South Boys #2: Heartbreaker

By JFstories

13.2M 744K 522K

He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrer... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
The Final Chapter
Epilogue
message-bonus chapter-announcement
BONUS CHAPTER
SOUTH
Serial Charmer

Chapter 64

167K 9.3K 8.9K
By JFstories

"COME WITH ME TO TAGAYTAY."


Nabura ang ngiti sa mga labi ko.


"Please." Hinalikan niya ang palad ko. "Babalik din tayo ng gabi. I just need to get some clean clothes there. I plan to stay here until Sunday. Dito na ako manggagaling pagpunta ko ng Manila next week."


Bumuka ang mga labi ko pero wala akong naapuhap na sabihin. Gusto kong tumanggi at magdahilan nang makarinig kami ng sigaw mula sa ibaba ng bahay.


"Lintek!" boses ni Nanette.


Napabangon ako sa kama. "Nandiyan na si Nanette." Hindi namin namalayan na nakabalik na pala ito. Nagmamadaling nagsuot ako ng robe dahil sa pag-aalala kung bakit ito sumigaw.


"Wait! I'll go first!" Nagmamadali siyang nagsuot ng boxers at shorts. Ang t-shirt niya ay sa labas niya na ng pinto naisuot.


Nauna siyang bumaba sa hagdan. Pinahuli niya ako para matingnan muna kung ano ba ang nangyayari sa sala.


"'Nette, what's happening here?"


"'Sabi ng bawal tumalon sa sa sofa!" sigaw ni Nanette. "Anak ka talaga ng pating na bata ka!"


Sumunod ako sa pagbaba ni Jordan. Napatanga ako nang makitang nakatayo si Kulitis sa sofa. NakaIron man shirt na pula, naka-shorts na checkered, at naka-medyas sa mga paa.Nakatirik ang naka-gel na buhok at may mantsa na naman ng chocolate angbungi-bunging mga ngipin. Hawak nito ang remote ng TV. "Hindi pating ang daddy ku, bad ka!" sigaw ng bata kay Nanette.


Magulo sa sala. Nasa sahig ang mga throw pillow dahil mukhang naghabulan ang dalawa.


"'Bat andito 'yan?" tanong ko kay Nanette.


Tumingin sa akin ang babae at humikbi. "Ate, dinaan 'yan dito ng tatay niyang guwapo kanina. Dito raw muna. Ihatid na lang daw sa kanila sa gabi."


Natapik ko ang aking noo. "At pumayag ka namang iwan 'yan dito ni Isaiah?"


"E, 'te, hindi ako nakatanggi. Nginitian ako e."


Bumaba sa sofa si Kulitis at lumapit agad kay Jordan. "Ninung!"


Nanlaki ang butas ng ilong ko. "Hoy, anong ninong?"


Kumiling ang ulo ng bata at naipit ang matambok na pisngi nito sa kaliwa. "O di ba boypren mo 'yan? E ninang kita e di ninung ku na siya!"


Kinarga ito ni Jordan. "Bakit nagpapasaway ka kay Nanette?" malumanay na tanong niya sa bata.


"Nagalet siya saken kasi nakita ku ka-video kol niya e! Ampangit, mukhang trumpo! Bilog iyong noo!"


Namula lalo ang mukha ni Nanette. "Hindi totoo iyan! Guwapo iyong ka-video call ko, 'no! Ang sama mong bata ka, kung alam ko lang di na sana ako nagpa-budol sa tatay mong guwapo!"


"E pangit naman talaga ka-video kol mu e! Anu gusto mu magsinungaling aku? Bad kaya iyon!"


Tinakpan ko na ang bunganga ni Kulitis dahil pulang-pula na ang mukha ni Nanette sa asar. "Manahimik ka kung gusto mo pang makauwi ng buo sa inyo!"


Tinapik naman ni Jordan ang balikat ni Nanette. "'Wag mong seryosohin, Nette."


"Opo, Architect." Bago umalis ay tinapunan pa muna ni Nanette ng nagbabagang tingin si Kulitis.


Pagkaalis ng babae ay hinarap ko ang bata at pinangaralan. "Hoy, masamang manlait ng kapwa! Kahit totoong pangit iyon, dapat sinarili mo na lang! Hindi mo na kailangang ipangalandakan! Naiintindihan mo?!"


"Opu." Tumango naman ang bungi. Mukhang nakapag-reflect agad sa ginawang kalokohan.


