Genesis

Bởi reveeruary

788K 6.6K 1.2K

Ano nga ba ang tinatago ng pamilya Thompson? Kilala sa larangan ng media ang pamilya nila. Ngunit, kung gaan... Xem Thêm

Under Revision
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 27

2.7K 27 13
Bởi reveeruary

KINABUKASAN. Naabutan niyang mag-isa na siya sa silid ng kapatid at namamaga ang mata dahil sa pag-iyak kahapon.

Tinitigan niya ang kulay puting kisame. Parang hindi niya gustong bumaba o bumangon man lang. She was exhausted and tired. Gusto niya lang muna magpahinga.

Hindi lang kasi physically drained siya. Pati puso niya ay pagod na rin .

Ayon sana ang plano niya. Ang tulugin ang sakit at pagod pero hindi magtigil ang ingay ng kaniyang cellphone. Sa totoo lang, kahapon pa ito natunog at hindi niya lang pinapansin.

Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong hininga bago inabot ang cellphone sa gilid. Pikit ang mata na tinapat niya ito sa tainga.

Pero agad rin siya napabangon nang marinig ang boses nang nasa kabilang linya.

"Gene," tawag ni River sa kaniya.

Parang gusto niya maiyak. Sa hindi mapaliwanag na dahilan, gusto niya tumakbo at puntahin ito para yakapin ng mahigpit. Gusto niya magpakalma sa mga bisig nito.

Sa daming nangyari. Gusto niya lamang ang presensiya nito sa kaniyang tabi.

Nakarinig siya ng ilang malalim na paghinga bago ito nagsalita ulit. "Finally, you answered."

"Yeah... I'm sorry I didn't answer your calls," garalgal niyang sagot dito.

"It's okay. No worries," saad pa nito. As always, he was being understanding.

Saglit itong huminto sa pagsasalita. Pinakiramdaman naman niya ito. Iniisip niya kung papapuntahin niya ba si River o hindi muna.

"Gene—"

"Please, come here," singit niya sa dapat nitong sasabihin sa kaniya. Gusto niya ito makasama sa mga oras na iyon.

"Are... you sure?" he asked. Tumango siya kahit hindi nito nakikita. She heard him hummed.

"Yes, I'm sure."

"Ok, I'm outside your house," anito na kinagulat niya. Agad siyang tumayo sa pagkakahiga at nagtungo sa bintana sa gilid ng kama.

Katulad nang sabi nito. Nandoon si River nakatayo habang nakatapat ang cellphone sa tainga nito at nakatingin na sa gawi kung nasaan namamalagi ang kaniyang silid.

SINALUBONG siya ng mahigpit na yakap ni River nang makapasok ito sa loob ng silid. Pumulupot naman ang binti niya sa baywang nito.

Naglakad si River at umupo sa gilid ng kama. She sat on his lap and straddled him. Niyakap niya ito at tinago ang mukha sa dibdib nito.

Ramdam naman niya ang paghaplos nito sa kaniyang buhok. Pinikit niya ang mata at mas lalo sumiksik dito.

"I've heard what happened."

She froze. Then, hummed. Ayaw niya pagusapan ang nangyari. Kung kaya, hinarap niya si River at tinitigan ito sa mata.

Hinawakan niya ang pisngi nito. Pumikit ito at parang pusa naman itong sinundan ang haplos niya.

"Gene, aren't you gonna ask me if I know something?" tanong nito nang dumilat ito. Umiling naman siya. Umiwas ng tingin.

"Why?" tanong pa nito.

"Shh." Tinakpan niya ang bibig ng binata gamit ang hintuturo. Ngumiti pa siya rito. "Let's not talk about it, hmm?"

"But we need to ta—" Hinalikan niya ito sa labi para tumigil ito sa pagsasalita. Natigilan naman si River at mahigpit na kumapit sa kaniyang baywang at pang-upo.

Hindi naman niya napigilan ngumiti habang hinahalikan ito. Mas dinikit niya pa ang katawan dito. Kumapit din siya sa collar bone ng suot nito.

She moaned between their kisses. Ramdam niya na may bumukong sa gitnang bahagi niya kung kaya doon natuon ang atensiyon ng kaniyang katawan.

They were both busy eating each other faces when she heard someone called her.

Parehas silang dalawa ni River natigilan. Lumingon siya sa pinaggalingan ng boses. Nanlalaki ang mata niya nang makita kung sino ito.

"C-chase..." gimbal niyang tawag sa pangalan nito. Bigla siya napatayo sa kandungan ni River.

Umiling si Chase sa kaniya pagkatapos ay tumalikod ito at nagsimula na lumabas ng silid. Bumalik naman ang tingin niya kay River. Nakagat niya ang ibabang labi.

She doesn't know what to do.

Pinaglaruan niya ang kamay nanginginig sa hindi mawaring nararamdaman.

Napaatras siya. Inabot ni River ang kamay niya pero agad niya rin ito inalis at sinundan si Chase pababa ng first floor. Narinig niya pang tinawag siya ni River pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo upang mahabol si Chase.

Hindi naman siya nabigo dahil naabutan niya ito sa labas ng bahay nila. Nakahinto at nakatalikod.

"Chase," she called. Hindi ito lumingon o nagsalita.

Marahan siyang naglakad patungo sa kinatatayuan nito. Nang tumapat siya sa likuran nito. Hindi naman niya alam ang sasabihin dito. Hindi niya mawari kung bakit nasasaktan ang puso niya.

Hindi na niya naiintindihan ang nararamdaman niya. Halo-halo na ito sa emosyon.

Bakit niya iniwan si River? At sinundan si Chase?

Bakit niya sinundan si Chase at iniwan si River?

Pinunasan niya ang taksil na luhang lumandas sa kaniyang pisngi. Ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa dalawa na ngayon hindi naman pala talaga silang tunay na magpipinsan.

"I already know, Chase. We are not real cousins and I'm not Thompson..." Saglit siyang huminto. Bumagsak ang balikat at tingin niya sa lupa. "H-hindi ko alam ang gagawin ko."

"Nasasaktan ako sa mga nalaman ko. Gusto ko magalit. Gusto ko mainis. P-pero hindi ko magawa," dagdag niya pa.

Ilang sandali, umangat ang tingin niya nang makitang humarap na ang sapatos ng binata sa kaniyang gawi. Seryosong nakatitig si Chase sa kaniya. Hindi naman siya nagpaawat at nakipagsabayan siya ng tingin dito.

"Then, be angry. 'Wag mo pigilan sarili mo. I will, too."

Umiling siya. "You don't understand. I... I love our families."

"You know you could do both, right? It doesn't make you less as a human if you just let yourself."

Tumagos sa kaniyang puso ang sinabi nito. Hindi masasabi ng isang tao nagmamahal ito kung hindi ito makakaranas ng pagkainis o pagkagalit. Hindi ibig sabihin nito ay kinasusuklaman na nito ang isang tao. Ibig sabihin nito ay tunay siyang nagmamahal dahil gusto niya mapabuti ang kalagayan ng mga tao nasa kaniyang paligid.

"Chase." Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya. Para bang walang emosyon ang mga mata nito habang nakatingin.

Tumango siya. Nasasaktan man ay nagsalita siya. "Hindi mo ba ako tatanungin sa nakita mo kanina? Sa pamilya natin? Anong plano mo?"

"Wala akong plano." Still unfazed.

Kumunot ang noo niya. "G-gano'n lang 'yon? But why are you here?"

"I don't know." Umiwas ito ng tingin sa kaniya. Pinagmasdan niya ang kinikilos nito. Hindi ito nagsasabi ng totoo. Kilala niya ito at ngayon na wala itong sinasabi sa kaniya at tahimik lang ito. Mas lalo siya nag-aalala para sa binata.

"Please, Chase? Don't shut me out."

He sighed. Nagawa pa nito tumingin sa magkabilaan kalsada bago nagsalita.

"What do you want me to do? I'm done associating myself with this families' bullshit."

Natahimik siya. Pero hindi pa tapos si Chase maglabas ng saloobin nito.

"I tried to save our asses. Hoping it won't hurt you." Mapait itong ngumiti. "Valerie saw us that day."

"A-ano?" naguguluhan niyang tanong dito.

Sarkastik natawa si Chase. "Yeah, and to save our family. I accepted to be her boyfriend. Nakakatawa ano? I'm such a coward."

"Hindi ka duwag, Chase. B-bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin?"

"Tapos na 'yon. It doesn't matter now."

Malungkot siyang tumingin dito. "Hindi mo na ba ako pinagkakatiwalaan? I thought we're cousins-slush-best friends?"

Pilit na ngumiti si Chase. "Akala ko rin. But everything is different now, Genesis. Hindi na tayo magpinsan. Hindi na tayo magkadugo."

Tinitigan niya ito. Hinintay niya ang susunod pang sasabihin nito pero wala na itong sinabi pa. Maliban sa hindi mabasang emosyon nito sa mga mata. Hindi na niya ito mabasa.

"Cha—"

Lumipat ang tingin ni Chase sa kaniya papunta sa kaniyang likuran. Lumingon tuloy siya kung sino tinititigan nito. Doon niya lang naalala na iniwan niya pala si River sa silid ng kuya niya.

At ngayon ito'y nasa harapan na ng bahay nila. Seryosong nakatingin sa kanilang dalawa ni Chase.

"I guess, we're done here. Kuya River is waiting for you."

Nabalik ang tingin niya kay Chase. Hahabulin niya sana ito nang makapasok na ito sa loob ng sasakyan at iwan siyang tulalang pinagmamasdan ang sasakyan nitong palayo.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

446K 6K 71
Siya si Claire Agustin, nagtatrabaho bilang nurse sa isang ospital at may dalawang kaibigan na nagngangalang Jake at Josh. Sila nga ata ang pumalit s...
1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
Stolen Supremacy Bởi ♡

Tiểu Thuyết Chung

3K 805 39
"Well, then let's see who can go first inside the maze then stole the heart." That's what I said to him but I think I got trap in my own maze. Yung a...
Encuéntrame Bởi fei

Bí ẩn / Thriller

6.9K 205 24
[SOON TO BE PUBLISHED UNDER PIP] DEATH NOTE SERIES Page #5 May sampung magkakaibigan ang nakatanggap ng isang lumang sulat kung saan nauwi ang mga it...