#BWChapter7

47.1K 1.1K 336
                                    

"Sige na, 'nak, ipasyal mo muna ang asawa mo rito sa atin. Parating naman ang ate mo maya-maya para magbantay sa akin." Wika ni nanay.

Nasa labas na kasi si Ginoong Elias at nag-aayang kumain sa labas. Umayaw ako kasi walang kasama si nanay pero ito namang nanay ko, todo kung makabugaw sa akin kay Ginoong Elias.

Noong una ay pumayag ako na pumunta rito si Ginoong Elias dahil natutuwa talaga si nanay na makita siya. Iyon nga lang, na-realize ko na may sariling buhay si Ginoong Elias. Wala siyang responsibilidad sa akin kaya hangga't maaari ay gusto ko ng dumistansya sa kanya. Pero siya naman itong lumalapit sa akin.

Hay, wala naman akong rason na maibigay kay nanay para lang hindi matuloy itong paglabas namin ni Ginoong Elias. Baka mahalata pa niya na iniiwasan ko iyong asawa ko. Wala na akong nagawa kung hindi magpalit ng damit. Napatingin naman ako sa itsura ko sa salamin.

"Wala talaga akong maayos na damit..." Sambit ko sa sarili ko.

Simula nang mag-madre ako ay halos wala na akong nabiling bagong damit dahil laging abito naman ang suot namin sa kumbento. Kaya nang lumabas ako ng kumbento ay halos lumang damit lang ang mayroon ako. Kaya heto, nag-suot ako ng pang-madre para mahiya si Ginoong Elias na kasama ako. Kailangan kong gumawa ng paraan para maitaboy itong nararamdaman ko sa kanya at ang demonyong malandi na si Ginoong Elias na nanggugulo sa payapa kong buhay.

"Labas lang po ako, 'nay." Pagpapaalam ko at lumabas na ng bahay na naka-madreng suot.

Kita ko naman si Ginoong Elias na nakatayong-nakasandal sa kotse niya. Nakatingin lang siya sa sapatos niya habang nakapamulsa nang unti-unting umangat ang tingin niya sa akin nang madama niya ang presensya ko. Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Ginoong Elias. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha ko.

Sa loob-loob ko ay napangisi ako dahil sa reaksyon niya. Talagang mahihiya siya dahil isang madre ang kasama niyang kumain sa labas. Umaayon ang mga gusto kong mangyari.

Naglakad na ako palapit sa kanya. Ako naman ang napatingin sa kanya. Ang gwapo niya sa suot niyang suit. Mukha talaga siyang apo ng may-ari ng kumpanya. Winasiwas ko naman ang ulo ko. Lucia, hindi ka dapat magpa-distract sa kanya. Naisip ko na ang pwede kong i-rason sa pamilya ko, na hindi nag-work ang marriage namin ni Ginoong Elias kaya naghiwalay na rin kami.

Nang makalapit na ako sa kanya ay biglang may isang humaharurot na motor ang papunta sa akin. Pero buti na lang ay maagap si Ginoong Elias at naihapit niya ako padikit sa katawan niya.

"Ay---" Tili ko dahil sa mabilis na pangyayari.

"Tsk. Tarantadong drayber 'yon, ah." Rinig kong bulalas ni Ginoong Elias.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa muntik na akong maaksidente o dahil sa nakapulupot pa rin ang braso ni Ginoong Elias sa bewang ko hanggang sa likuran ko kaya mukhang nakayakap siya sa akin. Sa posisyon namin ay rinig ko rin ang tibok ng puso niya. Nakahawak din ako sa dibdib niya at dama ko ang katigasan nito. Amoy ko rin ang pabango niya.

Bakit ganito 'tong lalaking 'to? Lucia, hindi pwede 'tong nararamdaman mo.

"Ayos ka lang, Lucia?"

Naputol ako sa mga iniisip ko nang magsalita si Ginoong Elias. Napaangat ang tingin ko sa kanya. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Naiinis na ako sa sarili ko dahil habang tumatagal ay pa-gwapo siya nang pa-gwapo sa paningin ko. Attracted na ba ako sa kanya?

"Ah, oo naman. Hindi naman ako nadali ng motor. Salamat, Ginoong Elias, ha?" Sagot ko naman sa kanya. Gusto ko ng kumawala sa kanya dahil naiilang na ako sa pwesto namin pero mas hinigpitan lang niya lalo 'yong paghigit sa bewang ko.

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now