"O ano pupunta pang Tagaytay?" tanong ko kay Jordan. "E paano 'yang bubwit na 'yan?"


Hindi naman nagbago ang pasya niya. Akala ko makakalusot na iyon pala ay may remedyo na agad siyang naisip.


"Isasama natin."


"Ano?!"


Nang tingnan ko si Kulitis ay binungisngisan ako ng bata sanhi para lumitaw ang bungi-bungi nitong mga ngipin.


Dahil excited ang bata nang malamang gagala ay hindi na ako nakatanggi. Napapayag na ako ni Jordan na sumama sa bahay nila sa Tagaytay.


Dinala niya si Kulitis hanggang sa kuwarto ko ay hinayaang magtatalon sa kama habang naliligo ako. Paglabas ko ng banyo ay parang dinaanan na ng ipu-ipo ang kama ko.


"Liligpitin ko na lang mamaya," mabilis na sabi ni Jordan bago ako magbunganga.


"Baket basa kama mu, Ninang?" tanong ni Kulitis sa akin. Dinudutdot niya ng paa ang basang bahagi ng aking kama.


"May butas iyong bubong ko," sagot ko na lang para manahimik ang bata.


E hindi pa rin nanahimik. "Weh? Wala namang butas e! Baka nagwiwi ka!"


Hindi ko na lang pinansin. Ni-reserve ko ang energy ko dahil malamang na hanggang sa kotse ay magliligalig ito.


Nag-ayos na ako habang si Jordan ang sumunod na naligo sa banyo. Paglabas niya ay nakabihis na siya. Jeans at shirt. Ako naman ay simpleng jumpsuit lang ang isinuot.


Si Kulitis ay pinunasan ko muna ng pawis dahil pawisan sa kakulitan. Pinulbuhan ko rin at nilagyan ng gel ang buhok. T-shirt lang na may mukha ni Iron Man ang suot niya at cargo shorts. Naka-medyas siya at ang sapatos niya ay iniwan sa sala.


"Tara na, Kulit!" sigaw ko sa bata.


Kinarga ito ni Jordan. Sinamaan ko naman ng tingin ang lalaki.


"Pinamimihasa mo sa kakakarga 'yan e ang laki-laki na niyan. Pag ikaw nagkaluslos, bahala ka sa buhay mo!"


Tumawa lang si Jordan. Sarap lapirutin kung wala lang si Kulitis.


Sa backseat ng sasakyan ko iginapos sa seatbelt ang maligalig na anak ni Isaiah. Buong biyahe ay ang ingay-ingay nito. Kung anu-ano ang kinakanta, bulol at mali-mali naman ang lyrics.


"Ang simoy ng hangin sa akin ay lumalamig na! Ang simoy ng hangin sa akin ay lumalamig naaahhh! Shotgun, shotgun! Ganja, ganja budah budah!"


Napapailing na lang ako mula sa passenger's seat. Ayos na rin siguro na maingay si Kulitis, at least hindi nakakainip at nakakailang ang biyahe namin.


Pasimple kong sinulyapan sa aking tabi si Jordan. Nakatutok ang paningin niya sa kalsada habang kalmadong nagmamaneho. Mukha naman siyang walang pakialam kahit nakakabingi ang ingay sa paligid. Parang nae-enjoy pa nga niya.


Nakalampas na kami sa Indang, Cavite. Mabilis na ang biyahe at maluwag na ang kalsada. Pinatay ni Jordan ang AC at ibinaba ang salamin ng mga bintana.


Nang pumasok ang malamig at preskong hangin mula sa labas ay sari-saring emosyon at ilang alaala ang biglang na lang nagparamdam. Lalo nang maramdaman ko ang paghawak ni Jordan sa isang kamay ko. Pinabayaan ko naman siya.



Nilingon ko si Kulitis sa backseat. Nanghahaba ang leeg at nguso nito sa nakabukas na katabing bintana. "Hoy, bawal mag-alis ng seatbelt at dumungaw sa bintana. Pag nahulog ka, di ka namin babalikan!"


Nag-thumbs up lang ito sa akin at muli na namang kumanta ng kung anu-anong kanta na hindi maintindihan dahil sa madalas na bulol na mga liriko.


"Don't touch my birdie! Don't touch my birdie! Resist temptation, plish! You don't hab tu grab my birdie, just kol it, and it will kammmm..."


Napalingon ulit ako sa backseat. "Hoy, anong kanta 'yan?!"


