#BWChapter25

41K 1K 201
                                    

"Misis Villavicencio..." Napatingin ako sa pulis na nasa labas ng selda nang tawagin niya ako. "May dalaw ka."

Sino naman kaya ito? Imposibleng si nanay at ate dahil sila ang huling dapat makaalam na nasa kulungan ako ngayon. Ayoko rin tawagan si Elias dahil nasasaktan pa rin ako sa sinabi ni Paula, kaya si Sanaya ang una kong tinawagan noong dalhin ako rito sa presinto.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa sahig at linapitan ang pulis. Binuksan niya ang selda kaya humakbang ako palabas. Pinosasan muna niya ako bago samahan papunta sa isang room. Binuksan niya ang pinto kaya pumasok na ako sa loob.

"Lucia..." Agad napatayo si Atty. Tres nang makita niya ako. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Napatingin pa siya sa posas sa kamay ko.

Nginitian ko siya at lumapit sa kanya. Nahaharangan kami ng window glass. Naupo naman ako sa harap niya kaya naupo na rin siya. Kahit paano ay napapanatag akong may dumadalaw sa akin para maibsan ang lungkot ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang luha ko. "H-hindi ko siya tinulak, Atty. Tres..."

"Hey, take it easy, okay? Naniniwala kami sa'yo Lucia. I'll do my best para mailabas kita rito. Makakasama sa pamangkin ko kung magpapalipas ka pa ng gabi rito." Pagpapakalma naman niya sa akin.

Tumango naman ako at pinunasan ang luha ko. Hindi ko akalain na mararanasan ko 'to sa buhay ko. Sana nanahimik na lang ako sa kumbento. Sana hindi na lang ako nagpanggap na may asawa. Sana hindi ko na lang nakilala si Elias.

"Natatakot ako, Atty. Tres. Makukulong ba ako?" Naluluha kong tanong sa kanya.

Umiling naman siya agad. "Hindi hahayaan ni Kuya Elias na makulong ka. Kilala ko ang pinsan ko. Tanga lang sa pag-ibig pero he knows where he should stand sa sitwasyon na ganito. Saka, hindi lang siya ang kumikilos para sa'yo, alam na ng pamilya namin ang nangyari kaya tutulong sila sa'yo, Lucia."

"A-alam na ni Elias ang nangyari sa akin?" Taka kong tanong sa kanya.

Binigyan naman niya ako ng tipid na ngiti. "Tinawagan ako ni Sanaya, kaya sinabi ko sa kanya ang nangyari sa'yo. Bakit hindi siya ang una mong tinawagan? Ano'ng sinasabi sa'yo ni Paula?"

Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya. May tumulo pang luha papunta sa pisngi ko. "Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong paniwalaan; kanino ako maniniwala."

"Lucia," Tawag niya sa akin kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Ano man ang sinabi ni Paula sa'yo, please h'wag kang maniwala. Si Kuya Elias lang ang dapat mong pakinggan dahil siya ang asawa mo."

Ang hirap maniwala sa ganitong sitwasyon dahil parang ang lumalabas ay ako ang sampid sa buhay ni Elias. Ang hirap sabihin na kahit buntis ako sa anak ni Elias ay ako pa rin ang pipiliin niya. Sobrang hirap, hindi ko na alam ang totoo.

Naputol naman ako sa mga iniisip ko at napatingin sa pinto nang may dumating pang mga lalaki sa side ng room ni Atty. Tres.

"Tangina, pumapalag pa 'yong pamilya ni Paula. Ang tibay nila kahit ang tagal na nilang ina-agrabyado si Elias." Sambit n'ong lalaking naka-police uniform. Tinignan niya ako sabay ngiti. "Don't worry, I got you, sister. Hindi ka nila magagalaw."

"Hindi ba pwedeng mag-bail out?" Singit pa ng isang naka-suit, si Kuya EJ na tatay ni Uno. Nakapameywang siya sa harap ni Atty. Tres. "She shouldn't stay here any longer. Buntis si Lucia. Asawa siya ng kapatid ko at dinadala niya ang pamangkin ko."

"Nalapit ko na rin 'yan pero wala pang desisyon ang judge regarding sa bail." Sagot naman ni attorney.

"Sino ba 'yong judge?" Masungit na sambit ng isa pang naka-suit. Iyong crush ko. Sa ganito  sitwasyon pa talaga kami nagkita. "Why hasn't he made a decision yet? Ilang taon siyang nag-aral then he can't even see that this whole thing is a mess, because of Paula?"

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now