Bachelor Wifey (Rewritten)

By JuanCaloyAC

1.7M 38.9K 8.5K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 2 of Bachelor Series Read at your own risk. A dying wish. P... More

Welcome Hindots!
Suarez Second Gen Timeline
#BWPrologue
#BWChapter1
#BWChapter2
#BWChapter3
#BWChapter4
#BWChapter5
#BWChapter6
#BWChapter7
#BWChapter8
#BWChapter9
#BWChapter10
#BWChapter11
#BWChapter12
#BWChapter13
#BWChapter14
#BWChapter15
#BWChapter16
#BWChapter17
#BWChapter18
#BWChapter19
#BWChapter20
#BWChapter21
#BWChapter22
#BWChapter23
#BWChapter24
#BWChapter25
#BWChapter26
#BWChapter27
#BWChapter29
#BWChapter30
#BWEpilogue
#BWBonusChapter
This is Me. Thank you, next!

#BWChapter28

43.9K 1.1K 206
By JuanCaloyAC

Dumaan muna kami ni Elias sa palengke bago kami dumiretso sa condo niya dahil wala na naman daw laman ang ref niya. Kawawa talaga 'tong lalaking 'to. Miserable talaga ang buhay niya kapag hindi ako kasama.

Ngayon ko nakikilala si Elias ng lubusan, siya iyong tipo ng lalake na kapag nagmahal ay ibubuhos niya ang lahat sa isang tao lang. Kaya gets ko na kung bakit sila tumagal ni Paula, gan'on siya ka-faithful sa isang tao. At ngayon ko rin gets kung bakit willing siyang akuin ang bata kahit hindi siya ang ama, dahil gan'on siya katanga sa pag-ibig niya kay Paula. At kaya nagawa ni Atty. Tres na i-authenticate ang marriage certificate namin dahil para may makilala si Elias na ibang babae, na hindi lang si Paula ang pwedeng maging babae sa buhay niya.

At si Paula naman, dahil nga gan'on si Elias ay kaya niyang i-manipulate ang utak ni Elias. Matalino sa numbers si Elias pero hindi sa pag-ibig. In fairness kay Atty. Tres, nagawa niyang i-delay ang plano ni Elias na pakasalan si Paula. Dahil kung hindi, habambuhay nang maninipula ni Paula ang utak ni Elias. Kaya pala Paula ang name niya kasi isa siyang maninipaula. Charot!

"Bakit hindi mo sinabi na kinausap mo pala si nanay at ate?" Tanong ko sa kanya habang sakay kami ng kotse niya pauwi sa condo.

Tinignan naman niya ako saglit bago mapatingin ulit sa daan. "Sabi ko naman sa'yo, ako na ang bahalang umayos ng gulo. Kasi kapag ikaw, ang solusyon mo lagi ay annulment. Ayoko nga n'on, Lucia."

Napatingin naman ako sa kanya. Ang laki talaga ng ibinagsak ng katawan niya. "Sorry, and thank you kasi ginawa mo 'yon. Alam kong masaya na si nanay ngayon. Kumusta pala ang kaso mo?"

"Binayaran ko ang danyos sa ospital at sa pagpapagamot kay Chris." Sagot naman niya. "We settled it na, hindi na nila itutuloy ang kaso sa akin basta hindi ko rin daw itutuloy ang kaso kay Paula. We both agreed basta mag-resign na rin sila sa ospital para malayo tayo sa kanila."

Tumango naman ako. "H'wag mo ng uulitin iyon, ha? Sa tuwing naiisip mong makapanakit ng kapwa, isipin mo na ako ang una mong masasaktan kasi mag-aalala ako sa'yo; kami ng anak mo sa'yo."

Muli naman niya akong tinignan nang saktong huminto ang kotse dahil sa traffic light. Ngumiti siya at tumango. "Opo, last ko na iyon, misis. Sorry, ha? I was not there noong nakulong ka. Ang unang pumasok sa utak ko ay maghigante. Isang gabi rin akong nakulong."

Goal ata naming dalawa ang makulong. Pareho pa kaming nagka-record. Kalokang relasyon 'tong mayroon kami.

