#BWChapter23

45.8K 1K 166
                                    

Matapos ang bakbakan namin ni Ginoong Elias sa parking ng mall kanina ay bumalik na kami sa condo niya. Inayos ko naman ang pinamili habang busy ang asawa ko labhan ang mga damit ni Uno. Babalik na kasi ang mga magulang ni Uno bukas kaya inaasikaso na niya ang mga gamit ng bata.

"Bakit 'di ka na lang gumamit ng washing machine?" Taka kong tanong sa kanya dahil kinukusot lang niya ang uniporme ni Uno sa lababo. Nabibigla lang ako dahil kaya niya rin palang maglaba gamit ang kamay.

Tinignan naman niya ako saglit bago muling tumingin sa labahin niya. "Maliit na tela lang naman ang damit ni Uno. Madali lang labhan."

Napangiti naman ako sa kanya. Iyong maliliit na bagay na ganito, nakakakilig lang makita. Isipin mo, sa kabila ng karangyaan niya sa buhay ay kaya niyang gawin ito. Ang responsable niyang tito, what more pa kaya kung dumating na ang anak namin. Sigurado akong magiging hands on dad siya.

Napahaplos tuloy ako sa tiyan ko. Excited na tuloy ako sa paglabas mo kung ganito kaalaga ang papa mo.

Napapaisip tuloy ako kung ano'ng naging dahilan ni Paula para gawin iyon kay Ginoong Elias?

Matapos kong mag-ayos at matapos niyang maglaba ay naidlip muna kami sa kwarto nang magkatabi. Pumayag na akong tabi kami. Mag-iinarte pa ba ako kung may nangyari na ulit kanina?

Naramdaman ko naman na bumangon na siya sa kama para kunin na si Uno sa bahay ng mga magulang niya. "Labas lang ako, Lucia, saglit. Kunin ko lang ang matakaw kong pamangkin." Sambit niya sabay halik sa pisngi ko.

Tumango lang ako. Naidlip pa ako ng konti bago bumangon para magluto para sa hapunan namin.

Habang nagpapakulo ako ay naglibot pa ako sa sala ng condo niya. Napatingin ako sa mga pictures sa ibabaw ng table. May isang picture kung saan magkakasama silang magka-kapatid: si Elijah, si Elias, si Eliot, at si Elisa. May isa pang picture kung saan magkakasama ang kapatid ng mama nila at partners nila: si Sir Jacob, Ma'am Iyah, Ma'am Jacqi, Sir Edward, Sir Julian, Ma'am Kiana, Ma'am Jillian, Sir Javi, Sir Iro, Ma'am Des, Sir Aki, at Ma'am Fleur. May isa ring picture na magkasama sina Sir Jake, Ma'am Inah, Isah, Dos, Atty. Tres, at iyong pogi sa lahat na si Fort. At may isang picture na kasama pa ang iba pang mga bata. Grabe, ang laki rin ng pamilya nila Ginoong Elias.

Anak, sa susunod n'yan, kasama na rin tayo sa pictures nila.

Ilang saglit pa ay dumating na si Ginoong Elias karga si Uno na natutulog na. Sinamahan ko siya sa kwarto ni Uno para buksan ang pinto. Dahan-dahan naman niyang linapag si Uno sa kama nito na bulagta na.

"Ano'ng nangyari sa bata?" Pagtataka ko naman dahil maghahapunan pa lang kami.

"May isang bata na naman ang nabusog ng dada't lala niya." Sambit ni Ginoong Elias habang isa-isang tinatanggal ang school uniform ni Uno. "Namasyal na naman sila matapos sunduin ang bata sa school. Ayan, pagod at busog parang baboy kaya nakatulog na habang nasa biyahe kami pauwi."

Natawa naman ako sa kwento ni Ginoong Elias. Napaka-inosente ni Uno. Minsan, hihilingin mo na lang na h'wag na silang lumake, at manatiling bata na lang.

Kumuha naman ako ng damit ni Uno sa drawer at ini-abot ito kay Ginoong Elias. Linabas muna ni Ginoong Elias ang wipes para punasan ang mukha at katawan ni Uno bago pulbuhan at suotan ng damit. At nakangiti lang ako habang pinapanood siya.

"Pasado ka na maging ama." Pang-aasar ko sa kanya matapos niyang kumutan si Uno.

Tinignan naman niya ako. "Baka nakakalimutan mong ako ang ama ng dinadala mo, Lucia."

"Halos lahat naman ng lalake ay kayang maging ama, pero iilan lang ang kayang magpaka-ama." Sagot ko naman sa kanya.

Ngumisi naman siya sabay lapit sa akin. "E, maging hubby mo? Pasado na rin ba? Kailan mo ba tatanggalin 'yang 'Ginoo' sa pagtawag mo lagi sa akin? Wala tayo sa panahon ng kastila. Pwede bang hubby na lang? Saka, mag-asawa tayo, Ginang Villavicencio." Paki-usap niya sabay pout.

Bachelor Wifey (Rewritten)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum