PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE...

By PsycheSpellCaster

1.1M 31.2K 5.7K

Totoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng ka... More

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE
PROLOGUE
CHAPTER 1: Chase
Chapter 2
CHAPTER 3: PLANONG PALPAK!
CHAPTER 4: Rason ng Pagbabalik
CHAPTER 5: TAKING ME OUT
CHAPTER 6: Friend's Conflict
CHAPTER 7: They Meet Again
CHAPTER 8: TIME TOGETHER
CHAPTER 9: KNOWING THE REAL STORY
CHAPTER 10:
CHAPTER 11: This I think would be the Last
CHAPTER 12: Skip Beat
CHAPTER 14: Getting Noticed
CHAPTER 15: Battle between Two Hearts
CHAPTER 16: Ways
CHAPTER 17: Hellard
Chapter 18: Nightmare
Author's Note
Chapter 19: What He Was
CHAPTER 20
Chapter 21: What He Feels
CHAPTER 22: A True Gentleman
CHAPTER 23: Calix and Tyrone
CHAPTER 24: Thoughts
CHAPTER 25: Truth Revealed
CHAPTER 26: The 5 Years Ago Incident
Chapter 27: His Whereabouts
Chapter 28:Found Him
Chapter 29: Text Messages
Chapter 30: Reminiscing Ava
Chapter 31: Four Men in One
CHAPTER 32: Hellard's Whereabouts
CHAPTER 33: Stella
Chapter 34: Out of the Island
Chapter 35: Ruthless Punishment
Chapter 36: Accidentally Meeting Her
Chapter 37: Testigo
Chapter 38: Add New Ones
Chapter 39: Identical
Chapter 40: Decisions Made
Chapter 41: Commencement Rites
Chapter 42: New York
Chapter 43: Miles Apart
Chapter 44: Regained Memories
ANNOUNCEMENT
Chapter 45: Hide and Seek
Chapter 46: Real Foe
Chapter 47: Patricia Chin
Chapter 48: Sudden Changes
Chapter 49: Unwanted Guest
Chapter 50: One Step Ahead
Chapter 51: Proposal
Chapter 52: Vacation Getaway
Chapter 53: Vacation Getaway (Part 2)
Chapter 54: Pagsuko
Chapter 55: Months Later...
Chapter 56: White Christmas
Chapter 57: Mascot
Chapter 58: Kidnapped
Chapter 59: Grief
Chapter 60.1: A Brilliant Disguise
Chapter 60.2: A Brilliant Disguise
Chapter 61.1: Makeover
Chapter 61.2: Makeover
Chapter 62: Bio-Data
Chapter 63: Batangas Shoot Part 1
CHAPTER 64: Batangas Shoot part 2
CHAPTER 65: BATANGAS SHOOT PART 3
CHAPTER 66: Reunited
CHAPTER 67: TRAP
Chapter 68: A Diversion Plan
CHAPTER 69: Unmasked
Chapter 70: Final Combat
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Invitation
Chapter 81
Chapter 82
Epilogue

CHAPTER 13: Trip to Tagaytay

12.6K 419 29
By PsycheSpellCaster

[SHANE]

"BESSY DALIAN MO NA!!!!!!!!!!!!" atat na tawag ni bessy sakin sa ibaba ng hagdan.

"Teka lang! Ito na!" sagot ko dito. Nagsusuot pa kasi ako ng sapatos kaya medyo matagal ako. Pupunta daw kasi kami ng Tagaytay ngayon. Kasama sina Eric, Ken, Cris, at Arkin.

1 week na ang lumipas simula ng huling pagkikita namin ni Hellard, everything went well after that. Focus na ako ulit sa studies ko at nakakabawi na rin ako sa mga absences ko sa school nung mga nakaraang week. Kakatapos lang ng second semester namin at vacation namin ngayon kaya ito, naisipan naming mag out of town.

Babalik na rin kasi si Arkin sa America para sa shoot ng bago nilang movie kaya baka last na namin tong makasama siya.

Bumaba na ako after kong matali ang sintas ng sapatos ko at nagpaalam na kaming dalawa ni bessy kay mommy.

"Mag-iingat kayo dun ha. Yung mga gamit niyo dala niyo ba?" tanong ni mommy bago kami umalis.

"Opo mommy. Dala po namin lahat at wala po kaming nakalimutan." sagot ko kay mommy.

"Okay sige." tsaka na kami humalik sa pisngi ni mommy at tumatakbong lumabas ng bahay.

"Ang tagal niyo naman. Tara na." naiinip na sabi ni Eric na naka-abang lang sa labas ng van.

