Smiles of Death

By StupidWeirdo

6.2K 2.1K 364

Kwento ito ng magkakaibigang tumakas mula sa isang black organization na tinatawag na Pantalleon Core. Sa pag... More

Hello
CHAPTER 1: Collon
CHAPTER 2: The Escape
CHAPTER 3: Feel so Alone
CHAPTER 4: Two Years
Character Profile
CHAPTER 5: Enigmatic
CHAPTER 6: Smiles
CHAPTER 7: Start of the Hunt
CHAPTER 8: Ghost
CHAPTER 9: His Lair
CHAPTER 10: Brother
CHAPTER 11: Chopped
CHAPTER 12: Junior Detective
CHAPTER 13: Getting Out
CHAPTER 14: Utang na Loob
CHAPTER 15: Good Times
CHAPTER 16: What's Between Them?
CHAPTER 17: Elusive
CHAPTER 19: Play Toys
CHAPTER 20: Freaks!
CHAPTER 21: A Long Weekend
CHAPTER 22: Special Day
CHAPTER 23: Involvements
CHAPTER 24: Karayom
CHAPTER 25: Missing
Character Profile II
CHAPTER 26: Next
CHAPTER 27: Demonic Eyes
CHAPTER 28: Wayward Guy
CHAPTER 29: One Shot
CHAPTER 30: Empty
Hang in There

CHAPTER 18: One on One

156 66 13
By StupidWeirdo

CHAPTER 18: ONE ON ONE

*

*

"The hell is that?" bulalas ni Neil pagkalingon sa kadarating sa bench area ng basketball court na si Fi. Ang tinutukoy nito ay ang suot nitong knitted Mohawk beanie.

"May nagconfess sa kanya kanina tapos ibinigay sa kanya ito as gift." Sagot ng classmate nitong si Greth. "Nakita ko pa yung babaeng kino-crochet ito last week."

Ngumiwi lalo si Neil. "Sure kang hindi ka pinagtitripan ng babae?"

"Sure, nagcrochet siya ng ganito para lang pagtripan ako." Tanggal ni Fi sa suot nitong polo kaya nakasando na lang. "I like it."

"Of course you do," untag ni Neil. Napamaang siya nang dumiretso lang ito papasok sa court na suot pa rin ang makulay na beanie.

"Lika na," tawag lang ni Fi sabay salo sa bolang ipinasa ng naabutang schoolmate na naglalaro kanina pa.

Tinapos na nga ni Neil ang pagtatali sa sintas ng sapatos niya. Papasok na rin sana siya sa court nang makasalubong ang grupo ng section F. "Yow?" kunot-noo niya nang makita si Xiphoid na nakasunod sa mga ito.

"Ano?" salita ng lalaki.

"Maglalaro ka?"

"May problema ka do'n?"

"Naglalaro ka ng friendly games?"

"Tatalunin ko kayo ni Fi."

"Huwag ako, wala akong balak kalabanin ka."

"Same here," sagot rin ni Fi. "Kung ano man team niya, do'n ako." Turo pa nito kay Xiphoid.

"Pati ako," tuloy pa ni Neil.

"Cowards," usal ni Xiphoid habang nagtatanggal ng jacket.

...

"Fi!"

Ipinasa nga ni Fi ang bola sa direksyon ni Tommy. Pero bago pa nito masalo ang bola ay biglang lumitaw si Xiphoid sa tapat nito at kinuha ang bola. Agad na indinribble ni Xiphoid ang bola paiwas sa kalabang parating.

May pasalubong sa kanyang dalawang kalaban kaya tumigil siya at pinalipad ang bola. Pasok ito sa basket.

"Alam mong team mate mo ako, di ba?" kausap ni Tommy kay Xiphoid.

Hindi ito pinansin ni Xiphoid.

"Grabe ka naman, tol. Team tayo dito." Puna ng isa pang team mate nilang si Anton.

"Hindi ko kayo kailangan."

Napapikit na si Fi. Naiintindihan niya kung magagalit man lahat ng mga kalaro nila kay Xiphoid. Pero lumapit pa rin siya sa mga ito para ipacify ang tension.

