Bachelor Wifey (Rewritten)

By JuanCaloyAC

1.7M 38.7K 8.5K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 2 of Bachelor Series Read at your own risk. A dying wish. P... More

Welcome Hindots!
Suarez Second Gen Timeline
#BWPrologue
#BWChapter1
#BWChapter2
#BWChapter3
#BWChapter4
#BWChapter5
#BWChapter6
#BWChapter7
#BWChapter8
#BWChapter9
#BWChapter10
#BWChapter12
#BWChapter13
#BWChapter14
#BWChapter15
#BWChapter16
#BWChapter17
#BWChapter18
#BWChapter19
#BWChapter20
#BWChapter21
#BWChapter22
#BWChapter23
#BWChapter24
#BWChapter25
#BWChapter26
#BWChapter27
#BWChapter28
#BWChapter29
#BWChapter30
#BWEpilogue
#BWBonusChapter
This is Me. Thank you, next!

#BWChapter11

48.7K 1K 211
By JuanCaloyAC

Elias anak, gusto kong makita ang apo ko kay Lucia.

Napatulala lang ako sa message ni nanay. Ah, talaga ba 'nay? Biglang namula ang pisngi ko dahil sa nabasa ko. Naputol naman ako sa pagkatulala ng agawin na ni Ginoong Elias ang phone niya.

"So, brace your pinkish pussy, Lucia dahil may batang isisilang matapos ang siyam na buwan." Sambit niya.

Hindi ako makapaniwala na kinausap talaga siya ni nanay para sa pagbubuntis ko. Ano ba 'tong gulong pinasok ko?! Dapat pekeng marriage certificate at imbentong asawa lang 'to na hindi nag-e-exist pero lahat ay naging totoo! Ngayon ay nag-e-expect na si nanay ng anak namin ni Ginoong Elias.

Tinignan ko naman siya nang masama. "Kaya ba ayaw mong makipagtulungan sa annulment?"

Nagkibit-balikat naman siya sabay tuon ng tingin sa daan para magmaneho. "It's not that I don't want to cooperate with you, Lucia, but you've heard the options that Tres presented. Ang hirap isipan ng grounds ang annulment na gusto mo."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Gusto ko? Ako lang?"

Tinignan naman niya ako saglit sabay kindat. "Am I the one pressing for the annulment?"

Nag-isang linya ang labi ko dahil nagpipigil na ako ng inis. "Akala ko ba nagpa-plano ka na ng kasal?"

Tumango naman siya habang nakatingin sa daan. "Oo nga. I was preparing for my wedding, but all of a sudden, I was married, so it had already happened, Lucia. Thank you for bringing my plan to reality."

Mabilis ko naman siyang sinuntok sa braso niya. Sorry po, Lord. Alam ko pong mali pero ubos na ang pasensya ko sa lalakeng ito. "Hindi ako ang babaeng papakasalan mo, Ginoong Elias."

"Who says?" Sagot niya sabay tingin sa akin na nakataas ang kilay.

Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Sa girlfriend mo."

Ngumisi naman siya. "Sino'ng girlfriend ko? Ikaw? Ay, asawa nga pala kita."

"May girlfriend ka." Madiin kong sagot sa kanya. "Iyong duktora, iyong picture sa wallet mo."

Kita ko ang pagbilog ng bibig niya. "Oh, nakita mo iyong pciture?"

See? Napangisi ako sa kanya. "Cheater."

Tumango-tango naman siya sabay kuha ng wallet niya sa bulsa ng pants niya sabay abot nito sa akin. "I'm sorry, Lucia; I didn't intend for you to see it. Pwedeng pakikuha ng picture?"

Tinignan ko naman ang wallet niya bago ito kunin. Bakit naman niya ipapakuha ang picture ng jowa niya? Para ano? Masaktan ako? Charot!

Binuksan ko na ang wallet niya at tumigil ang mundo ko sa nakikita ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napakurap pa ang mga mata ko sabay tingin sa kanya. "B-bakit nandito ang picture ko noong bata pa ako?"

Kita ko ang pagpipigil niya ng tawa. "So, duktor ka na pala ngayon Dra. Lucia Villavicencio?"

Agad ko namang hinampas sa kanya ang wallet niya. "Paano mo 'to nakuha?! Noong nakaraan ay ibang picture ang nakalagay dito!"

