#BWChapter20

46.6K 1.1K 144
                                    

Nagising na lang ako dahil sa liwanag na sumisilaw sa mata ko. Hinang-hina pa ang katawan ko. Ano ba ang nangyari sa akin? Napatingin pa ako sa paligid. Wala ako sa bahay, wala rin ako sa kumbento. Bigla kong naalala ang sagutan sa labas ng ospital. Nawalan pala ako ng malay kagabi. 

May narinig naman ako na nagsasalita sa loob ng kwarto.

Hindi pa namin makita si Eliot...

Eliot? Sino si Eliot? Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon.

Ginala ko pa ang mga mata ko at nagtaka ako nang may makita akong isang batang lalake na naglalaro sa may couch. Teka, bakit may couch ang room ko? Oh, private room pala 'to sa ospital. Malamang si Ginoong Elias na naman ang gumastos. And wait, going back sa batang lalake, sino 'to?

Muli ko namang tinignan 'yong batang lalaki. Hawig niya si Ginoong Elias. Pareho silang gwapo. May nauna na pa lang anak si Ginoong Elias.

Napatingin naman sa akin 'yong batang lalake. Naramdaman niya siguro ang pagtitig ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin sabay baba sa couch at tumakbo palapit sa akin. Umakyat pa siya sa kama ko sabay upo sa tabi ko.

"Gising na po ikaw?" Tanong niya sa akin sabay hawak sa noo ko. "Masama pa rin po pakiramdam mo po?"

Napangiti ako sa kanya. Nakaka-aliw siyang bata, halatang napalaki siya ng tama. Napahawak tuloy ako sa tiyan ko. Bigla akong na-excite sa paglabas ng anak ko, bigla akong na-excite na maging ina. Pinagmasdan ko lang ang mukha ng bata. Hawig na hawig nga siya kay Ginoong Elias. Bata pa lang ay pogi na.

Tumango naman ako sa kanya bilang tugon dahil totoo naman na 'di pa okay ang pakiramdam ko. "Nanghihina pa ako..."

"Papagalingin ka po ni Uno." Sambit niya sa akin sabay yakap sa akin at halik sa pisngi ko. Uno pala ang pangalan niya. Sana magkaroon ako ng anak na kasing lambing niya.

Gumanti rin ako nang yakap sa kanya sabay haplos sa likuran niya. Naghahalo ang amoy ng pulbo at ang amoy ng cologne sa kanya. Baby na baby pa talaga siya. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil ang lambing niyang bata.

Kumalas naman siya sa pagkakayakap at tinignan ako. "Okay na po ikaw, tita?"

Nginitian ko siya sabay tango. "Opo, okay na ako. Magaling na po ako dahil ang sarap ng yakap mo, Uno."

"Yehey, galing na po ikaw!" Masaya pa niyang sagot.

"Oy!" Naputol naman ang moment namin nang may magsalitang demonyo. 

Sabay kaming napalingon ni Uno kay Ginoong Elias na nakapameywang. Nakangiti lang siya habang pinagmamasdan niya kami ni Uno. Nagtama naman ang tingin naming dalawa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Na-miss ko siya sa totoo lang, at kita ko rin sa mga mata niya na na-miss niya ako.

"Tito Eli," Tawag ni Uno sa kanya. Oh, so pamangkin lang niya si Uno. Baka anak ito ng isa sa kambal ni Ginoong Elias. "Gising na si tita po, ang wifey niyo po."

Napakunot-noo naman ako sa sinabi ni Uno. Wifey? Iyon pa rin ba ang press release niya sa iba na mag-asawa kami? Technically, mag-asawa nga kami dahil may marriage certificate kami pero alam naman naming aksidente lang ang lahat.

Lumapit naman si Ginoong Elias sa amin sabay upo sa tabi ko at kinandong si Uno. "Na-meet mo na ang pamangkin ko. Ito si Uno Emilio, ang anak ni Kuya EJ. Siya ang kasa-kasama ko rito dahil walang magbabantay sa kanya." Pagpapakilala niya kay Uno sabay tingin sa bata. "Uno, ito naman ang asawa ko, si Tita Lucia."

Asawa. Hindi pa rin talaga siya sumusuko sa bagay na 'yon.

Nginitian naman ako ni Uno sabay kaway. "Hello, Tita Luchiya."

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now