Hindi ako pinansin, tuloy lang ang makulit sa pagkanta. "Ang birdie ku ay nakakatuwa! Parang cobra na mahilig mantuka! Kapag nilabas na mula sa kulungan, tuluy-tuloy na ang aming kasiyahan haaa... Don't touch my birdieee!"


Natapik ko ang aking noo sa konsumisyon. Parang ang sarap sakalin ni Isaiah. Sa kanya ko gustong ibuhos ang gigil ko sa anak niya.


Nang makarating na kami sa Tagaytay ay tumingin-tingin na lang ulit ako sa bintana. Nakaka-relax ang malamig na simoy ng hangin.


Payapa ang pakiramdam ko. Kahit pa makulit si Kulitis ay ayos lang. Hindi ko alam kung bakit pero kalmado ako. Payapa...


Nang marahang pisilin ni Jordan ang kamay ko na hawak niya ay pumikit ako at sumandal sa sandalan ng upuan. The warmth of his big palm felt nice. Really nice. Lalong naging payapa ang pakiramdam ko.


Nag-beep ang aking phone na ipinatong ko sa dashboard. Kukunin ko pa lang iyon nang mauna na si Jordan. Kinuha niya iyon at itinago sa loob ng compartment.


"You can check it later," kaswal na sabi niya at muling kinuha ang isang kamay ko para hawakan habang nagda-drive naman ang kanyang kanan.


Dumaan kami sa SM Tagaytay City para ibili ng pasalubong na mga libro at laruan ang pamangkin niyang si Hyde. Ibinili niya rin si Kulitis ng laruan lang kasi iyon lang ang gusto at ayaw ng libro.


Pumasok kami sa gate ng isang executive subdivision. Malawak ang sementadong kalsada sa loob, marami pang bakanteng lote at iilan pa lang ang malalaking bahay. May rumorondang naka-bike na uniformed guard.


Mayaman talaga ang mga Herrera. Humble lang talaga sila dahil parehong public teachers sina Mrs. Ethelinda Herrera at ang asawa nitong half-Spanish.


Isang white with wood accents three storey house ang aming hinintuan. Kung pagmamasdan ay nasa 350SQM siguro ang kabuuuhan. Mas malawak ang lupa sa paligid kaysa sa mismong bahay, pero ayos lang. Malaki pa rin naman ang bahay na sa tingin ko ay nasa 150SQM din. Bumaba si Jordan at siya mismo ang nagbukas ng mataas na wooden style gate. Pagbalik niya ay saka kami tumuloy sa loob.


Isinara muli ni Jordan ang pinto. "We don't have a maid here. Si Mommy at Jill pa rin ang nag-aasikaso sa lahat-lahat sa bahay namin."


Tinatanong ko ba?


Pagpasok sa gate ay garahe na agad ang sumunod. May dalawang sasakyan na roon, isang black SUV at isang maroon na Mitsubishi Montero Sport. Isa na lang ang libreng espasyo na sakto para sa Porsche ni Jordan.


Ang balak ko ay bumaba sana nang kusa kaya lang kakatwang hindi nakisama ang katawan ko. Bumukas ang pinto ng passenger seat at pagtingala ko ay naroon si Jordan. Nakangiti siya sa akin. "Halika na."


Saka lang ako bumaba. Hindi ko tinanggap ang kamay niya na nakalahad sa akin. Ibinuhos ko ang atensyon kay Kulitis na nakababa na mag-isa mula sa backseat.


"Wow, lake bahay mu, Ninung! Mayaman ka ba?!"


Hinila ko ito sa kwelyo. "Hoy, wag kang maligalig baka may aso rito, kagatin iyong pwet mo!"


"Wala raw aso sabe ni Ninung!"


Nauna na si Kulitis na pumunta sa main door ng bahay. Wala akong nagawa kundi sundan ito dahil baka kung ano ang gawin. Baka makabasag pa sa loob. Nakakahiya dahil walang pambayad ang tatay.


Sa bukana ng pinto ay napangiti ako nang makitang iniwan ng bata ang sapatos na hinubad. Makulit pero may manners.


Papasok na ako sa pinto noong may naunang humawak sa doorknob. Pagtaas ng paningin ko ay nakita ko ang mabangong leeg ni Jordan. Napausod agad ako.


