iuuwi?" namomroblemang tanong niya.


"Kung may bantay ang anak niyo, 'wag mo na lang munang iwan 'yan dito."


Matagal bago mahinang nagsalita si Vivi. "Uhm, okay lang ba na dito muna kami?"


"Oo naman basta wag lang kayong gagawa rito ng milagro."


Namula ang mukha ni Vivi sa sinabi ko.


Pinatayo ko na si Jordan habang may malay pa ang lalaki. Nakakatayo pa naman siya pero ume-ekis na ang mga paa. Inalalayan ko siya paakyat sa itaas. Naiwan naman sa sala sina Vivi at Isaiah.


Pagpasok sa kuwarto ay nag-dive agad si Jordan sa kama. Umuungol siya habang kinukuskos ang mukha sa unan.


Sinipa ko siya sa binta. "Subukan mong sumuka ulit, ipapakain ko na sa 'yo suka mo!"


"I am not drunk..." ungol niya.


"Ah, kaya pala," sarkastikong sabi ko.


"Yeah..." Tumingin sa akin ang namimigat at namumula niyang mga mata. "Gusto mo magpustahan pa tayo."


Napamewang ako. "Pustahan?"


Ngumiti siya na parang tanga. "Yeah, pustahan. If I'll win, you'll kiss me."


"'Ge. Pero pero pag ako ang nanalo, tatapyasin ko itlog mo!"


Mahinang tumawa siya bago sumubsob sa unan. Ang cute, sarap pigain.


Nilapitan ko siya at tinulungang makapaghubad ng damit. In-on ko rin ang aircon para hindi siya mainitan. Nang nakaayos na siya sa pagkakahiga ay tumabi ako sa kanya. Nakapikit na siya pero hindi ko sigurado kung natutulog na ba talaga.


Hinaplos ko ang ulo niya habang nakatitig ako sa kanya at wala sa sarili na kinausap. "Jordan, ano ba talaga tayo?"


"I love you..." paungol na sabi niya habang nakapikit.


Kusang gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ko. Humilig ako sa matigas niyang dibdib at ilang sandali lang ay malalim na rin ang aking paghinga.


Nagising ako sa init ng araw na pumapasok mula sa bintana at sa init ng kung anong nakahawak sa kaliwang dibdib ko. Nagmulat ako ng mga mata para makitang maliwanag na. Umaga na.


Bumaba ang paningin ko sa aking dibdib. Kumibot ang aking sentido nang makitang palad pala ni Jordan iyong mainit na nakasakop sa isang dibdib ko. Nakapasok ang kamay niya sa shirt na suot ko!


"Hoy, Jordan!" Tinampal ko ang makinis niyang pisngi pero tulog pa rin siya.


Tulog na tulog pa rin siya at ayaw magising. Lalo pang sumiksik sa akin habang panay ang piga sa hinahawakan. Pati ang isang kamay niya ay pumasok na rin sa loob ng shirt ko.


Iyong totoo? Tama bang gawing stress balls ang boobs ko?!


Pinisil ko ang pisngi niya pero waley, tulog pa rin talaga. Grrr. Nang dumiin ang pisil niya sa kaliwang dibdib ko at ang mga daliri ay nilaro ang dulo ay tuluyan nang naubos ang pasensiya ko.


"'Di ka talaga titigil, ah?!" Naabot ko ng wala sa oras ang baso na nakapatong sa bedside table sabay buhos sa mukha niya ng natitirang tubig doon. Umungol lang siya pero tulog pa rin talaga.


Gigil na itinulak ko na siya sa mukha para lang makaalis ako. Patalon ako na bumaba ng kama para hindi na ako maabot ng naghahanap niyang mga kamay. Nang maabot niya ang unan ay iyon ang niyakap niya at pinanggigilan.


Nakakaawa rin naman pero sarap pa ring tadyakan.


Nagbanyo muna ako at pagkatapos ay tinawagan muna si Sussie habang hinihintay na magising si Jordan.


"Basta girl, kung nahihirapan ka financially, you can tell me, okay? I can wire you some money anytime!" sabi ko kay Sussie dahil sa alam kong nagsisimula pa lang siya. Ito ang unang beses na napalayo siya sa tatay niya. Ito rin ang unang beses na nanirahan siya sa malayo ng nag-iisa.


[ I appreciate your offer but I'm okay, Carlyn. ]


Katulad pa rin siya ng dati, kahit nahihirapan ay kinakaya pa rin ang lahat. Proud ako sa kanya dahil sa mga achievements niya sa buhay, pero hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi mag-alala.


"Sussie, wala ka ba talagang balak na umuwi na lang ng Cavite? Worried lang naman ako sa 'yo, girl. Nag-iisa ka riyan sa Pasig e, ni wala kang kakilala riyan. Paano kung makidnap ka? Mamatay? Itapon sa ilog?"


Mahina siyang tumawa. [ Okay nga lang ako, parang di mo naman ako kilala, Car. Sobrang ingat ko. Bye na. I miss you. Pakumusta na lang kay Isaiah! ]


Umismid ako. "Ay wala si Isaiah, di na bumalik mula kagabi," pagsisinungaling ko para hindi na siya magtanong pa. Mahabang paliwanagan dahil involved pa si Vivi. Saka na lang pag nagkita kami.


Umungol si Jordan sa kama habang minomolestiya ang kawawang unan. Tinadyakan ko siya sa matambok niyang pwet.


"Si Jordan andito," sabi ko kay Sussie. "Naghihilik pa. Binuhusan ko na ng tubig pero ayaw pa ring magising."


Pagkatapos naming mag-usap ni Sussie ay nagmumog ako at naghilamos sa banyo ng aking kuwarto bago lumabas para pumunta sa sala. Iniwan ko na muna si Jordan na mag-isa. Pasasaan ba't magigising din siya sa katotohanan na wala na siyang kasama sa kama.


Pagbaba ko ay tulog pa rin si Isaiah sa sofa. Wala na siyang suot na t-shirt at nakakalas ang sinturon ng pantalon. Nilapitan ko siya at tinakpan ng throw pillow ang mukha niya.


Pumunta ako sa kusina nang makarinig ng kalansingan ng mga gamit doon. Natagpuan ko si Vivi na naghahain sa mesa. Ang nasa mesa ay isang bandehado ng umuusok na lugaw, toasted bread, at meron ding pritong itlog at hotdogs.


Nang makita ako ni Vivi ay nahihiya siyang ngumiti sa akin. "Good morning. Sorry nakialam na ako."


"Okay lang." Mukhang maaga siyang nagising para bumili ng tinapay sa labas.


Ipinagsalin niya ako ng tubig at ibinigay sa akin. Habang umiinom ay hindi nakaligtas sa akin ang mga namumulang marka sa gilid ng leeg niya. Pasimple niya iyong tinakpan ng kanyang buhok.


"Nagsuka ba si Isaiah kagabi?" kaswal na tanong ko kay Vivi. Hindi ko na inusisa ang mga marka dahil nakikita kong malapit na siyang magpakain sa lupa dahil sa hiya.


Umiling siya.


"H-hindi sumuka. Sanay naman iyong uminom..." Napakahina ng boses niya nang sumagot.


Ilang minuto na nagpapakiramdaman lang kami nang sabay na pumasok sina Isaiah at Jordan sa kusina. Mga sabog ang istura ng dalawa. Magugulo ang buhok, tabingi ang damit, may bakat ng higaan ang mga pisngi pero pwede pa rin naman.


Umismid ako habang nakatingin sa kanila. "Gising na ang mga lasenggo."


Si Vivi ay inasikaso agad si Isaiah. Ipinagtimpla ng kape at pinagsandukan ng lugaw. Si Isaiah ay parang walang sariling kamay na ultimo pagsubo sa lugaw ay gusto yatang si Vivi pa ang gagawa. Sarap batuhin ng plato, kairita.


Habang inaasikaso ni Vivi si Isaiah ay panay naman ang sulyap ni Jordan sa akin.


Tinaasan ko siya ng kilay. "O ano? Naiinggit ka sa kanila?"


