Bachelor Wifey (Rewritten)

Od JuanCaloyAC

1.7M 38.8K 8.5K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 2 of Bachelor Series Read at your own risk. A dying wish. P... Více

Welcome Hindots!
Suarez Second Gen Timeline
#BWPrologue
#BWChapter1
#BWChapter2
#BWChapter3
#BWChapter4
#BWChapter5
#BWChapter6
#BWChapter7
#BWChapter8
#BWChapter9
#BWChapter10
#BWChapter11
#BWChapter12
#BWChapter13
#BWChapter14
#BWChapter15
#BWChapter16
#BWChapter18
#BWChapter19
#BWChapter20
#BWChapter21
#BWChapter22
#BWChapter23
#BWChapter24
#BWChapter25
#BWChapter26
#BWChapter27
#BWChapter28
#BWChapter29
#BWChapter30
#BWEpilogue
#BWBonusChapter
This is Me. Thank you, next!

#BWChapter17

45.4K 1K 166
Od JuanCaloyAC

Ilang araw siyang hindi nagpunta rito sa bahay simula n'ong usap namin sa kotse niya. Tahimik nga lang kaming kumain ng tanghalian noon tas hinatid lang niya ako pauwi tas wala na siyang paramdam. Nag-sorry naman siya bago umalis, at hindi nakatulong 'yon dahil hindi ko naman alam kung para saan ang paghingi niya ng sorry.

Kinikilabutan na nga ako sa totoo lang. Gan'on pala ang feeling kapag na-ghost ka. Joke.

Hirap naman itanggi na hindi ko siya nami-miss dahil ang totoo ay hinahanap ko ang presensya niya. Ang hirap kapag nasanay ka na tas biglang mawawala. Sana kasama sa sampung utos ng D'yos ang h'wag kang paasa. Charot! Ito nga pala ang kailangan namin, ang maghiwalay talaga. Masasanay ka rin Lucia gaya noong buhay mo sa kumbento na walang Ginoong Elias Villavicencio sa buhay mo.

"Bakit hindi na napunta rito ang asawa mo, 'nak?" Pag-uusisa sa akin ni nanay habang nag-aalmusal kami.

Alam kong mahahalata rin nila dahil iyong araw-araw naming pagsasama ay halos hindi na siya nakikita rito sa bahay. Gusto ko na lang sabihin kay nanay na hiwalay na kami ni Ginoong Elias pero baka makalala pa sa kalagayan niya. Kakapit na lang muna ako sa pagpapanggap na may asawa ako hangga't sa okay na si nanay.

Nagkibit-balikat naman ako. "Busy daw po siya sa trabaho, 'nay. Marami raw siyang tinatapos kaya hindi raw muna siya makakadalaw dito. Sabi ko ay okay lang para makapahinga naman siya kasi ilang oras din ang bina-byahe niya papunta rito."

Baka ang isa sa pinagkaka-busyhan niya ay ang tapusin na ang marriage namin. Okay lang naman. Hindi naman masakit. Parang kagat lang ng langgam.

Isang milyong langgam.

"Naku 'nak, 'pag ganyan, siguraduhin mong trabaho talaga ang pinagkaka-busy-han niya. Baka iba na ang tinatrabaho ng asawa mo, ha." Mahalagang paalala ng Propan TLC.

Kahit naman bantayan mo siya, kung magloloko, magloloko talaga. Sa pagkontrol mo na 'yan sa utak mo na kung titingin ka sa iba o sa iisang babae lang talaga. Tignan mo 'tong asawa ko, nagawa pa akong landiin kahit may girlfriend. Hindi mo kasi pwedeng sabihin na hindi mo maiwasan. Sa mga ayaw mo nga ay naiwas ka, sa tukso pa kaya! Mind-controlling lang 'yan!

"Wala 'yon, 'nay. Busy talaga 'yon sa trabaho." Palusot ko na lang.

Tumango na lang si nanay na alam kong hindi naniniwala. Kung alam lang niya na ako ang puno't dulo ng gulo sa amin ni Ginoong Elias ay baka itakwil pa niya ako. 

Matapos mag-agahan ay tumambay ako sa kwarto ko. Napatingin lang ako sa mga larawan namin ni Ginoong Elias sa cellphone ko. May mga araw na palihim ko siyang kinukuhanan ng larawan; may iba na magkasama kaming dalawa sa picture. Gusto ko sanang i-delete pero hahayaan ko munang maramdaman ang sakit hanggang sa mapagod na lang ako at handa ng i-delete ang lahat ng ala-ala niya.