Nauna siyang pumasok at pagkatapos ay hinintay akong sumunod. Awtomatikong umikot ang paningin ko sa paligid ng sala nila. Ang aliwalas. Ang linis-linis kahit yata kasuluk-sulukan. Ang bango rin kahit saan.


Kaunti lang ang gamit, tapos puro puti ang kulay o di naman kaya ay gawa sa salamin. Ultimo ang malaking TV ay may customized white frame at nakabaon sa kulay puting dingding.


Ang panira lang sa view ay ang batang nakabulagta sa malaking sofa. Nakanganga ang bibig nito na kakikitaan ng bungi-bunging mga ngipin na may bahid ng huling kinain na chocolate kanina.


Hinarap ko si Jordan. "Alam ba ng parents mo na uuwi ka?"


"Yes. Nasa kitchen si Mommy, malamang nagp-prepare ng meryenda."


Hindi naman talaga iyon ang itatanong ko. Ang gusto kong malaman ay kung alam ba ng parents niya na kasama niya ako.


Alam din ba ni Jillian na makikita niya na ulit ang lodi niya? Char!


Dinala muna ni Jordan ang mga pasalubong niya sa kuwarto ng pamangkin. Naka-afternoon nap daw ang bata kaya hindi na muna nito ginising.


"Wait, tingnan ko lang sa kitchen si Mommy." Magaan at mabilis na hinalikan ako ni Jordan sa labi bago siya umalis.


Natulala ako sa pagkabigla kaya hindi agad nakapag-react.


Bumalikwas ng bangon si Kulitis sa sofa. "Luh, nag-kiss!"


Sinamaan ko ito ng tingin. Babanatan ko talaga ang tatay niyo kapag nakita ko.


"Eeee, kiss may crush!" panunukso nito na parang tanga.


"Manahimik ka, susungalngalin kita!"


Pero hindi pa rin nagpasaway ang makulit. Ngingisi-ngisi pa rin ito at ang mga mata ay nanunukso. "Luh, crush mo si Ninung!"


"Shunga, 'sabi mo na nga boyfriend ko 'tapos crush pa rin? Pangit ng logic mo."


"E di lab mo siya? Pakakasal na kayu kase lab mo siya! Eeee, lab niya si Ninung! Lab niya si Ninung!"


Hindi na ako nakatiis na hindi lapitan at mahinang sabunutan ang naka-gel na buhok nito. Kagigil itong batang ito, sarap isako.


Nagre-wrestling kami sa sofa nang makarinig ako ng pamilyar na boses mula sa pintong pinasukan ni Jordan kanina. Tinakpan ko agad ang bunganga ni Kulitis para hindi ito makapag-ingay.


"What's happening?" Malamyos at mahinahon ang boses na kilalang-kilala ko pa rin ang aking narinig.


Papalapit ang boses na hindi ko maaring ipagkamali sa iba. Sigurado ako na pagmamay-ari iyon ni Jillian.


"Why did he brought her here? I thought matagal na silang wala."


"Maybe they're back together, hon." Hindi pamilyar na baritonong boses ng isang lalaki na kausap niya. But in fairness, boses guwapo.


"What? 'You think that's the case? Oh my, kuya is doing it again."


Lumuwag ang pagkakatakip ko sa bibig ni Kulitis. Kahit mahinahon ang pagbigkas ni Jillian sa mga salitang binitiwan ay may sipa iyon sa dibdib ko.


May kumalabit sa pisngi ko. "Huy, baket ganyan mukha mu?"


Nang alisin ko ang paningin sa pinto ay ang nakakiling na ulo ni Kulitis ang aking nakita. Kukurap-kurap ang mga mata nito na may mahahaba at malalantik na pilikmata.


"Bakit ano bang itsura ko?" tanong ko sa kanya.


"Half malungkot tas half galet," bibong sagot nito. "Parang natatae!"


Natigilan ako. Ganoon ba talaga ang ekspresyon ko? Ganoon ang naging reaksyon ko? Parang natatae?!


Bumukas ang pinto na pinagmumulan ng mga boses. Paglingon ko roon ay nagtama ang aming paningin ng babaeng may mala-anghel na mukha.


Nanlalaki ang magandang uri ng kulay tanso nitong mga mata, ang manipis at mapulang mga labi ay bahagyang nak

abuka. Ang maamo niyang mukha ay nababahiran ng pagkabigla.


Tumayo ako at ngumiti sa kanya. "Hi."


Hindi siya makapagsalita. Nakatitig pa rin sa akin na akala mo'y isa kong multo.


"Hon." Mula sa pinto na nilabasan niya ay kasunod niyang lumabas ang isang matangkad at guwapong lalaki. Ito yata iyong jowa niyang ka-engaged niya sa FB. Mukhang mabait, mukhang matino, bagay sila.


Nang mapatingin sa akin ang lalaki ay magalang itong tumango bago balingan ulit ng atensyon si Jillian.


"Hon, puntahan ko muna si Hyde. Baka gising na."


Parang wala sa sarili na tumango lang siya.


Pagkaalis ng jowa niya ay lumipas pa yata ang tatlong minuto bago nahimasmasan si Jillian. Nakakatawa lang na alam niyang nandito ako pero hindi pa rin niya naawat ang sarili na mawindang pagkakita mismo sa akin.


"Y-you're really here," sabi niya sa maliit na boses. Ang paningin niya ay humagod sa mula sa ulo ko hanggang sa mga paa. Kulang na lang ay pati talampakan ko ay i-check niya.


Tumaas ang isang kilay ko nang mahuli ang bahagyang pagdidilim ng maamong mukha ni Jillian.


Gayunpaman ay ngumiti ako sa kanya. "Yes. Kumusta ka na?"


Imbes na sagutin ay tumuon ang paningin niya sa batang bungi na nakasilip sa likod ko. Kumunot ang kanyang noo nang muling tumingin sa akin.


"Who's that kid behind you?" tanong niya na mahinahon pa rin naman pero hindi ko nagustuhan ang tono.


Tumiim ang mga labi ko bago muling ngumiti at magsalita. "Hindi ba sinabi ni Jordan sa inyo?"


Napalunok siya bigla. "W-what do you mean?"


"Nabuntis ako bago kami naghiwalay noon."


Ang maamong mukha ni Jillian ay nagkulay papel sa pagkaputla. "Is that my brother's..."


Lumawak ang ngiti ko sa tanong niya. At least first guess niya ang kuya niya.


Umiling agad ako para makahinga na siya nang maayos. "Hindi e."


Nanlaki ang mga mata niya. "Then who..."


What a curious cat.


Pinisil ko ang pisngi ni Kulitis. "Anak ko 'to kay Isaiah."


Nagsalubong ang mga kilay ni Jillian at pagkatapos ay nanalim ang kanyang kaninang nanlalaking mga mata.


"Joke lang, anak ko talaga 'to kay Hugo."


Sa isang iglap ay namula naman ang mukha niya.


Biglang sumabat si Kulitis. "Hindi naman ikaw mommy ku eee!"


Napangiwi ako sabay mahinang kaltok sa ulo ng batang may dalawang puyo. "Wala ka talagang pamasko sa 'kin!"


"Ee hinde naman talaga ikaw e! Saka sinu-sino nisasabe mung daddy ku e daddy ku lang si Engr. Isaiah Gideon 'Pogi' del Valle!"


"Anong pogi? Ano na namang kasinungalingan ang itinuro sa 'yo ng tatay mong GGSS?!"


Ang mga labi ni Jillian ay mariing naglapat habang nakamasid siya sa amin ni Kulitis.


"Ninung!" tili ni Kulitis nang lumabas sa pinto si Jordan.


"Hey, sorry natagalan ako. Nagpatulong pa si Mommy sa loob. Halika na para makapag-meryenda rin si Vien."


"Yey, meryenda!"


Napatingin si Jordan kay Jillian. Nagpalitan lang sila ng tingin pero walang kahit anong sinabi sa isa't isa. Nang hawakan ni Jordan ang kamay ko ay tiim ang mga labi na naglakad na paalis si Jillian.


"Relax," bulong ni Jordan sa akin dahil siguro naramdaman na nanlalamig ang palad ko.


"Malamig lang ang klima," nakaismid na paliwanag ko.


Pagpasok namin sa loob ay isang mahabang dining table ang bumungad sa amin. Sa dulo niyon ay may isa pang pinto na kinaroroonan siguro ng pinaka kitchen ng bahay. Sa tingin ay bukod doon ay may dirty kitchen pa sila.


Ang nakahain sa mesa ay baked mac and cheese, vegetable salad, Pita bread, at cucumber juice. Mukhang masasarap pero hindi ko ma-appreciate dahil sa kaba.


Nang pumasok si Mrs. Ethelinda Herrera sa pinto ay hindi ko alam kung ngingitian ko ba ang ginang o ano. Lumala ang kanina'y munting kaba lang sa dibdib ko.


Yumukod ako nang tumuon sa akin ang mga mata ng mabait na ginang. "G-good afternoon po..."


Ngumiti si Mrs. Herrera. Ngiti na hindi ko inaasahan na ganito kasuyo. Ang akala ko ay ngingitian niya ako pero iyong ngiti na kaswal lang, iyong normal lang na katulad kung paano niya ako ngitian noong JS Prom.


Umawang ang mga labi ko sa pagkabigla lalo nang yayain niya na kaming kumain.


"You look great. How are you, hija?"


Napalunok muna ako bago siya sagutin. "Thank you po. Okay lang naman po ako. Kayo po?"


"Okay lang din. Ang hirap lang mag-adjust kasi full-time housewife, mother, lola na ako. Hindi na ako nakabalik sa pagtuturo mula nang dito na kami sa Tagaytay tumira."


Ang hinahon at ang suyo-suyo ng boses ni Mrs. Herrera. Mas nakakailang na mabait sa akin ang mommy ni Jordan. Parang mas gusto ko na yata na wag niya na lang akong kausapin sa ganitong paraan.


"At sino itong guwapong batang ito?" magiliw na tanong niya na ang tinutukoy ay si Kulitis.


"Anak po ng kaibigan ko. Pinababantayan sa akin."


"Ah, I see. O kumain na kayo. Dito rin ba kayo magdi-dinner?"


Hindi na ako sumagot. Hinayaan ko na si Jordan na ang makipag-usap sa mommy niya. May mga pinag-uusapan sila tungkol sa firm ng lolo niya sa Madrid, Spain, at sa firm na pinapasukan niya sa Manila.


Inasikaso ko na lang si Kulitis dahil ang dungis nitong kumain. Inubos ko ang aking oras sa bata dahil hindi ko naman makuhang kumain nang maayos kahit gaano pa kasarap ang nakahaing pagkain.


Nang matapos mag-meryenda ay nagpresinta ako na tutulong sa pagliligpit ng pinagkainan pero hindi ako hinayaan ni Mrs. Herrera. "Kaya ko na ito. Sige na," nakangiting pagtataboy ng ginang sa akin.


Hindi na rin ako namilit dahil akward na makasama siya na kami lang dalawa sa kusina. Magalang na nagpasalat ako at binalikan na lang si Kulitis. Tinulungan ko ang bata na magpunas dahil napuno ng sauce ang gilid ng bibig nito.


"Sarap ng pagkaen!" sabi nito habang hinihimas ang tiyan. Nagtanggal ito ng butones sa suot na shorts dahil sumikip daw. Nakailang balik ba naman kasi sa baked mac kanina.


"Anong oras tayo uuwi?" tanong ko kay Jordan. Ang sabi niya kasi ay kukuha lang siya ng gamit dito. Pero sa itsura niya ay parang wala pa siyang balak umalis.


"Hintayin ko munang magising si Hyde." Inakbayan niya ako. "Sa garden muna tayo saglit."


Magrereklamo na ako nang marinig ang nanunuksong boses na naman ni Kulitis. "Uy, ang sweet may crush sila! Ay, lab pala! Kakasal na sila!"


Itinirik ko na lang ang aking mga mata sa pagkainis. Si Jordan naman ay mukhang ini-enjoy lang talaga ang kakulitan ng anak ni Isaiah.


Pumunta kami sa garden ng bahay nila. Meron silang katamtamang espasyo sa likod ng bahay. May mga tanim na iba't ibang bulaklak at herbal plants at meron ding maliit na playground. May katamtamang slides, dalawang swing, climbers, at wooden seesaw sa dulo.


Sa isa sa mga swing ay nakaupo si Jillian at sa likod niya ay nakatayo ang guwapong lalaki na kasama niya kanina. Iyong jowa niya. Nakahawak ito sa chain ng swing habang marahang idinuduyan siya.


Nag-ring ang phone ng lalaki at nagpaalam ito sa kanya. Hinalikan siya sa pisngi. "I'll be back. Check ko rin kung gising na si Hyde."


Nakangiti ang mapulang mga labi ni Jillian nang tingalain ito. "Okay."


Nabura lang ang pagkakangiti niya nang madako sa amin ang paningin.