Tumawa na siya na napasandal pa sa upuan niya dahil saktong naka-stop ang traffic light niya. Hawak-hawak pa niya ang tiyan niya. "In fairness ha, effective ang picture mo sa wallet ko kasi everytime na bubuksan ko ang wallet ko para gumastos, naaalala ko na walang pera ang asawa ko sa better spend it sa mga importanteng bagay."

"E 'di ikaw na ang anak ng mayaman!" Sagot ko sa kanya sabay bato sa kanya ng wallet niya. "Isaksak mo sa baga mo 'yang picture ko." Iyon pa naman ang picture ko noong field trip namin na kuha sa harap ng simbahan.

Natahimik na lang ako hanggang sa iparada na ni Ginoong Elias ang kotse. Bigla kong naalala ang usapan nila ni nanay. Ito na ba ang katapusan ko?! Wala namang masama na magdala ng bata sa mundong ito pero...sa maling lalaki siya manggagaling.

Rinig kong bumaba na si Ginoong Elias ng kotse dahil tulala pa rin ako kakaisip sa posibleng pagdadalang-tao ko. Never kong naisip na makikipagtalik ako. Hindi ko kayang isipin na makikita ni Ginoong Elias ang hubad kong katawan, at ayoko ring makita ang hubad niyang katawan.

Umikot siya papunta sa side ko at binuksan ang pintuan sa side ko. "Bumaba ka na d'yan. Unless, dito sa kotse mo gustong buuin ang first baby natin."

Tinignan ko siya nang masama. Nagiging masama na ako dahil sa lalakeng 'to! Tinanggal ko na ang seatbelt at bumaba sa sasakyan. Napansin ko naman na hindi niya ako sa condo dinala kundi sa...

...sa family reunion namin!

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Ginoong Elias kaya napatingin ako sa kanya. "Masyado ka kasing nag-o-overthink lagi na akala mo ay may gagawin akong masama sa'yo."

"S-sorry..." Sagot ko naman. "Ang tino mo rin kasing kausap."

"Lucia!" Sigaw sa akin ng ate ko kaay napalingon ako sa kaya. "Andito na pala kayo ng asawa mo."

Hindi, ate, aparisyon lang kami ni Ginoong Elias.

Napatingin naman ako sa mga bisita. Jusko. Nakatingin ang lahat ng kamag-anak ko kay Ginoong Elias. Hindi pwede! Hindi maaari! Hindi siya pwedeng makilala ng angkan ko dahil hindi naman talaga kami! Hindi kami totoong mag-asawa! Babalik ako sa kumbento! 

Lord, ang hirap ng iwasan nitong pagiging mag-asawa namin. Habang tumatagal ay mas nagiging kumplikado! Mahihirapan na akong kumawala sa pagiging mag-asawa namin ni Ginoong Elias.

"Hello, ate..." Bati ni Ginoong Elias sa ate ko sabay kaway pa niya.

Wow, ha! Kung maka-ate kala mo belong siya sa family namin! Sabagay, si Atty. Tres nga ay in-law talaga ang turing sa akin. 

Natawa naman si ate sa kanya. "Naku, ke-gwapo naman pala nitong napangasawa mo, Lucia. Os'ya, ipakilala mo na siya sa mga kamag-anak natin dahil iba ang saya nila ng malamang may asawa ka na."

Ah, talaga ba ate?

Tinignan ko naman si Ginoong Elias na nakangisi sa akin. Masayang-masaya pa talaga siya na ipapakilala ko siya. Bakit ko siya ipapakilala kung mawawala rin naman siya sa buhay ko?!

Bwisit! Bwisit na sitwasyon na ito! Wala na akong no choice kundi ipakilala siya. Naglakad na kaming dalawa papasok sa malaking bakuran ng bahay ni ate kung saan nagtitipon-tipon ang mga kamag-anak namin.

Kita ko ang mga ngiti sa mukha nila na tila masaya silang nalaman na may asawa na ako...kahit na ang totoo ay aksidente lang ang lahat. Atty. Tres, ikaw talaga ang puno't dulo nitong gulo sa buhay ko!

Sila masaya, ako ewan.