Tama nga sila, kapag nasasaktan ka na ay nagmamahal ka na.

Bandang hapon naman ay may natanggap akong text mula kay Atty. Tres. Pinapapunta niya ako sa opisina niya para pag-usapan ang annulment kaya nagbihis ako agad at nag-byahe sa sinabi niyang address.

Buti na lang ay uusad na ang annulment namin ni Ginoong Elias. Habang nasa biyahe ay iniisip ko na pwede kong idahilan kina nanay na nakipaghiwalay na lang ako kay Ginoong Elias dahil calling ko talaga ang pagiging madre at hindi ko ito pwedeng ipagpalit kahit kanino. Bahala na kung magalit sila sa akin, ang mahalaga ay matapos na ang anuman sa amin ni Elias.

Pagdating ko sa sinasabing lugar ni Atty. Tres ay nalula ako sa taas ng building. Kita ko ang sign board na Suarez-Villavicencio Enterprise. Wow, so ito ang family business nila? Grabe, ang yaman talaga nitong asawa ko---asawa ko sa papel.

Pumasok na ako sa loob ng building at dumiretso sa receptionist. "Hi, may appointment po ako kay Atty. Tresmiro Jace Suarez?"

"What's your name---" Hindi na natapos ang sasabihin ng receptionist nang may sumabat sa usapan namin.

"Woah, ipagdarasal niyo na po ba ang kaluluwa ng Kuya Tres ko kaya niyo po siya hinahanap, sister?" Sambit ng isang binata na naka-school uniform.

Ha? Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko sa sinasabi niya. Bakit ko naman ipagdarasal ang kaluluwa ni Atty. Tres? E, buhay pa naman siya. Agad napababa ang tingin ko sa bar pin na nakasabit sa polo niya. 

Suarez, Chino Alonso Z.

Isa na namang pinsan ni Ginoong Elias. Paano ko ba sasabihin sa kanya na pag-uusapan lang namin ni Atty. Tres ang annulment namin ng pinsan niyang si Elias? Baka kumalat pa sa pamilya nila ang tungkol sa akin.

"Ah, kasama siya sa mga dasal ko pero hindi iyon ang pinunta ko." Sagot ko naman sa binata. "May pag-uusapan lang kami tungkol sa isang...outreach program."

Kita ko naman ang pagbuka ng bibig niya sabay tango. Tinignan naman niya ang receptionist. "Ako na ang sasama kay sister papunta sa office ni Kuya Tres."

"Noted po, sir. Thank you po." Sagot naman ng receptionist.

Muli naman akong hinarap ng binata at tinuro ang daan. Nagsimula na akong maglakad at sinabayan naman niya ako. Pinagtitinginan naman kaming dalawa. Hindi ko alam kung dahil sa nakapang-madre ako o dahil malakas din ang dating nitong kasama ko.

"Ano nga po palang pangalan niyo, sister?" Tanong niya sa akin nang huminto na kami sa harap ng elevator para maghintay ng masasakyang bagon.

"I'm Sister Lucia," Pagpapakilala ko sa kanya. "Kapatid ka ba ni Atty. Tres?"

"Hi, Sister Lucia. Nice meeting you po. I'm Chino po, pinsan ni Atty. Tres." Pagpapakilala naman niya.

Napatango naman ako. Buti na lang ay dumating na ang elevator kaya sumakay na kaming dalawa. Pinindot naman niya ang floor number ng opisina ni Atty. Tres, hanggang sa bumukas na ito at nagpaalam na ako kay Chino dahil sa ibang floor ang punta niya. Naglakad na ako papunta sa opisina ni Atty. Tres.

"Magandang hapon, Sister Lucia." Masayang bati sa akin ni Atty. Tres. "Maupo ka. Umorder ako ng merienda natin sa KAPEPRICE. Kain ka muna."

Naupo kaming magkaharap sa coffee table niya. May pastry at iced coffee sa ibabaw ng lamesa. "Salamat, Atty. Tres. Wala pa bang usad ang annulment namin?" Tanong ko agad.

Sumipsip muna si Atty. Tres sa iced coffee niya bago sumagot. "Ang tanong d'yan sister ay may rason na ba kayong maghiwalay? Kaya kita pinatawag para alamin kung may napag-usapan na ba kayo ni Kuya Elias? Naka-pending pa rin 'tong case niyo sa akin."

Maraming pwedeng ipalusot pero hindi lang pwedeng tanggapin sa korte. At hindi naman nakikipagtulungan ang pinsan mo para mapawalang-bisa ang kasal namin kaya ako na lang mag-iisip ng rason para sa annulment namin.