"Ano ba'ng problema mo? Sinusubukan lang naman naming makipagkaibigan kaya ka namin inimbitang maglaro. Kung ayaw mo, edi sinabi mo sana." salita ng isa pang kalaro nila na si Jau.

"Sinabi ko namang ayaw ko kanina, di ba? Namilit kayo. Ito ang premyo niyo sa pang-iistorbo sa akin."

"Oh, tama na, tama na, magsasabunutan na kayo." Pagitna ni Fi. "Psy, Magbench muna tayo, sila muna maglalaro."

Iwinasiwas ni Xiphoid ang kamay ni Fi na humawak sa braso nito. "Ang sabi ko, tatalunin ko kayo."

"Wala ng gustong makipaglaro sayo, umalis ka na," taboy ni Tommy

"Kayo laban sa akin," matapang na hamon ni Xiphoid sa kanila.

"Oi," mutmot ni Fi.

"Tsk, ang yabang!" inis na salita na rin ni Billy na taga-kabilang team. "Alam mo bang inimbitahan ka lang namin kase nagmumukha kang kawawa?"

"Kaya nga nilalampaso ko kayo ngayon, di ba? Para maipangalandakan kung sino ang totoong kawawa."

"Tama na, Psy." Pasok na rin ni Neil mula sa bench area.

"Kayong dalawa, tigilan niyo nga ang pag-aastang mga yaya ko. Pathetic!"

Nagsalubong ang mga mata nina Fi at Neil.

Kapagkuwan ay bumuga ng hangin si Neil. "Guys, pwede bang hayaan niyo muna kaming bigyan siya ng leksyon?

Pauyam na nag-huh si Xiphoid. "Bring it on."

"Kung sino ang unang makaka-five points ang panalo. Kapag nanalo ka, hindi ka na namin iistorbuhin kahit kailan at hindi na pakikialaman. Pero kapag nanalo kami, luluhod ka at magsosorry sa akin, kay Fi, at sa lahat ng ibang andito."

"Sure." Mayabang na sagot nito.

"Ano'ng oras na?" tanong ni Fi sa mga nasa bench

"12:53."

"Ah, sakto lang para tapusin 'to."

"Humanda kayong tumakbo. Padala yung polo ko." Bulong ni Neil sa nakasalubong na si Anton na palabas ng court.

"Ikaw ang nagdala nito sa sarili mo, Psy, ah." Pagsasabi ni Fi habang dinidribble ang basketball.

Ngumisi lang si Xiphoid sabay handa sa sarili.

Nasa kaliwa ng court si Fi habang si Neil naman ay nasa kanan. Sa harap nila ay si Xiphoid. Sa likod ni Xiphoid ay ang basketball ring.

Pinatalbog ni Fi ang bola papunta kay Neil. Walang hirap naman itong nasalo ni Neil. Gaya nga ng inaasahan ay nanatili lang sa porma nito si Psy pero ang mata nito ay sa bola. Umabante ito nang idrinibble ni Neil ang bola palapit sa ring.

Biglang tumakbo palapit sa ring si Fi. Tapos itinapon dito ni Neil ang bola.

Maagap na gumalaw ang mga paa at kamay ni Xiphoid upang unahan si Fi na saluhin ang bola. Nang makuha nga ng mga kamay nito ang bola, agad nakapaharap sa daan niya si Fi at ginalaw-galaw ang palad sa may view nito upang hindi makita nang maayos ang ring. Lumapit na rin Neil sa dalawa.

Kaya naman tumalon na ito at agad na pinalipad ang bola.

Ito ang sinamantala ni Neil upang hawakan ang magkabilang gilid ng PE uniform pants nito at hinila pababa.

Sa paglantad ng itim na briefs ni Xiphoid ay ang automatic na pagkaripas ng takbo nina Fi at Neil palabas ng basketball court. Nagsiunahan na rin ang ibang nanonood patakas sa lugar habang nagtatawanan.

*

*

*

Neil's POV:

Bzt, bzt.

"Sugar, vinegar, honey, stock cubes, check..." salita ni Violet habang tumitingin sa listahan tapos sa shopping cart. "Cooking oil, butter..."

"Check," sagot ko habang hinahalungkat ang cart.

Bzt, bzt.