Pero hindi ko pwedeng sirain ang moment na 'to dahil nakangiti rin si nanay sa akin habang naka-upo sa wheelchair niya. Sinubukan kong ngumiti kahit gulong-gulo na ang utak ko sa kung saan kami dadalhin nitong pagpapanggap na ito.

"Ahmmm...ano," Nauutal pa ako. Hindi ko siya kayang ipakilala. Kasi, kapag na-proseso ang annulment namin ay tapos na ang lahat ng ito. "Ahmm, si ano---"

"I'm Elias Villavicencio." Pagsingit ni Ginoong Elias sa pagsasalita ko sabay hawak niya sa kamay ko. "Ako po ang asawa ni Lucia. It's my pleasure to meet you all. Sana matanggap niyo po ako bilang in-law niyo." 

Nagpalakpakan lahat ng kamag-anak ko sa tuwa, habang ang iba ay sumigaw pa na tanggap na tanggap nila si Ginoong Elias, pero hindi ko 'yon pinansin dahil mas malakas ang tibok ng puso ko. Nakatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Kamay lang hawak niya pero pakiramdam ko ay buong pagkatao ko na ang hawak niya.

Baliktad ata ang nangyayari. Parang hindi ko naman napaamo ang lalakeng ito, parang ako pa ang sinasapian niya.

"Halina kayo at kumain na kayo." Sambit pa ng isa kong kamag-anak kaya naputol ako sa iniisip ko.

Magkahawak-kamay kami ni Ginoong Elias na tinungo ang lamesa. Magkatabi rin kaming naupo. Masyadong natuwa ang mga kamag-anak ko kay Ginoong Elias kaya panay ang tanong nila sa kanya, habang ako ay nakikinig lang.

"Saan ka ba nagta-trabaho, hijo?" Tanong ng isa kong kamag-anak.

"Well, actually I was a seaman." Alangang sagot ni Ginoong Elias dahil iyon ang pinalabas kong trabaho niya kay nanay. Tinignan muna ako ni Ginoong Elias bago siya nagpatuloy. "But, I am now the Chief Financial Officer of Suarez-Villavicencio Enterprise---our family business. I'm responsible for overseeing the financial activities of our company."

"Wow, ang bigatin pala ng napang-asawa ni Lucia. Mukhang kaya mong buhayin si Lucia at ang magiging mga anak niyo." Komento pa ng isa kong kamag-anak.

Mga talaga? Ah, talaga ba?

"Paano ba kayo nagkakilala, e, nasa kumbento 'tong si Lucia?" Tanong pa ng isa kong Marites na kamag-anak.

Nanlaki ang mga mata ko dahil mahuhuli kaming dalawa na aksidente lang ang lahat ng ito! Hindi pa namin napag-planuhan ito ni Ginoong Elias. Pero, hinawakan ni Ginoong Elias ang kamay ko para pakalmahin ako.

"We actually met during our youth days," Pag-uumpisa ni Ginoong Elias. Ano raw? "Ironically, sa simbahan din ang unang pagkikita namin. Pero, walang chance na magkausap kami due to some reasons. Years after that, nag-krus ang landas namin—madre na siya at ako ay isang CFO. Nabighani ako kay Lucia dahil hindi pa rin lumilipas ang ganda niya. Alam kong karibal ko ang D'yos pero naniniwala ako na when two people are destined to each other, the love will come to you in the right place and in the right time. At binigay 'yon ng D'yos sa amin." Sabay dala ni Ginoong Elias ng kamay ko sa labi niya.

Woah! Ang galing niyang gumawa ng kwento. Maski ako ay maniniwala na sana. Ilang babae na kaya ang nauto nito? Buti na lang ay 'di niya ako mauuto!

Kita ko naman na kinilig ang mga kamag-anak ko sa ginawang paghalik ni Ginoong Elias sa kamay ko. Ewan, nasasanay na lang din ako sa pagiging touchy niya sa akin. Hindi ko naman siya pwedeng sitahin sa ginawa niya dahil mag-asawa nga pala kami sa paningin nila.

"Wow, that so romantic..." Bulalas ni ate.

Ah, talaga ba ate? Baka Romantic Baboy.

"Kailan na ba kayo magkaka-baby? Excited na kami sa magiging anak niyo." Tanong pa ng isa kong kamag-anak.

Bakit ba nila ako gustong mabuntis! Walang mabubuntis! Babalik ako sa kumbento!

