#BWChapter26

41.6K 1K 226
                                    

"Nakikiramay kami..."

Paulit-ulit kong naririnig sa mga tao. Hindi ko na alam kung ilan silang nagsabi niyan, dahil ang totoo, wala na akong maramdaman, wala na akong pake sa mundo ko. Ang sakit mawalan ng ina; parang mundo mo ang mawawala.

Ang gusto ko lang naman ay mapanatag at mapasaya si nanay sa huling hininga niya---na makita niyang nasa maayos akong pagpa-pamilya pero nawala siya na magulo ang lahat sa buhay ko. Namatay siya na nag-aalala sa akin. Nawala siya na 'di ko man lang napapaliwanag nang maayos sa kanya ang lahat nang nagawa kong kamalian.

Nagsimula ang lahat sa kasinungalingan na nilikha ko kaya nagtapos nang 'di maganda. Wala akong ibang sisisihin kung hindi ang sarili ko. Ako ang lumikha ng gulong ito kaya ako ang nagsa-suffer; kaya ako ang pumatay sa inay ko.

Gumuho ang mundo ko n'ong araw na ibalita sa akin ni Atty. Tres na namatay si nanay sa ospital. Iyon 'yong araw na dinalaw niya ako sa kulungan at iyong araw na nakalaya na ako. Hindi ko alam kung nakalaya nga ako dahil pakiramdam ko ay nanatili akong nakakulong sa pagkawala ni nanay.

Maganda ang lamay ni nanay. Magara ang kabaong niya at marami ang bulaklak. Walang ginastos ang pamilya ko mula sa hospital bills hanggang sa funeral services ni nanay. Si Elias ang naglabas ng pera ayon kay ate. Sinabi kong h'wag tanggapin, wala namang magawa si ate dahil walang-wala rin kami dahil naubos na rin ang pera namin sa mga nagdaang pagka-ospital ni nanay.

Dumalaw na rin ang pamilya ni Elias dito para makiramay. Naloka nga si ate, ang abuloy ba naman ay isang milyon. Kulang na lang ay bilhin na nila ang pamilya ko para hindi ko isiping iwanan si Elias.

Nandito rin si Elias. Nakalaya na siya matapos niyang mag-piyansa ayon kay Atty. Tres. Agad siyang dumiretso rito sa amin matapos niyang malaman ang nangyari kay nanay, pero hindi siya lumalapit sa akin. Alam kong palihim siyang pumapasok sa kwarto ko sa tuwing naiidlip ako para lang i-check ako. Inuutusan niya rin ang iba kong kamag-anak para alamin kung kumain na ako.

Alam kong nag-aalala siya sa anak niya, at kahit nagluluksa ako ay hindi ko naman kayang pabayaan ang anak namin. Ito na lang ang kaya kong ipakita kay nanay na sa kabila ng mga pinagdadaanan ko ay inaalagaan ko pa rin ang bata sa sinapupunan ko.

Minsan, nakikita ko lang siyang natutulog sa may pinagtabi-tabing upuan. Gusto ko siyang lapitan at asikasuhin pero hindi ko pa kaya, hindi pa ako handa. Feeling ko ay may sumpa ang pagsasama namin dahil walang magandang nangyayari sa tuwing nagkakasama kami.

Kanina pa ako gising pero nakatulala lang ako sa kisame. Sa totoo lang, nakaka-ubos ng energy ang mamatayan. Hindi lang ang pagluluksa pero pati na rin iyong puyat at pagod sa lamay. Bumangon na ako sa kama dahil kailangan ko rin asikasuhin ang mga nakikilamay sa amin. Inayos ko lang ang sarili ko pero napahinto ako nang may marinig akong usapan mula sa bintana ng kwarto ko.

"Sa kabila ng nangyari kay nanay, alam kong panatag na siya ngayon." Rinig kong boses ni ate. "Na-appreciate namin ni nanay ang paglapit mo sa amin para ipaliwanag ang totoong nangyari sa inyo ni Lucia. Nakuha mo naman ang basbas ni nanay para inyo ni Lucia, kaya alam kong maayos niyo rin 'yan ni Lucia."

Napatingin ako sa bintana dahil sa narinig ko. Nagkausap na ulit si nanay at Elias? Hindi ko alam na pinuntahan pala niya si nanay at ate. At ano iyong basbas na ibinigay ni nanay kay Elias?

"Natatakot ako ate..." Rinig kong boses ni Elias na naiiyak. "Hindi ko kakayanin kapag sinabi n'yang ayaw na niya sa akin..."

"Bigyan mo lang ng time si Lucia." Sagot naman ni ate. "Masyado pang masakit para sa kanya ang nangyari. Nagluluksa pa siya sa pagkawala ni nanay, at nakulong pa siya. Patapusin niyo muna ang libing ni nanay, at pag-usapan niyo 'yang dalawa."

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now