"Ano'ng herbs and spices ang anjan?" tanong niya

"Uhhhh, oregano, basil..."

Bzt, bzt.

Napaungol na ako at tinignan ang phone ko. At isa nanamang message notification galing kay Fi.

"Hoy, online ka na dali, kailangan namin ng backup!" basa ko sa message. Gago, alam nitong may ginagawa ako eh. Typed, tigilan mo ako, nasa date ako!

Kabubulsa ko pa lang ng phone nang muli nanaman itong magring.

Fool-Idiot: Ang baduy mong makipagdate, sa supermarket mo dinala GF mo.

Hindi ko na ito sinagot at itinulak ang cart pasunod kay Violet.

Ano'ng baduy dito? Makapagreklamo ang kumag, para rin naman sa kanya itong mga pinupurchase namin. Hindi siguro romantic pero at least magkasama pa rin kami ngayon. Ang sarap rin kayang malayo sa iba at masolo si V kahit ilang oras lang. Malaya ko siyang pinagmamasdan na walang mata ng girls o ni Fi na nang-aasar sa akin.

"V,"

"Oh?" binaba niya ang bote ng yogurt sa maliit na basket na nakasabit sa likod ng cart saka ako tinignan.

"Skating tayo mamaya. Pagkatapos natin dito."

"T-tayong dalawa lang?"

"Yeah."

"Dala- dala ang mga ito?"

"May baggage booth naman sa arena."

Fi, baduy my ass! Taste this!

"Sana pinaalam mo muna para nagskating muna tayo bago tayo pumunta dito."

Eh ngayon lang rin pumasok sa kokote kong magligalig. "Pwede naman nating iwan muna 'to tapos balik na lang uli tayo mamaya."

Napatingin siya sa cart. Nang tinignan ko rin ang cart ay saka ko lang narealize na puno na ito. Huh, ibabalik namin 'to isa-isa?

"Pwede namang ipagilid natin tapos tahimik na lumabas," bulong ko sa kanya.

"You're mean!" atungal niya sa akin.

Sasabihin ko na sana siyang sige, bayaran na lang at bubuhatin namin pero tinapik-tapik niya ang likod ko. "Itago mo ng maayos, hah? Hihintayin kita sa labas." Bulong niya tapos pasimple akong iniwan.

Hindi lang ako ang mean dito!

*

*

*

Karma's POV:

"Huh-tse-huh-yeh!"

"Huh-tse-huh-yeh!" sigaw uli ni Scent.

Muli nanamang siyang nag-roundhouse kick tapos nagjumping back kick saka muling nag-roundhouse kick. All the way through ay sinasabayan ng kihap niya.

Whoa, nawala lahat ang hint ng nakakainis na kalandian niya at napalitan ng kamangha-manghang aura. He just looked so cool!

Pasalag sa opponent ay nagjumping front kick siya at mabilis na sinundan ng double roundhouse kick. Noon na bumagsak ang naka-blue vest.

Doon nagtaas ng kamay ang referee at inindika si Scent bilang panalo. Noon rin pumalakpak ang katabi kong si Violet. Hindi ko mapigilang mapangiti. Yun nga lang ay nang marinig ko ang palakpak ng mga nakateakwondo uniforms sa kabilang dulo ng studio ay mabilis kong ininormal ang mukha ko. May isa pa sa kanila na tila kilig na kilig habang ngiting-ngiting pumapalakpak.

Matapos ang bowing at umalis ng mat ang dalawang fighters ay noon nagtanggal ng helmet si Scent. Ito ang pinaka-unang pagkakataon na nakita kong basa ng pawis ang buhok nito. Bakit ata mas prefer kong ganito ang itsura nito kaysa sa prim ang proper?

"Ang cool mo talaga, kuya!" lapit dito ng kinikilig na babae.

"Thanks, do well too." Nakangiting sagot ni Scent saka ito nilagpasan para puntahan ang sahig kung saan ay nakapile ang mga bag. Ilang sandali itong humukay saka niya nakuha ang kanyang bag. Nilabas niya mula doon ang towel niya. Kakasquat niya habang nagpupunas ng mukha nang sa wakas ay nakita niya kami.

Ayun at tumayo uli siya para lumapit sa amin. "Hey, what's up?"