"Pwede mag-sorry Eric?" sarkastikong sabi ni bessy sakanya.

"Sumakay na nga kayo!" sigaw naman ni Ken na nasa driver's seat.

Pumasok na kaming lahat sa loob ng van tsaka na umalis. Katabi ko ngayon si Arkin dito sa may unahan, si bessy at Cris naman nasa pangalawa at si Eric ang katabi ni Ken sa may driver's seat.

Kanya-kanya lang sila ng ginagawa habang nasa byahe, kami naman ni Arkin, nag-uusap lang.

"Babalik ka pa ba dito after ng shoot mo sa America?" tanong ko sakanya habang kinakain namin yung dala kong dorittos.

"Yeah, Ofcourse. Your here so I'll definetly comeback." nakangiting sagot ni Arkin sa tanong ko.

"Shane, about that guy who looks like Chase, are you still going to look for him?" natigilan ako bigla sa tanong ni Arkin at napa-isip.

Nagflashback ulit sakin ang sinabi ni Hell bago siya tuluyang umalis ng gabing yun.

"We have different lives, so live yours. I just hope that, this will be the last conversation we will have. Please, just stay away."

May epekto pa rin sakin yung sinabi niya pero di na ganon kasakit tulad nung gabing yun.

"Hindi na Arkin. I decided to move on. At nagising na ako sa katotohanang wala na talaga si Chase kaya, ititigil ko na." The moment I said that to him, parang napanatag siya bigla kasi naging payapa agad ang mukha niya.

Ngumiti kami sa isa't-isa tsaka niya sinabing ubusin na namin ang kinakain namin kaya kumain na lang kami ulit.

[TARA]

"Tara, okay na ba talaga si Shane?" tanong ni Cris sakin.

"Ok na nga siya. Wag kang mag-alala kay bessy, ok na talaga siya."

"Buti kung ganon. Plano ko sanang kumuha ng private investigator para pa-imbestigahan yung. . . .sino nga ulit yun?"

"Hellard." sagot ko sakanya na nakatingin lang sa labas ng bintana.

"Ahh, Hellard. Oo yun nga. Pero dahil sa okay na siya, hindi ko na lang itutuloy." sabi niya tsaka na tumahimik.

Masyado siyang nag-aalala kay bessy, kulang na lang isipin ko may gusto siya kay bessy eh.

Bigla ko namang naisipan na biruin siya kaya hinarap ko siya at tinanong, "May gusto ka kay bessy no?"

Tumingin din siya sakin sabay ngiti, "Pano kung meron?"

Literal akong napanganga dahil sa sagot niya, te-teka! Totoo ba?!!

* & * & * & * & * & *

[CRIS]

"SA WAKAS! NANDITO NA TAYO!!" Inunat ko ang mga kamay ko sabay langhap ng sariwang hangin.

"Grabe! Nakaka-relax talaga ang hangin dito sa Tagaytay, ang lamig." sabi ni Ken ng makalapit na ito sakin. Sabay-sabay na ring lumapit samin sina Arkin at tiningnan din ang tanawin sa ibaba.

"Cris." tinawag naman ako ni Eric tsaka may binulong sakin.

"Bakit parang badtrip yun si Tara? Inasar mo no?" tiningnan ko si Tara na binababa ang mga gamit sa loob ng kotse at nakasimangot. Napangiti ako bigla dahil sa sinabi ko sakanya kanina.

"Hindi ah. Tara na nga."

"Hindi daw, eh, ngingiti-ngiti ka dyan."

[SHANE]

"Bessy, okay ka lang?" tanong ko kay bessy na padabog na binababa ang mga gamit sa loob ng kotse.

Bakit kaya parang badtrip siya? Anong nangyari? May kinalaman ba si Cris?

"Okay lang ako bessy. Tulungan mo na lang ako sa mga . . . . . ."

"Ako na ang magdadala niyan Tara." hindi na natapos ni bessy ang sasabihin niya ng makalapit na samin si Cris at kinuha ang dala-dalang bag ni bessy.

Nakatingin ng masama sakanya si Tara samantalang si Cris, wala lang, ngumiti si Cris sakanya pero inirapan lang siya ni bessy tsaka ako hinila palayo sakanila.

"Teka, may problema ba?" tanong ko sakanya habang hila-hila ako papunta sa kung saan.

"Nakakainis lang kasi si Cris. Ewan ko ba dun! Biglang uminit dugo ko sa sinabi niya. Hayaan mo na nga lang yun."

Huh? Ano kaya yung sinabi ni Cris na kinainis niya?

[HELLARD]

"Seriously! Bakit dito? I thought sa beach?!"