"Mentally ill." Sambit ko. "Irason na lang natin na baliw ako at hindi kayang gampanan ang role ko bilang asawa. Nabaliw ako kamo sa sobrang pagmamahal. Aarte na lang akong baliw, Atty. Tres, para matapos na ito."

Kita kong kinagat ni Atty. Tres ang babang labi niya para pigilan ang tawa niya. "Parang feeling ko ay totoo 'yong nabaliw sa pagmamahal. Hindi pa ba?"

Inirapan ko naman siya. Mas nababaliw ako sa pinsan mo kesa sa pagtingin ko sa kanya. "Attorney, please, gusto ko ng malayo sa kanya..." Dahil kapag tumagal pa 'to, baka mas mahirapan ako. Ayoko na 'tong nararamdaman ko sa kanya.

Biglang napakurap ang mga mata ni Atty. Tres dahil sa sinabi ko. "Wait, ang akala ko ay okay kayong dalawa? E, halos sa inyo na tumira ang kuripot na 'yon. And mukhang happy naman siya sa'yo. May nangyari bang hindi maganda sa inyo? Kaya ba...wala siya sa mood niya lately?"

Maraming namamatay sa maling akala. Hindi kami pwedeng maging okay dahil wala namang kami. "May girlfriend siya, 'di ba? Pinsan ka. Dapat alam mo 'yon."

Nag-isang linya ang labi ni Atty. Tres na tila may alam pero ayaw sabihin. "Ayoko na lang mag-talk. Baka mabugbog ako."

See. Pinagtatakpan pa niya ang pinsan niya. Magsama kayong dalawa!

"Kaya iproseso na natin ang annulment na 'to para matapos na ang gulong ito." Sambit ko.

Tumango naman si Atty. Tres. "Kausapin ko muna si Kuya Elias."

"Bakit pa siya kailangan kausapin kung ako naman ang puno't dulo nito?" Pagtataka ko sa sinabi niya sa akin. "Hindi natin kailangan ng approval niya. Ako ang mag-aayos ng gulong ito."

"Sister..." Bulalas niya na parang hirap akong sagutin. Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "Kailangan pa rin natin ng participation niya dahil haharap pa rin siya sa judge."

Napabuntong-hininga na lang ako at tumango. Sana lang talaga ay makipag-tulungan siya. Nagpaalam na ako sa kanya dahil gusto ko ng umuwi. Baka makita ko pa 'yong demonyo rito. Naglakad na ako pa-elevator. Naghintay lang ako hanggang sa nagbukas ang isang elevator.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Huminto ang mundo ko nang makita si Ginoong Elias kasama si...Paula. Naka-angkla sa braso ni Ginoong Elias si Paula. E 'di kayo na ang sweet sa public. Sabagay, kayo pala talaga ang totoong magka-relasyon.

Nanlaki naman ang mata ni Ginoong Elias nang makita niya ako. Nag-iwas ako ng tingin dahil saktong may bumaba rin kaya gumilid ako. Nasa bandang dulo sila ni Paula at may nakaharang na ibang pasahero kaya hindi siya makakababa agad kung sakali mang gustuhin niya akong lapitan.

"Going up po?" Tanong sa akin nang elevator operator. Umiling naman ako kaya nagsara na ang elevator.

Doon lang ako nakahinga matapos magsara ng elevator. Gusto kong maiyak. Nagmumukha na akong tanga, pero kinalma ko ang sarili ko. Buti na lang ay bumukas pa ang isang elevator na pababa kaya sumakay na ako.

Halos yakapin ko ang sarili ko dahil ganito pala ang pakiramdam ng nasasaktan. Manghihina ka tas parang kinakapos ka sa hininga. Bakit ba kasi ako na-attach sa kanya? Ang hirap tuloy ng sitwasyon ko.

Bumaba ako agad sa elevator nang bumukas ito sa ground. Hindi ko naman kailangan magmadali dahil hindi naman ako hahabulin n'on. Kinuha ko lang ang ID ko sabay labas sa building nila. Buti na lang ay may mini park sa may unahan ng building kaya tumambay muna ako roon para makahinga.

Kaya mo 'to, Lucia. Ilang buwan mo pa lang kilala ang demonyong 'yon. Makakalimutan mo rin siya. Pero, mukhang hindi ako makakapagpahinga dahil kita ko si Ginoong Elias na lumabas ng building at nagpalinga-linga. Hayup, hinahanap niya ata ako kaya tumayo na ako para maglakad palayo.