Napalapit ako sa kanya dahil hinila ako sa kamay ni Kulitis. Biglang tinubuan ng hiya ang makulit na bata, kinailangan pang may kasama para lang lumapit sa munting playground.


"Padulas ako!" ungot nito.


Kinarga naman ito ni Jordan para ilagay sa tuktok ng slides.


"Hoy, bakit kailangang kargahin na naman? May hagdan naman at malaki na 'yan, kaya niya na!" sigaw ko dahil malayo-layo ang slides sa akin.


Ngumiti lang si Jordan at muling binuhat si Kulitis matapos magpadulas. Paulit-ulit na ganoon ang siste nila, tuwang-tuwa ang bata. Sumunod ay sa seesaw naman ito. Si Jordan ang taga-control sa kabilang panig.


Hindi ko namalayang napapangiti na pala ako habang nanonood sa kanila. Sandali ko tuloy nalimutan ang presensiya ni Jillian. Kung hindi pa tumikhim ang babae ay hindi ko pa maalalang nandito nga rin pala siya.


Nakasimangot ang maamo niyang mukha. "Where's that kid's father?"


"Ah, busy sa work."


"And kuya has work, too."


"May point ka."


Nagtagis ang mga ngipin niya. Hindi pa rin siya nagbabago, kahit ano pa ang gawin niyang ekspresyon ay mukha pa rin talaga siyang santa.


"May ino-offer kay kuya ang lolo namin na project sa Madrid. That was a big break for his career dahil ang bata niya pa para mapasali sa project na iyon, but you know what he did? Tinanggihan niya dahil sa isang house renovation lang sa Navarro, Gentri."


Humalukipkip ako habang nakatingin kay Jordan. Anong pumasok sa isip niya para ipagpalit ang malaking project para sa pakiusap lang ni mommy na siya ang humawak ng house renovation sa bahay namin sa Navarro?


Hindi siya makatanggi kay mommy pero sa lolo niya, tumanggi siya. Napailing ako.


Yumuko si Jillian. Ang maamo niyang mukha ay lumungkot. "He was doing fine for the past years. He graduated summa cum laude with a degree of BS Architecture and passed the ALE with flying colors last year. Hindi pa siya graduate pero nakailang balik na siya sa Spain to hep with our grandfather's firm there..."


Nang iangat niya ang paningin sa akin ay may hinanakit na nakabahid doon.


"He was really doing fine. His goals, his schedules, they were all perfectly good. Until he accepted the project in Gentri, Navarro. He started to change little by little. I mean, ang gulo na naman niya."


"Really?" Matabang na reaksyon ko.


"Carlyn, I don't want my brother to lose himself again."


Tumingin sa amin si Jordan. Nang ngumiti siya ay lalong namait ang panlasa ko, but I smiled back at him. Gumuhit ang pagkagulat sa guwapong mukha niya ng ilang sandali. Hindi niya inaasahan na gaganti ako ng ngiti. 


Nang makabawi ay ngumiti siya ulit. Ngiti na maaliwalas. Like he was truly happy at this moment.


Nang ibalik ko ang aking mga mata kay Jillian ay nakatanga ang babae sa akin.


Nginitian ko rin siya. "Hindi mo ginalingan ang pagdadasal, Jill. Kasalanan mo 'to."


Nakanganga pa rin siya nang lampasan ko. Pinuntahan ko sina Jordan at Kulitis sa seesaw. Nang yakapin ako ng isang braso ni Jordan sa bewang ay hindi ko siya sinaway. Hinayaan ko lang siya because, well, it felt good.


Lumilipas ang isip ko nang may batang nanakbo mula sa backdoor ng bahay. "Uncle Jordan!"


Isang mestizong batang lalaki na may kulay tansong mga mata, matangos na ilong, at manipis na mapulang mga labi ang papalapit. May suot itong clear glasses. Guwapo pero iilan lang ang nakuhang features sa mga Herrera.


"Hey, big boy!" Kinarga agad ito ni Jordan. "How are you? Did you see my gifts?"


"Yes! Pinakita ni Daddy Harry sa akin pagising ko!"


"Did you like them?"


"Of course!" Nakangiti ito. Ngiti na napaka-pamilyar. "I like the car more, but I like them all naman because they're from you!"


"Ninung, sino 'yang bata?" tanong ni Kulitis na akala mo hindi rin siya bata.


"My nephew," sagot ni Jordan. "Hey, big boy, do you wanna play with him. He's Vien."


Ibinaba na niya ang pamangkin para makalaro ni Kulitis. Mukhang hindi naman ito snob. Shy type lang.


Mabuti na lang at makapal ang mukha ni Kulitis kaya ito na ang unang nag-approach. "Elow, aku si Vien Kernell del Valle! Anung pangalan mu, ha?"


"I am Hyde. Saan ka nakatira?"


"Sa bahay namen!"


Mukhang matalino ang anak ni Jillian. Matured din magsalita kumpara kay Kulitis, gayunpaman ay mukhang okay naman ang dalawang bata kahit may mga bagay silang hindi napagkakasunduan.


Nasa seesaw ang dalawa. Laging lagapak ang pwet ni Kulitis sa damuhan. "Baket nabagsak lagi aku?"


"Because of the gravity!" sabi naman ni Hyde.


"Ha? Anu, spaghetti?!"


Napailing na lang ako at hinarap si Jordan. "Anong oras tayo uuwi? Pagabi na, baka nangungulila na sa apo iyong lola niyan ni Kulitis."


Niyakap niya ako sa bewang. "Maya-maya."


Nag-referee muna si Jordan sa dalawang bata nang medyo nagkakainitan na ang mga ito. Dumating din ang jowa ni Jillian na Harry nga pala ang pangalan. Nakipagkulitan ito sa mga bata.


Naupo muna ako sa swing na katabi ng kay Jillian dahil wala naman akong magawa. Siya rin ang hindi nakatiis na tumayo para iwan ako. Nagkibit-balikat lang naman ako.


Madilim na kaya pinapasok na ni Jillian ang anak. Sumama naman si Kulitis dahil niyaya ito ni Hyde sa kuwarto nito. Ipapakita raw ang books and toys collection. Pero mukhang sa toys lang interesado ang alaga ko kaya ito sumama.


Naiwan kami ni Jordan sa garden. Tumayo na rin ako sa swing para sumunod sana sa loob kaya lang pinigilan niya ako sa pulso.


Nagtatakang tiningnan ko siya. "'Problema mo?"


"Did you talk to Jill?" malumanay ang boses na tanong niya.


"Nagkumustahan lang. Kwinento niya na very good ka raw nitong nga nakaraang taon. Good for you."


"I don't think so, Carlyn." Ibinato niya ang malamlam na paningin sa ibang direksyon.


Dumidilim na ang paligid kaya hindi ko gaanong mabistahan ang pumapalit na emosyon sa mga mata niya.


"Do you enjoy this?" mahinang tanong niya.


"The set up that we have? Of course! Kung hindi ay wala tayo rito ngayon. Kahit mag-welga ka pa ng nakahubo sa harapan ng bahay namin, hindi kita papansinin."


Mahina siyang tumawa at nang tumingin ulit sa akin ay nakangiti na. "I'm glad I don't have to that."


Tumaas ang isang kilay ko. "but you will do it?"


Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo. "Who knows?"


"Uhm, Jordan, is it really okay that you brought me here?" Tiningala ko siya. Nakita na ulit ako ng pamilya niya at malamang na nagsisimula ng mag-isip ang mga ito.


Nakatingin lang siya sa akin. Naglalakbay ang masuyong paningin sa mukha ko.


"Jordan, we never know when are we going to end this—"


"We're not going to end this," putol niya sa sinasabi ko.


"Ha?" Napatitig ako sa kanya at saka ko napansin na wala na ang aliw sa kanyang ekspresyon.


Dumilim na nang tuluyan ang langit at naiwan ang malamig na hamog sa paligid. Sumigid ang ginaw sa aking balat na agad ding napawi dahil pagyakap niya sa bewang ko.


Napasinghap ako ng masuyo niya akong halik-halikan sa pisngi. "Ayaw na kitang pauwiin."


"Jordan, what are you saying?!" Gulat na itinulak ko siya pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.


Tulala ako sa kanya at lalo pang natulala nang muli siyang magsalita.


"Carlyn, I never stopped loving you."


JF


Kulitis' song credits:

Momay by Juan Thugs N' Harmony

Don't Touch My Birdie by Chito Miranda of Parokya ni Edgar

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 33.9K 34
Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula...
614K 22.7K 70
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
8.9M 183K 42
si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang...
46.2M 1.2M 62
Ruby Castillo, a rebellious college student, gets caught up in a mess that makes her cross paths with Kyo Montenegro, the mafia prince who fears ghos...