"Nambibisita." Sagot ko.

"Ilang sandali kong nalimutang babaero ka," sunod naman ni Violet.

Yeah, me too.

"I was cool, yeah?"

Sheesh, ito nanaman ang hangin niya.

"I bet you gawked like those girls there."

"Fight me. I'll make you gawk in pain." Banat ko. Magaling ka ngang asungot ka pero kumpiyansa akong mapapatumba kita kung mag-isparring nga tayo.

"Oh, feisty. I like that," balik niya. "Sandali lang, okay?" Tapos iniwan niya kami. Lumabas siya ng studio. Mula sa glass door ay nakita kong kinausap niya ang tao sa service desk. Ilang sandali pa ay inabutan siya ng babaeng clerk ng something na puti at susi.

Huh?

Lumingon siya at nakita kaming nakatingin sa kanya. Iginalaw niya ang ulo, tinatawag kami.

Sa isang empty studio niya kami dinala kung saan ay may posters ng judo.

"Here, wear this." Abot sa akin ni Scent ng puting pares ng uniform.

"Huh, teka, biro lang yon!" Lol, nanghahamon lang ako!

"I know," nakangising sagot niya. "Careful what you ask for, sweetie."

"Ang saya nito." Si Violet, kumukuha na ng monoblock mula sa nakastack sa dulo ng studio.

"Come on, let's see what you got." Hamon ni Scent.

Huh, this guy.

...

"Yow!" kaway ni Fi paglabas ko ng changing room. Nakaupo na ito sa kaliwa ni Neil nakatabi naman si Violet.

"Andito lang ako ng five minutes," turo ko sa changing room. Ba't biglang lumitaw 'tong dalawang 'to?

"Tinext niya kaming may sparring kayo." Turo nina Neil at Fi kay Violet.

...

"What did you learn?"

Actually, lahat, tinuro ng PC. "Self-defense. Hindi ko alam kung anong specific discipline yon."

"I'll go easy on you."

"Don't you dare." Kanta ko. "Nga pala, hindi lang legs ang pwede mong gamitin. Just fight me."

"Okay," na-aamaze na sagot niya.

"Any rules?"

"You can use and do whatever you want."

Huh, ikaw nagsabi niyan ah.

Let's see. Shall we start with the basic?

Ako na ang naunang gumalaw. Umigwas ang kamao ko na ikinagulat niya pero mabilis rin naman niyang naiwasan sa pagkaliwa. Gumalaw ang kaliwang paa ko paapak sa paa niya na ikinasinghap niya. Mabilis ko itong sinundan ng tuhod pataas sa tiyan niya.

Naipaharap niya ang mga kamay upang saluhin ang tuhod ko. Sinamantala ko ito para iuntog and balikat ko sa dibdib niya at itulak siya pabagsak. May kumawalang sigaw, ang sunod ay ang pagbagsak ng likod niya sa mat habang nasa ibabaw naman niya ako.

"Tah, Karma, dumadamoves," tawa ni Fi

Umalis ako sa ibabaw niya. "I told you not to underestimate me."

"Ang boring nito, Scent," reklamo pa ni Neil.

"She's the aggressive type, huh?" upo ni Scent habang minamasahe ang dibdib.

"You betcha- Ah!"

Bigla ba naman niyang hinila ang kanang paa ko. Buti na lang at naka-jaw in ako kaya hindi tumama ang ulo ko sa mat.

"You okay?" gapang niya palapit sa akin.

"Ugh, ang boring!" reklamo na ng dalawang asungot kasale pa si V.

...

Walang-hirap na naiwasan ni Scent ang atake ko. Hinila niya ang braso ko palapit sa kanya pero bago pa pumaloob ang paa niya sa pagitan ng mga paa ko ay tumalon ako paabante. Nanatili ang hawak niya sa mga braso ko pero nakayuko ako, nakalayo ang mga paa ko sa abot ng mga kamay niya.

Nagtama ang mga mata namin. Pareho kaming humihingal. Nakatatlong panalo na ako sa kanya habang siya naman ay dalawa. Hindi ko alam kung kailan ito matatapos pero kapag nanalo pa ako ng isang beses, ititigil ko na ito. Whooo, matagal-tagal na rin nang huli akong gumalaw ng ganito. Maging nang inatake kami noon ni Thorn eh hindi ako nag-close contact combat nang ganito katagal.