"Lucia!"

Mukhang nakita na ata niya ako. Sino bang hindi makakapansin sa akin e nakapang-madre akong suot! Halos tumakbo na ako pero may humawak sa braso ko sabay hila niya paharap sa kanya.

"Lucia..." Bulalas ni Ginoong Elias na hinihingal pa.

Tinitigan ko siya. Gusto ko siyang sampalin pero ano ba ako sa kanya? Desisyon ko naman ang pumatol sa kanya kaya deserve kong masaktan. "Pinapunta lang ako ni Atty. Tres para sa update ng annulment. Sige na, baka busy ka pa sa trabaho. Pauwi na rin ako---"

"Hindi." Putol sa akin ni Ginoong Elias. "Hindi ka uuwi. Sasama ka sa akin."

Nabigla ako nang maglakad siya habang hawak pa rin niya ako sa kamay ko. Halos patakbo na ako maglakad dahil ang haba ng hakbang niya. "Saglit lang, ano ba!" Buong lakas kong binawi ang kamay ko kay Ginoong Elias kaya nabitawan niya ako.

Humarap sa akin si Ginoong Elias at kasabay n'on ang pagdapo ng palad ko sa pisngi niya. Napatingin na ang mga tao sa amin. "Ano'ng ginagawa mo rito sa baba? Bakit mo ako sinundan? Dapat hindi mo iniwan ang girlfriend mo!"

Napahimas si Ginoong Elias sa pisngi niya bago ako tignan. "Wala ng kami, Lucia..."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "P-pero, ang sabi mo..."

"Lucia, I...miss you." Sambit niya na naluluha ang mga mata.

Napakurap ako sa sinabi niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang traydor lang. Dapat galit ako sa kanya pero heto, nanlalambot na naman sa simpleng pagbanat niya. H'wag kang papaloko, Lucia.

"H'wag mo namang itanggi ang girlfriend mo, Ginoong Elias, para lang magloko. Nasa taas si Paula. Umayos ka, please." Dama ko rin ang pamamasa ng mga mata ko.

Sinubukang lumapit sa akin ni Ginoong Elias na tila nag-aalala sa akin pero umatras ako. Huminga ako nang malalim bago maglakad at linampasan siya. Pero...hinatak niya ulit ang braso ko sabay buhat niya sa akin sa kanang balikat niya.

"Oy!" Tili ko. "Ano ba'ng ginagawa mo! Ibaba mo ako!"

Tila wala naman siyang narinig dahil tuloy lang siya sa paglalakad habang ako ay nahihilo dahil nakapatiwarik ang ulo ko ngayon. "Oy! Saan mo ba ako dadalhin!"

Huminto naman siya sabay dahan-dahan sa pagbaba sa akin. Nasa harap na pala kami ng kotse niya. "Sakay." Utos niya nang buksan niya ang shotgun seat.

"Ayoko." Pagtutol ko sabay talikod ko pero hinawakan na naman niya ako sa braso para pigilan.

"Please, Lucia, mag-usap lang tayo..." Pagsusumamo niya.

Tinitigan ko naman siya mata sa mata. "H'wag mo ng pahirapan ang sarili mo, Ginoong Elias. Wala kang obligasyon sa akin. Ang isipin mo ay ang ma-annul tayo para maayos mo na ang proposal mo sa girlfriend mo dahil iyon naman ang plano mo umpisa pa lang."

Unti-unti naman niya akong binitawan. Tama 'yan, bitawan mo ang kamay ko. Sinubukan kong ngumiti sabay talikod sa kanya. Pero, nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay nagsalitang muli si Ginoong Elias.

"I loved Paula so much..."

Napakuyom ang kamao ko sa sinabi niya. Tama na. May isasakit pa ba?

"...pero ginulo mo ang lahat." Pagtatapos niya.

—MidnightEscolta 😉

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

16.2K 484 45
nagTatraBaho si Shenshen sa Wang Medical Hospital isang chinise hospital sa pinas sa hndi sinasadyang pag kakataoN ang boss nyang si dr, wang ang nag...
1.5M 37K 34
La Croix Brothers' Series #3 Pollux La Croix R18 (Mature-Content)
1.5M 25.4K 33
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Daddy Society Series Read at your own risk. Lumaki sa Sisters of the Lady of Guadalupe Convent...
1.4M 39.2K 29
La Croix Brothers' Series #5 Comet La Croix R-18 (Mature-Content)