Ngumiti siya na parang batang naglalambing.


Inirapan ko naman siya. "Asa ka!"


Nagtagal pa sina Isaiah at Vivi dahil bangenge pa si Isaiah. Hindi pa kayang mag-motor pauwi.


Tinuktukan ko siya nang manggaling siya sa banyo para maghilamos. "Gago ka, nagpakalunod ka nang sobra!"


Sinalubong naman siya ni Vivi para punasan ang kanyang mukha gamit ang malinis na tuwalya na hiniram sa akin. Pinahiram din ni Jordan si Isaiah ng malinis na t-shirt pamalit.


Dinuro ko si Isaiah dahil mukhang trip niya ang shirt ni Jordan. "Ibalik mo 'yan, ah! Mahal 'yan!"


Tatawa-tawa lang naman siya nang akbayan niya si Vivi papunta sa sala.


Sa sala kami tumambay na apat. Magkakatabi kami sa sofa, nanonood kami ng kung anu-ano sa Netflix. Habang nanonood ay nakaakbay si Isaiah kay Vivi, si Jordan naman ay nakaakbay rin sa akin. Para kaming teenagers na nasa double date.


Si Isaiah ay ewan ko ba kung nanonood ba talaga; mas busy siya sa pag amoy-amoy sa leeg ni Vivi. Ang babae naman ay namumula sa hiya. Nang hindi makatiis ay pasimple niyang kinurot sa hita si Isaiah.


Nang lumingon ako kay Jordan ay nagnakaw ng mabilis na halik sa akin ng magaling na lalaki. Mukhang bad influence si Isaiah sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin bilang pagbabanta pero nginisihan niya lang ako.


Bandang alas dos nang sa wakas magpaalam na sina Isaiah. Okay na raw siya at kaya niya nang mag-drive pauwi. Panay na rin ang tawag ni Tita Anya sa kanila, natatakot yata ang ginang na madagdagan ang apo.


Naiwan kami ni Jordan sa bahay. Dahil kami lang ay makakapag-stay siya hanggang kinabukasan. Dahil may hang over pa ay sa kuwarto ko na lang kami naglagi. Habang niyayakap ako ay pahawak-hawak na naman siya sa tiyan ko.


"May trabaho sa Manila. Medyo matagal," sabi niya habang patuloy sa paghaplos sa tiyan ko. "Pero uuwi-uwi pa rin ako. Magkita tayo palagi."


Tiningnan ko siya. "Magiging busy rin ako."


Nagiging busy na sa café tapos sisimulan ko na rin ang plano kong cosmetics business. Magse-seminar ako at magka-canvas. Pareho kaming busy pero walang silipang nangyari. Naiintindihan namin ang isa't isa at tanggap namin ang aming kanya-kanyang responsibilidad. It was like a healthy and mature relationship... If only our relationship was a real one.




ILANG LINGGO nga na hindi ko nakita si Jordan. Madalas naman siyang tumawag pero hindi ko lang talaga siya palaging nasasagot dahil busy ako. Sa loob ng isang buwan ay umuwi siya ng tatlong beses pero hindi rin kami nagkita. Pumunta ako sa Baguio para sa 3 days seminar. Pag-uwi ko ay dumaan ako sa La Union. Nag stay ako roon ng ilang araw.


11:30 pm na ako nang makauwi ng Cavite. Bumaba ako sa Grab car at pumasok sa bahay. Sa sobrang hilo sa biyahe ay hindi ko napansin ang kotse sa garahe.


Pagpasok ko sa sala ay dama ko ang pagtalon ng aking puso nang makita ang lalaki na nakaupo sa sala. Nakapikit sya habang nakasandal siya sa sandalan ng sofa. Ang mga braso ay naka-krus sa kanyang dibdib.


Nang dumilat ang magagandang uri ng kanyang mga mata na kulay tanso ay tila may sariling isip ang mga paa ko na humakbang palapit sa kinaroroonan niya.


Nang nasa harapan niya na ay inabot niya ang aking kamay para hilahin. Napaupo ako sa kandungan niya. Pinagmasdan ko ang perpekto niyang mukha na mahigit isang buwan ko rin na hindi nakita.