Nang ngumisi siya ay napangisi rin ako. Bigla nanaman niya akong hinila at buong lakas ang ginawa kong pagpigil sa sarili ko upang hindi mahila palapit sa kanya. Tapos isa pang hila. Tapos isa pa. Tapos isa pa! Ay bwisit!

Braso ko! Balikat ko! Balakang ko! Talampakan ko, pagod na! Nanakit na lahat!

Dumulas na nga ang talampakan ko at nahila ako sa kanya. Mabilis niyang pinatid ang paa ko at itinulak ang itaas na katawan ko pabagsak nang palikod. Sheeesh, hindi ganito kadali!

Nang maramdaman ko ang pag-alis ng paa ko sa mat ay ibinuhos ko lahat ng lakas ko upang hilain si Scent at iikot ang katawan ko upang iikot ang posisyon namin. Siya ang tumama sa mat habang sa dibdib naman niya ako bumagsak. Sabay pa kaming napasinghap sa paghigit ng hininga namin sa impact.

"I win!" hingal ko.

"Damn," sagot lang niya. Ramdam na ramdam ko ang init ng dibdib niya. Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi ko first time na maging close contact nang ganito sa tao pero never kong naramdamang nasisiyahan dahil sa ganitong skin to skin contact.

Damn nga, nahuhulog na talaga ako sa lalaking 'to.

"Masyado ka ng nag-eenjoy, Karma."

Kumunot ang noo ko. Boses ba yon ni Captain?

Nagtaas ako ng tingin sa labas ng mat. Noon ko narealize na pati sina Scarlet, Vixen, at Red... at mga nakataekwondo boys ang girls ang nanonood. Kailan pa andito itong mga 'to?!

Ngali- ngali akong umalis sa ibabaw ni Scent. Nangunguwestiyon kong tinignan si Violet.

"Sa group chat ko sinend yung detalye."

Naiintindihan ko yun pagdating kina Vixen, Scarlet at Red. Pero bakit may iba pa?

"Sorry, nalimutan kong iclose nang maayos itong pinto." Sagot ni Vixen.

Nakita ko sa tabi ni Vixen ang babae kaninang kilig na kilig kay Scent. For some reason ay bigla akong nasiyahan sa kaisipang nakita niya ang namagitan sa amin ni Scent.

Gaaaah, I'm this immature just because of this guy?!

...

...

Natigilan sa akmang pagyuko si Scent nang aabutin sana ang bike lock ng kanyang bisekleta. "Aray, aray, aray..." mutmot niya sabay masahe ng balakang.

"Magba-bike ka na ganyan kalagayan mo?" tanong ni Karma

"It's not like I'm injured. It's just some muscle pain."

"It's still pain. Pain is distracting. Pain can kill."

Nagtaas ng kamay si Scent na tila ba manunumpa. "I will not die today. And I will see you tomorrow."

"You better."

"Mauuna na ako. Gusto ko ng hot bath."

"Yeah, that'll help."

"You should take one too. And oh..." Pinaharap nito ang bagpack nito at may kinalkal. Ilang sandali pa ay may nilabas itong isang pack ng salonpas at iniabot sa kanya. "I know you were hit hard too, so."

"Mas kailangan mo 'to."

"I've got tons of this at home. Just take it."

"You use it."

"Hey, I'm trying to be a gentleman here. I'm already embarrassed about the duel, don't reject me right now."

Kinuha nga ni Karma ang pack.

"Oh, hi, Milosh!" biglang kaway nito. Napatingin na rin si Karma sa may exit kung saan ay walang-pansing nagpatuloy lang si Milosh sa pagbibisekleta.

Nagmamadaling muling yumuko si Scent upang iunlock ang lock ng bike nito. Sumakay ito, saka siya binalingan. "See yah."

Kinawayan na lang niya ito bilang sagot at pinanood itong mabilis na magpedal palayo. May pakiramdam siyang nagmamadali ito upang sundan ang dumaan kaninang babae. Diyahe.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...