"Ano ba Hell, crowded nga daw sa mga beaches ngayon, maganda din naman dito, next time na tayo magbeach." sagot ni Blood sakin tsaka inakbayan si Cassy.

Crap! Kaya ako sumama dito sa out of town plan nila para pumunta ng beach at magpalamig, kung alam ko lang na dito kami mapapadpad, edi sana sumama na lang ako kay mom sa New Zealand.

"Ewan ko sayo Blood! I'm going home!" naiinis na sigaw ko sakanya tsaka na sana aalis pero bigla niyang ibinigay sakin ang aso ni Cassy.

"Bro! Pabantay muna ng puppy ni Cassy, magpi-picture picture lang kami." nakangising sabi nito sakin at bago pa man ako makasagot eh tumakbo na yung dalawa.

Damn! Ayaw lang nila akong umalis eh! Humanda sakin ang dalawang yun!

As I was cussing because of what they did bigla namang tumahol yung aso ni Cassy kaya tiningnan ko kung ano ang tinatahulan nito, pagtingin ko, pusa lang pala.

"Hey! Shut up!" sabi ko sa aso pero hindi naman ako naiintindihan nito kaya tahol lang ng tahol. Nakakainis! Ang ingay niya sobra!

"Aww awww!!!" nabigla ako ng bigla siyang tumalon sa mga kamay ko at hinabol yung puting pusa.

"Hey!! GET BACK HERE!!"

[DALE]

"DALE! NAHANAP MO NA BA?!" sigaw ni Cathy habang nililibot namin itong park.

"HINDI PA!" sagot ko dito tsaka nagpatuloy sa paghahanap sa pusa niya.

Saan ba kasi nagsuot yun? Kanina lang katabi ko yun sa upuan tapos napalingon lang ako saglit nawala na. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, tinalian ko na lang sana sa leeg ang pusang yun tapos tinali sa upuan para di nawawala ngayon.

Bakit kasi dinala pa ng kapatid ko yung pusa, di naman pala niya kayang alagaan.

Napabuntong-hininga na lang ako tsaka na pinagpatuloy ang paghahanap.

[SHANE]

Wala pa rin ata sa mood itong si bessy habang inaayos namin ang mga baon naming pagkain sa isa sa mga cottage dito sa park. Nakasimangot pa rin kasi at hindi iniimik si Cris.

"Are they okay?" nag-aalalang tanong ni Arkin sakin habang tinutulungan ako sa paglabas ng mga snacks sa basket.

"I don't know. Walang sinasabi sakin si bessy eh."

"Then ask Cris instead." Tinigil ko ang ginagawa ko at tiningnan siya, tumango-tango naman siya sakin tsaka tinuro si Cris na abala sa paga-assemble nung ihawan.

"Okay."

So ayun, pinuntahan ko si Cris at nag-excuse muna kami kay Eric at Ken at nag-usap di kalayuan sa cottage namin.

"Ano bang nangyari ha?" bungad na tanong ko sakanya.

"Wala naman. Binibiro ko lang naman siya Shane, naniwala naman. Ewan ko ba dyan sa bestfriend mo, masyadong sensitive?" ani niya sabay tawa.

Baliw talaga to, mukhang trip pagtripan si bessy.

"Magsorry ka na nga lang, ang hirap kayang gumalaw kapag may nag-aaway sa mga kaibigan mo." tugon ko sakanya para matapos na to, kanina naman kasi okay sila tapos ngayon bigla na lang di na nag-uusap.

"Oo na! Mamaya, magso-sorry na ako." promise niya sakin tsaka na bumalik sa ginagawa nila.

Ako naman, nanatili pa ring nakatayo dun at tinitingnan lang sila. Nung tinatawag na ako ni Arkin tsaka lang ako naglakad papunta sa cottage pero bigla na lang may tumalon na pusa sakin kaya nagulat ako at napasigaw.

"AAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" agad na lumapit sakin sina Arkin at napayakap ako sakanya bigla dahil sa takot.

"SHANE!! SHANE!! IT'S OKAY! IT WAS JUST A CAT!" pagpapalubag sa loob ko ni Arkin habang hinahaplos ang likod ko.

Takot kasi ako sa pusa, mas gusto ko pa ang mga aso kesa sakanila. Ilang beses na kasi akong nakalmot ng pusa nung bata pa lang ako kaya nagkaroon ako ng phobia sakanila. O.A. man ang reaksyon ko pero kayo kaya ang talunan ng pusa, di kayo mabibigla?

"Bessy, wala na yung pusa, okay lang yan." sabi naman ni bessy na halatang nag-aalala din sakin.