Hinaplos ko ang kanyang makinis na pisngi. "Are you tired?"


"Yes," maaligasgas ang boses na sagot niya.


Ngumiti ako at ako na ang umabot sa kanyang mga labi.


I miss this man. I miss him so bad...


Nararamdaman ko na pareho lang kami ng nararamdaman. Walang salita, bagkus mas malalim na pag-uusap ang pagtighaw ng pangungulila sa isa't isa ang naganap sa magdamag.


Sa bawat yakap, haplos, at halik ni Jordan ay pikit-matang nagpalunod ako. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko na ang pakiramdam ay tila sasabog ito.


Nang matapos ay parang mapapatid ang aking paghinga. Niyakap niya ako at gumanti ako ng yakap sa kanya. Bago ako makatulog ay nakita ko pa ang matamis na ngiti niya.


Jordan left the next morning. Ang aga niya pang nagising. Naalimpungatan na lang ako hinahalikan niya ako sa pisngi, nagbibilin siya na kumain ako pagkagising. Nakapagtataka kung paano siya nakabangon? Nakailan siya kagabi.


Bago pa siya umalis ay nakita ko na naman ang mga ngiti niya. Aalis na naman siya, hindi na naman kami magkikita pero mukhang ayos lang siya. In fact, he seemed relax.


Napapaisip ako. There was something odd about Jordan, but I couldn't put my finger on it. 


Bumangon na rin ako matapos mag-unat. Ang sasakit na naman ng kasu-kasuhan ko. Iyong balakang ko at mga hita ay namamanhid. Nang pumasok ako sa banyo ay nakita ko ang mga namumulang bakas na iniwan ni Jordan sa katawan ko.


Noong una ay nawiwindang ako pero ngayon ay parang normal na lang ang ganito. Ilang araw lang ay mawawala na ang mga bakas, at mamimiss ko siya. Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa mga naiisip.


Maliligo na sana ako nang makitang puno ang trash bin sa banyo. Naisipan ko na linisin muna ito. Nagsuot ako ng robe bago binitbit ang trash bin papunta sa ibaba. Sa may gilid ng garahe ay may malaking container drum na pinag-iipunan ng basura.


Pagkarating sa garahe at binuksan ko na ang container drum. Itinaktak ko ang laman ng trash bin sa banyo. Nang makatapos ay tatakpan ko na sana ang basurahan nang makita ko ang tatlong pirasong condoms na ginamit ni Jordan kagabi. Sakto lang dahil tatlong beses talaga siyang gumamit dahil nakatatlo kami.


Babalewalain ko na sana ang mga condoms nang may mapansing kakaiba. Una, nasa ibabaw ang mga condoms na ibig sabihin ay nasa pinakailalim ito ipinagsiksikang ilagay, e samantalang kagabi lang namin ito ginamit kaya dapat ay nasa unahan ito at nang itaktak ko ay dapat sa ilalim ang mga ito mapupunta.


Pangalawang napansin ko na tatlo ang condoms pero parang isa lang ang may laman. Napakunot noo ako. Hindi na ako nandiri na hawakan ang mga ito para i-check nang maigi.


Malakas ang kabog ng aking dibdib habang iniisa-isa ko ang mga condoms. Isa lang talaga ang may laman, habang ang dalawa ay tila isinuot lang pero agad ding hinubad. Nang mapagtanto ang natuklasan ay nagtagis ang mga ngipin ko.


JF

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

1.9K 190 36
Nagyaya si sarah magbakasyon sa kanilamg lugar.Ngunit sa paglalakbay nila nakapasok sila sa lugar ng kagubatan na punong puno ng kahiwagaan .Kaya nga...
1.6M 44.6K 23
Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya ni Nathan at Alex ang isa't-isa pagkatapo...
46.3M 1.2M 62
Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Montenegro, the mafia prince who fears ghos...
1.1K 148 37
I HEART YOU BY:@c_sweetlady Sina Daint at Chariee ay nagkakilala dahil sa kanilang mga magulang na pinilit silang pag-lapitin. H...