"Alam ko, at nakita kita." Sagot ko naman. "Tinulungan ako ni Enzo na makita ka sa kabilang room. Hindi ko kayang makitang duguan ang mukha mo, ang suot mo, at ang kamao mo. Magiging magulang na tayo, Elias. Let's be cautious sa mga desisyon at actions natin."

Kinuha naman ni Elias ang kamay ko at dinala iyon sa labi niya. "Hindi na po mauulit."

Naputol na ang usapan namin nang mag-go na ang traffic light kaya nagmaneho na ulit si Elias. Nang makarating kami sa condo niya ay pinaligo ko muna siya habang nagluluto ako. Agahan pa lang naman kaya mabilis lang ako nakapagluto kaya saktong tapos na rin siya maligo.

Tahimik lang kaming kumakain pero lagi siyang sumusulyap sa akin. Huminto ako sa pagkain para harapin siya dahil alam kong may bumabagabag sa kanya.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ko sa kanya.

Huminga siya nang malalim at binaba ang hawak na kutsara't tinidor. Ngumiti siya nang pilit at tinignan ako. "Gusto kong magsimula ulit tayo, Lucia. At para magawa natin iyon, kailangan kong sabihin sa'yo ang nakaraan ko dahil alam kong naka-apekto rin sa'yo si Paula. Alam kong late na pero, I just want to tell you everything---my past, my feelings, and my plans for you."

Tumango ako dahil handa na akong pakinggan siya. Iyon kasi ang kailangan ko, ang marinig ang lahat, ang manggaling sa kanya ang lahat.

"Paula was my first love—my first to everything. I met her during our college years." Pagku-kwento niya. "I honestly didn't expect na magiging kami. But we clicked. We dated, we supported each other, and we were each other's pillars. She's my happiness—the woman I want to spend my forever with. We had ups and downs pero naaayos naman. I can't even think of other girl na, siya lang talaga. And I believed na gan'on din siya sa akin. Maybe that's why we lasted for a decade. Kulang na nga lang daw ay magpakasal kami---which I had plans before to propose na until..."

"Pinasa sa aming magkakapatid ang responsibilidad sa kumpanya dahil kailangan nang mag-retire ng lolo at dada ko." Kalmado lang siya habang nagkukwento. Alam kong wala ng epekto sa kanya 'yong kwento, sadyang may ibang tama lang ang alaala. Hindi na kasi mabubura 'yon, ang ala-ala. "Kaya nahinto sa plano ko ang pag-propose sa kanya kasi need kong mag-focus sa Suarez-Villavicencio Enterprise. Gan'on rin si Paula. Need din niyang mag-focus sa residency niya. Naging busy kami to the point na wala na kaming time. Until she asked for space." 

"At first, ayoko. Bakit siya hihingi ng space? Sobra na ba ako? Kulang na ba ako? O, boring na ba ako? Ang dami kong tanong sa sarili ko." Pagpapatuloy ni Elias. "Masakit pero dahil mahal ko siya, I gave what she wanted. Sinisi ko pa nga ang sarili ko noon na kung hindi ako naging busy sa kumpanya ay baka hindi na umabot sa ganito. Araw-araw naghihintay ako sa kanya na baka okay na siya, na baka sapat na 'yong space na binigay ko sa kanya. Pero, buwan na ang lumipas ay wala pa rin siya until..."

Tinignan ako ni Elias sa mga mata ko. Bakas sa mata niya na parang trinaydor siya ng tadhana. Hindi na ang kwento nila ni Paula ang makikita mo sa mga mata niya kung hindi ang traumang dinulot nito sa kanya.

"She came back to me, pregnant with another man. It was devastating to me. Iyong happiness mo ay siya ring naging sadness mo. Kaya ba siya nanghingi ng space just to be with another man? Alam mo Lucia, ang mahirap sa cheating, lagi kong tinatanong sa sarili ko kung saan ako nagkulang. Binigay ko naman ang lahat pero nasobrahan ba ako na nasakal siya kaya nagawa niya akong lokohin? Tangina sa 10 years ay sobrang ingat namin para 'di siya mabuntis dahil may mga pangarap pa kaming tutuparin. And yet, sa lalaking iyon..."