"HOY!!!! YUNG PAGKAIN NATIN!!!!!" nabaling ang tingin namin kay Eric na nakaturo sa cottage, pagtingin namin dito ay kinuha na pala ng puting pusa na tumalon sakin yung isda sa table.

Agad kaming napatakbo papunta sa cottage para sana kunin yung isang malaking isda na kinuha ng pusa pero agad itong nakatakbo palayo sa cottage namin.

"Habulin niyo!!! Mapapatay ko yang pusang yan!!!" galit na sigaw ni Ken habang may dala-dalang pamalo at hinahabol ang pusa.

Isa-isa kaming sumunod sakanya para lang mahuli yung pusa.

Eh pano ba naman, isang malaking isda yung kinuha niya, yun sana yung iihawin namin pero kinuha nung pusa.

"BUMALIK KA DITO PUSA KA!!!" rinig ko pang sigaw ni Ken bago siya mawala sa paningin ko.

Napansin ko naman na ako na lang mag-isa at mukhang nagkahiwa-hiwalay ata kaming apat nila Arkin, bessy at Ken.

Nang mapansin ko yung pusa na kumuha sa isda namin ay agad ko itong sinundan at hinabol, natural mabilis itong tumakbo dahil pusa nga naman ito.

Nasa likuran lang ako nito at malapit na ako sakanya ng bigla namang may lumusot na aso sa may paanan ko at mukhang yung pusa din ang hinahabol nito. Aba! Marami ata ang atraso ng pusang ito at maraming naghahabol.

Ayoko talaga sa pusa!

Nang lumiko ang pusa sa kanan ay sumunod naman ako dito at biglang napatigil dahil may taong nakaharang sa harapan ko, buti na lang at nagawa ko pang tumigil dahil kung hindi nagkabungguan na kami.

Naghahabol ako ng hiningang tumigil sa harap nito at napahawak sa tuhod ko sa sobrang pagod, grabe naman kasi yung pusa! Pinatakbo ako ng sobrang layo.

"Cavee, saan mo to kinuha ha?!" rinig kong sabi ng lalaki sa harapan ko kaya napatingin ako dito at sa pusang nasa paanan niya at kagat-kagat pa rin ang isda namin.

"Aha! Ikaw pala ang may-ari nang pusang yan! Hindi mo ba yan tinuturuan ng . . . . . ." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mamukhaan ko ang lalaking nasa harapan ko.

"Dale?" banggit ko sa pangalan niya. Kung di kasi ako nagkakamali, siya yung lalaki sa shop.

"You? Yeah you. . . . Wow, love really moves in mysterious ways." napakunot ang noo ko sa sinabi niya, ano ang ibig niyang sabihin sa love really moves in mysterious ways?

"Never mind." nakangiting sabi nito sakin tsaka naupo at kinuha ang isda sa bibig ng pusa niya.

"Bad Cavee! Wag mo na tong uulitin!" panenermon niya sa pusa niya tsaka binalik ang tingin sakin.

"Sorry miss at sa ganitong pagkakataon pa tayo pinagtagpo ulit. Nakakahiya, sorry sa ginawa ng pusa namin sayo." hingi niya ng paumanhin kaya medyo hindi na rin ako galit sa pusa.

"Awww! Awww!! Awww!!" napatalon ako bigla sa gulat ng biglang tumahol yung aso na humahabol din dun sa pusa, di ko napansin na nasa may paanan ko lang pala ito, sobrang liit niya kasi at sobrang cute.

"DAMN! THERE YOU ARE!"

Pumintig ang tenga ko dahil sa boses ng lalaking narinig ko mula sa likuran ko, hindi ako pwedeng magkamali na sakanya ang boses na yun. Pero imposible naman na nandito din siya sa Tagaytay. . . .

"Pinahirapan mo ako sa paghahanap sayo aso ka! Dahil dyan paparu. . . . . ." agad siyang napatigil ng lumingon ako, parehong gulat na gulat ang mukha namin sa mga sandaling ito at hindi kami gumalaw sa kinatatayuan namin.

Hindi nga ako nagkamali, ang pagskip ng beat ng puso ko, ang boses niya na sobrang pamilyar, ang amoy niyang alalang-alala ko pa rin at ang mga mata niyang mapupungay at matalim kung makatingin.

Diyos ko, bakit?

"Hellard?"

* & * & * & * & * & * & *

Bibitinin ko muna kayo, next update ko po ay sa saturday na. Thank you dear readers. :)

Continue Reading

You'll Also Like

409K 5.5K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
205K 1.7K 28
Pano kung one day malaman mong kasal ka na pala? How would you deal with a stranger whom you'll be calling your "husband"?
69.6K 4.1K 17
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.