Tinignan naman ako ni Ginoong Elias sabay ayos niya sa buhok ko sa likod ng tenga ko bago muling sagutin ang kamag-anak ko. "Hindi po porke't nag-asawa ang dalawang tao ay anak na ang kasunod. Having a baby is a huge reponsibility. Dapat ay handa ka financially, emotionally, mentally at physically. Kaya naman namin gumawa ng baby pero if may isang aspetong hindi pa kami handa sa mga binanggit ko, kailangan pa namin ng oras para sa pagpa-plano ng anak. And besides, if desisyon ni Lucia na h'wag muna magka-baby, then so be it. It's her body pa rin in the first place. Dahil at the end of the day, siya pa rin ang first baby ko." Sabay kindat sa akin ni Ginoong Elias.

Mas lalong kinilig ang mga kamag-anak ko sa mga sinabi ni Ginoong Elias. Tila gustong-gusto na nila si Ginoong Elias kahit saglit pa lang nilang nakikilala ito. Ano ba kasi ang hindi kagusto-gusto sa lalakeng ito?

Kung 'di lang kumplikado ang sitwasyon namin ni Ginoong Elias ay maniniwala ako sa mga sinasabi niya. Ang galing niya sa pakikipag-talastasan. Well, kung single lang talaga siya, baka nga nahulog na ako sa matatamis niyang salita. Pero, hindi siya single kaya masasaktan lang ako.

Nagpatuloy pa ang family reunion namin. Napahiwalay ako kay Ginoong Elias dahil kasama niya ang mga tito't bayaw ko na nag-iinom. Ako naman ay nasa videokehan. Tas pinakanta nila ako, wala naman akong choice dahil choir ako sa simbahan.

Ano ba 'tong kantang 'to?!

'Di na maalala, pa'no nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw
Laging ikaw ang aking nakikita
Ano ba ang nadarama ko
T'wing ikaw ay kasama

Tas napatingin ako kay Ginoong Elias dahil dama ko ang mga titig niya sa akin kahit medyo magkalayo kami. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin. Inirapan ko naman siya dahil hindi para sa kanya ang kantang ito.

Ganyan din ang nadarama ko

Tuwing ika'y lalapit sa akin
Ako'y parang natutulala
'Di ko malaman ang sasabihin ko

Ano ba 'tong puso ko, ang bilis ng tibok. Lagi na lang bang ganito?! Simula n'ong makilala ko siya lagi na lang magulo ang tibok ng puso ko. Bumibilis din kaya ang tibok ng puso niya kapag magkasama kami? Naguguluhan sa mga nangyayari sa amin? Ayoko ng alamin, kasi hindi ko na dapat pang malaman pa.

Pag-ibig nga kaya
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula
'Di na mapipigilan
Pag-ibig nga ito
Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito
Pag-ibig nga kaya ito
(Pag-ibig nga kaya ito)
Hooh... 'pagkat nararamdaman
Pag-ibig ating natagpuan

Pag-ibig na nga kaya ito? H'wag naman sana...

Natapos ang family reunion namin kaya bumalik na kami ni Ginoong Elias sa bahay. Medyo lasing siya pero buti na lang ay safe pa rin siyang nakapag-maneho. Bagsak agad siya sa kama sa sobrang antok at pagod. Hindi na niya nagawang maligo pa. Wala naman akong choice kundi tanggalin ang mga suot niya pero iniwan kong naka-boxer shorts siya dahil kinakabahan akong makita ang ari niya.

Kumuha ako ng maliit na planggana na may tubig para punasan ang mukha't katawan niya. Ang gwapo niya talaga. At ngayon ko lang napansin ang mga abs niya. Anim ang abs niya. Halatang alaga niya ang katawan niya. Medyo may tent nga lang sa boxer shorts niya kasi semi-erect siya. Hinayaan ko na lang.

Ililigpit ko na sana ang planggana nang matapos ko siyang linisin nang magsalita siya.

"Paula..."

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
1.5M 37K 34
La Croix Brothers' Series #3 Pollux La Croix R18 (Mature-Content)
16.2K 484 45
nagTatraBaho si Shenshen sa Wang Medical Hospital isang chinise hospital sa pinas sa hndi sinasadyang pag kakataoN ang boss nyang si dr, wang ang nag...