Ngayon ko nauunawaan ang trauma ni Elias. Na sa tuwing nagagalit ako o may hindi kami pagkakaunwaan ay pinipili niyang lumayo. Nawala ang self-confidence niya sa relasyon na feeling niya ay siya ang may mali, siya ang may pagkukulang kaya pinipili niyang lumayo.

"Pero, dahil mahal ko siya, iniisip ko na lang na tanggapin siya ulit at panagutan na lang ang bata. Sayang kasi iyong 10 years, baka mapatawad ko naman siya. Kasi ang hirap namang magsimulang muli. Iyong kikilala ka na naman ng bago at mapapaisip kung hanggang saan din kayo dadalhin ng relasyon niyo. Tatanggapin ko na sana siya nang dumating ka sa buhay ko, Lucia."

Dahan-dahan nang ngumiti si Elias. "Ginulo mo ang lahat—ginulo mo ako, ang isip ko, ang plano ko, ang desisyon ko at ang...puso ko. Hindi ko alam kung timing ba na dumating ka sa panahong ang gulo ng puso't isipan ko. Sinubukan kong labanan ang nararamdaman ko sa'yo Lucia pero malingat ka lang sa paningin ko ay na-mi-miss na agad kita. Gusto ko laging magpakulong sa mga yakap mo. Gusto ko laging tikman ang mga luto mo. Gusto ko ay ikaw ang unang kong nakikita sa umaga. Gusto kitang maramdaman lagi. Gusto na kaagad kita."

"That's why tinanggal ko na sa plano ko ang makipagbalikan kay Paula." Pagpapatuloy niya. "Gusto kong mag-risk sa'yo. Sinabi ko pa sa sarili ko noon, kung mas pipiliin mo ang kumbento kaysa sa akin ay okay lang. At least walang someone na involve. Masasaktan ako na hindi tayo nagkatuluyan sa huli pero magaan tanggapin dahil pangarap mo iyon, ang maging madre. Kaya never kang naging other woman ko, Lucia. Walang iba sa puso ko noong nagsimula tayo kung hindi ikaw lang."

Hindi ko napansin na nakangiti na rin ako sa mga kwento niya-kasama na ako sa mga kwento niya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya sa pisngi niya.

"Naniniwala na talaga ako kay Nina na love moves in mysterious ways. Hindi ko lubos maisip na ma-i-in love ako sa'yo. Alam mo 'yong kahit anong pigil ko sa sarili ko pero hindi ko maiwasang hindi mahulog sa'yo. Pina-realize mo sa akin kung gaano ulit kasarap kiligin, ang mahalin at ang magmahal. Pinakita mo sa akin kung paano ulit bumuo ng pamilya—gustong-gusto kong bumuo ng pamilya sa'yo. Sa'yo na ako na-e-excite tuparin ang mga pangarap ko dahil kasama ka na sa mga pangarap ko. Hindi man ikaw ang una ko sa lahat pero ikaw ang happy ending ko. Sa'yo ako magtatapos dahil ikaw ang huling destinasyon ko. Mahal na mahal kita asawa ko."

Naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko pero hindi sa lungkot. Ang saya ng puso ko. Ang saya-saya ko na. Hinawakan ko ang pisngi ni Elias at hinaplos ang hinlalaki ko roon.

"Walang mali sa sobra o sa kulang, Elias." Sambit ko sa kanya. "Ang mali ay 'yong hindi nakuntento. At para sa akin, sapat ka Elias. Kasi sinusubukan mong punan ang mga kulang ko sa buhay na hindi ko akalain na kailangan ko pala. At pangako ko na, ako rin ang kukumpleto sa mga kulang sa buhay mo. Tulungan natin ang isa't isa para sa pamilyang ito. Hindi na ako matatakot magmahal kasi kasama kita, kasama ko ang taong mahal ko. Mahal na mahal kita...hubby."

Napangiti siya sa sinabi ko. "Ang sarap namang pakinggan n'yon."

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Linapit niya ang mukha niya sa mukha ko at lumapat ang labi niya sa labi ko. Gumanti rin ako nang halik sa kanya sabay pulupot ng braso ko sa leeg niya. Nagsagutan kami ng halik sa isa't isa na tanda na na-miss namin ang isa't isa.

Na-miss ko 'to!

Madidiligan ulit ako!

Bumaba pa ang kamay ni Elias pasapo sa dibdib ko at nilamas niya ang suso ko mula sa suot kong damit. Napa-ungol naman ako sa pagitan ng mga halikan namin.

"Tangina, alam mo ba kung ilang araw akong tigang? Ihi lang ang pahinga mo ngayon sa aking babae ka." Sambit niya sabay buhat sa akin.

Napatili ako habang dinadala niya ako papasok sa kwarto namin. "Oy Elias, tandaan mong buntis ako! Ikalma mo 'yang titi mo!"

Natawa naman siya. "Walang kakalma sa pamilyang ito!"

Bwisit!

Dahan-dahan naman niya akong hiniga sa kama at umibabaw siya sa akin. Patuloy pa rin kami sa halikang dalawa. Binigyan niya ako nang isang madiin na halik bago dumistansya sa akin.

Tinignan naman niya ang tiyan ko. Napangisi siya nang tumingin siya sa akin. "Masyadong malaki ang tiyan mo sa buwan mo, Lucia. Ilan kayang bata ang nasa loob n'yan?"

Nanlaki ang mga mata ko. Nakalimutan kong may lahi pala 'tong twins at triplets! Kaya pala ang laki agad ng tiyan ko! Hinding-hindi na ako magpapa-buntis kung sakaling twins o triplets 'tong nasa tiyan ko ngayon!

"Pupunta tayo mamaya kay Tito Iro, pero sa ngayon, maghahasik muna ako ng lambing..." Wika niya sabay halik niya ulit sa akin.

Juice colored! Na-miss nga namin ang isa't isa dahil ang sakit ng hiyas ko! Bakit ba ang hilig niya sa limang rounds?! Buti na lang talaga ay masarap ang sex kahit nakakapagod!

Nagising na lang ako sa mahihinang paghilik ni Elias. Dinilat ko ang mga mata ko at siya agad ang nakita ko. Nakayakap at nakatanday siya sa akin. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Alam ko naman na magiging kamukha niya ang mga anak namin kung sakali dahil siya ang pinaglilihian ko.

Ang sarap magkaroon ng asawang mabango, gwapo, yummy, mayaman, malaki, maalaga, mapagmahal, magaling sa kama. Ano ba 'yan, nag-mumukhang mayabang na ako nito. Ang sarap kasing i-flex.

Bigla namang nag-twitch ang braso niya. Natawa naman ako. Nananaginip na naman 'to. Sino naman kaya ang nasa panaginip niya?

"Lucia..." Bigla niyang sambit sa gitna ng mahimbing niyang pagtulog. Muli naman siyang humilik.

Napangiti ako roon. At least pangalan ko na ang sinasabi niya sa panaginip niya. At dahil d'yan, dinampian ko siya ng halik sa labi. Reward niya bilang faithful na asawa.

Sumiksik ulit ako sa dibdib niya at yumakap din sa kanya. Nagising ata siya saglit at humigpit din ng yakap sa akin. Ang sarap nang may kayakap sa kama!

Simula ngayon, akin lang ang asawa ko!

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 25.4K 33
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Daddy Society Series Read at your own risk. Lumaki sa Sisters of the Lady of Guadalupe Convent...
1.8M 12.6K 19
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 4 of Wild Series Read at your own risk. Pose. Click. Post. Halos araw-araw ay nakahiligan na ni Ary...
2.1M 43.5K 36
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Bachelor Series Read at your own risk. Isang gabi ng kapusukan. Isang gabi ng sakripisyo. Ang...
5.6M 99K 33
LOVE AT FIRST NIGHT ONE NIGHT SERIES I DARREN JAVES ZAMORA JAMISOLA He met the mysterious woman in a bar. He's willing to pay triple her price just t...